Love at its Best (Book2 Part7)
by: Migs
Nais ko ulit magpasalamat sa lahat ng sumuporta at patuloy na sumusuporta sa LAIB.
Maraming salamat din kay kuya Mike, sa pagpayag niya na makapag post ako dito.
Mga co-autjors ko sa GBN, miss ko na kayo lahat. Lalo na si Dalisay. Mother, busy ka pa?
Sensya na kayo kung medyo natagalan ang pagpost ko, medyo tinamaan lang ng katamaran. :-)
________________________________________________________________________________
Mahapdi na ang kamao ko. Sampu? Kinse? Trenta minutos na ba akong nagsususuntok sa punching bag na ito? Hindi ko alam, basta ang alam ko, may kailangan akong ilabas na sama ng loob. Sama ng loob kanino? Sa sarili ko, kay Jon at kay Sam. Sa aking sarili kasi, alam kong gusto ko si Jon, pero wala akong magawa tungkol dito, kay Sam, dahil bakit humantong sa ganito ang pagmamahal ko sa kaniya, at kay Jon, bakit kailanagn niya akong ilagay sa sitwasyon na ito. Sabay ng paghapdi ng aking kamao ang pag kirot ng kaliwang kamay ko at ang pagtulo ng mga luha ko.
“Enso?” tawag ni Jon sa likod ko. di ko siya pinansin, tuloy parin ako sa pagsuntok.
“Is this about Sam? Sam is no longer with us.” sabi ulit ni Jon, as if I needed reminding. Itinuloy ko lang ang pagsuntok ko.
Niyakap ako ni Jon para pigilan ako sa pagsuntok sa punching bag, pinapatahan niya rin ako. Kumawala ako sa kaniya at naglakad palayo. Nagulat siya sa ginawa kong yun.
“I know I can never replace Sam in your heart.” lumapit siya sakin at pinaharap ako sa kaniya.
“No one can replace Sam. You taught me how to live, yes, but it was Sam who taught me about love and how to love at its best. So yes, YOU can never replace Sam. NEVER!” singhal ko kay Jon sabay lakad palayo sa kaniya. Napayuko narin siya, marahil ay napuno na sa sinabi ko.
“Andito pa ako! Buhay na buhay at handa kang mahalin! Ako na lang ang mahalin mo. Bakit hindi mo tanggapin na wala na si Sam? Bakit hindi mo tanggapin na hindi mo na mararamdaman ang pagmamahal na hinahanap mo galing sa kaniya?!” pahabol na sigaw ni Jon. Pero tuloy tuloy lang ako sa paglalakad palayo.
Ilang buwan din kaming nagiwasan ni Jon, pagmagkakasalubong sa loob ng ospital, laging may isang iiwas, wala ni isa samin ang may tapang na kumausap sa isa't isa. Isang beses habang nagrarounds, napansin kong parang may nakatingin sakin, napalingon ako at nakita ko si Jon na nakatingin sakin, nang mapansin niyang nakatingin na ako sa kaniya bigla siyang bumawi ng tingin. Gustong gusto ko na siyang kausapin nun, pero naduwag ako, alam kong marami akong nasabing hindi maganda sa kaniya. Di nakatakas sakin ang tingin na iyon ni Jon, malungkot ang tingin na yun.
“anong drama mo baks?! Bakit hindi ka na nakikipagusap kay Jon?!” takang tanong sakin ni Cha.
“gusto niya kasing maging kami, pero natatakot ako, hindi ako pumayag, ayokong makalimutan si Sam.” sagot ko kay Cha.
“Ano ka ba baks?! Di mo naman kakalimutan si Sam eh. Don't you think it's time for you to be happy naman? Don't you think its time for you to let Sam be a part of your past na?” panenernong sabi sakin ni Cha.
“hindi ko pwedeng i-isang tabi lang si Sam.” mahinahong sabi ko kay Cha.
“Sam is dead.” pagpapaintindi sakin ni Cha.
“I know.”
“Jon likes you.”
“I like him too.” sagot ko. At binatukan ako ni Cha ng ubod ng lakas.
“Ang arte mo talaga! Ganito lang yan eh. Natatakot ka lang kasi na mawala yung konting alaala ni Sam na pinanghahawakan mo kaya hindi ka makagawa ng mga bagong alaala kasama si John. Hindi yan dahil ayaw mong makalimutan si Sam, dahil hindi naman mangyayari yun eh, ang ikinatatakot mo ay ang mawala ang ilang alaala niyo ni Sam.” sabi ni Cha, natameme ako sa sinabi niyang yun. Napagisipsip ko na tama siya, yun nga marahil ang problema ko. di ko napansin na tinititigan pala ako ni Cha, habang nanguya ng chocolate covered wafer ng rebisco.
“bakit ganyan ka maka titig?” tanong ko sa kay bruha.
“wala naman. Tara punta tayong Tagaytay?” aya sakin ni Cha.
“ha?! Napaka impulsive mo talaga!” sagot ko sa kaniya.
“sige na trip lang.” pagpupumilit ni Cha.
“napapagod din ako Cha, uwi na ako mamya para magpahinga!” sagot ko sa kaniya.
“saglit lang naman tayo, sige na.” pagpupumilit ni Cha, wala na akong nagawa.
“bwisit ka! Wala ka rin palang dalang sasakyan, kung maka aya ka magroadtrip!” singhal ko kay Cha , habang nakaupo kami sa loob ng bus na nagiintay sa terminal na biyaheng Mendez.
“shhhh! Haha! Roadtrip nga baks eh!” sagot naman ni Cha.
“lakas trip!” sabi ko sabay irap.
“ay manong conductor!” sigaw ni Cha nang mapasilip sa may bintana.
“Cha, kunduktor, hindi conductor.” pananaway ko kay Cha.
“Inatyin niyo ako ah, nakakita kasi ako ng donut oh, wait lang bili lang ako saglit!” excited na sabi ni Cha sa konduktor.
“sure Miss Beautiful.” sagot nung konduktor sabay kindat.
“Cha, dun ka na lang bumili sa Tagaytay!” pagpigil ko sa kaniya.
“ano ba baks! Gutom na gutom na ako!” sigaw ni bruha sakin, sabay lakad sa pasilyo ng bus at nakipaglandian pa sa manong kunduktor. Pinabayaan ko na lang ang bruha sa gusto niya, binuksan ko ang ipod ko at isinukbit ang earphones. Naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Napatingin ako dito at nagulat, si Jon pala. Biglang umandar ang bus dahandahan palabas ng terminal at napatayo ako, tinanaw ko kung nakasay na pabalik si Cha, walang Cha na naglalakad sa pasilyo ng bus pabalik sa upuan niya. “Nalintikan na.” sabi ko sa sarili ko. Tumingin ako sa may bintana at nakita ko ang bruha na ngumunguya ng donut at nakangiting pangdemonya.
“umupo ka na, baka biglang magbreak yung bus.” mahinahong sabi ni Jon.
“plinano niyo ba to? Excuse me bababa ako.” sabi ko kay Jon. Pero hinawakan niya ang kamay ko at pinaupo ulit.
“isipin mo na lang na asa anger management class ka pa ulit namin ni Cha.” mahinahong sabi ni Jon, napatingin ako sa mata niya. Nagmamakaawa ito. Umupo ako at pinabayaan na lang siya sa gusto niya.
“san ba tayo pupunta?” tanong ko kay Jon.
“wag kang magaalala, di PA kita rereypin.” ngumiti ito na pangdemonyo. Ibinalik ko na lang ang earphones sa tenga ko at sumandal, ipinikit ko na ang mga mata ko. Tutal mukhang di naman ako sasagutin ng maayos nitong kumag na to.
Naramdaman ko na lang na bigla akong nilamig. Pagdilat ko nakasandal na pala ako sa balikat ni mokong, “ambango niya” isip ko, tinignan ko siya, tulog din. Di muna ako umalis sa ganoong posisyon. Sa halip mas lalo ko pang idinikit ang ilong ko sa dibdib niya.
“di kaya maubos ang amoy ko niyan?” sabi ni mokong, napadaretso naman ako ng upo bigla. Nagtutulugtulugan lang pala si kumag. Napahiya tuloy ako.
“oh bakit mo inalis ang ulo mo? Sige sandal ka lang. Ok lang.” sabi ni Jon, hindi siya nagloloko, seryoso ang mukha niya.
“ah eh, wag na nkakahiya naman sayo.” nahihiya at giniginaw kong sabi. Tumingin ako sa labas at nakita kong nasa Aguinaldo hiway na kami. Iniabot sakin ni Jon ang isang jacket.
“thank you.” mahinang sabi ko. Napatingin ako sa kaniya, seryoso parin ang mukha niya. Nagulat ako ng bigla niya akong hinablot at pilit pinasandal sa balikat niya. Umakbay naman siya sakin, namiss ko ang may yumayakap sakin ng ganon. Aayos sana ako ng upo, pero pinigil ako ni Jon. “dito ka lang.” mahinang sabi niya. Di na ako nakapalag. Di nagtagal nakatulog na ulit ako.
00000oooo00000
I'll be loving you forever
Deep inside my heart
You'll leave me never
Even if you took my heart
And tore it apart
I would love you still...forever
You are the sun
You are my life
And you're the last thing on my mind
Before I go to sleep at night
You're alwayz 'round
When I'm in need
When trouble's on my mind
You put my soul at ease
There is no one in this world
Who can love me like you do
So many reasons that I
Wanna spend forever with you
I'll be loving you forever
Deep inside my heart
you'll leave me never
Even if you took my heart
And tore it apart
I would love you still...forever
Nagising ako sa ingay na ginagawa na yun ni Sam, hindi man maganda ang boses ni kumag, gustong gusto niya paring ginagamit ito.
“Ingay mo naman!” saway ko sa kaniya.
“aba! Ikaw kasi, tinulugan mo ako! Kita mong limang oras na akong nagdadrive dito oh.” nakasibanghot na sagot sakin ni Sam, habang nagmamaneho pauwi ng Manila galing Baguio. Tinignan ko siya, halatang nainis ang kumag. Tinanggal ko ang seat belt ko at lumapit sa kaniya, sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at dun pinagpatuloy ang pagtulog.
“Antukin!” mahinang sabi ni Sam. Napangiti naman ako.
00000oooo00000
Naramdaman kong may parang mga buhangin na bumabagsak sa mukha ko. Pagdilat ko andun si Jon na kumakain pala ng buko pie. Tumingin ito sakin at ngumiti.
“bababa na tayo mayamaya.” sabi nito. Umupo ako ng maayos at pinagpag ko naman ang mukha ko ng mga mumo mula sa kinakain niyang buko pie, sabay tingin kay Jon ng masama.
“ay sorry, gusto mo ba?” sabay pagpag niya sa mukha ko. Tinignan ko ang lalagyan ng buko pie na inaalok niya, nakita kong may isang slice na lang ng buko pie ang natira. Umiling ako.
“ok, sakin na to ah.” sabay kain ni Jon sa natirang slice, natawa naman ako, antakaw kasi ni mokong. Napatingin ako sa kaniya at ngumiti ito ng matamis. At naalala ko ulit ang napanaginipan ko kanikanina lang. Nang matapos ang kinakain, tumayo na si mokong at inabot ang kamay ko.
“halika na, lapit na tayo dun, malapit na tayong bumaba.” at inalalayan niya akong tumayo.
Pagkababa namin ng bus, tumingin ulit siya sakin. Nakita kong may piraso pa ng buko pie sa labi niya, pinunasan ko ito, nagulat kami pareho sa ginawa ko, bumawi na lang ako ng tingin at ibinaling ang tingin ko sa isang pamilyar na bahay sa kabilang kalye. Napakunot ang noo ko. Bahay iyon ng mga lolo at lola ko. Imposibleng alam ni Jon ang lugar na ito, wala akong nabanggit sa kanila ni Cha tungkol dito. Pilit ko ring inaalala kung may nabanggit nga ba ako. Tumawid kami at nag doorbell sa may gate.
“anong gagawin natin dito Jon?” mahinang tanong ko sa kaniya.
“I've been in touch with your brother.” sagot ni Jon. Alam ko na ang ibig niyang sabihin, may isang linggo na ang nakakaraan ng tawagan ako ng tita ko, kapatid ni Daddy, meron daw sakit si Dad, at sana daw ay makadalaw ako dito. Tahimik lang ako, hindi ko magawang tumalikod. Nanginginig na ako. Di pa man ako nakakapasok sa bahay ay nanlalamig na agad ako, hinawakan ni Jon ang kamay ko, kinakabahan. Ganun parin kaya si Dad? Siya parin kaya ang tatay kong walang puso? Humigpit ang hawak ni Jon sa kamay ko. Sinalubong kami ni kuya.
“kanina ka pa iniintay ni Dad.” sabi ni kuya, sabay yakap sakin ng mahigpit, hindi siguro niya napansin ang paghawak ng kamay ni Jon sa kamay ko.
“ano bang balita?” tanong ko kay kuya.
“Its cancer, liver cancer stage 4.” sabi ni kuya na ikinagulat ko. sinamahan niya kami hanggang sa kwarto ni Dad, di ko naman maiwasang magtaka, kung galit ako kay Dad, mas lalo na si kuya, pero eto siya ngayon mas nauna pang magpatawad kay Dad kesa sakin. Habang papalapit ako ng papalapit kay Dad, nararamdaman kong nanginginig ako. At gustong gusto ng tumulo ng mga luha ko.
“Dad.” tawag ko sa aking ama. Napaupo ito mula sa pagkakahiga, pansing pansin ang pagbaba ng timbang niya, pumuti ang buhok at nawala ang dating mapagmataas na tingin. Pumalit sa tingin nito ang maluhaluhang tingin at punong puno ng pagsisisi.
“Lorenso, anak.” mahina at garalgal na sabi ng aking ama. Lumapit ako, habang naglalakad palapit ay di mapigilan ng mga luha ko ang bumagsak. Nangangatog parin ako. Habang papalapit ay luilinaw na rin ang mukha ng Dad, sa mga pisngi ni Dad ay dumadaloy ang mga luha ng pagsisisi.
“Patawarin mo ako Anak, naging masama akong ama sa inyo ng kuya mo, naging masama akong asawa sa Mom ninyo.” umiiyak na sabi ng aking ama.
“shhh Dad, tama na. Hindi makakabuti sainyo ang ganyan. Mabuti pa magpahinga na muna kayo.” sagot ko sa aking ama. Umiling lang ito at nagpatuloy sa pagpapaliwanag.
“Nais ko lang naman mabigyan kayo ng magandang buhay, pero kasabay ng pagasenso natin ay ang pagiging bato ang puso ko at naging mapusok ang bawat pagtrato ko sainyo. Sana ay mapatawad niyo ako.” paghingi muli ng kapatawaran aming ama. Napalingon ako sa aking kuya, puno na rin ng luha ang pisngi nito.
“Dad, tama na. Kalimutan na natin lahat ng iyon. Ang pangit tignan eh, tatlo tayong nagbrubruskuhan dito, tas iyak tayo ng iyak.” pagbibiro ko, sabay sabay napatawa kaming tatlo.
“if only Mom is still here, panigurado ko matutuwa yon.” sabi ni kuya, habang binabalik ang nasirang composure. Napatingin ako sa kinatatayuan ni Jon, nakangiti itong tumalikod at lumabas papuntang sala.
“I'm sure your mom would have been happy indeed.” paniniguro ni Dad. Napayakap ako sa aking ama. Mula sa yakap na iyon, alam ko, wala na ang pusong bato na namamayani dito dati.
“pagluluto kita bukas ng waffles and pancakes, Dad.” sabat ng kuya ko. Nagkatinginan kami ni Dad at palihim na ngumiti.
Lumabas ako ng kwarto ni Dad, huminga ng malalim at di ko na napigilang tumulo ang aking mga luha. Kasunod ko si Jon at si kuya, niyakap ako ni Jon. Napayakap narin ako sa kaniya. Nakita ko namang nakatingin samin si kuya.
“magkatabi ba kayong matutulog?” tanong ni kuya na ikinagulat ko naman.
“Opo”... “hindi ah!” sabay naming sabi ni Jon. Napangiti si kuya.
“I mean uuwi kami.” sagot ko kay kuya, at tinignan ng masama si Jon.
“dito na kayo matulog Enso, halatang pagod pa kayo. Saka sabi sakin nitong si Jon may pupuntahan pa daw kayo bukas.” at ngumiti ito.
“eh san mo patutulugin tong si Jon?” tanong ko kay kuya, kasi medyo may kaliitan din yung bahay.
“magtabi na kayo dun sa guest room. Ok lang na mabuntis ka Enso, may tarbaho nanaman kayo eh, kaya nyo nang sustentuhan ang bata pagnagkataon.” at humalakhak si kuya.
“tado!” sabi ko kay Kuya.
“and besides, Jon looks like the marrying type.” pahabol na pangaasar ni kuya.
“Tantanan! Pwede?!” sigaw kong balik kay kuya. Habang si Jon naman ay nangingiti lang sa gilid.
Habang nasa kwarto kami, wala kaming imikan ni Jon. Nanonood lang ako ng TV, habang siya ay nagpapatuyo ng buhok. Mayamaya nangulit nanaman ang mokong.
“palabiro pala kuya mo no?” tanong nito sakin.
“Oo, kumag yun eh.” sagot ko naman sa kaniya, habang nakatutok ang mata ko sa palabas na Rubi.
“at least siya boto sa akin.” mahinang sabi ni Jon. Napatigil naman ako sa sinabi niyang yun.
“tulog na tayo?” pagiiba ko sa usapan.
“ok sige.” sabi ni Jon, sabay patay ng ilaw.
“ayoko ng nakapatay ang ilaw.” sabi ko. at binuksan ulit ang ilaw sa tabi ng kama.
“eh di ako makakatulog pag nakabukas ang ilaw eh.” sagot ni kumag. At patay ulit ng ilaw.
“eh pano naman ako makakatulog kung papatayin mo yang ilaw?” tanong ko. biglang bumukas ang pinto, at bumulaga si kuya.
“para kayong magasawa!” sabi ni kuya, sabay halakhak at sara ng pinto.
“sige na iiwan na lang na bukas yang ilaw, pero yayakap ka sakin.” kundisyon ni Jon.
“Wag na! Sige patayin mo na lang.” sabi ko.
“ayun naman pala eh, susuko ka rin naman pala eh.” pangaasar ni Jon.
Di pa man nagtatagal ay narinig kong humilik si kumag, at hindi na talaga ako nakatulog.
Itutuloy...
hmmm nagiging interesting na to ah... wag ka lng ulit mag gagawa ng kagaguhan jon lalagapak ka sakin....!!!
ReplyDelete"LHG"