Yoon Shi Yoon as ALFONSE
Credits of the pictures used above goes to its owners.
You may contact me on the email address given above for any
complaints or concerns.
Title: A Dilemma of Love
Author: Menalipo Ultramar
E-mail: menalipodeultramar@gmail.com
------------------------------------------------------------------
Previous Chapter: Chapter 18
"Hanggang kailan mo itutuloy
'tong kalokohan na 'to..."
If it would be other people,
malamang nagkatapunan na ng inumin, nagkapisikalan, at nagkaroon na ng tupada sa loob ng cafe na
iyon. Pero hindi para kay Chong. Hindi ito uubra sa
ganitong pagkakataon, naisip niya, at mas lalong lalala lang ang sitwasyon. He
knows better. Though he is much willing to be involved in a fistfight,
he knows something more effective than that.
Dahan-dahan at buong ingat lang
niyang inilapag ang choco shake na iniinom niya kasabay ng sulyap niyang
nagpapahiwatig ng pag-intindi niya kay Fred
"Noong una, puro habulan lang
kayo...Tapos kahapon, muntik na kayong mabisto sa kalokohang ginagawa niyo. May
nalalaman ba kayong bigayan ng bulaklak sa harap mismo ng Dean. Akala ko 'yun
na 'yun. Tapos malalaman kong nagdate kayo kahapon, sa mismong roof top ng
company building, SA MISMONG OFFICE NILA PAPA!!!" pasigaw ngunit pigil na
sabi ni Fred.
Tiningnan lamang siya ni Chong sa
mga mata, nakakunot ang noo at pilit siyang inuunawa.
"Putangina, anong balak mo?
Ano sa susunod, sa motel na kayo pupunta, o di kaya sa bahay mismo para
mag-sex?"
"Alfred, alam mo na mismo sa
umpisa kung anong balak ko. Lininaw ko 'yan sayo, noong nag-usap tayo
dati..." mahinahong sabi ni Chong.
Hindi maitago sa mukha ni Fred ang
pagkadismaya. "Eh iba ang nangyayari eh. Sa tingin mo, hindi lalong
napapalapit sa Fonse sa pinag-gagagawa niyo? Hindi naman kaya niloloko mo lang
ako para makahuthot sa amin? Ano, masarap ba masyado 'ung pagkain niyo kahapon
at napakaromantic ba ng date kaya uulitin niyo 'yun. Bullshit, nagustuhan mo
rin naman 'yung date hindi ba?"
"Fred, just to make things
clear, hindi ko ginustong mangyari 'yung date na iyon. Kung sa driver mo mismo
nalaman kung anong nangyari kahapon, dapat nalaman mo rin na hinablot nila ako
sa harap ng maraming tao at isinakay sa van habang naglalakad ako sa palengke sa
Juan Luna..."
Sandaling natigil si Fred. True
enough, hindi niya alam na ganon ang ginawa ni Fonse. "Eh di kung hindi mo
pala gusto, di sana umalis ka na lang?"
"Fred, lalong magkakagulo.
Pinaki-usapan ko siyang 'wag na 'yong ituloy, na hindi naman niya kailangang
gawin 'yun. Kaso pinilit pa rin niya ako. Hindi ko alam kung anong gagawin niya
kapag nagpumilit pa ako. Paano kung nagkagulo kami? Oo, pwede niyong pigilan
kumalat 'yung balita, pero sa dulo malalaman pa rin ng tatay niyo..."
Tiningnan ni Fred si Chong.
"Fred lahat ng iyon hindi ko
ginusto. Maski 'yung pagbibigay ng bulaklak, hindi ko inakalang itutuloy niya.
Maski ako nagulat sa ginawa niya. Ginawa ko 'yun kasi akala ko mapapamukha ko
sa kanyang hindi niya kayang gawin 'yun, na hindi pa rin niya kayang harapin
'yung consequences ng pinili naming relasyon. Akala ko marerealize niyang talo
siya at bibitiw na. At that time akala ko hindi niya magagawa, I was certain
kasi kay Grace hindi naman niya maamin at ipinakilala lang niya akong kaibigan
niya. Oo, may kasalanan din ako, I've underestimated him, akala ko alam ko ang
liko ng utak niya..."
"Alam mo bang ang dami mo ng
sinasabi. Lalo mo lang ginagawang komplikado 'yung mga bagay, eh. Wag mong
hintayin na isipin ko talaga na gusto mo lang talagang maging parausan ng
kakambal ko at magkapera. Teka, hindi mo naman siguro iniisip na makasal kayo
diba, hindi naman diba?" Kahit na singkit, halos nandidilat ang mga mata
ni Alfred.
Nawala ang matamang pagpipigil sa
mukha ni Chong
"STOP...INSULTING...ME...ALFRED..."
Taas noo at seryosong sabi niya sa kaharap.
Natigil si Alfred. Nakatitig sa
kanyang mga matang iniiwasan ng maraming tao sa college niya, mga matang parang
lalamunin kang buong-buo.
Pero unti-unting pinawi ni Chong
ang kanyang nakakatakot na titig sa kaharap.
“Alfred...alam mong hindi ko
gagawin ang mga bagay na iyan, dahil sa umpisa pa lang alam mo na ang ginagawa
ko. At sa sinabi ko sa’yo, wala akong ni katiting na mababawas sa kayaman niyo
at wala akong ni segundong makukuha mula kay Alfonse. Up to date, ni isa wala
akong hiniling na materyal na bagay mula sa kanya. ‘Yung bulaklak, at ‘yung
chocolates, pati ‘yung dinner, hindi ko hiningi sa kanya. Lahat ng ito ginagawa
ko hindi para sa sarili kong benepisyo, lahat ng ito para sa ikabubuti niyo...”
Hindi makatingin ng diresto sa
kanya si Alfred. Naka-krus ang mga braso nitong tiningnan ang paligid niya.
“Hanggang kailan mo gagawin ‘to?
Ilang buwan?”
Kinuha ni Chong ang shake mula sa
mesa. “Dalawang taon...”
Nanlaki ang mga mata ni Alfred.
“Putang-ina, dalawang taon? Dalawang taon para sa kagaguhan mo? Eh kung
makipagkantutan ka lang kaya sa kanya para matapos na lahat ng ‘to?”
Nahinto si Chong sa pag-inom.
Dahan-dahan niyang itinuon kay Alfred ang pailalim niyang titig.
Dahan-dahan, buong pag-iingat, at
buong paggalang niyang inilapag sa mesa ang shake na tila umaaso dahil sa init
niyang ikinubli sa kanyang titig.
“Sabihin mo nga sa akin, bakit mali
‘tong ginagawa namin, ha Alfred?”
Ngumiti si Alfred na parang
nang-iinsulto, tila nakakita ng pagkakataon para ipahiya pa lalo si Chong.
“Chong, tinatanong pa ba ang mga bagay na iyan. Simple lang, parehas kayong
lalaki, wala na bang mas mamali doon?”
“Ganoon ba?” saka siya ngumiti.
“Ganoon nga ba talaga ang dahilan...” Kahit na masaya ang mukhang ipinakita ni
Chong, hindi mo magagawang ngumiti sa ipinapakita niyang saya. Mas uunahin mo
pang madepress, maawa sa sarili mo, at matakot kaysa ngumiti.
At ‘yun nga ang mangyayari kay
Alfred.
“Tinatanong mo ako kung iniisip
kong makasal sa kakambal mo hindi ba? You may be surprised, but despite the
fact na siguro ay ‘oo’ ang isasagot ng kahit sinong babae, bakla, o aso, alam
mo bang ang sagot ko ay...HINDE...kasi kahit na isipin ko ‘yun, hindi ‘yun
kailanman mangyayari...” Kahit na nakangiti siya ng buo’y nandidilat ang
kanyang mga mata, kasabay ng pagtaas ng kanyang mga kilay.
Unti-unti namang kumunot ang kilay
ni Alfred, tila hindi masakyan ang pinupunto ni Chong.
“At alam mo ba kung bakit? Kasi ang
mga katulad niyo ay hindi naman ikinakasal...” Kumurap siya ng buong
pag-iingat. “...Si Alfonse, ikaw, at sampu ng mga katulad niyo, kayong lahat,
itinatali sa kung sino-sinong babae para sa...PERA...” saka niya kinindatan si
Alfred, habang ngumingiti pa rin ng napakatamis.
Lalong kumukunot ang mga kilay ni
Alfred, habang tumutulis rin ang tingin nito.
“In short, ang matamis niyong oo,
ang kaligayahan niyo, ang mga pangarap niyo, ang pag-ibig niyo, at higit sa
lahat, ang BUHAY niyo, lahat ng iyan ay katumbas ng isang 100 million contract.
Ang kabuuan mo’y walang pinagka-iba sa kalipunan ng mga papel at tinta. In its
most basic sense, para kayong mga sosyal na puta, mga lalaking tinutumbasan ng
pera ang kasalukuyan at kinabukasan.”
Unti-unting nanginig ang mga
kalamnan ni Alfred, kasabay ng pagkuyom niya sa kanyang palad.
“Oh, bakit ka nanginginig?” Saka
niya itinagilig ang kanyang ulo. “’Wag mong sabihing natatakot ka? Hindi ba’t
ang mga taong may mga utak na katulad ng sa iyo’y dapat sinasapak na ako
ngayon? O di kaya’y pina-uulanan na ako ng mura? Hindi ba dapat kapag nakakuyom
ng ganyan ang mga kamay mo, may binabalak kang saktan?”
Unti-unting nawala ang kanina’y
masamang tingin ni Alfred, kasabay ng unti-unting pagbuka ng kanyang mga bibig.
“Ahhh, kapag kinukuyom mo rin pala
ang kamao mo ng ganyan, maaari rin pa lang may pinipigilan kang maganap.
Pinipigilan mo bang saktan ako, ha, Alfred? Dahil ba ayaw mong gumawa ng eksena
sa cafe na ito? Dahil ba ayaw mong mabalitan ng parents mo, at ng mga parents
ng girlfriend mong dito rin nag-aaral kung ano-anong mga KAGAGUHAN ang
pinaggagagawa mo? Natatakot ka bang imbes na maging 100 million contract ang
katumbas ng buhay mo’y maging 50 million na lang?” Mahinahong saad ni Chong.
Nagbago ang mukha ni Alfred. Ang
kaninang puno ng yabang at pang-iinsulto’y hindi na ngayon maipinta. Mistulang
pinagsakluban ng maraming problema.
“Bakit nga ba mali ang
pinaggagagawa namin ni Chong? Dahil nga ba parehas kaming lalaki? Oh sige,
sabihin na nating tama, pero ‘yun nga lang ba? Kayong mga negosyante, hindi kayo gagawa ng isang bagay para sa iisang
intensiyon lang. Gusto niyo, sa isang hagis ng bato, isandaang ibon ang
babagsak, hindi ba...”
Nakabuka ng lamang ang bibig ni
Alfred. Nakatanga na lamang itong tila naaawa. Maski ang mukha nito’y walang
reaksiyon.
"Hindi kaya maski ikaw ay
hindi secured sa pagkalalaki mo? Alam mo bang kapag bakla ang isa sa mga
kambal, malaki ang tsansang bakla rin ang isa? Hindi kaya bawal ang ginagawa
namin ni Alfonse, dahil bawal lang ito sa paningin mo, dahil pilit mong
inaayawan ang isang bagay na gusto mong gawin? DENIAL?"
Unti-unting nanginginig ang mga
labi ni Alfred. Pilitin man niya itong pigila'y hindi niya ito magawa.
"...Saying that, hindi kaya
naiinggit ka kay Alfonse kasi siya, nagagawa niya ang gusto niya. Dahil ba
hindi siya isang puppet na walang ibang magagawa kundi sundin ang may hawak sa
kanya. Mula sa kurso, sa pakakasalan, sa magiging trabaho, maging sa direksiyon
ng buhay mo lahat ng iyan parang plano lang na inilatag sa'yo. At handa kang
pigilan ang gusto niyang gawin, dahil ikaw mismo ay hindi mo magawa? Nakaka-awa
ka Alfred...tsk...tsk” Muli siyang ngumiti ng napakatamis. “...gusto mo, lahat
ng taong nasa paligid mo kasabay mong maging miserable. Limpak-limpak na pera
man ang katumbas mo, ni singkong duling hindi mo magamit para sa kaligayahan
mo. Wala kang ibang mapanghawakan at mapagdesisyunan para sa buhay mo kundi
kung anong model ng Iphone ang gusto mo. Hindi mo ba naiisip 'yun Alfred,
nakaka-awa ka..."
"Chong, tama na. Tama na..." Gusto mang isigaw ni Alfred
ang mga katagang ito'y hindi niya nagawa.
Lalong napangiti si Chong sa kanya
nakikita. "Sinabi ko sa'yong tigilan
mo ang pang-iinsulto sa akin,kaso hindi ka nakinig. Kaya pasensiyahan
tayo..."
"Hindi naman kaya ayaw mo lang
mabawasan ang perang katumbas ni Alfonse..."
Nanlaki ang mga mata ni Alfred.
"Nangangamba ka bang hindi
maikasal si Alfonse sa anak ng isa sa kasosyo ng tatay mo, at kapag nangyari
iyon, walang pirmahan ng 100 million contract na magaganap? Ha, Alfred?
Nababankcrupt na ba ang conglomerate niyo, kaya you're in a desperate need na
magkaroon ng matibay na kapit sa kasosyo niyo? Natatakot ka bang mawala lahat
ng tinatamasa mong yaman, kaya maski kakambal mo, handa mong ibenta?
Kunsabagay, sarili mo nga nagawa mong ibenta, kakambal mo pa kaya? Bakit niyo
ba ginagawa ‘yan? Dahil alam niyo sa sarili niyong wala kayong ibang magawa
kundi umaasa sa ipapamana ng mga magulang niyo? Dahil ba hindi kayang
magfunction ng mga isip niyo para umiisip ng paraan para mabuhay pwera sa
maging accessory sa pagpapayaman ng mga magulang niyo?”
Nakatingin man sa mga mata ni Chong
si Alfred, ay wala siyang makita. Sinlamig ng yelo ang bawat titig niya.
“...Kung totoong balak kong
humuthot ng pera at yaman sa kakambal mo, Alfred, hindi ba lumalabas lamang na
wala tayong ipinagka-iba. Pareho nating inaasa sa kakambal mo ang lahat ng luho
sa mundo...” Itinaas niya ang kanyang kilay habang nakangiti, nakangiti ng
buong giliw. “...Ang ipinagka-iba nga lang, kapag ako ang kumalas sa kakambal
mo, walang mawawala sa akin, PERO kapag kumalas sa inyo si Alfonse...” Saka
siya umiling.
Nabakas sa mukha ni Alfred ang
pag-aalala, tila nasakyan na niya ang kanina pang mga panakot ni Chong.
“Now, if you have any time, I want
to have an intelligent discussion with you, let’s talk about what’s wrong and
what is right...” Muli siyang ngumiti habang ipinapako kay Alfred ang pailalim
niyang titig.
Hindi makasagot si Alfred. Kesa
sagutin ang tanong na iyon, mas uunahin pa niyang isipin kung paano makaka-alis
sa lugar na iyon.
Wala siyang nagawa kundi kumurap ng
maraming beses at iikot ang kanyang mata sa kanyang paligid.
Muling napangiti si Chong. “Alam mo
bang kapag kurap ka ng kurap, and you are looking away from the person you are
talking to, ibig sabihin, you are looking for an escape, gusto mong tumakas
mula sa sitwasyon na ito, hindi ba Alfred? Masyado bang masakit ang mga
katotohanang sinabi ko? Did I intimidate you much?”
Saka niya
un-ti-un-ting-i-na-lis-sa-kan-yang-muk-ha-ang-kan-yang-ma-gi-liw-na-ngi-ti.
Tumayo si Chong ng buong pag-iingat
habang isinusukbit ang kanyang body bag sa kanyang balikat.
“Honey, sumubo ka na... Sige na,
honey... Ikaw na ngang sinusubuan eh...”
Napalingon si Chong. Sa sobrang
lakas ng pagsasalita ng babaeng nakaupo ng halos dalawang metro mula sa
kinauupuan nila ni Alfred kanina, kahit sinong tao mapapalingon. Gayon pa man,
napakatamis ng boses ng babae, at puno ito ng lambing.
Kung gaano kainit ang ipinapakita
ng babaeng tinitingnan niya, siya namang lamig ng pakikitungo ng lalaking
katabi niya. Mula sa halos malaswang pagkakalingkis ng katawan ng babae sa
katawan ng lalaki, hindi maipagkakamaling magkasintahan ang dalawa. Datapwat
halata sa mukha ng lalaki ang inis sa nakakunot nitong mga kilay habang
tumitingin sa cellphone nito, habang ang babae nama’y pilit na sinusubuan ang
boyfriend niya.
“Kawawang babae...kailan kaya siya magigising na walang pupuntahan ang
ginagawa niya...”
Mataman niyang pinagmasdan ang
mukha ng lalaki. Kahit na anong pilit ng babaeng asikasuhin ang lalaki’y pilit
pa rin niya itong inaayawan.
“Paano kaya kung ganyan ang gawin ko kay Fonse, aayawan na rin kaya niya
ako...”
Bawat hakbang na ginagawa niya
papunta sa library ay tila napakahaba, mistulang paglalakbay papunta sa buwan.
Ngunit hindi lang ang mga paa niya ang ganoon, maski ang isip niya. “...Alam kong papunta ako ng library, pero
iba ang pinupuntahan ng isip ko. Mas masahol pa ako sa taong hindi alam ang
direksiyon na pupuntahan...” Kung tutuusin, lagi naman siyang ganoon,
palaging parang namamasyal sa buwan kapag naglalakad sa gardens ng school. Pero
ngayon hindi ang paakyat pero hindi ramdam na estado ng ekonomiya ang iniisip
niya, hindi rin ang pagtangkilik ng mga Pilipino sa tingi-tingi na para sa
kanya’y talagang isang aksaya, o maski ang hindi pagkatuto ng mga Pilipino sa
isang pagkakamali at paniniwala nitong kaya nilang gawin ang lahat ng bagay sa
pamamagitan ng pagwewelga.
“Bakit ko nga ba ginagawa ang mga bagay na ito? Ginagawa ko nga ba ang
lahat ng ito para sa sarili ko? Ginagawa ko nga ba ito para sa ikabubuti naming
dalawa ni Alfonse? Bakit ko nga ba ginagawa ang mga ito para sa kanya...Alam ko
pa nga ba ang pupuntahan ng lahat ng desisyong ginawa ko?”
“BULAGA!!!” saka niya naramdamang
may dumamba sa kanya.
Nagulat si Chong sa naganap na
iyon. Malamlam ang mga mata niyang itinuon kay Fonse ang mga mata habang
kalmante niyang inayos ang kanyang tindig. Ganoon, ganoon siya katinding
magulat.
“Tao ka ba talaga, ginugulat na nga
kita hindi ka pa rin magulat...”
“Bakit ako magugulat sa isang bagay
na hindi naman kagulat-gulat. Excpected ko na iyan, para kang asong palaging
nakabuntot sa akin.”
Inangilan lang siya ni Fonse.
“Tsk..Tsk...Oh sige na, panalo ka na. At dahil panalo ka...” saka siya humarap
kay Chong. “...Kain tayo sa Chowking...”
Tinangka ni Chong na umayaw, pero
unti-unting nagningning ang mga mata niya. May naisip siyang gawin. “...Sige
ba...” sabi niyang masaya.
---------------------------------------------------------------------
“’Wag ka ng tumayo, ako ng
oorder...” pigil ni Chong ng akma ng tatayo si Fonse.
Nagulat si Fonse. Gayon pa ma’y
umupo siya habang kinukuha ang kanyang pitaka.
“’Wag ka ng mag-abala, ako na rin,
ako na rin ang magbabayad...” nakangiting sabi ni Chong.
“Sigurado ka ba? May pambayad ka
ba?” pag-aalala ni Fonse.
Unti-unting nawala ang ngiti sa
labi ni Chong. “Logic talaga ng talagang
ito...malamang diba, ako ‘yung nagpresinta eh...” Pero pinigilan niya ang
sarili niya, kailangan...KAILANGAN...niyang maging sweet kay Fonse ngayon. Saka
siya ngumiti uli, “Oo naman, meron akong 500 dito, kaya okay lang...” saka
pumunta sa counter si Chong.
“Ah...sige...” Nag-aalangang sagot ni Fonse. Naninibago siya
sa ikinikilos ni Chong. “Anong nangyari
sa taong ‘yun? Nakatira yata?”
“Hi, pogi...” Bati ng isang boses
lalaking sadyang ginagawang pambabae. Halatang-halata ito dahil sa landi sa
dulo ng kanyang pagsasalita.
Napalingon si Fonse. Isang lalaking
nakapambihis babae ang nasa likod niya. Malaki ang katawan nito’t parang nasa
30’s na ang edad. Mistulang clown ang mukha nito dahil sa foundation nitong
makapal, na kinokoktra naman ng kulay kayumanggi niyang balat sa leeg at sa
buong katawan. Naka yellow itong sando na may mga green na zigzag lines, kontra
sa kulot-kulot at buhaghag nitong buhok na kulay-blond.
“Hi...Pogi...Hi” ulit nitong tila
naiirita.
Natauhan si Fonse. “Ah, hi, hello
din...” Saka niya tinalikuran ang bakla, hindi dahil nairita din siya, kundi
dahil wala siyang makitang dahilan para hindi ‘yun gawin.
Pero hindi ‘yun ang sitwasyon para
sa baklang tinalikuran niya. “Suplado
naman, kundi ka lang yummy eh. Ang chinito ng eyes, ang tangos ng ilong, mukha
pang mayaman. Shet!!! Jackpot ‘to TEH!!!”
Dali-daling umupo sa harap ni Fonse
ang bakla.
“Pogi, anong pangalan mo?” Sabi
nitong nasa baba ang nakakuyom na mga palad habang kumukurap-kurap, tila
pag-emphasize sa naghahaba nitong fake eyelashes.
“Ah, ako? Ah, Alfonse, Carl
Alfonse...” Nag-aalangang sabi ni Fonse.
“Shet, pangalan palang, tunog mayaman na...” Patuloy pa
rin siya sa magpapacute. “Eh anong apelyido mo?”
Lalong na-alangan si Fonse. Hindi
niya alam kung sasabihin niya ang hinihingi ng kaharap. “Ah, eh...pwedeng ‘wag
na lang...”
“Ikaw naman, parang hindi naman
tayo close...” saka inilapit ng bakla ang kanyang paa sa paa ni Fonse, habang
dahan-dahan itong ini-akyat sa kanyang binti.
“Gusto ako ng baklang ‘to....”
“Pa-inosente, mas lalo tuloy kitang nagugustuhan...”
“Ooops, sorry...” saka niya
kinindatan si Fonse.
“Ahehe...” Hindi maipinta ang mukha
ni Fonse, hindi mo malamang kung natutuwa ito o kung ano man. “Ganito pala ‘yung feeling, parang asiwa...”
Naisip nitong iligaw ang usapan. “Sinabi ko na ‘yung pangalan, ikaw, anong
pangalan mo?”
“Oh, I’m Christie. Naniniwala sa
kasabihang ang lalaking gipit, sa bakla kumakapit...” saka siya kumaway na
parang beauty queen kasabay ng pagngiting laglag ang panga.
“Pero sa araw anong pangalan mo?”
Ngumiti uling asiwa si Fonse.
“Ikaw talaga, is this
getting-to-know-each-other na already. You’re so bilis. Well, anyway,
Chistopher, Christopher Santos.”
Biglang napangiti ng pigil si
Fonse. “Kapangalan pa niya si Chong, pero
ibang-iba sila...”
“Tutal naman inalam mo na ang
pangalan ko, pwede mo na ring alamin ang cellphone number ko, pero kung ayaw
mong alamin, eto na siya...” Inilapag niya ang kapirasong papel na may
nakasulat na numero, tila handang-handa kapag may natyempuhan na pagbibigyan.
Kinuha ni Fonse ang papel at
inilagay sa kanyang bulsa. “Ah...sige...”
“Wala ka bang kasama ngayon?
Imposible naman walang kasama ang katulad mong papable. Kung gusto mo pwede
kitang samahan?”
“Ah, actually may kasama ako eh...”
“Sino naman ‘yung kasama mo?
Girlfriend mo?”
“Ah, eh...”
“Kaibigan niya, at naniniwala
siyang naka-upo ka sa upuan niya...”
Bigla silang napalingon pareho.
Nakatayo sa harap nila si Chong, dala-dala ang pagkaing nasa tray habang
nakangisi.
Tsaka inilagay ni Chong ang mga
pagkain sa mesa, ang bowls ng noodles, ang maliit na plato ng siomai, ang mga
inumin at mga tissue. Inilagay niya sa unoccupied na mesa ang tray.Saka siya
ngumiti at humarap kay Christie. “Is there anything else Ma’am. Nakakahiya
naman po kasi sa inyo. Gusto niyo po ng hiya, para kahit papano naman magkaroon
kayo?”
Nagulat si Christie. “May beki na palang karelasyon ang hitad.
Sayang...” Saka siya tumayo ng taas
noo at chest out, dahilan para lalong umubok ang dibdib niyang lumaki dahil sa
padded bra.
Ngumiti si Chong, maski mga mata
nito’y tila ngumingiti. “Try mong bumili ng papaya, baka umepekto...”
“Che!!!” Saka umalis si Christie at
naglakad na pagewang-pagewang ang balakang.
Sinundan ng tingin ni Fonse si
Christie, saka niya tiningnan si Chong. Nakita niya itong nakatingin sa kanya,
ngunit bigla rin itong ngumiti ng napakatamis.
“Let’s just be happy, okay. This is
our second date, so lets put away all the negativities...” Saka siya ngumiti ng
maaliwalas. “Lets just be happy, kahit na
gusto kong mamugot ng ulo at mangwrestling ng isang lalaki at isang
lamang-dagat...LETS JUST BE HAPPY!!!” Saka niya inalis ang takip ng bowl
niya at ng bowl ni Fonse, dahilan para malanghap nila samyo ng mainit na
noodles. Inayos ni Chong ang kutsara sa tabi ng bowl ni Fonse.
“Sinasaniban yata siya, bakit ang sweet niya ngayon?” Nakataas
ang kilay ni Fonse sa pagdududa. “Chong, okay ka lang? Galit ka ba dahil sa
nakita mo? Actullay, siya ‘yung lumapit sa akin eh. Tsaka tinawag mong date
‘tong ginagawa natin...hindi ba DINNER gusto mo lang na tawag dito...”
“Isn’t it obvious, tirik na tirik ‘yung araw, tapos dinner? Ano bang
timezone mo, sa Caribbean ka ba nakatira...” Pabalang niyang sagot sa
isip niya. Maski ang pagngiwi ng labi niya’y hindi niya ipinahalata kay Fonse.
“Ano ka ba? Bakit ako magagalit? Okay lang ‘yun. Tutal sinabi mo na rin naman
kung anong nangyari, okay na ‘yun...” Saka siya ngumiti.
“Nagseselos kaya ‘tong taong ito...” Saka niya napansin na hindi
sa kanya nakangiti si Chong, nakatingin ito sa gilid. Sinundan niya ang tingin
ni Chong at nakita niyang si Christie ang tinitingnan niya, padabog at pairap
itong kumakain ng chicken na refine niyang kinakain.
“Grabe, ang seloso pala ng taong ito. Edi sana noon pa man ganito na ang
ginawa ko...”
Biglang nagningning ang mga mata ni
Fonse sa naisip niya.
Saka tumusok ng siomai si Chong at
akma niyang susubuan si Fonse. Nanlaki lamang ang mga mata ni Fonse sa ginawa
niya.
“Ano ka ba? Sige na isubo mo na
‘ito. Dapat naman talaga inuuna kita eh. Dapat nga nagtatampo ako ngayon sa’yo
kasi hindi mo man lang masabi sa bagong kaibigan mo kung ano talagang relasyon
natin...” pababy na sabi Chong.
“Ahehe...Pumasok ka kasi kaagad eh,
dapat sasabihin ko na...”
“Sungalngalin kita eh...” Muli siyang ngumiti. “Oh siya, sige
isubo mo na ito...” Lalo pa niyang i-extend ang kamay niya papunta sa bibig ni
Fonse.
Kinain ni Fonse ang siomai at saka
pumikit at ngumuya ng maiigi.
“Gagayahin mo na lang ako pinagmukha mo pa akong timang...”
Saka dumilat si Fonse at humarap ng
nakangiti ng Chong. “Ang sarap pala ng siomai. Parang hindi ganito ang lasa ng
pagkaing ito dati. Lasang-lasa ko ‘yung beef, ganoon pala ‘yung lasa ng beef
‘no, parang salty na, SHIT! Grabe ang sarap, di ko maexplain...” saka uli siya
kumuha ng siomai, ang totoo naman talaga’y hindi siya mahanap ng salitang
gagamitin para idescribe ng mas maigi ang lasa ng siomai.
“Nagpasikat pa...”
Ngumiti lang uli si Chong. “Sige
kumain ka pa, gusto mo ba ng chili. Oh di kaya, wanton. Bibili ako kung gusto
mo?”
“Ah hindi na, solve na ako dito,
ang dami pa nito oh...”
Saka bumuwelo si Chong. Dahan-dahan
niyang itinukod ang kanyang siko sa mesa habang ang kanyang dalawang kamay ay
sinasalo ang kanyang ulo.
“Oh, bakit hindi ka kumakain?” sabi
ni Fonse habang puno ng sabaw ang knayang bibig.
“Ah, eh, sige kain ka lang, makita
lang kitang kumain, busog na ako. Gusto mo pang siomai?”
Tila nagblush si Fonse sa narinig.
“Ah hindi na, sige kain ka na rin...”
Bumuwelo na rin si Chong para gawin
ang iniisip niya, “Sige, subukan
natin...”
Nagpatuloy sa pagkain si Fonse.
“Ah, Fonse...”
“Oh, ano...”Tumingin paitaas si
Fonse. “Bakit hindi ka kumakain?”
“Ah, oo...” Saka niya kinuha ang
tinidor para humigop ng sabaw. “Fonse, hindi ka ba naiinis ngayon?”
Natigil si Fonse. “HA?”
“Hindi ka ba nakakaramdam ng inis,
o di kaya ng yamot, sa kahit anong bagay ngayon. Sa service ng Chowking, kasi
ang tagal ko kanina diba? Sa ambiance ng lugar na ‘to? Sa mga tao dito, sa mga
kasama mo? Hindi ka ba naiinis sa kahit anong bagay ngayon?” Seryosong sabi ni
Chong kasabay ng pagmuwestra niya sa kanyang kamay.
Napangiti si Fonse. “Ano ka ba?
Ikaw lang naman ang kasama ko? Tsaka bakit ako maiinis, eh grabe ngang
pag-asikaso mo sa akin eh, sinong maiinis noon, ang sweet mo pa nga eh,
kinikilig ako...”
“Buwisit, mukhang hindi pa yata eepekto...”
“...Ang tinutukoy mo ba ay si
Christie” bigla siyang napangisi. “Kung
pagselosin ko kaya ‘tong taong ito?” Saka siya kumuha ng siomai at akmang
isusubo kay Chong. “Oh ikaw naman ang susubuan ko, para hindi ka na
magtampo...”
Nanlalaki ang mga matang sinubo ni
Chong ang siomai, at saka niya ito nginuya ng dahan-dahan katulad ng dati.
Biglang napabuntung-hininga si
Fonse, habang namumungay ang kanyang mga mata. “Haaaayyy, ang cute mo talagang
tingnan kapag kumakain ka ng ganyan. Parang nilalasahan mo maski kaliit-liitang
asin sa siomai...”
Biglang naka-isip ng gagawin si
Chong. “’Yun ang gusto mo, puwes
kabaligtaran ang gawin natin.” Dali-dali niyang kinuha ang kanyang tinidor
at nilamutak ang noodles sa harap niya.
“Yuck, beki nga, ang sugapa naman. Hindi matuto ng right manures at right
product...” komento ni Christie ng biglang mapatingin kay Chong.
Dahan-dahan niyang isinubo ang kapirasong chicken, kahit na sa bahay nila’y
halos makaubos siya ng isang buong manok sa loob ng sampung minuto.
Maski si Fonse at napatanga, pero
hindi dahil nadismaya siya. Dali-dali rin niyang nilamutak ang noodles sa harap
niya, nang magawa niya ito’y ang sabaw naman ang tinira niya...
Biglang nahinto si Chong sa
paghigop ng sabaw. “Fonse...Fonse...anong ginagawa mo?”
Tiningala siya ni Fonse at saka
nilunok ang sabaw na nasa bibig niya. “Hindi ba tayo nag-uunahan sa pagkain.
Alam mo naman ako, gusto kong nachachallenge. Oh anong premyo kapag nanalo?”
Saka siya ngumiti ng napakaganda, habang ang mata niya halos hindi na makita.
Napatanga si Chong. “Ang gwapo rin talaga ng taong
ito...nakakabuwisit...” Tinulisan na lamang niya ang kanyang nguso habang
naka-krus ang mga braso at nakatingin sa labas. Maski mga kilay niya ay
magkasalubong.
“Wahahaha!!! Talo ka!!!” Maski ang
sabaw ng noodles ay naubos ni Fonse. Pero imbes na matuwa’y biglang
nagkasalubong ang kanyang kilay sa nakita niyang itsura ni Chong.
“Uy anong nangyari sa’yo?”
Kumurap lang ng dahan-dahan si
Chong na parang naiirita.
Pero imbes na mainis, unti-unti
lang rin niyang itinukod ang kanyang mga siko sa mesa, habang salo-salo ng
kanyang mga kamao ang kanyang ulo. Namumungay ang mga mata nitong parang
nanlalandi habang nakangiting parang aso.
Nanlaki ang mga mata ni Chong.
“Bakit ganyan ang itsura mo?”
Unti-unting kumurap si Fonse na
parang nagpapacute. “Eh kase...ang cute-cute mo talaga kapag magtampo. Para ka
kasing batang ang sarap aluhin...” Saka siya ngumiti ng napakatamis.
Lumamlam ang mga mata ni Chong. At
saka niya tiningnan ng pailalim si Fonse. “Napagastos
pa ako ng 300, hindi naman umepekto. BWISET!!!”
------------------------------------------------------------------
Narealize kong hindi ko pala kayang
tapusin 'tong lintek na istoryang ito sa loob ng pitong araw. Haha. I should
not have said that at all. Nadala lang talaga ako ng pagnanasa kong matapos ang
kuwento na ito bago magpasukan. Eh kaso, kaso kada chapter inaabot ako ng
dalawang araw, o di kaya tatlo. Binabarkada kasi ako ng Mystery Case Files eh
XD
Basta bibilisan ko na lang ang update
nito. Wahahahaha!!!!
Mr. Author.. pwedeng magrequest... pakipalitan naman ung pix ni Fonse... Kamukha kasi ni Charice Pempengco!hahahaha
ReplyDeleteVery nice chapter.. thanks!
NYAHAHAHAHAHAHA!!! MAS MUKHA PANG LALAKE SI CHARICE!!! HAHAHA!!!
DeleteBwisit, pero may katwiran kayo (haha). Ngayon ko nga lang narealize ah...haha...
DeleteAyan, pinalitan ko na. Malay ko lang kung pasado na sa inyo. Though nagcocontradict sa description ko kay Fonse na maputi (Yoon Shi yoon kasi eh medyo kayumanggi), pero okay na rin.
DeleteBasically, hindi niyo ba napapansin, mukha talagang babae o di kaya bata 'yung mga Korean actors, lalo na 'yung mga singkit? Tapos sama han mo pa nung mahaba nilang hairstyle, mukha na talaga babae XDXDXD
astig kea ng istoryaXD...
ReplyDeleteMSOB version ng noli at elfili
-dino
Hahaha I love you Fonse!
ReplyDeleteAng galing ng batuhan ng dialogue nina fred at chong...go chong wag paapi. Kilig din ng tagpo nila chong at fonse. D best ka author.
ReplyDeleteRandzmesia
thanks kuya author kakatuwa story mo
ReplyDeletetnks sa update
ReplyDeletepaupdate na po.hehe.ganda ng story.
ReplyDeletesuper galing. idol!
ReplyDelete-james