Followers

Saturday, October 23, 2010

Untitled [8]

by: bx_35
e-mail address/YM ID: bx_35@yahoo.com

Chapter 8 – Randolph

“Manyak” tawag ulit sa akin ni Ethan.

“Malibog” pagsagot ko sa kanya.

“Psst, tahimik ka lang, baka marinig tayo sa labas, baka ano pang isipin nila” pagbabawal sa akin ni Ethan.

“Ikaw naman kasi ang nauna, adik” sabi ko kay Ethan.

“Anong adik?” tanong sa akin.

“Adik sa sex, he he” sagot ko sa kanya.

Umaga pa lang ay nagkukulitan na kami sa loob ng kwarto niya. Simula noon ay ginamit din namin ang “adik” bilang tawagan sa bawat sila kapag nagkukulitan kami o kahit sa normal na usapan lang.

“Adik, sige na nga, matulog ka muna, nakakahiya naman sa’yo kakagaling mo lang sa trabaho” utos sa akin ni Ethan.

“Adik, sige matutulog na ako, mamaya na kita kukulitin, sarapan mo ang luto sa tanghalian natin, he he” sabi ko kay Ethan.

Halos ganyan lang kami araw-araw, kahit na wala na kami halos pag-usapan ay di naman kami nagsasawa sa kulitan.


“Adik, gising ka na, kain na tayo ng tanghalian” pag-gising ni Ethan sa akin.

“Sige maghihilamos lang ako bago tayo kumain” sabi ko sa kanya

“Sige bilisan mo habang mainit pa ang pagkain” sagot sa akin ni Ethan.

“Nagising ako kanina at nakita ko na may binabasa kang sulat habang naka-upo ka dito sa tabi ko, pero di na kita inistorbo kasi mukhang busy ka, hinayaan na lang kita kaya nakatulog din ako. Kanino galing yon?” tanong ko kay Ethan pagbalik ko sa kwarto.

“Galing kay Randolph” sagot ni Ethan.

“Uy, pabasa naman mamaya, kung ok lang. Sabi mo kasi wala na tayong itatagong sikreto, kaya dapat mabasa ko yung sulat na iyon” pangungulit ko kay Ethan.

“Sige, mamaya pagkatapos kumain, papabasa ko sa’yo” sabi ni Ethan.




Si Randolph.

First year college, first semester (SY 2000-2001), isa si Randolph sa mga kaklase ko. Sa katunayan, ahead siya ng isang taon sa amin, kaya lang nagkaroon siya ng bagsak sa mga major subjects niya kaya di na nakahabol sa mga ka-batch. Naging regular ang pagkuha ng mga major subjects niya simula noong maging kaklase namin siya, siguro ay naging magandang impluwensiya kami sa kanya, biro lang, he he. Pero kung may pagkakataon siya, ina-advance niya ang mga minor subjects para makapag-concentrate siya sa mga case studies at OJT kapag 4th year na kami. Sa aming mga magkaka-barkada, masasabi kong isa siya sa mga ka-close ko.

Third year college (SY 2002-2003), nagkaroon siya ng pagkakataon na mas maraming minor subjects ang i-advance niya. Nang magsimula na ang pasukan, nakasama na lang namin siya sa mga major subjects namin. Dumami ang mga kaibigan niya, isa na rito si Ethan. Una naman kami ng isang taon kay Ethan, regular student siya pero kung may pagkakataon din ay nag-aadvance siya ng mga minor subjects.

Minsan habang nasa corridor kami ng college at busy sa pagre-review sa quiz, dumating si Randolph kasama si Ethan. Pinakilala niya sa amin, yung ang unang pagkakataon na nakaharap ko siya. Simula noon ay lagi naming napapansin na lagi silang magkasama. Kapag meron namang kaming lakad na magkakabarkada, lagi pa rin naming iniimbitahan si Randolph at madalas ay kasama pa niya si Ethan.

Mas gumagaan ang pakiramdam ko kay Ethan sa tuwing makikita ko siya. Gusto ko rin siyang maging kaibigan pero kagaya nga ng nasabi ko dati, di kami nabigyan ng pagkakataon na maging malapit noong nag-aaral pa lang kami. Samantalang silang dalawa ni Randolph ay halos di na sila mapaghiwalay, hanggang umabot kami ng 4th year, magkasama pa rin sila.


Isang tipikal na araw sa buhay naming magkakabarkada, sa labas ng college namin:

“Palagay nyo sino ang bading kina Ethan at Randolph?” tanong ko sa mga kabarkada kong mga babae.

“Ikaw talaga Bryan, ang sama mo, pati silang dalawa ginagawan mo ng intriga” sabi ni Ann.

“Oo nga, wala ka na naman magawa kaya silang dalawa naman ang pinagdidiskitahan mo” sabi naman ni Elena.

“Ganito kasi yon, last week pagkatapos ng OJT namin ni Randolph, nagyaya siyang pumunta kina Ethan. Pagdating namin doon ay pinapasok ako sa kwarto ni Ethan samantalang sila ay sa labas nagkwentuhan. Sa pagmamasid ko, nakita ko na may naka-display na picture si Randolph, siempre ano ang iisipin niyo?” paliwanag ko sa kanila.

“Tigilan mo na nga iyan, baka dumating si Randolph at marinig ka pa” pagpigil sa akin.

“Ganito na lang, si John, first year pa lang kasama ko na siya, tapos nagpunta kayo sa kwarto niya at makitang may picture ako doon, ano ang iisipin niyo?” pangungulit ko sa kanila.

“Ha ha, pati ako idadamay mo pa” sabi ni John.

“May point is, bakit may picture doon si Randolph at bakit lagi silang magkasama, at sa pagkaka-alam ko pa madalas na matulog si Ethan kina Randolph” pagpapatuloy ko.

“Bryan, ikaw talaga kapag humirit ka hindi ka na masaway” pag pigil ulit sa akin ni Elena.

“Sige na nga, hihinto na ako, pero pag isipan nyo ang mga sinabi ko at sa susunod dapat may comment na kayo, he he” pagtatapos ko sa kakulitan ko.

Ako lang naman ang may lakas na loob na i-open sa barkada namin ang tungkol kina Ethan at Randolph, iba kasi ang closeness nila. Siguro ay dinadaan ko na lang sa kakulitan ang pagkainggit sa closeness nilang dalawa.


Balik ulit sa kwarto ni Ethan, year 2005.

“Adik, tapos na tayong kumain pero di mo pa rin pinapabasa sa akin yung sulat ni Randolph. May tinatago ka ba? May importante bang nakasulat kaya ayaw mong ipabasa?” tanong ko kay Ethan.

“Wala naman. Tinago ko na kasi yung sulat at tinatamad akong kunin” palusot ni Ethan.

“Sige kung ayaw mong ipabasa, pwede bang magtanong tungkol sa inyo ni Randolph? Matagal ko ng gusto i-open kaya lang nahihiya ako, pero ngayong tayo na, pakiramdam ko kailangan kong malaman kung ano ba talaga nangyari sa inyo dati” paki-usap ko kay Ethan.

“Sige na nga, ang kulit-kulit mo talaga” pagpayag ni Ethan.

“Ano ba talagang meron sa inyo ni Randolph?” unang tanong ko kay Ethan, na medyo kinakabahan pa ako.

“Sa aming pitong magkakapatid, ako lang ang nangarap na makatapos ng pag-aaral. Sa hirap ng buhay namin, alam kong hindi kakayanin ng magulang ko na tuparin ang pangarap ko. Nagtrabaho ako para may pambayad ako ng tuition, pero matapos ang isang taon, huminto ako sa trabaho kasi di kaya ng katawan ko. Nang sumunod na taon, nangutang ako sa mga kamag-anak ko para pagpatuloy ang pag-aaral ko. Ako na rin ang tumayong panganay sa aming magkakapatid simula ng mag-asawa ang dalawa kong kuya. Yung mga kasunod ko, nakatapos ng high school pero hanggang ngayon ay di pa rin nakakahanap ng trabaho” kwento ni Ethan.

“Nawalan ako ng pag-asa na matatapos ko pa ang pag-aaral ko. Nakilala ko si Randolph, naging magkaibigan kami at siya ang tumulong sa akin para matapos ang pag-aaral ko. Siya ang nagbayad sa tuition at ibang gastusin sa pag-aaral. Tinutulungan niya kasi ang nanay niya sa pwesto nila sa palengke kaya may may ipon siya. Madalas ay pinapapunta din ako sa palengke para bigyan ng tinda nilang gulay para may maihanda ako sa pamilya ko pag-uwi” pagpapatuloy ni Ethan.

“Sa mahigit isang taon na magkaibigan kami, minsan ay tinanong niya ako kung kami na ba. Hindi ako sumagot, natapos ang araw na iyon na hindi malinaw sa amin ang nangyari. Nang magkita kaming muli, bigla siyang naging malambing sa akin, kaya iniisip ko na nag-assume si Randolph na kami na. Gusto kong klaruhin sa kanya na hindi ako pumayag sa gusto niya, pero nagbago ang desisyon ko ng makakita ako ng kakaibang tuwa sa mukha niya. Pinabayaan ko na lang na kunwari kami. Ano ba naman yong kunwaring pagbigyan ko siya sa gusto niya, ang dami niyang naitulong sa akin, kahit na totoong pumayag pa ako, kulang pa rin iyon para makabayad ako ng utang na loob sa kanya” pagtatapos ni Ethan.

Bigla akong nanliit dahil sa mga rebelasyon ni Ethan. Kaya pala niya ako kinukulong sa kwarto para hindi ko makita ang nangyayari sa labas. Ako naman ay sumunod lang sa gusto niya kaya sa ilang buwan na patira ko sa kanila, ni hindi ko man napansin ang hirap na dinaranas nila, hindi ko alam kung sadyang bulag, bingi, at manhid ba ako. Naka-sentro lang ba talaga kay Ethan ang utak ko kaya wala na akong pakialam sa nakapaligid sa akin.

“Naayos mo ba ito bago siya umalis?” tanong ko kay Ethan.

“Maraming beses kong tinangkang kausapin si Randolph tungkol sa kunwaring namamagitan sa amin. Pero lagi akong inuunahan ng takot at hiya” paliwanag ni Ethan.

“Sandali, kung hindi ako nagkakamali, sa pagkaka-alam ni Randolph ay kayo pa rin. Wala man lang closure noong umalis siya? Parang ang labas ko niyan ay mang aagaw ng BF?” sunod na tanong ko kay Ethan.

Sa kabila ng mga nalaman kong hirap nila sa buhay, naging makasarili pa ako ay ngayon ay mas iniintidi ko pa ang relasyon namin kaysa sa epekto ng ginagawa namin sa pamilya niya. Ang lakas ng loob ko, ang kapal ng mukha ko.

“Please, pabayaan mo akong magpaliwanag. Sana hayaan na muna natin kung ano ang nasa utak niya, ang mahalaga ay hindi naman talaga kami kasi hindi ako sumagot sa tanong niya sa akin. Kung ini-isip pa rin niya na kami pa rin hanggang ngayon, pabayaan na natin yon, ako ng gagawa ng paraan don. Mahal kita at ayaw kong ito ang maging paraan para mag-away tayo” paliwanag ni Ethan.

“Ayaw ko sa ganito, kahit saang anggulo mo tignan, masama pa rin ang labas ko” sabi ko kay Ethan.

“Bry, ikaw ang mahal ko, ayaw kong mawala ka sa akin” sabi ni Ethan.

Tahimik.

Iyak.

Isip.

Sa mga sandaling iyon, gusto ko ng lumayo kay Ethan dahil nasaktan ako. Alam kong marami kaming magiging problema sa relasyon namin, pero hindi ko inaasahan ito. Pero nangibabaw pa rin ang pagmamahal ko sa kanya at natakot na baka di na kami magbalikan, kaya susugal ako, siniksik sa utak ko ang ideyang maayos din iyon.

“Mahal na mahal kita, kahit ikaw alam mo kung gaano kita kamahal, masakit sa akin ang nalaman ko pero sige, hindi ako lalayo sa’yo, basta ipangako mo sa akin na kaagad mong kausapin si Randolph” sabi ko kay Ethan.

“Oo, pangako ko kakausapin ko na siya para maayos na ito. Pasensya ka na, di ko alam na ganito ang mangyayari. Tandaan mo, mahal na mahal kita” sagot ni Ethan.

Mahabang katahimikan ang namagitan sa aming dalawa pagkatapos ang mga rebelasyon at pagsusugal. Sinubukan kong ibahin ang usapan pero tungkol kay Randolph pa rin.

“Madalas bang pumunta si Randolph dito? Madalas din ba siyang matulog dito?” sunod na tanong ko kay Ethan.

“Hindi naman, usually once a week lang siya pumunta” sagot ni Ethan.

“Ano ang ginagawa ninyo bago kayo matulog kayo, magkayakap din ba kayo?” tanong ko ulit kay Ethan.

“Wala lang, kwentuhan lang tapos tulog na. Kapag malamig nakayakap siya sa akin, ako nakatalikod sa kanya” sagot ni Ethan.

“Ilang beses na siyang nagsabi ng “I Love You” sa’yo?” sunod na tanong.

“Ewan, di ko alam, di ko naman sineseryoso” sagot niya.

“Hinalikan ka na ba niya sa labi?” sunod na tanong.

“Oo. Pero minsan lang, pagkatapos ay tumanggi na ako” paliwanag niya.

“May nangyari na sa inyo?” sunod tanong ko kay Ethan.

“Oo. Pero sa dalawang taon na kasama ko siya, siguro dalawang beses pa lang, sa kanila pa yon. Dito kasi kahit na kaming dalawa lang ayaw ko kaya di na rin siya nangungulit” ang mahabang paliwanag ni Ethan.

“Minahal mo ba si Randolph?” ang huling tanong ko kay Ethan.

“Bilang kaibigan mahal ko siya, kung meron mang nangyari sa amin, dahil yon sa pagtanaw ng utang na loob ko sa kanya, alam mo naman kung gaano ako ka-liberated noon at para sa akin simpleng bagay lang naman yon kaya pinagbigyan ko na. Pero ngayong nandito ka na, nagbago na ako, iyong-iyo lang ako. Maniwala ka sa akin, mahal na mahal kita” paglalambing ni Ethan.

“Nasaktan kita, nasaktan mo ako. Eto yung kinakatakutan ko, takot akong masaktan, takot ako sa mga posibleng mangyari sa atin pero mas takot ako na mawala ka. Naniniwala ako sa’yo, ramdam ko na mahal mo ako, pangako ko sa’yo, kahit na komplikado ang relasyon natin, hanga akong ipagpatuloy at ipaglaban ito. Mahal kita” sabi ko kay Ethan.

“Adik, tama na ang drama. Matulog kana, tanghali na, may pasok ka pa mamaya” sabi ni Ethan.

“Adik, kiss ko” paglalambing ko sa kanya.




No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails