Love. Sex. Insecurity.
[Chapter 22]
By: Crayon
****Aki****
8:13 pm, Tuesday
June 26
Ang excitement na nararamdaman ko kanina habang papuntang Laguna ay napalitan ng pagod sa aking pag-uwi. Pagod sa biyahe, pagod sa trabaho, pagod sa pagmamahal ng taong hindi ka naman mahal.
Nakatingin lamang ako sa labas ng aking bintana habang binabyahe namin ang kahabaan ng SLEX. Pumunta ako ng Laguna upang makita si Kyle, alam kong may tampo siya sa akin dahil hindi ako agad nakabalik mula sa Davao. Umasa ako na magkakaayos na kami pero mali ako. Huli na pala ako dahil may boyfriend na siya. Masyado ata ako matagal na nawala.
Hindi ko naman magawang magalit o sumbatan si Kyle dahil wala naman talaga siyang pananagutan sa akin. Walang commitment. Wala akong dapat i-expect mula sa kanya. Single siya, technically pwede siya makipagrelasyon sa kung sinong gugustuhin niya. Wala naman kaming usapan na exclusive lamang kami para sa isa't-isa.
At iyon ang nakakalungkot dahil kahit gaano mo kagusto magselos at ilayo siya sa taong pinili niya, hindi pwede kasi wala kang karapatan. Kahit na masaktan ka ng paulit-ulit ay hindi niya kasalanan iyon, dahil ikaw ang may desisyon na mahalin siya.
Hindi naman por que mahal ko siya ay responsibilidad na niyang isipin lagi ako o ang nararamdaman ko. Malaya pa din siyang mamili kung sino ang mamahalin niya.
Kahit na sabihing wagas ang pagmamahal ko sa kanya hindi ibig sabihin non na dapat mahalin niya din ako. Kahit na gaanong sakripisyo pa ang gawin ko hindi naman automatic na dapat mahalin niya din ako dahil dun.
Hindi naman ako nag-eexpect ng kahit anu mula kay Kyle. Siguro mas tamang sabihin na umasa ako na mamahalin niya ako pero hindi ko siya kailanman na inobliga na suklian ang anumang ibinigay ko sa kanya.
Nakakalungkot lang siguro talaga dahil hindi nangyari ang inaasahan ko. Matapos ang nangyari sa kanila ni Renz, akala ko ay mapapansin niya na ako. Akala ko mabibigyan ako ng chance. Akala ko ma-realize niya na kaya ko siyang mahalin ng higit sa pagmamahal na kayang ibigay sa kanya ni Renz. Akala ko maiisip niya na i can be mr right. Akala ko may happy ending kame.
Napabuntong hininga na lamang ako sa aking naiisip.
With my demigod looks, successful career, and decent family background, i can be a perfect bachelor. I can make every lady fall for me. I can get anyone's attention. Anyone except the person i love.
Biglang pumasok sa isip ko ang unang gabe na nagkita kaming muli ni Kyle matapos akong lumayo. Nakaupo siya sa gilid ng kalsada umiiyak, mag-isa habang nababasa ng ulan. Nang mga panahong iyon ay desido ako na hindi na muli pang kausapin si Kyle kung sakali mang magkrukrus pa ang aming landas. Pero ng lapitan ko siya noon at makita ang lungkot sa kanyang mga mata ay nawala ang lahat ng sama ng loob ko sa kanya. Sinabi ko sa sarili ko na hindi ako makapapayag na may kahit na sino pang makasakit na muli sa kanya ng ganoon.
Nang dalhin ko siya sa aking condo at nagkasakit kami na pareho ay parang sa amin ang mundo. Wala kaming pakialam sa nangyayari sa labas. Masaya na kaming nasa loob lamang kami ng apat na sulok ng aking condo. Nagkukulitan. Alam ko nang mga panahon na iyon na maaaring masaktan ako uli sa ginagawa ko. Kyle is so unpredictable. Hindi ko alam ang maaaring mangyari, pero sa tuwing kasama ko siya lahat ng pag-aalinlangan ko ay nawawala. Kaya ginawa kong sumugal muli.
Wala akong pinagsisisihan sa mga naging desisyon ko noon dahil kahit papaano ay naging masaya ako. Hindi man kami ang magkasama sa huli at least nagkaroon ako ng pagkakataon na maramdaman na akin lang siya.
Nang sinabi ko kay Kyle kanina na masaya akong may mag-aalaga na sa kanya, i meant it. Masaya ako na mayroon ng makapagpapasaya uli sa kanya. May makakasama na siya. Matagal ko din sinubukang akuin ang posisyon na iyon, na ako ang taong makapagpapasaya sa kanya, siguro ay di rin talaga iyon para sa akin. Hindi ako ang taong nakalaan
para gawin iyon. Hindi ako ang taong makakapagpasaya sa kanya.
Naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa aking kanang mata. Agad ko itong pinahid at nilabanan ang pag-iyak. Bilang na bilang lamang ang pagkakataon na umiyak ako sa aking buhay. Nnong makita ko si Kyle at Renz noon na naghalikan ay hindi ako umiyak. Siguro mas naging attached ako kay Kyle ngayon kaya hindi ko mapigilan maiyak kapag naiisip ang tungkol sa amin.
Naramdaman ko muli ang labis na pagod. Pagod na akong maghintay. Pagod na akong umasa. Pagod na akong masaktan.
Sa tingin ko ay nagawa ko naman na ang aking makakaya. Ibinigay ko na ang kaya kong ibigay. Sadya lang siguro talaga na hindi siya nakalaan para sa akin. Siguro panahon na para umusad ako at isaksak sa isip ko na walang happy ending para sa aming dalawa.
Hindi mo talaga makokontrol ang pag-ibig. Kahit na anung gawin mo, kahit anung sakripisyo, kahit na anong paghihintay, kahit anong pagtitiis ang gawin mo tanging kapalaran lamang ang makapagsasabi kung para kayo sa isa't-isa. At sa araw na ito ay sinampal ako ng kapalaran ng katotohanan na hindi kami ni Kyle para sa isa't isa.
I have to move on. Kailangan ko ng pakawalan si Kyle, kasi hindi ko magagawang maging masaya sa piling ng iba kung lagi akong nakahawak sa kung ano ang meron kami ni Kyle noon.
I will miss him though. Hindi ko alam kung paano ko gagawing maka-move on pero alam ko na kailangan ko iyong gawin. Kung siya nga ay nagawa ng maka-move on mula sa nararamdaman niya para kay Renz. Magagawa ko ring magawa ang ganoon.
Kinuha ko ang aking cellphone. Binuksan ko ang gallery ng mga pictures ko doon. Nakita ko ang kaisa-isang picture ni Kyle sa aking phone. Kuha ito nung unang gabi na natulog kami ng magkayakap. Mahimbing siyang natutulog kaya nakapikit siya sa picture. Sobrang cute niya sa larawang iyon kaya hindi ko magawang i-delete dati. Nakita ko ang delete option at agad iyong pinindot. Ibinalik ko ang phone ko sa aking bulsa at ipinikit ko ang aking mata.
------
Pasado alas-onse ay nakarating ako sa bahay namin sa Mandaluyong. Habang hinahanap ko ang susi ko sa gate ng bahay ay may biglang tumawag sa aking pangalan. Nang lumingon ako ay nakita ko si Renz.
Kapansin-pansin ang pamamayat ng aking kaibigan. Halata din ang eyebags sa kanyang mata. Mukhang depressed siya. Kung bakit ay hindi ko alam.
"Aki, i'm begging you, i know i'm an asshole but please, i need to know where is Kyle?", nagmamakaawang sabi ni Renz. Medyo hindi ako agad nakasagot dahil nagulat ako sa tuloy-tuloy na pagtulo ng luha sa kanyang mata. Hindi ko inakalang apektado pala siya sa nangyari kay Kyle.
Lalong hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa, bigla siyang lumuhod sa aking harapan at yumuko habang humihikbing nakikiusap sa akin.
"Parang-awa mo na Aki. Gusto ko ng makita si Kyle, alam kong marami akong kasalanan sa kanya. Kung kinakailangan kong lumuhod rin sa kanyang harapan para mapatawad ako ay handa kong gawin."
"Renz, you dont have to do this.", nakaramdam ako ng awa para sa aking kaibigan.
"Tol, please i need to know where is Kyle. Hindi ako aalis dito hanggang hindi ko nalalaman kung nasaan si Kyle. Kaya tol sabihin mo na sa akin kung nasaan si Kyle.", sabi ni Renz habang patuloy ang pagyugyog ng kanyang balikat dahil sa pag-iyak.
Napabuntong hininga na lamang ako. Ramdam ko ang sinseridad ni Renz na humingi ng tawad kay Kyle. Isa pa, wala naman din akong pag-asa kay Kyle, magkita man sila o hindi ni Renz, alam ko na ngayon na kailanman ay hindi niya ako magagawang mahalin. Hanggang pagiging magkaibigan lamang kami ni Kyle.
"He went back to school, nasa UP Los Banos siya. He is staying there now. Isa lang ang pakiusap ko Renz, wag mo na siya guluhin dahil masaya na siya ngayon with his boyfriend.", kalamado kong sabi kay Renz. Bigla naman siyang napatingin sa akin dahil sa mga sinabi ko.
"Ha?", parang hindi siya makapaniwala sa aking mga sinabi. "He already have a boyfriend?"
"Oo at masaya na sila doon kaya sana wag ka naman gumawa ng mga bagay na maaaring ikasira nila. Sige na umuwi ka na, gusto ko na magpahinga.", pagtataboy ko kay Renz. Matapos noon ay pumasok na din ako sa loob ng gate namin.
Hindi pa ako nakapapasok sa pinto ng bahay ay narinig ko na ang pag-alis ng kotseng kanina ay nakaparada sa labas.
****Kyle****
8:30 pm, Tuesday
June 26
Nakatingin lamang ako sa kisame ng aking kwarto. Ilang oras na akong nakahiga sa aking kama. Parang ayaw ko ng bumangon pa kahit na kailan.
Matapos akong ihatid ni Lui pauwi ay dumiretso na ako sa aking kwarto. Pilit akong kinakausap ni Lui pero hindi ako sumasagot. Lutang ang aking isip sobrang lutang na hindi ko man lang magawang sagutin kahit ang mga simpleng tanong niya.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng aking kwarto. Hindi ko ginawang lingunin kung sino ang pumasok. Wala akong pakialam kung magnanakaw man o mamamatay tao ang nakapasok. Wala na akong pakialam sa paligid ko.
"Kyle, hindi ka pa kumakain. Ipinag-take out kita ng pagkain. Mahilig ka dito di ba? Tuna and cheese omelette.", pilit akong pinapasigla ni Lui pero wala talagang epekto sa akin.
"Ayaw kong kumain, salamat. Hindi mo na ko kailangan bantayan Lui. Ok lang ako dito."
"Hindi naman kita binabantayan no, gusto ko lang may kasabay na kumain.", alam kong sinusubukan niya akong patawanin pero hindi ko talaga magawang tumawa.
"Akin na nga yan.", matamlay kong sabi. Ayaw ko naman ng pahirapan pa si Lui dahil nag-effort pa siyang ibili ako ng pagkain. Nakita ko naman siyang ngumiti. Nang buksan ko ang styro ay nagulat ako ng makitang apat na omelette ang nandoon. Akala ko ay hati kami doon pero may sarili siyang ulam na binili.
"Bakit andami nito?", tanong ko kay Lui.
"Baka kasi yang ang comfort food mo.", nakatawang sagot ni Lui.
"Siraulo!", yun na lang ang sinabi ko at nagsimula ng kumain ng tahimik.
"Welcome.", nakangiti pa ding sabi ni Lui.
Tahimik lamang kami na kumain. Sinusubukang magsimula ng pag-uusap ni Lui pero maiiksi lamang ang mga sagot ko kaya hindi niya rin ma-sustain ang conversation.
Matapos kumain ay naupo lamang ako sa aking kama habang nililigpit ni Lui ang aming pinagkainan.
"Anu na?", tanong sa akin ni Lui matapos na makapagligpit.
"Wala, umuwi ka na may pasok ka pa bukas di ba?", sagot ko.
"Hapon pa pasok ko pag-Wednesday di ba?"
Hindi na lang ako sumagot at tumitig na lang uli sa kawalan. Lumabas ng kwarto ko si Lui. Hindi ko na tinanong kung saan siya pupunta. Nanatili akong nakaupo at nakasandal sa pader.
Makalipas ang ilang minuto ay dumating ng muli si Lui may bitbit siyang plastic ng iyelo at ilang mga chichirya. Nilabas niya ang isang bote ng GSM blue. Tumayo siyang muli bitbit ang mga iyelo. Pagbalik niya ay may dala na siyang baso at timpladong juice.
"Game?", nakangiti niyang tanong sa akin. Pilit na lang akong ngumiti at saka umupo ng maayos.
Si Lui ang naging taga tagay. Umiinom lamang kami ng tahimik. Ako ay nakatingin lamang sa pader habang siya ay nakatitig sa akin.
"Hindi gagaan ang loob mo kung hindi ka magkekwento.", biglang sabi ni Lui. Bumuntong hininga lamang ako. Hindi ko kasi alam kung dapat ba akong magkwento sa kanya o hindi.
"Pwede mo naman akong pagkatiwalaan. Hindi naman kita huhusgahan anu man ang ikwento mo.", hindi ko pa rin magawang magkwento dahil di ko alam kung saan magsisimula. Tuloy lamang ako sa pag-inom ng alak.
"Ex-boyfriend mo ba siya?", umiling ako bilang sagot.
"A good friend. A very good one.", mahina kong sabi.
"Hmmm ok, eh bakit kailangan mo pang sabihing boyfriend mo ko sa harap niya?", tanong muli ni Lui.
"Komplikado na kasi yung sitwasyon ko.", iyon lang ang maisip ko na dahilan.
"Komplikado nga ba o ginagawa mo lang komplikado?", napatingin ako sa kanya.
"Hindi rin ako sigurado.", pag-amin ko.
"Gusto mo ba siya?", hindi ako nakasagot agad. Hindi ko inaasahan ang ganung tanung. Kahit sa sarili ko ay hindi ko pa naman natatanong iyon kaya hindi ko alam.
"Kaibigan ko siya. May gusto siya sa akin.", iyon na lamang ang sinabi ko.
"Karibal ko pa pala siya sa'yo.", nakangising sabi ni Lui. Tiningnan ko lamang siya ng masama. Wala ako sa mood para sa mga kalokohan niya.
"I met Aki more than a year ago in a bar. I know he likes me
but i dont put much attention to that because i got attracted to his friend Renz. After a week of meeting Aki and his friend Renz,
Aki suddenly left. He was assigned to work in Davao for more than a year. He just came back few months ago. I, on the other hand, fell in love with his friend Renz. Unfortunately, that guy isn't in love with me. I ended up broken hearted and Aki came to the rescue. After being hurt so much i decided to go back here in school and finish my studies. I wanted to be away. I dont want to remember anything that happened when i was in Manila. That's why im pushing Aki away.", mahaba kong paliwanag kay Lui.
"Well, medyo komplikado nga.", iyon lamang ang naikomento ni
Lui. Nagpatuloy lamang kami sa pagkwekwentuhan. Binigyan ko din siya ng iba pang detalye sa mga nangyare. Nakakagaan naman kasi talaga ng loob ang nagagawa mong ikwento ang mga pangyayari sa buhay mo.
Halos mag-aalas dose na ng matapos kami mag-inuman, pareho na kaming lasing dahil bumili pa uli kami ng isa pang long neck. Si Lui na ang nagligpit ng aming pinag-inuman dahil namamanhid na ang buong katawan ko dahil sa alak.
"Kyle, uuwi na ako.", narinig kong paalam sa akin ni Lui.
Pilit akong bumangon mula sa aking pagkakahiga.
"Lui dito ka na lang matulog.", pagpipigil ko sa kanya.
"Ha? Wag na nakakahiya naman, tsaka para makatulog ka ng maayos sa kama mo."
"Wag ka na maarte, dito ka na matulog baka kung anu pa ang mangyari sayo kapag pinauwe kita. Uso pa naman ang holdapan ngayon diyan.", sa sinabi kong iyon ay pumayag na din siya.
"Kyle, mag-boxers na lang ako ha? Mainit kasi yung pantalon ko."
"H-ha? M-may aircon naman sa kwarto eh.", nauutal kong sabi.
Hindi ko kasi masyado gusto yung ideya na isang kasing kisig ni Lui ay matutulog ng naka-boxer shorts lang sa tabi ko.
"Kahit na hindi kasi komportable eh.", wala na akong nagawa ng hubarin niya ang kanyang t-shirt at pantalon at tanging boxers lamang ang itinira. Napalunok na lamang ako ng laway ng makita ang pandesal sa kanyang tiyan at ang matipunong dibdib niya.
"Cr lang ako.", paalam ko para hindi ko na siya kailangan panoorin ng nakahubad. Kinalma ko ang sarili sa loob ng banyo. Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na din ako at tinungo ang aking kwarto.
Pagpasok ko ng kwarto ay tumambad sa akin ang adonis na aking makakatabi. Nakapatong ang kanang kamay ni Lui sa kanyang ulo habang nakahiga, kitang kita ko ang pagkaka-fkex ng muscle sa kanyang braso na talaga namang katakam-takam. Kita ko rin ang malagong buhok sa kanyang kili-kili. Di ko mapigilang idako ang tingin ko sa kanyang maumbok na dibdib, ang mala rosas niyang nipples at maninipis na buhok na nakahanay sa kanyang defined na abs. Kung susundan mo ang direksyon ng buhok na iyon ay makikita mo ang bukol sa harapan niya. Natuyot ang aking laway at pilit na inilayo ang tingin kay Lui.
Nahiga na ako sa tabi niya at tumagilid patalikod sa kanya. Biglang nag-init ang aking pakiramdam. Hindi sapat ang lamig ng aircon ng kwarto para kumalma ako. Batid kong tumataas din ang lebel ng aking libido dahil sa epekto na rin ng alak. Nawawala na sa katwiran ang pag-iisip ng aking utak.
Tumihaya ako ng higa. Nagkadikit ang kamay namin ni Lui. Parehong malalim ang aming paghinga. Hindi ako sigurado kung tulog na siya.
Naramdaman ko ang paghawak ni Lui sa aking kamay, medyo nabigla ako sa kanyang ginawa. Pero higit akong nagulat ng ipatong niya iyon sa ibabaw ng kanyang naghuhumindig na pagkalalaki. Sinubukan kong bawiin ang aking kamay ngunit lalo niya lamang iyon idiniin sa kanyang kaselanan.
Para akong binuhusan ng gasolina saka sinilaban ng apoy sa mga nangyayari. Iginalaw-galaw ni Lui ang aking kamay sa kanyang kaselanan, taas baba, taas baba. Nilingon ko ang kanyang mukha at nakita kong nakatitig lamang siya sa akin.
Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin hanggang sa maglapat ang aming mga labi. Sinubukan ko siyang itulak palayo sa akin ngunit lalo niya lamang akong niyakap palapit sa kanya. Hindi ko tinutugon ang kanyang mga halik. Pilit kong pinipigilan ang aking sarili. Nilayo ni Lui ang kanyang mukha.
"Make love to me Kyle.", mahinang usal ni Lui.
"Lasing ka lang Lui. You don't know what you are doing."
"No, i'm not.", yun lamang ang sinabi niya at muli na akong hinalikan. Nadala na ako sa init ng kanyang mga halik at nagawa ko ng gumanti. Nagtagal ng ilang minuto ang aming halikan bago niya ako pinaibabaw sa kanya.
Bihasa ako sa mga ganitong laro. I've done this so many times. Mula sa paghalik sa leeg ni Lui ay dahan-dahan niya akong iginiya pababa. Pinagbigyan ko naman siya at ibinaba ko ang mga halik ko sa kanyang matipuno niyang dibdib. Pinagsawa ko ang aking sarili sa kanyang pangmodelong katawan.
Alam kong gumagawa na naman ako ng panibagong problema. Wala ng direksyon ang buhay ko. Walang ng kwenta halos lahat ng ginagawa ko. Maaaring tama nga sila. Im a bitch. Im a slut. I deserve no love.
Nang marating ko ang kahindigan ni lui ay napuno ng ungol ang buong kwarto. Ilang minuto din akong naglaro sa parteng iyon. Maya-maya ay si Lui naman ang pumaibabaw sa akin.
He looked to me in the eyes and i saw doubt. I saw fear.
"You don't have to push yourself too far.", mahina kong sabi.
"No, i'm good. I was just afraid that i might hurt you. I mean i never had uhmmm sex with a guy before."
"Silly.", natatawa kong sabi. Hinalikan ko siya upang mawala ang kanyang mga alinlangan. "Just do it."
I'm Kyle. 22 years old. Party freak. Social whore.
That's me.
....to be cont'd.....
No comments:
Post a Comment