Followers

Sunday, June 30, 2013

The Yuppie Is My Papi FINALE



Pagkalikong-pagkaliko pa lang ng sasakyan nitong si Sir Benedict sa lugar nina Chai ay agad na nabungaran na nilang tatlo ang dalawang media van na nakapark sa gitna ng kalsada ng baranggay at halos mapaismid sa inis itong Dalaga habang malakas na nagpoPot-Pot itong si Sr Benedict dahil sa dami ng mga tao sa kalye.
"NYETA NAMAN!!!
TALAGANG MGA PINAHAHALATANG MGA HAMPASLUPA...
 AT MGA NGAYON LANG NAKAKITA NG CAMERA!!!" Ang inis na sambit kaagad ng dalaga nang makita niya na pinagkukumpulan ng kaniyang mga kaBaranggay ang nadaanan nilang isang Camera Man at isang reporter.
"Hindi tayo makausad!" Ang inis na reklamo naman ni Sir Benedict sa dalaga at talaga namang parang may welga sa kalye.
"Itabi mo na lang dyan!" Ang mabilis na reply naman ni Chai sabay turo niya sa tabi ng estero para doon na lang magPark itong si Sir Benedict...
Medyo natagal din sa pagpaParallel Park itong si Sir Benedict at talaga namang napakaJamPacked kasi ng kalsada dahil sa Media Coverage ng pag-iinterview kay Eric.
"SYET NAMAN!!!" Ang malakas na naiusal ni Chai nang makababa na siya ng kotse't salubungin siya ng napakalakas at napakalamig na paghampas ng hangin dahil sa Lalong pagleLevel Up ang pagsusungit at pagdidilim ng kalangitan ng mga sandaling iyon,,,.
"Mauna na ako!!!" Ang next na sinabi ng dalaga kina Sir Benedict at Dennis habang abala ang mga ito sa paninigurong nakaLock ang Kotse.
"Samahan ko na si Chai..." Ang paalam naman ni Dennis kay Sir Benedict dahil medyo naBothered siya sa pagsuong ng dalaga sa maraming tao.
"Sunod na lang ako..." Ang reply na lamang ni Sir Benedict kasabay ng pagpindot niya muli ng Lock Button sa hawak niyang Car remote keyChain.
"Hindi ka ba magtatalukbong..." Ang concerned na tanong agad ng naghuhumikahos sa pagsunod na si Dennis sa mabilis na naglalakad na si Chai.
"Baka magalit na naman ang mga Boss mo..." Ang next na sinabi ni Dennis nang hindi siya sinagot ng dalaga.
"I don't care!!!" Ang masungit na sambit na Chai sa kinakabahang si Dennis kasabay ng lalo pa niyang binilisang paglalakad.
Kkahit na bako-bako ang kanilang kalsada sa baranggay at naka 4" heels pa ang dalaga'y para lamang siyang lumilipad sa hangin dahil talaga namang gusto na niyang magka-alamanan na silang dalaw ni Eric.
"ATE CHAI!!!" Ang malakas na pagsigaw ni Jun-jun na siyang biglang ikinapukaw ng nagmamadaling dalaga at kaagad namang nilingon nito ang naghihikahos niyang bunsong kapatid na tumatakbong papalapit sa kaniya.
"WHY ARE YOU OUTSIDE???!!!" Ang tanong kaagad ng tumigil na si Chai kay Jun-jun.
"Masaya kasi dito sa labas Ate eh... Parang Fiesta!" Ang nakaSmile na sagot naman ni Jun-jun habang lalo pang lumakas at lumamig ang hangin.
"GO HOME NA AT BAKA UMULAN!!!" Ang galit na utos naman ni Chai.
"Hindi ka ba uuwi Ate?"
"NOPE... GO HOME NA SABI EH!!!"
"OKAY ATE!!! TATAWAGIN KO SINA NANAY AT TATAY PARA MALAMAN NILANG PUPUNTAHAN MO SI KUYA ERIC!!!" Ang masayang Outburst ni Jun-jun sabay takbo papauwi.
"I DIDN'T SAY NA PUPUNTAHAN KO SI ERIC!!!" Ang naiinis na pasigaw na pahabol ni Chai sa kaniyang kapatid na siya naman narinig ng kaniyang mga kapitbahay na nasa labas.
"UY SI CHAI!!!"
"SI RITZ SOLER!!!"
"PUPUNTAHAN MO NA BA SI ERIC???"
Ang mga narinig ng dalaga mula sa kaniyang kapitbahay at doon lang niya naRealized na pinagmamasdan na pala siya ng mga iyon.
"MGA CHISMOSA!!!" Ang masungit na sinabi na lamang ni Chai sa lahat sabay irap niya't mabilis na paglalakad muli pasulong.
Tahimik lang na sumunod sa kaniyang likuran itong si Dennis at hindi nito maiwasang kabahan para sa dalaga nang sumunod na din sa kanila ang mga nakasalubong nilang mga kapitbahay ni Chai.
"Saan ka ba pupunta Chai?" Ang nakangiti't nanunuksong tanong sa Dalaga ng isang kapitbahay na tambay sa kanilang baranggay.
"Kanino pa ba... Eh di kay Eric!!!" Ang smart ass answer naman ng isa pa nilang kapitbahay.
"Talaga Chai???!!!" Ang excited na sambit naman ng isa pa na sumusunod din sa kanila.
Hindi na ito sinagot pa ng dalaga at nagpatuloy na lang siya sa kaniyang mabilis na paglalakad...
"HOY!!! SI CHAI!! PUPUNTAHAN SI ERIC!!!" Ang biglang sigaw naman ng isa pa nilang kapitbahay.
"TALAGA???!!!"
"SYET!!! HINDI KO ITO PAPALAGPASIN!!!"
"SI CHAI SUMURENDER???!!!"
"DALI!!! MALAKING BALITA ITO!!!"
Ang masasayang outburst naman ng mga nakarinig na mga tambay at ang mga iba pa nilang mga kapitbahay na nasa labas ng bahay at talaga namang inaabangan din nila kung ano ang mangyayari kay Eric nang mapanood nila ang sa TV ang nangyaring paPress Conference ng Shu Eumura...
Ang iba'y nakipagpustahan pa kung magkakabalikan nga ba itong sina Chai at Eric at ang ilan nama'y wala lang talagang mapagkaabalahan ng mga sandaling iyon kaya nama'y lumabas na din sila ng kanilang bahay para makiusyoso...
"CHAI... ANG LAKI NG ATRASO MO KAY ERIC!!!"
"GALIT NA GALIT SA'YO SI ERIC!!!" Ang iba pang panunukso ng mga mausyosong kapit bahay sa dalaga ngunit bagkus na dakdakan sila nito'y binigyan na lamang ni Chai ng isang matalim na pag-irap ang mga iyon at nagpatuloy pa din siya sa kaniyang paglalakad hanggang sa makarating na siya sa harapan ng bahay nina Eric.
Batid at alam ng buong baranggay kung gaano pinagtiyagaang suyuin nitong si Eric ang dalaga at alam nila kung gaano kagusto ng tricycle driver itong si Chai kaya nama'y ang iba'y hindi maiwasang makisimpatya sa binata.
"TABI NGA KAYO!!!" Ang malakas na sambit ni Chai sa kaniyang mga kapitbahay na nag-uumpukan sa labas ng gate nina Eric.
Kitang-kita ng dalawang mga mata ng dalaga na nakasara ang pintuan at bintana ng bahay ni Eric at nakaGarahe ang TriCycle nito...
"MS. RITZ!!! MS. RITZ!!!" Ang malakas na pagpukaw naman ng lumapit ang Reporter kasunod ang Cameraman nito sa Dalaga.
"Puwede ko bang malaman kung anong ginagawa mo ngayon sa bahay ng dati mong manliligaw?" Ang tanong ng Reporter sa dalaga at doo'y napansin na din ni Ritz ang ilang mga taong may dalang mga SLR na hindi maitatangging mga reporter sa tabloids.
"Ah... Itutuwid ko lang naman ang nagawa kong pagkakamali noon..." Ang malumanay na sambit ng dalaga at talaga namang nag-ingat na siya sa kaniyang ikinikilos ng mga sandaling iyon at baka maBad Publicity na naman ang kaniyang Company.
Saktong matapos ng dalaga ang kaniyang sinasabi sa Reporter ay walang pasabing biglang gumuhit sa gitna ng madilim na kalangitan ang isang mabilisang kislap ng liwanag kasunod ng nakakagulat na pagkulog at pagKidlat...
KKKKZZZZZTTTTTT... BOOM!!!
"Hala Chai!!! Nagsisinungaling ka ata!!!" Ang kantiyaw naman ng ilang mga kapitbahay sa dalaga dahil hindi sila makapaniwalang si Chai ang sumuko kay Eric.
"BAKA NAMAN GUSTO NINYONG UMUWI NA!!! UMAAMBON NA!!!" Ang slight na naiinis na sagot naman sa dalaga sa mga dumaraming mga nakikiusyoso niyang mga kapitbahay at tambay.
"PAANO KAPAG HINDI KA SINAGOT NI ERIC???!!! AKIN NA LANG SIYA!!!" Ang biro naman ng isang babae na nagpaPantig bigla sa tainga ng dalaga.
"PUTRES KA NAMAN TEH!!! HUWAG KANG MAGLALANDI SA LALAKING MAY GIRLFRIEND NA!!!" Ang hindi napigilang maiusal ni Chai sa kaniyang babaeng kapitbahay at talaga namang palaban na siya.
Now lang naramdaman ni Chai kung gaano niya talaga kagusto itong si Eric dahil sa kaniyang pagseSelos sa ideang baka iba ang ligawan na lamang ni Eric dahil sa kaniyang pag-iinarte.
"EXCUSE ME CHAI!!! SINONG MAY SABING MAY GIRLFRIEND NA SI ERIC???!!! HA???!!!" Ang palaban ding sambit ng babae kay Chai.
"AKO LANG ANG GUSTO NI ERIC!!!" Ang mabilis na ismid naman ng dalaga kasabay ng kaniyang pamemewang.
"Chai... Cool lang..." Ang awat naman ni Dennis sa dalaga kasabay ng pagbigat ng tension sa kanilang umpukan.
"Nandito po ulit tayo sa harapan ng bahay ng tricycle driver na si Eric at ngayon nga po'y kadadating-dating lang ni Ms. Ritz Soler at tila mayroong nangyayari ngayong hindi pagkakaunawaan..." Ang sambit ng reporter sa harapan ng Camera at kahit na narinig na iyon ni Chai ay binalewala lang niya ito.
"Chai... Live ata yan at baka Broadcasted pa ngayon..." Ang muling awat ni Dennis sa dalaga.
"I SAID... I DON'T CARE!!!" Ang pagsusungit ni Chai kay Dennis na ikinatameme kaagad nito.
"AYAW KA NA NI ERIC!!! HUWAG MO NANG IPILIT ANG SARILI MO SA KANIYA!!!" Ang sambit muli ng kasagutan ni Chai at hindi din talaga ito patatalo dahil malakas din ang tama nito sa TriCycle Driver noon pa man.
"CHAI!!!" Ang narinig ng dalaga na pagtawag naman ng kaniyang nanay Celia sa kaniya.
Nakita ng dalaga na kasama ni Aling Celia ang kaniyang Tatay Kardo't si Jun-jun...
Kasunod din nila itong si Sir Benedict na may dala-dalang payong.
"GUSTO MO TALAGANG MAPAHIYA ANO???!!! TIGNAN NATIN!!!" Ang biglang hamon ni Chai sa babae sabay harap ng dalaga sa gate ng bahay ni Eric.
Matagal ding nalapitan nina Aling Celia ang kanilang anak dahil kuyog na ang mga nakikiusyo sa ginagawang eksena nitong si Chai...
"Ano bang ginagawa mo anak..." Ang bulong agad ng concern na si Aling Celia sa anak.
"Hindi ko talaga kaya na may tampo sa akin si Eric..." Ang mahinang paliwanag lang ng dalaga sa kaniyang nanay at pagkatapos ay nagInhale si Chai upang makapag-ipon ito ng maraming hangin  sa baga...
"HOY ERIC!!! LUMABAS KA DIYAN!!! ANDITO AKO!!!" Ang malakas na sigaw ni Chai na isinabay niya sa kaniyang pagExhale.
Kaagad namang nagbukas ang Jalousie Window sa bahay ng binata...
"UMUWI KA NA CHAI!!!" Ang balik sigaw naman ni Eric kay Chai na sinabayan muli ng isang malakas na pagKulog at pagKidlat.
KZZZZZTTTT... BOOM!!!
"AHAHAHA!!! KITA MO NA CHAI!!! AYAW NA TALAGA SA'YO NI ERIC!!!" Ang natatawang panghihiya ng babae sa dalaga.
Lalong nanlaki ang dalawang butas ng ilong ng dalaga nang makita niyang isinara muli ni Eric ang bintana ng kanilang bahay...
KZZZZZTTT... BOOM!!!
"Chai... Umuwi na muna tayo at malakas ang ulan na paparating!!!" Ang sambit naman muli ni Nanay Celia sa naShock na si Chai habang hinihila nito ang kamay ng anak dahil palakas ng palakas ang ihip ng hangin at nagsisimula na ang pag-ambon.
"Kala ko ba magsoSorry ka?" Ang concern na tanong naman agad ni Sir Benedict sa dalaga.
Kaagad na natigilan ng mga sandaling iyon ang dalaga dahil sa ipinaalala sa kaniya nitong si Sir Benedict...
Binigyan na lamang ni Chai ng isang malamyos na ngiti ito't nagpapasalamat talaga siya kay Sir Benedict at ipinaalala nito ang kanilang plano...
Alam ng dalagang hindi makukuha ng santong paspasan itong si Eric at tanggap naman ng dalaga na mas nanaisin na lamang niya na tanggapin ni Eric ang kaniyang Sorry...
"I'll try to call him na lang... Mukhang hindi ko talaga siya makaka-usap ng harapan..." Ang talunang sambit na lamang ng dalaga.
"Relax ka lang Dennis... Ganito lang talaga dito..." Ang next na sinabi ng nakaNgiting dalaga nang mapansin niyang dikit na dikit kay Sir Benedict at natatakot itong si Dennis.
"I'll call Eric lang Mommy!" Ang sunod na sinabi naman ni Chai kay Aling Celia habang kinukuha niya sa kaniyang bulsa ang kaniyang iPhone.
Nang hindi makapa ni Chai sa kaniyang dalawang bulsa ang kaniyang iPhone ay automatic namang kinapa niya ang kaniyang leeg ngunit nanlaki ang mata ng dalaga nang malaman niyang hindi ito nakasabit sa kaniyang leeg...
Kinutuban kaagad ang dalaga ng mga sandaling iyon...
Muling kinapa ni Chai sa kaniyang bulsa ang kaniyang iPhone at hindi na niya maiwasang mairita nang lalo pa silang siniksik ng mga kapitbahay nilang nakikiusyoso...
Habang lalo pang lumalakas at lumalamig ang hangin ay unti-unting nagdidilim naman ang paningin ng dalaga...
KZZZZTTTT... BOOM!!!
"Chai umuwi na tayo!!!" Ang muling pag-aya ni Aling Celia sa anak at talaga namang nagbabdya na ang malakas na pag-ulan ng mga sandaling iyon.
"Teka lang Mommy..." Ang walang katono-tonong sambit ni Chai kay Aling Celia pagkatapos niyang makatiyak na nawawala ang kaniyang iPhone.
"PUNYETAAAA!!!" Ang malakas na sigaw ni Chai na siya namang ikinatigil ng lahat.
KZZZZTTT... BOOM!!!
"FAKE NA NGA ANG iPHONE KO EH MAY NUMENOK PAAAAH!!!" Ang kasing lakas ng kulog na sigaw muli ng dalaga sa lahat.
Kaagad namang kinapa ni Sir Benedict ang kaniyang wallet at iPhone at nakahinga siya nang maluwag nang makitang nasa sa bulsa pa niya ang mga ito...
"SHIT!!! Wala din yung iPhone ko!!!" Ang nagpaPanic at kinakabahang usal naman ni Dennis habang marahas niyang isinusuksok at kinakapa ng paulit-ulit sa kaniyang lahat ng mga bulsa ang kaniyang phone...
"SYET TALAGA!!!" Ang napipikon na usal muli ng dalaga at talaga namang nagSnap na siya ng mga sandaling iyon dahil sa ginawang pangbabara at pagtataboy sa kaniya ni Eric...
"HOY BOY RUGBY!!! ILABAS MO ANG iPHONE KO!!!" Ang mabagsik na utos ni Chai nang mahagilap niya sa kaniyang paningin mula sa mga nakikiusyo ang number one na Rugby Boy sa kanilang lugar...
"BAKIT AKO CHAI???!!!" Ang gulat na sambit naman ni Boy Rugby sa dalaga.
"SINO PA BA KAYA???!!!" Ang mabilis na sigaw naman ng dalaga at wala na siyang pakialam pa kung kinukunan siya ng Camera ng mga sandaling iyon.
"FUCK!!! ANG iPHONE KO DIN!!!" Ang malakas at gulat namang usal ng Reporter nang makapa din niya sa kaniyang mga bulsa na wala na doon ang kaniyang telepono.
"HINDI AKO GANITONG ORAS KUNG MANDUKOT!!!" Ang defensive na kaagad na sinabi ni Boy Rugby nang tinignan siya ng lahat ng mga tao.
"AYAN SI BOY BATO OH!!! WALANG PINIPILING ORAS YAN!!!" Ang next na sinabi ni Boy Rugby sabay turo niya kay Boy Bato.
"TANGINAKA AH!!! HUWAG MO AKONG PAGBIBINTANGAN AT NANONOOD LANG AKO!!!" Ang mabangis na sigaw naman ni Boy Bato.
"HUWAG MO AKONG MUMURAHIN AT HINDI MO AKO PALAMONG HAYOP KA!!!" Ang sigaw naman ni Boy Rugby.
"AAAAAYYYY!!!" Ang malakas na sigawan ng mga babaeng kapitbahay ni Chai nang walang pasabing binigyan ng isang malakas na suntok ni Boy Bato sa mukha itong si Boy Rugby.
"WALA AKONG PAKIALAM KUNG MAGPATAYAN KAYO!!! IBALIK NYO ANG iPHONE KO!!!" Ang naiinis na sambit muli ni Chai sa nagraRumble na dalawang tambay nila sa Baranggay.
"ARAY KO!!! ANG PAA KO!!!" Ang next namang malakas na sigaw ng isang lalaking nakikiusyoso nang maapakan ng kung sino man ang kaniyang hinliliit sa paa nang nag-atrasan bigla ang mga tao dahil sa pagraRumble nina Boy Bato at Boy Rugby.
"TAENA SABI!!! ANG PAA KO!!!" Ang malakas na muling pagsigaw ng lalaki kasabay ng malakas niyang pagtulak sa mga taong nasa sa kaniyang harapan nang hindi pa din naalis ang paang nakatapak sa daliri niy sa paa.
KZZZZTTTT... BOOM!!!
Kasabay ng muling pagkidlat ay siya namang biglang bumuhos ang malakas na ulan na siyang naging hudyat sa lahat ng mga natumba mula sa pagkakatulak ng naapakang lalaki upang magsitayuan na ang mga ito't makipagtulakan na din.
"DINAGANAN MO AKO!!!"
"ARAY!!!"
"BAKIT KA NANUNULAK!!!"
"SINONG SUMUNTOK SA AKIN!!!"
"ARAAAY!!!"
"HUWAG NGA KAYONG MANULAK!!!"
"NANUNULAK KAYO HA!!! ETONG BAGAY SA INYO!!!"
"ARAY!!!"
"RAMBULAN NA!!!"
Ang sunod-sunod na sigaw ng mga kapitbahay na nakiusyoso kina Chai at talaga namang pagNagRumble sa kanilang baranggay ay talaga namang Riot talaga...
Kaagad na niyakap at inialis ni Sir Benedict itong si Dennis sa gitna ng kaguluhan ngunit walang pasabing nagpupumiglas ito...
"Ano ka ba Ben... Si Chai!!!" Ang sambit ni Dennis sabay turo niya sa nakapamewang na dalaga.
"AY OO NGA PALA!!!" Ang biglang sambit ni Sir Benedict sabay alis nito ng kaniyang pagkakahawak sa kamay ni Dennis upang puntahan itong si Chai...
Kahit na malakas ang pagbuhos ng ula'y walang tinag pa din ang mga taong nagsusuntukan, Nagtutulakana at nagmumurahan sa gitna ng kalsada...
"Okay ka lang Chai..." Ang tanong agad ni Sir Benedict nang nakalapit na siya sa dalaga.
"Tara na't umuwi na tayo..." Ang sinabi din ni Mang Kardo nang makalapit na din siya sa anak at hindi na nagmatigas pa itong si Chai at kaagad na kumilos nang inakay na siya nina Sir Benedict at Mang Kardo papalayo sa Riot dahil basang-basa na sila ng ulan.
"TIGNAN MO NGA NAMAN OH!!! SINO SA ATIN ANG NAPAHIYA???!!!" Ang malakas na sigaw ng kaninang nakaaway na babae nitong si Chai na siya namang biglang ikinatigil ng dalaga.
"Si Mommy?" Ang mahinahong tanong ng dalaga sa kaniyang tatay Kardo.
"Inuwi na ni Jun-jun..." Ang sagot naman ni Mang Kardo.
"ANO CHAI???!!! BAHAG PALA ANG BUNTOT MO AH!!!" Ang malakas na pangaasar muli ng babae sa dalaga.
"Huwag mo nalang pansinin!" Ang sambit naman ni Sir Benedict nang mapansin niyang nanlilisik na ang dalawang mata ng dalaga.
"You go home first Daddy!" Ang mabilis na usal ng Dalaga sabay pagpag niya sa kaniyang braso upang maalis ang pagkakahawak ni Mang Kardo sa kaniya.
"CHAI!!!" Ang malakas na sigaw ni Mang Kardo nang sa nagtatakbong papalayo sa kaniya ang  anak.
Kaagad namang sinundan ni Sir Benedict itong si Chai at kaagad na pumuwesto siya sa likuran ng dalaga nang tumigil ito sa harapan ng makaaway...
"Kunan mo si Ritz..." Ang nagmamadaling sambit naman ng Reporter sa kaniyang Camera Man...
"TEKA HINDI AKO MAKAKILOS!!!" Ang malakas namang reklamo ng Cameraman dahil sinisiksik pa din siya.
"Chai lika na..." Ang mahinang bulong ni Sir Benedict sa dalaga ngunit nanatiling parang estatwang nakatayo lamang ang dalaga't hindi nito inaalis ang tingin sa kaaway.
"MAY PROBLEMA KA BA???!!! O BAKA GUSTO MO NA NAMANG MAPAHIYA KA ULIT NEGRA???!!!" Ang tanong naman kaagad ng babae sa dalaga at mabilis pa sa isang kurap na sinagot na kaagad nitong si Chai ng mag-asawang sampal ang kaharap na ikinabagsak naman nito sa basang kalsada.
"ANG PROBLEMA KO EH MARAMI KASING NAKIKISAWSAW NA CHSIMOSANG KATULAD MO!!!" Ang matigas na sinabi ni Chai sa papatayong babae at nang akmang sasabunutan na siya nito'y walang pasabing pinasalubungan niya ito ng isang mabilis at mabigat na sapak sa ilong na ikinabagsak naman kaagad muli nito.
"EEEEEEEHHHH!!!" Ang tili naman ng mga iba pa nilang kapitbahay na babae na nanonood sa laban ni Chai.
"HINDI AKO NAKIKIPAGSABUNUTAN!!! SIGE TAYO!!!" Ang hamon muli ni Chai sa bumagsak na babae.
"Biro lang naman Chai... Hindi ka na mabiro..." Ang sunod-sunod na sambit na lang ng babae habang mabilis itong gumagapang papalayo kay Chai.
Hindi na ito nakatayo't medyo umiikot pa din ang kaniyang paningin dahil sa sapak na inabot niya mula kay Chai...
"HUWAG KA NANG MAGPAPANSIN KAY ERIC AT AYAW NOON NG BASAG ANG MUKHA!!!" Ang pahabol pa ni Chai sa umatras niyang kalaban.
KKKZZZZTTTTT... BOOM!!!
Halos walang tigil pa din ang rambulan ng mga kapitbahay ni Chai kahit na parang bagyo na sa lakas ang hangin at ang ulan ng mga sandaling iyon...
Sapakan...
Tulakan...
Murahan...
Siksikan...
Sigawan...
"MAY BALISONG SIYA!!!"
"MERON DIN AKO NYAN!!!"
"EEEHHHHH!!!"
KZZZTTTT... BOOM!!!
"SINONG MATAPANG!!!"
Ang mga sunod-sunod na sigaw ng mga nagrarambulan at nakikiusyong mga tao...
Dinig na dinig ito ni Eric mula sa loob ng kanilang nakatarangka ang bahay...
"EEEEEHHHH!!!"
"AWATIN NYO SILA!!!"
"HAYAAN NYO SILANG MAGSAKSAKAN!!!"
Ang next na narinig ni Eric at talagang nagLevel Up ang kaniyang nararamdamang pagka-kaba at hindi niya naiwasang magdasal na sana'y nakauwi na itong si Chai sa kanila habang lalo pang umiinit ang rumble sa labas ng kanilang bahay...
"EEEEHHHH!!! SINONG LUMAMAS SA BOOBS KO!!!???" Ang pag-alingawngaw ng malakas na tili ni Chai na siya namang narinig nitong si Eric.
Hindi na nag-aksaya ng saglit ang binata't kaagad siyang lumabas ng bahay upang mapuntahan ang Dalaga...
Dahil sa lakas ng ula'y hindi masyadong maaninag ni Eric kung nasaan si Chai at wala na siyang pakialam kung sino man ang kaniyang mahawing nakaharang sa kaniyang dinadaanan...
Sinusundan na lamang niya ang malakas na boses ng dalaga na nasa gitna ng Riot...
"SABI KO NA NGA BA'T NASA SA'YO ANG iPHONE KO!!!" Ang galit na usal naman ni Chai at hindi talaga niya mapigilang hawakan sa tainga itong si Boy Rugby at pingutin nang makita niyang nalaglag mula dito ang kaniyang telepono.
"KALBO... TIGNAN MO SA BULSA NIYA KUNG MAY IBA PANG iPHONE NA NAKATAGO!!!" ANg mabangis na utos ng dalaga na siya namang sinunod kaagad ni Sir Benedict.
"MASAKIT ANO KA BA!!!" Ang galit na usal naman ni Boy Rugby at akmang babarugin na niya ang dalaga ay kaaagad na nakalapit naman itong si Eric sa dalawa.
Ipinikit na lamang nitong si Chai at hinintay na lamang niya sa kaniyang pagmumukha ang paglapat ng kamao ni Boy Rugby ngunit laking pagtataka niya nang hindi dumapo ang sapak na ibibigay nito sa kaniya...
"Eric..." Ang gulat na usal na lamang ng dalaga nang idinilat niya ang kaniyang dalawang mga mata at mabungaran itong si Eric na sapo-sapo ang kamao ni Boy Rugby...
"Tinatakot ko lang naman si Chai eh..." Ang nauutal at kabadong sinabi naman ni Boy Rugby habang pinanlilisikan siya ng mata nitongkaLook-a-like ni Cesar Montanong si Eric.
"KAHIT BIRO EH AYOKONG GINAGANYAN ANG MAHAL KO!!!" Ang matigas na sagot ni Eric kay Boy Rugby.
WAPAK!!!
Parang papel na tumalsik itong si Boy Rugby nang sinapak siya nitong si Eric at hindi na ito nakatayo pa nang kinuyog muli siya nitong si Boy Bato...
"HAYOP KA!!! IKAW PALA ANG NANDUKOT PAGKATAPOS EH PAGBIBINTANGAN MO AKO!!!" Ang sunod-sunod na sinabi ni Boy Bato sa bumagsak kay Boy Rugby kasabay ng pagpapaulan niya dito ng suntok.
"Nasaktan ka ba Chai..." Ang concern na tanong kaagad ni Eric nang nakaharap na niya ang dalaga.
Halos walang mahugot masabi itong dalaga at tila ba isang napakahabang panahon ang mga nagdaang araw sa hindi nila pagkikita...
Gwapong-gwapo't machong-macho sa paningin ni Chai ang ngayong kaharap niyang si Eric...
Nakadagdag pa sa Pogi Points ni Eric ang pagpatak ng ulan sa kaniyang mukha't katawan...
"Okay ka ang ba Chai..." Ang muling tanong ni Eric...
Kahit si Sir Benedict at Dennis ay nakatingin at naghihintay sa kung anong sasabihin nitong dalaga...
"PUTANG INA NYO!!! MAGSITIGIL NGA KAYO!!! LUMABAS NA SI ERIC!!!" Ang sigaw naman ng isa sa mga nakikiusyoso nilang kapitbahay dahil napikon talaga ito at hindi nito marinig ang sinasabi ni Eric kay Chai at talaga namang napaka-ingay ng sigawan ng mga nagraRiot...
"LUMABAS NA SI ERIC???!!!"
"SSSSHHHHH!!!" Ang mga narinig na sambit ng lahat ng mga tao kapalit ng kaninang ingay dulot ng Rambulan...
"Okay pa ba yang Camera mo?" Tanong ng reporter sa kaniyang CameraMan.
"Ayos pa naman at WaterProof tong nadala ko..."
"SHHHHHH..." Ang saway ng mga nakikiusyo sa mga tagaMedia.
"Ayos ka lang ba Chai..." Ang muling tanong ni Eric sa nananahimik na si Dalaga...
"Chai... Sorry ha..." Ang dugtong ni Eric nang hindi pa din nagsalita itong si Chai...
Lahat ay tahimik na naghihintay sa kung ano ang ireReply ni Chai...
"ERIC PLEASE!!!" Ang maarte't biglang sambit ni Chai na ikinagulat ng mga nakikiusyoso sa kanila...
"ANG ARTE NAMAN NI CHAI!!!" Ang hindi mapigilang maiusal ng iba nilang kapitbahay .
"SSSHHHHH... MAY SASABIHIN PA ATA SI CHAI!!!" Ang saway naman ng iba sa mga ito.
"Chai... Sorry na..." Ang ulit ni Eric sa kaharap niyang dalaga...
"LET ME SPEAK ERIC...
LISTEN TO ME FIRST..." Ang pagsisimula muli nitong si Chai.
...
...
...
"I'm so sorry Eric sa lahat ng mga nagawa kong pagNeglect sa iyo..." Ang mahinang dugtong ng dalaga.
"ANONG SABI MO CHAI???" Ang malakas na tanong ni Sir Benedict habang akbay-akbay niya itong si Dennis...
Pareho silang napaSmile sa sinabi ng dalaga...
"SABI KO... SORRY ERIC!!!" Ang nilakasang pag-ulit ng dalaga upang marinig ng lahat na siya namang ikinangiting bigla ng Tricycle Driver.
Kahit ang kanilang mga kapitbahay ay napangiti na din dahil yun ang kauna-unahang pagkakataong makita nilang nagpakumbaba ang dalaga...
"Sorry na Eric..." Ang paCute na ulit muli ni Chai kay Eric sabay hawak niya sa dalawang kamay nito.
"NAGSORRY NA SI CHAI... ANO PANG HINIHINTAY MO DRE!!!" Ang kantiyaw naman ng mga katoda ni Eric na nakikiusyoso din sa happenings...
Nangiti na lamang ang dalaga nang maRealized niyang pinapanood na pala sila ng lahat ng tao at now lang siya nakaramdam ng pagkahiya...
"Alam mo ba Chai..." Ang usal naman ni Eric.
"Ano yun Eri... UUUUHHHMMMPPPHHHH!!!" Ang hindi na natapos pang sentence ng dalaga nang walang pasabing hinawakan siya ni Eric sa kaniyang mga makikinis na braso't bruskong hinalikan siya nito sa labi.
KKKKZZZZTTT... BOOM!!!
Kahit na patuloy ang malakas na pagkulog at pagkidlat na sinasabayan ng malakas na hangi't pagbuhos ng malamig na ula'y hindi mawala-wala ang mga ngiti sa labi nina Sir Benedict at Dennis at gayundin naman ang lahat ng mga nakapaligid na mga taong masayang pinagmamasdan ang nagliLips to Lips na sina Eric at Chai...
"NaMiss Kita SOBRAAAA!!!" Ang malakas na Outburst ni Chai nang naghiwalay na ang paghihinang ng kanilang mga labi ni Eric.
"Hindi ko kayang mawala ka sa akin Eric..." Ang masayang dugtong ng dalaga sa nakangiti't gwapong-gwapong si Eric.
"NaMiss din kita ng Sobra tagala... UUUHHHRRRRMMPPHHH!!!" Ang naudlot na sentence ni Eric dahil si Chai na ang nag-initiate ng kanilang second round ng pagliLips to Lips...
...
...
...
Tahimik lamang itong si Mrs. Chavez habang nagkakape siya't nanonood ng Evening new...
Hindi niya mapigilang mapailing habang ipinakikita sa TV ang mga nangyaring kaguluhan sa baranggay nina Chai at pati na din ang kaniyang anak na si Sir Benedict ay nakunan sa Camera...
"Ma'am... Telephone po ulit..." Ang sambit ng maid ni Mrs. Chavez nang lumapit ito sa amo na dala-dala ang Chordless Phone.
"Di ba sabi ko sa'yo sabihin mong unavailable ako..." Ang sagot lang ni Mrs. Chavez dahil kanina pa siya pinuputakte ng mga tawag mula sa mga major people at mga taga PR ng kanilang Company dahil sa ipinpaalabas na breaking news about sa kanilang Endorser na si Ritz Soler.
"Si Sir Benedict po kasi ang tumawag..."
"Give me the phone!!!" Ang mabilis na pagbawi naman ni Mrs. Chavez sabay hablot niya ng Chordless Phone from her maid at talaga namang kanina pa niya gusto makausap ang anak.
"ANO KA BA BENEDICT!!!???
BAKIT HINDI NYO SINASAGOT ANG TAWAG KO???!!!
KAHIT SI CHAI DIN UNAVAILABLE!!!" Ang galit na sambit agad ni Mrs. Chavez sa anak.
"Ma... Nabasa kasi ng ulan ang mga iPhone namin... Sorry at ngayon lang ako nakatawag..."
"Alam mo bang tawag ng tawag sa akin ang mga taga Public Relations... Lalong-lalo na ang mga iba pang mga Heads... Nag-aalala sila sa nangyari dyan kina Chai..."
"Hayaan nyo sila Ma!!!"
"Anong hayaan... Baka magpaPress Conference na naman ulit tayo!!!"
"Basta Ma... Let's just give Chai a Break at ako na ang haharap sa kanila bukas..." Ang sambit ni Sir Benedict na ikinataas naman bigla ng kilay ni Mrs. Chavez.
"What did you say Iho???"
"I said... Ako na ang magbibigay ng statement sa office bukas na bukas... Ako na ang bahala Mommy..."
"Okay Anak...
I trust You..." Ang malumanay na reply lang ni Mrs. Chavez na siya namang ikinataas ng kilay at ipinagtaka ni Sir Benedict.
"What did you say Mommy???" Ang nagtatakang tanong ni Sir Benedict sa kaniyang Mommy dahil ngayon lang niya narinig mula dito ang statement na 'I Trust You'.
"Hello Ma??? Hello???" Ang biglang usal ni Sir Benedict nang nagEndCall na ang kaniyang Mommy.
Hindi mapigilang mapangiti ni Sir Benedict dahil proud na proud siya sa kaniyang sarili dahil sa huling sinabi sa kaniya ng kaniyang Mommy...
Ganoon din naman kung makangiti ng wagas itong si Mrs. Chavez at napakalaki ng kaniyang ikinatuwa dahil nagMature na din sa wakas ang kaniyang anak...
...
...
...
...
...
Hindi na din nagtaka sina Sir Benedict at Si Mrs. Chavez at gayundin naman ang buong Pamilya't kaBaranggay nina Chai and Eric nang maging laman ng Frontpage ng mga tabloid ang picture ng dalawa...
Ang Picture ng Tricycle Driver na si Eric at ang Official na Yuppie na Girlfriend nitong si Chai habang nasa mainitang pagliLips to Lips silang dalawa sa kalagitnaan ng masungit na panahon...





Fin

20 comments:

  1. As expected natawa ako sa story :)) andaming bentang scenes hahahah...

    Pero medyo na disappoint ako sa ending parang ambilis natapos... xD

    -Brown Temptation

    ReplyDelete
    Replies
    1. talagang ganon ang target kong ending... ikaw na kuya Brown ang mag iimagine :)

      Delete
  2. Woooohhhhhh amazona ka pala miss ritz... Buti nalang lumabas si eric kala ko ayaw na nya kay chai.... Galing galing galing... Kudos sa adik na author :-)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bakit di ko na makita ang FB mo Kuya PJ???

      Delete
    2. Block kita kaya di mo na ako nakita... Hahahhaa joke... I deactivate my account for the meantime, after 15-30 days babalik din ako sa FB

      Delete
    3. Kala kasi ni Ponse na may naunang kumidnap sayo :)))

      Delete
    4. Wala ki-kidnap sa akin kasi wala kaming pantubos... Lugi lang ang ki-kidnap sa akin hahahaha laki ng overhead cost nya kasi mag request ako ng request hahaha

      Delete
  3. Parang nabitin ako sa ending... Hanging... parang thai movies hahaha...
    Kudos ponse... Baka pwede my epilogue pah hehehe
    1 week ako sa remote area sa isla walang internet connection ang hirap
    naabutan pa ako ng bagyo :(

    ReplyDelete
    Replies
    1. I'll just let you kuya Richie to imagine it na lang :))) Yan ang technique ng mga mababait na author :)))

      Delete
  4. hahaha ang saya ng ending! manong iconnect mo kaya yung lab istori nina ben at den sa story na to. hehehe.. galing manong! undercover naman babasahin ko hahabol ako.. goodnight!

    ReplyDelete
    Replies
    1. nakaDrafts na ang UnderCover To... :)))

      Delete
  5. Nice ending.kailan ang susunod?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamuch kuyang Anon... I'll be posting yung kapalit ng 'Ang RnB' baka sa following days po :)))

      Delete
  6. at may riot tlga / hahha di ko ma.imagine galing

    ReplyDelete
    Replies
    1. Onli in the Pilipins kuya Russ :)))

      Delete
  7. hala! d end na pla, he he he hmmm, let our imagination do the rest ba ponse? ok. tnx.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Opo Tito Robert :))) Ayoko na po kasing gambalain pa sina Chai and Eric at pati na din po sina Sir Benedict and Dennis :)))

      Delete
  8. Natawa ako sa ending ng love story nilang apat , hindi alintana sa kanila ang bagyo ... Pang adik talaga ang dating ng story mo 😍😍

    At maraming salamat dahil hindi ka nagsasawang gumawa ng kwento pra mapaya mo kami ...

    Good luck and God bless AUTHOR ..😄😄😄

    ReplyDelete
  9. hahahahahahaha natawa ako sobra sa kwento hahahahahahahaha nakita ko lang 'to sa filipino writer tas hanggang chapter 5 lang tas google ako hehe dito ako dinala wahahaha ang saya! Salamat sa story Mr. Writer... nabawasan problema ko hahahaha tc & GOD BLESS :D

    ReplyDelete
  10. Natawa ako sa natapakan na paa at sa boobs...hahahaha..lol.. Love it...

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails