By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com
Author's note:
As of this posting, 326 na po ang votes natin, at nasa top 2 na po tayo. Sobrang elated ako hindi dahil sa result kundi sa daming sumuporta.
Gusto ko pong magpasalamat sa mga supporters na bumoto at lalo na iyong talagang nag-effort para mangampanya pa and who went extra miles just to support MSOB's nomination. Nakakataba po ng puso ang ginawa ninyo. Alam ninyo kung sino kayo.
Hindi ko alam kung paano makapag thank you. Marami sa inyo ang nagsabing I gave you inspiration sa aking mga isinusulat. Now, it's my turn to say that you gave me inspiration na ipagpatuloy pa ang pagsusulat. Maraming salamat sa inspirasyon, sa friendship, sa pagmamahal...
-Mikejuha-
-----------------------------
Para akong malulusaw sa titig na binitiwan ni kuya habang ang kanyang nagpupumiglas na pagkalalaki ay nagwawala sa ilalim ng nakapatong kong hita. Nangungusap ang kanyang mga mata bagamat kung ano man ang ibig ipahiwag noon ay tanging siya lamang ang nakakaalam.
Hindi pa rin siya pumalag sa pagkakadantay ng aking hita sa ibabaw ng umbok ng kanyang ari kahit alam niyang alam kong naramdaman ko ang pagpipintig nito. Pakiwari ko ay gusto niyang magpaubaya; nagdedma-dedmahan at naghintay lang kung may gagawin akong hakbang. Biglang natuyuan ng laway ang aking lalamunan at napalunok ako, kinabahan, ramdan amg gumagapang na init sa aking katawan. May kung ano mang malakas na udyok sa aking isip na siilin ko ng halik ang kanyang bibig.
Ngunit inalipin ako ng hiya. Syempre, di maalis sa isip ko na kuya ko ang may-ari ng malaking pagkalalaki na dinaganan ng aking hita. Sumagi ang tanong sa aking utak kung hayaan ko na lang ba ang sariling magpadala sa agos ng naramdamang pagnanasa. O kung sunggaban ko man, kung hindi iyon ang magiging sanhi upang magalit siya sa akin at iwasan ako.
Kaya ang lumabas na lang sa aking bibig ay, “A-alam mo kuya, mahal na mahal kita…”
Ngunit sa pagkarinig noon ay sumungit uli ang mukha niya at biglang hinawi ang paa kong nakapatong sa umbok ng kanyang pagkalalaki at tumagilid patalikod sa akin. Hindi niya sinagot ang aking sinabi.
Niyakap ko siya at hinila ang balikat, “Humarap ka sa akin kuya…!” sambit ko.
Ngunit nagmatigas siya at ayaw talaga akong pagbigyan. Ang ginawa ko ay tumayo at lumipat sa kabilang gilid ng kama kung saan siya nakaharap at humiga ako doon.
Ngunit noong makahiga na ako, tumagild naman siya sa kabila uli.
Tumayo uli ako at humiga sa dating pwesto. Ngunit tumagilid na naman siya patalikod.
Bumalik uli ako sa kabila. At marahil ay nakulitan na, tuluyan na siyang tumaob.
Wala akong magawa kundi ang umupo na lang sa gilid ng kama niya, pinagmasdan ang hubad niyang pang-itaas na katawan at ang matambok na umbok ng kanyang pwet na ang tanging saplot lang ay ang puting boxers na kanyang suot.
Pakiramdam ko ay natunaw ang naramdamang inis ko sa kanya at ang pumalit dito ay ang paghanga, gumapang ang hindi maitindihang excitement, bumabalik-balik at naglaro sa isip ang naunang pagkapatong ng aking paa sa matigas niyang alaga.
Ewan ko pero ang sarap tingnan ng kanyang umbok ng pang-upo. Ibinaling ko ang tingin sa kabuuan ng kanyang katawan at hindi maiwasang humanga ako sa magandang hubog at flawless na biloging katawan niya, makinis at maputing balat, at walang kataba-tabang beywang kung saa lapat na lapat lang sa garter ng kanyang boxers. Ang gandang tingnan! Nakaka-L. Kasi ba naman, kahit walang kataba-taba ang kanyang katawan ngunit may katangi-tanging umbok ang kanyang likuran. Hindi ko tuloy malaman kung panggigilan iyon at kagatin, paglaruan sa aking bibig, o lamutakin ng aking mga kamay.
Pero hindi ko rin nakayanan ang sarili kaya tinampal ko na lang iyon sabay, “Kuya ano ba??? Bakit ka ba ganyan? Hindi mo ba ako mahal?”
Abah. Hindi hindi gumalaw o ni umimik at dedma lang sa pagtampal ko sa kanyang puwet. Parang gusto ko na tuloy pakawalan ang panggigigil ko at napamwestrang ang dalawang kamay ay akmang isasagpang sa dalawang kambal na umbok ng kanyang likuran. “Ummmmmm!!!!” sigaw ng isip ko sa sobrang panggigigil.
Kaya tinampal ko uli to at nilakasan ko na talaga ito. “Splakkkk!” sabay sigaw uli, “Kuyaaaaaa!!!!! Mahal mo ba ako o hindi! Sagutin mo ako!!!!”
Bigla siyang napaigtad at tumihaya ang mga mata ay lumaki, haplos-haplos ng isang kamay ang kanyang puwetan.
Syempre nagulat ako, ang dalawa kong kamay ay itinakip ko sa aking bibig. Hindi ko akalaing sobrang napalakas pala ang pagtampal ko sa kanyang pwet na mistulang hinataw ko na ito ng paddle.
“Ano baaaaaaaaaaaa! Tangina ang sakit noon ah!” sabay din hablot sa buhok ko at may dagdag pang isang batok. “Ummmmm!!!”
“Arekop!” ang sambit ko, habplos-haplos ng kamay ko ang ulong natamaan. “Tinanong ko lang naman kung mahal mo ako eh! Di ka kasi sumagot eh!” ang pangangatwiran ko pa.
“Tangina! Nagtatanong ka lang tapos hinambalos mo ang puwet ko? Atsaka anong klaseng tanong ba iyan? Syempre mahal kita, tado! Kapatid Kita! Tinatanong pa ba iyan?!!” sigaw niya.
Natameme naman ako. Syempre, masaya ako sa narinig. “Huwag ka namang magalit kuya ah… please?” pagmamakaawa ko pa.
Natahimik siya. Tumihaya uli at ipinatong ang isang braso sa ibabaw ng kanyang ulo. Humiga din ako sa gilid niya at idinantay ang isang braso ko sa kanyang dibdib, ang aking mga daliri ay ginuguri-guro ko sa kanyang baba. At sa hiya na baka isipin niyang gusto ko talagang tsumansing, sa kanyang tyan ko na idinantay ang isang paa ko, imbes na sa kanyang harapan.
Hindi siya pumalag, hinayaan lang ang paglalambing ko sa kanya. At habang nasa ganoon akong paghahaplos sa kanyang baba at pagtitig sa kanyang mukha, hindi naman maiwasang mapahanga ako sa angking kagwapuhan niya. “Ang guwapo talaga ng kuya ko!” ang mahinang sambit ko. “Love na love ko kuya ko…” sabay paghalik-halik sa kanyang pisngi na parang batang paslit na naglalambing sa kanyang kuya, “Mwah! Mwah! Mwah! Mwah! Mwah!”
Hindi pa rin naman siya pumalag, ang porma ay mistulang nag-isip ng malalim na parang nalugi ng milyones sa negosyo. Dedma lang sa aking ginagawa, dedma sa aking sinabi, dedma sa aking paghahalik. Hindi ko rin alam kung ano ang malalim niyang iniisip. Ngunit noong ibinaba ko ang aking hita sa patungo sa kanyang umbok, napansin ko uli na sobrang laki at tigas na pala nito.
Napalunok uli kao ng laway, lumakas muli ang kabog ng aking dibdib, napahinto sa aking ginagawang paguguri-guri ng aking mga daliri sa kanyang mukha at pakiramdam ko ay hahalikan ko na siya tlaga sa labi. Para akong lalagnatin sa di maipaliwnag na excitement.
Maya-maya, bigla siyang nagtanong, sunud-sunod “Mahal mo ba si Zach…? Kayo na ba…? May nangyari na ba sa inyo…?” sabay lingon sa akin bakas sa mga matang may nakaambang galit na mistulang sisiklab muli.
Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig. “Eh… ano po kuya...” Ang pag-aalangang sambit ko hindi malaman kung ano ang sunod na sasabihin.
“Ano???” pag-follow up niya ang boses ay tumaas.
“O-opo...”
“Anong opo? Mahal mo siya? Kayo na? may nangyari sa inyo?”
“O-opo!”
“Opo para saan? Para sa lahat?”
“Opo…”
At walang pasabing biglang bumalikwas, tinumbok ang maong niyang pantalon na nakasukbit sa isang sabitan sa gilid ng kuwarto, dali-daling isinuot ito, bagamat nahirapang isara ang zipper gawa nang paglaki ng kanyang bukol. Noong maisara na ito, kumuha naman siya ng puting t-shirt sa drawer at dali-dali din itong isinuot habang at nagtatakbong tinumbok ang pintuan.
“Kuyaaaa!!! Saan ka pupunta! Sama ako kuya!” sigaw ko habang nakabuntot sa kanya.
“Doon ka sumama sa Zach mo!” ng sarcastic niyang tugon na hindi man lang lumingon sa akin at dire-deretso na sa sala, nakabuntot pa rin ako hanggang sa nakababa siya.
“O… Erwin, saan ka pupunta, handa na ang pananghalian natin!” ang sabi ni mama habang nag-aayos ito sa hapag kainan at napansing nagssusuot ng sapatos si kuya Erwin.
“Sa labas na ako kakain ma, nagpasama pala kasi sa akin si Lani eh, muntik ko nang malimutan. Sa labas na rin kami kakain.” Ang sagot ni kuya sabay tingin sa akin ng matulis.
“Ah, sige. Mag-ingat kayo. Dito ka na magdi-dinner ha?”
“Opo ma!” sagot ni kuya.
“Kuya… sama na lang ako please....” Pagmamakaawa ko uli sa kanya.
Ngunit tuloy-tuloy na siyang lumabas ng pintuan, dumeretso sa car park, binuksan ag pinto ng pick-up at padabog na isinara, pinaandar at pinaharurot na, halos babanggain na ang poste ng gate.
Wala na akong nagawa kundi ang magpaiwan. Syempre, bagamat naninibago ako sa ipinakitang kilos niya, naisip ko na lang na dahil naninibago din siya sa pagkakaroon ko ng boyfirend. First time ko kayang magkaroon nito at sa haba ba naman ng sakripisyo niyang pagbabantay sa akin at sa wakas, magiging iba na ang mundo ko dahil may boyfriend na nga ako at di niya na alam ang magiging role niya, kagaya nang kung lalabas kami ni Zach, sasama pa ba siya sa amin upang bantayan ako? Pagsasabihan pa ba niya ako na huwag sasama doon o huwag pumunta sa ganitong lugar na kasama si Zach?
Kaya inintindi ko na lang din si kuya.
Sa araw na iyon, wala akong ginawa kundi ang maghintay sa pag-uwi ni kuya. Hindi ko rin lubos maintindihan ang sarili kasi kung kailan ako nagkaroon ng boyfriend at nagkaroon ng katuparang ang hinahangad kong maging kami ng chatmate kong si Zach,pakiramdam ko ay may malaking kulang naman ito at parang may kung anong pananabik akong nadarama para sa kuya ko. Pumasok sa puso ko ang awa para sa kanya, at gustong-gusto kong laging nand’yan siya bagamat dati-rati, lagi ko naman siyang inaaway dahil pakiramdam ko ay nasasakal ako sa pgiging epal niya, sa paghihigpit niya sa akin, sa pakikialam niya sa mga lakad ko, sa mga kaibigan ko, sa mga ginagawa ko, sa pagkakalkal niya sa mga personal kong gamit…
Alas syete ng gabi ngunit wala pa rin si kuya. Tinawagan ko siya sa cp niya ngunit hindi ito sumasagot. Naghain na ng pagkain si mama ng hapunan namin at nakaupo na kaming lahat sa kainan. “Nasaan si kuya Erwin mo?” ang tanong ni mama.
“E… hindi ko po alam ma. Hinihinty ko nga rin eh.” Ang sagot ko.
“Hindi ba tumawag sa iyo o nagtext kung nasaan siya?” tanong uli ni mama.
“Wala po ma…” ang sagot ko. Hindi ko na lang sinabi na hindi rin siya sumasagot sa mga texts at tawag ko kasi baka mag-worry na sila.
“Hayaan mo na. Baka nagkasarapan sa pamamasyal ng girlfriend niya o sa mga kaibigan. Malaki na ang anak mo, lalaki pa… noong kabataan ko, ganyan din ako.” ang singit naman ni papa.
Kaya kumain na lang kaming tatlo. Nakaramdam din ako ng lungkot. Kasi palagi kaming buo kapag nasa hapag kainan. Kapag ganoon kasing naroon kaming lahat, masaya kaming naku-kwentuhan ng kung anu-ano na lang, tawanan, at si kuya ay palagi ang maingay, may mga kwentong katatawanan, nagbibida, nagbibiro, tapos ako naman ang tagasupalpal…
Alas onse ng gabi at hindi pa rin umuwi si kuya. Nagsimula na akong mag-worry. Parang gusto ko nang kausapin ang mama ko tungkol sa inasal ni kuya bago ito umalis. Pero nag-antay pa rin ako hanggang sa narinig ko ang tunog ng pick-up na ginamit ni kuya.
Nagmamdali kaagad akong lumabas ng kwarto at sinalubong siya sa mismong garahe. “Kuyaaaa!” sigaw ko.
Hindi niya ako sinagot at dumeretsong tinumbok ang kusina.
Dali-dali naman akong bumuntot sa kanya at noong nasa kusina na siya, ako na ang kumuha ng pagkain, ulam, at maiinum niya. “Upo ka lang d’yan kuya. Ako na ang maghanda”
Hinayaan naman niya ako. Naupo lang siya, walang imik. Kapag ganoon kasing nilalambing ko siya o kaya ako mismo ang maghanda ng pagkain para sa kanya, alam na niyang either may ipagagawa, ipakikisuyo, o may kasalanan ako. At alam ko ring kapag ganoong hahayaan lang niya ako, posibleng pagbigyan niya ako sa ano man ang hihilingin ko.
Noong nakalatag na ang lahat ng pagkain sa mesa, tinabihan ko siya at sinabayan na rin sa pagkain. “Saan ka ba galing kuya?”
“Wala… d’yan lang.” ang matamlay niyang sagot.
Ngunit may naamoy ako sa bibig niya: alkohol. Nakainum si kuya. “Ba’t ka nag-iinum?”
“Wala kang paki!” ang padabog niyang sagot.
“Aba… talagang matindi ang pag-aalboroto niya” sa isip ko lang. Hindi naman kasi ganyan si kuya eh. Kapag nagalit, maya-maya lang nawawala na ito pagkatapos kong lambingin at batukan niya ang ulo ko o di kaya ay hahablutin ang buhok parang wala nang nangyari.
Iyon lang din ang salitang binitiwan niya sa hapag kainan. Hindi kasi siya sumasagot sa iba ko pang tanong.
Noong pumasok na siya sa kwarto niya, pumasok na rin ako doon.
“Ba’t ka ba pumasok dito? Matutulog na ako!” ang tanong niya, pansin pa rin sa boses ang pigil na pagkainis.
“Mag-usap tayo kuya…”
“Tangina! Ano bang pag-uusapan natin? Inaantok na ang tao e…” ang pigil niyang pagmamaktol habang walang pag-aatubiling naghubad ng t-shirt, pantalon, at pati na brief sa harap ko. At pagkatapos ihagis ang mga ito sa lalagyan ng mga maruruming damit, saka naman siya dumeretso sa loob ng bathroom, binuksan ang shower at naligo.
Sinundan ko siya, nakatayo lang ako sa labas ng shower. Wala naman kasing pintong nakatakip kaya malaya kong nakikita siya sa loob niyon habang kinukuskos niya ng sabon ang iba’t-ibang parte ng hubad niyang katawan...
Habang busy siya sa sasabon, hindi naman maiwasang umiral na naman ang nademonyo kong utak. Ang ganda talaga ng tindig ng kuya ko. Proportioned ang tangkad niya sa hugis ng katawan niya, may malalaking mga hita gawa ng pagja-jogging at basketball, may pormang-pormang mga biceps at sculpted na dibdib, may six-pack abs na bumabakat pa habang dumadaloy dito ang tubig na naggaaling sa shower. At ang isang factor pa sa kanyang postura ay lagi itong chest out na para bang isang kadete sa PMA. “Ang swerte-swerte talaga ng babaeng mapupusuan ni kuya…” bulong ko sa sarili sabay bitiw ng malalim na buntong hininga.
Nasa ganoon ako kalalim na pag-iisip noong, “O… bakit tirik na tirik ang mga mata mong nakatitig sa katawan ko?” bulyaw niya noong mapansing malalim ang iniisip ko habang nakatutuk ang mga mata sa kanyang paliligo.
Para din akong binuhusan ng malamig na tubig at biglang nagising sa pagkarinig sa sinabi niya. “B-bakit kuya?” ang nasambit ko.
“Huwag mo akong gawing droga”
“Huh! Hanu daw? Bakit?” ang gulat kong tanong noong di ko makuha ang ibig niyang sabihin.
“Kung makatitig ka sa akin ay para kang may tama! Ayan o, mga mata mo, heaven na heaven! Adik ka ba?” sambit niya.
Nagulat naman ako sa sinabi niyang iyon. Parang alam ba niya na may pagnanasa akong lihim sa kanya. “Aba…kuya, dati ko na kayang nakikita yang katawan mo! Nagsawa na po ako sa katitingin d’yan. Hallerrrrr! Hindi po ako nahi-heaven d’yan!” ang sagot ko na lang.
“At kanino namang katawan ikaw nahi-heaven, aber? Kay Zach!”
“Amfffffnessss!” sigaw ng utak ko. Ngunit deny-to-death kunyari ako. “Hindi no!” At upang malihis ang usapan, “Katawan ko nga, lahat ng parte kabisadong-kabisado mo. Dati mo kaya akong pinapaliguan noong maliit pa ako!” sagot ko naman.
“Dati iyon. Iba na ngayon!”
“Bakit iba na? Dahil ba kay Zach?”
“Tangina! Isiningit ba naman ang pangalan ng tarantadong iyon... Pag ako ang nainis, bugbugin ko pa iyan eh. Makikita mo!”
“E, ikaw naman ang unang nagbanggit sa pangaan niya eh!” sagot ko.
“E… kasi, kinikilig ka! Tama ba ako?!”
“Tama ba ako?” ang bulong kong paggagad sa pagkasabi niya. Ewan. Hindi ko maintindihan ang drama niya. Kaya hindi na lang ako umimik upang hindi lumaki ang issue.
Patuloy pa rin akong nakatayo sa harap ng shower room at pinagmasdan siyang nagpunas na ng tuwalya. Pagkatapos, itinapis iyon sa kanyang beywang.
Tuloy-tuloy lang siya sa paglabas ng banyo, dumaan sa gilid ko at dumeretso sa locker niya. Binuksan ang isang drawer, kumuha ng isang puting boxers shorts at isinuot iyon, humarap sa salamain, kinuskos ng tuwalya ang buhok at pagkatapos ay biglang inihagis ang tuwalya sa akin.
Sa pagkasalo ko, agad ko namang inilagay ito sa mga labahan.
Bumalik siya sa kama, humigang nakatihaya. “Bumalik ka na sa kwarto mo.” Utos iya.
“Dito ako matutulog...”
“Gago ka ba? Kaya nga may sarili tayong mga kuwarto eh!”
“Gusto kong dito matulog eh. Bakit? Namiss kaya kita…”
“Gago ka talaga. Pasok ka na sa kwarto mo.” Utos niya ang mga mata ay nagbabanta na.
“Gusto kong makatabi pagtulog ang kuya ko e…” ang may pagmamaktol ko nang sabi.
“Hindi nga pu-pwede, ano ka ba! Tigas ng ulo mo!” ang galit na niyang boses.
Syempre, nadismaya ako sa hindi niya pagpayag. “E… mag-usap na lang muna tayo” ang sambit ko na lang noong maramdamang ayaw niya talagang pumayag.
Sa pagkarinig niya sa sinabi ko, nagdabog naman itong napakamot sa kanyang ulo. “Letseng buhay naman to, o. Ano ba naman iyan? Wala na bang katapusan iyang pag-uusap na iyan? Inaantok na ako!”
Ngunit sumampa na ako sa kama niya, nakataob sa gilid ang kalahating katawan ay nakapatong sa katawan niya. At dating gawi, nilalambing siya, niyayakap-yakap… “Bakit ka galit sa akin?”
Napalingon siya sa akin. “Hindi ako galit…”
“E… bakit kanina nagdadabog ka, tapos hindi mo pa sinagot ang mga tanong ko.”
“Wala... Naisip ko lang na malaki ka na; na nag-iba na ang panahon. Kung dati ay baby bro kita, hindi na ngayon dahil may boyfriend ka na at dapat na dumestansya na ako. At ako, mayroon namang girlfriend at sarili kong buhay. Kaya simula ngayon, hindi na ako makialam sa iyo, hindi na ako mang-iistorbo sa iyo. Hahayaan na kita kahit saan ka man pumunta o maglalandi at hindi na kita sasamahan. Bigyang-laya na kita… Bahala ka sa buhay mo, sa diskarte mo, bahala na rin ako sa akin. OK?”
Pakiramdm ko ay hinampas ng matigas na bagay ang aking ulo sa narinig. “Kuya hindi naman sa ganoon eh. Ayoko kuya. Gusto ko nand’yan ka pa rin, walang pagbabago kuya. Please…”
“Hindi na… At simula ngayon hindi na rin pupwede ang ganito…” at umusog siya sa pagkakahiga, hinawi ang aking kamay at paang nakadantay sa kanyang katawan. Wala nang physical contact.”
Naturete at nanlumo ako sa narinig. “B-bkit naman?”
“Anong bakit? Hindi tayo puwedeng ganito habambuhay. Kung noong paslit ka pa ay pwede ang ganito, ngayon, hindi na. Dapat masanay na tayo na may kanya-kanyang buhay dahil isang araw, magkahiwalay din tayo… mag-aasawa ako, magkaroon ng pamilya at ikaw… pupunta na kay Zach.”
Hindi ko talaga lubos-maisip ang aking naramdaman sa mga sinabi ni kuya. Mistulang may sumaksak sa aking puso. Masakit ang naramdaman ng aking kalooban. Naglalambing lang naman ako tapos kung saan-saan na nakarating ang kanyang mga sinasabi. Di ko tuloy maiwasan ang mapaisip, ang maawa sa sarili at sa posibilidad na balang araw ay magkaroon siya ng pamilya at ma-etsapwera na lang ako sa buhay niya.
Napaisip din ako kung may posibilidad bang matanggap ako ni Zach, dalhin sa bahay nila at doon na kami magsama. Para kasing imposible. Kasi, sa papa pa lang niya, siguradong patay na ako. Atsaka sobrang napakayaman ng pamilya nila na sa tingin ko ay hindi nila matanggap ang ganoong klaseng relasyon na lalaki ang iuuwi ni Zach sa pamilya nila. Kaya kung magkataon pala, darating ang panahong kapag wala na ang mga magulang ko, tatanda akong mag-isa sa buhay, walang magmamahal. At ibig sabihin din pala ni kuya ay hahayaan na lang niya akong mag-isa dahil kung may pamilya na siya, hindi na siya makikialam sa akin at hayaan na lang niy ako sa sariling buhay ko… Syempre, may pamilya siya. Aagawin ko pa ba sa asawa at anak niya ang pagmamahal?
Hindi ko tuloy maiwasan ang kusang pagpatak ng aking mga luha. Ewan, masayahin naman akong tao, palaban, ngunit tinablan ako sa sinabi niya. Parang napakasakit naman. Biglang may naramdaman akong matinding awa sa sarili at pagtatampo. At ang sunod kong naalimpungatan ay ang bigla kong pagtagilid patalikod sa kanya, pasikretong pinahid ng aking palad ang dumaloy na mga luha sa aking pisngi, pilit na itinago ang tuluyang pagpakawala ko sa matinding sama ng loob.
Nasa ganoon lang akong palihim na pag-iiyak noong maramdaman ko ang kamay ni kuya sa aking balikat. Hinila niya ako upang tumagilid paharap sa kanya. Alam kong alam niyang umiiyak ako. Ganyan naman kasi palagi. Kapag umiyak ako, natataranta na siya.
Kaya noong makaharap na siya sa akin at nakita ninyang patuloy pa ring umaagos ang luha sa mga mata ko, pinahid niya ito sa kanyangmga palad. “Tol… sana ay maintindihan mo ako. Mahal na mahal kita, alam mo iyan. Lahat ay kaya kong gawin para sa iyo. Kahit noon pa man, alam mo iyan. Kung alam mo lang kung gaano kita kamahal… Ngunit, totoo naman din ang sinabi ko, di ba? Balang araw, maghihiwalay din tayo at… magkaroon ako ng sariling katuwang sa buhay, ng sariling pamilya. Ayaw mo bang magkaroon ako ng sarili kong pamilya? Ayaw mo bang lumigaya ako?” ang paliwanag niya.
Hindi ako kumibo, patuloy pa rin sa pag-iiyak.
“May mga aspeto kung saan ang mga bagay na nakagawian ay iwaksi upang mapabuti ang takbo ng buhay. Kagaya ko, noong bata pa ako, hinahayaan kong paliguan ni mama, binibihisan, kinakarga. Palaging siya ang hinahanap ko sa araw-araw. Ngunit simula noong mag 10 years old na ako, ayoko nang pinapaliguan pa ni mama, ayokong binibihisan niya, ayokong kinakarga… Gusto ko, malaya akong mag-isang makalabas ng bahay at ang mga kaibigan ko na ang palaging kong hinahanap… Imbes na sa kanya, sa mga kaibigan ko na ako sumasama. Marahil ay nasasaktan din siya sa pagbabago ko ngunit, alam ko na sa kabilang banda, ikinatutuwa din niya ang pagbabago ko dahil ibig sabihin, natututo ako sa buhay; naging mature, naging independent. Kailangan iyan kasi, kapag darating ang araw na wala na sila, marunong na tayong tumayo sa sarili nating mga paa.” Napahinto siya ng sandali. “Ikaw, bini-beybe kita... gusto ko, palagi kang malayo sa panganib, gusto ko lagi kang nasa piling ko. Subalit hindi nakakatulong sa pag-grow ang palagi kong pakikialam, paghaharang sa lahat ng mga ginagawa mo. Dapat, may sariling space ka na rin, dapat, matuto kang maging independent, kasi kapag wala na ang mga magulang natin… kapag nawala na ako dahil may sarili nang pamilya, marunong kang tumayo sa sarili mong mga paa. Kagaya ngayon, nand’yan na si Zach sa buhay mo. Bagamat masakit sa akin, kasi…” napahinto si kuya ng sandali at nakita ko ang namumuong luha sa gilid ng kanyang mga mata. “…ang utol kong mahal na mahal ko, ay may iba nang minahal. Pero kagaya ng pagmamahal ni mama sa akin, dapat ko pa ring ikatuwa ito dahil nag-grow ka na e. Kumbaga kagaya ng isang ibon, kumpleto ng ang mga pakpak mo at handa ka nang lumipad…”
Malalim angmga bibitiwang salita ni kuya. Noon ko lang narinig sa kanya ang ganoon kalalim na pananalita. Akala ko, kilala ko na si kuya. Hindi ko akalain na may soft side din pala si kuya; may malalim at matalas na panig pala sa kanyang pagkatao. At noong makita kong tuluyang bumagsak ang mga luha ni kuya, napahagulgol na rin ako.
Ewan, hindi ko lubusang maisalarawan ang naramdaman. Naawa kay kuya, naawa sa sarili, nalilito, masama ang loob. Ewan. “H-hindi ko pa kayang kuya e....” ang sambit ko.
“Pilitin mo tol…” sagot naman niya, haplos-haplos ang aking mukha.
Subalit sa loob-loob ko, hindi ko pa rin matanggap ang pagbabagong sinasabi niya. Hindi ko kaya. Hindi ko alam kung ang utak ko lang ang ayaw tumanggap sa mga paliwanag niya at sa katotohanang sinabi. Ang tanging alam lang ng isip ko ay nasasaktan ang kalooban ko, lalo na sa sinabi niyang balang araw ay maghihiwalay kami at syempre, mag-iisa na lang ako sa mundo kasi, wala namang kasiguraduhan ang relasyon namin ni Zach. Parang ang saklap. Napakasakit. Sumagi tuloy sa isip ko ang mga katanungang, “Ang hirap palang maging bakla. Kasi, wala ka na ngang chance na maikasal sa kung sino man ang mapupusuan, hindi ka pa pupwedeng magkakaroon ng anak, at hindi rin sigurado kung may lalaking magmamahal ng tapat at nand’yan, katuwang sa habambuhay…”
“S-sige kuya. Matutulog na ako sa aking kwarto.” Ang naisagot ko sa sobrang sama ng loob, sabay tayo at tumbok sa pintuan upang bumalik na ng kuwarto. Hindi ko na naitago pa ang kinikimkim na bigat ng kalooban sa hindi matanggap-tanggap na sinabi niya. Nag-iiyak pa rin ako.
Nahawakan ko na ang door knob ng pintuan noong simbilis ng kidlat naman siyang humarang sa akin, hinawakan ang aking braso at marahang itinulak sapat upang mapasandal ang katawan ko sa nakasara pang pinto.
Mistulang dinaganan ako sa paglapat ng katawan niya sa katawan ko habang ang kanyang mga kamay ay itinukod sa dingding. Iyon bang parang hinaharass niya akong huwag makawala. Para akong isang preso na hindi makatakas.
Dahil matangkad siya, bahagya siyang yumuko at tinitigan ang aking mukha.
Na mesmerize naman ako sa ginawa niyang iyon. Naka boxers shorts lang na ang mala-Mark Nielsen na katawan ay dikit na dikit sa katawan ko at idiniin pa ang kanyang harapan habang ang kanyang mga binitiwang titig ay mistulang tumatagos sa kaibuturan ng aking pagkatao, hindi magawang tumingin sa kanya o ni makapagsalita.
“Ok… kung gusto mo talaga, dito ka matulog sa kwarto ko ngayong gabi. Pero sa isang kundisyon…”
(Itutuloy)
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
Sana may kuya din ako huhu. Super like
ReplyDeleteTatanong ko lang po sana pwede pa po bang mag vote or closed na ang poll at panalo ng ang MSOB?
ReplyDeletehnd na nasundan to wala ng 15?!!sana tapusin na please...sayang maganda pa naman..
ReplyDeleteAng ganda shet! Nakakatouch. Perfect yung flow ng story, di lang siya puro ''L''.
ReplyDelete