Love. Sex. Insecurity.
[Chapter 24]
By: Crayon
****Kyle****
11:06 pm, Wednesday
June 27
Hanggang sa mga sandaling ito ay hindi ako makapaniwala sa aking mga narinig mula kay Alvin. They never had a relationship. I guess i should somehow be happy because of that. Pero sa dami ng nabuksang bagong tanong parang di ko magawang maging masaya.
Una, kung totoo man na hindi nga naging si Renz at Alvin, bakit hindi itinama ni Renz ang aking paniwala. Sigurado naman ako na alam niyang ipinakilala sila bilang isang couple sa barkada, so he knows that i'm under the impression that they are a couple. Naiintindihan kong may galit siya sa akin ng mga panahon na yon pero bakit nung nagpaalam ako sa kanya ng huli kaming magkita ay hindi niya ito nilinaw sa akin.
Maaring gusto rin niya ang ideya na iniisip namin na sila ni Alvin. Bagay naman din sila ni Alvin. Parehong gwapo, matangkad, maganda ang pangangatawan. Hindi alangan sa kanya si Alvin.
Pwede rin na kaya niya hindi sinabi sa akin ang mga bagay na iyon ay dahil sa wala naman din talaga siyang pakialam sa nararamdaman ko. Hindi naman talaga niya obligasyon na ipaalam sa akin ang anumang nais niyang gawin sa buhay niya.
O baka tama rin ang sinasabi ni Alvin na baka nagseselos siya na kasama ko si Aki noong gabi ng birthday ni Gelo. Hindi ko alam ang tamang sagot, tanging si Renz lang ang nakakaalam ng totoo. Ngunit malaman ko man ang totoong dahilan ay hindi naman non mababago ang nangyari na.
Iyon rin ang pangalawang dahilan kung bakit hindi ko magawang maging masaya sa kabila ng aking nalaman. Kahit na sabihin natin na wala nga silang naging relasyon ay di naman ibig sabihin non ay mahal na ako ni Renz. The fact that im not the person he wants, he likes or he loves still remains to be true. Wala rin namang nagbago sa puntong iyon kahit na nalaman kong hindi sila nagkaroon ng relasyon. Im just like Alvin to him. Someone he slept with at some point in his life.
Isa lang ako tanga na umaasa pa rin na baka mabago iyon. Hindi ko naman masisisi ang aking sarili. Alam ko na sa sandaling ito na mahirap mag-move on dahil kahit katiting na pag-asang nakikita ko ay pinanghahawakan ko.
Hindi ko mapigilang mapabuntung hininga. Hindi ako makakausad sa nararamdaman ko kung patuloy kong papapaniwalain ang sarili ko na baka magkaroon kami ng chance ni Renz. Dapat matuto akong hindi magpaapekto sa mga bagay na malalaman ko tungkol sa kanya.
"Are you even listening to what i'm saying?", pagkuha ni Alvin sa aking atensyon. Hindi ko na namalayan na nagsasalita pala siya. Masyadong malalim ang ginawa kong pag-iisip at nawala ang focus ko sa mga sinasabi niya.
"I'm sorry. I just don't know what i'm doing.", paghingi ko ng paumanhin. Sinusubukan ko na hindi na maging masungit sa kanya kahit ngayong gabi lang. Nakakapagod din naman kasi makipag-away kapag ganitong problemado ka.
"Hay nako. Why don't you tell me your problem so i can help you.",
"Why would i?", hindi ko mapigilang mag-alinlangan sa pagkekwento sa kanya. Hindi ako masyadong open na tao pagdating sa problema. Minsan mas gusto ko na sinasarili ang mga saloobin kaysa ikwento sa ibang tao lalo na sa taong hindi ko naman kapalagayan ng loob.
"So you can practice the skill of trusting other people. Di ba sinabi ko na sayo na iyon ang problema mo. Hindi ka marunong magtiwala.", pangaral sa akin ni Alvin.
Hindi ako nagsalita. Dahil wala akong masabi at hindi pa ako kumbinsido na dapat ako magkwento sa kanya.
"Kyle, kapag nagmahal ka hindi pwedeng puro pagmamahal lang. Hindi ka magiging masaya sa pag-ibig kung hindi ka marunong magtiwala. Ang pag-ibig hindi laging happy ending gayunpaman dapat kang matutong sumugal at magtiwala. Magtiwala sa sarili mo at sa taong mahal mo.", mahabang paliwanag ni Alvin.
"Each couple gets into a relationship primarily because of love but what keeps them on that relationship is trust. You can start a relationship because you love each other but that relationship will not last without trust. Also, no matter how much you trust a person, that does not give you enough reason to be in a relationship with him because love does not exist. Package deal kasi yan kailangan laging magkasama yung love at trust. Oo, pwede mong sabihin na nagmamahal ka o na alam mo kung paano magmahal pero marunong ka ba magtiwala? Kaya mo ba ipagkatiwala ang puso mo sa isang tao sa kabila ng katotohanan na hindi lahat ay may happy ending?"
Lalo akong napaisip sa mga sinasabi sa akin ni Alvin. Mataba talaga ang utak ng higad na to. Hindi ko man maamin sa sarili ko noon, pero tama siya. Hindi ko kayang magtiwala. Hindi ko kayang makipagsapalaran at magtiwala.
Oo mahal ko si Renz at walang tanong doon. Kung sapat ang tiwala ko sa kanya ay hindi ko alam. Malamang ang sagot ay hindi dahil nagpadaig ako sa takot ko at insecurities.
"Paano ko magagawang ipagkatiwala ang puso ko sa taong kailanman ay hindi naman nagpakita ng interes sa akin?", tanong ko kay Alvin.
"Paano mo naman nasabi na wala siyang interes sayo? Sinabi niya ba yon ng diretsahan?", balik na tanong sa akin ni Alvin.
"Hindi, pero hindi rin naman niya sinabing gusto niya ako."
"Eh ikaw ba naisip mo ba na sabihin sa kanya na mahal mo o gusto mo siya?", tanong muli ni Alvin. Napaisip ako at nagbalik tanaw sa mga nangyari. Technically, hindi ko nga nasabi kailanman kay Renz na gusto ko siya maliban na lang noong magpaalam ako sa kanya. Isiniksik ko kasi sa isip ko na mas makakabuting hindi na lang niya malaman.
"Hindi rin.", maikli kong sagot.
"Bakit di mo sinabi?"
"Kasi natatakot ako na mawala siya. Iniisip ko kasi na mas mabuti kung mananatili na lang kaming magkaibigan.", pag-amin ko kay Alvin.
"Eh sira pala tuktok mo eh! Una, gusto mo na maging kayo pero hindi mo sinabi na gusto mo siya dahil natatakot ka na mawala siya. Natatakot ka na pumasok kayo sa isang relasyon dahil hindi mo kayang magtiwala sa sarili mo o sa taong mahal mo. Sa ginawa mo ba ngayon hindi ba siya nawala sayo?", parang hinampas ang ulo ko sa mga sinasabi ni Alvin dahil ipinamumukha niya sa akin ang mga pagkakamali ko.
"Pangalawa, naisip mo ba na baka ganyan rin ang takbo ng isip ni Renz. Baka mahal ka na din niya pero hindi niya lang din masabi dahil natatakot siya na mawala ka sa kanya. Pareho kayong naghihintayan kung sino ang unang aamin. Kung walang susukong umamin mamatay kayong pareho na hindi man lang nagkaroon ng pagkakataon na maging masaya talaga.", patuloy ni Alvin habang mataman akong nakikinig sa kanya.
"Yan ang sinasabi nilang love is blind. Mahal niyo na ang isa't isa, obvious na sa mga kilos niyo na nagmamahalan kayo pero hindi niyo pa makita. Mga bulag. Sinasayang niyo ang pagkakataon.", hindi ako makasagot sa mga sinabi ni Alvin.
"Bibihira mangyari ang ganyan Kyle. Huwag mong hayaan makalagpas ang pagkakataon. Ang buhay walang rewind button, minsan para kang naka-fast forward at di ka makasunod sa bilis ng pangyayari pero kahit kailan hindi mangyayaring makabalik ka sa nakalipas na. Kapag tumunganga ka lang at pinanood na mawala ang kung anung mayroon ka ngayon mas malaki ang pagsisisihan mo sa huli.", mahabang paliwanag ni Alvin.
"Sinubukan ko naman na sabihin kay Renz ang nararamdaman ko eh. I talked to him before I left. Pumunta ka pa sa kanila nung gabing iyon. Inamin ko ang nararamdaman ko sa kanya pero wala namang nangyari. Pinigilan niya ako pero hindi naman niya sinabing mahal o gusto niya din ako. I did what i could. Siguro hindi talaga kami para sa isa't-isa. Sabi mo nga walang rewind button ang buhay, hindi ko pwedeng sayangin ang panahon ko sa kakaiyak sa isang taong hindi ko naman alam kung mahal ako. Hindi pwedeng habang buhay ako maghintay sa kanya. Nagawa ko na ang magagawa ko. Only fate can tell what will happen to us."
Napabuntong hininga si Alvin sa mga sinabi ko.
"Bahala ka. Pero sana wag ka mawalan ng pag-asa. Hanggang kaya mo ipaglaban gawin mo. Huwag kang tumulad sa akin. Nakuntento na lang sa isang gabing aliw, isang gabing saya, isang gabing pag-ibig. Hanggang ngayon pinagsisisihan ko ang mga bagay na hindi ko nagawa para sa taong mahal ko. Hindi ako magtataka kung tumanda akong binata at maging suki na lang ng mga sinehan sa Recto.", biglang nag-iba ang tingin ko kay Alvin. Ngayon ko lang nakita ang ganitong side ni Alvin. Marami pala kaming pagkakahalintulad.
Itinaas ni Alvin ang bote ng beer na kanyang hawak. Nakipag-toast naman ako sa kanya at sabay naming nilagok ang alak.
Mahaba ang aming naging inuman ni Alvin. Napilit niya din ako magkwento sa mga nangyari sa akin. Pati ang mga ginawa ko kay Aki ay hindi ko na rin naitago pa.
Kung tutuusin ay masarap kausap si Alvin taliwas sa una kong impression sa kanya. Laging may sense ang kanyang sinasabi at talagang naliliwanagan ako sa kanyang mga ipinapayo.
"Eh bakit mo naman sinabi kay Aki na may boyfriend ka?", tanong sa akin ni Alvin matapos ako magkwento sa kanya.
"Hindi ko rin talaga alam eh. Basta ang natatandaan ko noon ay ayaw ko muna na lumapit-lapit sa akin si Aki dahil lalo ko lang naaalala yung mga nangyari sa akin sa Maynila. Ewan ko ba napakagulo ko. Ang mind set ko kasi ng bumalik ako dito sa Laguna ay lumayo o umiwas sa lahat ng bagay na makakapagpaalala sa akin sa mga nangyari sa akin sa Manila. Since naging malaki din ang parte ni aki sa naging buhay ko doon hindi ko maiwasan na ipagtabuyan siya minsan. Masama ba akong tao?", hindi ko mapigilang itanong iyon kay Alvin.
"Well, kung titingnan lang natin ang sitwasyon masasabi kong oo, masama ka ngang nilalang at dapat ka ng sunugin sa plaza. Selfish kasi yung ginawa mo. Idinamay mo pa yung crush ko. Pero kung iisipin o ikukunsidera ko yung pinagdadaanan mo, hindi kita masisisi sa ginawa mo. Don't feel too bad about it.", sagot ni Alvin.
"Kasi kung iku-kwento mo yan sa isang tao, madali para sa kanila ang husgahan ka bilang isang masamang tao. Dahil hindi naman nila nararamdaman yung sakit at hirap na pinagdaanan mo. Kumbaga kung sila ang nasa sitwasyon mo at magdedesisyon kung anu ang gagawin kay Aki, magdedesisyon sila gamit ang utak. They will choose to do whichever is rational and fair. Pero iba kasi ang nangyari sayo noon, nag-decide ka gamit ang isip at puso, since ang puso mo sawa ng masaktan at gusto makalimot ang pinili mong mangyari ay layuan o palayuin muna si Aki.", patuloy pa ni Alvin.
"Salamat sa pagpapagaan ng loob ko Alvin.", wika ko sa kanya dahil sobra kong na-appreciate ang mga sinabi niya.
"Wala yun, sabi ko naman sayo i'm a nice person.", nakatawang sabi ni Alvin.
"Yeah, whatever.", sagot ko sabay angat ng aking baso at muling lagok ng alak.
"May tanong pala ako. Kung hindi kayo nagkasama ni Aki kahapon, kanino galing yung kissmark mo?", nakangising tanong ni Alvin. Naramdaman ko ang biglang pag-init ng aking mukha. Tinapunan ko na lamang siya ng isang masamang tingin na ikinatawa naman niya.
"Oh peace tayo biro lang. Bata ka pa kasi, wag ka muna masyado pakawala.", wika ni Alvin.
"Hindi naman ako pakawala. Nalalasing lang.", biro kong sagot. Natawa kaming pareho, marahil ay nakakarelate din siya sa sinabi ko.
"Anu sa tingin mo ang dapat kong gawin?", muli kong tanong kay Alvin.
"Mag-aral ka. Tapusin mo muna pag-aaral mo. Yan naman talaga ang dapat noon mo pa ginawa eh. Bago mo problemahin uli ang pag-ibig. Tapusin mo muna ang pag-aaral mo.", natatawang sagot ni Alvin.
"Sabe ko nga.", hindi na ako kumontra dahil. Tam naman siya roon. Masyado ko ata prinoproblema ang pag-ibig. Nakalimutan ko ang ang mga dapat ko talagang prayoridad.
Nakailang bote pa kame ng alak bago namin naisipan na umuwe.
--------------------------
Pasado alas-dos na ng madaling araw ng marating ko ang inuupahan kong apartment. May ilang hakbang pa ang layo ko mula sa gate ng may matanaw akong lalaki na nakatayo sa gilid ng gate. Hindi ko makilala kung sino ito dala ng hilo at dahil medyo may kadiliman ang kinalalagyan niya.
Medyo kinabahan naman ako dahil madami nang napabalitang insedente ng holdapan sa labas ng campus. May ilan na ngang namatay dahil dito.
Ilang hakbang na lang ang lapit ko sa lalaki nang bigla ako nitong lingunin. Handa na sana akong magtatakbo at sumigaw ng bigla itong magsalita.
"Saan ka ba galing? Kanina pa kita hinihintay.", nakilala ko naman agad ang boses ni Lui.
"Potek ka! Papatayin mo ako sa nerbyos! Akala ko holdaper na! Anu ba kasi ginagawa mo diyan!?!", naiinis kong sabi dahil hanggang sa mga sandaling iyon ay mabilis pa rin ang tibok ng puso ko.
"Hahaha, magpapa-abot ka ng madaling araw tapos matatakot ka sa holdaper. Bilisan mo na baka imbis na holdapin kita eh reypin na lang kita dito.", biro ni Lui.
"Siraulo! Bakit ka nga ba andito? Kanina ka pa ba diyan?", sunud-sunod kong tanong habang binubuksan ang lock ng gate namin.
"Oo, kanina pa akong 9 ng gabe nagpapabalik-balik dito no. Sabi ng guard lumabas ka daw at hindi ka pa bumabalik. Ayun hinantay na lang kita dito sa labas. Nabagot na ako kakalaro ng dota eh. Saan ka ba galing?"
"Dyaan lang sa LB square.",maiksi kong sagot sabay pasok sa loob ng aking apartment.
"Amoy ko nga. Bakit di mo ko inaya? Sasabay pa naman sana ako sayo mag-dinner eh."
"Huwag mo sabihing hindi ka pa kumakain."
"Kumain naman na. Hindi ko na matiis yung gutom ko eh. Ikaw?"
"Tapos na. Anu ba kailangan mo at hinahanap mo ko?", tanong ko sa kanya para makapagpahinga na ako.
"Wala gusto lang kita makita, tsaka makikitulog ako.", nakangiti niyang sabi sa akin.
Huminga ako ng malalim. Ayaw kong gawing komplikado pa ang sitwasyon namin ni Lui. Tama na yung problema ko ngayon.
"Dun ka na sa kwarto, magshower lang muna ako.", paalam ko sa kanya kailangan ko ng ilang minuto para maayos ko ang sasabihin ko sa kanya.
Matapos maligo ay tinungo ko si Lui sa kwarto. Nakaboxers na lamng siya at naglalaro gamit ang kanyang phone. Nang mapansin ako ay itinabi niya ang kanyang phone at saka tumagilid paharap sa akin. Tinapik niya ang pwesto sa tabi niya, sinenyasan niya ako na tumabi na sa kanya. Pinatay ko na ang ilaw sa kwarto at saka humiga patalikod sa kanya.
Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Lui at ang malumanay niyang halik sa aking balikat paakyat sa aking leeg.
"Lui, stop. I want to talk.", pagkasabi noon ay tumigil naman agad si Lui at iniharap ako sa kanya.
"Anu gusto mo pag-usapan babe?"
"Anu ba gusto mo mangyare sa ating dalawa Lui?", balik tanong ko kay Lui.
Tiningnan niya ako sa mata ko ng may ilang segundo bago sumagot.
"I want to be your boyfriend Kyle. I think i am falling for you. I want all your attention to be mine.", sinserong sabi sa akin ni Lui.
"Salamat Lui. Sobrang salamat pero hindi ko magagawang suklian ang anumang nararamdaman mo para sa akin. Hindi ngayon Lui. At hindi ko rin alam kong magagawa ko iyong suklian bukas o sa mga darating na mga araw. Wala akong kayang maipangako.", kalmado kong sabi kay Lui.
"Is it because of Renz or Aki?", tanong muli ni Lui.
"Partly, yes. Pero i've decided na acads muna ang gagawin kong priority sa ngayon. Iyon lang muna. Ayaw ko muna uli magmahal. Sorry Lui.", mahina kong tugon.
"Don't be. Masaya ako dahil naging honest ka sa nararamdaman mo. Naiintindihan ko naman na kailangan mo ng time, at handa naman akong maghintay hanggang sa maging ok ka na. Hindi mo kailangang mangako ng anuman. Masaya na ako kung pagiging magkaibigan lang talaga ang kaya mong ibigay sa ngayon. Kuntento na ako dun. Ako lang naman kasi ang kaibigan mo.", pagpapatawa ni Lui. Hindi ko mapigilang mapangiti sa biro niya.
"Salamat. I hope you won't mind my asking, kelan mo ba naramdaman na may feelings ka pala sa kapwa mo lalaki?", curious kong tanong kay Lui.
"Nung binatayan kita sa ospital matapos ka maaksidente. Nainlove ako sa tulo laway mong pagtulog, hehehe", kinurot ko siya sa kanyang tagiliran dahil sa kapilyuhan niya.
"Pero yun nga ang unang beses na na-attract ako sa same sex. Lahat ng nararamdaman ko sayo Kyle ay bago para sa akin. Never naman kasi ako nagka-issue sa sexuality ko til now. Wala namang kaso sa akin yon ang importante mahal ko yung tao, lalaki man o babae.", wika ni Lui sabay pa-cute.
"Ok, kailangan mo din siguro ng time. Baka naguguluhan ka lang sa nararamdaman mo. Maging magkaibigan na lang muna tayo. "
"Sabi ko nga di ba, ayos lang sa akin yon. Handa naman akong maghintay, kung after mo mag-aral at wala ka talagang nararamdaman para sa akin eh di wala. At least i tried. Masaya naman ako sa set up natin ngayon eh. Basta ako na ang bestfriend mo ngayon ha?"
Ngumiti lamang ako kay Lui at muli ng tumalikod sa kanya. Naramdaman ko naman ang muli niyang pagyakap niya sa akin. Hindi ko na tinanggal ang yakap niya sa akin.
Maya-maya ay may naramdaman akong matigas na bagay na dumudunggol sa may bandang puwitan ko.
"Kyle, pano to?", bulong ni Lui sa tenga ko.
"No.", agad kong sagot.
"Eee, kawawa naman to.", napahagikgik ako ng mahina sa sinabi niya.
"Bahala ka nahihilo na ako. Kamayin mo na lang yan.", natatawa kong sabi. Inaantok na din talaga ako kaya nakatulog na ako.
...to be cont'd...
Nice..naliwanagan din si kumareng Kyle..
ReplyDelete