Followers

Tuesday, June 25, 2013

'Unexpected' Chapter 19

Chapter 19

Josh.

“Matt.” Masuyo kong tawag sa kanya nang matapos ang klase. Buong araw kaming ‘di nagpapansinan kahit pa magkatabi kami. Magpapansinan lamang kami kung may ipapasa siyang papel sa center aisle, at ‘yung mga occasional glances. “Hmmm?” matamlay niyang tugon. Dahil na nga rin sa hindi namin pagpapansinan ay nabigyan na rin ako ng panahon upang makapagisip-isip, dagdagan mo pa ng pananahimik ni Janine buong araw na tila nakikiramdam sa aming dalawa. Naisip ko lang na kailangan kong bumawi sa kanya. Laking pagpapasalamat ko na hindi pagalit ang turing niya sa akin, ngunit ikinalulungkot ko na naman dahil halatang-halata sa kanya ang sakit ng ginawa ko kanina. Hindi nga siya mukhang galit, ngunit hindi naman siya nag-iinitiate ng conversation.

“May gagawin ka ba?” tanong ko. Tila napaisip naman siya. “Wala naman.” Sabi niya, matamlay pa rin. “Halika. Punta tayo sa inyo hehe.” Yaya ko. Tumango na lang siya at matamlay na naglakad palabas ng school. Napabuntong-hininga ako at sinundan ko siya. Dahil nga guilty ako ay ipagpapaliban ko muna ang pagkikita namin ni Gab. Tutal, I already spent the weekend with him pati na rin ang mga araw na nasa ospital siya, so I guess dapat si Matt naman ang pagtuunan ko ng pansin. And iyon na nga... kasi kailangan kong bumawi sa kanya.

“Bes... err Josh, wala ka bang gagawin? Sabi kasi ni Janine may bibisita daw sa bahay niyo.” Malungkot niyang sabi. Nanlumo naman ako lalo sa pahayag niya. “Ah, huwag mo ng intindihin ‘yun. Ikaw gusto kong makasama eh.” Sabi ko. Medyo natigilan ako nang marealize ko ‘yung sinabi kong iyon... pero alam ko naman kasi na iyon ang totoo. Okay, granted na wala ang ganitong situation ay aaminin kong mas pipiliin kong samahan si Matt kaysa kay Gab.

Lubos ko talagang ikinataka ito.

Medyo napangiti naman siya ng hilaw sa sinabi ko. Patuloy kaming naglalakad hanggang sa nakapara kami ng tricycle na dumaan sa may tabi namin. Pagkasakay ay agad kong inilabas ang phone ko at tinext si Gab.

“Bes...” napabuntong-hininga ako nang mabasa ko ang salitang iyon. “Hindi pa ako makakauwi. Kung gus2 mo bukas ka na lng pumunta sa amin. May aayusin lang kasi ako. Sensya na.” Pagtext ko kay Gab.

“Ok lang. Cge, pero sabay dapat tau pumasok bukas at saka diyan na rin ako ma22log bukas. :p” reply niya. Napangiti naman ako kahit papaano. Signs kasi ito na unti-unti ng bumabalik ang dating estado ng pagkakaibigan namin. I can see everything is slowly falling into place. May ilang bagay na lang na kailangang ayusin. Una ay itong pagbawi ko kay Matt...


“Josh...” pagkuha ng atensyon ni Matt sa akin. Napatitig naman ako sa mukha niya dahil doon. Napansin ko ang pananamlay niya, ngunit ang pinaka nakakuha ng puso ko ay ang mapupungay niyang mga mata. “Ahh, nandito na tayo.” Mahina niyang sabi. Tila bumalik naman ako sa realidad sa sinabi niyang iyon at dali-daling bumaba ng tricycle. “Ako na.” Pag-abot ko ng bayad kay manong. Hindi naman siya tumutol at dumiretso na lang papuntang gate nila. At muli ay napabuntong-hininga na lamang ako.

Unti-unti na akong nawalan ng pag-asa at lalong tumindi ang galit ko sa sarili dahil hanggang makapasok kami sa kanyang kwarto (na napakalinis pa rin) ay ni hindi man lang niya ako binigyang pansin. Deserve ko naman ito, eh. Gago na siguro ako para sabihin kong mas gusto kong galit na lang ang pinapakita niya sa akin, dahil at least alam ko kung ano ang saloobin niya, at alam kong kakausapin niya ako kung ganoon kahit hindi man iyon sa mahinahong paraan. Kaya itong pananahimik niya ay tila isang masakit na saksak sa aking dibdib. Ito na siguro ang sinasabi nilang “So close, yet so far away”.

“Anong gagawin natin?” walang gana niyang pagsisimula. Nakatulala lang ako. Tinitingnan ko siya, ineestima kung ano ang una kong sasabihin. He doesn’t deserve to be treated that way, especially by a person like me. Ang ginawa lamang niya ay alagaan ako at palaging nasa tabi ko, ngunit anong ginawa ko? Dineny ko siya, I undermined his value. At ngayon ay nandito kami sa sitwasyong ito.

“Bes,” bigla niyang sabi. Nakita ko ang pagbabago sa ekspresyon ng mukha niya na tila nag-aalala na ikinataka ko. “Why are you crying? Please, huwag kang umiyak...” sabi niya. Natigilan naman ako. Hinawakan ko ang pisngi ko at naramdaman kong basa na ito ng luha. Hindi ko siguro namalayang tahimik na pala akong umiiyak habang nagninilay-nilay. “Ahh, ehh. Wala ito. Napuwing... lang ako.” Pagdedeny ko, but my voice failed me. It kept on cracking while talking myself out of it.

Nabigla ako sa susunod niyang ginawa.

Niyakap niya ako, at doon ay tuluyan na akong bumigay at humagulgol.

“Matt, kung alam mo lang... sorry” pagsisimula ko, habang humihikbi. Tila hindi ako makahinga. Masyadong matindi ang mga emosyong nararamdaman ko ngayon. Magkahalong galit, guilt, inis, awa, at frustration. “Matt, naiinis ako sa sarili ko! Nandiyan ka para sa akin, pero ako? Anong ginawa ko? Parang ginago ko ‘yung mga ginawa mo para sa akin dahil kanina! Alam kong galit ka dahil sa inasta ko kanina. Sorry, pero Matt sana huwag mo akong idoubt ngayon...” pagpapatuloy ko habang nakayakap pa rin siya sa akin. May nararamdaman na akong basa sa aking balikat. Umiiyak na rin pala si Matt.

“Matt... thankful ako dahil nandiyan ka. Dahil inaalagaan mo ako... kahit hindi mo alam kung bakit ako nagkakaganito nandiyan ka lang, pero ako? Ni wala man lang akong mabuting naidulot sa’yo. Naging sakit mo pa ako ng ulo! Tapos ngayon nasasaktan pa kita... Matt...” patuloy pa rin ako sa paghagulgol. “Matt, I’m so sorry. I don’t want to lose the person who cared for me, the only person who made me feel I’m not alone. I don’t want to lose my bestfriend.” Pagtatapos ko.

Hindi ko ugaling magvent out ng emotions sa ibang tao, pero I guess reached my limit.

Nanatili lang kaming magkayakap. Walang nagsasalita. Nakabibinging katahimikan. Ilang sandali pa ay tangkang kakalas na ako sa pagyayakapan namin, nang bigla niya akong pigilan at bagkus ay lalo pa niyang hinigpitan ang yakap niya sa akin. Lalo akong napahagulgol dahil doon, dahil alam ko sa puso ko, na sa mga oras na ito ay hindi na siya galit sa akin. “Josh, please tama na. Tahan na.” Pumipiyok na sabi ni Matt.

--

Matt.

Hindi ko na rin napigilan ang emosyon ko. Lahat siguro ng sakit ay nailabas ko na rin habang yakap ko si Josh. Hindi ko maitatangging matagal ko ng inasam na mayakap siya, ngunit hindi sa ganitong sitwasyon. In the first place ay hindi naman talaga ako galit sa kanya. Nasaktan ako, pero I don’t think I can bring myself to be mad at him ever. Ganoon ko siya kamahal.

Kaya siguro ganito na lang kung masaktan ako ngayon.

“Please.” Pagmakakaawa ko sa kanya na tumigil na sa pag-iyak. It was then that I realized that I was not the only one hurting. Nasasaktan din si Josh, which pains me even more. After a few minutes ay tila nahimasmasan na siya at tumigil na. Nanatili lamang siyang nakayuko.

“Sorry.” Sabi niya sa akin. Iniangat ng palad ko ang ulo niya. “Josh, hindi naman ako galit.” Seryoso kong sabi. Bigla na naman siyang napahagulgol ulit na ikinataka ko. “Galit ka eh!” parang bata niyang sabi. Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapatawa habang siya ay humahagulgol. I know it was a mean thing, but kasi naman, ayaw niyang maniwala sa akin. Kasalanan ko bang seryoso ang pagkakasabi ko? Haha. “Bakit ka tumatawa?” tila inis niyang tanong. At sa mga oras na iyon ay alam kong okay na kami, na nagbalik na ulit si Josh.

Imbis na sagutin ko siya ay muli ko siyang niyakap (Samantalahin ba? Hehe, pero seriously. I just wanted to comfort him) at bumulong. “Wala na iyon. Ikaw ba naman, matitiis ba kita? ‘Di ba sabi mo nga inaalagaan kita? Huwag kang mag-alala. Hindi naman ako titigil. Kaya huwag mo ng isipin iyon. Bestfriend mo pa rin ako kahit anong mangyari.” Sinsero kong sabi. “Salamat talaga, bes.” Tugon niya at kumalas na ulit kami sa pagyayakapan sa ikalawang pagkakataon.

“Hindi muna tayo bati.” Seryoso kong sabi, ngunit sa loob-loob ko ay nagbibiro lamang ako. Nakita ko kung paano nagbago ang mukha niya. Tila isang batang napangakuan ng magulang niya na pupunta sa Mall ngunit hindi natuloy. Pilit kong pinapanatili ang seryosong ekspresyon ko para mas lalong kapani-paniwala kahit sa loob-loob ko ay natatawa na ako. “Ano? Gagawin ko lahat. Babawi ako!” taranta niyang sabi. Pilit ko pa ring pinipigilan ang sarili kong matawa. “Magpaliwanag ka muna kung bakit mo ginawa iyon.” Seryoso kong pahayag. Kahit nagbibiro ako ay gusto ko pa rin malaman kahit papaano. I know any reason will not matter anymore, because kahit ano pa naman iyon ay handa akong patawarin si Josh dahil ganoon ko siyang kamahal.

“Ahh, ehh... kasi noong maging magbestfriends kami ni Gab, nangako ako sa kanyang ako lang magiging bestfriend niya kasi nga, basta. Kasi ganito ‘yon. Anak kasi siya sa labas, so all throughout his life he had this notion na walang bagay ang masasabi niyang kanya. So ayun, sabi ko ako, pwede mo akong maging bestfriend ganun.” Pagpapaliwanag niya. Naiintindihan ko naman siya. I set aside all my personal issues with Gab, kasi ngayon ay alam ko ng may pinanggagalingan naman pala siya.

Napatango na lang ako. “Okay na ba? Please, bati na tayo!” taranta pa rin niyang pagmamakaawa.

Tiningnan ko siya ng matagal. Pa-suspense ba. Tapos tumawa na lang ako at ginulo ang buhok niya. Hindi na lang siya nagsalita at tumawa na lang rin. “Okay lang. Sige, siya na lang bestfriend mo.” Seryoso kong sabi. “Matt, naman eh! Bipolar mo ah! Heto na naman ba tayo? Ang hirap kasi...” pagmamaktol niya. “Best friend mo siya, pero ako dapat iba!” pagsisimula ko. TIla interesado naman siya sa sinabi ko. “Ano naman?” tanong niya. “Dapat ako ang BETTER friend mo! Para walang makakasurpass sa aking kaibigan mo haha!” banat ko. Natawa naman siya. “Corny! Dami mong alam!” basag niya sa akin. “In that way, ako na rin best friend mo haha! ‘Cause I’m better than the best, ‘di ba?” pagpapatuloy ko. “Oo na! Oo na! Ikaw na ang pinakabestest friend ko!” natatawa niyang pahayag. Natawa rin naman ako.

“Nagutom ako, bes. Kain tayo.” Pagyayaya niya. “Ay, bahay mo ‘to ha?” biro ko. Tila napahiya naman siya sa tinuran ko kaya binawi ko agad iyon. “Ito naman! Joke lang, haha. Pagluto kita?” tanong ko. “Hindi, ako na. Bawi ako sa’yo ngayon.” Nakangiti niyang pahayag. Natunaw naman ang puso ko sa sinabi niyang iyon. Kung ganiyan siya lagi ay hindi na ako magtataka na baka isang araw ay bigla na lang akong madulas at masabi ko sa kanya itong nararamdaman ko.

Pero alam kong hindi pa panahon. Makapaghihintay pa naman iyon.

May naisip na naman akong ideya.

Bumaba na kami patungong kusina. “Bes, gusto mo bang bumawi talaga?” tanong ko habang busy siya sa paghahalungkat ng kung anu-anong ingredients. Nangunot naman ang noo niya. “Oo naman!” lakas-loob niyang sabi. “Oh sige. Dito ka matulog, ha.” Nakangisi kong sabi. Napaisip naman siya. Sana pumayag siya! Please! “Okay. Pahiram ng damit, ha.” kibit-balikat niyang sabi. Lalo naman akong nangiti sa tugon niyang iyon. Nagpatuloy lamang siya sa kanyang ginagawa. “Pakisabi na rin kay Manang na huwag na siyang magluto, unless gusto niyo ng kanin for dinner. Pagluto ko na rin siya pati si Tito.” Ngiti niyang sabi. Tumango naman ako at niremind ang sarili kong sabihan si Manang Vie. Magaalas-sais na rin kasi. Hay, Josh ang bait mo talaga.

“Ano ba lulutuin mo?” tanong ko. “Ahh, carbonara. ‘Yun kasi specialty ko, paborito nga ‘yun ni Janine at ni...” Tila natigilan siya. Sa loob-loob ko ay medyo nanghina ako. Alam ko naman kasing si Gab ang tinutukoy niya. “Ahh, nice! Paborito ko ‘yan!” enthusiastic kong sabi sa kanya. Nangiti na lang siya, halatang uncomfortable pa rin sa pahayag niya kanina.

That says a lot of things. Una, ay mahal pa rin niya si Gab. Ikalawa ay tila nagkaroon ng ‘di malamang tension sa aming dalawa ni Gab, kahit in the first place ay wala naman talaga dapat. Ikatlo ay dahil dito ay alam kong I need to work harder to win Josh’s heart. Marami pa akong kailangang trabahuhin dahil hanggang ngayon ay kay Gab pa rin nakalaan ang puso niya. Nakakapaghina man ng loob, at minsan ay nararamdaman kong gusto ko ng sumuko, ay agad din naman iyon napapawi tuwing kasama ko si Josh. Alam kong kaya kong i-risk lahat, kaya kong lumaban, dahil alam kong kapag nanalo ako...

Na magiging worth it lahat ng ito.

Sinabihan ko si Manang Vie na si Josh na ang magluluto ng hapunan namin. Nangiti naman siya at sinabing napakabait na bata ni Josh. Ilang sandali pa ay humahalimuyak na ang niluluto niya sa buong kusina.

“Hmmm, bango naman!” pagbati ko sa niluluto niya. “Ahh, eh... sige maupo ka na doon. Pasensya na medyo natagalan. Sandali na lang ‘to.” Sabi niya habang patuloy pa rin sa paghalo ng sauce ng pasta. “Nasabi mo na ba kay Manang?” tanong niya. “Oo, kani-kanina lang.” Tugon ko. “Okay. Anong oras dadating si Tito?”

“Sandali na lang siguro iyon. Hindi naman ginagabi si papa, eh.”

“Okay, sana magustuhan niya haha.”

“Oo naman!”

“Ayan, tapos na! Iinit ko na lang mamaya pagdating ni Tito para sabay-sabay na tayo kumain.”

“Sige. Naks, excited na ako. Matitikman ko na ‘yang pinagmamayabang mo. Siguraduhin mo lang na masasarapan ako diyan.” Paghamon ko.

“Nako, baka mainlove ka sa akin at pakasalan mo ako kapag natikman mo luto ko!” biro niyang pagmamalaki.

Hindi na kailangan, Josh. Matagal na kitang mahal. At kung pwede lang kitang pakasalan, gagawin ko. Sana ay ganoon ka rin sa akin, sabi ng utak ko.

“Haha, oo na lang!” tugon ko.

“Ay wait. Nagvivibrate cellphone ko. Sagutin ko lang.” Bigla niyang pag-alis patungong salas
.
“Sige ihahanda ko na ‘yung table.” Pahayag ko. Nagthumbs up naman siya at sinagot ang cellphone niya.


--

Itutuloy...

1 comment:

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails