Followers

Saturday, October 16, 2010

Untitled [6]

by: bx_35
e-mail address/YM ID: bx_35@yahoo.com

Chapter 6 – Staying with Ethan

Bigla ko naalala na na-kwento sa akin ni dati ni Ethan na meron isa sa mga kaibigan niyang naki-usap kung pwedeng mag-stay muna sa kanila. Pumayag naman daw ang magulang ni Ethan pero sa di malamang dahilan ay hindi natuloy ang kaibigan niya. Buti na lang at nagbunga din ang ilang araw kong kaka-isip kung paano ako makatakas sa problema ko. Siguro para sa iba, immature ang tingin sa akin, simpleng problema ng pamilya, kailangan ko ng takasan.


“Bro, pwede ba ako tumira sa inyo pansamantala?” text ko kay Ethan.

“Sa akin walang problema yon, pero tanong ko muna sa nanay ko. Pero huwag kang mag-alala sigurado naman papayag siya” reply sa akin ni Ethan.

“Ok, sige, hintayin ko reply mo at sana nga ay pumayag ang nanay mo” text ko ulit kay Ethan.

Maya-maya lang ay nag-text na sa akin si Ethan.

“Bro, ok na, pumayag na si nanay ko kaya pwede ka na pumunta dito kahit kailan mo gusto” sagot ni Ethan.

“Maraming salamat at pakisabi na rin sa nanay mo na salamat” reply ko kay Ethan.

Pagkatapos noon ay pinag-isipan ko naman kung ano ang magiging paalam ko sa mga magulang ko. Maraming ideya ang pumasok sa utak ko hanggang sa naisip ko na sabihin ko sa kanila na kailangan kong tumira sa company accommodation dahil maraming ginagawang trabaho. Noong una ay hindi rin ako sigurado pero yon na ang pinaka-magandang gamitin kong dahilan. Di nila kasi alam na wala naman akong ginagawa sa office kungdi mag-hintay sa mga delivery trucks at magbigay ng resibo sa mga drivers.



“Nay, naki-usap ang boss ko, kailangan kong tumira sa company accommodation kasi maraming ginagawang trabaho” lakas na loob akong naki-usap sa nanay ko.

“Bakit naman? Kahit anong oras naman ay pwede ka umuwi kasi 24 hours naman ang mga bus, palagay ko hindi mo na kailangan pang tumira doon” sagot sa akin ng nanay ko.

“Pero nay, mahihirapan lang ako kasi hindi ko alam kung anong oras kami uuwi at kapag gabi ay mahirap na ang mga bus. Baka naman matagalan akong maghintay ng bus tapos maaga pa ang pasok ko kinabukasan” pagpapatuloy ko.

“Gaano ka naman katagal doon?” tanong ng nanay ko.

“Siguro isang buwan lang” sagot ko sa nanay ko.

“Sige, pero uuwi ka rin kapag hindi ka busy sa trabaho at tuwing day off mo” paki-usap ng nanay ko.

“Opo naman, ayaw ko naman talaga sana kaya lang kailangan lang” patuloy na pagsisinungaling ko sa nanay ko.

Labag man sa loob ko ang ginawa kong kasinungalingan ay wala naman ibang dahilan para maka-alis ako sa amin. Sa totoo lang, noon pa man ay gumagawa na ako ng paraan para maka-alis ako sa amin. Kasi masyadong protective ang mga magulang ko kaya hindi ko nagagawa ang mga gusto kong gawin. Kung nakaka-inom man ako at nakikitulog sa mga kabarkada ko noong high school, dahil lang nagsisinungaling ako sa kanila.

“Bro, pumayag na si nanay ko na umalis sa amin. Siguro sa susunod na araw ay lilipat na ako sa inyo at magdadala na rin ng mga damit ko” text ko kay Ethan.

“Sige, walang problema at huwag kang mag-alala lilinisin ko na rin ang kwarto. Alam mo bang pinasaya mo ako ng husto?” reply ni Ethan.

“Huwag ka na ngang mag drama dyan” pabirong reply ko sa kanya.


Makalipas ang isang araw lang, inayos ko na ang gamit at damit na dadalhin ko sa company accommodation, este kina Ethan pala. Gusto ko sanang umiyak at umatras na lang pero mas gusto ko pa rin na makasama si Ethan. Alam kong mali na mas piliin siya kaysa sa pamilya ko.

“Nay, alis na ako. Diretso na ako sa accommodation” paalam ko sa nanay ko.

“Sana mamayang gabi ka na lang umalis, may pasok ka rin naman mamaya di ba?” pagpigil ng nanay ko sa akin.

“Kailangan ko pa kasing ayusin ang mga gamit ko doon at baka maaga rin akong papasukin sa trabaho” pagpapatuloy ko.

“Nag-aalala kasi ako sa iyo, umuulan pa naman baka mabasa ka at magkasakit ka na naman” sabi ng nanay ko.

“Nay naman, magdadala naman ako ng payong para di ako mabasa. Sige na po, alis na ako” paalam ko sa kanya.

Umalis ako ng bahay, kasabay ng ulan ay ang pagdaloy ng luha ko sa akin mga mata habang naglalakad ako palabas ng kanto. Alam kong walang nakaka-intindi sa ginawa ko, at ilang beses ko na rin na tinanggap sa sarili ko na mali pero mas kailangan ko iyon. Mabigat sa loob ko ang iwan ko sila pero kailangan ko rin ng panahon para humiwalay pansamantala sa kanila.

“Bro, papunta na ako dyan. Sakay na lang ako ng tricycle papunta sa inyo kasi malakas ang ulan, ayokong maglakad” text ko kay Ethan.

“Sige hintayin kita dito” reply ni Ethan.

Nakarating ako kina Ethan, pagpasok ko sa kanila ay binati ko ang mga magulang niya at dumiretso na ako sa kwarto niya. Pagpasok ko pa lang ay kaagad na niyang ni-lock ang pinto at sinalubungang niya ako ng mahigpit na yakap at napakasarap na halik, pagkatapos ay muli na naman ang maiinit na kwentuhan ng apat na ulan sa kabila ng lamig na dulot ng malakas na ulan.

Masaya ang pagtira ko kina Ethan kahit na hindi pa rin niya ako pinapayagang lumabas ng kwarto maliban na lang kung maliligo ako. Parehong masaya kami kasi hindi na namin kailangang maghintay ng araw para magkita kami. Hindi rin maiiwasan na mas dumalas na may mangyari sa amin lalo na kapag matapos maligo. At mas marami rin kaming napapag-kwentuhan kasi wala naman kaming ibang magawa sa kwarto niya.

“Natatandaan mo pa ba noong college, noong bago pa lang kayong magkakasama nina Randolph, diba lagi ninyo akong sinasama kapag may lakad kayo, kaya lang hindi ako nakakasama kasi nga busy sa campaign para sa student council” tanong ko kay Ethan.

“Oo naman, gusto ka rin sana namin makasama dati lalo na noong manalo ka sa election, siempre parang sikat din kami kapag kasama ka namin” biro ni Ethan.

“Gusto ko naman sana sumama kaya lang siempre sobrang busy rin sa pag-aaral. Pero hindi ako nanghinayang kasi marami naman akong natutunan sa Student Council kahit na maraming naging problema” paliwanag ko kay Ethan.

“Hindi siguro, palagay ko mas marami kang natutunan kung sumama ka sa amin” sabi ni Ethan.

“Bakit, ano bang pinanggagawa ninyo dati?” tanong ko kay Ethan.

“Hindi naman talaga ako kasama sa mga kalokohan nila, sila lang naman ang gumagawa noon. Nagsimula kong malaman noong sumama ako sa isang fiesta, pagkatapos namin uminom, naghaharutan sila at ewan ko, bigla naman akong tinigasan at sakto naman na hinawakan ako ng isa sa kanila at nabigla siya sa kanyang nakapa. Naki-usap sila na tignan nila pero siempre hindi ako pumayag” paliwanah ni Ethan.

“Hindi siguro, he he. Mukhang maganda pala ang mga nangyayari sa inyo dati” biro ko kay Ethan.

“Oo naman. Noong isang araw nga nasa hospital ang asawa noong isa, nanganak siya at bumisita naman ang isa namin kaibigan at doon mismo sa banyo ng hospital sila gumawa” kwento ni Ethan.

“Paano nangyari yon, nadoon ang asawa niya. Siempre magtataka yon?” tanong ko kay Ethan.

“Siempre hinintay nila na makatulog yung babae bago sila pumasok sa banyo” paliwanag ni Ethan.

“Marami pa silang ginagawa, madalas sa bahay lang nila, tiempuhan nilang walang tao tapos pasok sila sa kwarto” pagpapatuloy ni Ethan.

“Buti pala hindi ako sumama sa inyo kung hindi baka madamay pa ako sa mga kalokohan ninyo” sabi ko kay Ethan.

“Ikaw naman, paano nagsimula ang kaberdehan ng utak mo?” tanong ni Ethan.

“Di ba nakwento ko na sa iyo dati. Ang kulit mo naman” sabi ko kay Ethan.

“Sige na kwento mo na ulit, wala naman tayong ginagawa, para lang lumipas ang oras natin, he he” pabirong sabi ni Ethan sabay halik sa akin.

“Noong bata pa kasi ako, siguro anim na taon ako noon, lagi akong sinasama ng mga tito ko kapag nanonood sila ng x-rated films, tapos ay pinapahawak nila ang di ko dapat hawakan. Nahinto yon noong magsimula na akong mag-aral. Nakapanoon lang ulit ako ng x-rated film noong high school na ako, kasama ko ang mga kabarkada ko” paliwanag ko kay Ethan.

“Wala bang nangyayari sa inyo noon kasama ang mga kabarkada mo?” tanong ni Ethan.

“Paanong may mangyayari ang dami namin kapag nanood kami, mahigit sampo kaming magbabarkada at libangan lang talaga ang panonood at may respeto naman kami sa bawat isa” sabi ko kay Ethan.

“Wala naman palang adventure sa barkadahan ninyo” sabi ni Ethan.

“Hindi nga namin kailangan yon, di naman lahat ng magkakaibigan ay kailangan maranasan yon. Ikaw, paano ka naman nagsimula o talagang likas na ang pagiging berde ng utak mo?” biro ko kay Ethan.

“Siguro nga likas na ito. Noong magpatuli ako, sinabi rin sa akin ng manunuli iba daw ang laki ng sa akin. Siguro tsismoso yon kasi pagkatapos ay bigla na lang dumami ang nakaka-alam sa amin tungkol sa pinatatako kong sekreto. Siempre di ko naman pinansin iyon dahil bata pa ako. Minsan ay tinawag ako ng kapitbahay namin at pinapasok ako sa kwarto niya. Sabi niya ay bibigyan niya ako ng pagkain at laruan basta hubarin ko lang ang damit ko, at ginawa ko naman. Di ko naman alam na bading pala siya, buti na lang at wala siyang ginawa sa akin” kwento ni Ethan.

“Ha ha, ang dali mo lang pala ma-rape. Bigyan kaya kita ng candy ngayon tapos rape kita” biro ko kay Ethan.

“Di mo na kailangan i-rape ako, pwede mo naman gawin sa akin kahit anong gusto mo, eh” biro ring sagot ni Ethan.

“Sino ang unang nakahawak sa’yo?” tanong ko sa kanya.

“Hindi ko na rin alam, kasi medyo marami na. Si Junior at yung nurse dyan sa tapat bahay alam ko nga nahawakan na rin ako. Siempre bata pa ako noon kaya hindi ko naman inisip iyon, biro-biro lang naman dati iyon. Tapos noong high school pala, yung isang teacher namin ay kinunan kami ng picture na naka-hubad kami kapalit ay mataas na grade sa subject niya, pumayag naman ako.” pagpapatuloy pa ni Ethan.

“Ibig sabihin ay kalat na sa lugar ninyo ang malaki mong sekreto?” tanong ko ulit kay Ethan.

“Hindi naman siguro marami, konti lang naman ang mga nakakabiruan ko dati at wala akong pakialam kahit ipagsabi pa nila kasi di naman nila makukuha ito” sagot ni Ethan.

“Yung mga kasama mo noong college, anong ginawa nila sa’yo noong malaman ang tungkol diyan?” tanong ko kay Ethan.

“Hanggang hawak lang sila. Madalas nga ay niyaya ako sa kanila, pumapayag lang ako pero di ako nagpupunta. Bahala silang maghintay” paliwanag ni Ethan.

“Di ka ba nagsisisi sa mga nangyari sa iyo dati?” tanong ko sa kanya.

“Hindi naman, nagiging liberated lang naman ako pero maingat pa rin naman” sagot ni Ethan.

Sa madaling panahon na nakasama ko si Ethan, alam kong kakilala ko na talaga siya, kaya alam ko na kahit na marami siyang kwento sa akin marami pa rin siyang tinatago. Hindi siya yung tipo ng tao na sasabihin ang lahat kahit na close na kami. Alam ko nandoon pa rin ang hiya niya sa akin. At alam ko rin, darating ang panahon na masasabi rin niya ang lahat sa akin.

Mas lalo pang lumalim ang pagka-kaibigan namin ni Ethan dahil sa pagtira ko sa kanila. Sa totoo lang, mas malayo pa ang bahay nila sa trabaho namin kaysa sa amin, kung manggagaling ako sa amin, halos 30 minutes lang ang biyahe, pero kung sa kanila halos isang oras. Masakit sa akin na dinadaanan ko lang ang bahay namin kapag papunta ako ng trabaho galing kina Ethan. Araw-araw may lalong bumibigat ang pakiramdam ko, kasi alam ko mali ang ginagawa ko, pero nandoon na akong sa sitwasyong iyon, at nawawala lahat ng pangamba ko kapag kasama ko na si Ethan.

Tuwing umaga pagkagaling sa trabaho, aasahan ko na ang almusal na naghihintay sa akin sa kwarto ni Ethan. Alam niya kasi na sanay akong nag-aalmusal kaya lagi siyang naghahanda, samantalang sila ay hindi naman nag-aalmusal. Hindi niya ako iiwan sa kwarto hanggan hindi ako nakakatulog. Habang tulog ako ay tutulong naman siya sa mga gawaing bahay at maghahanda rin ng tanghalian namin. Pagkatapos ng tanghalian, salitan kaming maliligo at sabay kaming matutulog tuwing hapon.

Naranasan ko rin ang maligo sa ulan na kasama siya, mangisda kasama ang mga kapatid niya, tumambay sa bukid at kung ano-ano pa. Kung may extrang pera naman ay umiinom kaming dalawa sa kwarto niya.

Halos dalawang buwan na rin akong nakatira kina Ethan noon, madalang lang ako umuwi sa amin, isang beses sa isang lingo lang. Madalas ngang tinatanong ng nanay ko kung kailan matatapos ang maraming trabaho ko kasi gusto na nilang umuwi na ako, pero sabi ko sa kanya sa baka aabutin pa ng ilang buwan.

“Happy 3rd monthsarry” yan ang bati namin ni Ethan sa isa’t isa. Talagang hinintay namin ang pagpatak ng alas dose ng madaling araw para mabati ang bawat isa.

“Tulog na tayo” sabi ko kay Ethan.

“Sige, na-greet na rin naman kita, he he” sagot ni Ethan.

Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz.

6:00 AM pa lang, nakasakay na ako sa bus, dayshift ako noong lingong iyon. Habang nasa biyahe ako iniisip ko ang mga nangyari sa amin ni Ethan. Sa tatlong buwan na magkasama kami, ang dami ng nangyari sa amin at eto nga, nakuha ko pang makitira sa kanila.

Kagaya ng dati, gumawa ako ng sulat para sa kanya, wala kasing oras para bumili at wala rin akong pambili. Pagkalabas ko ng office ay nag-text ako kay Ethan na kakain kami sa labas para mag-celebrate. Sa gitna ng munti naming salo-salo ay nagpalitan kami ng sulat, at doon din ay binasa namin, wala kaming pakialam kung nakatingin ang mga tao sa amin. Pagktapos kumain at magbasa ng sulat, nagpasya na kaming umuwi, ayaw naming mamasyal at mas excited kung ano ang posibleng mangyari sa kwarto niya.

Pagpasok pa lang sa kwarto, kaagad kaming nagyakapan at naghalikan, muli ay nagkwentuhan na naman ang apat na ulo, at sa kalagitnaan ng pagkukwentuhan, nagsalita si Ethan:

“Tayo na” sabi sa akin.

“Akala ko ba ayaw mo sa relasyon sa kapwa lalaki?” tanong ko kay Ethan.

“Wala na sa akin iyon, mas higit pa nga natin ang mag-asawa sa ginagawa natin at isa pa, mahal talaga kita” paliwanag ni Ethan sabay halik sa akin.

“Sige, sabagay tama ka” sagot ko kay Ethan.

“Ano, tayo na, ha, wala ng bawian yan?” tanong ni Ethan.

“Oo, tayo na at alam mo naman na mahal din kita” sagot ko kay Ethan.

Kami na ni Ethan.















No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails