Rhon
Chapter 2
Dahil parang wala naman akong maisagot sa tanong niya sa akin ay naisip kong makipagbati na lang sa kaniya. Baka kasi dahil hindi ako sanay na may kagalit kaya ko siya iniisip. Nandoon na din lang naman ako at ako na ang lumapit sa kaniya, hindi naman siguro masamang pag-usapan at maayos kung sakaling may tampo siya sa akin.
“Galit ka ba sa akin?” garalgal kong tanong.
“Sabihan ka ba naman ng bakla.”
“Di ko naman mini-mean yun?”
“Di mo mini-mean? Basta sinabi mo lang ta’s hindi mo iniisip na nakakasakit ka? Bakit ka nga nandito? Magsosorry ka ba?”
“Sana.”
Bumangon siya. Umupo siya sa kama. Nilapit niya ang kaniyang mukha sa aking mukha. Titig na titig. Hindi ko masalubong ang kaniyang mga mata. Parang pinapasok niya ang buong pagkatao ko.
“May gusto ka ba sa akin, Rhon?”
Nabigla ako sa tanong niya. Hindi ko alam kung bakit bigla niya sa akin natanong iyon at isa pa, ni hindi ko nga sigurado kung ano ba itong nararamdaman ko ngayon.
“Wala ‘no. Kapal mo naman.”
“Makapal? Nagtanong lang ako, makapal na agad ako?”
“Nandito lang naman ako para mag-sorry tungkol doon sa nangyari nga kanina?”
“Wala na ‘yun. Bakit hindi mo na lang kasi pinagpabukas ang pagsorry.”
“Hindi kasi ako makatulog.”
“Dahil iniisip mo ako?”
“Kulit naman. Hindi nga. Ewan ko, basta hindi lang ako makatulog. Iinom dapat ako ng tubig tapos nakita ko nakabukas ang kuwarto mo kaya dumaan na lang ako para humingi ng tawad tungkol sa nasabi ko?”
“Anong naramdaman mo kaninang nakita mo ito?’ tinuro niya ang medyo nakatigas niyang pagkalalaki. Bumabakat pa din iyon sa suot niyang putting brief. Iniwasan kong mapako ang tingin ko doon.
“Anong naramdaman mo kaninang nakita mo ito?’ tinuro niya ang medyo nakatigas niyang pagkalalaki. Bumabakat pa din iyon sa suot niyang putting brief. Iniwasan kong mapako ang tingin ko doon.
“Wala. E, ano naman, pareho lang naman tayong lalaki ah.”
“Naisip ko lang na baka kako hindi ka makatulog dahil sa nakita mo sa akin kanina?”
“Grabe ka naman mag-isip. Iniisip ko lang nab aka nagalit ka sa akin. Ayaw ko lang na lumaki pa ang tampuhan. Kung anu-ano pumapasok sa isip mo. Sige na nga’t makaalis na.” Tumayo na ako. Tumalikod.
“Sandali.” Hinawakan niya ang braso ko.
“Crush mo ako hindi ba? Di ba may gusto ka sa akin?”
“Kapal talaga neto.” Inirapan ko siya. Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko saka tumalikod.
Ngunit bago ako nakalabas sa pintuan ng kuwarto niya ay nagawa niyang yakapin ako mula sa likuran at iniharap niya ang mukha ko sa mukha niya. Nakatalikod ako sa kaniya na ang ulo ko ay hinawakan niya patagilid at naramdaman ko na lamang ang malambot niyang labi sa gilid ng aking labi. Amoy ko ang mabango niyang hininga. Napapikit ako sa hatid niyang sensasyon. May kung anong kuryenteng dumaloy mula sa aking mga daliri hanggang buong sinakop nito ang aking pagkatao. Pagkatapos nun ay binitiwan niya ako. Lumuwang ang pagkakayakap sa akin.
Para akong nabitin sa ginawa niya at nang tatalikod na siya ay ako naman ang humarap. Hinarap din niya ako at ang dampi na halik kanina ay mas nagiging maalab nang muling magtagpo an gaming mga labi. Mahusay siyang humalik samantalang ang tanging alam ko ay ibunggo ang labi ko sa labi niya na may tunog pa. Yung parang kiss lang sa pisngi na may tunog. Ngunit hindi na pala kailangan ituro iyon dahil sumasabay ang ritmo ng bibig ko sa labi niya. Sa tuwing binubuka niya ang labi ko gamit ang labi niya ay parang may koneksiyon. Parang pinag-uusapan. Labi sa labi, hininga sa hininga, hanggang naging mas mahigpit pa ang aming yakapan. Kumilos ang kaniyang mga paa papalapit sa pintuan at ako’y parang alipin na humakbang din huwag lang matigil ang sarap ng unang halik na aming pinagsasaluhan. Sinara niya ang pintuan ngunit yakap yakap niya parin ako at hinahalikan sa labi. Kumilos siya patungo sa kaniyang kama. Dahil mas payat ako sa kaniya at mas maliit ay pilit niya akong binuhat ngunit hayok pa din ang labi namin sa isa’t isa. Para kaming mga uhaw at gutom. Hindi pinagsawaang namnamin ang una at kakaibang karanasan sa pagkakahinang ng aming mga labi.
Doon, sa simpleng kamang iyon ay masuyo niya akong pinahiga. Maingat niya akong hinubaran at wala siyang iniwan na kahit anong saplot na tatakip sa aking kahubdan. Pinagmamasdan ko lamang ang kaniyang mga ginagawa. Binaba niya ang kanyang brief at umibabaw sa akin. Naramdaman ko ang mainit niyang katawan na nagsimulang gumawa ng kakaibang ritmo. Nagsimula niyang suyurin ng halik ang aking leeg, papunta sa aking dibdib. Tumagal ng sandali doon at nagpatuloy sa aking tiyan, tagiliran at sa puson. Hanggang sa napakagat-labi ako ng maramdaman ko ang mainit niyang bibig na sumakop sa aking pagkalalaki. Maalab ngunit banayad ang bawat ritmo ng pagbibigay ng kalayaan sa init na hatid ng makasalanang laman. Kasabay niyon ng pagkakakilala ko sa kakaibang sarap, kakaibang langit at napakaluwalhating karanasan. Pagkaraan ng sandaling pagbabad niya doon sa gitna ng aking mga hita ay naramdaman ko ang pagtaas ng kaniyang dila at labi sa aking puson, tiyan, dibdib at muling nagtama ang aming mga labi. Hanggang sa maingat niya akong nilagay sa kaniyang ibabaw. Siya naman ang tumihaya. Hindi na niya kailangan pang sabihin kung ano ang gusto niya. Ginaya ko kung ano ang ginawa niya sa akin. Nang naroon na ako sa kaniyang pagkakalalaki ay iniangat niya ang ulo ko.
“Ngipin mo. Iwasan mong masagi ng ngipin mo yung akin kasi masakit.” Reklamo niya.
Pinagbuti ko ang aking ginagawa. Mahirap. Minsan nabibilaukan pa ako dahil pilit niyang pinapasok ang kahabaan nito hanggang sa aking lalamunan kaya napapatigil ako. Hanggang sa naramdaman kong nag-iba na siya ng posisyon. Ginagawa na niya ang ginagawa ko din sa kaniya. Muli kong naramdaman ang kanina’y sarap na ayaw ko na sanang matigil pa. Nagsimula kami sa banayad na paghagod. Ang dating banayad na ritmo ay bumilis ng bumilis. Sabay na sabay ang pagsaliw namin sa musikang hatid ng likas na luwalhati. Umunat ang aming mga binti. Lumalim ang aming mga hininga at dinig ko ang pagmumura niya.
“Shet! Malapit na ako! Ikaw?” nagawa niyang itanong sa akin.
“Oo, shet! Hayan na!”
Kasabay ng paglabas ng aking katas at ng katas niya ay alam ko, sigurado akong ito ang gusto ko. Ito na nga ang aking pagkasino. Hindi ko alam kung paano makakaapekto ito sa aking hinaharap ngunit binigyang linaw ng nangyari sa amin ni Aris ang tunay na kinimkim ng aking puso.
Noon na nagsimula ang bawal ngunit masarap na ugnayan namin ni Aris. Lahat sa akin ay unang karanasan. Unang halik, unang pagtatalik, unang pag-ibig. Ngunit hindi ko alam kung paano ko sa kaniya sasabihing mahal ko siya. Siya man din ay hindi ko pa naririnig na sinabi niyang gusto niya ako. Hindi ko alam kung mahal din niya ako. Ngunit para sa akin na bubot pa ang katawan at pag-iisip at nag-eenjoy na lasapin ang mga bagong diskobreng kakaibang sarap ng pagiging tao ay hindi ko din muna binibigyang halaga ang bulong ng aking puso. Basta ang tangi ko lang alam ay masaya ako.
Sabay kaming maligo sa umaga, sabay pumasok, sabay magmiryenda at sabay sa lahat halos ng bagay. Kung dati nagbabasa lang ako ng lesson ko, hindi na sa mga sumunod na araw. Kasama na niya ako lahat ng kaniyang gawain. Tinutulungan ko siya sa lahat ng kaniyang mga ginagawa. Sa kaniya din ako natutulog na hindi alam ng tito ko ngunit kung wala ako sa mood na bumaba, siya ang pumupunta sa akin sa madaling araw. Magigising na lang ako kapag bigla siyang yayakap sa akin sa madaling araw. Sisiksik ako sa dibdib niya at ikulong niya ako sa mga bisig niya hanggang muli akong igupo ng antok. Mga ilang oras lang iyon dahil ayaw din niyang mahuli kami ng tito ko na sa kuwarto ko siya nagpalipas ng gabi. Ganoon din ako sa kaniya, madaling araw din akong umaalis sa kuwarto niya.
Minsang wala kaming pasok ay niyaya niya akong huwag na muna dumiretso sa kumbento. May pupuntahan daw kami. Hindi na ako nagtanong pa. Tiwala ako sa kaniya at saka alam kong kahit saan niya ako dalhin ay magiging ligtas ako at masaya. Ilang oras din kaming naglakad paakyat at pababa. Nasugatan din ako sa talas ng mga dahon ng matataas na damo. Bukid, gubat at bundok ang nilakbay namin hanggang halos walang katapusang masukal na gubat na ang tinatalunton namin.
“Sa’n ba tayo pupunta? Pagod na pagod na ako!” reklamo ko.
“Gusto mo buhatin kita?” alam kong hindi siya nagbibiro sa sinabi niya dahil bakas sa mukha niya ang pagkaawa sa akin. Namumula na kasi ang mga braso ko dahil sa kinakati na ako sa mga matatalas na matatangkad na damo.
“Hindi bale, malapit na tayong makarating. Tiis ka na lang muna ha?”
“Kanina mo pa sinasabing malapit na lang eh.” pagmamaktol ko.
“Halika ka na nga. Bubuhatin na kita basta promise mo sa akin na ipikit mo lang ang mga mata mo hanggang sabihin ko sa iyong ididilat mo, deal?”
Hindi pa ako sumasagot nang bigla niya akong binuhat. Hinawakan ko ang leeg nya. Alam kong pagod na pagod na siya ngunit kinaya pa niya akong kargahin. Hinihingal na siya. Ang mga malalalim na hiningang iyon ay tumatama iyon sa aking mukha kaya naamoy ko ang mabango niyang hininga. Tinitigan ko ang pawisan ngunit napakaguwapo niyang mukha. Hinaplos ko iyon.
“Di ba sabi ko sa iyo pumikit ka lang?” sabay halik niya sa labi ko.
“E, di ko mapigil, ang guwapo kasi.” Nakangiti kong sabi.
“Gwapo ka diyan. Kapag ikaw di pa pumikit ihuhulog na kita.”
“Dami kasi kaartehan.”
‘Pikit na!”
“Nakapikit na po!”
Ilang hakbang pa ay binaba na niya ako.
“Didilat na ba?” paninigurado ko.
“Huwag ka muna didilat. Aayos muna ako ng puwesto.”
Hawak niya ang dalawang kamay ko. Sinunod ko ang gusto niyang dapat nakapikit parin ako. Niyakap niya ako. Nakadantay ang kaniyang baba sa balikat ko. Hinalikan niya ang puno ng tainga ko sabay sabing…
“Mahal na mahal kita, Rhon. Sana naramdaman mo iyon. Bago ka dumilat. Gusto kong pag-aralan mong mabuti kung ano ang tinitibok nito sa akin.” Tinuro niya ang puso ko.
Hindi ko na kailangan pag-aralan pa iyon. Hindi ko na din kailangan pang pag-isipan dahil sigurado akong mahal na mahal ko na din siya. Naunahan lang niya akong magtapat.
“Mahal na mahal din kita, Aris.”
At muli kong naramdaman ang malambot niyan labi sa aking mga labi. Hindi na lang muna ako dumilat dahil ninanamnam ko ang sarap ng aming ginagawa. Hindi ako nagsasawa kahit maghapon at magdamag pa naman ulit-ulitin iyon.
“Dumilat ka na baby ko…bilis!”
Bago ko nagawang dumilat ay naikintal sa isip ko ang sinabi niyang baby. Baby? Iyon ang magiging tawagan namin? Kinilig ako.
Pagdilat ko ay nakita ko ang ganda ng lugar na sa picture o sa pelikula ko lang bihirang nakikita. May maliit na falls na kulay bughaw ang tubig. May mga wild orchids din na parang isinabog sa gilid ng falls. Malinaw ang tubig sa baba at puwedeng maligo. Masukal pa ang paligid. Ibig sabihin ay bibihirang tao pa lamang ang nakakapunta doon. Malayo lang kasi pero sulit ang hirap sa ganda ng tanawin na makikita.
“Wow! Ang ganda! Grabe!” paulit-ulit kong pagpuri.
Umupo siya. Hinila niya ako at pinasandig niya ako sa katawan niya habang yakap niya ako.
“Alam mo bhie? Simple lang ang pangarap ko. ‘Yung sana makatapos ako ng pag-aaral. Tapos, mabili ko ang lugar na ito, mapatayuan ng kubo at kasama kita araw-araw. Kaya lang, may mga bagay akong ginagawa ngayon na hindi ko halos kayanin pero kailangan kong gawin para makamit ko lahat ang mga pinapangarap ko.”
“Wala ka naman ginagawang masama di ba? Bilib nga ako sa iyo dahil ikaw ang dumidiskarte sa sarili mong buhay. Di tulad ko, umaasa lang sa tito ko at mga magulang. Kaya tuloy hindi ako sanay sa hirap ng buhay.”
“Masuwerte ka nga eh. Dati naiinggit ako sa iyo. Wala kang ibang puwedeng gawin kundi mag-aral lang. Ako kailangan ko magtrabaho. Kailangan kong magtiis. Kailangan kong tanggapin ang ilang mga kababuyan para lang makapag-aral. Sa edad ko ngayon bhie, dami ng akong pinagdaanan na hindi ko masikmura ngunit wala akong magawa kundi gawin iyon.”
“Anong kababuyan at di mo masikmurang ginagawa mo. Maayos ka naman sa kumbento ah. May gusto ka bang sabihin sa akin?” naguguluhan ako. Para kasing may gusto siyang tumbukin sa sinasabi niya sa akin.
Tinitigan niya ako. May namumuong luha sa kaniyang mga mata.
“Wala ‘to. Basta sana mangako ka na kung darating ang araw na may masaksihan ka na nagawa ko, isipin mo lagi na napipilitan akong gawin iyon dahil hindi tayo magkatulad ng estado ng buhay. Kailangan kong gawin iyon dahil may mga pangarap ako na iyon lamang ang tanging paraan na alam kong gawin para makamit lahat. Mahal na mahal kita bhie at gusto kong makasama sana kita habang-buhay.”
“Di mo ba puwedeng sabihin iyon sa akin kung ano yung ginagawa mo?”
“Malalaman mo rin. Naniniwala kasi ako na walang sikretong hindi mabubunyag. Pero mangako kang hindi ka magalit. Ang sobrang kinatatakot ko lang ay kung tuluyan mo akong iwan.”
“Sabihin mo na muna kasi kung ano ‘yun.”
“Hindi pa kasi ngayon ang tamang panahon.”
“Bahala ka na nga. Alam mo sayang ang moments bhie. Ligo tayo…parang ansarap ng tubig. Wag mo sabihing pumunta lang tayo dito para magdramahan ha he he.”
“Sige, maligo tayo, walang kahit anong saplot ha!”
“Sige ba.”
Iyon na ang pinakamasayang paliligo ko. Napakasaya namin sa araw na iyon. Lagi niya akong niyayakap. Paulit-ulit niyang sinasabi kung gaano niya ako kamahal. Nagbabad kami sa tubig na parang malayang mga isdang lumangoy sa batis na walang kinatatakutang mga mangingisda. Yakapan kami ng yakapan. Napakarami naming mga pangako sa isa’t isa. Pangako na inin-in ng tunay na nararamdaman namin sa isa’t isa. Mga musmos na pangarap na akala naming ay ganoon lang din kadaling makamit.
Hapon na nang umuwi kami.
Hindi ko alam na madami akong masasaksihan at madidiskubreng siyang babago sa sayang nadama sa una kong pag-ibig. Iyon na din ang simula ng isang kalbaryo sa buhay ko. Mga pagbabagong nagpamulat sa akin na hindi lang puro sarap at ligaya ang mararamdaman at mararanasan kung nagmahal ka, palaging may sakit din itong kaakibat.Ngunit sa mga pagluha at sakit na ito ay lalo kang palalakasin, bibigyan ka ng mga aral na siyang magpapatatag sa iyong pagkatao.
May isang gabing parang sasabog ang dibdib ko sa sakit. Iyon ang gabing halos sumira sa buo kong paniniwala sa mga naglilingkod sa simbahan.
http://joemarancheta.blogspot.com/
No comments:
Post a Comment