Followers

Thursday, June 6, 2013

TRUE LOVE 1

Facebook: http://facebook.com/daredevilcute.100
E-mail: alvin1665@gmail.com
Blog: allaboutboyslove.blogspot.com

Ito na po ang inyong pinakahihintay, ang pagsisimula ng ikalawang libro ng aking kwento. Inuulit ko po ang aking pasasalamat sa mga readers na sumuporta sa Campus Trio. 

Para na rin po na walang masabi ang iba, lalo na yung may galit sa akin na hindi na ako mangangako kung kailan ko ipopost ang mga susunod pa parts. Maybe tomorrow, next day, next month, next year or tuluyan na kong hihinto depende sa situation.

Bukod sa aking blog na magbubukas sa mga susunod na araw, dito na lang po kayo magbasa huwag na sa ibang mga sites tulad ng wattpad. Never akong nagpost sa iba.

Sana naman, hindi na ulit mangyari pa ang pangongopya gaya ng mga nauna kong stories. Kung maulit pa ito, mapipilitan na akong gawin ang isang desisyon.

Kung may makita po pala kayong mali or may hindi kayo naintidihan comment lang po kayo at agad ko iyon aayusin o sasagutin. 

Happy Reading!



(Andrew Point of View)
Tilaok ng manok ang siyang nagsisilbing pampagising sa amin ni nanay sa araw-araw. Madilim pa lang ay tinutungo na namin ang dagat para bumili ng mga isda na aming ititinda sa bayan.

Ganito na palagi ang aming routine ni nanay, malayo sa aming nakasanayan nung mga panahon na naninirahan pa kami sa Maynila. Ngayong narito na kami sa probinsya kung saan lumaki ang aking ina ay talagang nag-adjust kami dahil ito lang ang paraan upang mabuhay kami mag-ina.

Ako si Andrew labingsiyam taong gulang. Tulad ng ibang mga kabataan ay may sarili rin akong pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral upang maiahon ko sa kahirapan ang aking ina.

Mahigit dalawang taon na ang lumipas, mula ng lisanin namin ang Maynila at manirahan dito sa Bicol ay marami nang nagbago sa aming buhay. Kung dati ay nangangalakal ako kung saan ay kinokolekta ko ang mga bagay na maaaring ibenta sa junkshop kapalit ng kaunting barya pambaon, ngayon ay nagtitinda na kami sa palengke dito sa bayan. Gamit ang naipon kong pera mula sa pagtutor ko noon ay napalago namin ito at ngayon ay may sarili na kaming pwesto.

Kada hapon pagkatapos ng aking klase ay agad akong dumederetso sa palengke upang tulungan si nanay sa pagtitinda. Hindi lang yan, may sideline din ako para makakuha pa ng extrang kita. Minsan ay tumutulong din ako sa bigasan ng isa pang tindero sa palengke.

Sa una ay nanibago talaga ako dahil sa bigat ng mga trabaho. Pero ngayon ay madali na lang sa akin ang lahat kumbaga sanayan lang. At dahil sa mga trabahong ito ay maraming nagbago sa akin tulad na lang ng aking pisikal na anyo. Mas nagkalaman na ako ngayon at tumangkad. Hindi sa pagyayabang, sabi ng iba ay mas gumwapo daw ako . Tuwing pinupuri nila ako ng ganoon ay natatawa na lang ako sa kanila.

Tungkol naman sa aking pag-aaral ay wala naman akong nagiging problema sa ngayon di tulad dati nung nagsisimula pa lang kami ay halos magkandarapa si inay ng aking pambaon. Nang makalipat kami ay agad kong nilakad ang pagpasok sa isang state university doon. Swerte naman na natanggap ako doon dahil sa matataas kong grades na nakuha  sa eskwelahang pinasukan ko sa Maynila.

At dahil sa transferee ay naging third year irregular sudent na ako na kung saan ay pumapasok ako sa ibat-ibang klase depende sa subject. Kahit papaano ay nasasanay na rin ako.

Sa dami ng pinapasukan ko ay nagkaroon ako ng maraming kaibigan. Sa loob ng dalawang taon ay wala silang ibang pinakita sa akin kundi kabaitan. Hindi ko tuloy maiwasan ihalintulad sila sa mga naging kaklase at schoolmates ko sa Maynila.

Natatandaan ko, unang araw ng pagpasok ako sa unibersidad na iyon. Nahihiya pa akong magpakilala. Dahil irregular, kada klase ay ginagawa ko iyon. Kahit nauutal at nabubulol ako ay hindi ko sila nakitang tumawa man lang bagkus ay sila pa ang lumapit sa akin. Kaunting kwentuhan hanggang sa nauwi sa pagkakaibigan. 

Nung mga panahong iyon ay naisip ko na baka pag nalaman din nila ang tunay kong pagkatao ay magbago sila at laitin din ako, kaya agad kong sinabi sa kanila ito, at laking tuwa ko nang sabihin nila lalo na ng mga kaklase kong lalaki na ayos lang ito at wala naman silang problema sa third sex.

May mga pagkakataon na kapag nagbobonding kami sa bahay ay napag-uusapan namin ang tungkol sa mga syota, girlfriends at boyfriends. Karamihan sa kanila ay meron nang mga kasintahan kaya ako bilang isa sa mga wala pang karelasyon ang madalas nilang napapagtitripan.

"Ako na naman nakita niyo kayo talaga... Paulit-ulit ko na lang sinasabi na malabo mangyari yang mga sinasabi niyo." ang aking sinasabi sa kanila sa tuwing tinatanong nila sa akin kung bakit wala pa akong nagiging karelasyon sa edad kong ito.
"We want you to be happy like us." ang sagot ng isa kong kaklaseng lalaki sa calculus. "Ang sarap kaya sa pakiramdam ng magmahal at mahalin." ang kanyang pagpapatuloy sabay smack sa lips ng kanyang kasintahang babae na kaklase rin namin.
"Happy naman ako ah. Hindi ko na kailangan ng love na yan. Wala namang ganoon sa mga taong alanganing tulad ko." ang sagot ko sa kanila.
"Huwag ka naman ganyan Andrew. Buksan mo ulit ang iyong puso na magmahal." ang sabi naman ng isa kong kaklaseng babae.
"Sinong lalaki naman ang papatol sa akin? Wala. Siyempre mas hahangarin nila na magmahal ng babae dahil iyon ang tama. Ang relasyon ng parehong kasarian ay hindi nagtatagal yan."

Ang mga bagay na ito ang tinatak ko na sa aking puso at isipan. Matapos ng naging karanasan ko noon sa estado ng aking buhay-pagibig ay pinangako ko sa aking sarili na hindi na magmahal ulit.
__________
Sumapit na ang panahon ng bakasyon. At dahil walang pasok ay sumasama na ako kay nanay sa dagat para tumulong sa pagpili ng isda at tulungan siyang buhatin ang mga banyera na ititinda namin sa bayan.

Matapos ang pagbili namin ng mga paninda ay umuwi muna ako saglit upang kumain ng almusal. Malayo pa lang ay natatanaw ko na isang taong nakatayo sa labas ng bakuran ng aming bahay. At habang ako ay papalapit ay unti-unti ko siyang nakikilala. Dahil nakatalikod ay naisipan kong biruin ito sa pamamagitan ng pagsundot ng aking mga daliri sa tagiliran nito.

"AY!!!!!" ang malakas nitong pagtili na ikinatawa ko.
"Andrew naman eh." ang nasabi na lang niya. Natatawa pa rin ako sa kanya.
"Kamusta ka na Andrew?" ang sunod niyang tanong sa akin.

Hindi kaagad ako nakasagot sa tanong niya dahil napansin ako ang pagtitig niya sa akin mula ulo hanggang paa.
"Ikaw ba yan Andrew? WOW! ang laki ng pinagbago mo ah. At.... mas tumangkad ka tapos.... macho ka na!" ang kanyang naibulalas sabay pisil sa aking mga braso.
"Ako pa rin to Dante" ang tugon ko sa kanya.
"Dante ka jan..."
"O siya Dina na po..."

Agad ko siyang niyayang pumasok sa loob ng aming bahay. Dahil umaga iyon ay sabay na kaming kumain ng agahan.
"Pasensya ka na kung ito lang ang pagkain namin ha." ang sabi ko sa kanya habang ibinibigay ang isang tasang kape at tinapay.
"Ok lang Andrew. Grabe ang layo pala talaga ng lugar niyo. Pero infairness hindi ako gaano nahirapang hanapin ang tirahan niyo halos kilala kayo ng lahat ng tao dito."
"Mabuti naman kung ganoon. So anong pumasok jan sa kukote mo at naisipan mo akong dalawin dito."
"Nagtext ako sayo kaso hindi mo sinasagot."
"Ganoon ba? Pasensya na medyo mahina kasi ang signal lalo na dito sa bahay. Natatanggap ko lang iyon kapag nasa bayan ako."
"Ok.So ito palang bahay, sa inyo ba ito?"
"Hindi pero mura lang naman ang upa namin dito dahil may kalumaan na ito."
"Oo nga. Pero mas maganda na ito, may sarili na kayong tirahan di tulad sa Maynila. Si Tita pala?"
"Nasa palengke na nagtitinda ng isda"
"Oh mabuti naman at nakakayanan pa niya" ang medyo may pag-aalala nitong pahayag.
"Kailangang kumayod para mabuhay."
"Kung sa bagay. Yung pag-aaral mo naman kamusta na?"
"Hmmm... ok lang. Medyo nahirapan sa una dahil irregular student ako. At laking pasalamat ko dahil mababait ang nagiging kaklase ko."
"Its good to hear na marami ka nang bagong kaibigan dito. Pero baka naman sa umpisa lang yan..."
"Sinabi ko na sa kanila. Mabuti nang malaman na nila ng maaga pa ang totoong ako.At masaya ako na tanggap nila ako."
"Ok kabaliktaran ng mga schoolmates natin sa Manila noon."

"Teka ako naman ang mangangamusta sayo." ang sabi ko sa kanya. "Ano na ang pinagkakaabalahan mo. Graduate ka na di ba?"
"Hmm... Oo tumutulong ako ngayon sa business ni Dad. At dahil diyan Andrew may ibabalita pa ako sayo." ang tila excited nitong sagot.
"Ano naman iyon?"
"Doon ko nakilala ang aking special someone."
"Lalaki?"
"Ofcourse. Alam mo naman na di ko masikmura ang makipagrelasyon sa babae di ba."
"Oo nga pala. Paano naman kayo nagkakilala?"
"Actually M.U. pa lang kami eh. Empleyado siya ni Dad."

Napangisi ako sa aking narinig.
"Naku Dina, kung ako sayo tigilan mo na yan. Baka pagsisihan mo yan sa huli."
"Hindi naman siguro."
"Buksan mo ang puso at isipan mo. Dapat mong marealize na imposibleng magtagal ang ganyang klaseng relasyon. Yung sinasabi mong special someone, sa umpisa lang yan pa sweet sayo, pero sa bandang huli babae pa rin ang hahanapin niyan."
"Salamat sa pagmamalasakit Andrew. Sige mag-iingat na lang ako. Sa ngayon enjoy ko muna yung bonding moments naming dalawa."

"Teka nga pala Andrew, kamusta na pala si Papa Troy?"
"Nasa Singapore na sila ngayon nakatira. Kung magtatagal ka dito ng isang linggo baka maabutan mo siya"
"So dadalaw rin pala siya dito. Sayang naman hindi ko na maabutan. Dalawang araw lang kasi ako dito. Alam mo naman na kailangan ako ni Dad doon."

Matapos ang aming usapan ay sumama siya sa akin sa pwesto ni nanay. Pinasyal ko rin siya sa buong bayan. Kinagabihan sila naman ni nanaya ang nagkamustahan habang kumakain kami ng hapunan.

Sa loob ng dalawang araw ay sinamahan niya kami sa aming paghahanap-buhay. Kita ko naman na nag-eenjoy siya sa kanyang ginagawa kahit pa natatawa ako sa ilan niyang mali. Tapos napapanganga pa siya sa lakas ko sa pagbubuhat ng mga sako ng bigas sa aking sideline. Humanga naman ako sa galing niya sa pagtitinda dahil magaling siya sa pambobola ng mga bumibili sa palengke.

At sumapit ang araw ng kanyang pag-alis.
"Salamat sa pagdalaw mo dito Dina."
"Nabitin nga ako Andrew. Hayaan mo sa susunod na pagbalik mas tatagalan ko na dito. Sobra kayang nag-enjoy ako."
"Ows, ni hindi mo nga mahawakan yung mga isda, parang nandidiri ka pa nga."
"Hindi ah... Nagugulat lang ako kasi gumagalaw pa ang mga iyon."
"Ok. Pero napahanga mo ako sa galing mo mag salestalk."
"Ako pa. Narealize ko kung gaano kahirap at kabigat pala ang hanap-buhay niyo ni nanay. Kaya tulad mo ay napahanga niyo rin ako lalo ka na. Kaya pala lumaki ang katawan mo, sa bigat ng mga binubuhat mo."
"Oo para na rin akong nag work-out nito."
"Pinagnanasaan na nga kita eh"
Natawa lang ako sa kanyang sinabi. "Ikaw talaga Dina. O siya bilisan mo na baka mahuli ka sa byahe."
__________
Isang linggo pa ang lumipas mula ng umalis si Dina, ay natanggap ko ang isang text message mula kay Troy.

Silang dalawa ni Dina ang naging bestfriend ko nung nag-aaral pa ako sa Maynila. Sa kabila ng popularidad niya sa campus ay naging mabait siya sa akin. Tinulungan ang aking pamilya sa abot ng kanyang makakaya. 

Ayon sa kanya ay gabi siya makakarating kaya hapon pa lang ay nagluluto na siya ng kanyang specialty na sinigang na naging paborito ni Troy nung panahon na tumutuloy pa kami sa kanila.

Kinagabihan habang kumakain kami ay dumating na ang aming hinihintay.

Sa pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa aking harapan ang nakangiting si Troy. Kahit nakasalamin na ay hindi pa rin nawawala ang angkin nitong kagwapuhan.

"Magandang Gabi Andrew."
"Ganoon din sayo Troy. Tara pasok ka na para kumain, nagluto si nanay ng paborito mo" ang masayang pagyaya ko sa kanya.
"Sandali lang Andrew, pakilala ko lang sayo yung wife ko si Maribel."

Doon ko lang napansin na may kasama pala siya. At nang makita ko ito ay masasabi kong bagay talaga sila.
"Pasensya ka na Maribel, hindi kita nakita, madilim kasi. So tara tuloy na kayo." 

"Aba kay gandang babae pala nito" ang naibulalas ni nanay ng makita niya ang kasama ni Troy.
"Siya yung palaging kinukwento ni Troy sa akin kapag nag-uusap kami sa cellphone nay."
"Ah. Halika, sabayan niyo na kaming dalawa ng anak ko. Alam mo Maribel, ito ang paboritong putahe ni Troy." si nanay habang naghahain ng pagkain sa kanilang dalawa.
"Oo nga po Tita, madalas  niyang request yan sa akin." ang tugon ni Marie.
"Mabuti naman Troy na isinama mo ang asawa mo dito. Kamusta na pala ang negosyo niyo ng lola mo?"
"Ayos lang po. Gusto nga sanang sumama ni Grandma dito kaso busy pa siya."
"Sayang naman, kahit papaano makakapagrelax at makakapagpahinga sana siya."
"Siyanga pala Tita, nagdadalang-tao po ngayon si Marie. Gusto sana namin na dito sa Pilipinas siya manganak. At iimbitahan namin kayo sa binyag. Kukunin ko po sanang ninong si Andrew."
"Sure." Ang agaran kong pagsang-ayon. Wala namang problema sa akin ang bagay na iyon.
"Pero maaga pa sigurong pag-usapan natin yan. Hindi pa nga gaano malaki ang tiyan niya" ang aking pagpapatuloy.
"Mabilis lang ang panahon Andrew haha" ang natatawang tugon ni Troy.
___________
Matapos kumain ay naisipan kong tumambay sa aming bakuran para magpahangin. Ilang minuto na rin akong nagmumuni-muni nang may kumalabit sa aking likuran.

"Ikaw pala Troy."
"Ang lalim ng iniisip mo ha. Kanina pa kita pinagmamasdan."

Umurong lang ako ng kaunti para bigyan siya ng mauupuan. Umupo nama nsiya sa aking tabi.
"Tama ka Troy mabilis talaga ang panahon. Ikaw, parang kailan lang nag-aaral ka pa, ngayon may sarili ka nang pamilya, magkakaroon ka na ng anak. Mabuti naman at sinunod mo ang payo ko sayo."
"Mabait si Maribel, mapag-alaga, mapagmahal na asawa. Halos lahat ng katangian ng mabuting asawa ay nasa kanya na."
"Mahal mo na talaga siya? Naalala ko nung unang dalaw mo sa akin ay nagdadalawang-isip ka pa."
"Sigurado na ako sa nararamdaman ko sa kanya. Gaya ng pagmamahal ko sayo." ang deretsahan niyang tugon.

Napatingin ako sa kanya.
"Hanggang ngayon Andrew, mahal pa rin kita kahit na alam kong hindi mo kayang tumbasan iyon."
ang kanyang pagpapatuloy.
"Ikaw talaga Troy." napangiti lang ako sa kanyang sinabi.

Ilang minuto kaming walang imikan. Pareho naming pinagmamasdan ang kalangitan. Dahil sa walang ulap ay kitang-kita namin ang mga bituin.

Gabi-gabi mo ba itong ginagawa?"
"Ang alin?"
"Ang magmuni dito at pagmasdan ang mga bituin."
"Hindi. Dahil minsan kaya umuulan dito. Siyempre wala kang makikitang bituin at di ako makakalabas ng bahay."
"Pilosopo."

Nagkatawanan kaming dalawa.
"Masaya ako Andrew dahil nakikita na kitang nakangiti ulit at tumatawa ng ganyan di tulad ng unang dalaw ko dito nung isang taon."
"Marami pa kaming problema ni nanay noon, May mga pagsubok na dumating sa aming buhay pero awa ng Diyos ay nalagpasan namin ito. Sipag, tyaga at lakas ng loob lang ang aking pinairal sa sarili. Kaya eto, masasabi kong umasenso na kami, nakakangiti na ako. Kahit papaano ay hindi na kami nagkakaron ng problema sa pinansyal."
"Its good to hear that. Pero may gusto sana akong itanong sayo kung ok lang?"
"Hmmm... Sure ano yon?"
"Gusto ko sanang kamustahin ang lovelife mo, sa kabila ng pagiging busy mo sa buhay, sa pag-aaral at pagtatrabaho."
"Hindi naman tanong yan. Pangangamusta."
"Namimilosopo ka na naman jan."

Natawa lang ako sa kanya.
"Wala na sa isip ko ang bagay na yan Troy. I'm contented sa buhay namin ngayon. Kay nanay ko na lang binubuhos ang aking atensyon."
"Tama ka jan. Pero huwag mo sanang masamain ang sasabihin ko. Alam mo naman siguro na hindi kayo habang-buhay na magkasama ni Tita. What if kung mawala na siya?"
"Kung mangyari lang yun ok lang. Tuloy pa rin ang buhay. Nagdesisyon na nga ako sa aking sarili na hindi na ako magmamahal ulit. Maliban sayo, wala namang taong totoong magmamahal sa isang gaya ko."
"Meron pa ah"
"Sino naman yun?"
"Si Bryan, di ba umamin din siya sayo noon na mahal ka niya."

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon nang marinig ko ang pangalan na iyon. Bahagyang lumakas ang kabog ng aking puso. Hindi agad ako nakasagot sa pahayag na iyon ni Troy.

"Oh bakit natahimik ka jan?"
"Ha?"
"Relax ka lang. Sa tingin ko hanggang ngayon mahal mo pa rin siya. Gusto mo sabihin ko sa iyo kung ano na ang nangyari sa kanya."
"Hindi ko siya minahal ano. Nahumaling lang ako sa kanya yun lang. Alam ko naman na may pamilya na rin siya, may anak na rin tulad mo at masaya silang magkasama ni Sarah sa iisang bubong gaya ng gustong mangyari ng mama niya.
"Saan mo naman nakuha ang impormasyon na yan?"
"Nasabi ko lang iyon pero totoo naman di ba, noon pa lang obvious na silang dalawa."
 "Tama ka Andrew. Magkasama pa rin sila ngayon ni Sarah. Hindi pa sila kasal ngunit may anak na sila."

Parang may bombang sumabog sa aking utak ng marinig ko ang pahayag na iyon ni Troy. Aaminin ko na may parte sa puso ko na nasasaktan pa rin ako. Dahil dito ay tuluyan nang naglaho ang pag-asang maging kami ulit.

At dito ko lang napatunayan sa sarili na tama lang ang aking maging pananaw sa buhay. Talagang paninindigan ko na ang pangakong hindi na ako magmamahal pang muli kahit ano pang mangyari.

Itutuloy...










42 comments:

  1. ,,,iba ka alvin kaya kaabang-abang ang iyong mga estorya,,, kaya tuloy tuloy lang ha wag kang mawawala sa pagsusulat,,, more power

    ReplyDelete
  2. Anlakas maka less than slash three .. </3
    Ito pala karugtong ng C.T. Sinubaybayan ko yun. If I'm not mistaken, c Andrew ang nagtutor sa kapatid ni Bry kapalit ng scholarship nya sa campus na un where ang head directress ata ay ang mom ni Bry na wagas ang pagtutol sa namumuong relasyon nila.
    Di ko na matandaan ending o di ko na nabasa kc natagalan ng update?
    Naawa naman ako kay Andrew para na cyang hopeless na napunta sa stage kung san napagod na. =(

    ReplyDelete
  3. Kala ko pa naman my magandand dugtong eh revise halos at konting dagdag meron ka pa nalaman na book 2 eh pinapangit mo lang ung kwento mapahaba lang eh,,tsk tsk tsaka un ang tingin ko sa kwento mo d tulad nung una mong ginawa..well ganyan talaga kung pilit pinahaba..

    ReplyDelete
  4. siete!!!! ang tagal kong hinintay to author!!!!! e2 na talaga hahahaha!!!!

    ReplyDelete
  5. Ang ganda. Happy Ending for Andrew!
    TRUE LOVE talaga kung maalis si Sarah sa eksena.
    Ang bait ni Andrew.

    -Good job po

    *joey :D

    ReplyDelete
  6. YESSSSSSS!!! atlast posted na rin lol
    tagal ko hinintay to ah, sana lng 2loy 2loy n ang story. iba kc pakiramdam na sinubaybayan ko eto fm vry start at sana po until d story will end
    nakaka-inspired tlga c andrew, u deserve a lot.

    pls idol author sana hnd magaya s Munting Lihim hnd ko natapos basahin un, plsssssss

    salamat po ng marami

    AtSea

    ReplyDelete
  7. nice start.., namiss q ang campus trio sna magtuloy tuloy n ang story n toh

    ReplyDelete
  8. Shit ang skit nga yun ky Andrew..pati aq nsktan dun s cnb ni troy..huhuh..

    Aqua..

    ReplyDelete
  9. Sa wakas my book2 na rin... :-)
    Sana mas maganda pa ang magiging takbo ng kwen2
    sa susunond na chapter

    ReplyDelete
  10. thank u daredevil! Da best ka talaga...

    Haaay andrew.. Hows life? Hows ur luv life??????


    -youcancallmeJM


    ReplyDelete
  11. Oh yesssss! Napapasuntok p sa hangin!
    Tnx puh!

    ReplyDelete
  12. man that was deep. hang in there andrew T^T

    jops

    ReplyDelete
  13. You are gifted, Mr Author :) thanks for a great story.

    ReplyDelete
  14. Sa CT si Troy ay gay; he was in love with Andrew. In chap.1 of book 2, si troy may asawa na at buntis pa. Walang honesty & acceptance of truth sa pagiging gay ni Troy; nagkukunwari at ginamit lang niya ang babae as panakipbutas. Gay is always a gay and he will not fall in love with a woman; he should not marry with a woman and it does not make Troy happy. Parang inconsistent to Troy's personality. Sa original plot of this novel, Troy and Andrew became lovers. Unless mamamatay si Maribel sa panganganak, then andrew will enter as lover of Troy.

    ReplyDelete
  15. your one of the best authors so far, lahat ng nabasa ko na story so far magaganda.. kudos! :-)

    onetouch0329

    ReplyDelete
  16. Nice start.keep up the good work.sana tuloytuloy na.

    ReplyDelete
  17. kaya naman hinanap hanap ko to dati eh,kc talagang maganda po ung story sana 2loy 2loy na po eto mr author.the best po talaga.

    ReplyDelete
  18. Unang chapter palang.... Umiyak na ako agad... Hahaha

    ReplyDelete
  19. bakit may asawa na si troy dapat wala pa at nag ka tuluyan cla kahit saglit lang...bet q pa naman si troy for andrew...huhuhu

    ReplyDelete
  20. bakit may asawa na si troy...dapat kahit saglit lng naging sila kase ang bait ni troy kay andrew tapos may anak na rin si bryan....sayang bet ko panaman si troy for andrew

    ReplyDelete
  21. another blog for you? huwag mo nang ituloy. dito ka na lang sa msob.alam mo ang dahilan.

    ReplyDelete
  22. Updats please...

    ReplyDelete
  23. Kelan po ba ang nxt chapter mr author..

    ReplyDelete
  24. Huy' Update nman oh

    ReplyDelete
  25. Sa mga nag-aabang kaunting tiis lang po... Hindi ko pa kasi natatapos. Dont worry mahaba-haba naman iyong next post ko...

    ReplyDelete
  26. Next chapter po. Hehe salamat author

    ReplyDelete
  27. Mr daredevil. Di pa ba activatec blog mo? at kelan po ang update. Excited much..

    ReplyDelete
  28. ang tagal naman po ng update.

    ReplyDelete
  29. Nice start of book 2! Unang chapter pa lang teary eyed nako agad. So sad sa kalagayan ngayon ni Andrew and I know in the end na magiging masaya sa gaya ng nasabi sa hula :D hihi... Can't wait to see the next chapters, di ako mapakali hanggat ndi ko natatapos tong book 2. Nakakabitin at the same time nakakadismaya kc yung last chapter ng book 1, parang masyado mabilis yung pangyayari tapos natapos ng ganun lang pero naging masaya ako ng malaman ko na meron palang continuation <3 kakainspire si Andrew dahil sa mga pinakita nyang kalakasan ng loob... Sana mayroon silang happy ending ni Papa Bryan :">

    I've learn sa book 1 na ndi lahat ng love story ay mayroong happy ending at sa buhay kailangan talaga nating magpakatatag dahil kung hindi, magiging miserable ang buhay. I'm so happy I use to see this story! Thanks Mr. Author and more powers and please pakibilisan ng mga next chapters, waiting kc kameng mga taga suporta mo. Good luck and Godbss :)

    ReplyDelete
  30. One month na ang nakalipas! Wala paring update! Pero sige Mr. Author, take your time para mapaganda ng husto ang istorya. Pero pakibilisan ng kaunti (demanding) haha :D more powers! Good luck & God bless.

    ReplyDelete
  31. Mr. Author antagal naman! Di nako makapag-antay, haha :))) sana magpatuloy tuloy na ang pag-update once na masimulan. Sana po mapost na ang next chapter! Everyday ko po chinecheck ang TRUE LOVE kung my update na. Hayyyssss... Sana mapost na po! Salamat :D

    ReplyDelete
  32. author pa update naman po..ganda po ng storya kaso kawawa talaga si andrew ang bait niya hindi siya pinagpala..

    ReplyDelete
  33. author pa update naman po ganda ng storya ang malungkot lang kawawa si andrew bait pa daman niya..

    ReplyDelete
  34. Hi Mr author. can you invite me to your blog so I can read your stories. I am very much avid fan of you lalo n yung gawa mong Campus Trio. Eto po ang aking googler account osyries1987@gmail.com. Salamat po

    ReplyDelete
  35. Mr. author pwede po pakininvite po inyong blog para mabasa ko po ng inyong mga gawa. Lalo po ang Campus Trio napahnga po ako sa flow ng story. Sana po maiupdate na ninyo ang True Love. Osyrie1987@gmail.com Salamat po

    ReplyDelete
  36. really nice story... whhew! excited to read the book 2....can't wait how true love will prevail...go andrew and bryan...

    ReplyDelete
  37. anu ba yan! kaya ayokong magbasa ng story na hindi tapos ee..!! nakakaata lang :(

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ako din..tuong inilagay pa ang completed..yun nman pla ay hindi p tapos...

      Delete
  38. What is this....i thought i can read the completed one..such a damn joke..

    ReplyDelete
  39. Where are the links youve been mentioned....another joke? Isnt?

    ReplyDelete
  40. Ano ba to? Parang ang daming mali at sobrang pilit nalang ang kwento? Author dapat binalik mo si bryan. Sobrang napahanga mo ako sa C.T sobrang intense ng Kwento mong iyon, sobrang naramdaman ko doon na mahal ni Bryan si andrew, walang sukuan nga ang dating ni bryan eh, mr. author sobrang na-disappoint mo ko. Dito palang sa Chap. 1 ng Book 2 eh nakakadismaya na bat parang biglang pilit tinangal yung mga characters? Nakakainis naman. Ikaw author kunwari nagbabasa karin ng sinusubaybayan mong libro tapos biglang naiba ang kwento tapos parang pinatay nalang bigla yung mga character diba madidisappoint ka rin? Hayy i expected more about this story. Nawala na yung Lesson ng story para saakin. Akala ko pa naman, "Love Wins" wala eh pinatunayan mo lang na Love Can't Do All The Magic. You inspire me before and now you disappoint me huhu

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails