Hello ulit sa lahat!
Unang-una ay nagpapasalamat ako sa mga nagcomment at sa mga nagbasa from the very start. Your time really means a lot to me. :)
Ngayon ko lang nalaman na pwede pa lang i-queue ang posts (sorry, baguhan). To be honest, nag-aalala ako dahil baka hindi ako makapag-update dahil enrollment ko ngayon at malamang eh gabi na ako makakauwi sa bahay. Kaya ayos din itong feature na ito. :) Anyway...
Ayun, this time isang chapter na lang muna dahil medyo mahaba naman siya. :)
Gusto ko rin magpasalamat ulit kay Kuya Mike sa pagbibigay sa akin ng pagkakataon na i-publish ang story ko sa site niya. :)
Ito na ang Chapter 9! Pasensya na if ever may mga inconsistencies with grammar/syntax, or if may typographical errors. Wala na akong oras para magproofread, eh. :(
Abangan ang CHAPTER 10 na siyang magdadala sa atin ng panandalian sa nakaraan ni Josh.
--
Chapter 9
"Therese? Anong atin?" polite kong
pakikitungo sa kanya. Ngumiti lamang siya. Hindi ko rin naman siya gaanong
kaclose dahil fourth year na siya. Nagkakausap lang kami dahil nga nanliligaw
sa kanya si Gab. At ngayon, sila na ata.
Haaay. "Kasi, si Gab parang napapansin namin ng klase na wala siya sa
sarili niya ngayon. May alam ka bang problema niya?" sinserang tanong ni
Therese. Kahit may kaunting inis ako sa kanya dahil kay Gab, ay hindi ko
magawang magalit ng tuluyan dito. Ngayon alam ko na kung bakit nahulog si Gab
sa kanya. Napakabait naman pala nitong si Therese. Maraming pangyayari na sa
nakaraan ang nakapagpatunay nito. Kung hindi lamang siya gusto ni Gab ay
malamang napag-isipan ko na ring ligawan ito.
"Ah, wala
naman siyang nasasabi. Bakit? Ano bang nangyayari kay Gab?" tanong ko.
"Ahh, kasi nag-aalala lang ako. Medyo wala kasi siya sa sarili niya. Kayo?
May problema ba kayo?" concern na tanong niya. Sandali akong natigilan
bago nakasagot. "Hindi naman kami nag-away, eh." pagsisinungaling ko,
pero naisip kong totoo namang walang away na namagitan sa amin. Galit ako, pero
alam kong wala siyang alam na konkretong dahilan. Tumango si Therese. "Oh,
sige. Thank you na lang, Josh. Ingat." paalam niya.
--
Kasalukuyang kumakain kami sa canteen nang mga oras na iyon. Normal
lamang ang takbo ng conversation namin hanggang sa...
"I love
you." Out of the blue na sabi ni Matt sa akin habang nakatingin sa akin ng
diretso at seryosong-seryoso. Muntik ko ng maibuga ang iniinom kong lemonade sa
mukha niya. "ANO?!" gulat kong tanong. Naramdaman kong bigla akong
kinabahan, pinagpawisan, at tila nagrigodon ang puso ko sa mga narinig ko.
Nakatulala lang ako habang nakatingin sa kanya. So tama si Janine all this
time? Gusto talaga ako ni Matt? Pero bakit ang bilis naman niya magtapat?
Nananiginip ba ako?
"Oh, 'di ba? Effective! Galing talaga ni
papa Matt. Josh, patikim lang 'yan sa Romeo and Juliet presentation na gagawin
natin." sabi ni Janine. “Sinimulan na naming pag-usapan ‘yung mga gagawin
natin, eh.” At nagtawanan lang ang dalawa. Tangina, Naisahan ako dun ah.
Kung patikim lang ito, ayoko ng
malaman kung ano ang binabalak ni Janine. "Josh, okay ka
lang?" Seryosong tanong ni Matt. Tumango lang ako. Bigla akong nailang sa kanya
dahil sa sinabi niya kanina... at nadisappoint sa totoo lang. Eh bakit ba ako apektado?, tanong ko sa
sarili ko.
Sa ‘di maipaliwanag na dahilan ay talagang
na-disappoint ako. Teka, bakit nga ba ako umaasa? Aaminin ko, sobrang natuwa
ako sa mga pinapakita sa akin ni Matt mula kaninang umaga pa, pero napapaisip
ako kung bakit niya ginagawa iyon sa akin. Hindi naman niya siguro
pinagtritripan lamang dahil kung ganoon nga ay makakasakit lamang siya ng
damdamin ko. Ako? Masasaktan? Haaay, ang
gulo na!
"Mga adik talaga kayo." ang tangi ko na
lang nasabi. "Ikaw talaga, Janine. Binibigla mo kasi si Josh."
alalang baling ni Matt kay Janine. "Gago ka rin, ih! Ikaw kaya itong
nagsabi sa kanya. Ako pa nasisi. Sa ganda kong 'to!" balik ni Janine kay
Matt. “Hoy, eh kung nag-usap na pala kayo, bakit hindi niyo ako sinama? Group
work kaya ‘to!” ang sabi ko gamit ang tonong tila nagtatampo nang bigla kong
mapagtantong hindi man lang nila ako ininvolve sa pagpaplano.
“Nako, huwag ka ng magalit, bebe Josh. MALAKI ANG
MAGIGING PARTICIPATION MO SA PROJECT. At saka kagabi lang kami sa text
nagkausap. Oh ayan, ha. Basta abangan mo na lang. Kami na ni Matt bahala dito.
Bumawi ka na lang sa presentation.” Pagadadada ni Janine sa harap ko. “Please
tell me wala kayong masamang binabalak.” Pagmamakaawa ko sa kanila. Kapag kasi
si Janine ay alam kong may twist na kung anu-ano ang mangyayari.
“Huwag kang mag-alala, hindi ka namin
papabayaan.” Tila pag-aasure sa akin ni Matt. “Kakilig naman, papa Matt.”
Gatong ni Janine. Ano naman ba ang nahithit nitong si Matt? Naguguluhan na
talaga ako sa mga pinapakita niya sa akin. Hanggang maaari ay ayokong magpadala
muna sa kung anuman itong nararamdaman ko para sa kanya. Mali ito. Dapat matuto na ako sa kasawian ko kay Gab. Gagawa na naman
ako ng panibagong problema pag nagkataon, mariing paggiit ko.
Hindi kaya nakakahalata na siya at pinagtritripan
niya ako?
--
Lumipas ang ilang araw at ganoon pa rin kami ni Gab. Hindi pa rin kami nagpapansinan. Hindi ko maikakailang sa bawat araw na hindi ko siya nakikita ay lalong bumibigat ang dinadala ko. Hindi ko tuloy maiwasang sisihin ang sarili ko sa pangit na pakikitungo ko sa kanya noong huli niyang punta sa bahay. Pero sa tingin ko ay tama lamang ito, dahil matutulungan ako nitong kalimutan kung ang damdamin ko para sa kanya. Kung ang magkalayo kami ang tanging solusyon, dapat sigurong tanggapin ko na ito kahit masasaktan ako.
Sa mga pagdaan ng mga araw din naman ay lalong
tumitibay ang pagkakaibigan naming tatlo ni Janine at Matt. At sa mga nagdaang
araw na iyon ay hindi ko maiwasang maghinala na may tinatago ang dalawa mula sa
akin. Palagi ko kasi silang naaabutang nagbubulungan sa classroom tuwing
manggagaling ako ng CR. May isang pagkakataon pa na nakikita ko silang
nagtatawanan na parang mga sira ulo. At kapag makikisali ako sa usapan ay pilit
idedeny ni Janine na may itinatago sila at iibahin ni Janine ang takbo ng
usapan. Si Matt naman ay tahimik lamang at tila hindi mapakali na lalo ko
namang ipinagtaka. May isang beses pa ay naabutan kong tila namumula si Matt
habang ngingiti-ngiti lang si Janine. Naputol ang pagmumuni-muni ko nang
magsalita si Ms. De Vera.
“Thank you for that wonderful presentation Ms.
Daez Mr. Dizon, and Mr. Estrella.” Nakangiting papuri ni Ms. De Vera sa grupo
ni Nikki nang matapos sila ng kanilang song number presentation. Hindi
maikakailang magaling talaga kumanta si Nikki na tila lalo pang nakapagpatindi
sa paghanga ko sa kanya. Isa kasi iyon sa mga gusto kong katangian ng isang
babae—ang pagiging musically-inclined. “Matt, ang galing niya, noh?” mahina
kong sabi kay Matt. “Ah, oo nga eh. Parang ngang back-up lang ‘yung dalawa
niyang kasama kasi siya talaga ‘yung nagdala ng performance. Nakakabilib.”
Pagsegunda niya sa akin.
Tila nahalata ni Nikki ang tingin ko sa kanya at
bigla siyang tumingin sa direksyon ko. Nabigla naman ako. Sandali kaming
nagkatitigan, at bigla siyang nagpakawala ng isang nakakabighaning ngiti.
Kumalas naman ako sa tinginan namin at yumuko. Alam ko sa mga sandaling ito ay
namumula na naman ako. Yumuko ako para walang makahalata sa akin. “Josh, aminin
mo nga. Crush mo ba si Nikki?” seryosong tanong ni Matt sa akin. Natingin naman
ako sa direksyon niya at nakita kong seryoso pati ang mukha niya. “Ahh, oo eh.”
nahihiya kong pag-amin. “Ahh, ok.” Matamlay na tugon ni Matt.
“Ikaw ba, crush mo siya?” tanong ko rin. Maganda
naman talaga kasi si Nikki, kaya hindi na ako magtataka kung pati si Matt ay
magkagusto dito. “Hindi. Iba naman kasi ang gusto ko.” Tugon niya. Naintriga
naman ako. “Oh? Share mo naman. Friends naman tayo, eh.” Sabi ko. “Ahh, kasi...
‘yung taong iyon... natatakot akong sabihin sa kanya. Baka kasi hindi niya ako
tanggapin, eh. Ayoko lang mareject kasi hindi ko na alam kung ano gagawin ko
kapag nangyari ‘yun. Bago lang kasi ako sa ganito.” Mahabang tugon niya.
Nagtaka naman ako sa pahayag niya. I mean, kung
ako si Matt ay hinding-hindi ako magaalangang sabihin sa taong gusto ko ang
nararamdaman ko. Nasa kanya na ang lahat. Gwapo siya, matalino, at may
magandang ugali. At ano ‘yung sinasabi niyang bago? Hindi naman siguro na
ngayon lang siya nagmahal? Kaya hindi ko maimagine kung bakit siya natatakot,
dahil alam ko namang maraming nagkakagusto sa kanya dito at hindi malayong
gusto rin siya noong taong tinutukoy niya. Sa kabilang banda, ay tila nasaktan
ako sa tinuran niya dahil aaminin ko, akala ko noon ay may pag-asa ako sa kanya
dahil sa mga pinapakita niya sa akin nitong mga nagdaang araw. Alam ko mali,
pero talagang naguguluhan na ako sa sarili ko. Napabuntong-hininga na lang ako.
It turns out he already gave his heart to someone else.
“Sa tingin mo ba? Tatanggapin niya ako?”
malungkot na tanong ni Matt na sa harap lang nakatingin. It was a no-brainer.
“Oo naman. Mabuti kang tao, eh. Hindi naman siya siguro mahihirapan.” Sabi ko
sa kanya. Nginitian niya ako ng pilit. “Uhhh, Josh?” tila nahihiyang pagtawag
niya sa akin. “Oh, ano ‘yon?” tanong ko. “Ahh, hypothetical question lang, ha.
Huwag mo sanang mamasamain.” Nahihiya pa rin niyang sabi. “Kung ikaw ba, tingin
mo... maaari kang magkagusto sa akin?” namumula siya habang tinatanong niya sa
akin ‘yan. Tumibok bigla ang puso ko. I was caught off guard with his question,
because it somehow hit me. “Ahh... ehh...” utal kong pahayag.
Napabuntong-hininga si Matt. At biglang sumilay ang kalungkutan sa mukha niya
sa di malamang dahilan.
Sandaling katahimikan. Tila nag-eexpect siya ng
sagot mula sa akin. Hindi ko pa rin alam kung ano ang isasagot ko, pero tila
may nagsabi naman sa akin na palakasin ang loob niya. “Walang malisya, ha? Sa
tingin ko... oo naman, kasi na sa’yo na ang lahat ng hinahanap ko, eh. Don’t
get me wrong, but you have the looks, and the character to match it. Caring ka
and appreciative, kaya don’t be so hard on yourself.” Kalkuladong tugon ko sa kanya.
Tila kinabahan naman ako sa sagot kong iyon, dahil baka bigla siyang mailang o
pag-isipan ako ng masama. “T-talaga?” utal na tanong niya. “Oo, kaya huwag mo
na masyadong isipin ‘yun. Malay mo mahal ka pa rin niya, hindi mo lang
sinasabi.” Makahulugang pahayag ko.
“Thanks , Josh!” sabi niya. At doon ay nakita
kong muli ang ningning sa mga mata niya, at ang ngiting palagi kong
hinahanap-hanap. Masaya ako dahil tila wala namang pakialam si Matt sa naging
sagot ko kanina. Masaya ako dahil napasaya ko siya. Gusto ko kasi lagi siyang
masaya.
Sa pagmumuni ko ay tila may napansin ako...
parang may mali. Walang maingay, tila tahimik ang row namin. “Janine?”
paglingon ko sa side niya. Kanina pa kasi siya walang imik, na isang milagro
dahil bihirang pumreno ang bibig niyan. Kaya nga kasali ‘yan sa debate team,
eh. Nakangisi siyang parang aso nang makita ko ang mukha niya, tila may alam
siya na hindi ko alam. “Anong meron? Bakit ganyan ka makatingin?” taka kong
tanong. “Wala naman. May nalaman lang ako.” Patay-malisya niyang pahayag. Hindi
ko na lang siya pinansin dahil nakita kong pabalik na sa harap ng room si Ms.
De Vera.
“Ok, guys. So far maganda naman ang mga naging
presentations niyo and I’d like to congratulate you for that. So, guys get
ready doon sa mga magprepresent this Thursday, ha. Okay, let’s start the
class.” Bungad ni ma’am at lahat kami ay nakahanda na para sa kanyang lesson.
--
Lumipas ang ilang oras ay lunch break na. Habang
papunta kaming canteen ay nakasalubong ko si Nikki galing CR ng babae. Nagkatitigan kami. “Hi, congrats nga pala
kanina. Ang galing niyo.” Nahihiya kong pahayag. Ngumiti lamang siya. “Thanks,
Josh! Good luck din sa presentation niyo. Kaya niyo ‘yan. Ikaw pa.” Tugon niya.
Tila may naramdaman akong saya sa pahayag niyang iyon. Hindi ko alam pero may
biglang nag-udyok na sabihin sa akin ang isang bagay na hindi ko akalaing sasabihin
ko. “Sabay ka na sa aming maglunch.” Kahit ako ay nagulat sa sinabi ko sa kanya.
Natigil siya sandali, tila pinag-iisipan ang alok
ko. Pumayag naman siya.
Habang kumakain kaming tatlo ay tila nawala na
ang hiya ko kay Nikki. Nagkwekwentuhan na kami at nagpapalitan ng jokes at
pick-up lines for some reason. Hindi ko muna pinansin si Matt at Janine dahil
may sarili din naman silang conversation, tahimik nga lang at tila seryoso ang
dalawa. Madaldal pala si Nikki, happy-go-lucky, at walang kaarte-arte sa
katawan. Para siyang tamed version ni Janine.
“Kape ka ba?” tanong ko.
“Bakit?” tugon niya.
“Kasi ginigising mo ang natutulog kong puso.”
Banat ko.
Ngumiti na lang siya. Nagtawanan kaming dalawa.
“Ako naman.” sabi niya.
“Durog ka ba?” tanong ni Nikki.
“Bakit naman?” balik ko.
“Crush kasi kita, eh. Crush na crush.” Sagot
niya.
Narinig ko ang biglang pag-ubo ni Matt. Nasamid
siya at bigla naman siyang nirescuehan ni Janine at pinainom ng tubig. “Oh,
okay ka lang, papa Matt?” concerned na tanong ni Janine. Tumango naman siya.
“Kasi, kasi ang takaw.” Banat ko sa kanya. Nagtaka naman ako dahil hindi niya
ako pinansin at yumuko na lamang habang nagpapatuloy sa pagkain. Meron ata siya
ngayon, eh. Ewan. Kanina lang eh ang saya-saya ng gago, tapos biglang natahimik
siya ngayon sa ‘di-malamang dahilan. Bigla namang nagpakawala ng isang impit na
tawa si Janine.
At nagpatuloy lang kami ni Nikki sa ginagawa
naming batuhan ng jokes at pick-up lines. Bigla-biglang tumayo si Matt at
kinuha ang pinagkainan. “Nawalan na ako ng gana.” Ang sabi niya bago siya
tuluyang lumayo. Kanina pa siya tahimik. Ano
kayang meron dun? Nagtaka naman ako. “Tsk, tsk, tsk.” Ang narinig ko na
lang kay Janine. “Oh, anong nangyari dun?” takang tanong ni Nikki kay Janine.
“Hay, girl. Ewan ko. Naloloka na ako sa mga lalaki these days.” Tugon ni
Janine. Tumango na lang si Nikki.
Buong araw ay tila
wala sa mood si Matt. “Hay nako, kasalanan mo ‘yan, Josh! Wala tuloy siya sa
timpla.” Mahinang bulyaw ni Janine sa akin na tila naninisi. “Ano? Wala naman
akong ginagawa, ah.” Pagdepensa ko sa sarili ko. “Seriously? Ugh, ewan ko
sa’yo.” Walang ganang balik sa akin ni Janine. “Baka naman masama lang ang
gising.” Sabi ko. Umiling lamang siya.
--
“Matt, may problema ba?” seryoso kong tanong sa kanya
habang naglalakad kaming dalawa palabas ng school. Umiling lang siya.
“Seriously, baka makatulong ako.” Pagpilit ko. Muli siyang umiling. “Matt...”
“WALA NGA! BAKIT BA ANG KULIT MO, HA?!” sigaw niya sa akin na siyang ikinagulat
ko. Nasaktan ako. Ngayon ko lamang siya nakitang ganito. Nakakunot ang noo niya
at dilat na dilat ang mga mata niyang mapupungay, halatang inis na inis.
Nanatili akong tahimik. Hindi ko inaasahang ganoon ang magiging tugon ni Matt
sa concern ko para sa kanya. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na may galit siya
sa akin o kung anumang inis.
“Ahh, pasensya na gingulo kita... sige, mauuna na
ako.” ang nakayuko kong tugon habang naglalakad palayo. Hindi ko maipaliwanag
ang nararamdaman ko. Ang bigat-bigat. Hanggang ngayon ay dala-dala ko pa rin
ang tila may lamat naming pagkakaibigan ni Gab, at ngayon, ito namang ginawa sa
akin ni Matt ay lalong nakapagpanlumo sa akin. Hindi ko na lang napansin na may
tumulong luha sa mga mata ko habang nakasakay ng tricycle. Ang labo talaga.
Parang lahat na lang ng ginagawa ko mali.
--
Matt.
Buong araw kong iniisip ang naging tugon sa akin
ni Josh sa tanong ko kanina. Hindi ko rin alam kung ano ang nagtulak sa akin na
itanong iyon sa kanya. Buti na lamang at hindi siya gaanong nailang. Naalala ko
ang sagot niya. Na sa akin na daw lahat
ng hinahanap niya. Ang saya ko! Kasi hindi ko inaasahang ang isang taong
tulad ni Josh ay may makikitang magandang bagay tungkol sa akin. Lalo lamang
itong nakapagpatindi ng aking pagnananais na tuluyang palawigin kung anuman
itong nararamdaman ko para sa kanya. Kaya naman araw-araw ay patuloy kong
pinaparamdam sa kanya kung gaano siya ka-espesyal sa akin. Hindi ko man masabi
sa kanya (hindi pa kasi ako handa), ay at least nararamdaman niya. Sasabihin ko
sa kanya sa tamang panahon. Natutuwa ako lalo na kapag nangingiti siya sa mga
kalokohang pinagagagawa ko. Si Janine naman ay patuloy pa rin ang pagtulong sa
akin tungkol kay Josh.
Ngunit lahat ng sayang nadama ko ay biglang
nagbago kaninang lunch break. Sumabay kasi si Nikki sa amin maglunch. Ayos lang
naman, eh. Ang masakit nga lang, ay si Josh pa mismo ang nagyaya sa kanya... at
mas masaklap pa ay dahil alam kong crush siya ni Josh. Hindi ko naman kasi
masisisi si Josh dahil lalaki ito at napakaganda naman talaga ni Nikki. Ito rin
ang isa sa mga bagay na nakakagulo at nakakapagpahina ng loob ko. The fact that
we’re both guys, already says a lot of things. Lalo na at first time kong
makaramdam ng ganito para sa kapwa ko lalaki. Hindi ko naman masisi ang sarili
ko dahil iba talaga si Josh. How would I describe him? I think, he’s one of a
kind, extraordinary. Kaya naman natutunan ko ng tanggapin ang sarili ko na may
posibilidad ngang mahalin ko na siya ng tuluyan, which is... kung ano ang
nararamdaman ko ngayon para sa kanya.
Masakit rin pala, kahit na alam kong nagbibiruan
lamang sila. Still, seeing the person you love making sweet jokes with his
crush is already enough to make you feel down. Kaya naman umalis na lang ako ng
table namin at nagpunta sa may likod ng school at nagmuni-muni. Hindi ko pa nga
siya sinisimulang i-pursue, pakiramdam ko ay tila talo na ako. Napakasakit. Hindi
pa nagsisimula ang laban, ay tapos na. Dahil nga bago pa lang ako sa mga
ganitong bagay, ay masasabi kong napakatindi na nga ng nararamdaman ko para sa kanya
para mabago ang mga nakagawian ko dati, which is never paying attention to
guys. Josh changed everything.
Ngayon, nandito ako sa kwarto ko at mag-isang
nagmumukmok, mugto ang mata, at sinisisi ang sarili sa katangahang ginawa ko
kanina. Mali na sa kanya ko naibuhos ang lahat ng mga dinadala ko buong araw.
Naiinis ako dahil nasigawan ko siya. Naiinis ako sa sarili ko. Nasaktan ko si
Josh. I broke what I promised to myself na aalagaan ko siya. Nanlumo naman
talaga ako nang makita ko ang reaksyon niya sa kagaguhan ko kanina. Kung alam mo lang, Josh... kung gaano ako
nasasaktan.
“You’re the
only one that can make me this sad, but I can’t walk away, walk away. You’re
the only one that can hurt me this bad, but I can’t walk away, walk away...” Biglang nagring ang phone ko at nakita ko ang pangalan ni Janine sa
screen. Lalo akong naburyo dahil tila pati ringtone ko ay pinapatamaan ako.
Dali-dali ko naman itong sinagot. “Hello?” medyo paos kong sabi. “Oh, anong
meron? May sipon ka ba?” naninibagong tanong ni Janine. “Ah, oo. Meron.”
Pagdadahilan ko. “Gaga, nagpahuli ka naman. Halata ka kaya. Umiiyak ka, eh.” Paghuli
sa akin ni Janine. “Eh, oo eh, pero tapos na.” Pag-amin ko. Dahil na nga rin sa
pagkakaibigan namin ay natuto na rin akong pagkatiwalaan siya, kaya naman
honest na ako sa kanya when it comes to some matters especially about Josh. At
saka, siya lang naman ang may alam, eh.
“Hay nako, Matt. Tanga mo talaga. Eh pinapalayo
mo lang lalo ‘yung loob sa’yo nung tao, eh!” pagre-reprimand sa akin ni Janine
na ikinataka ko. “Huh? What do you mean?” tanong ko.
“Eh gago ka pala, ih. Pogi ka, pero minsan medyo
bobo ka rin, eh noh? Malamang! Bestfriend din naman ako ni Josh! Ano ang role
ng bestfriend? Eh di syempre sinabihan niya ako! Nagsumbong ang honeybunch mo!
So gora ako to the rescue.”
“Ahh, kasi naman eh. Kanina sa canteen... sila
ni...”
“Oo, leche! Nandoon kaya ako! Malamang nakita at
narinig ko rin, syempre! Ito lang naman, ha. Huwag ka munang pahalata. Masyado
kang nagmamadali, eh! Kanina sa classroom naririnig ko rin ‘yung pagbubulungan
niyo. Too fast, dude.”
“Sorry, kasi naman...”
“Huwag kang magsorry! Oo, gets naman kita eh.
Mahal mo si Josh, pero ito lang ha. Straight pa rin ‘yun. Kahit na, well...
medyo hindi na ngayon. Basta huwag mo siyang madaliin. Magtiwala ka sa akin
dahil kilalang-kilala ko ‘yun. Ngayon, medyo napapaisip na siya sa mga
pinapakita mo, which is a good thing kasi naacknowledge niya ‘yung effort
mo...”
Sandaling katahimikan. Napaisip naman ako sa
sinabi niyang “Straight pa rin ‘yun.
Kahit na, well... medyo hindi na ngayon.”
“What do you think I should do?” tanong ko.
“Hmm, okay. Here... first, huwag ka masyadong OA
magreact. Reality check! Hindi ka jowa!”
“Ouch...” hindi ko napigilang sabihin.
“Heh! I’m just telling you the truth. Second, na sa
healing process pa si Josh mula sa kasawian sa pag-ibig, kaya huwag kang
magmadali. The least you can do is to make him feel you’re there for him. Spend
more time with him, pero huwag kang atak agad! Kaloka ka kasi. First day pa
lang, atak na agad! Araw-araw, atak! Malamang magtataka ‘yung tao, tapos kung
makareak ka kanina, OA lang!”
“Oo na, mali ako.” Pagsuko ko.
“Lastly, huwag kang umasa. Kung wala talaga, move
on. I know masakit, but it’s the way it should be.”
Hanga talaga ako kay Janine, dahil wala siyang
bias sa pagbibigay ng advice. Kahit kaibigan ka niya ay hindi ka niya ilalayo
sa katotohanan, kahit pa masakit ang katotohanang iyon. Pero teka... ano ‘yung
sinasabi niyang na sa healing process pa si Josh? Anong sawi sa pag-ibig?
“Thanks talaga, ha. Hindi ko na alam kung wala ka
hehe. Ahm, Janine?”
“Ano yun?”
“Ano yung sinasabi mong nasa healing process pa
si Josh at ‘yung sa straight thing?”
Natahimik siya.
“Janine?”
Napabuntong-hininga siya bago magsalita. “Oh sige. Pero ipangako mong hindi ka gagawa ng kahit anong kasiraan, na hindi mo siya huhusgahan, at hinding-hindi mo sasabihin kay Josh na kinwento ko sa’yo ‘to. Kapag nalaman niya, nako, chugibells fez ko sa kanya!”
“I promise.”
“Okay, it all started noong foundation day last
year...”
--
Itutuloy...
wow daily update ang peg!
ReplyDeletekilig much ako woooohhhh!!!
ang galung ng author!
-Omar Kamil-
sino kaya ang nagsabing UNEXPECTED? Si Josh ba na unexpected niyang naging jowa si Gab or Matt? or si Janine?
ReplyDeleteor si Matt na unexpected na naging sila ni Josh?
sumakit ang ulo ko sa kakaisip. i hate u author! ur so grrrrr!!!
MR DJ
Yeah,,,nyc Mr. Author...I like it..shit..GO lng ng GO papa Matt..yaan mo n c Gab..sinungaling..
ReplyDelete-AQUA-
wow,nakakakilig ang kwento pero nakakabitin kung sino ba talaga at ano ang mgyayari..sobrang gwapo cguro nitong si Josh at lahat ay naiinlove sa kanya..mukhang si Gab ay may tama rin sa kanya eh,nahihiya lang aminin..maunahan sya ni Mattmasyado agresibo eh...next chapters na po dear author..:)
ReplyDelete