Ilang
oras ng tinitignan ni Charito sa kaniyang harapan ang Yellow Pad at Ballpen ngunit wala pa ding pumapasok sa
kaniyang isipan kung ano nga ba ang kaniyang isusulat na Excuse para sa gaganaping
Press Conference ng Shu Eumura Philippines mamayang hapon upang iExplain niya
sa madla ang tungkol sa kumalat niyang DP na nakunan habang nakikipagTong-Its
siya sa lamayan.
Kanina pang madaling araw nakaalis
itong si Sir Benedict sa kaniyang Condo ngunit iniisip pa din ng dalaga ang
namagitan sa kanilang dalawa ng anak ng kaniyang Amo nang malasing silang
dalawa.
Napabuntong hininga na lamang si
Charito nang muling pumukaw sa kaniya ang mas nakakaShock na kaniyang
napag-alaman matapos ng kanilang pagjaJamming ni Sir Benedict...
Apektado siya sa malaking
Revelation na nalaman niya sa kaniyang sarili...
Ang malaman niyang ang tunay
niyang saloobin na matagal ng nakatago sa kaibuturan ng kaniyang puso para sa
kaniyang manliligaw na Tricycle Driver na si Eric...
"Haaaaaiiissstttt..." Ang
mahabang pagbubuntong hininga na lamang ni Charito ng mga sandaling iyon at
tila ba napapagod na siya sa kakaisip.
Pagod na siyang mag-isip kung ano
nga ba ang isusulat niyang explanation na kaniyang sasabihin para sa kanilang
Press Conference...
Pagod na din siya sa kakaisip sa
kaniyang gagawing pakikitungo kay Sir Benedict...
At pagod na din siya sa kakaisip kay
Eric...
"Bakit naman kasi..."
Ang talunang sambit ng dalaga sa kaniyang sarili patungkol sa kaniyang
nararamdaman for Eric habang tinitignan niya ang Oras sa kaniyang Fake na
iPhone.
Mabilis na tinawagan ni Charito
ang kaniyang Tatay Kardo dahil pakiramdam niya'y para na ba siyang maloloka ng
mga sandaling iyon sa kaniyang pag-iisa...
"Hello..."
"Daddy... Where are
you..."
"Byumabiyahe..."
"Why are you using your phone
while driving..."
"Takte naman Chai...
Tinawagan mo kasi ako... Sandali lang at itatabi ko lang itong taxi..."
"Daddy... Sunduin nyo naman
ako dito sa Condo..."
"Bakit anak..."
"Gusto ko pong umuwi..."
"Ha... Baka magalit si Mrs.
Chavez anak... Nagbilin di ba siya sa nanay mo na hangga't hindi pa kayo
nakakapagPress Conference eh hindi ka pa pupuwedeng pumunta dito sa
atin..."
"Daddy naman... Gusto ko lang
kayong makita ni Mommy..." Ang pagmamaka-awa naman ni Charito na
ikinatahimik naman kaagad ni Mang Kardo.
Ramdam ng tatay ng dalaga na may
urgency at 'something important' sa tono ng kaniyang anak.
"Sige..." Ang maikling
sinagot na lamang ni Mang Kardo kay Charito na siya namang ikinagaan ng kaunti
ng loob ng dalaga.
*****************************
Labis ang pagtataka ni Mang Kardo
sa pagiging tahimik ng kaniyang anak habang papauwi na sila ng bahay at katulad
ng kaniyang asawa ay nagulat din itong si Aling Celia'y nang makita niya ang
biglang pagpasok ng kaniyang mag-ama sa bahay.
"MOMMY..." Ang mahinang
usal ng dalaga nang yumakap siya kay Aling Celia.
Kaagad namang hinagod-hagod nito ang
likod ng dalaga nang magsimula na itong humikbi.
"Ano bang nangyari Chai?"
Tanong ni Mang Kardo nang makaupo na silang tatlo sa sala.
Hindi tumugon itong si Charito sa
tanong ng ama bagkus ay nagpunas na lamang siya ng kaniyang mga luha.
"Pinagalitan ka ba ulit ni
Mrs. Chavez?" Ang hula ni Aling Celia na inilingan lang ng dalaga.
"Nagkapikunan na naman ba
kayo ni Sir Benedict?" Sunod na tanong ni Aling Celia sa anak.
Umiling lang ulit si Charito.
"Eh bakit ka
nagkakaganyan?" Ani ni Mang Kardo't hindi na niya matiis ang pagdradrama
nitong si Charito.
"Si... Si... Si ano po
kasi..." Ang hindi mabuo-buong sentence ni Charito na lalo pang
nagpaCurious sa kaniyang Parents.
"Sino?" Ang tanong ulit
ni Mang Kardo.
"Si ano po kasi eh..."
Ang reply ulit ni Charito at talaga namang hindi niya mabuo ang kaniyang sentence
dahil alam niyang pagtatawanan lamang siya ng kaniyang Nanay at Tatay.
"Sino nga Chai?" Si
Aling Celia na ang nagtanong sa pagkakataong iyon.
"Si... Si... Si... Si Eric po
kasi... Hu hu hu..." Ang naiiyak na usal na lamang ni Charito na ikinataas
bigla ng kilay ng mag-asawa.
"Ano ngayon si Eric?"
Ang naguguluhang sambit ni Mang Kardo at pagkatapos ay nagtinginan sila ng
kaniyang asawa.
"Si Eric po Daddy!!! Hu hu
hu!!!" Ang maarteng reply ulit ni Charito.
"Ano bang ginawa sa iyo ni
Eric?" Ang medyo naiinis na sambit naman ni Mang Kardo't umiiksi na ang
kaniyang pasensya sa anak.
"Wala po... Hu hu hu..."
"Wala naman pala eh bakit ka
nagkakaganyan?" Ani ng naguguluhang si Aling Celia sa emong dalaga.
"Kaya nga po eh... Hindi na
siya nagpaparamdam!" Ang malakas na reply ni Charito sa kaniyang magulang.
"CHAI NAMAN!!! Kausapin mo
nga yang anak mo Celia!!!" Ang sambit na lamang ni Mang Kardo sa dalawa
sabay tayo niya sa upuan at kaagad na pinukaw ni Charito ang kaniyang attention
nang akmang lalabas na siya ng bahay.
"Where are you going
Daddy?"
"Papasada ulit!"
"No Daddy! Stay here na lang
at ihahatid nyo pa po ako sa Press Conference ko." Ang sambit naman ni
Charito.
"Ha... San ba yan?" Ang
tanong ni Mang Kardo.
"Sa Shang Ri La lang po.
3:00pm po..."
"O siya! Mag-usap muna kayo
ng nanay mo..." Ang paalam na lamang ni Mang Kardo sa dalawa bago siya
lumabas ng bahay upang umiwas sa problema nitong si Charito.
Batid na niya kung ano ang
ikinawaWating ng dalaga at alam niyang baka ikahina pa niya ito sakaling
magStay siya sa salas at makinig sa pag-uusap ng kaniyang mag-ina.
"Why are you smiling
Mommy?" Ang nagtatakang tanong kaagad ng dalaga kay Aling Celia nang
mapansin niyang nakangiti at nakatingin ito sa kaniya.
"Dalaga na ang anak
ko..." Ang matamis na sambit naman ni Aling Myrna sa anak.
"MOMMY NAMAN EH!!! NAKUHA
PANG MAGBIRO EH!!!" Ang maarteng sambit ni Charito.
Medyo gumaan-gaan pang lalo ang
kaniyang pakiramdam at naiiyak na niya ang kaniyang saloobin ng kaniyang
Parents.
Although independent itong si
Charito ay hindi pa din niya nakakalimutang lapitan ang kaniyang mga Parents sa
tuwing may malaki siyang problema tulad ngayon.
"Teka lang Chai... Di ba
hindi mo naman type si Eric... Eh bakit ka nagkakaganyan?" Ang panunukso
ni Aling Celia.
"Mommy naman! Hindi ko talaga
siya Type!" Ang reply naman kaagad ni Charito.
"GUSTONG-GUSTO KO TALAGA SI
ERIC! NOW KO LANG NAREALIZED!!!" Ang next na malakas na sinabi ng dalaga.
"Oh Mommy... Bakit hindi kayo
nagulat?" Ang nagtatakang tanong kaagad ni Charito nang hindi natinag si
Aling Celia sa kaniyang ibinunyag bagkus ay gumuhit pang lalo ang matamis na
ngiti sa mga labi nito.
"Alam naman namin na Crush mo
na noon si Eric! Mataas lang ang Pride mo." Ang straight to the point na sagot
ni Aling Celia na ikinagitla't ikinatigil naman ng dalaga.
Biglang naalala nitong si Charito
ang time na naibukambibig niya sa harapan ni Eric at ng kaniyang Family na
gusto niyang makapag-Asawa ng mayamang Foreigner at wala siyang mararting kung
sakali mang makapag-asawa siya ng tricycle driver.
"Ano... Hindi ka makapagReact?"
Ang natatawang sambit ni Aling Celia sa anak.
"Mommy..."
"Ano yun Chai..."
"Anong balita na kay
Eric..."
"Umuwi na sa Probinsya at
babalikan na lang daw niya ang dati niyang Girlfriend."
"WHAAAATTTTT???!!!" Ang
biglang sambit ng dalaga.
"Gaga!!! JOKE LANG!!! HA HA
HA!!!" Ang natatawang sambit ni Aling Celia dahil sa reaction ng
pagmumukha ni Charito.
"Mommy naman eh!!!
SYET!!!" Ang naiinis at natatawang sambit na lamang ni Charito and this
time ay napakagaan na ng kaniyang pakiramdam at 100% na niyang naibulalas ang
kaniyang problema sa kaniyang Nanay.
"Ang lakas talaga ng tama mo
kay Eric!"
"Seriously Mommy! Ano na ang
balita kay Eric?"
"Tricycle driver pa
rin!"
"What I mean is ang balita sa
kaniya after niyang gumawa ng eksena nung malasing."
"Ah... Yun ba..."
"Yes Mommy..."
"Hindi ko alam eh... Hindi
naman ako Chismosa eh..."
"Pupuntahan ko na nga lang si
Eric..." Ang biglang paalam ni Charito kay Aling Celia at walang pasabing
mabilis siyang tumayo't lumabas ng bahay upang harapin na itong si Eric.
Napapailing na lamang itong si
Aling Celia at talaga namang nagpapasalamat siya at naliwanagan na din ang
kaniyang anak.
Bet na bet talaga nila itong si
Eric para kay Chai ngunit ang anak lang nila ang maarte.
"DADDY???!!!" Ang gulat
na sambulat ni Chai nang makalabas na siya ng bahay at nang makasalubong niya
itong si Mang Kardo na papasok sa gate at kinakaladkad itong si Eric.
"Eto na si Eric!!!" Ang
masayang sambit ni Mang Kardo sa kaniyang anak habang mahigpit pa din ang
kaniyang pagkakahawak sa kwelyo ng tshirt ng binata.
Alam ni Mang Kardo ang saloobin ng
dalaga at batid din niya ang problema nitong si Eric kaya nama'y siya na mismo
ang gumawa ng paraan upang makapag-usap ang dalawa.
*****************************
Halos ilang minuto ring
pinagmamasdan ng mag-asawa ang dalawa na magkaharap at nakaupo sa kanilang
maliit na salas at batid nilang nagpapakiramdaman lamang ang parehong namumula
sa hiyang sina Chai at Eric.
"May sasabihin ata sa iyo si
Chai." Ang usal ni Mang Kardo kay Eric at siya na ang bumasag ng katahimikan
dahil kung hindi pa niya ito gagawi'y baka abutin lang sila ng siyam-siyam.
"Ha... Ah... Eh..." Ang
usal lang ng nabiglang si Chai habang tinitignan niya ang kaniyang Nanay at
Tatay.
Hindi siya makatinggin ng straight
kay Eric dahil sa pagkahiya niya dito.
"Uhhmmm... Eric..." Ang
napilitang sambitin ni Chai dahil naiipit na siya sa kasalukuyang sitwasyon.
"Bakit hindi ka na
nagpaparamdam sa akin..." Ang natapos ding tanong ni Chai.
Kaagad namang ibinigay nina Aling
Celia't Mang Kardo ang kanilang buong attention sa binata.
"Para ano pa?" Ang
seryosong balik tanong naman ni Eric sa nagulantang na dalaga at kahit na ang
mag-asawa'y nagulat din sa sinabi ng binata.
Nag-inhale at nag-exhale muna si
Eric bago siya nagpatuloy sa pagsasalita dahil naramdaman niyang natameme ang
tatlo niyang kaharap sa kaniyang sinabi.
"Hindi na ako nagparamdam
sa'yo Chai... Para ano pa?... Eh hindi mo naman ako pinapansin noon..."
Ang pagsisimula ni Eric.
"Ngayong sikat ka na at
Kilalang-kilala eh ano pa kaya ang silbi na magparamdam pa ako sa iyo..."
"Oo... nililigawan kita noon
kahit alam kong maliit lang ang pag-asa ko sa iyo pero ngayong maganda na ang
katayuan mo sa buhay eh aminado naman akong wala na talaga akong pag-asa
sa'yo..." Ang sunod-sunod na sambit ni Eric sa dalaga.
"EH SINO BANG MAY SABING
LIGAWAN MO AKO???!!!" Ang hindi mapigilang sumbat naman ni Charito kay
Eric na ikinabigla naman nina Aling Celia't Mang Kardo.
"Yun na nga Chai...
Pinapakitaan mo ako ng motibo na may pag-asa ako at hindi mo naman ako tinapat
na wala kang gusto sa akin..." Ang sagot naman nii Eric na ikinatahimik ng
dalaga.
"Alam kong may pangarap ka sa
buhay Chai... Ngayon eh hindi lang mayamang foreigner ang pwedeng manligaw sa iyo...
Maraming ang pwedeng maging kakompetensiya ko... Ano ba ang laban ng isang
tricycle driver sa mga bigating pwedeng manligaw sa iyo..."
Hindi na napigilan nitong si Eric
na ibuhos ang naipong sama ng kaniyang loob sa dalaga ng mga sandaling iyon.
"Noong SalesLady ka pa eh
hindi mo ako masyadong pinapansin pero talagang gusto kita Chai kaya
kinakapalan ko na lang ang mukha ko na pumorma sayo kahit alam kong wala akong
pag-asa at ngayong maganda ka na eh mas mabuti nang tumigil na ako sa
pagpaparamdam sa iyo..."
Ang naudlot na sinasabi ni Eric
nang hindi nito napigilan ang pagtulo ng kaniyang luha at pakiramdam niya ay
kinawawa talaga siya at binalewala ni Chai.
"Eric..." Ang mahinang nasambit
na lamang ng guilting si Charito sa nagpupunas ng luhang si Eric.
"Mauna na po ako..." Ang
maiksing paalam lang ni Eric kina Aling Celia't Mang Kardo sabay labas nito ng
mabilis sa kanilang bahay.
Hindi na pinigilan ni Mang Kardo
ang binata dahil naawa siya dito at batid naman niya na totoo ang slahat ng
sinabi nitong si Eric sa pakikitungo ni Chai sa kaniya. Kitang-kita niya sa
kaniyang dalawang mata kung gaano kapursigid itong si Eric sa panliligaw sa
kaniyang anak.
"Chai... Okay ka lang
ba..." Ang mahinang tanong ni Aling Celia nang tinabihan niya ang nagsisimulang
lumuhang dalaga.
"Mommy... Ganoon ba ako
kasama..." Ang tanong ng dalaga.
"Tsk... Oo anak... Totoong
lahat ng sinabi ni Eric..." Ang talunang sambit ni Aling Celia sa lalo
pang lumuluhang dalaga.
"Leksyon yan sa inyo... Ngayon
alam mo na kung gaano kahalaga ang isang bagay kapag wala na ito sa iyo..."
Ang hindi mapigilang sermon naman ni Mang Kardo sa umiiyak niyang anak.
Hindi na nakaimik itong si Chai at
aminado naman siya sa kaniyang pagkakamali.
Alam ng dalaga na nangarap siya at
hindi naman niya kasalan na maisantabi niya at hindi mapansin ang Effort nitong
si Eric. Ang alam lang niya'y nililigawan siya nito at alam niyang
pinagbibigyan siya nitong si Eric sa kaniyang mga iniuutos at pagpapahatid-sundo
niya kung minsan dito.
Alam din ni Charito na sinamantala
niya ang pagkaGusto at pagsamba sa kaniya nitong si Eric pero hindi niya
inaakalang kinikimkim lang pala ng binata ang mga sama ng loob nito sa kaniya.
"Bakit hindi mo sinabi kay
Eric na gusto mo siya?" Ani ni Aling Celia.
Umiling nalang si Charito.
"Nahihiya ako Mommy..."
Ang hikbi ng dalaga.
"Baka naguguluhan ka lang
Chai? Huwag kang pabigla-bigla." Ang sambit naman ni Mang Kardo sa anak.
"Daddy..." Ang mahinang nai-reply
lamang ni Charito nang mapaisip siya sa sinabi sa kaniya ng kaniyang Tatay.
Alam ni Charitong bigla na lamang
niyang naramdaman ang tibok ng kaniyang puso para kay Eric dahil nabigla siya sa
nangyari sa kanila ni Sir Benedict.
Magulo ang kaniyang isipan ng mga
sandaling iyon.
"Oo nga naman Chai...
Pag-isipan mo yang mabuti... Kausapin mo ulit si Eric kapag humupa na ang
tampuhan nyo..." Ang payo naman ni Aling Celia.
"Teka anak... Alam mo na ba
ang sasabihin mo sa Press Conference..." Tanong ni Aling Celia.
"Hindi pa po Mommy..."
"Baka naman pwede po kayong
sumama mamaya sa Shang Ri La... Daanan na lang natin si Jun-jun sa School
mamaya..." Ang sunod na request ni Charito sa kaniyang mga magulang.
"Kailangan ko kayo doon
Mommy... Daddy.. Pati na din si Jun-jun..."
Hindi na nagsalita pa si Aling
Celia't bagkus ay niyakap na lang niya ang nanlalambot na si Charito at alam
nilang wala silang maitutulong sa dalaga.
Hindi naman nila masisi ng
kaniyang asawa ang kanilang anak at talaga namang nuknukan ng kaartehan ito.
Napabuntong hininga na lamang si
Aling Celia habang hinahagod-hagod niya ang likuran ng dalaga. Mas kampante na
si Aling Celia at alam niyang may isang aral na natutunan ang kaniyang anak sa
mga sandaling iyon.
"Maghanda ka na Chai sa
sasabihin mo mamaya at baka mapurnada na naman ang plano ninyo ni Mrs.
Chavez..." Ang bulong ni Aling Celia sa kinakalmang anak.
"Bahala na si Batman..."
Ang sambit na lamang ng dalaga't wala na siyang gana ng mga sandaling iyon at
mas gusto pa niyang ipahinga ang kaniyang isipan at damdamin habang yakap-yakap
siya ng kaniyang Nanay.
*****************************
Halos hindi mapakali itong sina
Aling Celia't Mang Kardo sa kanilang kinauupuan habang pinagmamasdan nila ang
kanilang anak sa harapan ng Conference Room na inupahan ng Shu Eumura
Philippines itong si Chai.
Clueless na clueless naman itong
si Jun-jun habang impress na impress pa din ito sa before and after na poster
ng kaniyang Ate na nakaDisplay sa tabihan ng semi long table na kinauupuan ng
mga bigating people ng Shu Eumura Philippines.
"Ready ka na ba?" Ang
tanong ni Mrs. Chavez sa dalaga.
"Opo..." Ang malumanay
na sambit lamang ni Charito sa kaniyang amo.
"Patingin nung Drafts na
ginawa mo iha..."
"Wala po akong naisulat
eh.."
"Hindi mo ba binilinan si
Chai na gumawa muna ng drafts sa Scratch Paper..." Ang tanong naman ni
Mrs. Chavez sa nananahimik na si Sir Benedict.
"BENEDICT! Narinig mo ba
ako?" Ang ulit ni Mrs. Chavez.
"Ha... Ano nga po yun
Mommy?" Ang nagulat na tanong naman ni Sir Benedict dahil lumilipad ang
kaniyang isipan ng mga sandaling iyon.
Napabugtong hininga na lamang si
Mrs. Chavez sa reaction sa kaniya ng kaniyang anak dahil medyo bothered na din
siya dito at matagal na niyang napapansin ang pagiging matamlay nitong si Sir Benedict.
"Ano ba naman kayong
dalawa!" Ang sumbat na lamang ni Mrs. Chavez kina Charito't Sir Benedict
at talaga anmang dismayado siya sa kanilang dalawa.
"Sinabihan naman po ako
Ma'am." Ang maikling sambit na lamang ni Charito sa kaniyang amo upang
hindi na ito lalo pang maBadTrip at mapagalitan pa si Sir Benedict.
"Ladies and Gentlemen... Ms.
Ritz Soler..." Ang pagtatapos ng Emcee sa introduction nito sa paPress
Conference ng Shu Eumura.
Kaagad na ibinigay nito ang Mic
kay Charito at hindi maiwasang kabahan itong si Mrs. Chavez at nagdarasal ito
na sana'y maging maganda ang paliwanag ng dalaga tungkol sa kumalat niyang
Picture na nagtoTong-its.
"Good Afternoon..." Ang panimula
ni Ritz Soler sa lahat ng mga Press and Media na invited ng kanilang Company.
"Alam n'yo na naman siguro
kung bakit kami nagpaPress Conference..." Ang nakangiting sambit ni
Charito sa lahat na ikinatawa naman ng mga ito.
"Hindi ko naman ideDeny na
ako yung nasa picture eh... Ako po yun... NagtoTong-its..." Ang
pagpapatuloy ng dalaga.
"I will take this opportunity
na makapagpakilala ng lubusan sa inyo..."
"Siguro nama'y nakita n'yo na
ang dati kong hitsura..." Ang ani ni Charito sabay tingin niya at ngiti sa
Before and After Poster niya na ikinatuwa naman ng mga taong nasa loob ng
Function Room.
"Nagpapasalamat talaga ako at
nakilala ko si Mrs. Chavez... One of the executive of our Company..."
Nilingon ng dalaga itong si Mrs. Chavez at nginitian.
Ngumiti din naman itong si Mrs.
Chavez at unti-unting nakaramdam ito ng pagiging kampante dahil nadama niya ang
sincerity ng dalaga ng mga sandaling iyon at mukhang magiging maganda ang
resulta ng kanilang paPress Conference.
"Isa akong Saleslady sa SM
San Lazaro bago ko makilala si Madam..." Ang pagpapatuloy ng dalaga.
"Hindi ko ikinahihiya ang
trabaho ko at aminado naman ako na gusto ko talagang pumuti... Sumobra lang ang
pagkaMorena ko talaga..." Ang natatawang sambit ng dalaga.
"Hindi talaga ako makapaniwala
na naging maganda naman ang resulta ng Project ng Shu Eumura at kitang-kita
naman kung gaano kabisa ang Whitening Products namin...
Hindi ko talaga inaakalang puputi
ako ng ganito... May nagsabing hindi ako tatablan pero ano ngayon sila...
Kitang-kita naman sa balat ko diba..." Sabay tingin ni Charito kay Sir
Benedict at ngiti din dito.
Slight din na ngumiti itong si Sir
Benedict ngunit pansin pa din ng dalaga ang kalungkutan sa mga mata nito.
"Nagkaroon ako ng
responsibility na dalhin ang name ng Shu Eumura bilang isang product endorser
kaya nama'y naging maingat ako sa mga kilos ko dahil alam kong makakaApekto sa
Company sakali mang may hindi magandang balita ang lumabas tungkol sa akin...
Katulad ng nangyari sa kumalat na
picture ko...
Nakuha yung kumalat na picture ko
na nagsusugal nang nakipaglamay kami sa kapitbahay namin sa lugar namin...
Lumaki ako sa isang maliit at
normal na baranggay at may mga kapitbahay ako at may mga pinagsamahan din naman
kami...
Hindi ako nagdalawang isip na
makipagTong Its sa kanila nang niyaya nila ako...
Ganoon naman talaga kasi ako...
Nakikisama sa mga tao...
Kahit na pumunta pa kayo sa
baranggay namin at magtanong...
Welcome na welcome kayo doon...
Hindi ko ikinahihiya na makita ako
ng ibang tao na nakikipagTong-Its...
Tumatambay sa tindahan...
Dahil ginagawa ko naman ito bago pa
ako naging endorser ng Shu Eumura...
Porke't lumalabas ako sa
commercial at nakikita nyo ako sa mga magazine eh hindi ibig sabihin noon eh
kailangan kong magkunwari sa inyo...
Isa lang akong simpleng tao na
katulad ninyo...
Gusto ko lang iparating ngayon na
nanghihingi ako ng paumanhin kay Mrs. Chavez at sa lahat ng mga tagaShu Eumura
sa behaviour ko that time at hindi ko talaga naisip na puwede akong maging bad
influence sa iba lalong-lalo na sa mga bata..." Ang sambit ni Charito
sabay tingin niya kina Aling Celia, Mang Kardo at Jun-jun.
Napabugtong hininga ang dalaga at
unti-unti siyang naging kalmado dahil nakapagpalakas sa kaniya ang mga
matatamis na ngiti ng kaniyang Family.
"Sana nama'y maintindihan
ninyo ang naging situation ko ng mga sandaling iyon...
Namiss ko lang talaga ang mga
kapitbahay ko that time kaya sinamantala ko ang pakikipagBonding sa kanila...
Nagkataong sa lamayan nga lang...
Matagal din kasi akong hindi nakauwi
sa amin dahil naging busy ako sa mga commercial and photo shoots kaya naman
medyo naHome sick ako...
Sila pala ang Nanay at Tatay ko...
At ang bunso kong kapatid..." Ang sambit ni Charito sa mga guest sabay
turo niya sa puwesto nina Jun-jun. NapaSmile ang dalaga nang itinuon ang mga
Camera sa kaniyang nahihiyang family.
"Kaya huwag na kayong
magugulat sakali mang maPicturan ako na kumakain ng FishBalls, Kwek-kwek, Isaw
at umiinom ng sago't gulaman... NakakaMiss din naman kasi yung mga ganoon...
Ang mga nakasanayan at nakalakihan
mo na...
Naging parte na ng buhay ko ang
mga ganoong bagay." Ang natatawang sambit muli ni Charit sa Press.
"Yes po!" Ang maliksing
sambit kaagad ni Charito nang may nagtaas ng kamay mula sa mga nakaupong reporters.
"Ms. Ritz... Alam naman ng
lahat na kilala ka na at ang whitening products ng Shu Eumura... Sinabi mo din
na dati kang SalesLady at di ka makapaniwala sa nangyari sa buhay mo... Ano ang
masasabi mo at sikat ka na?" Tanong ng Reporter sa dalaga.
"Hindi naman siguro ako
ganoon kaSikat!" Ang natatawang sambit lang ni Ritz Soler.
"Hmmm... May namiMiss din
naman akong mga bagay noon..." Ang pagpaptuloy ni Ritz Soler.
"NamiMiss ko ang pagAttend sa
mga customer namin noong nasa SM Department Store pa ako...
Yung mga kasamahan ko...
Yung manliligaw ko..." Ang nadulas
na sambit ni Ritz na ikinabigla din ng dalaga.
"May nanliligaw sayo? Sino
yun?" Ang biglang tanong naman ng Reporter.
"Ha... Ahahahaha!!! Sinabi ko
bang may manliligaw ako?" Ang natataranta't nagmamaang-maangang sambit ni
Ritz.
"Sinabi mo kaya...
ViniVideohan ka... Hindi ka pupuwedeng tumanggi..." Ang paalala naman ng
natatawang reporter.
Ngumiti na lamang ang dalaga at
wala na talaga siyang kawala ng mga sandaling iyon.
"May nanliligaw naman sa akin
noon kahit ganyan ang hitsura ko." Ang nakaSmile na pagsisimula ni Ritz
sabay turo niyang muli sa kaniyang before and after na poster.
"Tricycle driver siya sa
lugar namin pero gwapo at macho..." Ang malanding sambit ni Ritz at
nakitaan siya ng mga reporter ng pagkakilig ng mga sandaling iyon.
"Eh di tuwang-tuwa siya at
napakaganda mo na ngayon..." Ang clueless na tanong muli ng isa pang reporter.
Napabugtong hininga muli ang
dalaga bago ito nagsalita.
"Sana nga ganoon ang mangyari..."
Ang talunang sambit ng dalaga.
"May masama bang
nangyari?"
"Hindi naman masama...
Kung tutuusin kasalanan ko din
naman kung bakit siya lumayo sa akin..." Ang malungkot na sinabi ng dalaga
na ikinatahimik naman ng lahat.
Batid ni Ritz Soler na gustong
malaman ng lahat ang dahilan kaya nama'y nagsalita siyang muli at hindi na niya
hinintay pa na may magtanong sa kaniya.
Magpapakatotoo na siya ngayon...
"Tulad ng sinabi ko...
Katulad nyo din ako...
Ordinaryong tao...
Nanliligaw siya sa akin...
Sinusundo at inihahatid ako sa
kaniyang tricycle sa sakayan sa tuwing pumapasok ako sa SM...
Pumuporma talaga siya sa akin...
Kaya lang...
Naging ambisyosa ako...
Sinabi ko sa kaniya at totoo
namang pangarap ko dati na makapag-asawa ng isang mayamang Foreigner...
Hindi ko alam na masakit pala ang
nasabi kong ito sa kaniya...
Aminad ako na binalewala ko ang
effort niya sa panliligaw niya sa akin...
Pero sa totoo lang...
Gustong-gusto ko siya...
Yung mga ginagawa niya para sa
akin...
Yung pagpapaPorma niya...
Kaya lang huli na ang lahat...
Ayaw na niya sa akin..." Ang
matamlay at napiyok na sambit ng dalaga.
"Bakit?" Ang hindi
mapigilang tanong naman ng isang reporter.
"Hindi na daw kami bagay...
Malayo na daw ang agwat
namin..." Ang mabagal na sagot ng dalaga at hindi na namalayan ni Ritz ang
pagtulo ng kaniyang mga luha.
"Normal na tao pa din naman
ako kahit naging endorser at lumalabas ako sa TV at magazine..." Ang sunod
na sinambit ni Ritz.
"Hindi ko naman siya masisisi
at talaga namang aminado akong binalewala ko siya noon...
Pinagsisisihan k ang mga nagawa ko
sa kaniya...
Ngayon ko lang nalaman kung gaano
siya kahalaga sa akin ng wala na siya sa buhay ko..." Ang pagtatapos ni
Ritz at tuluyan ng bumigay at umiyak ang dalaga.
Wala ng umimik sa mga Reporter at
wala silang masabi sa situation ng dalaga.
Napabugtong hininga na lamang
itong si Mrs. Chavezsa kaniyang narinig ay Ritz Soler at naImpress talaga siya
ng dalaga ng mga sandaling iyon.
Kaagad na kinuha ni Mrs. Chavez ang
kaniyang Paul Smith Handkerchief mula sa kaniyang Victoria Bekcham Handbag at
tinignan ang kaniyang anak.
"Gamitin mo to..." Ang
sambit lang ni Mrs. Chavez sa umiiyak na si Sir Benedict habang iniaabot niya
ang kaniyang panyo sa anak.
Mabilis naman iyong kinuha ni Sir Benedict
at kaagad na siningahan dahil affected na affected siya sa pagkukuwento ni
Ritz...
Relate na Relate itong si Sir Benedict
dahil hanggang ngayon ay may tampuhan pa sila ni Dennis...
Nag-away kasi sila nung time na
nadulas itong si Charito na masabing nakikipagFlirt itong si Sir Benedict sa FB
at guilty din kasi siya sa pagneNeglect kay Dennis kahit labis-labis ang
ipinakikita nitong pagmamahal sa kaniya...
To Be Continued
Isang malaking tsek talaga tatay Kardo na dyan mo lang malaman ang halaga ng isang bagay pag wala na.... Go Ritz kaya mo yan!
ReplyDeleteAdik lang :-)
ahahaha pareho kami ni chai na mahilig kay batman.....sabi ko na e malansa talaga hindi pwedeng mawala
ReplyDeleteNice chapter.you will learn a lot from this chapter.
ReplyDeleteEnjoyed reading this.... di ko mapigilang tumawa.....HAHAHAHA...... parang sira ulo lng nakabungisngis while reading and having late aftetnoon lunch sa Yoshinoya.... luv you Ritz Soler..... hehehe..... you made my day
ReplyDeleteO ayan eric on national tv cnabi n ni chai ang feelings nya sayo. Wag n pkipot go punthan u.n xa. Tnx ponse sa update
ReplyDeleteRandzmesia
Ui relate aq nito ngayon hahhaha
ReplyDeleteKuya Pj, Gaston, Anon 4:48PM, Patryckjr, Randzmesia and Russ
ReplyDeleteTenhcu sa pagsama sa buong tropa ng 'The Yuppie Is My Papi' and sa pag-iwan ng Comment. Really appreciate it :)))
TAKE CARE AND GOD BLESS :)))
haha ayun oh! ben and den! chai and eric.. ayiiieee! salamat sa update manong.. time to sleep na!
ReplyDelete