Followers

Saturday, June 1, 2013

Love. Sex. Insecurity. [Chapter 20]




Love. Sex. Insecurity.
[Chapter 20]





By: Crayon






****Alvin****





5:45 am, Wednesday
June 20






Mabilis na lumipas ang isang linggo. Pitong araw mula nang muling magkrus ang landas namin ni Kyle. Bumangon na ako mula sa aking pagkakahiga. Kailangan ko na maghanda sa pagpasok. 


I'm Alvin Mendoza, 26 yrs old, instructor for laboratory classes in Genetics at the University of the Philippines Los Banos. This would be the last semester that i will be teaching here. After this sem, i plan to further explore my field at the International Rice Research Institute (IRRI). It has always been my dream to be a scientist and that place will be a perfect place to make my dreams happen.


Bio30 section E5. Iyon ang una kong klase sa araw na ito. Ang klaseng pinaka-aabangan ko. Hindi ko mapigilang mapangiti sa isiping iyon. 


Matapos gumayak ay nagsimula na akong maglakad papunta sa campus. Malapit lang kasi ang inuupahan kong apartment sa campus. Habang naglalakad ay iniisip ko kung anung maaaring mangyari sa araw na ito.


Hindi ko siya masyadong kilala, i mean konti lang ang alam ko tungkol sa kanya. Ang tanging alam ko ay siya ang bestfriend ni Renz at may gusto siya sa kanyang kaibigan. 


Ang una naming pagkikita noon ay nauwi sa suntukan. Sa pangalawang beses na nakita ko siya ay nagpapaalam siya sa taong mahal niya dahil ang akala niya ay ka-relasyon ko na ito. Sa pangatlong beses na nagtagpo kami ay maanghang na sagutan ang nangyari sa amin. Mukha akong tanga dahil nakangiti ako habang iniisip ang mga bagay na iyon.


Naaaliw ako sa kanya dahil sa personality niya. Hindi ko siya gusto romantically, i just wanted to know him more so we can be friends. Obvious naman na hindi naging maganda ang aming simula pero pakiramdam ko naman ay maaari pa din kaming maging magkaibigan.


I could also keep him as an enemy and have Renz for myself. Di hamak na mas attracted ako sa kaibigan niya kaysa sa kanya.


Honestly, hindi ko pa alam ang gagawin. Sa ngayon ay i-eenjoy ko muna ang mga pangyayari. Hindi ko din muna ipapaalam kay Renz na nakita ko si Kyle.







****Kyle****




7:45 am, Wednesday
June 20





Pilit kong hinihila ang aking mga paa patungo sa lugar ng una kong klase para sa araw na ito. Kahit ang sarili kong katawan ay tila umaayaw sa presensiya ng taong makikita ko ngayong umaga.


Tandang-tanda ko pa ang una naming pag-uusap noong nakaraang linggo. Hindi maganda ang naging kinalabasan noon at hindi rin ako sigurado sa kung anung mangyayari ngayon. Napabuntong hininga na lamang ako ng matanaw ang building na aking papasukan.


Saktong alas otso ay dumating ako sa loob ng classroom namin. May mangilan-ngilan pa lang na mga estudyante ang naroon. Nilabas ko ang aking notebook upang ayusin ang mga notes ko mula sa mga klase ko kahapon. 


"Aga natin ah!", nagulat ako sa pagbati sa akin ni Lyndon.


"Ha, hindi naman.", sagot ko sa kanya sabay ngiti.


"Nakakuha ka na ba ng laboratory manual?", lihim naman akong napamura sa aking narinig. Nakalimutan ko kasi na bumili ng manual na gagamitin para sa klase ko na ito.


"Saan nga uli bibili non pre?", sagot ko na lang kay Lyndon.


"Sa room 305. Pumunta ka na ngayon, maaga pa naman eh.", mungkahi ng aking katabi.


Tumango lamang ako at saka tumayo sa aking kinauupuan para bilhin ang manual. Umakyat ako sa third floor ng gusali, tiningnan ko ang aking wristwatch. May 20 minutes pa naman ako. Nang makita ang room 305 ay mahina akong kumatok at saka pinihit ang seradura ng pinto.


Yari! Naka-lock ang pinto, mukhang wala pa ang staff na nagbebenta ng mga manuals. Since may time pa naman ay naghintay ako ng kaunti sa labas dahil baka parating na din sila. Wala pa ngang sampung minuto ay dumating na ang staff. 


Agad naman kaming pumasok at sinabi ko ang aking sadya. Hinanap saglit ng may edad na staff ang manual na kailangan ko at saka ako nagbayad. Nang makalabas ng kwarto ay tiningnan ko muli ang oras sa aking relo. Dalawang minuto na akong late. Nagmadali akong bumaba pabalik sa room ko. Pagpasok ko ay nakita ko ang aking instructor na nakaupo sa kanyang desk at nakatingin sa akin.


"Let me tell you this again Mr. Quijano, our class starts at 8:30. Not 8:31, 8:35, its 8:30. I expect this would be the last time that you will be late. Take your seat.", mataray na sabi ng aking instructor.


Hindi ko na nagawang magsalita dahil nagcoconcentrate ako na pakalmahin ang aking sarili. Bumalik ako sa upuan sa tabi ni Lyndon. Buong klase ay tumahimik lamang ako. Hindi na ako masyadong nagsalita dahil naiinis pa din ako. Hindi ko na napansin ang pagtatapos ng aming klase.


"You may all go now, except for you Kyle.", nagsimula na naman mamuo ang inis sa aking loob. Mukhang nagpo-power tripping talaga ang Alvin na to.


Nanatili na lamang ako sa aking upuan hanggang sa makalabas ang lahat ng estudyante sa room na iyon. Nang masiguro kong wala na ang aking mga kaklase ay agad na akong nagsalita.


"Ano na namang problema mo?", pabalang ko na tanong kay Alvin.


"Show some respect.", seryoso niyang sabi habang inaayos ang mga papel sa harap niya.


"Respect is due for those who deserves it. A whore like you needs no respect.", malutong kong sabi dahil nagpatong-patong na ang inis na kanina ko pa tinitimpi.


"Palaban ka talaga no? Tingin mo ikapapasa mo yan?", nagbabanta niyang sabi.


"Huwag mo na akong pagbantaan dahil hindi ako natatakot sayo. Im scored base on the numbers i get on my exam. That would determine if i pass or fail."


"You got a point but i bet the Office of Student Affairs would love to hear about how you address your instructor."


"Again, hindi ako natatakot. I can tell them why i'm acting like this, i can even give them a good background of what happened. That will be a very interesting story to tell. I am willing to escort you there, just let me know when your ready to open this can full of worms. And we'll let them decide who's rotten.", nakatitig lamang sa akin si Alvin. Kinuha ko na ang oppurtunity na iyon at lumabas na ako ng room. 


Hindi ko mapigilang mapangiti dahil alam kong nagulat siya sa mga sinabi ko. I guess ako ang nanalo sa round 2 ng aming sagutan. Hindi ko mapigilang mapangiti sa isiping iyon.







Saktong paglabas ko ng building ng bio ay may biglang umakbay sa akin. Medyo napapitlag ako sa gulat, ng lumingon ako ay nakita ko ang nakangising mukha ni Lui.


Isang linggo na din akong kinukulit ng isang to. Minsan niyang nakita ang notebook ko at mukhang kinabisa ang schedule ko ng mga klase at kung saang building ako manggagaling. Kaya ngayon ay para na lang siyang isang kabute na biglang lilitaw kapag tapos ng mga klase ko.


"Bakit ba andito ka na naman? Wala ka bang klase ha?", nayayamot kong sagot habang tinatanggal ang pagkaka-akbay niya sa akin.


"Wala, mamaya pa ang klase ko. Tara kain muna tayo.", imbita niya sa akin.


"Wala ka bang kaibigan at ako lagi ang kinukulit mo?", tanong ko sa kanya.


"Ikaw ang walang kaibigan kaya lagi kita sinasamahan.", nakangisi niyang sabi. Agad ko naman siyang binatukan dahil sa pang-aasar niya.


"Ang sweet mo naman!", sarkastiko kong sagot. "Hoy ikaw na kabute ka, hindi ko kailangan ng kasama no, kung wala man akong kaibigan ay dahil iyon ang pinili kong gawin. I wanted to be alone, at ikaw ang tanging humahadlang para magawa ko iyon", mahaba kong sabi.


"Eh sorry, kasi hindi ako aalis sa tabi mo. Ako na ang magiging guardian angel mo.", nakatawa pa ding sabi ni Lui.


"Mukha kang tanga! Tsaka madame ng nagsabi sa akin niyan, hindi naman nagkakatotoo."


"Uy may pinaghuhugutan siya oh. Ampalaya."


"Siraulo! Tara na nga kumain na lang tayo ng proben (chicken pops)! Tapos uuwi na ako.", aya ko sa kanya kasi baka may masabi pa ako na hindi dapat.


"Sige tara.", muli na naman niyang nilagay ang kanyang kamay sa aking balikat. Hindi ko na ito tinanggal dahil tiyak na mamaya lang ay aakbay na naman siya.







****Lui****





12:03 pm, Wednesday
June 20





Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ko si Kyle na kumakain. Alam ko na may kakaiba sa nararamdaman ko para kay Kyle. 


Hindi ito ang unang beses na nakaramdam ako ng pag-ibig pero ito ang unang beses na maramdaman ko ito sa kapwa lalake. Malayo sa mukha ng pag-ibig na nakasanayan ko at tanggap ng lipunan.


Hindi rin ako sigurado kung bakit ko hinahayaan ang sarili ko na ipagpatuloy ang ganitong pakiramdam para kay Kyle.


I never questioned my sexuality until now. Pero tila hindi ito isang malaking isyu para sa akin. Ang tanging naiisip ko lang ay masaya ako kapag nandyan si Kyle, at gusto ko na alagaan at pasayahin rin siya. 


Batid kong hindi pa ganun kalalim ang samahan ni Kyle. Wala nga ako halos alam tungkol sa kanya. Pero mula noong aksidente ko siyang mabangga noon ay di ko na nagawang lumayo sa kanya o alisin siya sa isip ko. Halos mabaliw din ako sa paghihintay ng text niya noon, na hindi naman nangyari. Kung totoo man ang sinasabi nilang love at first sight, ito na siguro iyon.


Maaaring wala ngang batas na sinusunod ang pag-ibig. Kahit ano ay maaring mangyari. Hindi hadlang ang kasarian, estado ng buhay o dikta ng lipunan. Tanging puso mo lamang ang makakapagsabi kung alin ang pag-ibig at alin ang hindi.


At tanging iyong parte lamang ng katawan ko ang gumagana sa ngayon. Hindi ko iniisip ang maaring maging tingin ng ibang tao sa akin.  Tanging puso ko lang ang pinakikinggan ko.


"Bakit nakatingin ka na naman sa akin", pagsusungit sa akin ni Kyle. Para bang hindi ko kailanman pagsasawaan ang kasungitan niya.


"Wala, ang takaw mu kasi eh.", pang-iinis ko sa kanya. "Gusto mo pa?", sabay alok ng kinakain kong chicken pops. 


"Bwiset ka talaga no?", tumawa na lamang ako sa kanyang sinabe.


Napabuntung hininga ako ng biglang maisip ang klase ng pakikitungo niya sa akin. Hindi sa napapagod ako sa kasungitan niya pero hindi kasi ako sigurado kung gusto niya ba ako o kung magkakagusto din siya sa akin. Ni hindi ko nga kumpirmado kung pumapatol siya sa lalaki. Oo, nahalikan ko siya noon sa ospital, dahil hindi na ako nakapagpigil noon pero di ko alam kung sapat na ba yong dahilan para sabihing nagkakagusto din siya sa lalaki. Lalo pa at pinilit ko lang naman siya na halikan noon.


Sabihin na natin na nagkakagusto nga siya sa lalaki, ang problema base sa pinapakita niya ay mukhang hindi naman niya ako type. Mukhang hindi umuubra sa kanya ang appeal ko. Matangkad naman ako, maputi, di hamak na gwapo ako, bonus pa yung katakam-takam ko na katawan. Pero kahit minsan ay hindi ko siya nakitang tumingin sa akin ng may paghanga. 


Obviously, kailangan ko magpapansin o manligaw sa kanya pero hindi ko alam kung paano. Hindi naman babae si Kyle, lalaking-lalaki pa nga siya kumilos at di mo maiisip na baka bakla siya. 


"Anu ba talagang iniisip mo? Nababaliw ka ba ha?", sabi muli ni Kyle para kunin ang atensyon ko.


"Wala naman, iniisip ko lang kung paano kita paiibigin.", walang preno kong sabi. Huli na ng maisip ko kung anung ibig sabihin ng mga salitang lumabas sa aking bibig.


"Ano gago ka ba?", gulat na sagot sa akin ni Kyle.


"I mean, kung paano ko paiibigin yung taong gusto ko, hindi ikaw."


"Alam mo kulang talaga ng turnilyo yang utak mo."


"Sobra ka, cum laude kaya ako nung grumaduate.", nakatawa kong sabi para hindi niya mahalata ang pagsisinungaling ko.


"Muka mo! Puro ka kayabangan!"


"Ganun talaga kapag gwapo."


"Bahala ka nga sa buhay mo. Uuwi na lang ako"


"Mamaya ka na umuwi. Samahan mo naman ako, mamaya pa klase ko at wala akong tatambayan."


"Ang init kaya dito sa labas.", wika ni Kyle sabay nagsimula na siyang maglakad paalis.


"Eh dun na lang muna tayo sa university library. Malamig ang aircon dun."


"Ayoko, hindi ko gusto amoy dun. Mas gusto ko ang aircon ng kwarto ko."


"Sama na lang ako sayo.", mungkahi ko habang sumusunod ako sa paglalakad niya.


"Bahala ka."


"Talaga? Pwede?"


"Wag ka lang maingay kasi gusto ko matulog."


"I'll try.", nakangisi kong sabi. Nilingon lamang ako ni Kyle saka ako inirapan. Cute talaga ng isang to.




------





Malapit lang ang inuuwian ni Kyle mula sa campus kaya, naglakad na lamang kami. Isa iyong 1 bedroom apartment. May sofabed sa sala sa harap ng isang 21 inch na tv, mayroon ding isang maliit na table sa dining. Wala siya halos gamit. Halatang isang tao lang ang nakatira.


"Hindi ka nagluluto dito?", curious kong tanong ng mapansing walang kalan o maaaring lutuan.


"Hindi pa ako nakakabili ng maliit na electric stove eh. Hindi din naman kasi ako mahilig magluto. Wala pa masyadong gamit kasi wala pa naman akong dalawang linggo dito.", sagot sa akin ni Kyle.


"Taga saan ka pala talaga?"


"Bulacan.", sagot niya habang inaayos ang dala niyang gamit kanina.


"So umuuwi ka din doon every week."


"Hindi."


"Bakit?"


"Kasi ayoko. Nakakapagod lang.", hindi ko na siya kinulit pa tungkol dun. 


"May net ba dito?"


"Tigas talaga ng mukha mo no? Oo, isaksak mo na lang yang router sa gilid ng sofa.", tinawanan ko na lang siya. Sanay na ako sa kasungitan niya at naaaliw din ako kung minsan.


"Anung password?"


"Oportunista."


"Anu nga?"


"Oportunista nga!"


"Seryoso?"


"Kulit din talaga ng lahi mo no?"


Sinubukan kong mag-log in gamit ang password na iyon habang nagbibihis si Kyle sa kwarto. Naka-connect naman ako sa wifi. Nang lumabas siya ay naka shorts na lamang siya at tshirt na pambahay.


"Hoy matutulog lang ako ha.", paalam niya sa akin.


"Paano ako?", malungkot kong sagot.


"Malay ko sayo. Magnet ka o kaya matulog ka diyan sa sofa."


"Wala kang electric fan?"


"Wala! Aircon lang sa kwarto."


"Mainit."


"Dun ka sa university library, malamig ang aircon dun!", natatawa niyang sagot sa akin.


"Kawawa naman ako."


"Ang panget mo, wag ka na magpaawa diyan. Pumasok ka na lang dito kung gusto mo.", pagkasabi non ay tumalikod na si Kyle at pumasok sa kwarto. Inayos ko muna ang gamit ko at sumunod sa kanya.


Maluwag naman ang kwarto, may isang malaking kama na nakalatag sa sahig. May built in closet ang kwarto at maayos ang pagkakalagay ng mga gamit niya sa paligid.


"Pwede tumabi sayo?", tanong ko.


"Hindi. Dun ka sa loob ng closet."


"Hindi ako kasya.", nakatawa kong sagot.


Binato niya ako ng unan saka siya tumagilid ng higa paharap sa pader. Inayos ko naman ang unan saka nahiga sa tabi niya.


"Hindi na sumasakit yung paa mo na nilagyan ng cast?", tanong ko sa kanya kasi wala ako maisip na sabihin.


"Sabi ko wag ka maingay di ba?"


"Eh hindi ka pa naman natutulog eh."


"Paano ko makakatulog eh ang ingay mo!"


"Mamaya ka ng konti matulog. Jogging uli tayo mamaya ha?"


"Sige."


"Tapos samahan mo din ako mag-gym tuwing Tuesday, Thursday at Friday."


"Sige."


"Anung email add mo sa facebook?"


"Wala akong account don?"


"Bakit?"


"Kasi gusto ko ng matulog, kaya pwede ba wag ka na maingay dahil baka mapilitan akong sipain ka palabas ng kwarto ko."


"Ok.", hindi ko na siya kinulit dahil baka totohanin niya ang banta niya.



Hindi ko napigilang makatulog din. Nagising lang ako ng bigla akong itulak ni Kyle, na ikinahulog ko ng kama.


"Anu ba natutulog ako eh?", reklamo ko sa kanya.


 "Buti sana kung natutulog ka lang, eh nakayakap ka kaya sa akin. Not to mention your having a boner!", pinamulahan naman ako sa kanyang sinabi.


"Sorry naman, sanay kasi ako matulog ng may kayakap eh. Tsaka malamig kaya, hindi ko na kontrolado ang galit ni junjun no."


"Dami mong alam! Gumayak ka na, malapit na magstart yung klase natin.", pagkasabi niya noon ay tumayo na ako upang ayusin ang gamit ko at ng siya naman ay makapagbihis.


Sabay kaming pumasok ni Kyle ng hapong iyon. Matapos ang aming klase ay nagkita kame para makapag-jogging. Di tulad noong una ay nagkwekwentuhan na kami habang tumatakbo kahit na minsan ay sinusungitan niya pa din ako.







....to be cont'd....










No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails