Love. Sex. Insecurity.
[Chapter 21]
By: Crayon
****Kyle****
4:30 pm, Tuesday
June 26
Pinapanood ko ang masayang paglalaro ng mga bata sa open field ng university habang hinihintay kong dumating si Lui. Nakatakda kaming magkita bandang alas sais ng hapon dahil napagkasunduan naming pumunta ng gym at mag-work out. Desidido ako na pumayat, alam kong may nais akong patunayan kaya ko gustong pagandahin ang hubog ng aking katawan. Sa aking paghihintay ay di ko maiwasang mahulog sa malalim na pag-iisip sa mga nagyayari sa akin.
Am i doing it right? Ngaun lang sumagi ang tanong na ito sa aking isip. Tama nga ba na lumayo ako at talikuran lahat ng problema? Tama ba na madamay pati ang mga nagmamahal sa akin?
Maaaring kaya kong tiisin na malayo sa pamilya ko ng matagal. Pero kayanin ko kaya ang isiping labis na nalukungkot ang aking ina dahil sa ginagawa kong paglayo.
Maka-nanay akong tao. I always care about how my mom feels. Alam kong sa pagtagal ng hindi ko pag-uwi ay hahanapin din ako nito. Hindi man niya sabihing nalulungkot siya alam kong labis siyang mangungulila. Ganun naman kasi si mama sa akin, kahit na may nagawa ako na nakasakit sa damdamin niya kahit kailan ay di niya ako nasumbatan. Sasarilinin lang niya ang sakit at saka sasabihing ok lang siya habang nakangiti. Never siya nagdemand ng kahit ano sa akin. Laging siya ang nagsasakripisyo.
Hindi ko mapigilang ma-home sick dahil sa aking iniisip. Nararamdaman ko din ang unti-unting panlalabo ng aking mata. Nilabanan ko ang pagtulo ng aking mga luha. Huminga ako ng malalim. Pagod na akong lumuha. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay hahayaan kong tumulo ang mga luha mula sa aking mata.
Si Aki. Alam kong apektado din siya sa mga ginagawa ko. Tumawag sa akin si Mama nung nakaraang linggo. Pumunta raw sa bahay si Aki at hinahanap ako. Binilinan pa ako ni Mama na i-text si Aki pero hindi ko na nagawa iyon.
Mababaw lang naman talaga ang tampo ko kay Aki. Hindi niya lang nagawang bumalik kaagad mula sa Davao. Kung tutuusin ay hindi ko naman siya dapat na obligahing makabalik agad. Nagkapatong-patong lang ang nararamdaman ko ng mga panahong iyon kaya hindi ko mapigilan na magtampo, dahilan para di ko magawa pang i-text o tawagan siya.
Sa ngayon ay wala na ang tampo kong iyon kay Aki pero may pumipigil sa akin na kausapin pa din siya. Gusto ko din kasi ang pakiramdam na nasa isang lugar ako na walang nakakakilala sa akin. Gusto ko yung wala akong nalalamang anumang balita sa iniwan kong magulong buhay sa Maynila. Sapat na yung tanging pamilya ko na lamang ang aking kinokontak at kinakamusta. Sa paraang ito kahit papaano ay nagagawa kong kalimutan o maisantabi ang mga hindi masasayang nangyari sa akin sa Maynila. Idagdag pa ang pagfo-focus ko sa pag-aaral.
Tuwing nakikita ko si Alvin ay saka ko lamang naaalala ang dahilan kung bakit ako nanditong muli sa unibersidad na ito. Pa-konswelo ko na lamang sa sarili ko na isang semestre ko na lang naman siya pagtitiyagaan.
Alam ko na kapag ipinagpatuloy ko ang pakikipagkaibigan o pakikipag-usap kay Aki ay lalo lang ako mahihirapan na maka-move on. Dahil sa tuwing titingin o kakausapin ko siya ay imposibleng hindi sumagi sa isip ko ang taong pilit kong kinakalimutan, kung hindi man makalimutan ay tanggaping wala na.
Am i really doing it right? Or is this just the easy thing for me to do? Hindi ako sigurado. Basta ang nais ko ngayon ay iwasan ang lungkot at maka-move on. Maaaring kailangan ko ngang lumayo na pansamantala para magawa iyon.
Isang buntong hininga ang aking pinakawalan. Bumalik ako sa pagmamasid ng mga naglalarong bata sa paligid. Namiss ko ang maging bata. Halos karamihan sa mga bata ay hindi alam ang salitang lungkot, mababaw lang ang kaligayahan at madaling mapatawa.
Buti pa ang mga batang ito na naglalaro, ang tanging prinoproblema nila ay kung paano sila hindi mahahabol ng taya sa laro. Wala pa silang muwang kung gaano nagiging komplikado ang buhay sa pagtanda mo. Wala na ang magic words mo na 'time first', na kapag binigkas mo ay pansamantalang ititgil ang laro o tatanggalin ka muna sa laro.
Sana ang buhay ay tumitigil sa pagiging bata. Sana ang buhay ay tumitigil sa panahong simple lang ang mga bagay. Sana ang buhay ay tumitigil lang sa panahon na masaya ka. Na nakatawa ka. Na hindi mo pa alam ang salitang kalungkutan.
Pero alam ng kahit na sino na hindi ganon ang ikot ng mundo. Kahit na gaano kapait ang sinapit mo, kahit na gaano ka kalungkot, kahit na gaano kawalang kwenta ang buhay mo, hindi mapapagod ang mundo sa pag-ikot, patuloy na sisikat ang araw, walang tigil na lilipas ang panahon. Hindi titigil ang mga bagay sa paligid mo para hintayin ka na maging okay. Wala kang pagpipilian kundi ang pagsumikapang makasunod sa daloy ng buhay.
At iyon ang dapat kong gawin.
"Bakit mag-isa ka lang?" Hindi ko namalayan ang paglapit ng isang lalaki sa akin. Nang lingunin ko ang nagsalita ay nakita ko ang pinaka-aayawan kong tao sa lugar na ito.
Hindi ako sumagot dahil wala akong balak na sayangin ang laway ko sa kanya. Isa pa wala ako sa mood na makipagbasagan sa kanya.
"Gusto mo sumama mag-jogging para naman medyo gumanda ang katawan mo?", pang-aasar na sabi ni Alvin.
Nagtagumpay naman siya dahil biglang sumirit pataas ng ulo ko ang aking dugo.
"Marunong palang tumakbo ang mga higad. Alam ko kasi panggagapang lang ang alam niyo.", pambabara ko sa kanya. Sumipol lamang siyang bilang tugon.
"Syempre kailangan magpaganda ng katawan. Mahirap na, ayaw kong mawala kung anuman ang mayroon ako ngayon. Alam mo na, hindi lang naman ako ang nag-iisang higad dito.", ganting sagot ni Alvin na pinapatungkulan ang ralasyon nila ni Renz.
Pilit kong pinapakalma ang aking sarili. Oras na mapikon ako sa aming sagutan ay tiyak na ako ang talo. Isa pa ay nasa loob kami ng unibersidad at marami ang makakakita, oras na suntukin ko ang punyetang to.
"Nga pala gusto mo sumama sa weekends, kasi pupunta ako kela Renz eh.", dagdag pa ni Alvin. Alam kong lalo niya lang akong iniinis. Mukang dun siya nag-major nung nag-aaral pa siya.
"May lakad ako eh. Favor na lang...", saka ako kumuha ng 50 peso bill mula sa aking bulsa. "Makibili na lang si Renz ng maraming suka. Sabi ng lola ko mainam daw yon pang-tanggal ng pantal. Mukha kasing madidikitan na naman iyon ng higad. Kawawa naman kung mapupuno siya ng pantal. Sige na, alis na ako.", mahaba kong sabi sa kanya sabay tayo mula sa aking kinauupuan.
Hindi ko na liningon ang reaksyon ni Alvin. Naiinis ako na naiiyak. Gusto ko siyang sapakin. Lalo niyang pinamumukha sa akin na mas bagay siya kay Renz. Napakasama talaga ng ugali ng isang iyon.
Naglakad ako palabas ng campus, gusto kong umuwi na lang sa apartment. Itetext ko na lang si Lui na hindi ako makakasama sa kanya. Nawala na ako sa mood na gumawa ng kahit ano.
Hinugot ko ang aking cellphone sa bulsa ng suot ko na shorts. Nagsimula akong itype ang message para kay Lui. Dahil lutang ang aking isip at nakatutok ako sa aking cellphone ay di ko namalayan ang lalaki sa aking harapan.
Muntik ko na siyang mabangga kundi niya lang ako nahawakan sa aking braso para pigilan maglakad.
"Don't text while you're walking. Baka maaksidente ka lang.", dahil sa pagkagulat sa narinig at biglaang paghawak sa akin ay muntik ko ng mabitiwan ang aking cellphone.
Itinaas ko ang aking tingin, at higit akong nagulat sa aking nakita.
"Anung ginagawa mo dito? Paano mo nalaman na nandito ako.", dire-diretso kong tanong.
"Parang hindi mo naman ako namiss.", nakangiti niyang sabi. "Pumunta uli ako sa inyo para kamustahin ka sana, eh sabi ng mama mo bumalik ka na daw sa pag-aaral mo."
Wala na akong nasabi. Hindi ko alam ang dapat sabihin. Wala ako sa mood na harapin siya. Kasalanan ito ni Alvin. Sinira niya ang araw ko. Wala tuloy ako gana na kausapin ang kahit na sino.
"Hindi mo ako pinapansin sa text, tapos ngayon di mo din ako kakausapin.", nagtatampong sabi ni Aki.
"Pasensya na."
"Sorry din, hindi ako nakabalik agad. Pero wag ka mag-alala, hindi na ko uli mawawala. Naka-base na ako uli sa maynila. Tsaka nag-leave din ako sa opisina para masamahan muna kita dito.", pagbabalita ni Aki. Halata ang tuwa sa kanyang ngiti at sa kislap ng kanyang mata.
Ngunit hindi ko nagustuhan ang ideya na iyon. Hindi ko alam kung bakit pero ayaw ko siya makasama ngayon. Gusto ko yung pakiramdam na mapag-isa.
"Hindi mo naman kailangan gawin iyon. Okay lang ako dito.", malamig kong tugon.
"No, hindi ako papayag na walang mag-aalaga sayo. Di ba sabi ko sayo noon na hindi na ako mawawala sa tabi mo at ako na ang mag-aalaga sayo.", pangangatwiran pa ni Aki.
"Kaya kong alagaan ang sarili ko."
"Kyle.", napalingon kami pareho ni Aki sa taong tumawag sa aking pangalan. Nakita ko si Lui na papalapit sa amin. May pumasok agad na ideya sa isip ko.
Nang makalapit sa amin si Lui ay agad niya akong inakbayan at saka sinipat si Aki. Halos magkasingtangkad lang sila ni Aki. Mas matangkad lang si Aki at mas buff ang pangangatawan. Nagtitigan ang dalawa. Hindi ko gusto ang mga titig na ibinabato nila sa isa't-isa. Dumapo ang tingin ni Aki sa kamay ni Lui na nakaakbay sa akin, saka muling tumitig sa aking mga mata. Doon na ako nagsalita.
"Aki, this is Lui. Lui meet Aki, a good friend.", pagpapakilala ko sa dalawa. Nagkamay sila pareho pero agad din nilang binawi ang kanilang mga kamay. Para bang pareho silang nandidiri na hawakan ang isa't-isa.
"As i was saying Aki,", pagsingit kong bigla. Nakuha ko naman ang atensyon ni Aki at muli niya akong tiningnan sa mata.
Napatigil ako sa pagsasalita. Hindi ko maituloy ang aking sasabihin. There's something in the way he is looking at me, na kakaiba. Alam ko na nakita ko na ang bagay na iyon dati pero hindi ko maisip kung anu. Nanatili lamang akong nakatingin sa mata ni Aki. Blangko ang ekspresyon sa kanyang mukha, pero nangungusap ang kanyang mata.
"Yes, Kyle.", malamig niyang sabi ng tumigil ako sa pagsasalita.
Ayaw ko na sana ituloy ang ideya na naisip ko kanina pero idinidikta ng isip ko na iyon ang dapat kong gawin. Kasabay noon ay ang pagsikip ng dibdib ko para bang pinipigilan naman akong magsalita.
"Ah, yeah, i can take care of myself. And Lui. He has been a good b-boyfriend to me. H-hes been taking good care of me. I appreciate the concern pero im okay now Aki.", hindi ko halos matapos ang aking sasabihin.
"He's right. Mahal ko si Kyle at mahal niya din ako. Aalagaan at proprotektahan ko siya.", biglang sabi ni Lui. Hindi ko alam kung naiintindihan niya ang nangyayare pero mabuti na lang at nakisakay siya sa aking pagpapanggap. Hinawakan din ni Lui ang aking kamay. Nakasunod lamang ang mga mata ni Aki sa ginawa ni Lui.
Yumuko saglit si Aki. Bigla namang nawalan ng lakas ang mga tuhod ko at napahigpit ang hawak ko kay Lui. Parang gusto ko agad bawiin ang mga nasabi ko. Hindi ko kaya ang makitang ganito si Aki. Muli siyang nagtaas ng tingin at kita ko ang pangingintab ng kanyang mata.
Hindi ako makahinga sa mga nangyayari. Hindi din nagsasalita si Aki at nakatitig lamang sa akin. Unti-unti siyang lumapit sa akin at binigyan ako ng mahigpit na yakap.
"Always take care of yourself. Masaya ako na masaya ka na Kyle. Now i can leave you, knowing that there will be someone loving you and taking care of you.", bulong sa akin ni Aki habang nakayakap siya sa akin.
"Aki, i'm sorry. I know it will be too selfish to ask but please let's still be friends.", mahina kong sabi sa kanya. Narinig kong tumawa ng mahina si Aki habang nakayakap sa akin.
"Of course. Hindi naman ako mawawala eh, andito pa din ako bilang isang kaibigan. Siguro, babawasan ko lang yung pagmamahal ko sayo. Dapat kasi noon ko pa ginawa iyon, nagbaka sakali lang naman ako uli na baka this time mahalin mo din ako. Pero that's fine masaya ako na makilala ka, Kyle.", seryosong sabi ni Aki bago siya kumalas sa pagkakayakap sa akin.
Hindi ako muli nakapagsalita. Minasdan ko lamang si Aki. May ngiti sa mukha niya pero hindi yung ngiting nakasanayan kong makita sa tuwing kinukulit o kinakausap niya ako.
"Ah pre,", baling ni Aki kay Lui. "Ingatan mo tong kaibigan ko ha. Wag mo masyadong paiyakin. Pagpasensyahan mo na lang din ang mga tantrums niyan.", tumango lamang si Lui bilang sagot.
Muling tumingin sa akin si Aki.
"Sige na, mauna na ako Kyle. Magpakabait ka ha at tapusin mo na ang pag-aaral mo. Text o tawag ka lang sa akin kapag may time ka.", tumango lang din ako. Hindi na ako makapagsalita. Gusto ko siyang pigilan pero ayaw gumalaw ng katawan ko.
Yumuko si Aki para buhatin ang bag sa kanyang paanan. Mukhang plinano niya talaga na manatili sana dito. Gusto ko sana siyang ayain na sa bahay na lang muna matulog pero walang lumabas na boses sa aking bibig.
Saktong may dumaan na jeep at sumakay siya doon. Kumaway pa siya sa akin bago tuluyang sumakay ng jeep.
Nanatili akong nakatayo habang minamasdan ko na makaalis ang jeep na kanyang sinakyan.
"Gusto mo na bang umuwi?", agaw ni Lui sa aking atensyon. Umiling lamang ako.
"Oh, ", alok ni Lui sa kanyang dalang panyo. Noon ko lamang napagtanto na umiiyak na pala ako.
Kinuha ko ang panyo at pinahiran ang mga luha sa aking pisngi.
"Lui, hindi na muna ako sasama sayo sa gym, may kailangan pala akong gawin", pagsisinungaling ko kay Lui.
Hindi ako sinagot ni Lui, sa halip ay kinabig niya ako palapit sa kanya at mahigpit na niyakap. Hindi ako pumalag sa yakap na iyon. Alam kong nais lamang ni Lui na pagaanin ang loob ko. Matapos ang halos dalawang minuto ay pinakawalan din ako ni Lui.
"Tara na, ihahatid na kita pauwi.", sabay kaming naglakad na pauwi ni Lui.
'Am i doing it right?'
'Babawasan ko lang ang pagmamahal ko sa'yo.'
Paulit-ulit kong naririnig ang mga bagay na ito habang naglalakad kami ni Lui. Wala akong ideya sa kung anung ibubunga ng pagsisinungaling na ginawa ko. Ng desisyong ginawa ko. Ng daan na pinili kong tahakin.
....to be cont'd....
:))
ReplyDeletepasensya na po kung na-delay ang post ng story.. nadelete po kasi accidentally yung drafts ko for these 3 chapters kay i had to re-do it again.
pangalawa, po ay nagpapasalamat po ako sa mga nagbabasa ng aking story lalo na sa mga nagcocomments... sobra ko po iyong na-appreciate.
lastly, ang regular ko pong pagpo-post ng updates ay gagawin ko every thursday... sisikapin ko po na makapagpost muli this thursday...
salamat uli!
----crayon
ammm.... masyadong makasarili lang ang main char.... puro sarili lng naisip niya.... lakas pang magsinungaling para lang protektahan ang sarili.... sobrang immature..... peace :)
ReplyDeleteGrabe galing nio po tlaga..nice
ReplyDeleteLaki ng problema ni kyle may nagmamahal na nga pinagtabuyan nman...tnx sa update.
ReplyDeleteRandzmesia
Oh crap.... Naiiyak ako as usual... This is a very brilliant piece of art...
ReplyDeleteI love the setting! UPLB din kasi ako eh!
ReplyDeleteI love the setting! UPLB din kc ako eh!
ReplyDeletenice 3 chapters, sana magtuloy tuloy ang pag a update mr. author. hirap ng kanyang pinagdadaanan, , kulang cla sa communication kaya nagkakagulo ang situation. PAG PRIDE NA KC PINAIRAL , talagang cra ang anumang relationship. haizt!
ReplyDeleteNANAKAINIS. PANO NA C AKI-KYLE KO?
ReplyDeletetodo refresh ako kainina pa sa msob. hihihihi
Kuya crayon, aki-kyle parin ha? ang sakit sa puso ng sinulat mo, nalulungkot ako para kay kyle, lahat ng chance nya at happiness pinagtatabuyan nya.
Sana wag mag giveup agad si aki! GO aki! and medyo nakakinis rin si alvin. Pero as usual galing parin! nice twist ng story line and hoping to see more of the other characters in the story.
hoping to see kyle mature more, and to consider his feelings for aki(TEAM AKI TALAGA AKO)
and as for lui, medyo ko sya feel, actually medyo dinidiscover nya pakasi yung new founf love and sexuality nya so undecided parin talaga ako
sobrang haba naa nito sooo..... hahahaha Nice work kuya!
-ichigoxd
Putangina KYLE! Nanjan na si AKI!? Why Let Go? Why Lie!?
ReplyDeleteDi hamak na mas deserve si AKI! ATE KYLE! Bat si Lui pa na bumangga sau? shet!
Ate CRAYON sana po mag kayos po si kyle at aki, please naaawa po tlga akez kay AKI, puro sha sacrifice tapos pupunyatahin lng siya ni Kyle? Ate crayon bat ganun?
Anggaling ni Kyle, Lahat ng namemeet niya Paminta, sana ako rin.
WAWA ka naman Aki, Sakin ka na lng, I will always Love you!! charot! :D
I like the story.sana maumpisahan ko ng basa eto mula sa chapter 1..
ReplyDeleteSa dami at umaapaw n.posted story dito,hirap ng eh hanapin..lalo n kung cp ang gamit.
Sana.po kung sakaling matapos eto.sana.po.eh álbum sya.para madali na sya basahin.marami po salamat.
The great pretender..
Nakapag update din, gusto ko yung flow nito kahit na minsan naiirita ako sa main character. Next chapter na po author at maraming salamat po. Kyle-Aki pa din ako.
ReplyDelete-K
Wow npaka ganda ng daloy ng kwento,pero mai lungkot ding nraramdaman kc naawa ako kai Aki mas diserve xia kai s iba,dami na niyang sacrifice pra kai kyle pero wl pring pkiaalam c kyle.,aki ako nlng jeje.,go0d job mr author promise ang ganda..
ReplyDeleteJulmax :)
Ang galing mo talaga Mr. Crayon!
ReplyDelete--BOOM
PWEDE BA GUPITAN NG KONTE ANG BUHOK NI KYLE... PAHINGI NMAN KAHIT KONTE LANG PLSS.
ReplyDeletedi ko namalayan tumutulo na pala ang luha ko.. dahil sa inggit kay Kyle!!!
akin na lng c AKI.. pls. mamahalin ko sya ng buong puso :)
<07>
xcited na po ako sa nxt chpter.
ReplyDeleteilang beses ko na bang inulit ulit abg story na to from chapter 1-21. haha aning lang ako eh. pero maganda kasi talaga. I can't believe na binasa ko na ito 3 times. wahaha. good job mr. author! two thumbs up ako sa story na to.
ReplyDeletesana maipost na ung chapter 22 para may bago akong uulitin. haha
by the way. naaawa ako kay aki. :(
ilang beses ko na bang inulit ulit abg story na to from chapter 1-21. haha aning lang ako eh. pero maganda kasi talaga. I can't believe na binasa ko na ito 3 times. wahaha. good job mr. author! two thumbs up ako sa story na to.
ReplyDeletesana maipost na ung chapter 22 para may bago akong uulitin. haha
by the way. naaawa ako kay aki. :(
ang gnda ng story, but sna si renz ay kyle ang magkatuluyan sa huli, ngaun ko lng binasa from chapter 1 and ndi ko tinigilan hanngang matapos ako. good work mr.author :))
ReplyDelete--- carl