318 (My Second
Attempt to Love)
By: ImYours18/Nyeniel
Email and FB Account:
nielisyours@yahoo.com.ph
Wattpad Username: Nyeniel
Authors note:
Hello
guys! Chapter 1 is already here! Hehe, heto na po pala ang sequel ng “318 (Ang
textmate ko)” Maraming maraming salamat po sa mga sumoporta sa “318 (Ang
textmate ko)” samahan nyo naman po ako ngayon sa bagong yugto ng buhay nila
Colby, Xander, at Tristan? Sama pa ba na’tin si Tristan guys? Ahaha biro lang.
Enjoy reading guys. Salamat muli.
Guys, sorry din kung hindi regular ang posting ko ng update nito, kasi po pasukan na din, pero tulad po ng sabi ko, isisingit ko pa rin kapag walang masyadong ginagawa ^_^ Salamat po.
PS:
Pa-add naman po sa facebook guys (https://www.facebook.com/niel.isyours?ref=tn_tnmn)
hehe! Salamats! =)
Warning: Some words used in the story are foul
words. Also, there are scenes which are seductive and not appropriate to the
minor readers. This story is a work of fiction only and any parallel scenes,
places and names to the reality are absolutely unintentional.
Any reaction, praise, violent
reaction, complains and comments regarding to my story, please contact me:
Email and facebook account:
nielisyours@yahoo.com.ph
About the cover photo:
I do not own this image. Any
complaint arising out of its use, please contact (nielisyours@yahoo.com)
and the image will be immediately removed.
ENJOY READING =)
Chapter 1.
May isang linggo na rin ang nakakalipas simula nang
maghiwalay kami ni Tristan. Sa tingin ko ay iyon na ang pinakamasakit na
pangyayari sa buhay ko. Hanggang ngayon kasi ay nasa moving-on stage pa ako at
aaminin ko, nahihirapan ako, dahil.. mahal ko pa siya, at napakahirap kalimutan
ng halos limang buwan naming pinagsamahan lalong lalo na ang mga masasayang
alala.
Pagkatapos ng paguusap at hiwalayan namin ni Tristan ay
hindi na rin ako nagtagal kila tita at umuwi na rin ako kinabukasan sa maynila.
Alam niyo ba yung pakiramdam? Yung sa tuwing umaga
nagigising ako at nag-eexpect na may text si Tristan sa akin upang mag-greet ng
‘good morning’ o kaya sabihin na ‘I love you’ ngunit pagkatingin ko ng
cellphone ko, walang text? Aaminin ko, bawat umaga at gabi na iniisip ko na
wala na si Tristan at hindi na ako pwede mabuhay ng tulad ng dati kung saan ay
nandyaan siya lagi at mistulang heaven na heaven ako piling niya, ay wala akong
ibang ginawa kung hindi ang umiyak at magmukmok. Ganung kasakit! Iyan ang hirap
e, sasanayin ka sa mga bagay bagay tapos babawiin din pala! Tsk.
May mga pagkakataon din na mag-isa ako at kapag dumadating
ang pagkakataon na yon? Mistulang nagpa-flashback ang lahat ng alaala namin ni
Tristan, ang lahat - masaya man at malungkot.
Ngunit, kung may dapat akong ipagpasalamat, ayan ay ang
pagdating ng isang bestfriend sa buhay ko na laging nandyaan upang pasayahin at
makalimutan ko ang lahat ng masasakit na alala ni Tristan sa akin – si Xander.
Halos araw-araw kasi ay pumupunta si Xander sa bahay at niyaya
ako na maglaro ng play station o computer, kung minsan naman ay niyayaya niya
ako na mamasyal sa mall o sa plaza upang maglibang-libang. Inintindi ko na lang
si Xander dahil syempre, bestfriend ko siya at tinutulungan niya lang ako na
makalimot sa nakaraan namin ni Tristan. Ngunit, parang may nase-sense akong
mali. Hindi ko alam kung ano pero parang may nararamdaman akong hindi tama sa
bestfriend ko. Minsan kasi ay napapansin
ko na hindi siya makatingin sa akin ng diretso sa akin at minsan ay parang may
malalim itong iniisip at lagi na lang itong nakatingin sa kawalan.
At bukas, pasukan na naman pala namin..
Napakabilis ng sembreak at tila napakabilis din ng mga
pangyayari. Parang kailan lang ay nangako sa akin si Tristan na hindi niya ako
iiwan, pero ngayon ay wala na siya sa tabi ko at masaya na siya sa piling ng
iba. Syempre, masakit pero wala na akong magagawa pa. Ako na mismo ang
nagpalaya sa kanya, para sa ikaliligaya niya.
Araw ng pasukan. Maaga akong nagising ngunit tila wala ako
sa sarili. Ganito pala ang feeling ng broken hearted! Iyon bang wala kang
inspirasyon na gawin ang lahat ng bagay. Iyon bang tinatamad kang gawin ang mga
bagay bagay dahil wala ka ng pagaalayan tulad ng dati. Ngunit hindi pwede,
mahirap man sa ngayon ay kailangan kong kayanin. May mga taong nagmamahal pa sa
akin at hindi ako dapat magpatalo sa lungkot na nararamdaman ko sa ngayon.
Sigh!
Ngiti Colby, ngiti!
Hindi niya deserve ang kalungkutan mo! You deserve to be
glad.
“Pretending to be
happy when you’re in pain is just an example of how strong you are as a
person..”
Good Morning guys! =)
Good Vibes lang tayo.
Smile.
-GM
#Single <3
Send to Many.
Oo, masakit Tristan,
pero kailangan na kita kalimutan. Siguro hanggang dito na lang talaga ang
chapter ng love story na’tin, siguro nga ay hindi talaga tayo para sa isa’t
isa.
Sa umagang yun, marami ang nag-react sa ginawa kong group
message. May mga nagtatanong na kung anong nangyari? Kung bakit ako single
ulit? Anong nangyari sa amin ni Tristan? At kung ano-ano pa na may kaugnayan sa
quotes na nilagay ko sa group message na ginawa ko at ang naka-hash tag sa
ibabang parte. Ang mga kaibigan ko naman
na nakakaalam ng sitwasyon ko ay nag-react din at sinasabi na ‘ayos lang yan’
at yung gunggong na Rex na lagi kong kaasaran ay sinabihan ba naman ako ‘Kawawa
naman! :P’ Lagot sa akin ‘to mamaya.
Sabay kaming pumasok ni bes papunta sa school. Sinundo niya
ako sa bahay. Syempre, natutuwa naman ako sa effort na ginawa ng bestfriend ko.
Imagine, dalawang sakay pa ng jeep ang kailangan niyang sakyan upang makarating
sa lugar namin. May kalayuan din kasi ang bahay namin nila kila bes. Pero,
sanay na din naman kasi siya sa ganung set-up. Noong high school kasi kami ay
talagang dumadaan muna siya sa bahay upang sabay kami pumasok papunta ng school
at minsan ay hinahatid niya ako sa bahay kapag walang masyadong ginagawa sa
school. Kaya naman hindi na nakakapagtaka kung bakit tampulan kami ng kantsaw
noong high school na mag-jowa daw kami at kung bakit lagi akong tinitirada at
sinasabihan ng ‘talandi’ ng mga schoolmates namin na may gusto kay Xander. E
campus crush e!
Sinalubong ko si bes ng ngiti pagkalabas na pagkalabas ko ng
gate namin. Hindi naman pilit na ngiti yun, iyon bang ngiti na lumalaban sa
lahat ng sakit na naramdaman ko? Ganun!
“Good Morning bes!” Pagbati ni Xander sa akin sabay bigay ng
isang smack na halik sa pisngi ko. Kung titignan mo kami ay para talaga kaming
mag-syota ni Xander pero para sa amin ni Xander ay walang malisya ang lahat ng
iyon.
“Good Morning din bes!” Malugod kong pagbati din.
“Kamusta?”
“Okay lang naman bes. Heto, di pa masyadong nakaka move-on
kay alam mo na, pero kinakaya ko naman..” Sabi ko kay Xander. Hindi na ito
kumibo at parang may kung anong kinakalikot sa bag niya, hindi ko naman mawari
kung ano iyong kinakalikot niyang kung ano sa bag niya. At inatake naman ako ng
kakulitan ko kaya pinilit ko siyang tignan kung ano yung bagay na kinakalikot
niya sa bag niya.
“Uy bes, anong kinakalkal mo dyan?” Pag-uusisa ko.
“Ah.. Eh.. Wala bes.. “ Pagdedeny niya sabay sarado ng bag
niya. Ewan ko kung anu yun pero parang sobrang nahihiya siya. Bakit kaya? Hmm..
“Weh? Ano nga yan bes?!”
“Wala bes. Haha! Yung registration form ko lang yun..”
“Sus! Kdot!”
Kahit naku-curious ako kung ano ba talaga yung bagay na
tinatago niya sa loob ng bag niya ay hinayaan ko na lang. Wala kasi akong
maisip na paraan upang makita kung ano yung bagay na yun e. Well, bestfriend ko
siya kaya malalaman ko rin iyan.
Habang nasa jeep kami ay pareho kaming tahimik ni bes.
Parehas kasi kaming may mga earphone sa aming mga tenga.
Nasa ganun akong pagkikinig ng music mula sa aking cellphone
ng bigla akong kalabitin ni bes at tila may dinuduro ito.
“Bes, bakit wala kang suot na ID?” Pagtatanong niya. Hindi
kasi ako madalas mag-suot ng ID. Ewan ko ba pero naiirita ako kapag may
nakasumbit na ID sa leeg ko. Kaya naman
lagi lang itong nasa wallet ko.
“Nasa wallet ko bes, teka tignan ko..” Sabi ko. Laking gulat
ko ng pagkabukas ko ng wallet ko ay wala doon ang I.D. ko, as in wala, dahil
yung divider kung saan nakalagay yung ATM cards ko at ID ko ay wala talagang
nakalagay ng school ID doon. Nasaan na yun?! “Bes? Wala dito e.. Hala..”
Pagaalala ko.
“Baka naman naiwan mo sa bahay niyo bes?”
“Hindi bes, hindi ko yun inaalis sa wallet ko.. Lagi lang
yung nandito e. Nasaan kaya yun?” Pagtatako ko sabay kamot ng ulo ko.
“Paano na yan bes? Paano ka makakapasok ng school ngayon?”
Tanong niya.
“Alam ko na, peram ako niyang ID holder mo..” Sabi ko sa
kanya.
“Oh..” Pagaabot niya sa akin ng ID Holder niya. “Ano bang
gagawin mo dyan?”
“Wag ka na matanong bes. Dadamoves ako. Shhh ka lang ha?”
Kumuha ako ng green construction paper sa bag ko. Tinupi ko
ito hanggang sa magkasya ito sa loob ng ID holder ni Xander. Buti na lamang ay
may dala akong green na construction paper at kulay green ang ID namin. “Halata
ba bes?” Tanong ko kay Xander.
“Hahahaha! Tindi mo bes! Hindi halata. Henyo ka talaga..”
Puri ni Xander sa akin.
“Syempred! Hahaha!”
Alas-9 na ng umaga noong makarating kami sa school. And
guess what? Hindi nahalata yung ginawa ko. Pinadiretso ko na si bes sa first
class niya. Iba kasi ang building namin, at ako naman ay pumunta na rin sa room
namin.
“Tih!” Pagbubungad sa akin ni Nerrisse.
“Oh? Bakit teh?” Tanong ko.
“May goodnews at badnews ako sayo!”
“Huh?”
“Good news na bad news siya teh! So meaning, pwede siyang
good news sayo! Pwede ding badnews ang dating sayo..” Sabi ni Nerrisse.
“Ano naman yun teh?”
“Halika..” Si Nerrisse sabay hila sa akin papunta sa
kabilang room. Teka? Room to ng ibang section ah?! Anong gagawin namin dito.
“Tignan mo yun teh!” At nagulat naman ako sa nakita. Hindi ko maipaliwanag kung
dapat ba akong matuwa o maghinagpis sa nakita. Si Tristan! Nagkaklase sa ibang
section!
“Si..Si.. Tristan..” Nauutal kong sabi.
“Yeah. Ang ex mo! Lumipat na siya ng ibang section. Regular
na kasi ang academic status niya at sa ibang section na siya nag-enroll, hindi
na sa block na’tin..” Pagpapaliwanag ni Nerrisse. Syempre, aaminin ko,
nakaramdam ako ng ibayong lungkot. Nasanay na kasi akong nandyaan lagi si
Tristan sa tabi ko. Sa bawat subjects kasi namin lagi iyang nakikipagpalit sa
kung sino man ang katabi ko. Kaya naman kung minsan ay napapagalitan siya ng
prof. namin dahil nagugulo ang seating arrangement dati. But, past is past. Ika
nga, memories can be elapsed but not the lesson that taught us.
Napabuntong hininga si Nerrisse at hinagod ang likod ko.
“Teh, alam kong masakit. Iyon yung badnews, syempre masasaktan ka talaga kasi
hindi na tulad ng dati. Pero, ang good news naman ay mas magiging madali na ang
pagmomove-on mo. Kasi teh, kung nandyaan siya, lagi mo siyang maalala,
mahihirapan ka lang. Kaya much better na lumayo siya sayo.” Tama si Nerrisse!
Siguro nga ay mas mapapadali na ang paglimot ko kay Tristan kung hindi na kami
masyadong magkikita pa.
“Oo teh, sa tingin ko ay sinadya niya rin yan e.” Sambit ko
habang pabalik kami sa classroom namin.
“Sa tingin ko din.”
“Kasi, para na rin siguro sa akin. Para hindi na maging
mahirap ang sitwasyon ko. At para na rin sa kanya, syempre, ano na lang ang
sasabihin niya kapag tinanong siya ng kaklase natin na kung ano ang nangyari sa
amin. Kung bakit hindi na kami tulad ng dati, kung bakit single na ako..”
Pagpapaliwanag ko kay Nerrisse. Ewan ko, pero parang hindi na gaanong mabigat
sa pakiramdam ko ang pag-alis sa section namin ni Tristan. Marahil ay
nauunawaan ko ang dahilan, at dahil alam kong isa ako sa mga dahilan. At para
iyon sa ikabubuti namin.
Lunch break, lahat kaming magbabarkada ay magkakasama sa
canteen na magla-lunch. Ang naiba lang ay wala na si Tristan at si Xander ay sa
amin din sumama. Sinabihan ko kasi siyang kung naiilang pa siya sa mga
classmates niya at kung wala pa siyang masyadong close ay sa amin muna siya
sumama na mag-lunch.
Masaya kaming nagbibiruan ng biglang nag-open ng topic ang
bruhang Rizza tungkol sa akin. “Hey Colby, what’s up with the GM kaninang
morning? Bakit single?” Paguusisa niya..
“Ahh.. Ehh.. No Comment..” Nasabi ko na lang. Napansin ko
sina Nerrisse at Lemuel na tumingin sa akin. Sa amin kasing magbabarkada ay
sila lang ang may alam nang nangyari sa amin ni Tristan. Napansin ko din si
Xander na tahimik lang at tila ayaw maki-jamming sa kwentuhan namin, napatingin
din ito sa akin sa pagtatanong sa akin ni Rizza.
“Nako! Niloko ka ba nung Tristan na yun? Gusto mo
ipa-salvage na’tin..” Pagbibiro ni John.
“Hindi ah? May hindi lang kami pagkakaintindihan sa ngayon
kaya ayun, pero hayaan niyo na lang..” Pagdadahilan ko.
“Weh! Maniwala ako sayo! Pero, ayos lang, actually hindi
maganda ang tingin ko dun sa Tristan na yun e. Unang tingin ko pa lang parang
di na mapagkakatiwalaan. Kaya bagay na bagay kayo eh. Wahaha!” Pagbibiro ng
mokong na si Rex.
“Tado ka ah! Kanina ka pang umaga! Tantanan mo ko Rex.”
Pagbabanta ko.
“Biro lang. To naman!” Si Rex.
“Okay lang yan gurl! Madami pa diyan!” Si Sam.
“Tama! Heto si Fafa Xander oh? Ang bait bait na ang gwapo
gwapo pa! Ayiiieee..” Pangaasar ni Rizza.
Ewan ko pero noong tinignan ko si
Xander noong nang-asar si Rizza ay nakatungo ito at tila hiyang hiya. Marahil
ay naiilang pa siya sa mga kalog kong barkada.
“Loka ka friend! Bestfriend ko yan.” Depensa ko kay Rizza.
“I know, pero gwapings kasi e. At mas bagay siya sayo kesa
kay Tristan..” Si Rizza.
“Huy teh! Wag mo ngang pagdiskitahan iyang bestfriend ko!
Tara samahan mo nga ako bibili ako ng fudang!” Si Nerrisse, siguro ay iniwas
niya lang sa akin si Rizza upang hindi na lumalim pa ang usapan namin.
“Excuse me guys! Restroom lang ako ah?” Pagpapaalam ko sa
barkada. They just gave me a nod.
Pagkapasok na pagkapasok ko ng pintuan ng restroom ay laking
gulat ko ng nakita ko si Tristan at si Rafael na aktong maglalapat na ang mga
labi. Mistula namang dinurog durog ang puso ko sa nakita. Pakiramdam ko ay
gumuho ang buong mundo ko sa nakita at tila bumalik sa isip ko ang pangyayaring
nahuli ko sila na nagtatalik noong birthday ko. “Ay, sorry..” Nasabi ko na lang
sabay sarado ng pinto. Kitang kita ko na nagulat din sila at tila hindi inaasahan
ang pagsulpot ko.
Akala ko ay magiging okay na tong araw na to e. Pero, ang
sakit pala. Ang sakit palang isipin na ang dating mahal mo ay masaya na ngayon
sa piling ng iba. At ang mas masakit ay ipinamumukha pa sayo na mas masaya siya
ngayon. One word to explain. Masakit.
Nagmamadali akong lumakad papunta sa labas ng school.
Hanggang sa nakalabas ako at nakakita ako ng bench kung saan ay walang
masyadong tao.
Umupo ako doon at doon ako nagmukmok.
Hay nako! Bakit ba kasi ganito? Bakit ba kasi araw-araw ko
siyang namimiss? Bakit ba kasi nasasaktan pa ako sa tuwing nakikita ko siyang
kasama si Rafael? At bakit.. bakit ba mahal ko siya?
Sana ang puso katulad rin ng isang computer, na kung saan
kapag na-infect ng malware o virus ay may napakaraming paraan upang masagip ito.
Pwede mong i-reformat, pwede mong i-restore at iba pa. Pero hindi e,
nahihirapan ako sa “oras” na sinasabi nila. Ang oras lang daw ang
makakapagpagaling ng sugat ng puso? Ngunit, paano kung palaging pinamumukha sa
akin ng taong mahal ko na may iba na siya at masaya na siya sa iba? Ang hirap
tanggapin. Nasasaktan pa rin ako.
Nasa ganun akong pagmumuni ng bigla kong napuna na may umupo
sa tabi ko at hinawakan ang aking ulo at sapilitan itong isinandal sa kanyang
mga balikat, si Xander.
“Bes? Sige iiyak mo lang..” Sabi niya. Hindi na ako sumagot
pa. Sumandal lang ako sa balikat niya at umiyak ng umiyak. Nilabas ko lahat ng
sama ng loob ko sa pamamagitan ng pag-iyak. Dito lang kasi nagiging kumportable
ang pakiramdam ko. “Bes, nandito lang ako ah? Tandaan mo yan. Hinding hindi
kita iiwanan, hinding hindi kita sasaktan. Basta, tawagin mo lang ako..”
Pagko-comfort niya sa akin. Buti na lang ay nandyaan si Xander para sa akin.
Kahit papaano ay naibsan ang bigat na dinadala ko.
“Bes salamat ah? Sorry kung nakakaistorbo ako sayo lage..”
Pagpapasalamat ko kay Xander.
“Wag mo ngang sabihin iyan. Alam mo bes, dati pa part ka ng
buhay ko, at never magiging isang istorbo ang tingin ko sayo.. dahil tinuring
na kitang parang kapatid kong tunay at isang..” Napahinto siya at humugot ng
isang malalim na buntong hininga. “matalik na kaibigan..” Dagdag niya pa.
“Ang swerte ko talaga nagkaroon ako ng isang bestfriend na
tulad mo..” Nasabi ko na lang sa kanya.
“Ako din naman e, mas maswerte ako. Osya bes! Wag nang
umiyak. Pumapanget ka lalo, wahaha!” Pangaasar ni Xander.
“Ikaw na gwapo!” Pagdadabog ko.
“Heto naman! Joke lang bes! Churi na..”
“Haha! Cute mo pala mag-puppy eyes..” Puna ko.
“Sus! Luma na yan! Since birth pa..” Pagmamayabang ni bes.
“Tse! Hangin dito! Makalarga na nga haha!”
“Hahaha! Hoy! Di ba magre-renew
ka ng ID mo? Tara samahan na kita..”
Uwian, at sabay kami ni bes na umuwi. Lubha naman akong
natutuwa sa bestfriend ko dahil imbis na magliwaliw siya kasama ang bago niyang
mga classmates ay pinili niyang umuwi na lang agad agad. Syempre, nakaramdam
ako ng konting guilt kahit hindi ko naman ginusto iyon. Kaya niyaya ko na lang
siya na pumunta saglit sa mall upang makapagbonding kami.
At tulad ng dati, naglaro kami sa arcade at nanunuod ng
sine. Iniinsist niya nga na siya na ang magbabayad ng lahat ng gastos naming
dalawa ngunit hindi ko siya pinayagan. Syempre, ako ang nagyaya at nakakahiya
naman na hindi ko sagutin ang lahat ng gastusin namin di ba? At alam kong sapat
lang ang allowance niya para sa gastusin niya sa isang linggo. Bestfriend ko
ata yan kaya kilala ko yan.
Ewan ko ba? Pero, nawawala ang lahat ng galit sa dibdib ko,
ang sakit at ang sama ng loob na nararamdaman ko kapag nandyaan si bes.
Pakiramdam ko kasi ay kapag kasama ko siya nawawala ang takot ko na masaktan,
sa kanya ako kumukuha ng lakas dahil alam kong hindi niya ako sasaktan at alam
kong lagi siyang nandyaan upang pasayahin at mahalin din ako bilang isang tunay
na kaibigan.
Masaya ako nagiging set-up namin ni Xander. Bestfriends lang
ang turingan namin ngunit no string attached. Masaya ako kapag kasama ko siya
at kapag wala naman siya sa tabi ko ay nakakaramdam ako ng kakaibang lungkot.
Iyon bang pakiramdam ko na mag-isa lang ako? Ganun ang pakiramdam ko kapag wala
si Xander.
Minsan naisip ko, ano kaya kung ma-inlove ako kay Xander? Sa
ngayon ay imposible yun dahil talagang purong bestfriends pa lang ang
nararamdaman ko sa kanya. Ngunit paano kaya kung ma-inlove nga ako sa kanya?
Kung magiging kami ba ay mas magiging mahigpit ang pagkakatali ng kaibigan namin
o ang relasyon namin ang pwedeng sumira sa pagkakaibigan namin? Hindi ko alam.
Teka, bakit ko ba iniisip to? Wala naman akong nararamdamang kakaiba sa
bestfriend ko ah?! Maliban na lang siguro dun sa nararamdaman kong saya kapag
nandyaan siya. At nakakasiguro akong wala lang iyon dahil nasanay nga ako na
nandyaan siya sa tabi ko.
Kinabukasan, sabay ulit kaming pumasok ni Xander at tulad ng
dati ay ganun pa din ang set-up namin. Pakiramdam ko talaga ay parang kuya ko
siya dahil napaka-over protective niya sa akin. Ngunit, bestfriends nga kasi at
natural lang iyon.
Habang nasa jeep kami papunta sa bus station na sasakyan
namin papasok ng school ay inaabot niya sa akin ang binder notebook niya. “Bes,
palagay nga muna dyan sa bag mo. Kunin ko na lang sayo mamaya. P.E lang naman
ang subject namin ngayon e, at dala dala ko din kasi itong PE uniform ko at
rubber. Sayo muna yan ah?” Sabi ni Xander sa akin sabay abot ng isang kulay
blue na binder notebook.
“Okay sige bes..” Tugon ko sabay pasok ng binder notebook niya
sa loob ng bag ko.
Habang nasa bus naman kami ay may nilabas siyang plastic sa
loob ng bag niya at laking gulat ko ng inabot niya sa akin ang isang hopiang
munggo. Emeged! Favorite namin iyon noong high school. Tuwing lunch at recess
kasi ay yan ang lagi naming binibili ni Xander. Halos mapurga na nga kami sa
kakakain ng hopiang munggo ngunit wala na kaming pakielam. Ang sarap kaya! Try
niyo!
“Wow! Shit! Hopiang munggo!” Gulat kong sabi sabay kuha ng
isa mula sa plastic. Hindi naman siya magkandamayaw sa kakatawa sa epic
reaction ko.
“Haha! Wala kasi akong almusal kanina kasi tanghali na akong
nagising bes, kaya ayan bumili ako. At sinobrahan ko na para makakain ka. Alam
kong paborito mo rin iyan..”
“Nemen! Natatandaan ko pa noong high school. Ito yung niregalo
sa akin ni Jeena hahaha! Tuwang tuwa nga ako nun dahil isang box yun e!”
Pagpapaalala ko sa kanya.
“Ahh oo, si buang, ganun din kaya niregalo niya sa akin.
Haha!”
Tawanan.
“Ang sarap bes. Siguro bago to? Mainit init pa e.” Puna ko
sa kinakain.
“Oo naman bes. Fresh from the sun yan kanina sa bakery!
Hahaha!”
“Hahaha booset! Kaya pala! Hahaha pero masarap pa rin, bigay
mo e..” Sabi ko kay Xander. Hindi ko alam kung bakit pero napansing kong namula
siya sa sinabi ko. Hindi ko na lang pinansin at pinagpatuloy ang pagkain ng
hopiang munggo hanggang sa maubos namin ito pareho.
Alas-10 na rin noong makarating kami sa school. Iniwanan ko
na siya sa may court dahil PE ang first class niya at doon daw ang klase nila.
Dumeretso naman agad siya sa restroom sa loob ng court upang magpalit ng
uniform.
NSTP lang ang klase namin para sa araw na to. Kaya naman
nagdidisscuss lang ang prof. namin tungkol sa gagawin naming community service
sa barangay kung saan kami ma-assign.
Sinabi ng prof. namin na bumuo kami ng grupo na may sampung
miyembro. Bawat grupo daw kasi ay maa-assign upang mag-community service sa
kung saan mang barangay. So, bumuo kami ng grupo ng mga kabarkada ko, at may
kulang pa kaya naman kumuha pa kami sa iba naming mga blockmates.
“Okay class, ilabas niyo muna ang notebook niyo. May
ididikta lang akong mga events na kailangan niyong daluhan. Incentive din to
kaya dapat dumalo kayo para makakuha kayo ng high grade sa akin. Kay?”
“Yes prof..”
Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang binder notebook ko.
Hindi ko na tinignan pa dahil busy ako sa pakikipagkwentuhan kay Rizza na
katabi ko habang kinukuha ko ang binder notebook ko sa bag ko.
Pagkabaling na pagkabaling ng aking paningin sa nakabukas na
binder notebook na hawak ko ay laking gulat ko sa nakita. Isang napakagandang
sketch drawing na sa tingin ko ay ginamitan lamang ng pencil, isang lalaking
tila malungkot at nakaharap sa isang sea wall. Napakaganda, ngunit..
Teka..
O.O
O.O
“Ako to ah??!!”
-I T U T U L O Y.
-How ‘s the chapter 1
guys? Churi kung maikli ah? Bawi na lang ako sa ibang Chaps =) Salamat.
aba bang ka iinam naman ng chapter1 sana eh patuloi ang upadate
ReplyDelete-jojo
na bored ako sa chapter na to. pabalik balik lang ang paglalahad tungkol sa kanila ni xander. wala pang excitement. pls mr. author wag namang masyadong i-drag ang story. i hope makabawi ka sa chapter 2.
ReplyDeleteomar kamil
Nyc gnda po ulit ns love story n to..hehehe..nxt chpter n po..
ReplyDeleteAqua_17
Naiinlove pdin ako ♥
ReplyDeleteGo Xander show na ur feelings ke Colby..tnx niel
ReplyDeleteRandzmesia
sana happy ending na ang 318...
ReplyDeletego xander..win colby's heart...
Emege !!! sana si xander nalang !!! xDxDxD very very very GOOD story . God Bless You ! more power :::: keep writing !!! \m/ (^_^ \m/ )
ReplyDelete---- ALLIIIYYYY
ganda po ng story!
ReplyDeletekatatapos ko lang kagabi sa final ng ang txm8 qu..haha:-D
_sana po my next na ung my 2nd attemps to love!
umamin kna kasi xander!
arvin
ay wala pa ring update?
ReplyDeletesana ligawan na ni xander si colby sa next chapter. ayiiieeeee kilig much ang peg!
ReplyDeletehahaha..nice start..go colby-xander love story..hehehe...kapangalan ko pa..kaya ky xander ako...
ReplyDeleteWulah pa bang part 2 team xanby 4ever lintek na tristan yan post na part 2 pleases
ReplyDeleteGosh post na yang part 2 pweases team xanby 4evah
ReplyDeleteBasa ulit...
ReplyDeleteHahaha..nice job..