Followers

Friday, June 14, 2013

318 (Ang textmate ko) Final Chapter.





318 (Ang textmate ko)

By: ImYours18/Nyeniel
Email and FB Account: nielisyours@yahoo.com.ph          
Wattpad Username: Nyeniel


Authors note:

Hello guys! Final Chapter here! =)

Maraming maraming salamat po sa mga readers ng kwento na to. =) God bless po sa inyong lahat.

Sana po ay magustuhan niyo ang ending na ginawa ko.

Gusto ko rin po sanang pasalamatan si Sir Mike Juha for allowing me na magkaroon ng appearance ang characters ng paborito kong kwento niya, basta po.. mababasa niyo na lang po siya sa final chapter ^_^

At, may surprise po ako sa inyo pagkatapos niyo pong basahin ang final chapter.

PS: Pa-add po sana ako sa facebook (nielisyours@yahoo.com.ph) thanks! =)

-nieL





Warning: Some words used in the story are foul words. Also, there are scenes which are seductive and not appropriate to the minor readers. This story is a work of fiction only and any parallel scenes, places and names to the reality are absolutely unintentional.


Any reaction, praise, violent reaction, complains and comments regarding to my story, please contact me:


Email and facebook account: nielisyours@yahoo.com.ph





About the cover photo:

I do not own this image. Any complaint arising out of its use, please contact (nielisyours@yahoo.com)  and the image will be immediately removed.






ENJOY READING =)




Paalam, Colby, Xander at Tristan…



Eksaktong pagkatapos na pagkatapos ng kanta ay laking gulat ko ng biglang may tumabing lalaki sa akin. Sa aking palagay ay hindi siya ganoong katangkaran, hindi rin siya mataba at hindi rin naman payat- slim lang. Sa palagay ko ay nasa edad 21 ang lalaki, pero hindi ko sigurado. Naintriga naman ako dahil sa dinami dami ng bakanteng upuan sa sea wall ay pinili niyang umupo sa tabi ko. Disente naman kung titignan ang lalaki.
Habang nagpupunas ako ng luha gamit ang aking kamay ay nakatuon naman ang kanyang paningin sa dagat.
Maya maya ay inabutan niya ako ng isang kulay blue na panyo at sinabing..



“Mukhang mabigat ang pinagdadaanan mo ah? Sana man lang kahit heto makatulong.” Sabi sa akin ng lalaki habang hawak hawak ang kulay blue na panyo at nakatapat ito sa akin. Tinangap ko ang panyo at pinahid eto sa mga luha. “Alam mo, namiss ko ding mamalagi sa seawall na to..”
Syempre nagtaka naman ako kung bakit confident siyang i-share at kausapin ako ng ganun, e hindi naman kami magkakilala. “Ganun po ba? Bakit? Madalas din po ba kayong umuupo dito sa may sea wall na to?” Naitanong ko na lang.


“Oo, lalong lalo na kapag nakakaramdam ako ng lungkot. Dito ako madalas mamalagi. Tinitignan ang payapang dagat at nagiisip-isip..” Sagot ng lalaki.


Pagkatapos niyang sabihin iyon ay pareho kaming natahimik. Tila walang gustong bumasag sa katahimikan at parehas nakatuon ang aming paningin sa dagat.


“Naalala ko ang sarili ko sayo..” Pagbasag niya sa katahimikan.


“Po?? Paano mo po nasabi?”


“Dati kasi, noong halos kasing edad lang siguro kita ay madalas ako dito lalong lalo na sa kapag nararamdaman ko ang nararamdaman mo ngayon..”


“Anong nararamdaman?” Pagmamang-maangan ko.


“Yung nalulungkot, kapag pakiramdam ko ay napakaraming tanong sa aking isip.” Sabi ng lalaki. Hindi na ako nakasagot pa sapagkat tama naman siya.


“Uhm? Maari ko bang malaman kung ano ang dahilan?” Pagtatanong ng lalaki. Syempre, nagulat naman ako sa pagtatanong niyang iyon. Ganun na lang ba siyang kakumportableng tanungin ako?


“Ahh. Ehh..” Nauutal kong sagot.


“Kahit wag mo nang idetalye. Gusto lang kitang i-unload. Kasi kanina ko pa pinupuna, parang ang bigat ng dinadala mo..” Ewan ko, pero mistula akong nakaramdam ng comfort sa lalaking iyon. Hindi ko siya kilala pero sa tingin ko ay may maitutulong siya sa nararamdaman ko sa ngayon.


“Ahh. Kasi.. kasi..” Nauutal kong sabi. “Kasi, pinagpalit ako ng taong mahal ko sa ex niya. Ang sakit lang kasi ginagawa niya pala akong rebound. Mahal niya pa pala ang ex niya. Ang ending, ako ang dehado, ako ang kawawa. Minahal ko siya ng buong buo pero.. wala. Wala pala akong mapapala..” Kwento ko sa lalaking kausap ko. Hindi na siya sumagot pa bagkus tinignan niya ako at tila iniintindi ang sitwasyon na pinagdadaanan ko. Hinawakan niya ang kamay ko at niyakap niya ako. Hindi ko din maintindihan kung bakit niya ginagawa iyon e samantalang hindi pa naman kami magkakilala. “Bakit?” Tanong ko sa pagkakayakap sa kanya.


“Tama lang kasi ang hinala ko. Halos parehas lang pala tayo ng pinagdaanan dati. Pakiramdam ko kasi dati ay dinudurog ang puso ko noong makita ko ang taong mahal ko sa piling ng ex ko. Alam ko, mahal niya ako dahil parehas namin kaming nanindigan sa bandang huli. Kaya nga, masayang kaming nagsasama ngayon e. Nagawa niya lang kasing magkaroon ng relasyon sa ex ko para din sa akin. Noong una ay nagkaroon ako ng galit at syempre sobra akong nasaktan, pero sa bandang huli ay naunwaan ko din kung bakit niya ginawa iyon.” At natigilan siya sandali. “Sa sitwasyon mong iyan, kailangan lang talaga ay unawain mo na ang lahat ng bagay na nangyayari sa iyong buhay dahil laging may dahilan kung bakit ito nangyayari. Na kahit anong sakit na nararamdaman mo, isipin mo na lang na bahagi lang talaga ng buhay na’tin na masaktan, para rin sa atin, dahil kung hindi tayo masasaktan, hindi tayo magiging matatag.” Payo sa akin ng lalaki. Pakiramdam ko ay naliwanagan ako ng bahagya sa sinabi ng lalaki. Hindi ko pa rin nakuhang umimik. Dumadaloy pa rin ang luha sa aking mga mata.


“Salamat..” Pagpapasalamat ko sa kanya.


“Walang anu man. Basta, ito ang laging isipin mo..” Nagbitaw siya ng isang malalim na buntong hininga bago magsalita muli. “Na kahit na masaktan ka. Dadating at dadating ang taong para sa iyo. Hindi na’tin alam kung nasaan siya ngayon. At lalong hindi na’tin alam kung sino siya. Basta ang lagi mo lang isipin ay dadating siya.” Muli ulit siya natigilan. “Kasi ako? Hindi ko rin inaakala na paglalaruan muna ng tadhana ang kapalaran ko bago ko mahanap ang taong para sa akin. Hindi ko rin inaakala na nasa tabi tabi lang pala siya, at ang mas matindi ay lagi ko pa pala siyang kasama..” Nagtaka naman ako sa sinabi ng lalaki. Hindi ko kasi makuha ang punto niya sa paglalahad niya sa kanyang buhay pagibig.


“Huh?” Natataka kong tanong.


“Ah basta. Maki-agos ka lang sa daloy ng buhay. Kasi sa huli ay may nakatadhana upang mahalin ka ng buo. At hindi pa doon matatapos ang sakit.. Kasi kahit sa tingin mo ay iyon na, o sabihin na nating iyon na nga ang taong hinahanap mo. Susubukin pa rin kayo, kailangan niyo lang ipaglaban ang isa’t isa, kahit si kamatayan pa ang maghiwalay sa inyo.” Payo niya pa. Ako naman ay nakatungo lang at nakikinig sa mga payo niya.


“Uhm? Sino pala iyong taong sinasabi mo? I mean? Yung taong iniibig mo?” Pagtatanong ko sa kanya.


“Tol.” Ang narinig ko mula sa isang lalaki na kumalabit sa lalaki na kausap ko ngayon. Gwapo ang lalaki at matangkad ito. Sa aking palagay ay nasa edad-25 na ang lalaki. Kung titignan mo itong mabuti ay para itong kalahating pinoy at kalahating lebanese? Ewan, hindi ako sigurado pero iyon ang dating sa akin ng lalaki.


“Ahh, heto na pala siya..” Sabi ng lalaking kausap ko kanina. Laking gulat ko naman dahil pareho pala silang lalaki. Gay couple din pala sila, at lalo tuloy akong namangha dahil sa sinabi nga ng lalaki na nanindigan sila sa kabila ng mga pagsubok. Nakakatuwa dahil bagay na bagay sila ngunit hindi ko rin naman maiiwasan ang makaramdam ng konting ingit dahil nga sa taliwas ang sitwasyon ko sa nakikita ko sa kanila. Mag-asawa na ba sila? Hays. Ewan pero nakapa-sweet nilang tignan. “Oh siya, una na kami. Sana man lang ay kahit papaano ay nakatulong ako upang mapanatag ang loob mo..” Sabi sa akin ng lalaki at tumayo ito. Inakbayan naman siya ng kanyang boyfriend at lumayo. Ngunit, laking gulat ko ng bigla itong bumalik at inabot sa akin ang kanyang kamay. “Oh, I forgot, Enzo nga pala.” Pagpapakilala niya sa sarili. “And you?’


“Ahh. Colby. Colby ang name ko..” Pagpapakilala ko rin.


“Nice meeting you Colby. Oh paano ba yan, uuna na kami ah?” Pagpapalam niya.


“Salamat kuya Enzo, nice meeting you din po..” Pagpapasalamat ko at muli siyang tumakbo sa boyfriend niya.


Ewan ko, ngunit parang pamilyar ang pangalan na iyon sa akin.  Ang mahalaga, ay kahit papano ay naliwanagan ako sa sinabi ni kuya Enzo. Na kahit na mawala sa akin si Tristan, dadating at dadating ang taong para sa akin. At mas lalo akong nabuhayan ng loob sa sinabi ni kuya Enzo na ‘sa huli ay may nakatadhana upang mahalin ka ng buo’ sana nga. Sana nga ay may dumating para sa akin.


Bagaman hindi pa ako nakaka-recover sa hapdi ng sugat na binuo ni Tristan sa puso ko. Inisip ko na lamang na may mga tao pa namang nagmamahal sa akin, nandyaan ang pamilya ko, ang mga kaibigan ko,  at si bes.
Sa ngayon, hindi ko pa kayang kalimutan si Tristan dahil mahal ko pa siya. May dalawang buwan din halos ang pinagsamahan namin bilang ako si Colby, at kung isasama pa ang mga panahong nagpapangap ako, halos may limang buwan ko siyang minahal, kaya naman hindi ganoong kadaling kalimutan ang mga masasayang alala.


Ngunit, naniniwala ako sa kasabihang “Only time heals..” Tama naman e, kailangan ko lang siguro ng oras upang kalimutan at ibaon na sa lupa ang nararamdaman ko para kay Tristan. Pero, hindi pa ngayon. Dahil masakit pa. Sobrang sakit pa.
Mga sampung minuto bago umalis si kuya Enzo ay muli kong isinalpak ang earphone ko sa aking tenga. Sari saring mga kanta ang pinakinggan ko, may mga love songs na salungat naman sa nararamdaman ko. Hanggang sa isang pamilyar na kanta ang muling tumugtog mula sa aking playlist.




(Paki-play na lang po yung video if gusto niyo pong pakingan yung kanta, salamats!) (Credits to the owner of this video)




Paalam- Silent Sanctuary


Paalam na sa ating pag-ibig na
Minsa’y pinag-isa…
Paalam na sa mga pangakong din na
Mabubuhay pa…


Kung may bago ka nang mamahalin
Wag kang mag alala ako ay masasanay rin
Parang kahapon lang tayo’y magkasama
Naging isa na syang ala-ala
Mula ngayon araw-araw ng mananalangin
Na sana’y lagi kang masaya…


Paalam na sa ating pag-ibig na
Minsa’y pinag-isa…
Paalam na sa mga pangakong din na
Mabubuhay pa…


Paalam na…


Sa mga yakap at halik
Sa tamis at pait
Bakit hinayaan?
Sinayang ko lang
Ang iyong wagas na pag-ibig


Di na kita kukulitin…


Paalam na sa ating pag-ibig na
Minsa’y pinag-isa…
Paalam na sa mga pangakong din na
Mabubuhay pa…


Paalam na sa ating pag-ibig na
Minsa’y pinag-isa…
Paalam na sa mga pangakong di na
Mabubuhay pa…


Paalam na…
Paalam na…
Paalam na…
Paalam na…


Iyon ang kantang kinanta sa akin ni Tristan noong una kaming nagkasama sa mini park ng subdivision namin. Muli, bumalik tuloy ang mga masasayang alala namin sa kantang iyon.


Ngunit, ang mensahe ng kanta ang nagdulot sa akin ng ibayong kalungkutan. Bawat salita kasi na sinasabi sa kanta ay tumatagos sa buong katauhan ko.  


Kailangan kong magparaya, masaya na siya sa piling ng iba. Siguro, kahit sa huling pagkakataon ay doon ko na lang ibuhos ang buong pagmamahal ko sa kanya – ang palayain siya. Alam kong magiging mahirap sa akin ang lahat, pero anong magagawa ko? Hindi dapat ako magpumilit, mahirap ang isang relasyong pilit. Mahirap ang isang relasyon na inaayon lamang sa sinasabi ng iisang tao, dapat ay laging naayon sa damdamin dahil pareparehas lang din naman kaming mahihirapan.


Kahit masakit at punong puno ng galit ang puso ko para kay Tristan. Dapat ko siyang unawain. Kung mas mahal niya si Rafael dapat ko siyang hayaan, kung iyon at iyon lang ang makakapagpaligaya sa kanya. 


Kailangan kong magparaya. Para sa kanya, at para na rin sa ikabubuti ko. Kahit na.. kahit na sobrang sakit.
T.T



Hindi na kita guguluhin Tristan, malaya ka na..ganyan kita kamahal… T.T



Maya maya ay naramdaman ko ang vibration ng cellphone ko. May tumatawag! Ng makita ko ang screen ng cellphone ko, si bes pala..


Calling: Bes


“Hello bes?” Bungad ko sa tawag niya.


“Uy, bes? Kamusta?”


“Ayos lang naman bes.. Ito na sa seawall. Nakatambay..”


“Alam ko.” Napa-“huh?” naman ako sa sinabi ni Xander? Paano niya nalaman e nasa Manila siya? “Huh? Paanong alam mo?” Nagtataka kong tanong.


“Tingin ka sa likod..” Sabi ni bes.


Lumingod ako sa likuran ko at laking gulat ko na nasa likod nga si bes at si.. teka.. bakit? Bakit kasama niya si Tristan?!


“Kakausapin ka niya bes, kung ano man ang magiging takbo ng usapan niyo, nandito lang ako.” Sabi ni Xander sa phone. Unti-unting lumapit si Tristan at nakatungo ito. Mistulang nahihiya, ngunit paano naman kaya niya nakumbinsi si bes? At paano sila nakapunta dito? At bakit siya nandito? Ako na nga ang kusang lumayo di ba?


Nakasalpak pa din ang earphone ko sa aking tenga habang siya naman ay nakaupo sa tabi ko at nakatungo. Kung titignan mo kami ay pareho kaming malungkot at mistula kaming hindi magkakilala, parang walang pinagsamahan. Tahimik at tila walang gustong bumasag ng katahimikan na namamagitan sa amin. Ewan ko kung ano laman ng isip niya. Basta ako, tanging hapdi at sakit lang ang lamang ng puso’t isip ko.


Gusto ko siyang hagkan ngunit hindi pwede, hindi ko na siya pagmamayari pa. Gusto ko siyang halikan ngunit sa palagay ko ay isang kataksilan naman kay Rafael ang gagawin ko. Gusto kong haplusin ang kanyang mukha ngunit parang may pwersang pumipigil sa akin upang wag itong gawin. At higit sa lahat, gusto kong muling ariin ang puso ni Tristan, ngunit, pagmamay-ari na ito ng iba. Masakit man, ay kailangan kong tangapin.


Iyon na ata ang pinakamasakit na tagpong naramdaman ko sa tanang buhay ko. Ang angkinin ang taong mahal ko ngunit hindi pwede dahil hindi na siya sa akin. At ang pinakamasakit sa lahat, ay ang magpaalam sa taong mahal mo ng labag sa kalooban mo ngunit kailangan dahil iyon lang ang tanging paraan upang  lumigaya siya.


“Tristan?” Pambasag ko sa katahimikan.


“Hmmm?” Simpleng tugon niya.


Hindi ko na siya sinagot pa. Ang tanging ginawa ko ay inabot ko sa kanya ang kaliwang bahagi ng aking earphone. Tinangap niya naman ito at ipinasok sa kanang bahagi ng kanyang tenga. Nilakasan ko ang volume ng cellphone ko at pinatugtog at sabay naming pinakingan ang kantang..



(Paki-click na lang po ulit yung video if gusto niyo pong maranig yung song. Salamats!) (Credits to the owner of this video)




Before I let you go – Freestyle


I can still remember yesterday
We were so in love in a special way
And knowing that your love
Made me feel... Oh... So right


But now I feel lost
Don't know what to do
Each and everyday I think of you
Holdin' back the tears
I'm trying with all my might 


Because you've gone and left me 
Standin' all alone
And I know I've got to face 
Tomorrow on my own
But baby



Before I let you go
I want to say I love you... 
I hope that you're listenin'
'Coz it's true, baby... 
You'll be forever in my heart
And I know that no one else will doohh... yeah... 
So before I let you go
I want to say I love you... 


I wish that it could be 
Just like before
I know I could've given you 
So much more
Even though you know
I've given you all my love


I miss your smile, I miss your kiss
Each and everyday I reminisce
'Coz baby it's you 
That I'm always dreamin' of


Because you've gone and left me 
Standin' all alone
And I know I've got to face 
Tomorrow on my own
But baby


Before I let you go
I want to say I love you... 
I hope that you're listenin'
'Coz it's true, baby... 
You'll be forever in my heart
And I know that no one else will doohh... yeah... 
So before I let you go
I want to say


Cause letting love go is never easy
But I love you so
That's why I set you free
I know someday, somehow
I'll find a way 
To leave it all behind me
Guess it wasn't meant to be my baby


Before I let you go
I want to say I love you
I hope that you're listenin'
'Coz it's true, baby
You'll be forever in my heart
And I know that no one else will do
So before I let you go
I want to say... 
So before I let you go
I want to say... 



I love you...



Napakasakit ng mensahe ng kanta. Habang pinatutugtog ang kanta ay wala akong ibang ginawa kung hindi ang umiyak ng umiyak. Napakasakit sa damdamin ang magparaya, lalo na’t napamahal ka na sa tao. Ngunit wala akong magagawa, this is my only option.


Naalala ko na naman yung mga araw kung saan parehas kaming inspired sa isa’t isa. Yung mga oras na ako pa si Vince, noong pinatawad niya ako sa kabila ng pagsisinungaling ko, noong naging kami, noong first and second monthsary namin. Ngunit, sadya sigurong mapaglaro ang tadhana upang linyahan ang lahat ng ito.


Totoo nga siguro ang sinasabi sa kanta na Cause, letting love go is never easy.. But I love you so, that’s why I set you free.. Tama na ang magparaya ay masakit. Ngunit, sa sobrang pagmamahal ko sayo Tristan gagawin ko to. Dahil mahal kita. Hindi lang, mahal na mahal kita.


Tinignan kong mabuti ang reaksyon ni Tristan pagkatapos na pagkatapos ng kanta. Napansin kong may tumutulong luha din mula sa kanyang mga mata. Marahil ay may nararamdaman pa siyang guilt sa sarili.


“Colby..” Pagtawag niya sa pangalan ko sabay yakap sa akin. “Patawad Colby, patawad sa lahat ng nagawa ko.. sa pagtataksil ko, sa ginawa kong sugat sa puso mo.. patawad Colby, patawad.” Malambing niyang sambit habang nakayakap sa akin.


“Hindi kita masisisi..” Nasabi ko na lang.


“Colby? Aaminin ko sayo, kami nga ni Rafael kahit na mayroon pa tayong relasyon at humihingi ako ng tawad para dun. At Colby, hindi ko intensyon ang saktan ka. Sasabihin ko na dapat sayo kaso hindi ko din inakala na aabot pa sa puntong pati ang buhay mo manganib. Nakaramdam ako ng sobrang pagkaguilty sa sarili Colby. Hindi ako naging fair sa iyo. Minahal mo ako ng buo pero ako..” Nahahabag niyang sabi. Niyakap ko na lang siya. Hindi alintana ang mga tao na nasa seawall pa sa mga oras na iyon. Oo, masakit para sa akin ang palayain si Tristan, pero heto na lang ang natatanging pagpipilian ko. Heto na lang ang paraan na alam kong masakit ngunit sa bandang huli ay parehas naman kaming magbe-benefit.


“Mahal mo talaga siya?” Tanong ko sa kanya.


“Oo Colby, sorry..” Pagamin niya. Hindi na ako tumugon pa. Tumalikod ako sa kanya at tinabunan ng panyo na bigay sa akin ni kuya Enzo ang aking mukha upang hindi niya na makita pa ang paghihinagpis ko. Napakaraming tulo ng luha ang dumaloy sa aking mga mata. Ewan ko ba kung bakit hindi maubos ang mga luha ko. Napakasakit kasi e. Napakasakit na harap harapang sabihin sayo ng taong mahal mo na hindi ka na niya mahal at iba na ang tinitibok ng puso niya.


“Colby, harapin mo naman ako. Patawad na Colby..” Sabi niya.


Hindi ako nagpatinag. Ganun pa rin ang posisyon ko. Kailangan kong ilabas ang lahat ng luha at sakit na nasa loob loob ko.


Sa palagay ko ay nasa dalawang minuto na akong ganoong posisyon ng bigla akong humarap sa kanya at siniil siya ng halik!


Sa tingin ko ay iyon ang halik na punong punong ng sakit at dalamhati. Ipinapangako ko. Ito na ang huling halik ko sayo Tristan – Paalam Tristan.


“Tristan, mahal na mahal kita tandaan mo yan. At dahil sa sobrang pagmamahal ko sayo. Binibigyang laya na kita.. “ Sabi ko sa kanya sabay tayo mula sa kinauupuan namin. Tumalikod ako at lumakad palayo sa kanya.
Sa bawat hakbang ko ng aking mga paa palayo sa kanya ay mistulang napakabigat. Iyon bang parang ayaw ko nang umalis sa tabi niya ngunit iyon lang ang natatangi at tamang paraan upang lumigaya siya. Dahil mahal mo siya, at siya lang tanging dahilan kung bakit mo siya pinalaya - sa ikaliligaya niya.


Masakit man, ay kailangan ko na lang tangapin. Hindi talaga siguro kami ni Tristan para sa isa’t isa.


Habang naglalakad ako papunta sa kawalan ay napuna ko ang isang lalaking sobrang napamahal na rin sa akin, ang taong nagpapasaya sa akin sa oras na malungkot ako, si Xander – Ang bestfriend ko.


“Bes??” Tanong niya sa akin habang umiiyak ako. “Anong nangyari? Ba-bakit ka umiiyak?”


“Wala na siya bes! Sinuko ko na siya, pa-para sa ikaliligaya niya..” Maiyak-iyak kong sabi kay Xander. Hindi niya na ako sinagot pa, niyakap niya na lang ako ng mahigpit at tila sinasabi sa mga yakap niya na ‘okay lang yan, marami pang iba diyan, lilipas din iyan..’


“Bes, sorry kung dinala ko pa siya dito. Kinulit ko si Tita na pumunta dito para man lang madamayan ka sa paghihinagpis mo, pero kinulit ako ni Tristan na makausap ka. Ayaw ko sanang pumayag pero noong nasa terminal na ako ng bus ay sinundan nya ako. Lumuhod siya sa harapan ko. Sobra daw kasi siyang naguguilty sa lahat ng nagawa niya. Kaya pumunta siya dito upang humingi ng tawad.. at..” Natigilan si Xander.. “At magpaalam sayo..”


Napahagulgol na lang ako habang yakap yakap ako ni Xander. Sana, si Xander na lang ang minahal ko. Hindi na sana ako dehado pa. Dahil, alam kong mamahalin niya rin ako. Pero, bestfriend lang din talaga kami, at sa ngayon ay masakit pa ang sugat na ginawa ni Tristan sa aking puso.


Siguro nga ay tama ang kasabihang, may mga taong sadyang darating sa buhay na’tin upang turuan tayo kahit sa paraang masasaktan tayo. Dahil kung hindi naman masasaktan ang puso, hindi ito matuto at magiging matatag.


Alam ko, tama ang ginawa kong desisyon na palayain si Tristan. Sa ngayon, hindi ko masasabi kung ano ang pakiramdam. Mixed Emotions kasi sa totoo lang. Masaya dahil alam kong magiging masaya na siya sa piling ng iba dahil kung mas pipiliin kong manatili siya, parehas lang kaming madedehado at masasaktan. Ngunit, sa kabilang banda naman ay sobrang hapdi dahil alam ko sa sarili ko at ramdam ko na mahal ko si Tristan, sinunod ko lang ang gusto niya dahil alam kong tama ito. Alam kong sa huli, ay hindi ko pagsisihan ang ginawa kong desisyon.


Noon ang pagaakala ko ay kami na talaga ni Tristan ang para sa isa’t isa. Lubha kasi akong namangha dahil tinangap niya at pinatawad ako sa kabila ng ginawa kong kasinungalingan sa kanya at syempre tinangap niya ako kahit na hindi naman ako pinagkaluoban ng kaaya ayang itsura. Ngunit, lahat pala ng pagaakala ay dapat binibigyan ng limitasyon, kasi kung masyado kang mag-eexpect, sa huli ay ikaw din ang masasaktan.


Masalimuot man ang kinahantungan ng unang lalaking minahal ko ng buong buo sa aking buhay ay hindi ako nagsisisi. Nasaktan man ako, ay pipilitin kong isilid sa kaloob looban ng utak ko na parte talaga ng buhay pagibig ang masaktan ka.


Hindi ako susuko. Dahil tama si kuya Enzo sa kanyang sinabi. May taong nakatadhana talaga para sa akin, siguro nga ay tulad rin ng sa kanya ay pinaglalaruan lang ako ng tadhana.
Naniniwala ako, hindi pa ito ang katapusan ng kwento ko.



“Hindi pa…”




Wakas..















(So guys? How’s the ending? Sorry kung bad ending ahihi >.< Hindi pa naman eto yung last e.
Yes, tama ang inyong nabasa, “Hindi pa..” Dahil.
.
.
Inahahandog ko sa inyo, ang pangalawang book ng 318 series =) "318 (My Second Attempt to Love)" And yes, nandoon pa po ang ating minahal at kinainisan na Character, si Colby. =) Ipopost ko din po ang teaser bukas =))

Salamat! :*



-nieL

32 comments:

  1. sa akin lang ha?
    gusto ko ung ending bakit? on two reasons... [hahah me ganon?]

    1. very realistic kc.. at alam kong maraming ganito rin ang naging ending ng kanilang love story [ouch]
    2. MAY BOOK TWO KASI NIAN FOR SURE!!!!!


    yay! good job!

    ReplyDelete
  2. Naligaw si kuya Erwin at kuya Enzo ah :)) Si Utol at ang Chatmate Ko SUAACK ni sir mike juha! Tama ba niel? Job well done! Book 2 na please!


    --arthur--

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahihi ^_^ Tama :) Sa Sobrang obsession ko po sa SUACCK ni Sir Mike, pinagpaalam ko talaga :) Salamat po! :)

      Delete
  3. YES!!!! MAY BOOK TWO! :D woooo...
    happy much ako! hahaha

    tama si youcancallmeJM, maraming makakarelate sa ending. usually ganun naman kasi talaga :)

    KUDOS NIEL!!! :) thanks ng marami! ^_^

    ReplyDelete
  4. May Ikalawang yugto?

    dahil ang mag textmate talaga ang para sa isa't isa..

    o baka naman may textmate ulit si colby hehe

    aabangan ko yan author..

    payo nga po. dapat ko na po bang itigil o harapin?

    ganito po

    "yung story ko po kasi ay (ishortcut ko nalang)
    dahil depress ako nun ay naisipan qng gumawa ng new fb ko kung san i'm free and walang limit kh8 anu gwin q, kh8 twagin nila aqng buang hehe, pero sa gawa gwang fb n yun wla aqng real pic, mga cartoons, anime lang nandun, lahat ng mga foreigner at filipino frends q tina tnong nila pic q pero deadma lng snob q cla kh8 please cla ng pls, my itsura nman po aq ehem ehem (may ngsa2bi namn po na gwapo aq sa mga real pic q s real fb q) pero xempre 4 my privacy ay wla tlaga aqng balak ipakita sknila.
    AT ngayon my mga nainlove sakin s gwa gwang fb q, tinanong q xempre kung anung nagus2han nla skin eh wla nman aqng pic, at heto ang mga sagot nila "dhil dw sa kakaiba aq, at dhl dw sa napapasmile q xa.. hehe"
    pero yung isa sobra, ultimo pasword ng fb accnt nya binigay skin para dw mafeel q n my trust sya skin at sna ganun din dw sna aq sknya, gus2 nyang kunin ung true fb add q, kya lng ayaw q tlaga kh8 nagpupumilit sya, baby din tawag nya sakin, sbi pa nya pgising dw nya sa umaga agad nyang inopen fb nya to see his notification n inbox kung my galing skin, at kpg wla dw eh malungkot sya.. heto sinasbi nya pag wala, "baby bk8 wla kng reply".. hehe ginwa nya qng habit.
    Nag-usap n din kmi tru skype (nasa states kc xa at dun ng-aaral, magaling xang mgtagalog kc sa pinas nman xa nag HS) kaso tinakpan q ung web cam q. hehe bad q no, sbi nya "sayang nakarecord pa nman" at ngayon pinagbantaan aq na kpg nkkuha sya ng kh8 isang pic q eh ipapahanap nya aq.
    kaya ayun deactivate q agad fb q ngayon. haha. bka kc gumamit ng locator.. haha
    at dahil nga alam q ung pasword nya eh inapdate q ung status nya pagkatpos ung deactivation ng fake fb q, sbi q "sorry, hope u understand - baby" para wlang mkahalata pero may mga frends dn xang nagcomment at nag worry, di ko na nireplyan, bsta bhala n xang magreply kpg binuksan nya.

    alam q unfair pero gusto q lang maging malaya, sumaya at magpasaya ng tao mapa banyaga man o pinoy.. sa gawa gawang fb qng yun.

    di ko alam kung kelan q ulit bubuksan yung fake n fb q, hehe sana di nya mabasa toh."

    ReplyDelete
  5. Thank niel love it...waiting for the book 2.


    Randzmesia

    ReplyDelete
  6. YEs..MY BOOK 2..:)

    ReplyDelete
  7. hehehe nice. may special partcipation pa ah... hehe.. cant wait for book 2... kaya lng ung book 2 "attempt" so meaning d matutuloy??? hehehe

    ReplyDelete
  8. Niel ang ganda nga ending.,mai pag asa na c xander yahooo.,yehey mai bo0k2 aabangan ko yan go niel go

    Julmax

    ReplyDelete
  9. Mganda ang ending..kht medyo mbilis.. peo ayus nman..aabangan nmin yang book 2 :D

    ReplyDelete
  10. i was so shocked to see na ending na ksi parang ang iksi,yun pala my book 2 pah..kw author ha!hahaha...tnx sa nice story,hoping na ma aga ma i post ung book 2 :)



    ryan

    ReplyDelete
  11. LOL!..nasali pa si Enzo at kuya Erwin from "Si Utol Ang Chatmate Ko" (a story that makes my tears falls like rain..except in the awkwardness of the wedding with matching kabaong..hehe..anyway its a good story after all!)tnx mr. author sa story mo kahit na d ako maka get over sa kagaguhan ni tristan! (>.<)..it hurts!

    ReplyDelete
    Replies
    1. That was my favorite story po kasi hehe :) welcome po. thank you din po :)

      Delete
    2. This comment has been removed by the author.

      Delete
    3. BTW..try mo po ang "in love with brando baka sakaling magustuhan mo..that story is the reason why i'm addicted reading short stories here in net... http://m2m-bromance.blogspot.com/2010/09/rhett-tama-na-yang-pagdidilig-mo-mag.html

      Delete
  12. realistic ang ending,ang ganda talaga,job will d0ne mr, author the best po talaga.

    ReplyDelete
  13. nkakatuwa olthough expected ko na ang ending mganda pdin..5 claps for the author..

    ReplyDelete
  14. nkakatuwa olthough expected ko na ang ending mganda pdin..5 claps for the author..

    ReplyDelete
  15. Nabasa ko lahat ang simula chapter 1 hanggang ending..parang ako s colby...relate much sa storie ganya na ganyan ang storya..habng kayo pala tapos nagkabalikan sila..anong nangyari kundi nga nga...

    Pero masaya na ako ngayon kasi nakahanap ako ng taong magmamahal sa akin ng lubos..

    ReplyDelete
  16. Kakapulutan ng aral.. ang ganda ng ending, hindi man happy at least walang sama ng loob ang nabuo sa bida nating c colby!




    EjLim of davao

    ReplyDelete
  17. Walang kwentang tao yang si tristan..dpat tlga dna nia pnansin pa si tristan na manloloko...mkarma dn xa at sna mkhnap si colby ng 2nay na pgmmhal..

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails