Followers

Sunday, June 16, 2013

The Yuppie Is My Papi 7


Part1 Part2 Part3 Part4 Part5 Part6


Sa umpisa'y excited and pent up ang energy ng bagong endorser ng Shu Eumura Whitening Products na si Charito aka 'Ritz Soler' ngunit habang lumilipas ang mga araw ay unti-unti ng nakakaramdam ng stress ang biglang mestizang dalaga because of her new environment.
Naging All out talaga ang Shu Eumura Philippines sa kanilang promotion para sa kanilang new product kaya nama'y five days straight na naging occupied ang schedule ng dalaga sa tv appearances and photo shoot para sa mga magazine ads and sa mga events ng kanilang Company.
Lalong naghipit naman kay Charito itong si Mrs. Chavez at ang kaniyang anak na si Sir Benedict naman ang naging kasa-kasama ng dalaga sa lahat ng mga schedules at pagRampa nito.
"WAG MO NAMANG IBALIBAG YUNG PINTO!!!" Ang galit at malakas na saway ni Sir Benedict sa kakasakay lang sa kotseng si Charito.
"Bat ganyan ang pagmumukha mo?" Ang sunod na sambit muli ni Sir Benedict sa nakangangang si Charito.
"SHUT UP!!! NANGANGALAY ANG PANGA KO SA KAKANGITI!!!" Ang masungit na reply naman ni Charito na ikinangisi naman kaagad ni Sir Benedict.
"Sabi ko na nga ba eh! Sumuko din si Charitz!" Ang natatawang reply ni Sir Benedict.
"TIGILAN MO NA YANG KAKA-CHARITZ MO KALBO!!!" Ang galit na galit na bulyaw naman ni Charito sa tumatawang binata. Nakuha ni Sir Benedict ang pinakamatinding pang-asar niya sa kanilang new endorser.
Aksidente lang ang pagkakaDiscover ni Sir Benedict sa kaniyang Pet name na 'CHARITZ' para sa dalaga dahil one time ay tatawagin niya sana ito sa totoo nitong pangalan ngunit biglang naalala niya na may Screen name na pala ito kaya nang bigkasin niya ito sa harapan ng dalaga'y napaghalo ni Sir Benedict ang dalawang pangalan nito.
"Ihatid na natin si Chai sa Condo niya Ben." Ang pagSinggit bigla ni Dennis upang mapigalan ang namumuong pagbabatuhan na naman ng pag-aalaskahan ng dalawa. Kakagaling lang nilang tatlo mula sa isang promotional event ng Shu Eumura for 'Ritz Soler' sa The Fort.
"Mabuti pa nga at may pupuntahan pa tayo!" Ang nakangising reply naman ni Sir Benedict kay Dennis sabay kindat dito. Nangiti na lamang itong si Dennis na siya naman ikinataas ng kilay ni Charito nang mapansin nito ang dalawa.
"Wait Lang Kalbo! Baka naman pwedeng ihatid nyo na lang ako sa bahay namin. Wala naman tayong lakad bukas. Miss na miss ko na kasi sina Mommy at Daddy eh." Ang biglang pakiusap naman ng dalaga kay Sir Benedict na ikinatahimik ng isa.
"Sige na Please!" Ang muling pakiusap ng dalaga.
Hindi nakaligtas sa dalawang mga mata ni Charito ang paglalapat ni Dennis ng kaniyang kamay sa braso nitong si Sir Benedict at marahang tinunguhan nito ang kaniyang kaibigang kalbo.
"Ngayon lang to Charitz! BEHAVE KA! HUWAG KANG MAGPAEXPOSE SA PUBLIC!!!" Ang matigas na bilin ni Sir Benedict kay Charito na ikinangiti naman ng dalaga.
"THANK YOU TALAGA KALBO!!! BUTI NA LANG AT NANDIYAN SI DENNIS!!!" Ang masayang outburst ni Charito sa dalawa at talaga namang noon pa gustong makauwi ni Charito sa kanilang bahay.
Naging masaya lang sa biyahe itong sina Sir Benedict at si Dennis papunta kina Charito dahil sa kanilang pagbibiruan habang tahimik na nakikinig lamang ang dalaga sa kanilang dalawa.
Napabugtong hininga na lamang itong si Charito nang biglang may nakita siyang TriCycle sa kanilang dinadaanan at kaagad na pumasok sa kaniya ang larawan ni Eric.
Labis ang pagtataka ng dalaga kung bakit walang paramdam itong tricycle driver simula nang makalabas na siya ng Hospital. Ito pa ang isang dahilan kung bakit gustong makauwi ni Charito sa kanila.
Gusto niyang makita itong si Eric at makausap ngunit hindi alam ni Charito kung ano nga ba ang pag-uusapan nila. Basta ang pakiramdam ng dalga'y namiMiss niya ang pagsamba sa kaniya nitong si Eric.
"GAGO KA!!!" Ang masayang bulalas ni Dennis kay Sir Benedict na nagpabalik sa lumilipad na idiwa ni Charito. Tumaas ang dalawang kilay nang dalaga nang makita niyang nilalamutak ng nakangising si Sir Benedict ang braso ng tumatawang si Dennis at nasa Mainit na paghaharutan itong dalawa.
"MAGDRIVE KANG MAAYOS KALBO!!! GUSTO KONG MAKAUWI NG BUHAY SA AMIN!!!" Ang saway ni Charito kay Sir Benedict nang makita niya itong lalo pang gumaslaw sa pakikipagbiruan kay Dennis at hindi na masyadong nakatuon ang paningin nito sa kalsada.
"ANO BA KAYO??? PARA KAYONG MAGSYOTA!!!" Ang naibulalas muli ni Charito nang hindi siya pinansin ni Sir Benedict.
"PWEDE!!!" Ang masayang reply kaagad ni Dennis sa sinabi sa kanila ni Charito.
"HOY CHARITZ!!! HINDI KAMI MAGSYOTA!!! KAIBIGAN KO LANG SI DENNIS!!!" Ang defensive na bulyaw naman ng nabiglang si Sir Benedict sa dalaga at talaga namang nagulat siya sa sinabi nito.
Kitang-kita ng dalawang mga mata ni Charito ang pag-iiba ng mukha nitong si Dennis. Ang masayang gwapong mukha ni Dennis ay kaagad na nakitaan niya kaagad ng paguhit ng isang napakalaking pagSimangot sa mga labi nito.
"Biro lang naman Kalbo!" Ang bawi naman ni Charito.
"Alam ko namang hindi mo syosyotain si Dennis dahil nakita ko sa FB mo na puro mga malalandi at Pok-pok ang type mo!" Ang hindi iniisip na isinagot kaagad ni Charito na nagpaputla kay Sir Benedict.
"Paano mo nalaman Chai?" Biglang tanong ni Dennis.
"Hindi kasi siya nakapagLog-Out noong ginamit niya yung iPhone ko para magFB. HI HI HI!!!" Ang feeling smart ng Clueless na si Charito.
"Kaya kitang-kita ko kung paano makipagLandian sa mga Pok-pok yang si Kalbo!!!" Ang dagdag pa ng dalaga.
Kitang-kita ni Charito na lalong naging serious ang mukha nitong si Dennis at hindi na sumabat itong si Sir Benedict which is not very usual for him.
Nagkaroon ng isang malaking Question mark sa isipan nitong dalaga nang biglang nanahimik ang dalawang magkaibigan habang binabagtas ng kanilang kotse ang daan papauwi sa kanila ngunit hindi mapigilan ng dalagang ngumiti dahil sa ngayo'y hindi pa niya maConclude kung may malansang namamagitan nga ba sa anak ng kaniyang amo't sa kaibigan nito ngunit dahil sa nangyari ngayo'y malapit na niyang malaman ang katotohanan.
Sa simula pa lamang nang makita't makilala niya kasi itong si Dennis ay nagkaroon na kaagad siya ng kutob sa dalawa.
"Salamat Kalbo!" Bye Dennis!" Ang masaya't malanding paalam ni Charito sa magkaibigan nang bumababa na siya ng kotse. Matamlay na nginitian na lamang siya ni Dennis at hindi naman siya pinansin nitong si Sir Benedict at nananatiling tahimik pa din ito.
BROOOOOOOOOM
"SYET NAMAN!!! PROBLEMA MO KALBO!!!" Ang malakas na bulyaw ni Charito nang pinaharurot bigla ni Sir Benedict ang kaniyang kotse'y binugahan siya ng usok mula sa tambutso nito
"Buking ka na!!!" Ang natatawang sambit na lamang ni Charito para kay Sir Benedict.
"ATE!!!" Ang biglaang umalingaw-ngaw na boses ni Jun-jun mula mula sa kanilang gate.
"Saan kayo pupunta?" Ang biglang naitanong naman ng Dalaga sa kaniyang bunsong kapatid at Nanay nang makita niyang papalabas ang mga ito sa kanilang gate.
"Hindi ka naman nagSabing uuwi k pala Chai? Teka lang at iinit ko yung mga ulam." Ang mabilis na reply naman ni Aling Celia sa anak sabay pasok nitong muli sa kanilang gate.
"Kumain na po ako Mommy! San ba ang punta ninyo?" Ang biglang reply naman ni Charito sa kaniyang nanay upang hindi na ito mag-alala pa.
"Pupunta kami sa Burol ni Mang Igno! Nauna na doon si Tatay." Ang sagot naman ni Jun-jun.
"Sama ako!" Ang mabilis na sagot naman ni Charito dahil hindi pa naman siya inaantok at gusto din niyang makita ang kaniyang mga kapitbahay upang makapagyabang sa mga ito.
"Jun-jun, Kumusta na ang Kuya Eric mo?" Ang hindi mapigilang tanong ni Charito sa kaniyang kapatid habang naglalakad sila papuntang lamayan.
"Bakit Ate? Miss mo na si Kuya Eric?"
"SIRA!!! Wala kasi siyang paramdam sa akin!"
"Mommy! Bakit ka ngumingiti???!!!" Ang puna naman kaagad ng dalaga sa kaniyang Nanay Celia ng mapansin niya itong pangiti-ngiti.
"Masaba ba ang ngumiti?" Ani ni Aling Celia.
"Nagtatanong lang naman ako tungkol kay Eric eh." Ang defensive na sagot naman ni Charito.
"Kamusta na siya Mommy?"
"Ewan ko Chai. Hindi na nagpupunta sa bahay eh. Ikaw lang naman ang pinupuntahan nun eh!"
"Oo nga Ate! Hindi na nagpupunta si kuya Eric eh. Dinadalaw ka ba niya sa Condo mo?" Ang pagSingit naman ni Jun-jun.
"Magtatanong ba naman ako kung nagpaparamdam siya sa akin?" Ang naiinis na sambit naman ni Charito sa kapatid.
Hindi mapigilang maiinis ng kaunti ni Charito ng mga sandaling yuon at habang papalapit na silang tatlo sa lamaya'y nagdarasal ang dalaga na sana'y makita niya doon itong si Eric.

********************************

"HUWAW NAMAN! MAS MAPUTI KA PALA SA PERSONAL CHAI!"
"HINDI KA NA MUKHANG ASPALTO!!!"
"KAMUSTA NAMAN ANG BUHAY ARTISTA???!!!"
"BIGLANG GANDA KA AH!!!"
"Dati pa naman akong maganda di ba???!!!" Ang natatawang sambit na lamang ni Charito sa kaniyang mga kapitbahay na nakikipaglamay din.
Pinagkaguluhan nila ang dalaga nang makarating na ito sa lamayan at kahit na ang nabalong si Aling Medi'y nakigulo na din at nakalimutan nitong nagluluksa siya sa pagkamatay ng kaniyang asawa.
"Eh pano na yan Aling Medi, Wala ka nang sisigawan at bubugbugin." Ang tanong ni Chai sa Balo nang makaupo na sila ng kaniyang Nanay at kapatid sa isang mesa na malapit sa kabaong.
"Yun na nga Chai eh! Biglaan talaga ang mga pangyayari! Plano ko pa namang sermunan itong si Igno kagabi pag nakauwi na. Yun pala eh hindi na makakauwi at inatake sa inuman! WAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH!!!" Ang emotional na ani ni Aling Medi sa mag-iina.
Tinignan na lamang nina Charito itong si Aling Medi na nag-iiyak at Hysterical na pagulong-gulong sa semento dahil sa pagkaUpset nito sa biglaang pagkamatay ng asawa nito.
"Manginain ka muna Jun-jun! MakipagKwentuhan ka muna Chai!" Ang utos naman ni Aling Celia sa kaniyang mga anak habang itinatayo niya ang humahagulgol na si Aling Medi at pinapakalma.
"CHAI! MISS KA NA NAMIN! TARA TONG-ITS TAYO!" Ang yaya naman ng isang kapitbahay ni Chai sa dalaga na kaagad namang pinaunlakan nito.
"Ay Teka wala akong dalang pera!" Ang sambit naman ni Chai nang makaupo na siya sa tumpukan ng mga nagsusugal.
"ARTISTA KA NA TAPOS WALA KANG PERA! MANIWALA KAMI! Ang tukso naman ng isang kapitbahay ng dalaga habang nagbabalasa na ito ng mga baraha.
"Credit card na kasi ang gamit ko eh! PAUTANG MUNA!" Ang paCute na pagyayabang naman ni Charito.
Naging masaya ang pakikipaglaro ng dalaga ng Tong-its sa kaniyang mga kapitbahay at pakiramdam talaga nito'y dalaga'y para siyang nakalaya sa bilibid. Ito ang hinahanap-hanap niya noong para siyang bilanggong nasa Condo.
"Eh di madami ng naliligaw sa iyo?" Ang tanong ng isang kalaban ni Chai sa Tong-Its.
"Ikaw ba naman ang maging maganda!" Ang nakangising sambit na lamang ni Charito sa mga ito.
"Sino yung gwapong kalbo na nakikita namin sa TV na kasa-kasama mo? Boyfriend mo na ba iyon?"
"SECRET!" Ang nakangising sambit na lamang ni Charito sa mga nang-iintriga niyang kapitbahay.
"Mamatay kayo sa inggit!" Ang bulong-bulong ni Charito sa kaniyang sarili at talaga namang masayang-masaya siya ng mga sandaling iyon dahil bilib na bilib sa kaniya ang kaniyang mga kapitbahay.
"Kawawa naman si Eric! Balato mo na lang siya sa akin Chai! Hindi na kayo bagay nun!" Ang kantiyaw ng isang babaeng kapitbahay naman ni Charito.
"Anong hindi bagay?" Ang mabilis at nagtatakang tanong ng dalaga dito.
"Alam mo bang nalasing iyon isang beses at nagDrama!"
"Ano namang drama nun?" Ang curious na sunod na itinanong ni Charito.
"Hindi ka na daw niya liligawan dahil hindi ka na daw niya maabot!" Ang natatawang sambit naman ng kaTong-its ni Charito na ikinatawa naman ng lahat na nakikipag-umpukan sa kanila.
"PROBLEMA NIYA!" Ang maarteng sambit ni Charito ngunit hindi niya maiwasang mabalisa  mula sa kaniyang narinig.
"Totoo naman eh. Hindi kayo bagay kasi sikat ka na at Tricycle Driver lamang siya!" Ang explain nila kay Carito na ikinatigil bigla ng dalaga.
Habang nagpapatuloy ang mainitang Tong-Its session nina Charito'y palihim na niligid-ligid ng dalaga ang kaniyang paningin sa lahat ng mga taong nakikipaglamay at nang hindi niya makita itong si Eric ay nanatiling tahimik na lamang ang dalaga at tila ba mas lalo siyang napupursige na makausap at makaharap itong si Eric.
Hindi din napagkaila ng dalaga sa kaniyang sarili na medyo naUpset siya ng mga sandaling iyon nang hindi niya makita ang kaniyang matagal ng manliligaw.
Medyo naLate nang makauwi ang buong pamilya ni Charito galing sa lamayan ngunit kahit na ilang oras ang masayang pakikipaglaro ng Dalaga ng Tong-its ay hindi mawaglit-waglit sa isipan nito ang napag-alaman niya tungkol kay Eric.
"Ang tanda-tanda mo na nag-iinarte ka pa!" Ang nasambit na lamang ng dalaga para kay Eric nag inilapat na niya ang kaniyang likuran sa kainyang kama at saka lamang nito naramdaman ang napakatinding pagod na nagmula sa isang linggo niyang paglalagare bilang si 'Ritz Soler'.

********************************

TOK TOK TOK
Ang mga sunod-sunod at malalakas na katok na biglaang nagpagising sa nahihimbing na si Charito na ikinasira naman ng araw nito.
"BAKEEET???!!!" Ang bulyaw kaagad ni Charito.
"ATE! ATE! ATE! SIKAT KA NA TALAGA! NASA DYARYO KA!" Ang malakas at excited na sambit naman ni Jun-jun na siya namang ikinaGising ng dalaga. Kakabili lang ni Jun-jun ng Dyaryo para sa kaniyang kapatid na nakaugalian ng gawin ng bata.
Matapos na makapag-ayos ng sarili'y dali-daling bumaba itong excited na si Charito upang makita niya ang sinasabi ng kaniyang kapatid ngunit laking pagtataka niya nang madatnan niyang tahimik na nakatingin sa kaniya ang kaniyang Nanay at Tatay.
"Bakit parang nagulat kayo?" Ang natatawang sambit ni Charito sa kanila.
"Tignan mo to anak." Ang mahinang sambit ni Aling Celia sabay bigay ng Tabloid na 'Remate' sa Dalaga.
"Tignan mo nga Jun-jun kung sinong tao." Ang kaagad na utos naman ni Mang Kardo nang makarinig siya ng pagtawag mula sa kanilang gate.
"Baka si Kuya Eric yun!" Ang masayang sambit naman ni Jun-jun habang nagmamadali itonng lumabas.
Kaagad na nagkaroon ng isang matamis na ngiti ang dalaga nang marinig niya ang pangalan ni Eric. Balak kasing puntahan na ni Chario itong si Eric sa kanilang bahay ngayong araw na ito.
"Bakit naman tabloid ang binili ni Jun-jun..." Ang nagtatakang sambit ni Charito bago niya tinignan ang dyaryo.
"Anak..." Ang nasambit na lamang ni Aling Celia kay Charito nang makita niyang nanlaki ang dalawang mata ng dalaga habang tinitignan nito ang frontpage ng Remate. Hindi makapaniwala itong si Charito sa kung ano ang nakalagay sa Front page.
'RITZ SOLER: ADIK SA TONG-ITS'
"Ate Chai! May sasabihin daw sa'yo si Mariz!" Ang sambit naman ni Jun-jun nang makapasok na ito ng bahay na kasama ang kanilang kapitbahay na si Mariz.
"CHAI! SORRY TALAGA!!! INILAGAY KO ANG PICTURE NATIN SA FB!!! HINDI KO NAMAN ALAM NA KAKALAT ITO!!!" Ang paghingi ng paumanhin ng nakalarong dalaga ni Ritz kagabi sa lamayan. NagPicture-picture kasi sila kagabi na kasama si Charito habang nasa kalagitnaan sila ng mainitang Tong-its Session.
Hindi pa din makaPagReact itong si Charito at tanging ang galit na mukha lamang ni Mrs. Chavez ang gumuguhit sa kaniyang isipan sa mga sandaling iyon. Mahigpit na mahigpit kasi siyang pinagbawalan ng kaniyang among huwag magpaExpose masyado sa public upang maiwasan ang mga ganyang headlines sa dyaryo.
"Tignan mo nga ulit kung sino yung tumatawag." Ang utos muli ng Mang Kardo kay Jun-jun nang may taong tumawag muli sa kanilang gate.
Napaupo na lamang si Charito dahil sa panglalambot ng kaniyang tuhod habang tinitignan pa din niya ang kaniyang larawan na may hawak ng baraha't nakaPose at nakaSmile na nasa Frontpage ng Remate.
"Ate Chai! Andito si Sir Benedict!" Ang ani ni Jun-jun sa kapatid nang pumasok na muli ito't kasama itong si Sir Benedict.
Labis ang pagkagulantang ng dalaga at hindi niya maiwasang makipagtitigan sa anak ng kaniyang amo't wala siyang mahugot na salita upang sabihin dito.
Labis ang pinagtaka ng dalaga nang mapansin niyang suot pa din ni Sir Benedict ang suot nito kagabi at kitang-kita ni Charito ang malalalim na eyebags sa obvious na malungkot na mukha nito.
"Pinasusundo ka ni Mommy. Gusto ka daw makausap." Ang matamlay na sambit ni Sir Benedict.
"Mommy! Samahan n'yo ako! HOY IKAW BALUGA!!! SUMAMA KA DIN!!!" Ang nagpaPanic na sambit ni Charito kay Aling Celia at Mariz at alam na niya kasi kung ano ang mangyayari sa kaniya.
"Sige..." Ang sambit na lamang ng Nanay ni Charito habang tumungo na lamang itong si Mariz. Alam nilang nasa sa Trouble ang dalaga dahil sa kumalat na mga picture nito.

********************************

Halos mang liit itong sina Charito, Aling Celia at Mariz habang nakaupo sila't naghihintay sa napakalaking Salas ng Mansion ni Mrs. Chavez. Hindi akalain nitong si Charito na dadalhin pala sila nitong si Sir Benedict sa bahay ni Mrs. Chavez sa Wak-wak.
"Good Morning." Ang bati ni Mrs. Chavez sa tatlo nang hinarap na niya ang mga ito habang tahimik lamang na nasa sa tabi nito ang kaniyang anak na si Sir Benedict. Lalong nanlamig ang buong katawan ni Charito nang makita niyang hawak sa isang kamay ng kaniyang amo ang tabloid na Remate.
"Sit Down Benedict." Ang sambit muli ni Mrs. Chavez sa anak na walang almang sinunod naman nito.
"MA'AM SORRY PO! HINDI KO PO TALAGA SINASADYA!!! HU HU HU!!!" Ang biglang sambulat ni Charito kay Mrs. Chavez nang makaupo na din ito. Guilting-Guilty ang dalaga sa malaki niyang kasalanan at pagsuway sa utos ng Amo.
"Pasensya na po Ma'am. Hindi ko din po napansin ang anak ko." Ang paghingi din ng paumanhin ni Aling Celia kay Mrs. Chavez.
"AKO PO ANG MAY KASALANAN MA'AM! HINDI PO AKO NAGPAALAM KAY CHAI NA ILALAGAY KO SA FB YUNG MGA LITRATO!!!" Ang exag na pagSegunda Mano naman ni Mariz.
Habang nasa biyahe pa lamang papunta sa bahay ni Mrs. Chavez kanina'y napagplanuhan na ng tatlo ang kanilang paghingi ng Sorry dito. Napangiti na lamang itong si Mrs. Chavez sa palabas ng tatlo.
"Shhhh..." Ang pagpapatigil ni Mrs. Chavez sa sunod-sunod at nakakabinging paghingi ng Sorry mula sa tatlo.
"Makinig ka muna Chai..." Ang pagsisimula muli ni Mrs. Chavez nang manahimik na ang kaniyang mga bisita.
"Siguro naman eh alam mo na kung bakit kita pinatawag at alam mo na din naman na hindi maganda ang maidudulot ng pakikipagTong-Its mo samadla paraa Company natin..."
Nahihiyang tumungo na lamang itong si Chai sa kaniyang amo.
"Lahat ng mga Board Members eh balisa ngayon..." Ang pagpapatuloy ni Mrs. Chavez.
"Bukas na bukas ay magpapaPress Conference tayo at ikaw na ang bahala kung paano magpapaliwanag sa mga tao tungkol sa kumalat mong Picture habang nakikipag sugal ka." Ang pagtatapos ni Mrs. Chavez na ikinatahimik naman ni Charito.
"Ayos ba Chai?" Ang next question ni Mrs. Chavez.
"Opo..." Ang nahihiyang sambit ng dalaga dito.
"Bahala ka ng dumiskarte para naman hindi masayang ang pinaghirap namin sa pagproPromote sa iyo.... At saka pala Cha..." Ang usal muli ng matandang babae.
"BLAH... BLAH... BLAH..." Ang malaArmalite na sermon nitong si Mrs. Chavez kay Charito at halos mapapikit ang dalaga dahil sa tindi ng sermon sa kaniya ng kaniyang amo.
"At ikaw... JOHN BENEDICT CHAVEZ THE THIRD..." Ang next na sinambit naman ni Mrs. Chavez sa kaniyang matamlay na anak nang masatisfy na ito sa panenermon kay Charito. Huminga kaagad ng malalim itong si Sir Benedict upang maihanda ang kaniyang sarili sa panenermon sa kaniya ng kaniyang Mommy.
"Di ba ikaw ang dapat na tumingin kay Chai upang makaiwas sa mga ganito..." Ang relax na pambungad ni Mrs. Chavez sa kaniyang anak habang ipinapakita niya dito ang dyaryo ng Remate.
"BLAH... BLAH... BLAH..." Ang hindi pagpapaligtas ni Mrs. Chavez na panenermon sa kaniyang anak. Katulad ni Charito'y napapapikit din itong si Sir Benedict mula sa matinding panenermon sa kaniya ng kaniyang Mommy.
"Misis..." Ang sunod na inusal naman ni Mrs. Chavez kay Aling Celia na siya namang biglang ikinakaba nito.
"Tara muna't magMerienda tayo... Dito na din kayo mananghalian..." Ang nakaSmile na alok ni Mrs. Chavez kay Aling Celia na ikinahinga naman ng maluwag nito.
"Pumunta tayo sa Garden at ipapakita ko sa inyo ang mga halaman ko!" Ang masayang sinambit muli ni Mrs. Chavez kay Aling Celia
Buong araw na nakipagChkahan itong si Aling Celia kay Mrs. Chavez at parang walang nangyari lamang ang lahat kay Mrs. Chavez na siyang ikinagaan ng damdamin nitong si Aling Celia para sa kaniyang dalaga.

********************************

Gabi na nang maihatid ni Sir Benedict sina Aling Celia at Mariz sa kanilang mga bahay at itong si Charito'y kaniya namang ihahatid na sa Condo nito.
Bago umuwi'y binigyan ng detention ni Mrs. Chavez ang dalaga at ang tanging makakapagpawala lamang nito'y kung magiging positive ang gagawin nilang press conference kinabukasan.
"Hindi ba dapat gumugulong ka sa kakatawa dahil sa nangyari?" Ang hindi maiwasang tanong ni Charito kay Sir Benedict dahil nagtataka talaga siya dito't napakatahimik nito simula pa kaninang umaga. Sinimangutan na lamang ni Sir Benedict ang dalaga at wala siya sa mood na makipag-asaran dito.
"Teka nga pala! Hindi mo ata kasama si Dennis?" Ang muling tanong ng dalaga.
"Huwag ka na ngang maingay at BadTrip ako!" Ang ismid kaagad ni Sir Benedict sa dalaga.
"Cool ka lang nga!!! Bad Trip din ako!!!" Ang reply naman ni Charito.
"Itabi mo muna dyan sa 7/11!" ang biglang likong request ng dalaga kay Sir Benedict. Na ipinagtaka naman ng isa.
"May bibilhin ka ba?" Ang tanong naman ni Sir Benedict kay Charito nang nakapagPark na siya sa tabi ng 7/11.
Kaagad na nagbandana at nagShades itong si Charito at nagmamadaling bumaba at iniwang nagtataka at nakanganga itong si Sir Benedict.
"OIST ANO YAN???!!!" Ang gulat na tanong kaagad ni Sir Bnenedict kay Charito nang makasakay na muli ito sa kaniyang kotse habang itinuturo niya ang bitbit ng dalagang tatlong Red Horse Beer Grande.
"PAMPAWALA NG BADTRIP!!!" Ang maikling sagot na lamang ni Charito.
"Iinom ka?"
"IINOM TAYO!!! DI BA SABI MO BADTRIP KA???!!! Sa hitsura mo kasi eh parang kailangan mo din ang pampawala ng BadTrip!"
"Oh San ka pupunta???!!!" Ang biglang tanong naman ni Charito mapansin niyang nag-alis ng seatbelt at binuksan ni Sir Benedict ang pintuan sa side nito ng kaniyang kotse.
"Kulang yan at talagang Bad Trip talaga ako kay Dennis!!!" Ang  bitter at mabilis na sinambit na lamang ni Sir Benedict kay Charito.

********************************

Hindi na nag-aksaya pa ng mga sandali ang dalawa at sinimulan kaagad nila ang kanilang Inuman Session nang makarating na sila sa Condo nitong si Charito.
Sa simula'y tahimik lamang na nag-iinuman ang dalawa dahil medyo akward pa sila sa isa't-isa...
Ibang-iba kasi ang kanilang pakiramdam at para silang naninibago dahil hindi sila nag-aalaskahan...
...
...
...
Medyo nawawala ng unti-unti ang inhibitions nina Sir Benedict at Charito sa isa't-isa habang isa-isa nilang naitutumba ang mga binili nilang Toma...
...
...
...
5 Red Horse Grande...
...
...
...
Isang Medium na San Mig Blue...
...
...
...
4 na bote ng Tanduay Ice...
...
...
...
"Bakit ganyan ka makatingin?!" Ang biglang puna ng lasing na si Charito kay Sir Benedict.
"Ilang taon ka na nga pala..."
"32..."
"Hindi halata... Mukha ka lang kasing nasa Mid 20s..."
"Ang galing mong mambola Kalbo..."
"Totoo yang sinabi ko..."
"Nung maitim ka pa eh mukha kang 40..."
"Gago!!! HA HA HA!!!" ang natatawang sambit ni Charito sabay pagbibigay niya ng pabirong paghampas sa braso ng kainuman.
"Ang tigas pala ng muscles mo..."
"Siyempre naman..." Ang mayabang na sambit ng lasing na din na si Sir Benedict sabay pagfleFlex niya ng kaniyang muscles sa harapan ng dalaga.
NakaSando na lamang itong si Sir Benedict ng mga sandaling iyon....
"Ang gwapo mo talaga..."
"HA? PAKIULIT???!!!"
"Sabi ko ang gwapo mo..." wala na sa wisyo itong si Chaito at kung ano ang nakikita niya'y yun ang bukambibig din niya.
"May hitsura ka din naman Chai..."
"Talaga..."
"Masama nga lang!!!" Ang nakangising banat ni Sir Benedict.
"ARAY!!! ARAY!!!" Ang malakas na sunod na niusal nito nang walang pasabing kinurot ng dalaga ang kaniyang pisngi.
"Ang cute cute mo talaga..." Ang nasambit ng nangGigil na dalaga sa kaharap na biglang ikinatigil nilang dalawa...
"SuperBass ka ba???" Ang out of nowhere na tanong ni Sir Benedict sa kaharap na dalaga.
Biglang nangiti na lamang itong si Charito dahil narinig na niya ang ganoong banat.
"Bakit???" Ang malanding tanong ng dalaga kay Sir Benedict at sure na sure siya na isasagot nito sa kaniya'y 'Kasi You Got My HeartBeat Runnin Away Eh'.
"KAMUKHA MO KASI SI NIKKI MINAJ EH!!!" Ang humahagalpak na bulalas naman ni Sir Benedict sa nabiktimang si Charito.
"IKAW TALAGA KALBO!!!" Ang malandi't galit-galitang usal naman ni Charito at akmang kukurutin na niya muli ang pisngi ni Sir Benedict ay walang pasabing niyakap siya ng dalawang maskuladong mga bisig nito.
Alam kasi nitong si Sir Benedict na kukurutin muli siya ng dalaga...
Damang-dama ni Charito sa kaniyang balat ang maiinit na pagyapos sa kaniya ni Sir Benedict na bigla niyang ikinatahimik...
...
...
...
Naramdaman din naman kaagad nitong si Sir Benedict na biglaang nanahimik itong si Charito't ilang saglit lamang ay dagliang sumabog ang nakakabinging katahimikan sa apat na sulok ng Condo ng Dalaga...
...
...
...
Tahimik na nagkonekta ang kanilang mga paningin...
Napakagat ng sariling mga labi ang dalaga na siyang napansin naman ni Sir Benedict...
"Ang ganda pala ng lips mo..."
"Hmmm... Ano kamo..." Ang malanding tanong muli ni Charito...
"Sabi ko..."
"UUUUHHHMMMPPPHHH..." Ang naiusal na lamang ni Charito nang hindi na tinapos ni Sir Benedict ang kaniyang sinasabi at walang pasabing inilapat nito ang sariling labi sa labi ng dalaga.
"Bakit mo ako hinalikan Kalbo???!!!"
"Eh sa gusto ko eh!!! BAKIT AYAW MO BA???!!!"
"MAGPAALAM KA MUNA KASI EH!!!"
"Eh mamaya pag nagpaalam ako eh hindi ka pumayag!!!"
"SINONG MAY SABING HINDI AKO PAPAYAG???!!!" Ang bulalas naman ng dalaga at sa pagkakataong ito'y si Charito naman ang naglapat ng kaniyang mga labi sa labi nitong si Sir Benedict.

********************************

Ikinurap-kurap muna ng dalaga ang kaniyang mga mata nang maalimpungatan siya sa kalagitnaan ng gabi...
"HHHHMMMMM..." Ang unang lumabas na tunog mula sa bibig ni Charito ng mga sandaling iyon habang nag-uunat-unat siya at talagang napakaginhawa ng kaniyang pakiramdam.
Nagkamot-kamot muna ng leeg ang dalaga habang ipinikit niyang muli ang kaniyang mga mata...
Pakiramdam ni Charito'y para siyang minasahe't napakaluwag ng kaniyang pakiramdam...
"Ha???!!!" Ang biglang naiusal ng dalaga nang mapagtanto niyang wala siyang suot na Bra nang magawi ang kaniyang pagkakamot sa kaniyang dib-dib.
Napaupong bigla itong si Charito sa kaniyang kama kasabay nang panlalaki ng kaniyang mga mata habang unti-unti niyang naalala na nakikipag-inuman pala siya kay Sir Benedict...
Napagtanto nang dalagang nasa sa kaniyang kuwarto siya ngayo't hubo't hubad at tanging kumot lamang ang nakatapi sa kaniya...
Ramdam ng dalagang may katabi siya sa kaniyang kama...
Kahit na ayaw ni Charito ay lakas loob niyang dahan-dahang nilingon ang kaniyang katabi...
"A-a-anong gi-gi-ginawa mo sa akin???" Ang nauutal na sambit ni Sir Benedict nang nagtama ang paningin nila ni Charito.
Batid na batid ng dalaga ang Shocked na pagmumukha nito...
Nakaupo't nakasandal itong si Sir Benedict sa headboard ng kama't nakakumot habang nanlalaki ang dalawang mga mata nito...
Batid ni Charitong hubad ang maskuladong katawan nitong nasa ilalim ng kumot...
...
...
...
"IKAW PA ANG MAY LAKAS NG LOOB NA MAGTANONG!!! TIGNAN MO NGA ANG GINAWA MO SA AKIN!!!" Ang bulyaw at galit na galit na sagot naman ni Charito habang ipinapakita niya sa nagulantang na si Sir Benedict ang mantsa ng dugo na nasa sa kumot.
"ANO NA ANG SASABIHIN SA AKIN N'YAN NI ERIC???!!!" Ang sunod na bulyaw nang dalaga na biglang ikinatigil naman nito.
...
...
...
Nang mga sandaling yao'y unti-unting nagliwanag ang isipan ng Dalaga...
Unti-unting pumasok at napagtanto nitong si Charito ang katotohanang matagal ng nahihimlay sa loob ng kaniyang puso...
Ang kaniyang huling mga binigkas ang siyang katunayan kung ano ang nilalaman ng kaniyang totoong damdamin...
Kahit hindi makapaniwala ang dalaga'y tinanggap niya ng buong-buo ang katotohanan...
Ang katotohanang malakas ang kaniyang tama sa TriCycle Driver na si Eric...






To Be Continued

15 comments:

  1. The 'SuperBass' Boy Banat was from Kuya PG Berdz :) Credit Goes to him :) NYAHAHAHA!!!

    ReplyDelete
  2. Mukhang si charito at benedict ang magkakatuluyan dito.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Too early to Tell Kuyang Anon :)))

      Delete
  3. magkakaanak na sina ben at eric hahaha ang saya naman nice one manong!

    ReplyDelete
    Replies
    1. :)) magkakaanak silang apat manong! :)))))))))))))))))))

      Delete
  4. Hahaha dami kong tawa sa superbass...
    Chai & Eric then Benedict & Dennis (^_^)....
    Medyo maikli ang chapter na ito pero ng-njoy parin ako
    Tks sa update ponse

    ReplyDelete
    Replies
    1. Walang anuman Kuya Richie :))) Sa next chapter ko na sasabihin ang lahat-lahat para magkaalaman na :)))

      Delete
    2. Nahawa na rin ako sau... Adik na rin Lol...

      Delete
  5. interesting story ... keep it up ponse... wait ko next chapters...


    = paolo miguel =

    ReplyDelete
    Replies
    1. I will finish this kuya Paolo asap :)

      Delete
  6. Mas bet ko si Eric para kay Charito. Hayaan na lang si Benedict at Dennis sa isa't isa......

    ReplyDelete
  7. Gosh baka majontis c chai paano n c papa eric? Tnx ponse.

    Randzmesia

    ReplyDelete
  8. Nakow, malamang matulad si Charitz kay Lally ng MHL.

    ReplyDelete
  9. tnx kuya p hahahaha infairview natawa parin ako..... ayan chai wag ka kasing mag lasing hindi mo tuloy na feel ang himasan nyo hahahahaha

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails