Now Playing Chapter 10
Fly With Me
"If it's you and me forever,
It's you and me right now
That'd be alright,
Be alright
If we chase the stars to lose our shadow
Peter Pan and Wendy turned out fine
So won't you fly with me?"
- Jonas Brothers, Fly With Me
-------
"Pat, ano ba?" ang napalakas kong sabi. Hinatak niya ako hanggang makarating sa duyan. Inupo niya ako doon. Tiningnan ko ang mukha niya. Ang mga mata niya. Tama ba ang nakikita ko?
Galit.
-------
Bigla namang umakyat ang dugo ko sa ulo ko. I'm starting to get pissed. Katatapos ko lang umiyak. Now what? Ano'ng nangyayari sa taong ito?
"Ano'ng nangyayari sa'yo? Anong problema mo? Alam mo, matagal na akong nagtataka sa inaasal mo. Hindi kita maintindihan. Una, ang sweet-sweet mo. Kung makangiti ka pa parang wala nang bukas. Tapos bigla ka nalang sisimangot. Tapos ayan, nagagalit ka. Tang'na, ano ba'ng ibig sabihin nito? Noon ko pa napapansin ito, eh. At mukhang alam din ng barkada ito. Ano? What's the whole scheme for? Maaari ko ba'ng malaman, Mr. Achilles?" ang mataas na tono kong pagkakasabi. Tinitigan ko siya. Tinapatan ko ang matigas niyang titig. Hindi ako magpapatalo.
"Sabihin mo nga sa akin, Edge. Bakit ba ganyan ka?" ang nakalilitong sabi niya. Ako daw? Ganito? Ano'ng ganito?
"Ano'ng pinagsasabi mong ganito ako? Ha? Ano na naman ba iyan? Bakit ba ako na naman? Lagi nalang akong 'ganito'. Pasensya na ha, tanga lang. Ano bang 'ganito', ha, Mr. Achilles?" ang sarkastiko kong turan. Buwisit.
"Manhid ka!" ang pasigaw niyang sabi. Alam kong narinig iyon ng barkada. Malakas kasi talaga ang pagkakasabi niya. Mabuti nalang at ang barkada lang ang naroon sa tambayan. Sa gilid ng aking paningin nakita ko silang nakatingin sa amin.
"Oo na, manhid na ako. Lagi naman eh. Marami na ang nagsasabi niyan sa akin. Hindi lang ikaw! Eh ano naman sa'yo, ha? Pasensya na ha, ganito kasi talaga ako! Ano bang bago doon? Wala naman diba? Wala! God, ang tagal na nating magkaibigan, alam mo na iyan. Ano bang ipinuputok ng butse mo, ha? Alin, yung eksena namin ni Benji, o yung sa amin ni Clyde? Ano, nagseselos ka? Ano ka, BOYFRIEND ko?" natigilan ako sa sinabi ko. Nangyari na ito noon, sa isip ko.
-------
'Anong kagaguhan ba ang pinagsasabi mo? Anong pakialam mo sa ginagawa ko? Diba ganun din naman ang ginagawa mo sa mga babaeng nakakandong sayo? Tang'na, ano bang karapatan ang mayroon ka sa akin? Ha? Ano ka, BOYFRIEND ko? Gago!'
Ano ka, BOYFRIEND ko?
Ito ang sinabi ko kay Micco.
-------
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. It's as if the tiny flame in me that scorched my brain has been extinguished. Nauulit na naman ang lahat. No, hindi ito maaari.
"Let's calm down first, Pat. Mag-usap nalang tayo kapag pareho na tayong kalmado. Walang mangyayari kung magsisigawan tayo." ang mahinahon kong sambit. Tsk, nablangko ako. Nawala ng parang bula ang inis na nararamdaman ko. Nagsimula akong maglakad palayo sa kanya, ngunit hinawakan niya ang kamay ko at nagsalita. Ang mga salitang iyon, na nagpagulo sa pagkatao ko, at kailanman ay hindi ko inaasahang magmumula sa kanya. At hanggang ngayon ay hindi ko kayang paniwalaan.
"Mahal kita, Edge."
Diretso. Walang paligoy-ligoy. At dahil dito, nabingi ako.
"Ano'ng sinabi mo? Mahal mo ako? Wow, Patrick. Tang'na ka. Alam mong ayaw ko na binabanas ako ng sobra, hindi ba? I'm sorry, but I'm not finding this as a funny joke. This is cruel" ang bigla ko na lang nasabi. No, this is not true.
"Will you please listen to me? I'm not joking, and this is not a joke, Edge. I love you! I LOVE YOU! Totoo ang sinasabi ko! Please, maniwala ka" ang pagmamakaawa niya. Sh*t, hindi puwede ito. Ang mga mata niya. Ang mga tsokolateng brilyanteng iyon ang nagsasabi sa akin ng katotohanan. Ang nakalulunod na katotohanan.
Mahal kita, Edge.
"Mag-usap na lang tayo some other time, Pat. Mauna na ako." ang paalam ko sa kanya. Kailangan kong umalis dito. Hindi ko alam ang gagawin ko. Inalis ko ang kanyang kamay na nakahawak sa aking braso. Diniinan niya ang pagkakahawak niya, at nagpumiglas ako. Hindi ito maaari. Hindi ito totoo. Nakawala ako sa kanya, at nagsimula nang maglakad. Hindi ko na siya nilingon pa. Dali-dali akong pumasok sa loob ng kainan. Nakatingin silang lahat sa akin.
"Edge"
Ngunit hindi ko sila pinansin. Kinuha ko ang mga gamit ko, at dali dali ring umalis. Bumalik ako ng campus mag-isa.
Hindi ito maaari.
-------
Oo nga't bumalik ako ng campus, pero hindi na ako pumasok sa klase. Naguguluhan ako. Bakit ba ganito ang nangyari? He's supposed to be straight! He shouldn't be falling in-love with another guy! He's not like me! That can't be! The first person that I've fallen for, the first person that I've silently worshipped, the person of my first heartbreak, is in-love with me? Ano'ng klaseng kahibangan ba ito? At isa pa, bakit ba pakiramdam ko hindi ito tama? Hindi ba dapat nagtatatalon ako sa tuwa? Bakit?
Hindi pa ako handa.
Mahal ko pa ba siya? Bakit kasi ngayon lang niya ito sinabi? O naramdaman?
Mahal ko pa ang nakaraan. Tang'na, ang hirap niyang kalimutan.
At may bago akong napupusuan. Kainis, mahal ko na yata siya.
Para akong tangang nakatunganga sa gitna ng isang tagong hardin sa loob ng campus. Iilan lang ang tumatambay dito, kadalasan mga freshman. Ngunit walang tao dito ngayon, Sabado kasi. Salamat naman, kailangan ko ng ilang sandaling katahimikan.
Napa-isip ako. Bakit ba parang wala akong tiwala sa mga salitang binitiwan niya? God, buong buhay ko kaibigan ko na si Patrick. Dapat alam ko na kung kailan siya nagbibiro o hindi. Great. And then my mind starts an avalanche of what-ifs.
What if nagbibiro lang talaga siya?
What if trip lang iyon?
What if may gusto lang siyang patunayan?
What if-
Sh*t. I'm not supposed to doubt him. He's been a very good friend. Bakit ba ang dami-dami kong iniisip? Ngayon ko naiisip how stupid I am. Ano pa bang hinahanap ko? Hindi pa ba sapat ang katotohanang nakita ko sa mga mata niya?
He loves you Edge. And you've no other choice but to believe that.
But..
What's holding me back?
Si Micco ba?
Si Xander?
O si Clyde?
What? Paano napasok sila Xander at Clyde dito?
Waaahhh!!
Kailangan kong tumakas pansamantala.
Sasabog na ang utak ko.
-------
3:00 pm pa lang nang magpasya akong umalis. Nai-stress ako ng sobra. Kailangan kong makahanap ng mas magpapakalma sa akin. Ayoko ng kausap. Gusto kong mapag-isa.
-------
"Sir, ito na po ang order 'nyo. Lasagna, garlic bread, iced tea at mango ice cream. Do you need anything else, sir?" ang tanong ng waiter sa akin.
"No. That would be all. Thank you." ang sagot ko sa kanya. Hay nako. Eto na naman ako. Food trip. Ganito talaga 'pag stressed o kaya 'pag depressed ako. Bakit ba? Sa halip na magmukmok ako, kakain nalang ako. Nakakabusog pa. Nandito nga pala ako sa isang maliit na resto dito sa lugar namin. Akala 'nyo siguro, pang mayaman ito 'no? Nope, hindi po. Napaka-affordable nga ng mga pagkain dito. Sinasabi ko sa inyo, pang dalawang tao ang isang order ng lasagna. For 60 pesos. S'an ka pa? Hehehe. Bahala na muna ang mga bagay na nagpapakumplika sa buhay ko ngayon. Basta ako, magpapakasaya muna sa mga bibisita sa aking sikmura. Hahaha.
Tinitigan ko ang pagkain. If what Patrick said was true, and we got into a relationship (na ever since I've been dreaming of, kasi alam n'yo na yung kwento), would we complement each other like lasagna and garlic bread? Maging bottomless kaya ako sa ideyang Patrick love Edge? O maging matamis rin kaya ang pagsasama namin gaya ng ice cream?
Hay, naman.
Bahala na si Spongebob.
-------
Krriiinnnggg!!!
"Hello?"
"Edge! Sa wakas. Nasaan ka? Ano'ng nangyari sa iyo? Bakit hindi ka pumasok? Ayos ka lang ba?" si Clyde. Bakas sa boses niya ang pag-aalala.
"Hey, hey, easy lang. Mahina ang kalaban. Bakit ba grabe ka makatanong? Worried ka naman ata masyado" ang pabiro kong turan. Oo, dapat ayos na ako.
"Grabe? Edge, WE are worried sa'yo! Hindi ka na namin nakita simula ng umalis ka sa tambayan. You're not in class either. At kanina ka pa namin kino-contact. Bakit ngayon mo lang binuksan ang phone mo?" ang talak niya sa akin. Tsk. Kainis. Pati ba naman ikaw bubuwisitin ako.
"Clyde, I don't need your 'mothering' skill right now, and I don't want to be with anyone right now. I simply want to be alone, for a moment. Okay?" ang sabi ko sa kanya. Naiinis na naman ako. Hay naku.
"Moment? Ang tagal ng moment mo, ha? 1:00 pm to 11:00 pm! Sh*t na moment iyan! Edge-" hindi ko na narinig ang sinabi niya dahil ibinaba ko na ang tawag. Bastos man ang dating, wala akong magagawa. Ayokong matulog na nabubuwisit. Ibinato ko ang cellphone ko sa kama, kinuha ang tuwalya, pumunta sa banyo, nag-toothbrush, nag-shower, nagsuot ng boxer, pumunta sa ilalim ng kumot, at natulog. Batman, bahala ka muna diyan. 11:30 pm. Matutulog na ako.
-------
Tok tok tok!
Tok tok tok!
Hmmm...
Tok tok tok!
Hmmp.. Hay, ano ba iyon?
Tok tok tok!
Huh? Tiningnan ko ang alarm clock ko. 11:45 pm. Tang*na naman 'yan, ni hindi ko pa nga naaabot ang Neverland.
Tok tok tok!
Hay, naman! S'an ba galing iyon?
Tok tok tok!
Sa bintana?
"Edge?" Tok tok tok!
Tama ba ang naririnig ko?
"Edge? Edge?" Tok tok tok!
Si Clyde ba iyon?
"Edge!" Tok tok tok!
Siya nga. Pero, paano? At bakit?
"Edge!" Tok tok tok! Pagkatapos ng huling katok ay tumayo ako at lumapit sa bintana. Binuksan ko ito. At gaya ng aking hinala, nandun si Clyde, naghihintay.
"Clyde? Ano'ng ginagawa mo dito? Gabing-gabi na, ha. Paano mo nalaman na dito ako nakatira? Sin-" inilagay niya ang hintuturo niya sa aking mga labi, na nakapagpahinto sa akin sa pagsasalita. Kuryente na naman.
"Puwede bang pumasok? Nilalamig na ako dito" at tumingin siya sa akin. Naman, 'wag mo akong tingnan ng ganyan. Dahil medyo mataas ang bintana, inalalayan ko siya sa pag-akyat dito. Inabot ko ang isang kamay niya, at hinila siya ng pataas ng dahan-dahan. Nang makatungtong siya sa bintana, hinawakan ko ang kanyang bewang para alalayan siyang bumaba, at hinawakan naman niya ang aking balikat. Ayos na sana ang lahat eh, kung hindi lang tumama ang binti ko sa gilid ng kama habang umaatras ako. Sh*t! Naramdaman ko ang unti-unting pagbagsak ng katawan ko sa kama. At dahil magkakapit kaming dalawa, sabay kaming bumagsak dito.
Ang anghel ay nakapaibabaw sa demonyo.
Ni hindi ko naramdaman ang pagtama ng katawan ko sa kama. Ang alam ko lang, ang gaan ng pakiramdam ko. Tumigil ata ang oras habang magkadikit ang aming katawan, at habang nakatitig ako sa kanyang mga mata. Para akong nalulunod sa pilak na dagat.
Matagal kaming nagtitigan. Ang mga matang iyon, ni hindi ko maintindihan ang nais ipahiwatig. Masyado akong nadadala sa ganda ng kanyang mga titig. Hindi ako makapag-isip ng maayos. Nag-ooverload na ata ang utak ko. Ang mga matang lumulusaw sa aking puso na pinatigas ng labis na kalungkutan at pagkalito. Ngunit bakit ganoon? Parang.. Unti-unting lumalapit ang kanyang mukha sa akin. Nananaginip ba ako?
Hindi, hindi ito panaginip.
Palapit ng palapit. Nararamdaman ko ang unti-unting paghaplos ng kanyang hininga sa aking mga labi. Mainit. Sh*t! Ni hindi ko kayang magpumiglas, ni salubungin ito. Hindi ako makagalaw. Naparalisa ang aking katawan sa presensiya pa lamang ng anghel na ito. Ang mga matang iyon ay tila ba hinihipnotismo ako upang manatili sa aking puwesto. Hahalikan ba niya talaga ako?
"Sir, you have a text message" ang maingay na tunog ng cellphone ko.
Sh*t! What? Ano ba iyan! Kainis! Iyon na iyon, eh, naudlot pa! Taena! Dahil doon, agad kaming natauhan. Umalis siya mula sa pagkakadagan sa akin, at ako naman ay tumayo upang kuhanin ang buwisit na telepono. Binuksan ko ang mensahe, at nanlumo ako sa nabasa ko.
"***** ALERT: You are entitled to get a free Lady Gaga Mp3..."
TAANNGGIINNAAA!!!
Langit na, naging lumot pa! Tsk, tsk tsk. Hay, naman. Natahimik muna kami saglit, bago kami nagsalita.
"Clyde-"
"Edge-" ang sabay naming turan. Nagkatinginan kami. Grabe! Pakiramdam ko namula talaga ako. Pero, alam kong namula din siya! Naman!
"Ah-"
"Ah-" ang sabay na naman naming sabi.
"Sige, mau-"
"Sige, mau-" ang sabay naming sabi. Nagkatinginan na naman kami. Grabe talaga! Kung literal na nakalulusaw ang mga titig, kanina pa ako nasa sahig. Ngumiti nalang ako, at ganun din ang ginawa niya. Para kaming mga tangang nakangiti sa isa't-isa. At sabay kaming tumawa.
Ang sarap sa pakiramdam.
Langit.
-------
"Maaari mo na bang sabihin kung anong ginagawa mo dito?" ang panimula ko kay Clyde. Hindi pa rin ako makapaniwalang ang prinsipeng ito ay naka-upo sa aking kama.
"Maaari mo na rin bang sabihin kung ano ang ginawa mo kanina? Saan ka ba nagpunta? Nag-alala ak-kami sa iyo, ha?" ang sabi niya. Ano daw? Muntik na ba niyang sabihin na nag-alala 'siya' sa akin?
"Wala naman. Nagpahangin lang." ang maikli kong tugon. Tinitigan niya ako. Alam kong nakita niya ang dinadala ko. Hay, gan'un ba talaga ako ka-transparent?
"Ok, fine. Tumambay ako sa Secret Garden. Kinailangan kong mag-isip. Ang hirap kasing paniwalaan ang mga nangyari. Biro mo, ang isang kaibigang mula pagkabata ay kasama mo na, iniibig ka pala. At ang masama pa, inibig ko rin-" agad akong natigilan nang dumulas sa aking mga labi ang tunay kong nararamdaman. Ang tunay kong pagkatao. Tiningnan ko siya. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Hay, naku naman. Nandito na ito, eh. Kaya mas mabuti na ipaliwanag ko na lang.
"May gusto akong sabihin, Clyde. Bisexual ako." at tinignan ko siya. Ngayon pa lang ay nanghihinayang na ako. Ayos rin kasing kaibigan itong si Clyde, eh. Mabait, maaalalahanin, at kung ano-ano pa. Ano bang malay ko, baka homophobe ito. Tahimik lang siya. Ni hindi ko mabasa ang laman ng isip niya. Hay, bakit ba hindi ka magsalita, ha? Bakit!
"Hey, magsalita ka naman" ang nag-aalangan kong sabi.
"B-bisexual ka?" ang tanong niya sa akin. Ok, this is it. I've got two endings on this: acceptance or rejection.
"Oo." mas pinili ko na ito na lang ang isagot. Nais kong suriin ang kanyang magiging reaksyon. Kahit ano man ang mangyari, tatanggapin ko. Kung acceptance, e di masaya. May isa na namang taong nakakaintindi sa akin. Kung rejection, ayos lang. At least, naging close kami kahit saglit lang. Matagal ang katahimikan. Ako ay nag-aantay ng mga bagay na posibleng mangyari - tulad ng isang bilanggo na hinihintay ang araw ng pagbitay. At siya naman ay parang isang batang inilagay sa gitna ng malaking siyudad at hindi alam kung ano ang gagawin at kung saan pupunta. Para kaming mga tuod na nagtitigan sa isa't-isa. Upang matapos na ang lahat ng ito, nagsalita na ako.
"Tatanungin kita, Clyde. Ayos lang ba sa'yo na nandito ka sa loob ng kuwarto ng isang lalaking bisexual? Tandaan mo, hindi lang babae ang gusto ko. Tayong dalawa lang rito, tulog na ang pamilya ko. Nakasarado ang pinto. At nakaupo ka sa kama mo. Hindi ka ba naiilang sa akin?" ang sabi ko sa kanya. Tinitigan ko siya, ngunit nanatili pa rin siyang tahimik. Nagpatuloy ako.
"Paano kung may maisipan akong gawin, ano ang gagawin mo?" Tahimik pa rin siyang nakatingin sa akin.
"Paano kung yakapin kita gaya ng ginagawa mo sa akin dati bago mo pa malaman ang bagay na ito?"
"Paano kung halikan kita sa pisngi katulad ng lagi kong ginagawa sa mga kaibigan ko?"
"E di gawin mo." ang biglang pagsagot niya sa akin. Tiningnan ko ang mga mata niya, hindi ko maintindihan ang kanyang sinabi. Nagpatuloy siya.
"Oh, bakit ganyan ka makatingin? Ang sabi ko, gawin mo. Ano naman kung bisexual ka? We're friends, and that would never change, Edge. Remember that." ang sabi niya sa akin. Naluha ako sa sinabi niya. Yes! Tinanggap niya ako, bilang ako, ang tunay kong pagkatao. Hindi nga ako nagkamali, mabuti siyang tao. Agad ko siyang niyakap. Mahigpit. Nais kong ipadama sa kanya ang aking kaligayahan at pasasalamat. Pakiramdam ko malaya ako sa kanyang mga bisig. Hinaplos niya ang likod ko, at ibinulong ang mga katagang lalong nagpasaya sa akin.
"Kahit anong mangyari, ikaw pa rin ang anghel ko."
Anghel? Ako? Saan naman nanggaling iyon? Sinabi ba niyang ako ang anghel niya? Grabe! Isang straight guy, sinabing anghel niya ako! Hindi ako makapaniwala. Ito ay isang musika sa aking pandinig. Kumalas ako sandali sa pagkakayakap, at tumingin ako sa kanya. Nginitian ko siya na punung-puno ng tamis, kasiyahan at pasasalamat. Ganun din ang ginawa niya. Alam ko kung ano ang epekto nito sa akin. Alam ko, masaya ako sa mga sandaling ito.
Ako nga ang anghel mo, ikaw naman ang langit ko.
-------
"Bakit parang wala kang problema sa mga bisexual? Ni minsan ba, hindi ka nailang sa mga katulad ko?" ang tanong ko sa kanya matapos ang saglit na katahimikan na namagitan sa aming dalawa. Naitanong ko lang naman, kasi masyadong mabilis ang pagtanggap niya sa akin.
"Akala ko, hindi mo na tatanungin" ang panimula niya. "Diba naikuwento ko na sayo na may mga kapatid ako? Yung pangalawa kasi sa amin, si kuya Adam, bisexual din siya." ang sabi niya. Bisexual ang kuya niya? Nakita niya ang nagulat kong reaksyon, at tinawanan niya ito.
"Opo, bisexual si kuya. Noong una, medyo nailang ako nung ipinagtapat niya iyon sa amin. Medyo naasiwa ako. Ni hindi ko na nga magawang magtanggal ng pang-itaas sa harapan niya. Ngunit nang maglaon, napagtanto ko na kahit pa ganoon ang preferrence niya, siya pa rin naman ang kuya ko. Walang nagbago. Doon ko na-realize na hindi masusukat ang pagkatao ng isang tao sa pamamagitan lamang ng kanyang kasarian. Ang katangian ng isang tao ay mananatili pa rin sa kanya sa kabila ng maraming pagbabagong nararanasan niya. Sa ganitong sitwasyon, pang-unawa at pagmamahal ang kailangan nila. Wala tayong karapatang humusga ng iba base lamang sa mga bagay na ginagawa nila na hindi tanggap ng iba." ang medyo seryoso niyang tugon. Naiintindihan ko naman iyon, ganyan din ang pakiramdam ni Alfie noon. Muli ay naisip ko na masarap magkaroon ng mapagmahal na pamilya.
"Basta, nandito lang ako lagi para sa iyo." ang sabi pa niya.
"Puwede ba.." ang sabi ko.
"Huh?" ang naguluhan niyang tugon. "Puwede bang ano?" ang dugtong niya.
"Puwede bang.. Maging bestfriend kita?"
Nakita ko ang pagkislap ng kanyang mga mata. Parang mas masaya pa siya kaysa sa akin. Hindi ko makalimutan ang mga ngiti niya, at ang masigla niyang tugon.
"Tinatanong pa ba iyan? Siyempre naman!" at muli ay nagyakap kaming dalawa.
-------
Tama nga ang sabi nila. Ang kaligayahan ay kusang dumarating. Para itong paru-paro na kapag hinabol mo ay lalayo sa iyo. Ngunit kapag itinuon mo ang atensyon mo sa iba, kusa itong lalapit at dadapo sa iyong balikat.
Siya ang lihim kong kaligayahan.
-------
Nagkuwentuhan kami hanggang madaling araw. Sinabi ko sa kanya ang mga bagay na ni sa hinagap ay hindi ko akalaing masasabi ko sa isang kaibigan. Magaan ang loob ko sa kanya. Siya ay isang taong mapagkakatiwalaan. Ikinuwento ko ang sitwasyon ko sa kanya. Ang lihim na pagtingin kay Patrick. Ang nabigong pag-ibig kay Micco. At pati mga ex-girlfriends ko. Ang mga kaibigang nakakaalam ng sikreto ko. Pati ang pagkalito ko sa mga pangyayari ng nagdaang araw. Sinabi ko rin na sa palagay ko ay hindi pa ako handa sa kahit ano pang relasyon na higit pa sa pagkakaibigan. At hindi ko rin alam kung mahal ko pa rin si Pat. Nakinig siya sa akin. At sa mga sandaling iyon, gumaan ang kalooban ko.
Nagkuwento rin siya tungkol sa kanya. Kung ano ang bigat ng mga isinalaysay ko, siya namang gaan ng kuwento niya. Alam kong sinadya niya pagkukuwento ng mga iyon, upang pagaanin ang pakiramdam ko. Mga kalokohan, kakengkoyan, at kung anu-ano pang kabulastugan niya sa buhay. Madaling araw na ay tawa pa rin ako ng tawa. Nagpapasalamat talaga ako at dumating siya sa buhay ko.
-------
Pinagmasdan ko ang mukha niyang payapang nahihimbing. Maaaring hindi ako sigurado sa nararamdaman ko kay Pat, ngunit dito, sigurado na ako. Alam ko sa sarili ko na mahal ko na siya. Ngunit alam ko ring wala akong pag-asa. Basta, ang mahalaga ay nandito siya, at magkaibigan kaming dalawa. Sapat na iyong kasama ko siya. Wala na akong mahihiling pa.
"Salamat, ha? Maraming salamat." ang bulong ko, at ginawaran ko siya ng halik sa noo. Umayos na ako ng pagkakahiga. Gumalaw siya, at idinantay ang kanyang binti at braso sa akin. Ngumiti nalang ako, at yumakap rin sa kanya.
At tuluyan na akong nakarating sa Neverland.
[ITUTULOY]
Followers
Saturday, October 9, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
No comments:
Post a Comment