Sorry for not posting yesterday. Sorry din if medyo maikli ang chapter na ito at hindi ko na nagawang i-proofread. Busy lang kasi, at saka nagstart na ang pasukan, eh. :(
Maraming salamat nga pala sa mga patuloy na nagbabasa. You continue to inspire me! :D
Maraming salamat din kay Kuya Mike for giving me the chance to publish this on his site.
--
Chapter
10
Janine.
Flashback
“Huy! Bakit tutok na tutok ka kanina kay Gabriel
Tan? Iba ‘yung mga tingin mo, eh. Baka matunaw ‘yan!” Pagpuna ko kay Josh.
Hindi naman kasi sila friends ni Gabriel, pero tila may kakaiba akong nakita sa
mga mata ni Josh. Second year kami at third year si Gabriel Tan, isa sa mga
officers ng student council last year at isa sa mga crush ng bayan dito sa campus.
Kasalukuyan itong nagbibigay ng opening remarks para sa isang program noong
foundation day. It was the second week of June.
“Huh?” lutang na tanong niya.
Hmm, parang may iba.
--
“Gab! Ano?
Kamusta na?” aligagang sabi ni Josh nang makitang papunta si Gab sa direksyon
namin. Kasalukuyang kumakain kami sa canteen noon. May nararamdaman talaga
akong kakaiba dito kay Josh, lalo na kapag nandiyan si Gab. Sa pagdaan ng taon
ay naging magkaibigan sila ni Gab dahil na nga rin tumakbo si Josh bilang
representative ng second year sa Student Council. Pareho silang member ni Gab ng
student council ngayong taon. Si Gab ang Vice President.
“Okay
naman. Ikaw? Punta ako sa inyo mamaya, ah. Walang tao sa bahay, eh.” Tugon ni
Gab. Wow, ano ‘to? May ganito na sila ngayon? Tila lalong sumigla ang mukha ni
Josh. “Ah, sige. Sabihan ko si mama. Doon ka na lang ulit matulog hehe.”
Masayang tugon ni Josh.
I smell something.
--
Isang araw
ay bigla-bigla akong niyayang uminom ni Josh. Saan pa ba? Siyempre, sa bahay
ko. Ang kaibahan lang ngayon ay siya ang unang nag-aya. Normally kasi ay ako
ang nagyayaya sa kanya kapag wala kaming magawa. May problema siguro ang gago.
Nagsimula
agad kami at wala pang isang oras ay nakarami na si Josh na lalo kong
pinagtaka. Hindi niya kasi ugaling uminom ng marami. Masama daw sa kalusugan ang
marami. Eh anong ginagawa niya ngayon? “Huy, friend. Hinay-hinay lang. Alam ko
marami kaming stock, pero huwag ka namang hayok! Malulugi kami diyan.”
Pagbibiro ko, pero sa totoo lang ay nag-aalala na ako para sa kanya noon.
“Janine.”
Isang masuyong tingin ang ibinigay sa akin ni Josh. Kilala ko siya. Kapag
binigyan niya ako ng ganyang tingin ay humihingi siya ng yakap. Agad ko siyang
niyakap, at nagulat na lamang ako na bigla na siyang humahagulgol. Naawa ako sa
ayos ni Josh. Lalo naman akong nagtaka kung bakit siya nagkakaganito. Matatag
kasi ‘tong kaibigan kong ito, at ni minsan kahit gaano ‘yan kalungkot ay hindi
‘yan umiiyak at tatahimik lamang. Pero iba ngayon.
“Josh, ano
bang problema? Sabihin mo naman sa akin! Napapansin ko nitong mga nakaraaang
araw medyo wala ka sarili mo. Ang hirap na manghula. Please naman, oh.” Sinsero
kong sabi sa kanya. Lalo lamang siyang humagulgol kaya naman patuloy ko pa rin
siyang inalo. Pagkatapos ko siyang yakapin ay patuloy ko pa rin siyang uminom.
Makalipas ang ilang sandali ay inagaw ko ang bote mula sa kanya. “Tama na ‘yan.
Nakarami ka na.” Seryoso kong sabi. Nagulat ako sa naging reaksyon niya.
“Puta
naman, Janine! Depressed ‘yung tao hayaan mo na lang! Huwag mo na akong
istorbohin! The least you can do is be there for me!” Bulyaw ni Josh na
ikinabigla ko. Kumulo ang dugo ko sa narinig ko. Binigyan ko siya ng isang
malutong na sampal sa pisngi.
“Tangina,
Josh! Eh ano ba ‘tong ginagawa ko?! Halos marindi ka na nga sa akin sa
kakukulit ko sa’yo tungkol diyan sa leche mong problema! Tapos, dadadaan mo ako
ng ganyan?! Sa tingin mo ba ako, hindi ako nalulungkot sa nakikita ko sa’yo
ngayon?! Kaibigan mo ako, kaya nasasaktan ako, okay?!” balik ko sa kanya. Hindi
ko na napigilan ang emosyon ko kaya ko siya nasigawan ng ganoon.
Natahimik
naman siya. “So... sorry, ang bigat lang kasi.” Ang tangi niyang sinabi. At
doon, ay nawala agad ang galit ko, at nanaig ang pagnanais kong tulungan siya.
Pilit ko siyang inintindi. “Josh, please tell me. Mapagkakatiwalaan mo ako.”
Ang tangi kong nasabi.
Nag-iiyak
na naman siya, at tiningnan lamang niya ako. Pinisil ko ang kamay niya, na tila
sinasabi sa kanya na maiintindihan ko kung anuman ang gusto niyang sabihin.
“Kasi...
ewan! Tangina! Gulung-gulo na ako sa sarili ko! Hindi ko alam kung bakit
nararamdaman ko ‘tong walang kwentang damdamin na ‘to! Hindi ko alam kung bakit
nasasaktan ako! Tangina, mali ito, eh! Mali! Pero kahit patuloy ko pa ring
itanggi sa sarili ko ay hindi ko kaya...” pagsisimula niya. Lalong lumambot ang
puso ko para sa kaibigan ko dahil ramdam ko sa mga sinabi niya ang bigat ng mga
dinadala niya.
“Janine,
kaibigan naman kita ‘di ba? Matatanggap mo pa ba ako kahit na ano ako?” tanong
niya sa akin, na ikinataka ko. OMG, hindi kaya tama ang mga hinala ko? “Oo
naman.” seryoso kong sabi, pilit na pinapalakas ang loob niya. I’m anticipating
something, kaya kailangan ko ng ihanda ang sarili ko kung tama man ang hinala
ko.
“Jans,
ewan... confused na ata ako, pero parang... parang... may nararamdaman na ako
para kay Gab.” Putol-putol niyang sabi. So tama nga ang hinala ko. Nitong mga
nakaraang araw ay nahalata ko na ito. Dahil ibang-iba siya kapag si Gab ang
kasama niya. Hindi mo maitatanggi na sa mga tingin at kilos niya ay kakaibang
saya ang nararamdaman nito.
Niyakap ko
na lamang siya at nagpatuloy lamang siya sa pag-iyak.
“Josh, to
be honest. Hindi na ako nagulat. Parang kapatid na kita, eh. Iba ka kasi kapag
nandiyan si Gab. And no, it doesn’t make any difference sa pagtingin ko sa’yo.
In fact, lalo pang tumaas ang tingin ko sa’yo, because you chose to confront
whatever’s been bugging you. Josh, hindi kita masisisi. I mean, love knows no
gender. Bullshit lang naman talaga ang sinasabi nilang dapat ang lalaki, para
sa babae, or vice versa, kasi the thing is, all of us are capable of loving.
It’s just that, siguro kaya ka naguguluhan ngayon ay dahil nga, kay Gab mo ‘yan
nararamdaman. But I’m telling you, nothing is wrong with you, okay?” pagpapaliwanag
ko.
“Janine...
ano ba ang dapat kong gawin? Ayokong masira kung anuman ang meron kami ngayon.
Ang sakit lang kasi, alam kong wala akong pag-asa sa kanya, na talo agad ako at
walang laban. Ngayon, gusto daw niya ligawan si Therese. Ang sakit.” Pag-iyak
niya sa akin. Hinigpitan ko na lang ang ayakap ko sa kanya bilang tugon.
Iyon lamang ang nakaya kong gawin, dahil for the first time ay hindi ko
alam kung ano ang sasabihin sa kanya.
--
Tahimik lamang si Matt nang matapos ko ang kwento
ko.
“Oh, natahimik ka?” tanong ko. Kahit ako ay tila
natigilan nang panandalian kong balikan ang nakaraan. Nagdadalawang isip ako
kung tama nga ba ang ginawa kong pagkwento nito kay Matt. Pero gusto ko rin
namang malaman ang reaksyon niya kapag nalaman niyang may iba na palang laman
ang puso ni Josh, pati na rin ang tunay nitong sexual orientation. “Ahh, grabe
pala ang nangyari kay Josh, no?” medyo tuliro niyang tugon. “And I didn’t
expect that he’s...” “Yes, he is. Ayaw mo ba noon? Ibig sabihin, may pag-asa
ka. He’s been hurt terribly, kaya nga gusto kong mayroong sumalo sa kanya nang
hindi na siya nagkakaganyan.“ pagputol ko sa kanya. Hinintay ko ang magiging
reaksyon niya.
“Hmm, sino naman kaya ‘yung tao na iyon?” medyo
natatawang biro ni Matt. Hay, ang kolokoy
talaga. “Aba, malay ko!” pagsakay ko na lang. “Hmm, parang kilala ko na.”
Pagpapatuloy niya. “Oh, sino naman?” tanong ko. “Matthew Alexander Lopez ata
pangalan eh. Mahal na mahal nun ‘yung Joshua Gutierrez. Biglaan nga lang daw,
eh. Pero malakas na daw ang tama kay Josh.” Tugon niya. OMG kilig ako! Mahal na mahal nga talaga ni mokong si friend! Lalo
pa siguro siyang nadevelop kay Josh dahil madalas silang magkasama nitong mga
nakaraang araw.
“Ay, grabe! Hindi ko kinaya!” ang tangi ko na
lang nasabi. Masaya ako dahil handa si Matt at tanggap niya si Josh. At mas
masaya ako dahil alam kong may isang taong nagmamahal sa kaibigan ko. Haaay, Josh. Kailan mo kaya marerealize na
ang taong hinahanap mo ay nasa tabi-tabi lang pala? By tabi-tabi, as in
katabi mo lang sa classroom! Si Matt,
ha, hindi ako. Eww. Hindi na rin masama, huh. Mas gwapo naman talaga si Matt kay
Gab, Medyo corny at kengkoy nga lang si Matt, kumpara kay Gab na laging
kalmado, cool, na medyo mukhang suplado, pero pwede na! At saka kasi... mahal
niya si Josh. Okay, akin na lang si Gab. Maagaw nga kay Therese! HAHA., malanding sabi ng utak ko.
“Anyway, salamat Janine ha! Promise ating-atin
lang ‘to. Thanks sa trust.” Sabi ni Matt. “Nako, dapat lang! Baka lamunin ako
ng buhay ni Josh kapag nalaman niya ‘yan! Walang nakakaalam niyan kundi ako at
mama niya.” tugon ko. “Hehe, secret nga lang! Basta tulungan mo pa rin ako sa kanya,
ha? Gusto ko kasi hindi na siya malungkot. Sana makita na niya ako. Maasahan ko
ba ‘yon?”
Kinilig naman ako. “Oo naman. Anything for my
friends!”
“Okay, thanks talaga! Good night. See you
tomorrow. Magsorry na rin ako kay Josh. Patulong, ha.”
“Gaga, labas na ako
diyan! Good night din!”
--
Josh.
Kinabukasan.
Tulala lamang ako at hindi gaano nakikinig sa
teacher namin buong araw. Ewan ko ba, hanggang ngayon ay sobrang apektado pa
rin ako sa ginawa ni Matt. Kahit magkatabi kami ay wala ni isa sa amin ang
nag-initiate ng conversation. Ang hirap rin pala. Parang, we’re so close yet so
far away. Halos buong araw ay kay Janine lamang nakabaling ang atensyon ko.
Oras na ng uwian at papalabas na ako ng campus na
nag-iiisa. “Ahh, Josh...” pagkuha ng atensyon ko ni Matt sa siya namang
ikinagulat ko. Medyo natuwa naman ako dahil pinansin niya ako. “Oh?” simple
kong tugon. May bigla siyang inabot sa aking isang nakatuping papel at
kumaripas ng takbo. Napakamot naman ako sa ulo dahil sa ginawa niyang iyon. Ano kayang nakain, non? Parang sira. I
unfolded the piece of paper and read the note. Napansin kong sulat-kamay ito ni
Janine.
“Josh,
I just want
to say sorry for what I’ve done yesterday. I don’t want to give further reasons
for justifying or defending how I’ve treated you yesterday, because no matter
what acceptable reason there is, the fact still remains that what I did was
wrong. I’m sorry if ever I hurt your feelings. I just want to say sorry,
because that’s all I can do for now. I want to make it up to you. I don’t
expect you to forgive me soon, but if you are willing, then meet me at SM...
maybe at the Foodcourt.
I will be
waiting. Hope to see you there.
<3,
Matt.”
--
Itutuloy...
eeeee. nakakabitin naman! Heheh
ReplyDeleteganda ng flow ng story... Go Matt!
Sana update na! Kung makapagdemand di ba? :p
hmmm.. Good job mr author. Galing!!!
-youcancallmeJM
Haba.ng hair ni josh haha..
ReplyDeleteGo Matt... At gising Josh kay Matt u na lang ibaling ang love mo para kay Gab. Thanks sa update
ReplyDeleteRandzmesia
off d record ne Josh c Rapunzel hahahaha
ReplyDeletespell K.I.L.I.G lol
AtSea
Feeling ko si Gab pa rin ang bagsak ni Josh. Hahaha.
ReplyDeleteLet's see.
Pero nakakakilig.
Ironic ang story eh. Feeling ko.
-Joey