Love. Sex. Insecurity.
Book 2
(Teaser)
****Kyle****
I'm Kyle Allen Quijano, 21 years old, about 5'5 or 5'6 in height. Chinito looks, fair complexion, chubby to fat. Party freak, social whore, everybody's playmate. I don't belive in love, relationship, and fate til i met my match.
Sanay kasi ako sa larong puro sex lang, no emotions involve. Just a one time deal after that we're back to being strangers. I used to party every weekend looking for a hook up. I don't care about std's, all i want is a night of fun.
That's how i am before, til i met Renz. He was suppose to be just a one night partner but we became friends. I found a company on my weekly escapades. I found a new bestfriend. I found myself falling for him at the same time.
That's when it all starts to get complicated. Nainlab ako sa tinuturing kong bestfriend. Nain-love ako sa isang taong halos perpekto ang pisikal na anyo. Hindi ko mapigilan ang manliit ang tingin sa sarili. Iyon pala ang tinatawag nilang insecurities.
Insecurities. Iyon ang pumigil sa akin upang magtapat ng damdamin sa kanya. Natatakot ako na hindi niya ako gusto dahil alangan ang isang katulad ko para sa kanya. Natatakot ako na kapag nalaman niyang may gusto ako sa kanya ay lumayo siya. Natatakot na kapag naging kame ay saka siya makakita ng mas bagay sa kanya. Yung ka-level niya ng kakisigan.
Akala ko, sa ginagawa ko ay magtatagal kami bilang magkaibigan. Nagkamali ako. Kapag ang pagkakaibigan nahaluan ng romantic feelings, hindi pwede na mag-settle na lang sa pagiging magkaibigan dahil masyado ng magulo. Lihim ka ng masasaktan at luluha. Magiging sensitibo ka sa mga ginagawa niya para sayo. Hindi mo na mapigilan mag-expect mula sa kanya. Higit sa lahat ay makikilala mo ang salitang selos.
Hindi nga nagtagal at nagkagulo na ang aming sitwasyon ni Renz. Ang dating saya na nararamdaman ko kapag kasama siya ay napalitan ng lungkot at sakit. Sobrang sakit at pait na kinailangan kong isuko siya at lumayo.
Sa aking paglayo ay umaasa ako na makalimot. Makalimot sa di masayang alaala sa salitang pag-ibig.
Im still Kyle Allen Quijano. I grew up a few inches now, standing 5 feet 8 inches. I still have my charming chinito features and fair complexion. Thanks to my everyday running and regular trip to the gym i achieved the body i want. Broad shoulders, sexy arms and chest, and a v-cut shaped torso.
I'm not back for vengeance. I just wanted to feel confident about myself. I am tougher now, much stronger. It's time to turn tables, kung dati ako ang naghahabol sa mga lalake sa bar at laging nagpapa-cute, it's about time na sila naman ang humabol sa akin.
Babalikan ko rin si Renz hindi para gumanti pero para ibalik yung pagkakaibigan namin na nawala. Hindi ko pa alam ang magiging reaksyon ko oras na magkita kami ng personal pero desidido ako na ayusin ang aming pagkakaibigan.
Ganoon din ang plano ko sa mga taong di ko sinasadyang masaktan, gaya ni Aki. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya at ayusin rin ang aming pagiging magkaibigan.
Sa kabila ng mga pagbabago sa aking pisikal na anyo, im still the old Kyle i guess. Party freak. Social whore. Everybody's playmate. Mas simple kasi ang buhay kapag ganito. Yung walang love. Yung walang emosyon. I may have change physically but i choose to be stuck with the old me.
****Renz****
Naging successful ang pagkakatayo ko ng business ko. Sa kabila ng maraming kakompetensya ay maganda pa rin ang nagiging kita ng shop. Mahigit isang taon na din ang shop at sa panahong iyon ay naging bukang bibig na ito sa Makati. Na-feature na din kami sa mga lifestyle magazines. At di maipagkakaila na dinadayo na din kami ng maraming customer.
Iba't-ibang klase na ng tao ang nakita kong naglabas masok sa aming shop pero kahit kailan ay hindi ko pa siya nakitang nagpunta rito. Ang taong dahilan kung bakit ito ang ipinangalan ko sa shop. Ang taong nasa larawan na nakasabit sa isang pader ng shop, nakangiti ng malapad habang kinakain ang paborito niyang blueberry cheese cake.
Mahigit isang taon na rin kaming hindi nagkakausap ni Kyle. Ni hindi ko na nga alam ang itsura niya ngayon. Wala na kasi siyang account sa facebook kaya wala akong ideya kung anu ang nangyayari sa kanya. Hindi ko na rin siya makontak sa dati niyang number. Kahit ang iba kong mga kaibigan ay walang alam sa nangyayari sa kanya.
Nakakainip ang maghintay pero tulad ng ipinangako ko ay hindi ako mapapagod hanggang sa bumalik siya. Mula ng mawala si Kyle ay unti-unting umayos ang buhay ko. Nabawasan ang pag-inom ko sa labas at pakikipag-siping kung kani-kanino. Tigang na nga ako kung tutuusin pero hindi ko iyon iniinda.
Panahon na siguro para ako naman ang magsakripisyo para kay Kyle. Minsan akong minahal ng totoo ng bespren ko pero hindi ko iyon nakita. Nagpabulag ako sa panlabas na anyo ng tao at pilit akong naghahanap ng tinatawag na 'trophy' partner. Yung tipong ipagmamalaki mo dahil sobrang gwapo, pang-modelo ang katawan at tangkad. Sa kahahanap ko ng ganoon ay lumagpas na ang pagkakataon ko na sumaya sa piling ng taong lihim ko na palang minamahal.
Iyon ang pinakamalaki kong pagkakamali na nagawa. Kaya oras na magkrus muli ang landas namin ni Kyle ay gagawin ko ang lahat para bumalik lang siya sa akin. Handa akong gawin ang kahit na ano bumalik lang yung dati naming pagsasamahan.
Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito para sa isang tao, kaya hindi ako natatakot na mabigo. Kahit na walang kasiguruhan ang mangyayari ay ayos lang sa akin. Ang importante ay gagawin ko lahat ng makakaya ko mapaibig lang muli ang taong minsang binalewala ko.
****Aki****
I'm Aki. Achilles Ross del Valle. Ceo ng isang accounting firm na base sa Singapore. Ilang taon ko ding pinaghirapan ang marating ang posisyon na ito.
I may have the position many has dreamed to have. I maybe envied because of my good looks and firm body. But what people around me don't know is that i am not happy with what i have now.
I thought time could heal all wounds, pero bakit hanggang ngayon ay may nararamdaman pa rin akong kirot sa tuwing naaalala ko siya.
Inakala ko na sa paglayo ko ay magagawa kong kalimutan ang mga nangyare, mali ako. Dahil sa tuwing bigla siyang papasok sa isip ko ay kaparehas pa rin na sakit ang aking nararamdaman. Katulad pa din ng sakit nang ipakilala niya sa akin ang kanyang nobyo. Tila hindi man lang nabawasan ang hapdi sa paglipas ng panahon.
Nakatanggap ako ng email mula kay chairman, baka siya na raw muna ang mag-take over ng site dito sa Singapore. Mag-undergo ng treatment and may sakit niyang asawa dito sa Singapore at habang ginagamot ito ay dito muna siya sa Singapore magtatrabaho.
Dahil doon ay kailangan ko na bumalik muna sa Pilipinas. Ako ang mag-take over ng site sa Makati. Hindi narin masamang ideya ang bumalik sa Pilipinas dahil namimiss ko na din naman ang aking pamilya.
Iyon ang pinaghahandaan ko ngayon, ang aking pagbabalik. Handa na nga ba akong muling harapin si Kyle? Puro sakit ang nararamdaman ko matapos ang huli naming pagkikita. Pero hindi ko pa naitanong sa aking sarili kung may nararamdaman pa akong pagmamahal sa kanya. Hindi ko sigurado kung anung magiging reaksyon ng puso ko oras na makita siyang muli.
Isang bagay lang ang malinaw sa ngayon, hindi ko na muli hahayaan ang sarili ko na mahulog pa kay Kyle. Natuto na ko at sapat na ang hirap na pinagdaanan ko para magtanda ako sa aking mga pagkakamali.
Hindi na ako ang dating Aki. Dahil sa mga nangyari sa akin ay naging loner ako, i became cold hearted, i may not admit it but my collegues tagged me as the terror boss. Regardless of the implication, i don't have plans on changing. This way hindi na uli ako basta masasaktan dahil sa pag-ibig. Panahon na para sarili ko naman ang pangalagaan ko.
:))
maganda ang book 1 sana book 2 para malaman natin kung saan mapunta si kyle kay aki at kay renz
ReplyDeletekawawa naman si aki sana sa book 2 siya naman ang masaya ok ba author he he he
ReplyDeleteSana si kyle at lui tlga ang magkatuluyan..
ReplyDeletesana may twist ang story sa book 2 si renz naman ang hahabul habul kina kyle at aki he he he he. ang ganda author
ReplyDeletenakaka xcite talaga to basahn.sana my upd8 na po.
ReplyDeleteexciting! haha. anu kaya ang magiging reaksyon ni renz o kaya ni aki once na makita nila si kyle?? hmmm?? post na!! haha. very very good story.. :))
ReplyDelete-dex
Can't wait para sa book 2.. I'm so exoited..hehehe
ReplyDeleteDear Mr. Author, Ano na po? Hahaha! Pasensya na ah, sobrang nae-excite na po kase ako sa Book eh.
ReplyDeleteMarathon kung marathon ako dito simula kahapon. Ang ganda ng story. Sensible kaya nakaka-hook basahin. Hoping to see Book 2 soon. :)
ReplyDeleteHi! Kelan po yung update nito?
ReplyDeleteTagal ah! >:(
ReplyDeleteExcited na ko so please, Update na!
bitin much!
ReplyDeleteGood story! How I wish these kind of things would happen to me, hay buhay nga naman, parang life. Looking forward for part 2!
ReplyDeleteSayang 'to, ang ganda pa naman. Mukhang nakalimutan na. :(
ReplyDeleteHi Mr. Crayonbox when po ninyo uupdate ang LSI BOOK ? I very much inlove with the characters, KYLE, AKI, RENZ and LUI. . . Hope this month po paki update na. Thumbs up kasi po napakganda. . .
ReplyDeleteSana po maupdate na po MR. Crayon box ang LSI BOOK 2 napakaganda po ng story, iba po ang atake at flow ang story telling POV. .. unique writing style. I love this story sana bilisan updates thanks po
ReplyDeletepasensya na po sa matagal na paghihintay... may update na po tayo... :))
ReplyDeletewawa naman si Aki.. ganda ng bo0k 1.. Excited na ko sa b0ok 2..
ReplyDeleteMore power author!.. God bless..