Followers

Wednesday, October 27, 2010

Now Playing: The Symphony Of Sins

Maraming salamat po sa lahat ng patuloy na sumusubaybay sa Now Playing. Pasensya na po dahil matagal akong nawala, may mga inasikaso po kasi ako, like enrollment, etc.

Ito po ay isang special edition piece na para sa inyo. Hindi ko na po sana ipo-post, pero dahil nawala ako ng matagal, regalo ko na lang po sa inyo. Ano'ng meron dito? Basahin mo :)

Enjoy!
-------
Now Playing: The Symphony Of Sins
-------
"HALF!"

Narinig ko na parang may tumatawag sa pangalan ko. Huh? Pinindot ko ang 'pause' button sa music player ng cellphone ko. Tinanggal ko ang headset na tumatakip sa mga tainga ko, at nilingon ang taong umistorbo sa pag-iisip ko.

"Uh, tinatawag mo ba ako?" ang tanong ko kay Peej. Ngumiti siya sa akin at umupo sa tabi ko. Ang mga ngiti niyang iyon ang siya mismong nagdadala sa akin sa panandaliang alapaap sa lupa.

"Bakit senti ka na naman?" ang mga salitang namutawi sa mga labing lihim kong inaasam na maangkin.

"Hindi naman." ang matipid kong sagot kasabay ng isang ng ngiti. Nahihirapan na naman akong pigilan ang damdaming pilit kong kinakalimutan, dahil sa simula pa lang alam kong ako pa rin ang talunan.

"Nako, best, ayan ka na naman. Lumilipad na naman ang isip mo. Kasi naman, 'wag mo munang isipin ang mga bagay na 'yon. Ako muna'ng isipin mo." ang nakangiti niyang tugon. Sheesh, binanatan na naman niya ako ng gan'un. Bigla kong nahiling na sana'y nananaginip ako. Dahil ang mga ganitong pangyayari ay sa pagtulog ko lamang nararanasan at nagkakaroon ng katuparan.

"Manahimik ka nga d'yan JP. Istorbo ka na naman. Oo, nag-iisip ako pero asa ka, hindi ikaw 'yun. Palaka." ang sabi ko sa kanya. Nagsimula akong tumawa, ngunit nagulat ako na parang biglang nagdilim ang kanyang mukha. Napatigil ako at tumingin sa kanya. Bakit kaya nagkagan'un si JP?

"Peej?" ang tanong ko sa kanya. Peej ang nakasanayan niyang tawag ko sa kanya. At sa lahat ng mga kaibigan niya, ako lang ang pinayagan niyang tawagin siya sa gan'ung pangalan.

"Huh? Ah, wala. May naalala lang ako. Sige, naistorbo na kita d'yan. Alam kong ayaw mong naiistorbo kapag nag-iisip ka ng isusulat mo sa mahiwagang notepad mo. Mamaya na lang, best." ang malungkot niyang sabi. Naku naman. Hinawakan ko ang braso niya upang pigilan siya sa tangka niyang pag-alis sa kinauupuan. Nagtampo na naman sa akin ang mokong na ito.

"Hoy, 'wag ka nang magtampo. Ito naman. Kasi naman eh, iniistorbo mo na naman ako. Bakit ba ang dali mo atang magtampo ngayon, ha mokong? Naku!" ang sabi ko sabay pisil sa perpekto at matangos niyang ilong. Ang ganda niyang pagmasdan, isa siyang anghel sa aking paningin.

"Sus, hindi na, alis na ako. I know you can't stand my presence. That's what you said before, diba?" ang malungkot niyang sabi sa akin. Oo, naaalala ko nang minsang mag-away kami. Bigla kong nasabing hindi ko siya kayang pakisamahan, at hindi ko kayang makasama siya kahit saglit. Iyon ay dahil sa bawat sandaling siya'y nasa tabi ko ay laging namamatay ang puso kong pagod nang umasa pa sa kanyang pag-ibig.

"Ikaw, diba nag-sorry na ako? Hanggang ngayon pala dala-dala mo pa rin pala ang hinanakit na iyon sa akin. Sige, ayos lang. Mali naman ako talaga. Kaya paulit-ulit akong hihingi ng sorry sa iyo." ang sabi ko habang nakatingin sa kanya. Alam kong nasaktan ko siya sa mga salitang iyon noon. Ngunit bago pa matapos ang araw na iyon, pinuntahan niya ako sa bahay at nakipagbati. Hindi daw niya kaya kapag wala ako, at kapag magkagalit kami. Simula noon, nakuntento na ako sa pagiging mag-bestfriend namin, kahit paminsan-minsan hindi ko mapigilang muling umusbong ang damdaming pilit ibinabaon sa kahapon.

"Ikaw talaga. Joke lang. Ako magtatampo sa bestfriend ko? Nope! Not happening!" ang bigla niyang sabi sabay tawa at inayos niya ang buhok ko, ang paglalambing na lagi niyang ginagawa sa akin. Kung hindi mo kami kilala, iisipin mo na may namamagitan sa aming dalawa.

Sana ikaw ang Diyos para magkatotoo ang iniisip mo.

"Loko ka rin! Naku, Peej, kainis ka!" at muli kong pinisil ang ilong niya.

"Ayii, yung dalawa d'yan bakit kasi hindi pa umamin? Wala namang magagalit." ang sabat ng isa naming kabarkada.

"Tange, si anes, si Villeta, yung bruhildang shotanes ni JP." ang sabi naman ng kabarkada naming beki na nakapagpatawa sa barkada.

"Hoy magsi-tigil nga kayo." ang suway ko sa kanila sabay bato ng wrapper ng kendi.

"Naku, sige tuloy lang!" ang sabi naman ni mokong. Tae ka Peej, 'wag mo akong ganituhin.

"Hay, ewan." ang sabi ko nalang na tanda ng pagsuko. Ibabalik ko na sana ang headset ng bigla akong pinigilan ni Peej.

"Pa-soundtrip din ako, best. May headphones ka ba?" ang sabi niya sa akin. Ito pa ang isa naming bonding ni Peej. Soundtrip. Kahit na boring para sa iba, ganito talaga kami. Ang maganda sa pagkakaibigan namin, hindi namin kailangan ng kuwentuhan, gala, harutan, at kung anu-ano pa para masabing masaya kami sa company ng isa't-isa. Kuntento na kami na magkatabing nakaupo, kahit hindi nag-uusap. Basta nasa tabi namin ang isa't-isa. Kinuha ko ang headphones na dala ko, tinanggal ang headset at ipinalit doon.

"O best may bago akong playlist, halo ng mga luma at bagong kanta." ang sabi ko sa kanya.

"Senti?" ang tanong niya.

"U-huh." ang sagot ko.

"Game, play mo na." ang sabi niya.

"Okay."
-------
Music
> Playlist
> [Untitled]
> Play (Shuffle ON)
-------
At isang kasalanan ang nakisayaw sa malikot na daigdig sa aking isip.
=======
"... I'm feeling half alive but I know one day you and I will be free
To live and die by our own rules, free
Despite the fact that men are fools
I'm almost alive, but I need you to try and save me
I't's ok that we're dying, but I need to survive
Tonight, tonight.."
- Half Alive, Secondhand Serenade
-------
"You're not alone, Edge." ang tanging nasabi niya. Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya, at ginawaran siya ng halik sa labi.

Sa unang pagkakataon sa pagitan naming dalawa, ako ang nagbigay ng halik. Tinugon naman niya iyon. Inilabas ko sa halik na iyon ang kalungkutang nararamdaman ko, at pinalitan naman niya iyon ng halik na bumubura rito.

'Wala na ba akong bagay na maituturing na totoo?'

'Mayroon pa, hangga't nandito kaming mga kaibigan mo, hanggang nandito ako.'

'Kakayanin ko kaya ito?'

'Ako ang magliligtas sa'yo.'

'Kailangan kong makalimutan ang kalungkutang ito.'

'Ako ang bubura sa lahat ng iyon.'

'Mangako kang hindi mo ako bibitawan.'

'Mahal kita, Edge.'
-------
"You said it again my heart's in motion
Every word feels like a shooting star
I'm at the edge of my emotions
Watching the shadows burning in the dark,
And I'm in love and I'm terrified
For the first time and the last time
In my only life.."
- Katharine McPhee, Terrified
-------
Hawak ng kanang kamay niya ang kamay ko, at hawak ng kaliwang kamay niya ang pisngi ko. Hindi siya nagdalawang isip na halikan at sambahin ang aking mga labi; hindi ako nag-alinlangang magpasakop sa kanyang init. Unti-unting dumaloy ang kuryente sa aking mga labi patungo sa bawat hibla ng aking pagkatao, at unti-unti nitong binuhay ang apoy ng pagnanasa sa akin. Sa kanyang mga haplos at halik, nawala ako sa aking sarili. Mistulang isang adik na sabik sa kasalanang dulot ng kanyang mga labi. Naramdaman ko ang pagsakop ng kanyang dila sa aking bibig. Hindi na bago ang ganito sa akin. Ngunit iba siya, punung-puno ito ng pagsuyo. Tinutunaw nito ang bawat kalungkutan at hinanakit na nananahan sa akin, at pinapalitan ito ng kaligayahang siya lamang ang kayang magbigay. Muli akong naluha ng tahimik, hindi dahil sa kalungkutan, kundi dahil sa kanyang tapat na pag-ibig.
-------
"Everywhere I'm looking now,
I'm surrounded by your embrace,
Baby I can see your halo
You know your my saving grace
You're everything I need and more
It's written all over your face
Baby I can feel your halo,
Pray it won't fade away.."
- Beyonce, Halo
-------
Hindi ko na namalayan ang pagkawala ng saplot na nasa aking katawan. Ang tangi kong naramdaman ay ang init ng kanyang balat na pumapaso sa aking laman. Nawala ang lahat sa akin, at ako'y nasakop ng isang dayuhang damdamin. Mainit. Agresibo. Sensuwal. Ang bawat himaymay ng aking katawan ay sumusunod sa utos ng kanyang mga labi. Kinagat niya ang aking tainga, binugahan ng malamyos na hangin, sinamba. Lalo akong nalunod sa dagat ng pagnanasa. Mistula akong baliw na nawala sa katinuan at natangay ng mapangahas at maalab na daloy ng pag-ibig. Hindi na mahalaga pa kung tama ba ito o mali. Wala na akong iba pang iniisip kundi ang maabot ang langit.
-------
"You lift my feet off the ground
You spin me around
You make me crazier, craizer
Feels like I'm fallin' and I
Am lost in your eyes
You make me crazier, crazier, crazier.."
- Taylor Swift, Crazier
-------
Bumaba ang kanyang labi patungo sa aking leeg. Ginawa niya ang lahat upang patunayan ang kanyang damdamin. Alam kong nag-iwan siya ng patunay na ang lahat ng ito ay tunay at hindi isang panaginip. Bumaba pa ito sa aking dibdib. Hindi ko alam na kaya pala niyang gawin ang bagay na ito. Nakakadala, nakakatangay, nakakalunod. Sinakop ng kanyang labi ang aking munting korona. Hindi ko alam na naitikom ko ang aking palad ng sobrang higpit at napasabunot ako sa kanya. Wala akong magawa kundi magpaanod sa kanyang damdaming ibinibigay sa akin. Pababa, pababa, pababa. Hinalikan niya ang pusod ko. Sinundan niya ang daanan patungo sa aking kayamanan, ng walang alinlangan.
-------
"Let me know if I'm doing this right
Let me know if my grips too tight
Let me know if I can stay all of my life
Let me know if dreams can come true
Let me know if this one's yours too
Coz I see it (Oh...)
And I feel it right here
And I feel you right here.."
- Sponge Cola, Gemini
-------
Bago pa niya ituloy ang binabalak na pagsamba sa akin ay pinigilan ko siya sa nais niyang gawin. Kahit papano ay alam ko pa rin ang ilang mga bagay na hindi dapat gawin, sa kabila ng init ng apoy na tumutupok sa akin. Tumingin ako sa kanya, at muli, nag-usap kami gamit ang aming mga paniningin.

'Sigurado ka ba?'

'Gagawin ko ang lahat para sa'yo, mahal ko.'

'Ngunit-'

'Hayaan mo akong sambahin ka ng buong puso.'

'Pero-'

'Sa pagkakataong ito, wala na akong mahihiling pa.'

'Pat..'

'Mahal na mahal kita, Edge.'

Kasabay ng isang ngiti ay tuluyan na akong sinakop ng kanyang mga labi.
-------
"Don't let me go,
Don't let me go,
Don't let me go..."
- The Fray, Never Say Never
-------
Langit. Ito lang ang tangi kong masasabi sa lahat ng nararanasan ko sa sandaling ito. Dinala niya ako sa isang daigdig na pamilyar na sa akin, ngunit ibang-iba pa rin. Lahat ng hinanakit, sama ng loob, kasinungalingan at katotohanang nabunyag sa akin ng araw na iyon ay binura niya. Wala nang ibang lumabas sa mga labi ko kundi mga tunog ng kaligayahang siya lang ang nakapagbigay. Patuloy akong umaakyat sa alapaap, at patuloy akong nakakalimot sa lahat ng pagkabigo't kalungkutan. Alam kong hindi siya sanay sa ganito, ngunit ginagawa niya ang lahat upang ako'y makalimot.
-------
"Ba't 'di pa patulan ang pagsuyong
nagkulang
Tayong umaasang hilaga't kanluran
Ikaw ang hantungan at bilang kanlungan mo
Ako ang sasagip sayo...
...Ang bagyo ng tadhana ay
Dinadala ako sa init ng bisig mo.."
- Up Dharma Down, Tadhana
-------
Hinawakan ko ang kanyang pisngi at hinila siya palapit sa akin. Hinagkan ko ang kanyang mga labi.
Hindi lang ako ang dapat makarating sa langit. Bilang pasasalamat sa lahat ng ito, ako naman ang nagpalasap sa kanya ng langit na kani-kanina lamang ay naranasan ko. Pinantayan at pilit na hinigitan ko ang lahat ng ginawa niya para sa akin. Hinaplos ng aking mga palad ang buo niyang katawan, at sinamba ng aking mga labi ang buo niyang pagkatao. Alam kong mahal na mahal ako ng taong ito, kaya gagawin ko ang lahat upang siya'y paligayahin.

"Edge.."

Naramdaman ko ang pagdiin ng kamay niya sa ulo ko. Hindi lang ako ang dapat matupok ng maliyab na apoy ng pagnanasa.

"Mahal na mahal kita.."

At muli siyang natangay sa agos ng aming mga damdamin.
-------
"I was wondering maybe
Could I make you my baby
If we do the unthinkable would it make us so crazy
If you ask me I'm ready, I'm ready, I'm ready
If you ask me I'm ready, I'm ready, I'm ready.."
- Alicia Keys, Unthinkable
-------
Makalipas ang ilang sandali ay muli niya akong hinagkan sa labi. Mainit. Nakalulusaw. Nakakabaliw. Pareho naming nilasap ang labi ng isa't-isa. Matagal naghinang ang aming mga labi. Pareho kaming nadala ng iisang damdamin. Tuluyan na akong bumigay at nagpatihulog sa bangin ng pagnanasa. Ngunit akala ko ay hindi na ako makababalik sa realidad. Nagkamali ako.

"Anong...?"

"Ssshhh" ang sabi niya sabay halik sa akin. Bakit niya ginagawa ito? Handa naman akong ibigay ang sarili sa kanya, pero bakit..?

"Just let me, baby."

"Patrick, why?"

"I love you so much."

"But-"

"I'm fine. I will be fine."

"There's no need for us to do this."

"I want to. Just bear with me, ok?"

Iyon lang at tuluyan na ko nang narating ang kanyang paraiso.
-------
"I don't think that you even realize
The joy you make me feel when I'm inside
Your universe
You hold me like I'm the one who's precious
I hate to break it to you but its just
The other way around
You can thank your stars all you want but
I'll always be the lucky one.."
- Rico Blanco, Your Universe
-------
Hindi ko akalaing magagawa niya iyon para sa akin. Inaasahan ko na ako ang makakatanggap, ngunit ako pala ang magbibigay. Nakita ko sa mukha niya ang sakit at sarap na dulot ng aming pag-iisa. Sinubukan ko siyang pigilan sa nais niya, ngunit hindi siya tuminag.

'Para sa iyo ito, mahal ko.' ang sabi ng kanyang mga titig.

'Hindi mo kailangang gawin ito.' ang nagmamakaawa kong tingin.

'Mahal na mahal kita, Edge.'

At tuluyan kaming nadala ng sayaw ng pag-ibig. Ang bawat galaw, ulos, daing, yakap at halik ay pareho naming pinagsaluhan. Ramdam ko ang init ng aming mga katawan, ang sakit na nararanasan niya, at ang ligaya sa kanyang mga mata. Muli naitanong ko sa sarili ko kung ano pa ba ang hinahanap ko, gayong ang anghel na ito ang kusang nag-alay ng sarili sa akin. Hinalikan ko ang kanyang mga labi, upang maiparating ang mga nais ng aking puso na sa pagkakataong ito ay hindi ko masabi sa labis na kaligayahan.

'Maraming salamat, Pat.'

'Mahal kita.'

'Maraming salamat sa pagbibigay ng sarili mo sa akin.'

'Para sa iyo ito.'

'Maraming salamat sa pag-ibig mo.'

'Mahal na mahal kita, Edge.'

Kumalas ako sa sugpong ng aming mga katawan. Nagulat si Pat, at binigyan niya ako ng nagtatanong na tingin. Nginitian ko siya, at muli siyang hinalikan. Mapusok, maalab, ngunit punung-puno ng pagsuyo. At habang magkadikit ang aming mga labi, hinayaan ko siyang marating ang aking daigdig.
-------
"All I wanted was you,
All I wanted was you
All I wanted was you,
All I wanted was you..."
- Paramore, All I Wanted
-------
Naramdaman ko ang kanyang pag-ibig na nakatuon sa akin. Ang bawat bahagi ng aming katawan ay mistulang konektado sa isa't-isa. Muli, nakita ko ang pagkabigla sa kanyang mga mata. Nginitian ko siya, at binigyan ng isang masuyong halik.

"Para sa iyo rin ito. Maraming salamat, ha?" ang bulong ko sa kanya.

At muli kaming sumayaw sa tugtog ng pag-ibig.

Pareho naming sinamba ang isa't-isa. Ang bawat parte ng aming mga katawan ay habangbuhay na itinatak sa aming ala-ala.

"Mahal na mahal kita, Edge."

Bawat haplos, halik at yakap ay pareho naming ibinigay at pinagsaluhan. Nawala na ang lahat ng alinlangan, takot, pangamba at kalungkutan sa akin. Sa tulong niya, napawi ang lahat ng ito, at pinalitan ng kaligayahang siya lamang ang may kakayahang magbigay. Ang bawat haplos niya ay naghahatid sa akin sa mga bagong lugar na kailanma'y hindi ko inakalang mararating. At bawat halik niya ay binibigyan ako ng mga pangakong wagas at buong puso. Ang lahat ng ito ay nagbigay sa akin ng sensasyong walang kapantay hanggang sa kasuluk-sulukan ng aking pagkatao. Ang bawat hibla ng aking katinuan ay nadarang ng apoy na sabay naming nilikha, at ang apoy na iyon ang nagsindi ng mitsa ng alapaap.

At sabay naming narating ang langit.
-------
"..And I'm on my way to believing.."
- Paramore, The Only Exception
-------
Tinignan ko ang natutulog na anghel. Tinitigan ko ang kanyang mukha, at napabuntong-hininga na lang ako.

"...Huwag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat para maayos ang lahat sa buhay ko. Maraming salamat." at ginawaran ko siya ng halik sa noo. Tumayo na ako at lumabas ng kwartong iyon.
=======
Play.

Huh?

Ah, kaya pala. Natapos na ang playlist. Hay, naman. Nilingon ko si Peej, at nagulat ako dahil nakasandal ang ulo niya sa aking balikat. Masyado akong naokupa ng aking makasalanang pag-iisip. Tinignan ko ang anghel sa aking tabi, na hindi sinasadyang nakaidlip. Bakit ba hindi ko kayang pigilan ang damdaming ito? Ang mga ganitong bihirang pagkakataon ang tangi kong pinapangarap na maasam. Ngunit alam ko namang ang laman ng puso ko ay hanggang pangarap na lang.

Pangarap na walang pag-asa.
-------
Music
> Playlist
> [Untitled]
> Options
> Rename
> Done.
-------
- Now Playing: The Symphony Of Sins

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails