Followers

Showing posts with label Love. Sex. Insecurity. Show all posts
Showing posts with label Love. Sex. Insecurity. Show all posts

Friday, June 14, 2013

Love. Sex. Insecurity. (Book 2 Teaser)








Love. Sex. Insecurity.
Book 2

(Teaser)







****Kyle****




I'm Kyle Allen Quijano, 21 years old, about 5'5 or 5'6 in height. Chinito looks, fair complexion, chubby to fat. Party freak, social whore, everybody's playmate. I don't belive in love, relationship, and fate til i met my match. 



Sanay kasi ako sa larong puro sex lang, no emotions involve. Just a one time deal after that we're back to being strangers. I used to party every weekend looking for a hook up. I don't care about std's, all i want is a night of fun.



That's how i am before, til i met Renz. He was suppose to be just a one night partner but we became friends. I found a company on my weekly escapades. I found a new bestfriend. I found myself falling for him at the same time.



That's when it all starts to get complicated. Nainlab ako sa tinuturing kong bestfriend. Nain-love ako sa isang taong halos perpekto ang pisikal na anyo. Hindi ko mapigilan ang manliit ang tingin sa sarili. Iyon pala ang tinatawag nilang insecurities.



Insecurities. Iyon ang pumigil sa akin upang magtapat ng damdamin sa kanya. Natatakot ako na hindi niya ako gusto dahil alangan ang isang katulad ko para sa kanya. Natatakot ako na kapag nalaman niyang may gusto ako sa kanya ay lumayo siya. Natatakot na kapag naging kame ay saka siya makakita ng mas bagay sa kanya. Yung ka-level niya ng kakisigan. 



Akala ko, sa ginagawa ko ay magtatagal kami bilang magkaibigan. Nagkamali ako. Kapag ang pagkakaibigan nahaluan ng romantic feelings, hindi pwede na mag-settle na lang sa pagiging magkaibigan dahil masyado ng magulo. Lihim ka ng masasaktan at luluha. Magiging sensitibo ka sa mga ginagawa niya para sayo. Hindi mo na mapigilan mag-expect mula sa kanya. Higit sa lahat ay makikilala mo ang salitang selos.



Hindi nga nagtagal at nagkagulo na ang aming sitwasyon ni Renz. Ang dating saya na nararamdaman ko kapag kasama siya ay napalitan ng lungkot at sakit. Sobrang sakit at pait na kinailangan kong isuko siya at lumayo.



Sa aking paglayo ay umaasa ako na makalimot. Makalimot sa di masayang alaala sa salitang pag-ibig. 



Im still Kyle Allen Quijano. I grew up a few inches now, standing 5 feet 8 inches. I still have my charming chinito features and fair complexion. Thanks to my everyday running and regular trip to the gym i achieved the body i want. Broad shoulders, sexy arms and chest, and a v-cut shaped torso.



I'm not back for vengeance. I just wanted to feel confident about myself. I am tougher now, much stronger. It's time to turn tables, kung dati ako ang naghahabol sa mga lalake sa bar at laging nagpapa-cute, it's about time na sila naman ang humabol sa akin.



Babalikan ko rin si Renz hindi para gumanti pero para ibalik yung pagkakaibigan namin na nawala. Hindi ko pa alam ang magiging reaksyon ko oras na magkita kami ng personal pero desidido ako na ayusin ang aming pagkakaibigan.



Ganoon din ang plano ko sa mga taong di ko sinasadyang masaktan, gaya ni Aki. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya at ayusin rin ang aming pagiging magkaibigan.



Sa kabila ng mga pagbabago sa aking pisikal na anyo, im still the old Kyle i guess. Party freak. Social whore. Everybody's playmate. Mas simple kasi ang buhay kapag ganito. Yung walang love. Yung walang emosyon. I may have change physically but i choose to be stuck with the old me.









****Renz****





Naging successful ang pagkakatayo ko ng business ko. Sa kabila ng maraming kakompetensya ay maganda pa rin ang nagiging kita ng shop. Mahigit isang taon na din ang shop at sa panahong iyon ay naging bukang bibig na ito sa Makati. Na-feature na din kami sa mga lifestyle magazines. At di maipagkakaila na dinadayo na din kami ng maraming customer.



Iba't-ibang klase na ng tao ang nakita kong naglabas masok sa aming shop pero kahit kailan ay hindi ko pa siya nakitang nagpunta rito. Ang taong dahilan kung bakit ito ang ipinangalan ko sa shop. Ang taong nasa larawan na nakasabit sa isang pader ng shop, nakangiti ng malapad habang kinakain ang paborito niyang blueberry cheese cake.



Mahigit isang taon na rin kaming hindi nagkakausap ni Kyle. Ni hindi ko na nga alam ang itsura niya ngayon. Wala na kasi siyang account sa facebook kaya wala akong ideya kung anu ang nangyayari sa kanya. Hindi ko na rin siya makontak sa dati niyang number. Kahit ang iba kong mga kaibigan ay walang alam sa nangyayari sa kanya.



Nakakainip ang maghintay pero tulad ng ipinangako ko ay hindi ako mapapagod hanggang sa bumalik siya. Mula ng mawala si Kyle ay unti-unting umayos ang buhay ko. Nabawasan ang pag-inom ko sa labas at pakikipag-siping kung kani-kanino. Tigang na nga ako kung tutuusin pero hindi ko iyon iniinda.



Panahon na siguro para ako naman ang magsakripisyo para kay Kyle. Minsan akong minahal ng totoo ng bespren ko pero hindi ko iyon nakita. Nagpabulag ako sa panlabas na anyo ng tao at pilit akong naghahanap ng tinatawag na 'trophy' partner. Yung tipong ipagmamalaki mo dahil sobrang gwapo, pang-modelo ang katawan at tangkad. Sa kahahanap ko ng ganoon ay lumagpas na ang pagkakataon ko na sumaya sa piling ng taong lihim ko na palang minamahal.



Iyon ang pinakamalaki kong pagkakamali na nagawa. Kaya oras na magkrus muli ang landas namin ni Kyle ay gagawin ko ang lahat para bumalik lang siya sa akin. Handa akong gawin ang kahit na ano bumalik lang yung dati naming pagsasamahan. 



Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito para sa isang tao, kaya hindi ako natatakot na mabigo. Kahit na walang kasiguruhan ang mangyayari ay ayos lang sa akin. Ang importante ay gagawin ko lahat ng makakaya ko mapaibig lang muli ang taong minsang binalewala ko.







****Aki****






I'm Aki. Achilles Ross del Valle. Ceo ng isang accounting firm na base sa Singapore. Ilang taon ko ding pinaghirapan ang marating ang posisyon na ito. 



I may have the position many has dreamed to have. I maybe envied because of my good looks and firm body. But what people around me don't know is that i am not happy with what i have now.



I thought time could heal all wounds, pero bakit hanggang ngayon ay may nararamdaman pa rin akong kirot sa tuwing naaalala ko siya. 



Inakala ko na sa paglayo ko ay magagawa kong kalimutan ang mga nangyare, mali ako. Dahil sa tuwing bigla siyang papasok sa isip ko ay kaparehas pa rin na sakit ang aking nararamdaman. Katulad pa din ng sakit nang ipakilala niya sa akin ang kanyang nobyo. Tila hindi man lang nabawasan ang hapdi sa paglipas ng panahon.



Nakatanggap ako ng email mula kay chairman, baka siya na raw muna ang mag-take over ng site dito sa Singapore. Mag-undergo ng treatment and may sakit niyang asawa dito sa Singapore at habang ginagamot ito ay dito muna siya sa Singapore magtatrabaho.



Dahil doon ay kailangan ko na bumalik muna sa Pilipinas. Ako ang mag-take over ng site sa Makati. Hindi narin masamang ideya ang bumalik sa Pilipinas dahil namimiss ko na din naman ang aking pamilya.



Iyon ang pinaghahandaan ko ngayon, ang aking pagbabalik. Handa na nga ba akong muling harapin si Kyle? Puro sakit ang nararamdaman ko matapos ang huli naming pagkikita. Pero hindi ko pa naitanong sa aking sarili kung may nararamdaman pa akong pagmamahal sa kanya. Hindi ko sigurado kung anung magiging reaksyon ng puso ko oras na makita siyang muli.



Isang bagay lang ang malinaw sa ngayon, hindi ko na muli hahayaan ang sarili ko na mahulog pa kay Kyle. Natuto na ko at sapat na ang hirap na pinagdaanan ko para magtanda ako sa aking mga pagkakamali. 



Hindi na ako ang dating Aki. Dahil sa mga nangyari sa akin ay naging loner ako, i became cold hearted, i may not admit it but my collegues tagged me as the terror boss. Regardless of the implication, i don't have plans on changing. This way hindi na uli ako basta masasaktan dahil sa pag-ibig. Panahon na para sarili ko naman ang pangalagaan ko.













:))

Love. Sex. Insecurity. [Chapter 25 : Final Chapter]





Love. Sex. Insecurity.
[Chapter 25 : Final Chapter]






By: Crayon








****Kyle****





5:07 pm, Saturday
July 28





Nakaupo ako sa isa sa mga benches sa open field ng university. Naisipan kong dumaan sa loob ng campus matapos kaming mag-gym ni Lui.



Maraming pamilya ang nakaupo sa malawak na damuhan ng open field, may ilan ring nagtatakbuhan sa paligid ng open field. Isang tipikal na sabado sa Unibersidad ng Pilipinas.



Tuwing ganitong mag-isa ako ay hindi ko mapigilan ang mahulog sa malalim na pag-iisip. Medyo magaan na ang pakiramdam ko ngayon kumpara noong mga nakaraang buwan. Ginugugol ko halos lahat ng oras ko sa pag-aaral. Nagsimula na kasi ang mga exams ko. Madalas rin ang ginagawa ko ngayong pag-takbo at pagpunta sa gym. Medyo bumaba na ang timbang ko dahil sa mga ginagawa ko.



Madalas kong kasama si Lui. Alam niya na halos ang schedule ko sa buong linggo kaya madalas ay pinupuntahan niya ako sa apartment ko kapag alam niyang wala akong klase. Tulad ng napag-usapan na namin ay nanatili lamang kami na magkaibigan. Natutuwa naman ako sa kinalabasan ng pag-uusap namin na iyon dahil naging mas komportable ako sa kanya. Malaya ko na ngayong nasasabi sa kanya ang mga saloobin ko. Sa madaling sabi ay naging mas maganda ang aming pagkakaibigan.



Gayundin ang nangyari sa amin ni Alvin. Naging mas maayos na ang pakikitungo namin sa isa't-isa. Hindi niya na ako gaano iniinis. Kapag wala si Lui ay siya ang kinakausap ko sa tuwing nalulungkot ako. Mabuti naman pala talaga siyang tao at masarap pang maging kaibigan. 



Alam kong hindi pa ako completely nakaka-move on mula sa kalungkutan pero kahit papaano ay natututo na akong mabuhay muli. 



Wala akong balita kay Renz o Aki. Alam kong nagkikita sila Alvin at Renz kung minsan pero hindi naman ako kinukwentuhan ni Alvin ng anuman tungkol kay Renz. Minsan nga ay nae-engganyo ako na magtanong pero pinipigilan ko ang aking sarili. Mas ok siguro na mag-focus muna ako sa pag-aaral.



Sinubukan kong balikan ang mga nangyari sa nakalipas na dalawang taon. Nakakalungkot lang isipin na may mga taong hindi ko na kasama ngayon. Pero natutuwa ako dahil madami akong natutunan sa mga nangyari. Ilang beses akong nagkamali, at natuto ako sa mga pagkakamali ko na yon. Nararamdaman kong mas matatag ako ngayon. 



Aaminin ko sa sarili ko na namimiss ko si Renz at Aki. 



Namimiss ko ang minsan ko naging bespren na si Renz. Namimiss kong uminom at pumarty kasama siya. Namimiss ko ang makipagkulitan sa kanya. Hinahanap ko yung mga titig niya na para siyang batang paslit. Namimiss ko siyang awayin. 



Di ko mapigilang ngumiti habang inaalala ko yung mga bagay na pinagdaanan namin noon. Yung mga panahong masaya pa kaming magkaibigan.



Paminsan-minsan ding pumapasok sa isip ko si Aki. Alam kong malaki ang kasalanan ko sa kanya at hindi pa ako nakakahingi ng tawad. Namimiss ko si Aki sa tuwing nalulungkot ako. Kahit na sabihing andyan si Lui at Alvin tuwing nalulungkot ako. Namimiss ko pa rin yung sasandal ako sa dibdib ni Aki at kukwentuhan niya lang ako hanggang sa maging okay na ako.  Namimiss ko yung pag-aalaga niya sa akin at pilit na pagpapatawa sa akin sa tuwing nakasimangot ako.



Bumuntong hininga ako. 



Kapag okay na ako. Aayusin ko ang mga gulong ginawa ko. Hindi naman pwedeng habang buhay ko na lang sila pagtaguan. Kasi at some point namimiss ko din naman sila bilang kaibigan ko.



Hindi man kami magkatuluyan ni Renz, pwede pa din naman siguro kami magkaibigan. Maging mag-bespren uli.



Alam kong nasaktan ko si Aki at gusto ko humingi ng tawad. 



Kahit papaano ay nagkakadireksyon na muli ang buhay ko. Alam ko na ang priorities ko. Alam ko na ang mga plano kong gawin. May lakas na ko ng loob na harapin ang mga problema ko. Hindi na ako basta na lang magtatago at iiwas. Hindi ko mapigilang mapangiti sa mga naiisip.



Tumayo na ako mula sa aking kinauupuan at nagsimulang maglakad pauwi.



I'm looking forward to a new Kyle. Yung mas mature mag-isip, yung mas matatag. Yung handang humarap sa problema. Alam kong kaya kong ma-achieve yon. Kailangan ko lang ng konti pang panahon.









****Aki****





6:45 pm, Saturday
July 28






Hinihintay ko na lang na magboard ang flight ko papuntang Singapore. 



Naisip ng boss ko na mag-expand ng business sa ibang bansa at Singapore ang napili niyang target para sa expansion. Madami kasi sa mga kasalukuyan naming kliyente ay may mga business rin sa Singapore at nangako ang mga ito ng suporta oras na mag-expand kami sa Singapore.



Dahil sa ginawa kong performance noon sa Davao ay sa akin na inatas ni Chairman ang pag-over see ng site sa Singapore. Nang ialok sa akin ang posisyon ay hindi na ako nag-dalawang isip pa. Alam kong makakabuti rin naman iyon sa aking career.



Pangalawang dahilan ay dahil gusto ko din naman na lumayo. Matapos malaman na may boyfriend na pala si Kyle ay parang gumuho muli ang mundo ko. Doble sa sakit noong una kong malaman na hindi ako gusto ni Kyle. Katulad ng dati ay gusto kong lumayo na muna dahil pakiramdam ko ay mas madali ako magiging okay sa ganoong set up.



Pinagdaanan ko na ang ganito noon at alam kong makakaya ko rin itong lagpasan ngayon. Ang pagkakamali ko lang noon ay matapos ang isang taong paglayo ay sa unang beses na pagkikita namin ni Kyle ay nahulog muli ako sa kanya.



Making the same mistake twice was really stupid. At pinangako ko sa sarili ko na hindi na uli mangyayari ang ganoon. Kahit na gaano ko kamahal si Kyle ay may hangganan din naman ang sakit na kayang tanggapin ng puso ko. Sa tingin ko ay lagpas na sa limit ang sakit na tiniis ng puso ko. Panahon na para bigyan ko naman ng importansya ang sarili ko. 



Katulad ni Kyle, dapat na siguro ako maghanap ng mapagbabalingan ng nararamdaman ko.



Narinig ko ang pagtawag sa mga pasahero ng eroplanong sasakyan ko. Tumayo ako mula ako sa aking kinauupuan at saka naglakad palayo.



Mabigat ang bawat hakbang ng aking paa. May isang parte ng utak o ng puso ko ang nagsasabing wag muna ituloy ang 
gagawin at kausapin muna si Kyle sa huling pagkakataon. 



Aaminin kong hindi rin talaga ako masaya sa gagawin ko, alam kong ibayong lungkot din naman ang sasapitin ko sa Singapore. Tiyak na hahanap-hanapin ko pa rin si Kyle, ang kanyang pagiging isip bata, yung kapilyuhan niya at ang pagiging sweet niya sa sariling paraan.



Ilang hakbang na lamang ako mula sa entrance ng tumigil ako. Hindi ko alam ang gagawin. Gusto ko ng bumalik at yakapin si Kyle. Pero alam kong huli na. Kapag nanatili ako ay maaring madagdagan lamang ang mga sugat na kailangan kong gamutin. Huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa paglalakad




---------





Nakaupo na ako sa aking upuan at nakatingin sa labas ng eroplano. Malapit na kaming pumahimpapawid base na rin sa payo ng stewardess. 



Sa nakalipas na dalawang taon ay umasa akong mamahalin 
ako ni Kyle. Minsan kong tinuruan ang puso ko na kalimutan siya, pero hindi ako nagtagumpay. Sa muli naming pagkikita ay muli akong sumugal at muli akong nabigo.


Siguro ay sapat na yung sakit na naranasan ko para sumuko. Ginawa ko naman na ang kaya ko. Wala na akong magagawa kung hindi hahayaan ng kapalaran na maging kami ang para sa isa't-isa.



Ngayon masaya na siya at ako ay lihim na lumuluha, dapat na uli akong lumayo at hanapin ang makapagpapasaya sa akin.



Ngayong araw na ito ay bibitawan ko na ang anumang nararamdaman ko para kay Kyle.



I will miss him though.



Goodbye Kyle....









****Renz****





10:15, Saturday
July 28





Nakaupo lamang ako sa couch ng bubuksan kong shop habang umiinom ng kape mag-isa. Naging napakahaba ng araw na ito para sa akin. Opening na kasi nitong cafe bukas.



Napag-isipan namin ni Mama na magtayo ng business. Mas gusto ko kasi yung ganito nagma-manage ng sariling business kesa ang pumasok sa opisina. Kasi kapag ganito ang set up ay hawak ko ang oras ko. 



Nakakuha kami ng isang magandang puwesto sa Ayala sa may bangdang greenbelt, may kamahalan ang renta pero sulit naman dahil magamda ang spot. Coffee and pastry shop ang itinayo naming business. Hilig kasi ni Mama ang mag-bake at lahat ng personal recipe niya ang aming ihi-highlight sa tindahang ito. Naisipan ko na lang idagdag ang coffe shop dahil patok din naman ang ganoon dito sa Makati. Pinag-iisipan ko pang idagdag sa menu namen ang tea kapag laon.



Blueberry cheese cake. Iyon ang napili kong pangalan ng shop. Una ay tutol si Mama dito dahil wala daw masyadong dating. Kinumbinsi ko na lang siya na iyon ang gawing pangalan dahil ang recipe naman niya ng bluberry cheese cake ang gagawin talaga naming pambato. Isa pa ay umaasa ako na kapag nakita o narinig ni Kyle ang panglan ng shop ay maisipan niyang pumunta dito dahil paborito niya ang blueberry cheese cake.



Hindi ko mapigilang mapangiti sa isiping iyon. Kung nandito 
lamang sa tabi ko si Kyle ay tiyak na matutuwa iyon sa shop. Ang mga pinili kong gamit sa loob ng shop ay base sa panlasa ni Kyle. Pinaayos ko rin ang loob ng shop sa isang professional interior designer at ibinase ko rin ang tema ayon sa panlasa ni Kyle. Mayroon pa ngang isang picture si Kyle sa isang pader ng shop. Kuha iyon ng minsan niyang pagkain ng cheese cake sa bahay. Nakangiti siya ng malapad habang may bahid pa siya ng blueberry sa gilid ng bibig. Cute na cute siya sa larawan na iyon.



Kyle. I miss you. Sana bumalik ka na. Hindi ko mapigilang malungkot. Ilang buwan na rin ang lumipas mula ng huli kaming magkulitan ni Kyle. Namimiss ko na ang mga ganoong panahon. Namimiss ko na ang bespren ko, ang taong mahal ko.



Gusto kong pumunta ng Laguna, pero lagi kong naaalala ang pakiusap ni Aki na huwag ng guluhin pa si Kyle dahil masaya na ito sa piling ng nobyo nito.



Nakakapanghinayang ang mahigit na dalawang taon naming pinagsamahan. Dalawang taon niya ako minahal pero di ko nagawang suklian. Ngayon namang na-realize kong mahal ko na din siya ay wala na siya. Hindi na ako ang mahal niya. Minsan talaga ang tadhana malakas mang-trip.



Gayunpaman, ipinangako ko sa sarili ko na maghihintay ako. Hihintayin ko ang pagbabalik ni Kyle. Tulad ng paghihintay na ginawa niya noon. Hindi ako susuko sayo Kyle. All i need is another chance. 



Tinapos ko na ang pag-inom ng kape at hinugasan na ang tasang ginamit ko. Tanging ako na lamang ang naiwan sa shop. Ikinandado ko na ang pinto ng shop at naglakad na papunta sa parking.







....the end....





Author's note: 

Dahil last chapter na ng book one ng LSI, gusto ko pong magpasalamat sa lahat ng nagbasa at sumuporta sa aking akda. Hindi ko akalaing tatagal ito ng ganito.


Maraming salamat din sa mga nagcocomment sa bawat chapter ng kwentong ito, sobra ko pong na-appreciate ang paglalaan niyo ng time para lang makapag-comment.


Sana po ay patuloy ninyong suportahan ang istorya nila Kyle, Aki at Renz. Kita-kits po sa book 2... :))




----crayon








Love. Sex. Insecurity. [Chapter 24]





Love. Sex. Insecurity.
[Chapter 24]





By: Crayon







****Kyle****




11:06 pm, Wednesday
June 27






Hanggang sa mga sandaling ito ay hindi ako makapaniwala sa aking mga narinig mula kay Alvin. They never had a relationship. I guess i should somehow be happy because of that. Pero sa dami ng nabuksang bagong tanong parang di ko magawang maging masaya.



Una, kung totoo man na hindi nga naging si Renz at Alvin, bakit hindi itinama ni Renz ang aking paniwala. Sigurado naman ako na alam niyang ipinakilala sila bilang isang couple sa barkada, so he knows that i'm under the impression that they are a couple. Naiintindihan kong may galit siya sa akin ng mga panahon na yon pero bakit nung nagpaalam ako sa kanya ng huli kaming magkita ay hindi niya ito nilinaw sa akin.



Maaring gusto rin niya ang ideya na iniisip namin na sila ni Alvin. Bagay naman din sila ni Alvin. Parehong gwapo, matangkad, maganda ang pangangatawan. Hindi alangan sa kanya si Alvin.



Pwede rin na kaya niya hindi sinabi sa akin ang mga bagay na iyon ay dahil sa wala naman din talaga siyang pakialam sa nararamdaman ko. Hindi naman talaga niya obligasyon na ipaalam sa akin ang anumang nais niyang gawin sa buhay niya.



O baka tama rin ang sinasabi ni Alvin na baka nagseselos siya na kasama ko si Aki noong gabi ng birthday ni Gelo. Hindi ko  alam ang tamang sagot, tanging si Renz lang ang nakakaalam ng totoo.  Ngunit malaman ko man ang totoong dahilan ay hindi naman non mababago ang nangyari na. 



Iyon rin ang pangalawang dahilan kung bakit hindi ko magawang maging masaya sa kabila ng aking nalaman. Kahit na sabihin natin na wala nga silang naging relasyon ay di naman ibig sabihin non ay mahal na ako ni Renz. The fact that im not the person he wants, he likes or he loves still remains to be true. Wala rin namang nagbago sa puntong iyon kahit na nalaman kong hindi sila nagkaroon ng relasyon. Im just like Alvin to him. Someone he slept with at some point in his life. 



Isa lang ako tanga na umaasa pa rin na baka mabago iyon. Hindi ko naman masisisi ang aking sarili. Alam ko na sa sandaling ito na mahirap mag-move on dahil kahit katiting na pag-asang nakikita ko ay pinanghahawakan ko.



Hindi ko mapigilang mapabuntung hininga. Hindi ako makakausad sa nararamdaman ko kung patuloy kong papapaniwalain ang sarili ko na baka magkaroon kami ng chance ni Renz. Dapat matuto akong hindi magpaapekto sa mga bagay na malalaman ko tungkol sa kanya.



"Are you even listening to what i'm saying?", pagkuha ni Alvin sa aking atensyon. Hindi ko na namalayan na nagsasalita pala siya. Masyadong malalim ang ginawa kong pag-iisip at nawala ang focus ko sa mga sinasabi niya.



"I'm sorry. I just don't know what i'm doing.", paghingi ko ng paumanhin. Sinusubukan ko na hindi na maging masungit sa kanya kahit ngayong gabi lang. Nakakapagod din naman kasi makipag-away kapag ganitong problemado ka.



"Hay nako. Why don't you tell me your problem so i can help you.",



"Why would i?", hindi ko mapigilang mag-alinlangan sa pagkekwento sa kanya. Hindi ako masyadong open na tao pagdating sa problema. Minsan mas gusto ko na sinasarili ang mga saloobin kaysa ikwento sa ibang tao lalo na sa taong hindi ko naman kapalagayan ng loob.



"So you can practice the skill of trusting other people. Di ba sinabi ko na sayo na iyon ang problema mo. Hindi ka marunong magtiwala.", pangaral sa akin ni Alvin.



Hindi ako nagsalita. Dahil wala akong masabi at hindi pa ako kumbinsido na dapat ako magkwento sa kanya.



"Kyle, kapag nagmahal ka hindi pwedeng puro pagmamahal lang. Hindi ka magiging masaya sa pag-ibig kung hindi ka marunong magtiwala. Ang pag-ibig hindi laging happy ending gayunpaman dapat kang matutong sumugal at magtiwala. Magtiwala sa sarili mo at sa taong mahal mo.", mahabang paliwanag ni Alvin.



"Each couple gets into a relationship primarily because of love but what keeps them on that relationship is trust. You can start a relationship because you love each other but that relationship will not last without trust. Also, no matter how much you trust a person, that does not give you enough reason  to be in a relationship with him because love does not exist. Package deal kasi yan kailangan laging magkasama yung love at trust. Oo, pwede mong sabihin na nagmamahal ka o na alam mo kung paano magmahal pero marunong ka ba magtiwala? Kaya mo ba ipagkatiwala ang puso mo sa isang tao sa kabila ng katotohanan na hindi lahat ay may happy ending?"



Lalo akong napaisip sa mga sinasabi sa akin ni Alvin. Mataba talaga ang utak ng higad na to. Hindi ko man maamin sa sarili ko noon, pero tama siya. Hindi ko kayang magtiwala. Hindi ko kayang makipagsapalaran at magtiwala. 



Oo mahal ko si Renz at walang tanong doon. Kung sapat ang tiwala ko sa kanya ay hindi ko alam. Malamang ang sagot ay hindi dahil nagpadaig ako sa takot ko at insecurities. 



"Paano ko magagawang ipagkatiwala ang puso ko sa taong kailanman ay hindi naman nagpakita ng interes sa akin?", tanong ko kay Alvin.



"Paano mo naman nasabi na wala siyang interes sayo? Sinabi niya ba yon ng diretsahan?", balik na tanong sa akin ni Alvin.



"Hindi, pero hindi rin naman niya sinabing gusto niya ako."



"Eh ikaw ba naisip mo ba na sabihin sa kanya na mahal mo o gusto mo siya?", tanong muli ni Alvin. Napaisip ako at nagbalik tanaw sa mga nangyari. Technically, hindi ko nga nasabi kailanman kay Renz na gusto ko siya maliban na lang noong magpaalam ako sa kanya. Isiniksik ko kasi sa isip ko na mas makakabuting hindi na lang niya malaman.



"Hindi rin.", maikli kong sagot.



"Bakit di mo sinabi?"



"Kasi natatakot ako na mawala siya. Iniisip ko kasi na mas mabuti kung mananatili na lang kaming magkaibigan.", pag-amin ko kay Alvin.



"Eh sira pala tuktok mo eh! Una, gusto mo na maging kayo pero hindi mo sinabi na gusto mo siya dahil natatakot ka na mawala siya. Natatakot ka na pumasok kayo sa isang relasyon dahil hindi mo kayang magtiwala sa sarili mo o sa taong mahal mo. Sa ginawa mo ba ngayon hindi ba siya nawala sayo?", parang hinampas ang ulo ko sa mga sinasabi ni Alvin dahil ipinamumukha niya sa akin ang mga pagkakamali ko.



"Pangalawa, naisip mo ba na baka ganyan rin ang takbo ng isip ni Renz. Baka mahal ka na din niya pero hindi niya lang din masabi dahil natatakot siya na mawala ka sa kanya. Pareho kayong naghihintayan kung sino ang unang aamin. Kung walang susukong umamin mamatay kayong pareho na hindi man lang nagkaroon ng pagkakataon na maging masaya talaga.", patuloy ni Alvin habang mataman akong nakikinig sa kanya.



"Yan ang sinasabi nilang love is blind. Mahal niyo na ang isa't isa, obvious na sa mga kilos niyo na nagmamahalan kayo pero hindi niyo pa makita. Mga bulag. Sinasayang niyo ang pagkakataon.", hindi ako makasagot sa mga sinabi ni Alvin.



"Bibihira mangyari ang ganyan Kyle. Huwag mong hayaan makalagpas ang pagkakataon. Ang buhay walang rewind button, minsan para kang naka-fast forward at di ka makasunod sa bilis ng pangyayari pero kahit kailan hindi mangyayaring makabalik ka sa nakalipas na. Kapag tumunganga ka lang at pinanood na mawala ang kung anung mayroon ka ngayon mas malaki ang pagsisisihan mo sa huli.", mahabang paliwanag ni Alvin.



"Sinubukan ko naman na sabihin kay Renz ang nararamdaman ko eh. I talked to him before I left. Pumunta ka pa sa kanila nung gabing iyon. Inamin ko ang nararamdaman ko sa kanya pero wala namang nangyari. Pinigilan niya ako pero hindi naman niya sinabing mahal o gusto niya din ako. I did what i could. Siguro hindi talaga kami para sa isa't-isa. Sabi mo nga walang rewind button ang buhay, hindi ko pwedeng sayangin ang panahon ko sa kakaiyak sa isang taong hindi ko naman alam kung mahal ako. Hindi pwedeng habang buhay ako maghintay sa kanya. Nagawa ko na ang magagawa ko. Only fate can tell what will happen to us."



Napabuntong hininga si Alvin sa mga sinabi ko.



"Bahala ka. Pero sana wag ka mawalan ng pag-asa. Hanggang kaya mo ipaglaban gawin mo. Huwag kang tumulad sa akin. Nakuntento na lang sa isang gabing aliw, isang gabing saya, isang gabing pag-ibig. Hanggang ngayon pinagsisisihan ko ang mga bagay na hindi ko nagawa para sa taong mahal ko. Hindi ako magtataka kung tumanda akong binata at maging suki na lang ng mga sinehan sa Recto.", biglang nag-iba ang tingin ko kay Alvin. Ngayon ko lang nakita ang ganitong side ni Alvin. Marami pala kaming pagkakahalintulad.



Itinaas ni Alvin ang bote ng beer na kanyang hawak. Nakipag-toast naman ako sa kanya at sabay naming nilagok ang alak.



Mahaba ang aming naging inuman ni Alvin. Napilit niya din ako magkwento sa mga nangyari sa akin. Pati ang mga ginawa ko kay Aki ay hindi ko na rin naitago pa.



Kung tutuusin ay masarap kausap si Alvin taliwas sa una kong impression sa kanya. Laging may sense ang kanyang sinasabi at talagang naliliwanagan ako sa kanyang mga ipinapayo.



"Eh bakit mo naman sinabi kay Aki na may boyfriend ka?", tanong sa akin ni Alvin matapos ako magkwento sa kanya.



"Hindi ko rin talaga alam eh. Basta ang natatandaan ko noon ay ayaw ko muna na lumapit-lapit sa akin si Aki dahil lalo ko lang naaalala yung mga nangyari sa akin sa Maynila.  Ewan ko ba napakagulo ko. Ang mind set ko kasi ng bumalik ako dito sa Laguna ay lumayo o umiwas sa lahat ng bagay na makakapagpaalala sa akin sa mga nangyari sa akin sa Manila. Since naging malaki din ang parte ni aki sa naging buhay ko doon hindi ko maiwasan na ipagtabuyan siya minsan. Masama ba akong tao?", hindi ko mapigilang itanong iyon kay Alvin.



"Well, kung titingnan lang natin ang sitwasyon masasabi kong oo, masama ka ngang nilalang at dapat ka ng sunugin sa plaza. Selfish kasi yung ginawa mo. Idinamay mo pa yung crush ko. Pero kung iisipin o ikukunsidera ko yung pinagdadaanan mo, hindi kita masisisi sa ginawa mo. Don't feel too bad about it.", sagot ni Alvin.



"Kasi kung iku-kwento mo yan sa isang tao, madali para sa kanila ang husgahan ka bilang isang masamang tao. Dahil hindi naman nila nararamdaman yung sakit at hirap na pinagdaanan mo. Kumbaga kung sila ang nasa sitwasyon mo at magdedesisyon kung anu ang gagawin kay Aki, magdedesisyon sila gamit ang utak. They will choose to do whichever is rational and fair. Pero iba kasi ang nangyari sayo noon, nag-decide ka gamit ang isip at puso, since ang puso mo sawa ng masaktan at gusto makalimot ang pinili mong mangyari ay layuan o palayuin muna si Aki.", patuloy pa ni Alvin.



"Salamat sa pagpapagaan ng loob ko Alvin.", wika ko sa kanya dahil sobra kong na-appreciate ang mga sinabi niya.



"Wala yun, sabi ko naman sayo i'm a nice person.", nakatawang sabi ni Alvin.



"Yeah, whatever.", sagot ko sabay angat ng aking baso at muling lagok ng alak.



"May tanong pala ako. Kung hindi kayo nagkasama ni Aki kahapon, kanino galing yung kissmark mo?", nakangising tanong ni Alvin. Naramdaman ko ang biglang pag-init ng aking mukha. Tinapunan ko na lamang siya ng isang masamang tingin na ikinatawa naman niya.



"Oh peace tayo biro lang. Bata ka pa kasi, wag ka muna masyado pakawala.", wika ni Alvin.



"Hindi naman ako pakawala. Nalalasing lang.", biro kong sagot. Natawa kaming pareho, marahil ay nakakarelate din siya sa sinabi ko.



"Anu sa tingin mo ang dapat kong gawin?", muli kong tanong kay Alvin.



"Mag-aral ka. Tapusin mo muna pag-aaral mo. Yan naman talaga ang dapat noon mo pa ginawa eh. Bago mo problemahin uli ang pag-ibig. Tapusin mo muna ang pag-aaral mo.", natatawang sagot ni Alvin.



"Sabe ko nga.", hindi na ako kumontra dahil. Tam naman siya roon. Masyado ko ata prinoproblema ang pag-ibig. Nakalimutan ko ang ang mga dapat ko talagang prayoridad.



Nakailang bote pa kame ng alak bago namin naisipan na umuwe.



--------------------------





Pasado alas-dos na ng madaling araw ng marating ko ang inuupahan kong apartment. May ilang hakbang pa ang layo ko mula sa gate ng may matanaw akong lalaki na nakatayo sa gilid ng gate. Hindi ko makilala kung sino ito dala ng hilo at dahil medyo may kadiliman ang kinalalagyan niya. 



Medyo kinabahan naman ako dahil madami nang napabalitang insedente ng holdapan sa labas ng campus. May ilan na ngang namatay dahil dito. 



Ilang hakbang na lang ang lapit ko sa lalaki nang bigla ako nitong lingunin. Handa na sana akong magtatakbo at sumigaw ng bigla itong magsalita.



"Saan ka ba galing? Kanina pa kita hinihintay.", nakilala ko naman agad ang boses ni Lui.



"Potek ka! Papatayin mo ako sa nerbyos! Akala ko holdaper na! Anu ba kasi ginagawa mo diyan!?!", naiinis kong sabi dahil hanggang sa mga sandaling iyon ay mabilis pa rin ang tibok ng puso ko.



"Hahaha, magpapa-abot ka ng madaling araw tapos matatakot ka sa holdaper. Bilisan mo na baka imbis na holdapin kita eh reypin na lang kita dito.", biro ni Lui.



"Siraulo! Bakit ka nga ba andito? Kanina ka pa ba diyan?", sunud-sunod kong tanong habang binubuksan ang lock ng gate namin.



"Oo, kanina pa akong 9 ng gabe nagpapabalik-balik dito no. Sabi ng guard lumabas ka daw at hindi ka pa bumabalik. Ayun hinantay na lang kita dito sa labas. Nabagot na ako kakalaro ng dota eh. Saan ka ba galing?"



"Dyaan lang sa LB square.",maiksi kong sagot sabay pasok sa loob ng aking apartment.



"Amoy ko nga. Bakit di mo ko inaya? Sasabay pa naman sana ako sayo mag-dinner eh."



"Huwag mo sabihing hindi ka pa kumakain."



"Kumain naman na. Hindi ko na matiis yung gutom ko eh. Ikaw?"



"Tapos na. Anu ba kailangan mo at hinahanap mo ko?", tanong ko sa kanya para makapagpahinga na ako.



"Wala gusto lang kita makita, tsaka makikitulog ako.", nakangiti niyang sabi sa akin.



Huminga ako ng malalim. Ayaw kong gawing komplikado pa ang sitwasyon namin ni Lui. Tama na yung problema ko ngayon.



"Dun ka na sa kwarto, magshower lang muna ako.", paalam ko sa kanya kailangan ko ng ilang minuto para maayos ko ang sasabihin ko sa kanya.



Matapos maligo ay tinungo ko si Lui sa kwarto. Nakaboxers na lamng siya at naglalaro gamit ang kanyang phone. Nang mapansin ako ay itinabi niya ang kanyang phone at saka tumagilid paharap sa akin. Tinapik niya ang pwesto sa tabi niya, sinenyasan niya ako na tumabi na sa kanya. Pinatay ko na ang ilaw sa kwarto at saka humiga patalikod sa kanya.



Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Lui at ang malumanay niyang halik sa aking balikat paakyat sa aking leeg. 



"Lui, stop. I want to talk.", pagkasabi noon ay tumigil naman agad si Lui at iniharap ako sa kanya.



"Anu gusto mo pag-usapan babe?"



"Anu ba gusto mo mangyare sa ating dalawa Lui?", balik tanong ko kay Lui.



Tiningnan niya ako sa mata ko ng may ilang segundo bago sumagot.



"I want to be your boyfriend Kyle. I think i am falling for you. I want all your attention to be mine.", sinserong sabi sa akin ni Lui.



"Salamat Lui. Sobrang salamat pero hindi ko magagawang suklian ang anumang nararamdaman mo para sa akin. Hindi ngayon Lui. At hindi ko rin alam kong magagawa ko iyong suklian bukas o sa mga darating na mga araw. Wala akong kayang maipangako.", kalmado kong sabi kay Lui.



"Is it because of Renz or Aki?", tanong muli ni Lui.



"Partly, yes. Pero i've decided na acads muna ang gagawin kong priority sa ngayon. Iyon lang muna. Ayaw ko muna uli magmahal. Sorry Lui.", mahina kong tugon.



"Don't be. Masaya ako dahil naging honest ka sa nararamdaman mo. Naiintindihan ko naman na kailangan mo ng time, at handa naman akong maghintay hanggang sa maging ok ka na. Hindi mo kailangang mangako ng anuman. Masaya na ako kung pagiging magkaibigan lang talaga ang kaya mong ibigay sa ngayon. Kuntento na ako dun. Ako lang naman kasi ang kaibigan mo.", pagpapatawa ni Lui. Hindi ko mapigilang mapangiti sa biro niya.



"Salamat. I hope you won't mind my asking, kelan mo ba naramdaman na may feelings ka pala sa kapwa mo lalaki?", curious kong tanong kay Lui.



"Nung binatayan kita sa ospital matapos ka maaksidente. Nainlove ako sa tulo laway mong pagtulog, hehehe", kinurot ko siya sa kanyang tagiliran dahil sa kapilyuhan niya.



"Pero yun nga ang unang beses na na-attract ako sa same sex. Lahat ng nararamdaman ko sayo Kyle ay bago para sa akin. Never naman kasi ako nagka-issue sa sexuality ko til now. Wala namang kaso sa akin yon ang importante mahal ko yung tao, lalaki man o babae.", wika ni Lui sabay pa-cute.



"Ok, kailangan mo din siguro ng time. Baka naguguluhan ka lang sa nararamdaman mo. Maging magkaibigan na lang muna tayo. "



"Sabi ko nga di ba, ayos lang sa akin yon. Handa naman akong maghintay, kung after mo mag-aral at wala ka talagang nararamdaman para sa akin eh di wala. At least i tried. Masaya naman ako sa set up natin ngayon eh. Basta ako na ang bestfriend mo ngayon ha?"



Ngumiti lamang ako kay Lui at muli ng tumalikod sa kanya. Naramdaman ko naman ang muli niyang pagyakap niya sa akin. Hindi ko na tinanggal ang yakap niya sa akin. 



Maya-maya ay may naramdaman akong matigas na bagay na dumudunggol sa may bandang puwitan ko. 



"Kyle, pano to?", bulong ni Lui sa tenga ko.



"No.", agad kong sagot.



"Eee, kawawa naman to.", napahagikgik ako ng mahina sa sinabi niya.



"Bahala ka nahihilo na ako. Kamayin mo na lang yan.", natatawa kong sabi. Inaantok na din talaga ako kaya nakatulog na ako.





...to be cont'd...











FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails