Followers

Wednesday, June 26, 2013

Less Than Three- Part 2


Note:

Hey Guys. I've decided na magkaroon ako ng update regularly.

Every Saturday and Wednesday ang update ko kaya those days po kayo mag-abang. hehehe

Hintayin ko mga comments po ninyo. :))

Enjoy Reading!!!

--------------------------------

This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.

The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.

This story is a fiction. Any resemblance to namesplacesevents and others are not intended and coincidence only.

The stories I've written are for 18 years old and above.

No animals are hurt in this story.

The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.

The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.

You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.

Enjoy everybody and thanks for reading my stories.

Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)


You can contact me through:
1. Facebook Page:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

4. Facebook:

Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)

5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)




Always Here,

Dylan Kyle Santos

....................................................................................

Chapter 2
(Sweet Revenge)


 

 
Chinito_-_yeng_constantino_www.mp3hits.wen.ru Mp3

 

[Alex’s POV]


Daig ko pa ang pag pawisan ng malagkit. Hindi ako makapag concentrate sa pagsusulat kanina. Paano ba naman? 


Buong period na ginugulo ako ng lalaking iyon. Daig ko pa ang nasa kulungan na binabantayan ang bawat kilos ko.


Di ko naman kasi aakalain na dito napasok yung lalaking iyon. Ano bang meron at napaka big deal niyon sa kanya? I said sorry na naman ah. He was so immature.


Kaya siguro siya iniwan nung boy friend niya. Nakaasar. Alam mo yun, napagalitan kami ng teacher namin ng dahil sa kanya.


Last subject ko na ngayon and I can’t wait to end it right here. Dahil nga sa disguise ko ay di ako trinatrato ng mga estudyante ng ayos. Minsan bubungguin ako, pagtatawanan at kung anu-ano pa. Pero may iba naman na kakausapin ako at maayos ang trato.


Programming ang class ko ngayon. Haixt. Uulitin ko na naman ito. Di siya na credit as usual. Medyo limot ko na yung ibang functions pero kakayanin yan.


Nag aayos ako ng gamit ng may umupo sa tabi ko. Di ko naman pinansin kasi medyo magulo ang gamit ko sa pagmamadali.


Pinanggigitnan ako ngayon ng dalawang lalaki. Lalaki kasi rinig naman sa boses dahil magkakilala sila. Haixt. Gusto ko ng umuwi.


“Nerd na naman.” Narinig kong sinabi ng katabi ko.


He again. Kailan niya ba ako tatantanan. “Lubayan mo nga ako.” Sabi ko.


“Wow ah ang kapal mo din ano.”


“Mas makapal ka. At isa pa, mamaya na lang tayo mag usap ha, baka mapalabas ako ng room nito ng wala sa oras. Okay?


“Mag tu-tuos tayo mamaya.”


C++ ang programming language ang gagamitin namin. Haixt. 


Kaya to, minasteral ko to, thanks to my Blake. How is he kaya? Sana nandito siya at magkasama kami.


“Day dreaming ka?” pagputol ni Elephant bird.


“Tsss.” Sabi ko na lang.


“Pre... mukhang type mo yan ah. Kanina mo pa pinopormahan.”


“Hoy pre, mataas ata standard ko.”


“Hoy ha ang kapal din ng mukha mo. Akala mo kung sino kang gwapo.”


“Ikaw naman akala  mo kung sino kang panget. So nerd. Iwww.”


“Ang arte mo. Buti iniwan ka ni Jhay.”


“BOOM!” sabi nung katabi ko.


“You slut.” Sabi niya


“You jerk.” Sagot ko


“You bitch.”


“You whore.”


“Damn it.”


“So what?”


“I think little nerd like you are SICK!”


“So call the doctor very quick!”


“Wow....” pumalakpak si katabi kaya napagalitan ulit kami.


“Mr. Lee and seatmates... can you share or discuss what are you talking about over there?”


“It’s none of your business.” Sagot ni elephant bird.


Wow ah ang lakas ng loob sagutin ang prof. “Respect your instructor.”


“Then respect our privacy.”


Then the bell rung and he quickly dragged my arms and go out. 


Halos matulala na lang ako sa ginawa niya. And what the hell is he doing with me?


“Hey you bastard! Anong ginagawa mo?!” tanong ko.


“Naglalakad. Bulag ka?” sagot niya.


“Bitawan mo ako!” pagpupumilit ko.


“Ayoko nga.” 


At nagmadali siyang naglakad at kinaladkad ako. How dare him?


“Kieth!” sigaw nung lalaking katabi ko din kanina.


Hinahabol kami. Thanks God, please save me from this elephant monster. 


“help?!” sigaw ko.


Halos lahat pinagtitinginan na kami. Paano ba naman, hilahin ba naman ako at kaladkarin ng lalaking sanggano na to. 


Tapos baka mapagkamalan pa kaming mag jowa, holding hands while walking. Iwww.


Nang makarating kami sa labasan, saka niya ako binitawan. “You monster.” Sigaw ko.


“Hoy panget na nerd ang arte mo ah.”


“Maarte pa ngayon ako? Ang kapal ng mukha mo ah.”


“Buti nga hinahawakan kita. Akala mo jan.”


“Ano bang problema mo ha? Yung gamit ko nandun pa? Timang ka ba?”


“Ikaw ang timang jan. Matapos mong gawin yun tatakbuhan mo ako?”


“Sabi kong sorry na diba?”


“Walang sorry-sorry.”


“Ewan ko sayo. Bahala ka nga. Buhay mo yan.”


Aalis na sana ako ng dumating ang katabi ko kanina at dala yung gamit ko. “Gamit mo bro oh.” Sabi niya.


“Salamat. Buti ka pa mabait di tulad ng iba jan.”


“Ano bang nangyari? Tungkol pa ba to sa nangyari noong isang araw?”


“OO!” galit na galit siya.


“I say sorry di ba? Di ko naman sinasadya. Akala ko kasi sim ko yung gamit ko pero hindi pala. Sorry.” Sabi ko.


“Pinag hintay mo ako. Niloko mo ako. Tapos ganun ganun lang?”


“Sige kahit ano... gagawin ko.”


“Kahit ano?”


“Oo.”


“Anong nangyayari dito?” nagulat kami na from out of nowhere sumulpot ang isang lalaki. Kasing edad din namin siya. Parang kilala ko to, I think namumukaan pa nga eh.


“Ui RD kaw pala yan.” Sabi ni Mr. Katabi kanina.


“Tara na.” And for the second time he hold my arms at nag tangkang lumayo.


“Hey!” awat ko sa kanya.


“Sumunod ka sa akin!” nakita ko ang galit sa kanyang mga mata.


“So may bago ka na pala.” Sabat nung pamilyar sa akin.


“I think nagkakamali kayo.” Sabat ni katabi kanina. 


Ang hirap naman nito di ko alam pangalan nila.


“AH.. I s...” di siya natapos magsalita.


“Yup... bago kong boy friend.... si Alex.” Sabi niya


And what is going on? anong meron? Ako at siya? What the efff.? Anong pinagsasabi ng mokong na to? “Hoy anong?” bigla niya akong kinurot sa kamay.


Bumulong siya ng bahagya. “Sumakay ka na lang.” At wala na akong nagawa.


Nag vow ako sa kaniya. “Hello.”


“Now I know.” Biglang sabat ni katabi.


“What a surprise?! Nice. Congratulations.”


“Yeah. Better get going. Tara na babe.” Babe? Ewan ko sa kanya.


“Hey. You are familiar to me. Alex? Hmmpft.”


“Maraming kamukha yan panget eh.” Sabi nitong halimaw na nakahawak sa braso ko.


Ang kapal ng mukha kahit kailan. He pulled my arms at dumeretso na kami sa cafeteria. Wala akong magawa. 


Nang makarating na kami doon, agad akong nag ngumalngal. Ngalngal talaga kasi nakakaasar siya.


“Anong eksena mo kanina?!” tanong ko.


“Wag kang maarte. Maswerte ka pa nga may pumatol sayo.”


“Ang kapal ng mukha mo din. Di kita type.”


“Mas lalo ako. Iwww. Kadiri. Para akong nag suicide.”


“Ano bang problema mo? Nakakabwisit ka!”


“Nakaka bwisit ka din!”


“Ano bang gagawin ko para mawala na ikaw sa landas ko?!”


“Magiging boyfriend kita sa ayaw mo at sa hindi.”


Halos matulala ako sa nangyari. Ano daw? Boy friend? Siya? Etong lalaking ito? Oh my God!


“Wow... welcome to the group!” sabi ni katabi kanina.


“Wag mo nga akong lokohin!” sabi ko kay halimaw

“Wag kang kiligin jan.”


“Che!”


Umupo na ako at walang magawa. “By the way I’m Jacob Harrison Diaz. At your service. Jake na lang.” Nakipag kamay siya sa akin.


“Buti ka pa mabait. Di tulad ng iba mukhang timang.”


“Want to die?”


“Yeah. Mas pipiliin ko pang mamatay kaysa maging tayo. Iww.”


“wag kang maarte.”


“Di ako maarte. Concern lang ako. Baka sabihin wala akong taste.”


Tumawa si Jake. “I think magiging wild pag magkasam kayong dalawa.”


“Stop laughing. Walang nakakatawa.”


“Hay naku. Patinuin mo tong best friend ko ah.” Sabi ni Jake. Ngumiti na lang ako. Anong na ang gagawin ko? Mukhang napasubo ako.


Umalis bigla si Kieth at bigla nalang akong kianusap ni Jake. “Yaan mo lang yun. Mabait naman yun.” Sabi niya


“Hindi halata ah.”


“Pabayaan mo na. Heart broken lang.”


“Yeah. Di ko naman kasi sinasadya eh.”


“Yaan mo lang yun.”


“Ano bang nangyari sa kanila ng jowa niya?”


“Di pa ba niya nakwento sayo?”


“Magtatanong ba ako kung hindi?”


“Ang taray ah.”


“Stressed lang.”


“Kasi ganito yun. Yun si Arjay, yung pinakamamahal niyang ex. Mag-five years na sila nang sa di inaasahan eh naghiwalay silang dalawa.”


“How tragedic?” sabi ko.


Bigla akong may naalala. Ganun din naman ang nangyari sa akin. Yun nga lang sa akin three years lang samanatalang kay halimaw eh limang taon.


“Yung kasama niya, yun yung bago niya, si RD.”


“RD? Bakit ba sila nag hiwalay?” Familiar talaga eh.


“Di ko alam. Si Arjay ang nakipag hiwalay eh at wala namang nagawa si Kieth. Kahit anong pilit niya ayaw niya. Nagulat na lang kami ng naging sila ni RD.”


“Teka may tanong ako.”


“Ano yun?”


“ganun ba talaga katindi yung sakit na naramdaman ni Kieth nung naghiwalay sila nung boy friend niya?”


“Sa totoo, masasabi ko na napakalaking pagbabago ang nangyari sa kanya.”


“Kaya ba siya ganyan?”


“Oo.. in fact di mo siya makikilalang ganito ngayon. Masayahin, palabiro, yung tipong bawat lahat ng tao nahahawa sa kanayang kasiyahan. Ngunit matapos nga yung nangyari noon, lahat yun nag laho. Nakakamiss nga lang eh sobra.”


Ramdam ko siya. Maging ako malaki ang pagbabago ko noong nawala si Blake sa akin. “Ingatan mo siya.” Sabi niya sa akin.


“Ingatan saan?”


“Kayo na diba?”


“Hay nako. Kasunduan lang yun diba?”


“Pero to think of it... interesado yan sayo...”


“Paano mo nasabi?”


“Sa itsura mong yan... no offense ha... ikaw ang pipiliin niya?”


“Ouch naman. Grabe ka. Makapang lait lang wagas. Porket mayayaman at gwapo kayo.”


“Just kidding. Pero you kind a wierd lang.”


“Yeah. Nerd nga lang. Bakit ba type ko ganito eh?” Para naman matahimik ang buhay ko sa mga paparazzi. Hahah.


“Try mo minsan mag ayos.”


“No.. I don’t.”

“Haixt. Kulit mo, ang tigas ng ulo.”


“Buhay ko to okay?”


“Nakwento sa akin lahat ni Kieth lahat.”


“Hay naku. Sorry talaga. Di ko sinasadaya. Oo paulit-ulit na ako. Nagui-guilty naman ako eh.”


“Wag ka nga sa akin mag sorry.”


“Haixt. Di ko pa pala nasasauli yung sim card kay Arjay.”


“Yaan mo na. Malay mo destined talaga na magkapalit kayo.”


“I don’t beleive in destiny anymore.”


“Why? So bitter?”


“Basta. Ayoko lang.”


“Nag kaboyfriend ka na ba?”


“Secret.”


“Siguro meron na no?”


“Ewan. Feeling ko nang iinsulto ka.”


“Oi hindi ah.”


“psst.” Natawag ang aming pansin


“Oi anjan ka na pala.”


“Kung anu-ano na sinasabi mo jan sa panget na yan.” Sabi ni Kieth.


“Wag kang mag selos brad. Di ko siya aagawin.”


“Gusto mo nga sayo na siya eh.”


“Hoy ang kapal mo. Balang araw luluhod ka sa harapan ko.” Ang sinabi ko at umalis na ako. Nakakainsulto na talaga siya.


How dare him? Kung talagang panget siguro ako sobrang masasaktan ako. Makapang lait siya akala mo kung sino siyang gwapo.


Pag labas ko ng cafeteria, samu’t-saring bulungan ang narinig ko. Eto na nga ba ang dilemna ko. Di nga nila natuklasan kung sino ako, mukhang may kaguluhan namang nabubuo.




[Kieth’s POV]



“Brad naman ang harsh mo sa kanya.” Sabi ni Jake.


“Harsh din naman ginawa niya ah.”


“Nag sorry na nga yung tao eh.”


“Ang bigat pa rin ng kasalanan niya.”


“Alam mo ikaw masyado kang mapag tanim ng galit.”


“Bakit mo ba siya kinakampihan?” irita kong tanong.


“Easy lang.” Sagot niya.


Nakakairita ang boses nung lalaking iyon. Daig mo pa ang megaphone. Nerd na megaphone pa. NEGAPHONE. Astig diba.


Bakit nga ba siya ang napili ko? No choice nga pala ako. At sa panget pa, by the way naniniwala nga pala ako na walang panget na nag eexist sa mundo. Sobrang nerd niya lang talaga.


Pero somehow parang may kamukha siya. Medyo tanggalin lang yung salamin niya tapos konting ayos ng buhok tapos tanggalin lang yung malaking ngipin niya na nakakatawag pansin talaga, feeling ko may itsura to pag nagkataon.


Bakit ko ba iniiisip to? Haixt. At last nakita ko na rin siya. Dapat doon ako nag focus. Naipit ako kanina eh kaya no choice ako.


RD is like brother to me. Tapos ayun lang ang mangyayari? Nakakawala ng gana. Di na muna ako sisipot sa practice namin mamaya. Wala ako sa mood.


“Oy brad, kamusta kayo ni Jhay?” tanong ni Jake.


“As usual, wala pa rin. Tungunu lang brad.” Sabi ko.


“Cheer up.”


“gago kasi si RD eh.”


“Eh baka naman kasi sila talaga ang ara sa isa’t-isa.”


“ganun na lang yon? Matapos ang halos ilang taon papakawalan ko na lang ng ganun-ganon na lang?”


“Move on.”


“Hindi.”


“Masasaktan ka lang.”


“yaan mo na. Ng maramdaman naman ni Arjay na sobra ko siyang mahal.”


“Drama mo.”


“Shut up.”


Then my phone started to rung. Si Ate tumatawag. Anong gusto nitong babaeng ito. “Hello.” Sagot ko.


“Go to my office now!” at binaba yung linya.


Wow. She’s so amazing talaga, sa sobrang amazing nakakainis lang. Akala mo kung sinong boss eh.


“Brad una na ako. Si ate may sumpong ata.”


“Sige Good Luck.. mukhang masasabon ka na naman.”


“Tss.” At umalis na ako.


Agad akong pumasok sa administration office. Nakita ko si ate na may kausap sa phone. Sinenyasan niya ako na mag hintay daw ako kaya I wait her until na ibaba niya yung phone.


“Oi kurimaw!” sabi niya


“What’s with that name?”


“Bakit kurimaw ka naman ah?”


“Nung una sabi nung nerd elephant brid ngayon naman kurimaw? What’s with the world now?”


“Hoy teka. Mr. Lee. Akala mo makakalusot mga pinag gagagwa mo?”


“Nagsumbong sayo prof ko?”


“Anong asal yon ha?”


“Damn that professor.”


“Sige lang. Matatamaan ka talaga sa akin kahit kapatid kita. Patatalsikin kita sa university na to.”


“then go. Mas ayos pa. Pero unahin mo yung walang kwentang RD na yun. Isama mo na rin yung nerd na si Alex.”


“Hindi pa rin maka move on?”


“Don’t mess with my life ate.”


“Move on na little bro.”


“Ate wag ka nga makialam.”


“I know your grieves in your heart.”


“Then you understand me!”


“Yes. Defenitely.”


“Kaya pabayaan mo ako.”


“Kung pababayaan kita magiging miserable ka lang.”


“Mas okay pa yun.”


“Hay little bro. Wait, binanggit mo si mr. Rosales diba?”


“Yup. You know that nerd guy?”


“Very well. Nerd?” tanong niya


“Yeah. Siya yung nakakairita kong kakalase na mukhang ulupong. That megaphone person.”


“So nerd na pala siya.”


“Huh?”


“Nothing.” Ang wierd talaga ng kapatid kong ito. Haixt.


“Be nice to him” habol ni ate.


“Why?”


“La lang. He is a good person.”


“tss. Better get going. Uwi na ako.”


“May practice ka ah.”


“Tinatamad ako. Gueh bye.”


“Hoy di pa ako tap....” at tumakbo ako palabas.


Dumeretso ako pag uwi. Agad kong tinanggal ang damit ko, pants, shoes and socks. Mainit naman kaya I wear boxers only.


Inilatag ko ang katawan ko sa may kama at tumingin sa kisame. Then napatungo ang mga mata ko sa harapan ng pc ko.


Binuhay ko ito at tumambad sa akin yung picture namin ni Arjay. That was our 4th anniversary. Masaya pa ako nung time na yun pero ngayon hindi na.


Tinignan ko ulit yung pictures naming dalawa. My heart felt so weak, ang sakit kasi. Habang nakikita ko yung mga memories namin, lalo ko lang naalala yung nakaraan. 


Lalo na yung moment namin dati. At yung time na nakipag hiwalay siya sa akin.



(Flashback)


That was a perfect day for me. Anniversary na namin yun. Di ko akalin na yun pala yung end ng relationship namin. I surprised him.


“Hey. Bakit ka malungkot? ayaw mo ba?” tanong ko sa kanya.


“I want to say something.”


“Na you love me? Alam ko na yun.”


“No.”


“Huh.”


“I want to break up with you.”


And suddenly biglang tumigil ang mundo ko. Natameme ako ng sobra. Break up with me? Pero ilang taon na kami ah. Bakit ngayon pa?


“You are kidding right?”


“No. I am definitely serious.”


“Shut up. I don’t listen to you.”


“Sorry.”


“Di ako makikipag break up.”


“Please.”


“Blah blah blah blah blah.” Paulit ulit kong sinsabi. Pinipigilan ko noon ang umiyak.


“KAMI NA NI RD!” at halos masabugan ng bomba ang puso ko ng marinig ko ang mga salitang yun.


“Si R... RD?”


“Yeah. Kami na. Kaya nakikipag break ako.”


“You are kidding right? Joke lang yan diba?”


“Sorry.”


At nasuntok ko ng oras na yun yung pader. Wala akong pakialam kung mamasa man to, dumugo o mabali ang buto.


“Kieth..... please... sorry.”


“Sorry? Yun na lang ba yun? Ilang taon tayong magkarelsayon tapos tatapusin mo lang? Dahil sa lalaking yun?”


“Mahal ko siya.”


“Mahal din kita. Kaya hindi ako papayag na makipag hiwalay sayo.”


“Intindihin mo ako...”


“Intindihin? Paano ako? Sabihin mo sa akin, ako pa ba ang dapat umintindi?!”


“Nagmamahalan kami.”


“Bakit mo nagawa to? Bakit NINYO nagawa to?!”


“Sorry.”


“Sa best friend ko pa? Tinuring ko siyang kapatid pero heto. Fuck him!”


“Please. Ayaw ko ng gulo.”


“I am not leaving you... di kita bibitawan ng hindi ako lumalaban.” 


And I left him alone to that place while I am leaving with a tears in my eyes.”


(End of Flashback)


And here I am crying again for a nth time. Haixt. What a life? My life sucks. 


Kinuha ko yung phone ko at dinial si Arjay. I really missed him so much. I want to hear his voice.


Ring lang ng ring. Then after on sinagot na nito. 


“NAPATAWAG KA ELEPHANT MONSTER!” nagulat ako sa nagsalita. Bakit si.... shoot.... di nga pala na kay Arjay yung sim. Damn.



At narinig ko na naman ang megaphone na boses nung nerd nato. 


“HOY NEGAPHONE! Hinaan mo nga boses mo!”

(Itutuloy)

15 comments:

  1. Aso't pusa ang peg...kakatuwa cla. Tnx kyle

    ReplyDelete
  2. Aso't pusa ang peg kakatuwa cla. Tnx sa update kyle!

    Randzmesia

    ReplyDelete
  3. 2 chapters pa lang nakakaexcite na.... galing!!

    ReplyDelete
  4. kailan kaya ma ipaalaas ang tunay na anyo ni alex kasipara mataohan na yung si elepant bird haha i can wait na talaga it feels more fun ;-)


    Franz

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahahahha.... abangan po. hehehe. salamat po. :))

      Delete
  5. Ahahaha! Natawa ako sa ELEPHANT MONSTER.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails