Followers

Wednesday, June 19, 2013

'Unexpected' Chapters 17-18

Sorry for the late (and short) update. Sobrang busy lang talaga. :((

Maraming salamat sa lahat ng nagco-comment at patuloy na sumusuporta. Sana ay patuloy niyong tangkilikin ang kwentong ito. Comment na lang kayo if may questions/insights/criticisms. :)

Thank you ulit kay Kuya Mike for this opportunity of publishin my story on his site.

--
Chapter 17

Janine.
“OMG Gurl! ‘Di nga?! Sinabi ni papa Matthew ‘yan?” gulat at naguguluhan kong tanong kay Nikki na umiiyak na ngayon sa harap ko. Kasalukuyan kaming nasa likod ng stage na tago sa mga tao. Kinwento niya sa akin ang kagaguhang ginawa ni Matt kaninang break. “Oo, nakakatakot siya kanina, Janine. Grabe, ‘di mo naman kasi ako masisisi na nagulat ako sa mga nalaman ko. Who would’ve thought? Matt?! Eh ang dami ngang nagkakacrush sa batch natin sa kanya tapos... tapos...” utal niyang pahayag. “Oo na. Crush ko nga rin ‘yan eh! Paubos na ng paubos lahi nila, charot! Anyway I’d really appreciate it if hindi mo sasabihin sa kahit na sino. Don’t worry I’ll talk to him.” Pag-aasure ko sa kanya. “Thanks, ha. And sorry na rin... hindi ko kasi alam.” Nahihiya niyang sabi bago umalis. “Sure, thanks for telling me din. You did the right thing!” ang huli kong sabi.

Hay, kaloka talaga si Matt! Siya gumagawa ng sarili nilang problema eh! Pareho sila ni Gab. Josh, ikaw na talaga. Ang ganda-ganda mo para magkaganito silang dalawa sa’yo! Sabi ng luka-luka kong utak.

Agad ko namang tinawagan si Matt para pagalitan siya sa katangahan niya kanina. As usual, kailangan ko na namang pumagitna. I swear, gusto ko ng paaminin si Matt para matapos na ito, pero alam kong hindi pa ito ang tamang panahon. Masasayang ang lahat ng pinaghirapan niya pag nagkataon. Ayoko namang mangyari iyon.

“Hoy, Mr. Lopez! Ano na namang kagagahan ‘yan?!” bulyaw ko nang sagutin niya ang tawag ko. Nagulat na lang ako nang marinig na humihikbi ang gago. Medyo napahinahon naman ako noon. “Janine, ewan ko rin! Pero kasi naman eh... nagpantig yung tenga ko nang malaman kong may gusto siya kay Josh. I just felt that, no, ayoko! Sobra-sobra ng may Gab akong kalaban, tapos dadagdag pa si Nikki...” utal-utal niyang pahayag. Medyo nag-init na naman ang ulo ko sa narinig.

“Kaloka! Bakit, ha? For your information ulit, HINDI KA JOWA! Oo, alam ko tinutulungan kita, pero Matt, remember your limits, please. Kaya nga ako nandito para gabayan ka eh, kaya cool ka lang! Josh is a desirable catch, kaya naman maraming gustong maka-angkin sa kaniya. Masyado kang nagmamadali! Oh tingnan mo naging resulta ng actions mo. Lumaki lang ang problema! Ngayon alam na ni Nikki! Paano kung kumalat ‘yan?!” pangangaral ko sa kanya. Hindi ko na rin sinabi sa kanya na kinausap na ako ni Nikki at nangako siyang hindi niya ito ipagkakalat para naman matutunan ni kumag ang lesson niya. Kaloka.

“Naiinis ako... pero bahala na kahit kumalat ‘yan. Wala akong pakialam. Eh sa iyon ang totoo eh! At kahit kailan ‘di ko ikakahiya itong nararamdaman ko. Wala namang masamang magmahal ‘di ba?!” balik niya sa akin. “Kaloka! Oo nga, kahit naman malaman nila ano naman ‘di ba? Good, dahil handa mong ipaglaban ‘yang nararamdaman mo... PERO ang tanong, ano bang nararamdaman ni Josh? Marereciprocate kaya niya ‘yan? Baka lumayo siya sa’yo! Kaya nga pinapa-ibig mo muna siya, ‘di ba? In the end, the final answer lies on him. Until then, keep your cool, alright? Huwag ng gumawa ng problema!” sabi ko, sabay baba ng telepono. Hindi ko na hinintay ang magiging tugon niya. Tama lang ‘yun para maliwanagan naman siya.

Hay, kakastress!

--
Gab.
”Mahal na ata kita...”

I still don’t know what came over me when I said that to Josh. Naguluhan ako. Alam kong malaki ang pagpapahalaga ko sa kanya. I look at him as a brother, as a bestfriend, as someone I can have no pretentions with. I love him that way. Pero posible nga bang humigit pa ang nararamdaman ko para sa kanya? Mali ito, eh.

Mali.

At... alam ko namang wala akong pag-asa sa kanya, eh. Kaya mali ito.

Pero... bakit sinasabi ng puso kong tama ang nararamdaman ko?

Ang tanga-tanga ko talaga. Naiilang na siguro si Josh sa akin dahil sa mga pinagsasasabi ko kanina. Aaminin ko, noong mga oras na wala siya sa tabi ko ay lagi ko siyang hinahanap-hanap, to the point na almost iiyak na ako bago matulog. Ni hindi ko ito naramdaman kahit kanino man. Tapos ngayon, despite of all the things I’ve done to him, heto siya, he set aside his personal issues with me as if they were nothing. Kahit gaano ko siya nasaktan ay siya pa ang nag-aalaga sa akin ngayon. Kaya very thankful ako. Alam kong binigyan niya ako ng chance na hindi dahil lamang sa nangyari sa aking aksidente, ngunit dahil he genuinely means it. Kilala ko si Josh.

Posible nga ba? Ewan, pero alam ko namang hindi ko madidiktahan ang puso ko. Siguro ito na rin ang sinasabi sa akin ni Therese... na kaya hindi ko maibigay ang puso ko sa kanya ay may minamahal na pala ito all this time.

Then it hit me.

Si Josh nga iyon. I was just so dumb not to realize it.

Tama si Janine. Bobo at tanga nga ako.

Mahal ko na nga si Josh.

Ngayon, with a brand new start, ay dapat hindi ko na sayangin ang panibagong chance na ibinigay niya sa akin. Dapat hindi ko na siya masaktan, dapat alagaan ko na siya. Iyon naman talaga ang role ko ‘di ba?

Ngunit... hindi ko pa rin alam kung paano ko pakikitunguhan itong nararamdaman ko. Mapapanindigan ko kaya siya? But the most important question is, kaya ba niya akong mahalin? Ewan.

Siguro dapat hindi na ako magpadala sa delusion kong ito.

Lalaki ako, eh. Lalaki siya. Hindi ito dapat. Mali ito. Ayokong sayangin ang pangalawang pagkakataong binigay ni Josh sa akin.

Dapat ko na itong kalimutan. Ayoko siyang saktan. Ayokong lumayo siya sa akin dahil alam ko namang kapag nalaman niya itong kahibangan kong ito ay lalayo siya sa akin. Ayoko siyang mawala sa buhay ko. Hindi ko kakayanin. The mere absence of him for a few weeks was hell. Hindi ko hahayaang mangyari iyon. At gaya nga ng sinabi ko kanina...

Ikamamatay ko kapag nawala siya.

Move on, Gab!

--

At matapos nga ang dalawang araw ay nailabas na ako ng ospital. Hindi ako binigo ni Josh dahil kasama ko siya all throughout. Kaya naman lalo akong naguguluhan sa sarili ko ngayon. I owe him so much, in a span of a year he has already proven how much of a person he really is.
Lalo tuloy akong nahuhulog sa kanya.

--

Chapter 18

Josh.

Masaya.

I’ve never felt this complete. My life is almost perfect. Biruin mo, for once, everything is falling into place. Sabi nila, huwag ko daw masyadong namnamin ang saya, dahil baka bukas ay wala ng matira, but I don’t care. I’m in this moment, and I want to experience it fully. Masayang family, good grades, and I’ve got the best friends one could ever wish for, pero higit sa lahat...

Dahil okay na ulit kami ng taong mahal ko.

I could never ask for more.

But... hindi ko pa rin maiwasang isipin, na bakit may bumabagabag sa aking ‘di ko maintindihan? Hindi nga ba dapat masaya na ako dahil unti-unti ko ng napapalaya ang puso ko kay Gab? Alam kong hindi pa tapos ang prosesong ito, but I know that I’m getting there. Pero bakit nga?! Bakit sinasabi ng utak ko na dapat kong lalong pagyamanin kung anuman ang dati kong nararamdaman para sa kanya, ngayong okay na kami? Ngunit, hetong puso ko naman ay parang may binubulong sa akin na lalong nakakapagpagulo sa akin?

Hay, ewan!

“Bes!” bungad ni Gab sa akin nang marating ko ang parking lot ng school. Napatalon naman ang puso ko sa tinuran niya. Halatang nagbalik na ang dati niyang sarili. Nakangiti na siyang tumakbo palapit sa akin. “Oh, bes! Anong ginagawa mo diyan? Bakit ‘di ka pa pumasok?” tanong ko. “Hinintay kasi kita, eh.” Tila nahihiya niyang sabi habang napakamot pa ng ulo. Napangiti na lang ako sa loob-loob ko. Heto na naman siya sa mga ganito-ganito niyang pag-uugali. Dumiretso na kami at pumasok ng gate ng school. Nagtaka naman ako dahil inakbayan na lang akong bigla ni Gab. Hindi niya naman ito ginagawa dati. Siguro masaya lang siya na okay na kami.

“Huwaw! Bati na sila!” si Janine nang makita kaming papasok. Nagtaka naman ako kung bakit medyo hindi masaya ang pagbati niya sa amin. Usually kasi ay may patili-tili pa itong nalalaman, pero ngayon... bakit ang plain? Parang may mali? Or, baka OA lang ulit ako? Ewan. “Oh, bakit ‘di ka masaya?” takang tanong ko sa kanya. “Ang saya ko kaya oh!” may bahid ng sarcasm niyang sabi. Hindi ko talaga siya maintindihan kung bakit siya nagkakaganito. Alam ko namang wala kaming ‘di pagkakaintindihan, pero bakit...

Ahhh.

Okay, now I get it. Hay, Janine.

“Janine, pwede ba kitang makausap mamaya?” sabi ko sabay bigay sa kanya ng isang mapanuring tingin na nagsasabing alam ko na kung bakit siya nagkakaganiyan. “Hmpft! Fine.” Pagsuko niya. “Oh, papa Matt, bakit tahimik ka ata diyan?” tawag pansin ni Janine kay Matt, na to be honest ngayon ko lang napansin na katabi niya rin pala. “Uy, be... err... Matt!” alangan kong tawag sa kanya. Napaangat naman ang ulo niya, tila naguguluhan sa tinuran ko.

Uh-oh.

Ngayon ko lang kasi na realize na... dalawa pala ang best friend ko!

“Uy... Josh,” matamlay niyang balik sa akin. Naguilty naman ako dahil sa naging reaksyon niya. Natahimik na lang ako. “Brod, Matt, ‘di ba? Gab, nga pala ulit. Bestfriend ni Josh.” kaswal na bati ni Gab na walang kamalay-malay sa mga nangyayari. Gusto kong tampalin ang ulo ko sa nasaksihan ko. Tumango na lamang si Matt at bigla na lamang nagpaalam.

Malaking problema ito.

Alam kong nasaktan ko siya sa tila pagde-deny ko sa kanya. Hindi ko naman intension iyon, eh... sa totoo lang kasi, inaaalala ko ang magiging reaksyon ni Gab dito. Truth to be told, when I agreed na maging best friends kami ni Matt ay may nabali din akong pangako kay Gab.

“Josh, salamat dahil ngayon ay may best friend na rin ako. Pero sana ako lang ang bestfriend mo, ha. Ayoko kasi ng may kahati... lahat na lang kasi ng bagay sa mundo, may kahati ako. Sa papa ko, sarili ko na nga lang pamilya may kahati pa ako. Gusto ko may isa akong mahalagang bagay na akin lang... Ayokong maging selfish, pero sana ako lang, Josh...”

Those were Gab’s exact words the day we called each other ‘best friends’. Nangako ako sa kanyang siya lang magiging bestfriend ko, at ako lang ang magiging bestfriend niya. It was like a brotherly pact between the two of us. I broke it... but come to think of it, I can’t really blame myself for doing so, because considering how my relationship with Gab at that time was, and how Matt has stood for me during those moments... yeah, mahirap sisihin ang sarili ko, dahil may sense din naman ang naging desisyon ko. And Matt really earned the title.

Ngunit kailangan ba talagang mamili? Hindi ba pwedeng pareho na lang sila? Alam kong may masasaktan sa kanila either way. Si Gab, masasaktan siya dahil nabali ko ang pinangako ko sa kanya. Si Matt, masasaktan siya dahil siguro pakiramdam niya ay binalewala ko siya, o ginawang “panakip-butas” sa pagkawala ni Gab. And... kahit siguro ako kung malaman kong may kahati ako sa best friend ko eh hindi ko maiiwasang masaktan at magdamdam. Ayokong masaktan sila, dahil espesyal sila sa akin. Ayokong masaktan dahil hindi ko maikakailang bawat isa sa kanila ay may espesyal na lugar sa aking puso.

Ngunit, sino nga ba ang mas matimbang?

“JOSH! JOSH!!!!” “Huh?! Ano ‘yun?!” bigla kong bulalas. “EARTH CALLING JOSH! Parang naka-autopilot ka na lang diyan for the past 2 minutes ah! Anyare, friend?!” medyo iritang bulyaw ni Janine sa akin na nakapagbalik sa dati kong huwisyo. “Ah, eh, wala. May naalala lang.” Palusot ko. “Gab, hiramin ko lang ‘yung BESTFRIEND mo sandali ha.” Sabi ni Janine at biglang hatak sa akin na wala ng hinihintay na response kay Gab. Dinala niya ako sa isang sulok malapit sa mga lockers.

“Huy, ‘teh! Anyare kanina? Di ka magpaparamdam for 3 days, tapos bigla ka na lang magpapakita dito kasama si Gab na walang nangyari, tapos biglang iba na pagtrato mo kay Matt?! Ayun, umalis tuloy! Gago, nagtatampo ‘yun, pustahan tayo! Details, details! Bago pa kita makutusan!” tila nagtitimping pagsisimula ni Janine. “Oh, easy lang. Kasi ganito ‘yun... ah, eh... ano, kasi nga ‘di ba nahimatay si Gab? Naipit na rin ako, eh. Wala kasing magbabantay sa kanya, si Tita kasi nasa Cebu, kaya ako na lang muna nagbantay. Tapos ayun, nung nagising siya, umiyak siya, naawa ako syempre, kaya pinatawad ko na siya. Kasi naman, ang hirap na rin naman ng may dinadala, eh. I guess dapat magmove on na. Malaki rin naman pinagsamahan namin, eh. Kaya ayun, ngayon bati na kami. Babawi daw siya.” Tugon ko. Tila napaisip naman si Janine.

“Okay, okay... pero may mali ka pa rin, eh! Bakit mo ginawa ‘yun kay Matt? I mean, look, siya ‘yung sumalo sa’yo nun sa Gab na ‘yan eh! Tapos parang nabalewala mo lang siya?” pagpapatuloy ng interrogation ni Janine. “Eh kasi... kanina ko lang narealize ‘yung sitwasyon! Di ba alam mo naman ‘yung promise ko kay Gab?” sabi ko. Tumango na lang siya. “Pero mali pa rin!” pagpilit niya. “Oo, mali. And I feel guilty of how I treated Matt! Hayaan mo, kakausapin ko siya.” Mahinahon kong tugon. “Good.” Ang tanging nasabi na lang ni Janine.

“Pero Jans... may bumabagabag kasi sa akin, eh...” siguro dapat ko na rin sabihin kay Janine itong bagay na gumugulo sa akin. Alam ko kasing matutulungan niya ako. “Huh? Tell me.” This time, alam niyang kailangan na niyang makinig. “Ahh kasi, ano... parang kasi nung nasa ospital kami after naming magkabati... sabi niya parang mahal na... daw niya... ako?” putol-putol kong sabi. Bigla namang nanlaki ang mata ni Janine. “HUWAT?! OMG!” singhap niya. “Oo nga eh! Ako rin nagulat, pero ‘di ko pinansin ‘yung sinabi niya baka kasi pinagtritripan lang niya ako, or baka namisinterpret ko lang, ganun... pero bigla niyang sinabing huwag na daw akong magagalit sa kanya kasi ikamamatay daw niya ‘yun.” Pagpapatuloy ko.

Napailing naman si Janine na tila malalim ang iniisip. “Tsk, tsk. Ang landi niyo talaga para sa dalawang magbestfriend.” Tanging nabulalas niya. “Oh, ngayon... ano ng gagawin mo? At ang tanong diyan, eh... Mahal mo pa ba?” alangan niyang tanong. I was caught off-guard. Ito kasi ang tanong na matagal ko ng iniiwasan. Hell, kahit sa sarili ko ay hindi ko masagot ang tanong na ‘to. Mahal ko siya, mahal na mahal, pero parang ‘di na kasing tindi ng dati. “Hindi ko rin alam. Oo, mahal ko pa rin siya, pero may gumugulo sa akin, eh. May parang, pumipigil. Di ko alam...” sabi ko. Parang nagliwanag naman ang mukha ni Janine sa sinabi ko na ikinataka ko. Siguro dahil ito sa pagsisinungaling ni Gab sa akin dati. Syempre, nagalit din si Janine sa kanya kaya hindi ko na rin siya masisisi sa panlalamig niya kay Gab. “Basta, friend. Siguraduhin mo muna ‘yan. Mahirap kasi na umaasa ka na naman tapos wala naman pala. And ayusin mo muna ‘yung kay Matt bago iyang feelings mo.” Seryoso niyang sabi. Napatango naman ako at nagpasalamat sa kanya.

“Gab, mauna na kami ni Josh, ha! Punta na kami sa room.” paalam niya nang madaanan namin si Gab kung saan namin siya iniwan. “Bye, bes.” Tangi ko na lang sabi. Ngumiti naman siya at kumaway. “Punta ako mamaya sa inyo, ha!” pahabol niya. Tumango na lang ako bilang tugon.

Mukhang tama nga ang sinabi nila.

I shouldn’t be celebrating too much. Ito na nga ba ang sinasabi kong panira ng sayang nararamdaman ko.

--
Matt.

Masakit.

Kasi, kahit anong gawin kong paghihintay, pagcompromise, at pagsasakripisyo ay nasasaktan pa rin ako. Sa ngayon ay kuntento na muna ako sa pagiging kaibigan ni Josh, pero bakit ipinamumukha sa akin ng tadhana na naghahangad pa rin ako ng sobra? Na mali itong ginagawa ko? Best friend ko siya, pero bestfriend nga ba niya ako? Bakit pati ito pinagkakait pa rin sa akin? At ang mas masakit pa ay...

Talo na naman ako ni Gab.

Habang tumatagal ang laban ay pakiramdam ko ay may nagu-udyok na sa aking sumuko na. Dahil nga, wala akong kalaban-laban kay Gab bilang taong mamahalin ni Josh... at kahit man lang bilang best friend niya ay tila wala pa rin akong laban. Kung gaano ako ka-kalmado tingnan ay ganoon naman ako nagwawala sa isip ko.

Seeing the person you love undermine your value for someone he loves is just... excruciatingly painful. Pakiramdam ko ay naging panakip-butas lang ako. Pakiramdam ko ay na-balewala ako dahil ngayon ay nagbalik na ang taong hinihintay niya. Pakiramdam ko ay... tapos na ang role ko sa kanya.

Hindi ko ugaling umiyak, but... I allow myself to this time.

Kahit ngayon man lang ay mailabas ko ang sakit na nararamdaman ko.
--

Itutuloy...

5 comments:

  1. JOSH nman!!! kla ko ba nagpagupit kna! hahaha
    Agree ako k anon 11:18 nahimatay lng c Gab gnun nlng kdali k Josh i-neglect c Matt, not fair
    On Matt side from d start, sya gusto ko 4 Josh
    BUT ho knows may twist p mangyayari well see :)

    AtSea

    ReplyDelete
  2. ang bigat naman nitong ending ng chapter nito... weew.. team matt pa rin... :] or akin na lang c matt? hahahha

    ReplyDelete
  3. hayy wla p din po bng update pra d2?..

    ReplyDelete
    Replies
    1. I'll post the update tomorrow. Sorry kung medyo natagalan. Busy lang kasi. :)

      Delete
  4. wow super heavy! di malaman kung sino matimbang. esep esep muna.

    bharu

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails