Followers

Tuesday, June 25, 2013

Tough Love Chapter 7






















Tough Love Chapter 7

By: Yoseph D.


“Mr. Anthon Safrence, go to the directors office right now. You are excuse in your 1st period class.”

Umalis na ito kaagad at dumeretso na siya ng director’s office.Nagulat ang mga nandoon sa loob dahil sa announcement na iyo dahil announcement yun ng mga napaparusahan at yung mga malapit nang matanggal sa Olsen. Napagtsismisan siya ng mga classmates niya.

Classmate 1: Siguro, baka matanggal na siya.

Classmate 2: Baka nga siguro, eh di niya inurungan si Mic eh.

Classmate 1: Di naman masyado.

Biglang nagalit si Marion at Louie.

Marion: HOY MGA LOKO KAYO AH! BAKIT NIYO SINASABI NA TANGGAL SI ANTHON?

Classmate 1: Angas mo ah! Eh tinawag eh.

Louie: Wag kayo gagawa ng generalization ah. Mapanghusga kayo masyado.

Classmate 1 and 2: Okay.

Napatahimik na lang sila doon sa sinabi ni Marion at Louie. Habang nasa harap na siya ngayon ng directors office ay mukhang kinakabahan siya dahil sa pinatawag siya ng school director.
Anthon: Shemay. Nakakakaba naman. 1st week pa lang eh pinapatawag na ako. Nakanangteteng naman. May ginawa ba akong masama? Oh my.

Biglang nakita siya ni Neilsen at kinausap siya nito saglit.

Neilsen: Thonny! Bakit nasa harap ka ng Director’s office?

Anthon: Eh pinapatawag kasi ako ni Director eh. Nakakakaba sobra.

Neilsen: Wag kang kabahan. Siguro baka kakausapin ka lang niya para dun sa scholarship.

Anthon: Sa bagay. Pumasok ka na kaya Neilsen! Late ka nanaman.

Neilsen: Haha. Sige sige, pero hug muna kita para mawala kaba mo ah.

Biglang hinug ni Neilsen si Anthon at napatahimik na lang si Anthon nung hinug siya.

Neilsen: Okay ka na? Are you not nervous na?

Anthon: Tama lang. Grabe ka ah. Niyakap mo pa ako ah. Magsyota ba ang peg?

Neilsen: Peg?

Anthon: Ayy sorry sa term. Peg means gusto or trip.

Neilsen: Ahh.. Bagong word yun ah. Well, kaya mo yan Thonny. Sige pasok na ako. Ingat ka.

Anthon: Ikaw din.

Pumasok na nga si Anthon sa loob ng director’s office.

Anthon: Good morning po Director Ogawa.

Mr. Ogawa: Good morning din. You’re Mr. Anthon Isidore Safrence right?

Anthon: Yes po Sir.

Mr. Ogawa: Ayun, take a seat Anthon.

Umupo na nga si Anthon sa upuan. Ramdam pa din niya ang kaba dahil sa pinatawag siya.

Anthon: Sir, bakit niyo po ako pinatawag?

Mr. Ogawa: Mukhang kinakabahan ka ata Anthon.

Anthon: Opo kinakabahan po talaga ako eh.

Mr. Ogawa: Don’t worry, wala ka namang ginawang masama at di naman kita tatanggalin yung scholarship mo. Actually, kaano ano mo si Darell Safrence?

Anthon: Tito ko po. Bakit po?

Mr. Ogawa: Mana ka sa kanya. Magaling din magsulat.

Anthon: Weh? Paano niyo po nakilala si Tito Darell?

Mr. Ogawa: Classmates kami nung college sa mga ibang courses.

Anthon: Wow naman. Astig naman po.

Mr. Ogawa: Nasaan na siya ngayon?

Anthon: Ayun po, nasa Singapore po. Nagtatapos po ng Masteral Degree doon.

Mr. Ogawa: How nice. Anung degree niya?

Anthon:  Literature po ata.

Mr. Ogawa: How nice naman. Oo nga pala, nagkakilala na ba kayo ng anak kong si Michael?

Anthon: Opo. Si Mic na nakakainis na ang angas angas sobra.  Sarap hampasin sa mukha eh.

Mr. Ogawa: Hahha. Mana ka nga kay Darell. Ganyan din sa akin si Darell bago kami maging magkaibigan.

Anthon: Wow. Hahaha akala ko po magagalit kayo sa akin.

Mr. Ogawa: Hindi ako magagalit. Actually, may favor ako sana sayo.

Anthon: Ano po iyon?

Mr. Ogawa: Nagkakaproblema kasi ako sa anak ko eh. Matagal ko na siyang pinoproblema. Sa acads at sa attitude. Matalino naman yan si Mic kaso nagbago simula nung nawala ang mommy niya 4 years ago.

Anthon: Ahh ganun po ba?

Mr. Ogawa: Ganun na nga. Gusto ko sana na tulungan mo si Mic na maging maayos siya katulad nung dati.

Anthon: Parang ang hirap naman po ata niyan.

Mr. Ogawa: Don’t worry. May kasamang allowance naman niyan sa scholarship mo. Kapag napabago mo grades niya at napatino mo anak ko pasasalamatan kita. Dapat magkasama kayo.

Anthon: Sige po, I will try my best po Director Ogawa.

Mr. Ogawa: Call me Tito Yoshi na lang. Masyado namang formal yung Mr. Ogawa  Anthon.

Anthon: Sige po Tito Yoshi.

Mr. Ogawa: Basta, yung pinagusapan natin ah. By the way, welcome to Olsen Academy! And I hope na makaya mo dito and may tiwala ako sayo kaya ingatan mo yung scholarship mo.

Anthon: Sige po Mr. Oga.. este Tito Yoshi. Salamat po! Gagawin ko po lahat ng makakaya ko.

Mr. Ogawa: That’s the sprit Anthon! Have a nice day.

Umalis na nga siya sa directors office. Malaking tuwa niya iyon dahil walang masamang balita tungkol sa kanya pero kinakabahan siya sa pinapagawa ni Mr. Ogawa dahil dun sa pinapagawa niya. Pagkalipas ng ilang oras ay nag lunch time na. Nakita niya si Mic na kasama ang M.J. at nilapitan niya ito kaagad.

Anthon: Hoy Mic!

Mic: Bakit Anthon?

Anthon: Neilsen, Wallace pwede ko ba mahiram saglit si Mic? Kasi we need lang to talk privately

Pumayag naman ang dalawa.

Neilsen: Sige okay lang Thonny.

Wallace: Sure thing.

Umalis na nga sila saglit para magusap ng masinsinan. Napili ni Mic na doon na lang malapit sa Mini garden magusap.

Mic: Bakit mo ko tinawag ah. Siguro miss mo na ko noh?

Anthon: Asa ka naman.

Mic: Bakit nga?

Anthon: Okay.  Kasi kinausap ako ng papa mo okay?

Mic: Ahh kaya pala wala ka kanina. Ano pinagusapan niyo? Na asawa na kita?

Anthon: Gago ka talaga Mic eh noh?

Mic: Di ka talaga mabiro noh? Hahah. Yan ang gusto ko, pakipot.

Biglang sinuntok ni Anthon si Mic sa mukha
Anthon: DI AKO NAGPAPAKIPOT OR SOMETHING. SERYOSO AKO DITO MIC.

Mic: Ang sakit naman.

Anthon: Letse ka kasi. Kailangan kasama kita kapag magrereview tayo and ako daw ang magiging study buddy mo.

Mic: Ano?! Study buddy? Kaya ko magisa okay? I don’t need your help.

Anthon: Ayaw din naman kitang kasama eh. Kaso scholarship ang nakasalalay sa akin okay?

Mic:Wala akong paki.

Anthon: Sige pairalin mo pride mo Mic. Di ka na ba naawa sa tatay mo?

Mic: Wala akong paki sa kanya okay? He doesn’t love me anyway.

Anthon: Paano mo nasasabi yan sa tatay mo?

Mic: Wala ka na dun. Basta, I don’t want to be your study buddy okay? Kaya kong magisa and wala akong paki sa scholarship mo and all that stuff.

Anthon: Wala kang awa talaga noh? Napilitan lang din ako dito Mic. Kung di lang talaga ako pinakiusapan ng tatay mo eh di sana di tayo maguusap ngayon.

Mic: Don’t mind my dad na lang.

Anthon: Mic. Ganoon na lang kadali sayo yun? Di ka pinalaki ng maayos.

Mic: You don’t  have the right to say that! Di mo alam ang istorya ko Anthon.

Anthon: Oo, di ko nga alam ang storya mo pero sana naman isipin mo din yung nararamdaman ng iba kung paano mawalan ng isang mahalagang bagay.

Biglang nagring ang phone ni Mic at nakita niya na may 1 text message siya galing sa papa niya.

1 text message from Dad.

Michael. Pumunta ka ngayon sa office ko asap.


Nagpaalam na si Mic kay Anthon.

Mic: O sya Anthon, pupunta na ako sa office ni dad.

Anthon: Sige.

Pumunta na nga ito sa office ng kanyang tatay. Nung pagkapasok niya kaagad sa office ay padabog niyang sinara ang pinto at nagalit ito sa tatay niya.

Mic: Dad! Why are you doing this?

Mr. Ogawa: Bakit? Is there anything wrong?

Mic: Oo dad. Why are you using Anthon?

Mr. Ogawa: Para lang naman sa ikabubuti mo anak.

Mic: You don’t love me naman diba? Si Kuya Marrod lang naman ang gusto mo hindi ako.

Mr. Ogawa: How dare you!

Mic: Totoo naman diba?

Mr. Ogawa: Anak, wag ka namang ganyan.

Mic: Di ko kailangan ang tulong ni Anthon or kahit sino pa man diyan.

Mr. Ogawa: Di mo kailangan ng tulong? Sige, you are grounded for weekends, wala kang psp, wala kang hangouts with your friends at inganganga kita sa bahay. Gusto mo yun?

Mic: Kaya ko naman magisa eh. I want to prove that kaya ko na ako lang magisa. Stop using Anthon okay?

Mr. Ogawa: Mana ka talaga sa akin pagiging stubborn?

Mic: Asa dad. I hate you forever.

Mr. Ogawa: You hate me? Sige, wala kang baon at lahat lahat pag di ka pumayag.

Mic: OKAY FINE! PAPAYAG NA AKO MAGING STUDY BUDDY SIYA KAHIT DI KO GUSTO.

Mr. Ogawa: Ayan. Buti naman anak. Sige, may class ka pa. Kain na.

Mic: Okay.

Umalis na siya sa office ng kanyang tatay, habang naglalakad siya sa hallway ay nakita niya si Anthon na kasama sila Marion at nilapitan ito.

Mic: Hey! Pahiram muna saglit si Anthon ah.

Hinila niya si Anthon palayo sa kanila at pumunta sila sa isang gilid para makapagusap ng masinsinan.

Anthon: Ang bastos mo masyado ah.

Mic: Hahahaha di ako bastos because I’m not naked.

Anthon: F.U.
Mic: Di ka talaga mabiro. Oo nga pala, papayag na ako na maging study buddy mo.

Anthon: Sa wakas.

Mic: Pero may kapalit.

Anthon: Ano naman?

Mic: Sasamahan mo ko minsan pag gusto ko sa mga lakad ko at sa mga gusto ko.

Anthon: Mic. Study buddy mo lang ako hindi alalay.

Mic: Sige ka babawiin ko yung decision ko na maging study buddy ka.

Anthon: Oo na! Papayag na ako.

Mic: Yun! Thanks Anthon. Can I have your number para naman if may lakad tayo ay itetext na lang kita.

Anthon: Sige ba.

Nagkapalitan na nga sila ng cellphone at nagexchange number na nga ang dalawa. Pagkatapos nila mag exchange numbers ay binalik na nila ang kanilang cp. Umalis na lang din kaagad ang dalawa papunta sa classroom ng walang sinabi sa isa’t-isa.


Anthon’s POV

Ang arte forever ni Mic! Sarap hambalusin ng tubo. Sa sobrang yabang ay kengene. Ewan ko ba dun pachoosy pa. Pero kanina kala ko kung ano na ang nangyari dun sa director’s office. Nagulat ako na magkakilala si Tito Darell at si Tito Yoshi este Sir Ogawa. Di ako sanay na Tito Yoshi baka kung ano pa sabihin ng mga ibang tao sa akin dito sa Olsen. Alam mo naman discrimination ang peg ng mga iba diyan. Masaya ako na nameet ko na yung director ng school. Kakaiba tawag nila sa principal ah. And nagulat ako na niyakap ako ni Neilsen pero syempre nakakakilig din kasi syempre crush ko din naman si Neilsen noh dahil sa pogi at mabait pa. Kung siya ang magiging boyfriend ko eh malaking package deal na yun noh pero wala akong paki ni mayaman or mahirap basta yung kaya akong ipaglaban hanggang kamatayan. Sorry, masyado ata akong naghahangad ng unusual eh bihira na lang ang ganyan noh! Pero di ko siguro aaminin na crush ko si Neilsen dahil baka mailang yun sa akin. Nakakahiya din naman na aminin kaagad yun noh! Pero feeling ko may masamang balak si Mic sa akin eh dahil gusto niyang gumanti sa akin kasi ako lang ang nakapalag sa kanya. Well, matapang ako eh.


Mic’s POV

Ano ba ito si Dad! Is he insane? Magiging study buddy ko si Anthon at kung di ako pumayag eh kukunin niya lahat sa akin! He’s nuts. I hate him forever. Gusto niya lang yung brother ko not me and I don’t want to meddle my life anymore pero nakaasa pa din naman ako sa kanya kaya mahirap na. Alam kong di ako mabubuhay ng wala siya. Pero parang kasi di ko naman siguro makakasundo si Anthon kahit isang beses ko na siya nakasama ng buong magdamag sa bahay. Pero I will try na makasundo siya ng matagalan. Baka kasi mainis lang ako kasi makakasama ko yung taong pumalag sa akin? Arrgghh! No way! Pero parang ito na yata ang ganti ko sa kanya. Ang maging personal assistant ko kapag kailangan ko.  Well, I guess masaya ito. Makakaganti ako ng konti sa kanya.Anthon, kala mo ikaw lang ang nakakalamang ah. Gusto ko rin sipain si Anthon at suntukin kaso parang di ko magawa eh pero sa iba nagagawa ko? I guess parang ewan ata ako ngayon.


Neilsen’s POV

Late nanaman ako. Well, I’m not an early riser pag nasa house ako eh. Nakita ko kanina si Anthon sa may labas ng director’s office mukhang kinakabahan at syempre nilapitan ko siya at kinausap ko syempre. Yun nga, he’s nervous because pinatawag siya ni Uncle Yoshi. I gave him a hug para di siya kinabahan. Di ko nga alam sa sarili ko kung bakit ko siya binigyan ng hug. It’s unusual para sa akin and 1st time lang ito. Parang nakaramdam ako ng something na nakuryente na nakakagaan ng feeling. Ito yata yung tinatawag nilang kilig. Alam kong na love at first sight ako sa kanya kaso I’m afraid to tell my feelings for him baka mailang siya or something. Nakikita ko lang siya o kaya kausap ko siya masaya ako. Di sa usual na saya na pangkaraninawan na masaya lang dahil 4x na masaya pa ako sa lagay na ito. Sana nga lagi na lang kami magkasama eh because I wanna see him every single day in my life and I want be with him. Sorry, mukhang natamaan na ata ako sa kanya ng sobra. 1st time ko mainlove sa buong buhay ko. Siguro hanggang dito na muna.


Habang nag-didiscuss si Sir Paul sa kanilang Filipino Class. Nagusap sila ni Marion tungkol sa nangyari sa kanya kanina.

Anthon:  Marion!

Marion: Ano yun dre?

Anthon: Jusko po. Kala ko kung ano na yung nangyari sa akin kanina.

Marion: Weh? Wala bang nangyaring masama?

Anthon: Actually, wala.
Marion: Nice naman. Ano sabi sayo ni Director?

Anthon:  Ayun, magiging study buddy ko daw si Mic.

Marion: WHAT?!

Anthon: Uyy hinaan mo naman ang boses mo Marion.

Marion: Nakakagulat naman kasi.

Anthon: Uyy sorry kanina ah dun sa hinila ako kaagad ni Mic.

Marion: Okay lang yun dre.

Napansin ni Sir Paul si Anthon at pinatayo niya ito

Sir Paul: Mr. Ano ang pangalan mo?

Anthon: Anthon Safrence po.

Sir Paul: Ayun, matanong nga kung alam mo ang mga teyorya ng wika?

Anthon:  Ang mga teyorya ng wika ay Ding Dong, Bow Wow, Pooh Pooh, Yo-he-ho, Ta-ra-ra-boom-de-ay, Ta-ta at Sing-song.

Sir Paul: Pakipaliwanag Mr. Safrence.

Anthon: Ang ding dong ay  Ipinalagay sa teoryang ito na ang lahat ng bagay sa kapaliran ay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa nasabing bagay. Mga tunog ang nagpapakahulugan sa mga bagay tulad ng kampana, relo, tren, at iba pa. Ang Bow Wow naman ay sa kalikasan. Dito ang tunog ng nalikha ng kalikasan, anuman ang pinagmulan ay ginagad ng tao. Halimbawa, ang tunog-kulog, ihip ng hanging, at iba pa. Ang Pooh Pooh ay sa tao na ipinalalagay na ang tao ang siyang lumikha ng tunog at siya ring nagbibigay ng kahulugan. Ang Yo-he-ho ay  pinaniniwalaan ng mga nagmungkahi ng teoryang ito na ang tao ay natutong magsalita bunga diumano ng kanyang pwersa pisikal. Ang Ta-ra-ra-boom-de-ay ay ang wika raw ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na kanilang nililikha sa mga ritwal na ito na kalauna'y nagpapabagu-bago at nilapatan ng iba't ibang kahulugan. Ang Tata naman ay ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkauto ng taong lumikha ng tunog at kalauna'y nagsalita at ang Sing song naman ay nagmula sa di mawatasang pag-awit ng mga kauna-unahang tao.

Sir Paul: Ang galing Mr. Safrence.  Kahit di ka nakikinig sa aking diskusyon ay nakakasagot ka! Oo nga pala, bagong lipat ka dito sa Olsen?

Anthon: Opo Sir Paul. Bagong lipat lang po ako dito.

Sir Paul: Ahh.. Ang galing mo namang bata.

Anthon: Di naman po. Napag-aralan na po na namin yan nung 3rd year pa po ako sa dati kong school.

Sir Paul: Wow naman. Ang galing naman! Oh IV- Dignity, tularan niyo si Anthon na napakasipag mag-aral. O sige Anthon, makakaupo ka na.

Anthon: Salamat po.

Sa likod naman, nagkausap ang Hornetz tungkol kay Anthon.

Nelson: Bwisit! Pabida nanaman yang si Anthon. He’s getting on my nerves.

Derrick: Sis, chill ka lang.

Geno: Oo nga sis. Baka pumangit ka lang lalo.

Nelson: Paano ako di chi-chill nito?! Lagi na lang pabida yang si Anthon kay Neilsen at Mic at kay Sir Paul pa! Sarap hambalusi sa ulo eh.

Geno: Yeah I know right?

Derrick: Buti di niya alam yung ginawa nating pagbasa sa kanya.

Nelson: Dapat lang. Pabida masyado. Wala kong paki kung scholar siya dahil sampid lang naman siya sa school na ito.

Derrick: Nelson, you’re the best naman eh.

Geno: Oo nga sis.
Nelson: Pero inaagaw niya si Mic sa akin eh. Di ako papayag nito.

Geno: I have balita pala Sis.

Nelson: Ano yun?

Geno: Susko, kasama ng brother mo si Adriel the loser one nung isang araw.

Nelson: WHAT?!

Derrick: Yuuuuh. Naging knight and shining armor pa nga siya ni Adriel eh.

Nelson: Oh God! Di pwede ito. Why on earth is he doing?

Derrick: Ay eto pa. Niligtas pa niya si Adriel sa pagkadulas at pumunta pa siya sa bahay ni Adriel.
Nelson: Kakausapin ko nga yun.

Nainis lang lalo si Nelson sa mga nalaman niya. Uwian na, nakita ni Nelson si Wallace sa may quadrangle at kinausap niya ito.

Nelson: Wallace! Are you out of your mind?

Wallace: What are you talking about?

Nelson: Sinasamahan mo pa yung loser na Adriel na yun? Mahiya ka naman. Respetado ka dito sa Olsen tapos sasamahan mo pa yung loser na iyon?

Wallace: That’s none of your business Nelson. I know that you are my sibling pero wag kang makialam sa mga ginagawa ko okay?

Nelson: Nakakahiya ka. Yung reputasyon mo ang inaalala ko Wallace at I’m concerned lang naman.

Wallace: Concerned? Wow. Big word Nelson! Ngayon ka lang naging concerned? Well f.u.!

Nelson: Nagawa mo pa akong murahin ah? Gusto mong isumbong kita kay daddy?

Wallace: Diyan ka lang magaling eh? Sumbungero este sumbungera ka. Mas loser ka pa nga kay Adriel eh. I want to be friends with Adriel ever since.

Nelson: He’s a loser and a thief. He stole something na dapat sa akin.

Wallace: Matagal na iyon. Di ka pa ba makaget over?

Nelson: Masakit yun sa reputasyon ko.

Wallace: Diyan ka lang magaling. Sa pagiingat ng reputasyon mo sa school! Alam mo, sana hindi na lang kita naging kapatid eh. Kontra ka na lang lahat sa mga gusto kong gawin.

Nelson: It’s for your own good Wallace.

Wallace: OWN GOOD?! SAWA NA AKO SA MGA LINYA NIYO NI DADDY. AALIS NA AKO.
Umalis na nga si Wallace.

Nelson: WALLACE! WAG MO KONG IWANAN.

Habang umaalis sa quadrangle si Wallace palayo kay Nelson, tinawag ni Adriel ito at lumapit naman siya kaagad sa kanya.

Adriel: Wallace, parang umiiyak ka ah.

Wallace: Wala ito.

Adriel: Sus, ano ba kasi yung dahilan?

Wallace: Wag mo na lang alamin muna.

Adriel: Nag-aalala kaya ako sayo. Ano ka ba? Di bagay sa iyo yang malungkot Wallace.

Wallace: Tara nga, pwede bang samahan mo muna ako dito hanggang 8PM.

Adriel: Sige ba basta susunduin mo ko ah.

Wallace: Ay malamang. Nakapangako ako kay Tita remember?

Adriel: Oo nga eh.


To be continued…..


---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hi Guys :D!

Eto po, nagpost na din ako kaagad ng Chapter 7. Yung Chapter 8 po baka this week or next week. Stay tuned lang po kayo lagi.

-Sephyyy :3 




1 comment:

  1. nice story and phasing... sana tuloy tuloy ang pagpost mo sa mga next chapters... your a good writer... two thumbs up... *^O^*

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails