ANG BUHAY NI JERI JONES PART 2
By : JERI.JONES
email : bubuygas@yahoo.com
Blogsite : jerijonesstories.blogspot.com
Other details : 09264333053
Other details : 09264333053
Salamat sa mga comments ninyo sa part 1 ng buhay ni jerijones. Salamat sa mga pang unawa at time sa inyong pagbabasa na kahit hindi man malilibog ang aking mga kwento ay nagugustuhan nyo pa din. Salamat din sa paghihintay ninyo sa part 2.
SINO BA ANG MAY GUSTO NA MAG PAARAL NG ISANG TAONG TAMAD, KUNG AKO LANG ANG MASUSUNOD HINDI NA IYAN PAG-AARALIN” nadinig ko na sabi ni papa, parang wala na talagang pag-asa hindi ko na alam ang gagawin ko.
Umiyak ako nang gabing yun, talagang hindi ko mapigilan ang pag tulo ng mga luha kung matagal ko nang pinipigilan, iba ang bugso ng aking damdamin ng sandaling iyon. Tanging ang makatapos ng pag-aaral ang nakita kung paraan para makaraos at guminhawa ng konti ang buhay ko, para na din makakuha ng respeto sa mga taong nanlalait sa akin magpa hanggang ngayon. Sa dating gawi na naman ako umakyat sa aming bubung at dun nag-iiyak. Kahit anung gawin kung pagpigil hindi talaga, wa epek pa rin. Pinagdasal ko sa diyos na sana makapag aral ako kahit yun lang ang ibigay sakin ngayun wala na akong hinangad pang iba ‘’ SANA DINGGIN MO AKO OH DIYOS’’.
Tinawag nila ako para kumain pero pumasok na lang ako sa kwarto at dun nag patuloy saking pag-iiyak. Bumalik sakin ang ala-ala kung saan ko napatunayan na wala talaga akung lugar sa pamilya at walang pagmamahal sakin ang aking ama.
Grade 6 ako nun, bilang graduating meron kaming 1 night show ‘’ MCS EXTRVAGANZAH’’ sasayaw kami sa public plaza stadium at isa ito sa high lights ng aming graduation sa elementary. Lahat ng kaklase q ay ang saya saya, nandun ang kanilang pamilya; mama, papa hm bastah. Parang ako lang ata ang wala kahit isa man lang sa kanila. Muntik na ako hindi makapag sayaw sa ethnic dance namin kasi wala akong costume buti na lang at ang nananahi ng costume ay lola ng kaibigan ko kaya pinatahian niya ako sa lola niya, wala akung bayad kaya ang saya saya ko nun. Sa literary [musical play] naman kelangan ng blue shirt timing naman na binigyan ako ng tita ko ng blue shirt na may print na bilog sa gitna. Kaya lng kelangan daw ng print ang blue shirt, di bale nah hindi naman nila mapapansin cguro kasi madami kami . Sa modern dance naman plain white t-shirt kaya ok nah.
Makakapag sayaw na talaga ako kelangan ko na lang mag paalam k mama at papa.
Hindi sana ako papayagan ni mama na sumali sa show at dahil daw sa gabi ito, malapit lng naman ang bahay namin ang plaza parang 150 meters away lang kaya hindi sya delikado. Talagang kinulit ko si mama na makapuntah ako dun salamat naman at pumayag din sa isang kundisyon na dapat 10pm naka uwi na ako. Ok na ok lang kasi 6pm magsisimula ang show kaya makakauwi din ako nang maaga.
SA SHOW
6 pm pinakain pa kami ng mga guro para hindi kabahan, malelate daw ng konti kasi nagkaroon daw ng aberya na di naman namin alam. 7pm hindi pa din nagsisimula ang show, 8pm inanounce na malapit na magsimula and finally 9pm nagsimula na ang show. Lahat ng kasali sa show nandun sa stage sumasayaw para sa aming introduction dance at kasali ako sa lider ng grupo naka puwesto ako sa gitna ng stage. Maraming ilaw para bang walang kasing saya at walang problema sa mundo, nandun ako sumasayaw at kanta kanta lang nalimutan ko na may taning din ang aking saya na nararamdaman. Buti pa si Cinderella 12am sya babalik sa tunay na mundo niya, ako hanggang 10pm lang.
Una kaming sasayaw, ethnic dance. Naka saya lang kaming mga lalaki na mint green. Kun todo sayaw na ako nun talagang hinusayan ko kasi dun lang merong tao na nakaka appreciate sakin. Hiwayan at tawanan ang lahat sa performance namin dahil tinalbugan ko pah sa giling ang mga babae sa pag sayaw. Bumaba ako sa stage na ang saya saya, ang choreographer naming na si kuya chad ay tuwang tuwa sakin kasi ako daw ang pinanuod ng mga tao. Buti pa ang ibang tao naka appreciate sakin, cguro kung nakita lang nila mama at papa kung gaano ako ka husay sa pagsasayaw magiging proud din sila at makaka appreciate.
Next number namin ay ang modern dance ‘’she bangs’’. Malapit na ang 10pm, kaya napagpasyahan ko na last na lang ang modern dance at uuwi na ako, bahala na ang sa literary musical hindi na lang ako sasali dun para makauwi at hindi mabulyawan at mapalo ni papa. Malapit na din ang modern dance namin, me nagsasayaw pa sa stage at kami na ang susunod. Nag ready na kami back stage ng kalabitin ako ni kuya, nakapunta si kuya nanonood pala siya syempre natuwa ako konti pero hindi pala, sinabihan niya ako na lumabas na daw kasi si papa nasa labas ng stadium at galit na galit daw, ‘’mamaya na kasi mi sayaw pa ako last nato, kami na susunod sandal lang sabihin mo ke papa’’ sabi ko ‘’ bahala ka diyan mapapalo ka na naman sa ginagawa moh’’ si kuya. Umalis na sya papunta sa labas ng stadium, talagang kinabahan na ako ng todo kasi kami na ang susunod at alam kung palo ang aatupagin ko sa bahay pag-uwi. Nang papa-akyat na ako sa stage merong humila sa aking mga braso, pag lingon ko ang mukha ni papa ang aking nakita at nanlilisik ang kanyang mga mata na para bang kakainin ako ng buhay, wala siyang sinabi kahit isa sa akin pero alam ko ibig sabihin ng tingin na iyon. Agad-agad kong kinuha ang bag ko, paglingon ko sa stage nagtitinginan na ang mga ka grupo ko sa sayaw hinahanap nila ako, bulung-bulongan sila hindi nila ako nakita at ako ay umalis na lang.
Ang lungkot ko gusto ko makasayaw sa modern dance dahil isa iyon sa mga pinaka nagandang number. Nag simula na ang tug-tog ng ‘’she bangs’’ hindi ko alam kong sino ang pumalit sakin. Paglabas ko ng stadium agad hinablot ni papa ang aking buhok at ako ay kinalad kad, me mga taong nakakita sa ginawa ni papa sakin pero konti lang kasi busy ang lahat sa panonood. Umiiyak ako at talagang humiyaw ako sa sakit ng sandaling iyon, hindi ako makawala pina palo palo niya ako habang hawak niya ang aking buhok, hindi na talaga makatao ang ginagawa ni papa sakin, at lalong alam kong kung hindi na pag didisiplina ang ginagawa niya, hindi ako makalakad ng diretcho. Nang pinakawalan niya ang buhok ko tatakbo sana ako kaya lang sinipa niya ang aking likuran at nadapa ako, hablot na naman sa buhok at pinatayo niya ako. Akala ko bulyaw lang at palo ang aabutin ko sa gabing yun, meron pa palang sabunot, sampal, at sipa hanggang sa di ako makalakad ng tuwid. Kulang nalang gumapang ako papauwi sa bahay, di ko na lang ininda ang sakit ng mga sipang iyon, bawat sampal ay tinanggap ko na lang. Nakarating kami sa bahay at nakita ko si mama na awang-awa ang mga mata sa akin, pero di ko kelangan ang awa niya ng panahong yun, kelangan ko ang pag aaruga ng isang ina. Di ko iyon nakuha, patuloy padin ang mga palo akoy parang manhid na, hindi na ako gumalaw tinaggap ko ang lahat wala akong magawa. Sana ampon na lang nila ako, para hindi mas masakit ang nararamdan ko ngayon. Mas maiintindihan ko pa sana. Kung paano natapos ang mga sipa, sampal, sabunot, at mga palo ni papa ay hindi ko na namalayan. Hindi ko na maalala kung pano ako nakarating saking kwarto.
Nasa ganun akung pag-iisip ng sumakit ang aking tagiliran, ang pangyayaring yun ay talagang hinding hindi ko makakalimutan sapagkat bawat kirot ng aking tagiliran malapit sa aking puwet ay ang ala-alang iniwan ng tagpong yun. Tinanggap ko sa mga sandaling yun na hindi na ako makakapag-aral pah kelangan ko na lang makagawa ng bagong plano, siguro mag tatrabaho na lang ako pero kababago lang ako nag 16 me tumanggap naman kaya sakin, lalo na probinsya tong amin wala masyado trabaho.
Enrollment na ng university na gusto kung pag-aralan, hindi ko maiwasang manlumo at manghinayang sana nag enroll na ako ngayon at pumipila para makakuha ng subjects. Lumipas ang isang araw inisip ko parin palagi n asana makapag aral ako dun.
Kina umagahan tinawag ako ni mama. ‘’Jeri kelan bah ang enrollment ng 1st year sa university nayung papasukan, malapit na ang enrollment ng ate mo ah [iisa lang kasi ang university na papasukan sana namin]’’ natuwa ako sa narinig kasi para bang sinasabi ni mama na pag aaralin ako kaya niya tinatanong kung kelan ang enrollment ko. ‘’bakit po bah ninyo tinatanong, ngayon na poh ang last day ng enrollment’’ sabi ko. ‘’Anu, magbihis kana at para makapag enroll kana’’. Talagang natuwa ako sa narinig galling ke mama, dininig din ng diyos ang aking hiling na makapag-aral. Agad-agad akong nagbihis, ang saya saya ko nun. Napag alaman ko na pinilit ni mama si papa para pumayag na makapag-aral ako, meron pa palang pagmamahal si mama para sakin talgang ang laki ng pasasalamat ko k mama nun at syempre sa ating POONG MAYKAPAL.
Nakapag aral ako sa university na pinapasukan ng aking ate, ang kurso ko ay electrical engineering technology, kasi yun na lang ang slot na natitira sa MSU-IIT. Dun ako tumira sa bahay ng aking tito kapatid ni papa, ok lang ako dun sa bahay nila wala ako masyado trabaho at talagang nakakapag-aral ako. Meron silang 2 anak babae-13 at lalaki-14 parehas sila 1st year high school. Mabait naman ang tito ko at ang asawa niya, wala akong maipintas sa kanila. Ang mga pinsan ko naman mahiyain di kami nag uusap, nag uusap lang kami kung tinatawag namin ang isat isa.
Nag-aaral ako sa MSU-IIT ng walang gamit, kahit bag wala ako. Naalala ko, dati nung c ate ang nag college pinag handaan nila ang mga gamit niya, binilhan ng mga bagong damit at pantalon, kung sa damit naman ang pag-uusapan marami sya kasi binibigyan kami ng mga pamababaeng damit ng pinsan ni mama na galling hawii. Naisip ko tuloy kung kelan ang huling petsa na nagkaroon ako ng bagong damit na binili ni mama at papa sakin, naalala ko grade 2 pa ako nun at grade 3 yung bagong sapatos. Pero ok lang sakin, di bah nga pinanalangin ko na kahit makapag aral ako ay ok na, hindi na ako hihiling pa ng iba. At tsaka ok lang naman sanay na ako sa ganito, at kung lalaitin man ako ng magiging kaklase ko sa university, ok na lang din marunong na naman akong magpanggap na parang wala lang, na hindi ako naasaktan sa mga lait nila. 120 pesos lamang ang baon ko every week, nilalakad ko na lang ang bahay hanngang sa university mga 350 meters lang naman ang layo, para na rin matipid ko ang allowance ko at makabili ng bag at gamit sa skul.
Minsan nagkasakit ako habang nasa bahay ng tito ko inu-ubo ako at sini sipon, hindi ko sinabi sa tito ko kasi nahihiya ako, ayuko maging pabigat sa kanila. Ang asawa ng tito ko ay nagtatrabaho sa isang clinic, meron syang mga na tatake home na mga gamut. Siguro napansin niyang sinisipon ako , binigyan niya ako ng gamot. Maiyak iyak ako sa mga sandaling yun kasi naman may isang taong ina-alala ang aking kalagayan. Sa pagtulog ko naalala ko ang sandaling nanduon ako sa bukid, nag away sina mama at papa nun hindi rin namin alam ang dahilan kung bakit at anu ang pinag awayan nila. Sina papa at mga kapatid ko ay nandun sa lungsod at ako ay inutusan nah pumuntah sa bukid para naman may makasama si mama doon. Nag papastol ako ng baka nun at kambing, nakikita ko si mama na mapula ang mata at namumugto halatang galling sa iyak. Wala akong sinabi o imik ayokong magsalita hindi rin ako nag tanong. Gumabi nah at dahil sa nakakabinging katahimikan parang nalulungkot ako at naiiyak, dala na rin siguro na nakikita ko k mama talagang umiyak sya habang kami ay kumakain. Hindi ko maiwasang umiyak habang nakikita kung tumutulo ang kanyang luha habang kami ay kumakain.
Natulog na lang ako, ayokong Makita niya akong umiiyak ayoko magpakita ng emosyon, sinasanay ko na ang sarili ko na parang wala lang sakin ang lahat. Nagtago ako sa kwarto nag-iisip hanngang sa makatulog. Nagising na lang ako ng yakapin ako ni mama at hinagkan sa noo. Walang ilaw kaya hindi niya nakikita ng tumutulo ang luha ko. Nakaharap ako sa kanya kaya tumagilid ako patalikod, niyakap pa niya ako ng mahigpit at sinabing ‘’ I LOVE YOU ANAK’’. Naiyak na ako ng husto, para saan ang mga salitang yun para ba talaga sakin yun oh para k ate at kuya. Niyayakap niya ako dahil sa walang ibang taong nandun wala ang kanyang mga paboritong anak. Matagal kung inaasam ang madinig yun pero ng narinig ko na hindi tinatanggap ng isip at puso ko ang mga katagang yun, alam kung hindi para sa akin ang mga yun.
TANGGAP KO NA, NA AKO LANG MAG-ISA. KAKAMPI KO LANG AY ANG SARILI KO. HINDI NILA AKO MAHAL.
Itutuloy………………………………………
honestly kung buhay mo nga ito,napakalungkot naman ng buhay mo...ang tatag n ipinakita mo ay dko ko yata kaya un gnan s kabila ng mga luha mo at sa pag sarili mo sa pagharap sa buhay...masasabi kong kahanga-hanga k,siguro mabait ngang talaga, kc alam mo yan mga mababait ay tunay n anak ng diyos,maniwala k,cla madalas n tuksuhin o subukin ang katatagan kun san hanggang ito,kun bibitiw kb o mananatili matatag, at dun sa punto yon, lagi mong isipin may isang pares ng mata na n laging nakamasid sayo at may laang gantimpala para sayo lng, kc alam nya nya mga pinagdaanan mo, sya SI HESUS.
ReplyDeleteLAGI K LNG MAGDASAL @ sana mabasa mop itong comments ko sayo.
again GOODLUCK sayo & tnx s post.
add me on facebook...yamiverde (cabuyao laguna) msg u din me para confirm ko kc namimili din aq ng frends. tnx
Npka lukot talaga nang buhay mo...kaya mo yan..don't 4get to pray only God can help u..God bless :)
ReplyDeletemeron talang ganyang nangyayari. pero syempre pag kinuwento na, kundi may kulang, may dagdag naman para sumarap nmna ng putahe. ok. ituloy ang pagbasa s nxt chapter.
ReplyDeleterhon