Followers

Monday, June 24, 2013

The Yuppie Is My Papi 8






Ilang oras ng tinitignan ni Charito sa kaniyang harapan ang Yellow Pad at Ballpen ngunit wala pa ding pumapasok sa kaniyang isipan kung ano nga ba ang kaniyang isusulat na Excuse para sa gaganaping Press Conference ng Shu Eumura Philippines mamayang hapon upang iExplain niya sa madla ang tungkol sa kumalat niyang DP na nakunan habang nakikipagTong-Its siya sa lamayan.
Kanina pang madaling araw nakaalis itong si Sir Benedict sa kaniyang Condo ngunit iniisip pa din ng dalaga ang namagitan sa kanilang dalawa ng anak ng kaniyang Amo nang malasing silang dalawa.
Napabuntong hininga na lamang si Charito nang muling pumukaw sa kaniya ang mas nakakaShock na kaniyang napag-alaman matapos ng kanilang pagjaJamming ni Sir Benedict...
Apektado siya sa malaking Revelation na nalaman niya sa kaniyang sarili...
Ang malaman niyang ang tunay niyang saloobin na matagal ng nakatago sa kaibuturan ng kaniyang puso para sa kaniyang manliligaw na Tricycle Driver na si Eric...
"Haaaaaiiissstttt..." Ang mahabang pagbubuntong hininga na lamang ni Charito ng mga sandaling iyon at tila ba napapagod na siya sa kakaisip.
Pagod na siyang mag-isip kung ano nga ba ang isusulat niyang explanation na kaniyang sasabihin para sa kanilang Press Conference...
Pagod na din siya sa kakaisip sa kaniyang gagawing pakikitungo kay Sir Benedict...
At pagod na din siya sa kakaisip kay Eric...
"Bakit naman kasi..." Ang talunang sambit ng dalaga sa kaniyang sarili patungkol sa kaniyang nararamdaman for Eric habang tinitignan niya ang Oras sa kaniyang Fake na iPhone.
Mabilis na tinawagan ni Charito ang kaniyang Tatay Kardo dahil pakiramdam niya'y para na ba siyang maloloka ng mga sandaling iyon sa kaniyang pag-iisa...
"Hello..."
"Daddy... Where are you..."
"Byumabiyahe..."
"Why are you using your phone while driving..."
"Takte naman Chai... Tinawagan mo kasi ako... Sandali lang at itatabi ko lang itong taxi..."
"Daddy... Sunduin nyo naman ako dito sa Condo..."
"Bakit anak..."
"Gusto ko pong umuwi..."
"Ha... Baka magalit si Mrs. Chavez anak... Nagbilin di ba siya sa nanay mo na hangga't hindi pa kayo nakakapagPress Conference eh hindi ka pa pupuwedeng pumunta dito sa atin..."
"Daddy naman... Gusto ko lang kayong makita ni Mommy..." Ang pagmamaka-awa naman ni Charito na ikinatahimik naman kaagad ni Mang Kardo.
Ramdam ng tatay ng dalaga na may urgency at 'something important' sa tono ng kaniyang anak.
"Sige..." Ang maikling sinagot na lamang ni Mang Kardo kay Charito na siya namang ikinagaan ng kaunti ng loob ng dalaga.

*****************************

Labis ang pagtataka ni Mang Kardo sa pagiging tahimik ng kaniyang anak habang papauwi na sila ng bahay at katulad ng kaniyang asawa ay nagulat din itong si Aling Celia'y nang makita niya ang biglang pagpasok ng kaniyang mag-ama sa bahay.
"MOMMY..." Ang mahinang usal ng dalaga nang yumakap siya kay Aling Celia.
Kaagad namang hinagod-hagod nito ang likod ng dalaga nang magsimula na itong humikbi.
"Ano bang nangyari Chai?" Tanong ni Mang Kardo nang makaupo na silang tatlo sa sala.
Hindi tumugon itong si Charito sa tanong ng ama bagkus ay nagpunas na lamang siya ng kaniyang mga luha.
"Pinagalitan ka ba ulit ni Mrs. Chavez?" Ang hula ni Aling Celia na inilingan lang ng dalaga.
"Nagkapikunan na naman ba kayo ni Sir Benedict?" Sunod na tanong ni Aling Celia sa anak.
Umiling lang ulit si Charito.
"Eh bakit ka nagkakaganyan?" Ani ni Mang Kardo't hindi na niya matiis ang pagdradrama nitong si Charito.
"Si... Si... Si ano po kasi..." Ang hindi mabuo-buong sentence ni Charito na lalo pang nagpaCurious sa kaniyang Parents.
"Sino?" Ang tanong ulit ni Mang Kardo.
"Si ano po kasi eh..." Ang reply ulit ni Charito at talaga namang hindi niya mabuo ang kaniyang sentence dahil alam niyang pagtatawanan lamang siya ng kaniyang Nanay at Tatay.
"Sino nga Chai?" Si Aling Celia na ang nagtanong sa pagkakataong iyon.
"Si... Si... Si... Si Eric po kasi... Hu hu hu..." Ang naiiyak na usal na lamang ni Charito na ikinataas bigla ng kilay ng mag-asawa.
"Ano ngayon si Eric?" Ang naguguluhang sambit ni Mang Kardo at pagkatapos ay nagtinginan sila ng kaniyang asawa.
"Si Eric po Daddy!!! Hu hu hu!!!" Ang maarteng reply ulit ni Charito.
"Ano bang ginawa sa iyo ni Eric?" Ang medyo naiinis na sambit naman ni Mang Kardo't umiiksi na ang kaniyang pasensya sa anak.
"Wala po... Hu hu hu..."
"Wala naman pala eh bakit ka nagkakaganyan?" Ani ng naguguluhang si Aling Celia sa emong dalaga.
"Kaya nga po eh... Hindi na siya nagpaparamdam!" Ang malakas na reply ni Charito sa kaniyang magulang.
"CHAI NAMAN!!! Kausapin mo nga yang anak mo Celia!!!" Ang sambit na lamang ni Mang Kardo sa dalawa sabay tayo niya sa upuan at kaagad na pinukaw ni Charito ang kaniyang attention nang akmang lalabas na siya ng bahay.
"Where are you going Daddy?"
"Papasada ulit!"
"No Daddy! Stay here na lang at ihahatid nyo pa po ako sa Press Conference ko." Ang sambit naman ni Charito.
"Ha... San ba yan?" Ang tanong ni Mang Kardo.
"Sa Shang Ri La lang po. 3:00pm po..."
"O siya! Mag-usap muna kayo ng nanay mo..." Ang paalam na lamang ni Mang Kardo sa dalawa bago siya lumabas ng bahay upang umiwas sa problema nitong si Charito.
Batid na niya kung ano ang ikinawaWating ng dalaga at alam niyang baka ikahina pa niya ito sakaling magStay siya sa salas at makinig sa pag-uusap ng kaniyang mag-ina.
"Why are you smiling Mommy?" Ang nagtatakang tanong kaagad ng dalaga kay Aling Celia nang mapansin niyang nakangiti at nakatingin ito sa kaniya.
"Dalaga na ang anak ko..." Ang matamis na sambit naman ni Aling Myrna sa anak.
"MOMMY NAMAN EH!!! NAKUHA PANG MAGBIRO EH!!!" Ang maarteng sambit ni Charito.
Medyo gumaan-gaan pang lalo ang kaniyang pakiramdam at naiiyak na niya ang kaniyang saloobin ng kaniyang Parents.
Although independent itong si Charito ay hindi pa din niya nakakalimutang lapitan ang kaniyang mga Parents sa tuwing may malaki siyang problema tulad ngayon.
"Teka lang Chai... Di ba hindi mo naman type si Eric... Eh bakit ka nagkakaganyan?" Ang panunukso ni Aling Celia.
"Mommy naman! Hindi ko talaga siya Type!" Ang reply naman kaagad ni Charito.
"GUSTONG-GUSTO KO TALAGA SI ERIC! NOW KO LANG NAREALIZED!!!" Ang next na malakas na sinabi ng dalaga.
"Oh Mommy... Bakit hindi kayo nagulat?" Ang nagtatakang tanong kaagad ni Charito nang hindi natinag si Aling Celia sa kaniyang ibinunyag bagkus ay gumuhit pang lalo ang matamis na ngiti sa mga labi nito.
"Alam naman namin na Crush mo na noon si Eric! Mataas lang ang Pride mo." Ang straight to the point na sagot ni Aling Celia na ikinagitla't ikinatigil naman ng dalaga.
Biglang naalala nitong si Charito ang time na naibukambibig niya sa harapan ni Eric at ng kaniyang Family na gusto niyang makapag-Asawa ng mayamang Foreigner at wala siyang mararting kung sakali mang makapag-asawa siya ng tricycle driver.
"Ano... Hindi ka makapagReact?" Ang natatawang sambit ni Aling Celia sa anak.
"Mommy..."
"Ano yun Chai..."
"Anong balita na kay Eric..."
"Umuwi na sa Probinsya at babalikan na lang daw niya ang dati niyang Girlfriend."
"WHAAAATTTTT???!!!" Ang biglang sambit ng dalaga.
"Gaga!!! JOKE LANG!!! HA HA HA!!!" Ang natatawang sambit ni Aling Celia dahil sa reaction ng pagmumukha ni Charito.
"Mommy naman eh!!! SYET!!!" Ang naiinis at natatawang sambit na lamang ni Charito and this time ay napakagaan na ng kaniyang pakiramdam at 100% na niyang naibulalas ang kaniyang problema sa kaniyang Nanay.
"Ang lakas talaga ng tama mo kay Eric!"
"Seriously Mommy! Ano na ang balita kay Eric?"
"Tricycle driver pa rin!"
"What I mean is ang balita sa kaniya after niyang gumawa ng eksena nung malasing."
"Ah... Yun ba..."
"Yes Mommy..."
"Hindi ko alam eh... Hindi naman ako Chismosa eh..."
"Pupuntahan ko na nga lang si Eric..." Ang biglang paalam ni Charito kay Aling Celia at walang pasabing mabilis siyang tumayo't lumabas ng bahay upang harapin na itong si Eric.
Napapailing na lamang itong si Aling Celia at talaga namang nagpapasalamat siya at naliwanagan na din ang kaniyang anak.
Bet na bet talaga nila itong si Eric para kay Chai ngunit ang anak lang nila ang maarte.
"DADDY???!!!" Ang gulat na sambulat ni Chai nang makalabas na siya ng bahay at nang makasalubong niya itong si Mang Kardo na papasok sa gate at kinakaladkad itong si Eric.
"Eto na si Eric!!!" Ang masayang sambit ni Mang Kardo sa kaniyang anak habang mahigpit pa din ang kaniyang pagkakahawak sa kwelyo ng tshirt ng binata.
Alam ni Mang Kardo ang saloobin ng dalaga at batid din niya ang problema nitong si Eric kaya nama'y siya na mismo ang gumawa ng paraan upang makapag-usap ang dalawa.

*****************************

Halos ilang minuto ring pinagmamasdan ng mag-asawa ang dalawa na magkaharap at nakaupo sa kanilang maliit na salas at batid nilang nagpapakiramdaman lamang ang parehong namumula sa hiyang sina Chai at Eric.
"May sasabihin ata sa iyo si Chai." Ang usal ni Mang Kardo kay Eric at siya na ang bumasag ng katahimikan dahil kung hindi pa niya ito gagawi'y baka abutin lang sila ng siyam-siyam.
"Ha... Ah... Eh..." Ang usal lang ng nabiglang si Chai habang tinitignan niya ang kaniyang Nanay at Tatay.
Hindi siya makatinggin ng straight kay Eric dahil sa pagkahiya niya dito.
"Uhhmmm... Eric..." Ang napilitang sambitin ni Chai dahil naiipit na siya sa kasalukuyang sitwasyon.
"Bakit hindi ka na nagpaparamdam sa akin..." Ang natapos ding tanong ni Chai.
Kaagad namang ibinigay nina Aling Celia't Mang Kardo ang kanilang buong attention sa binata.
"Para ano pa?" Ang seryosong balik tanong naman ni Eric sa nagulantang na dalaga at kahit na ang mag-asawa'y nagulat din sa sinabi ng binata.
Nag-inhale at nag-exhale muna si Eric bago siya nagpatuloy sa pagsasalita dahil naramdaman niyang natameme ang tatlo niyang kaharap sa kaniyang sinabi.
"Hindi na ako nagparamdam sa'yo Chai... Para ano pa?... Eh hindi mo naman ako pinapansin noon..." Ang pagsisimula ni Eric.
"Ngayong sikat ka na at Kilalang-kilala eh ano pa kaya ang silbi na magparamdam pa ako sa iyo..."
"Oo... nililigawan kita noon kahit alam kong maliit lang ang pag-asa ko sa iyo pero ngayong maganda na ang katayuan mo sa buhay eh aminado naman akong wala na talaga akong pag-asa sa'yo..." Ang sunod-sunod na sambit ni Eric sa dalaga.
"EH SINO BANG MAY SABING LIGAWAN MO AKO???!!!" Ang hindi mapigilang sumbat naman ni Charito kay Eric na ikinabigla naman nina Aling Celia't Mang Kardo.
"Yun na nga Chai... Pinapakitaan mo ako ng motibo na may pag-asa ako at hindi mo naman ako tinapat na wala kang gusto sa akin..." Ang sagot naman nii Eric na ikinatahimik ng dalaga.
"Alam kong may pangarap ka sa buhay Chai... Ngayon eh hindi lang mayamang foreigner ang pwedeng manligaw sa iyo... Maraming ang pwedeng maging kakompetensiya ko... Ano ba ang laban ng isang tricycle driver sa mga bigating pwedeng manligaw sa iyo..."
Hindi na napigilan nitong si Eric na ibuhos ang naipong sama ng kaniyang loob sa dalaga ng mga sandaling iyon.
"Noong SalesLady ka pa eh hindi mo ako masyadong pinapansin pero talagang gusto kita Chai kaya kinakapalan ko na lang ang mukha ko na pumorma sayo kahit alam kong wala akong pag-asa at ngayong maganda ka na eh mas mabuti nang tumigil na ako sa pagpaparamdam sa iyo..."
Ang naudlot na sinasabi ni Eric nang hindi nito napigilan ang pagtulo ng kaniyang luha at pakiramdam niya ay kinawawa talaga siya at binalewala ni Chai.
"Eric..." Ang mahinang nasambit na lamang ng guilting si Charito sa nagpupunas ng luhang si Eric.
"Mauna na po ako..." Ang maiksing paalam lang ni Eric kina Aling Celia't Mang Kardo sabay labas nito ng mabilis sa kanilang bahay.
Hindi na pinigilan ni Mang Kardo ang binata dahil naawa siya dito at batid naman niya na totoo ang slahat ng sinabi nitong si Eric sa pakikitungo ni Chai sa kaniya. Kitang-kita niya sa kaniyang dalawang mata kung gaano kapursigid itong si Eric sa panliligaw sa kaniyang anak.
"Chai... Okay ka lang ba..." Ang mahinang tanong ni Aling Celia nang tinabihan niya ang nagsisimulang lumuhang dalaga.
"Mommy... Ganoon ba ako kasama..." Ang tanong ng dalaga.
"Tsk... Oo anak... Totoong lahat ng sinabi ni Eric..." Ang talunang sambit ni Aling Celia sa lalo pang lumuluhang dalaga.
"Leksyon yan sa inyo... Ngayon alam mo na kung gaano kahalaga ang isang bagay kapag wala na ito sa iyo..." Ang hindi mapigilang sermon naman ni Mang Kardo sa umiiyak niyang anak.
Hindi na nakaimik itong si Chai at aminado naman siya sa kaniyang pagkakamali.
Alam ng dalaga na nangarap siya at hindi naman niya kasalan na maisantabi niya at hindi mapansin ang Effort nitong si Eric. Ang alam lang niya'y nililigawan siya nito at alam niyang pinagbibigyan siya nitong si Eric sa kaniyang mga iniuutos at pagpapahatid-sundo niya kung minsan dito.
Alam din ni Charito na sinamantala niya ang pagkaGusto at pagsamba sa kaniya nitong si Eric pero hindi niya inaakalang kinikimkim lang pala ng binata ang mga sama ng loob nito sa kaniya.
"Bakit hindi mo sinabi kay Eric na gusto mo siya?" Ani ni Aling Celia.
Umiling nalang si Charito.
"Nahihiya ako Mommy..." Ang hikbi ng dalaga.
"Baka naguguluhan ka lang Chai? Huwag kang pabigla-bigla." Ang sambit naman ni Mang Kardo sa anak.
"Daddy..." Ang mahinang nai-reply lamang ni Charito nang mapaisip siya sa sinabi sa kaniya ng kaniyang Tatay.
Alam ni Charitong bigla na lamang niyang naramdaman ang tibok ng kaniyang puso para kay Eric dahil nabigla siya sa nangyari sa kanila ni Sir Benedict.
Magulo ang kaniyang isipan ng mga sandaling iyon.
"Oo nga naman Chai... Pag-isipan mo yang mabuti... Kausapin mo ulit si Eric kapag humupa na ang tampuhan nyo..." Ang payo naman ni Aling Celia.
"Teka anak... Alam mo na ba ang sasabihin mo sa Press Conference..." Tanong ni Aling Celia.
"Hindi pa po Mommy..."
"Baka naman pwede po kayong sumama mamaya sa Shang Ri La... Daanan na lang natin si Jun-jun sa School mamaya..." Ang sunod na request ni Charito sa kaniyang mga magulang.
"Kailangan ko kayo doon Mommy... Daddy.. Pati na din si Jun-jun..."
Hindi na nagsalita pa si Aling Celia't bagkus ay niyakap na lang niya ang nanlalambot na si Charito at alam nilang wala silang maitutulong sa dalaga.
Hindi naman nila masisi ng kaniyang asawa ang kanilang anak at talaga namang nuknukan ng kaartehan ito.
Napabuntong hininga na lamang si Aling Celia habang hinahagod-hagod niya ang likuran ng dalaga. Mas kampante na si Aling Celia at alam niyang may isang aral na natutunan ang kaniyang anak sa mga sandaling iyon.
"Maghanda ka na Chai sa sasabihin mo mamaya at baka mapurnada na naman ang plano ninyo ni Mrs. Chavez..." Ang bulong ni Aling Celia sa kinakalmang anak.
"Bahala na si Batman..." Ang sambit na lamang ng dalaga't wala na siyang gana ng mga sandaling iyon at mas gusto pa niyang ipahinga ang kaniyang isipan at damdamin habang yakap-yakap siya ng kaniyang Nanay.

*****************************

Halos hindi mapakali itong sina Aling Celia't Mang Kardo sa kanilang kinauupuan habang pinagmamasdan nila ang kanilang anak sa harapan ng Conference Room na inupahan ng Shu Eumura Philippines itong si Chai.
Clueless na clueless naman itong si Jun-jun habang impress na impress pa din ito sa before and after na poster ng kaniyang Ate na nakaDisplay sa tabihan ng semi long table na kinauupuan ng mga bigating people ng Shu Eumura Philippines.
"Ready ka na ba?" Ang tanong ni Mrs. Chavez sa dalaga.
"Opo..." Ang malumanay na sambit lamang ni Charito sa kaniyang amo.
"Patingin nung Drafts na ginawa mo iha..."
"Wala po akong naisulat eh.."
"Hindi mo ba binilinan si Chai na gumawa muna ng drafts sa Scratch Paper..." Ang tanong naman ni Mrs. Chavez sa nananahimik na si Sir Benedict.
"BENEDICT! Narinig mo ba ako?" Ang ulit ni Mrs. Chavez.
"Ha... Ano nga po yun Mommy?" Ang nagulat na tanong naman ni Sir Benedict dahil lumilipad ang kaniyang isipan ng mga sandaling iyon.
Napabugtong hininga na lamang si Mrs. Chavez sa reaction sa kaniya ng kaniyang anak dahil medyo bothered na din siya dito at matagal na niyang napapansin ang pagiging matamlay nitong si Sir Benedict.
"Ano ba naman kayong dalawa!" Ang sumbat na lamang ni Mrs. Chavez kina Charito't Sir Benedict at talaga anmang dismayado siya sa kanilang dalawa.
"Sinabihan naman po ako Ma'am." Ang maikling sambit na lamang ni Charito sa kaniyang amo upang hindi na ito lalo pang maBadTrip at mapagalitan pa si Sir Benedict.
"Ladies and Gentlemen... Ms. Ritz Soler..." Ang pagtatapos ng Emcee sa introduction nito sa paPress Conference ng Shu Eumura.
Kaagad na ibinigay nito ang Mic kay Charito at hindi maiwasang kabahan itong si Mrs. Chavez at nagdarasal ito na sana'y maging maganda ang paliwanag ng dalaga tungkol sa kumalat niyang Picture na nagtoTong-its.
"Good Afternoon..." Ang panimula ni Ritz Soler sa lahat ng mga Press and Media na invited ng kanilang Company.
"Alam n'yo na naman siguro kung bakit kami nagpaPress Conference..." Ang nakangiting sambit ni Charito sa lahat na ikinatawa naman ng mga ito.
"Hindi ko naman ideDeny na ako yung nasa picture eh... Ako po yun... NagtoTong-its..." Ang pagpapatuloy ng dalaga.
"I will take this opportunity na makapagpakilala ng lubusan sa inyo..."
"Siguro nama'y nakita n'yo na ang dati kong hitsura..." Ang ani ni Charito sabay tingin niya at ngiti sa Before and After Poster niya na ikinatuwa naman ng mga taong nasa loob ng Function Room.
"Nagpapasalamat talaga ako at nakilala ko si Mrs. Chavez... One of the executive of our Company..." Nilingon ng dalaga itong si Mrs. Chavez at nginitian.
Ngumiti din naman itong si Mrs. Chavez at unti-unting nakaramdam ito ng pagiging kampante dahil nadama niya ang sincerity ng dalaga ng mga sandaling iyon at mukhang magiging maganda ang resulta ng kanilang paPress Conference.
"Isa akong Saleslady sa SM San Lazaro bago ko makilala si Madam..." Ang pagpapatuloy ng dalaga.
"Hindi ko ikinahihiya ang trabaho ko at aminado naman ako na gusto ko talagang pumuti... Sumobra lang ang pagkaMorena ko talaga..." Ang natatawang sambit ng dalaga.
"Hindi talaga ako makapaniwala na naging maganda naman ang resulta ng Project ng Shu Eumura at kitang-kita naman kung gaano kabisa ang Whitening Products namin...
Hindi ko talaga inaakalang puputi ako ng ganito... May nagsabing hindi ako tatablan pero ano ngayon sila... Kitang-kita naman sa balat ko diba..." Sabay tingin ni Charito kay Sir Benedict at ngiti din dito.
Slight din na ngumiti itong si Sir Benedict ngunit pansin pa din ng dalaga ang kalungkutan sa mga mata nito.
"Nagkaroon ako ng responsibility na dalhin ang name ng Shu Eumura bilang isang product endorser kaya nama'y naging maingat ako sa mga kilos ko dahil alam kong makakaApekto sa Company sakali mang may hindi magandang balita ang lumabas tungkol sa akin...
Katulad ng nangyari sa kumalat na picture ko...
Nakuha yung kumalat na picture ko na nagsusugal nang nakipaglamay kami sa kapitbahay namin sa lugar namin...
Lumaki ako sa isang maliit at normal na baranggay at may mga kapitbahay ako at may mga pinagsamahan din naman kami...
Hindi ako nagdalawang isip na makipagTong Its sa kanila nang niyaya nila ako...
Ganoon naman talaga kasi ako...
Nakikisama sa mga tao...
Kahit na pumunta pa kayo sa baranggay namin at magtanong...
Welcome na welcome kayo doon...
Hindi ko ikinahihiya na makita ako ng ibang tao na nakikipagTong-Its...
Tumatambay sa tindahan...
Dahil ginagawa ko naman ito bago pa ako naging endorser ng Shu Eumura...
Porke't lumalabas ako sa commercial at nakikita nyo ako sa mga magazine eh hindi ibig sabihin noon eh kailangan kong magkunwari sa inyo...
Isa lang akong simpleng tao na katulad ninyo...
Gusto ko lang iparating ngayon na nanghihingi ako ng paumanhin kay Mrs. Chavez at sa lahat ng mga tagaShu Eumura sa behaviour ko that time at hindi ko talaga naisip na puwede akong maging bad influence sa iba lalong-lalo na sa mga bata..." Ang sambit ni Charito sabay tingin niya kina Aling Celia, Mang Kardo at Jun-jun.
Napabugtong hininga ang dalaga at unti-unti siyang naging kalmado dahil nakapagpalakas sa kaniya ang mga matatamis na ngiti ng kaniyang Family.
"Sana nama'y maintindihan ninyo ang naging situation ko ng mga sandaling iyon...
Namiss ko lang talaga ang mga kapitbahay ko that time kaya sinamantala ko ang pakikipagBonding sa kanila...
Nagkataong sa lamayan nga lang...
Matagal din kasi akong hindi nakauwi sa amin dahil naging busy ako sa mga commercial and photo shoots kaya naman medyo naHome sick ako...
Sila pala ang Nanay at Tatay ko... At ang bunso kong kapatid..." Ang sambit ni Charito sa mga guest sabay turo niya sa puwesto nina Jun-jun. NapaSmile ang dalaga nang itinuon ang mga Camera sa kaniyang nahihiyang family.
"Kaya huwag na kayong magugulat sakali mang maPicturan ako na kumakain ng FishBalls, Kwek-kwek, Isaw at umiinom ng sago't gulaman... NakakaMiss din naman kasi yung mga ganoon...
Ang mga nakasanayan at nakalakihan mo na...
Naging parte na ng buhay ko ang mga ganoong bagay." Ang natatawang sambit muli ni Charit sa Press.
"Yes po!" Ang maliksing sambit kaagad ni Charito nang may nagtaas ng kamay mula sa mga nakaupong reporters.
"Ms. Ritz... Alam naman ng lahat na kilala ka na at ang whitening products ng Shu Eumura... Sinabi mo din na dati kang SalesLady at di ka makapaniwala sa nangyari sa buhay mo... Ano ang masasabi mo at sikat ka na?" Tanong ng Reporter sa dalaga.
"Hindi naman siguro ako ganoon kaSikat!" Ang natatawang sambit lang ni Ritz Soler.
"Hmmm... May namiMiss din naman akong mga bagay noon..." Ang pagpaptuloy ni Ritz Soler.
"NamiMiss ko ang pagAttend sa mga customer namin noong nasa SM Department Store pa ako...
Yung mga kasamahan ko...
Yung manliligaw ko..." Ang nadulas na sambit ni Ritz na ikinabigla din ng dalaga.
"May nanliligaw sayo? Sino yun?" Ang biglang tanong naman ng Reporter.
"Ha... Ahahahaha!!! Sinabi ko bang may manliligaw ako?" Ang natataranta't nagmamaang-maangang sambit ni Ritz.
"Sinabi mo kaya... ViniVideohan ka... Hindi ka pupuwedeng tumanggi..." Ang paalala naman ng natatawang reporter.
Ngumiti na lamang ang dalaga at wala na talaga siyang kawala ng mga sandaling iyon.
"May nanliligaw naman sa akin noon kahit ganyan ang hitsura ko." Ang nakaSmile na pagsisimula ni Ritz sabay turo niyang muli sa kaniyang before and after na poster.
"Tricycle driver siya sa lugar namin pero gwapo at macho..." Ang malanding sambit ni Ritz at nakitaan siya ng mga reporter ng pagkakilig ng mga sandaling iyon.
"Eh di tuwang-tuwa siya at napakaganda mo na ngayon..." Ang clueless na tanong muli ng isa pang reporter.
Napabugtong hininga muli ang dalaga bago ito nagsalita.
"Sana nga ganoon ang mangyari..." Ang talunang sambit ng dalaga.
"May masama bang nangyari?"
"Hindi naman masama...
Kung tutuusin kasalanan ko din naman kung bakit siya lumayo sa akin..." Ang malungkot na sinabi ng dalaga na ikinatahimik naman ng lahat.
Batid ni Ritz Soler na gustong malaman ng lahat ang dahilan kaya nama'y nagsalita siyang muli at hindi na niya hinintay pa na may magtanong sa kaniya.
Magpapakatotoo na siya ngayon...
"Tulad ng sinabi ko...
Katulad nyo din ako...
Ordinaryong tao...
Nanliligaw siya sa akin...
Sinusundo at inihahatid ako sa kaniyang tricycle sa sakayan sa tuwing pumapasok ako sa SM...
Pumuporma talaga siya sa akin...
Kaya lang...
Naging ambisyosa ako...
Sinabi ko sa kaniya at totoo namang pangarap ko dati na makapag-asawa ng isang mayamang Foreigner...
Hindi ko alam na masakit pala ang nasabi kong ito sa kaniya...
Aminad ako na binalewala ko ang effort niya sa panliligaw niya sa akin...
Pero sa totoo lang...
Gustong-gusto ko siya...
Yung mga ginagawa niya para sa akin...
Yung pagpapaPorma niya...
Kaya lang huli na ang lahat...
Ayaw na niya sa akin..." Ang matamlay at napiyok na sambit ng dalaga.
"Bakit?" Ang hindi mapigilang tanong naman ng isang reporter.
"Hindi na daw kami bagay...
Malayo na daw ang agwat namin..." Ang mabagal na sagot ng dalaga at hindi na namalayan ni Ritz ang pagtulo ng kaniyang mga luha.
"Normal na tao pa din naman ako kahit naging endorser at lumalabas ako sa TV at magazine..." Ang sunod na sinambit ni Ritz.
"Hindi ko naman siya masisisi at talaga namang aminado akong binalewala ko siya noon...
Pinagsisisihan k ang mga nagawa ko sa kaniya...
Ngayon ko lang nalaman kung gaano siya kahalaga sa akin ng wala na siya sa buhay ko..." Ang pagtatapos ni Ritz at tuluyan ng bumigay at umiyak ang dalaga.
Wala ng umimik sa mga Reporter at wala silang masabi sa situation ng dalaga.
Napabugtong hininga na lamang itong si Mrs. Chavezsa kaniyang narinig ay Ritz Soler at naImpress talaga siya ng dalaga ng mga sandaling iyon.
Kaagad na kinuha ni Mrs. Chavez ang kaniyang Paul Smith Handkerchief mula sa kaniyang Victoria Bekcham Handbag at tinignan ang kaniyang anak.
"Gamitin mo to..." Ang sambit lang ni Mrs. Chavez sa umiiyak na si Sir Benedict habang iniaabot niya ang kaniyang panyo sa anak.
Mabilis naman iyong kinuha ni Sir Benedict at kaagad na siningahan dahil affected na affected siya sa pagkukuwento ni Ritz...
Relate na Relate itong si Sir Benedict dahil hanggang ngayon ay may tampuhan pa sila ni Dennis...
Nag-away kasi sila nung time na nadulas itong si Charito na masabing nakikipagFlirt itong si Sir Benedict sa FB at guilty din kasi siya sa pagneNeglect kay Dennis kahit labis-labis ang ipinakikita nitong pagmamahal sa kaniya...





To Be Continued

8 comments:

  1. Isang malaking tsek talaga tatay Kardo na dyan mo lang malaman ang halaga ng isang bagay pag wala na.... Go Ritz kaya mo yan!

    Adik lang :-)

    ReplyDelete
  2. ahahaha pareho kami ni chai na mahilig kay batman.....sabi ko na e malansa talaga hindi pwedeng mawala

    ReplyDelete
  3. Nice chapter.you will learn a lot from this chapter.

    ReplyDelete
  4. Enjoyed reading this.... di ko mapigilang tumawa.....HAHAHAHA...... parang sira ulo lng nakabungisngis while reading and having late aftetnoon lunch sa Yoshinoya.... luv you Ritz Soler..... hehehe..... you made my day

    ReplyDelete
  5. O ayan eric on national tv cnabi n ni chai ang feelings nya sayo. Wag n pkipot go punthan u.n xa. Tnx ponse sa update

    Randzmesia

    ReplyDelete
  6. Ui relate aq nito ngayon hahhaha

    ReplyDelete
  7. Kuya Pj, Gaston, Anon 4:48PM, Patryckjr, Randzmesia and Russ

    Tenhcu sa pagsama sa buong tropa ng 'The Yuppie Is My Papi' and sa pag-iwan ng Comment. Really appreciate it :)))

    TAKE CARE AND GOD BLESS :)))

    ReplyDelete
  8. haha ayun oh! ben and den! chai and eric.. ayiiieee! salamat sa update manong.. time to sleep na!

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails