Followers

Tuesday, February 2, 2016

HOPIA 2





Parang akyat bahay itong si Doc Kenneth at sa fire exit pa ito dumaan para lamang walang makakita sa kaniya papunta sa room ng kaniyang na Hit and Run na si ‘Pogi’ at ngayon nama’y tahimik itong nakatayo lang sa pintuan ng room nito't nagdadalawang isip na pumasok.
“This is it. Syet…” Ang excited na parang highschool lang na bulong ni Doc Kenneth sa kaniyng sarili habang inaayos niya ang kaniyang kuwelyo at conscious na conscious siya kung presentable ba siya.
Nag-inhale at exhale muna ng makailang beses itong Pamintang Doctor bago ito tuluyang pumasok na sa room at nanigurado muna siya na walang kaluskos or ingay siyang magagawa. Hindi talaga niya pakiwari kung bakit ganoon ang kaniyang nararamdaman at makakausap na niya itong si ‘Pogi’.

Halos mag stiff ang buong katawan ni Doc Kenneth nang mabungaran niya na nasa higaan itong si ‘Pogi’ at tahimik na nanonood ng TV. Hindi na din niya namalayan na habang tumatagal ang kaniyang pagtitig sa pasyente ay napapangiti siya at narerelax.
“GOOD MORNING PO!” Ang biglang gulat na usal nitong si ‘Pogi’ nang mapansin niya ang nakatayong Doctor.


“AY! AH… EH… Teka lang nakalimutan ko ang record mo! Wait lang…” Ang natatarantang nasambit bigla ni Doc Kenneth at pagkatapos ay nagmamadali siyang lumabas ng room.
“Syet!” Ang buntong hininga na lamang niya nang makalabas na siya ng room dahil hindi pa siya ready that time kung ano ang kaniyang gagawing approach kay ‘Pogi’
“Relax lang Kenneth… Walang makakaalam ng nangyari…” Ang pagpapakalma niya sa sarili habang papunta siya sa nurse station upang kunin ang record ni ‘Pogi’. 

Ang iniisip kasi nitong si Doc ay natataranta siya dahil may malaking kasalanan siya kay ‘Pogi’ pero deep inside ay medyo kinikilig siya sa kaniyang na hit and run dahil ganoong mga hitsura ang type na type niya.
“Andyan na po pala kayo Doc…” Ang bati ng nakaduty sa Nurse Station nang makita niya ang papalapit na si Doc Kenneth.
“Akin na ang record ni Pogi…”
“Naku Doc may malaking problema…”
“I don’t want to hear that…” Ang snob nitong si Doc sa Nurse dahil sobrang busy na ang kaniyang mga brain cells at talaga namang kakaiba ang aura sa kaniya ng kaniyang pasyente. Pagkakuha niya ng record ay agad na nagmadali na siyang bumalik kasunod ang Nurse na naka Duty.
“Don’t feel guilty… Aksidente lang ang lahat…” Ang pagre-reason out muli nitong si Doc sa kaniyang sarili at kinakabahan na naman siyang harapin itong si ‘Pogi’. Huminga muna ng malalim itong si Doc at nagcompose ng kaniyang sarili bago ito pumasok sa room ng pasyente.
“Hi… Good Morning Mr…” Ang lalaking lalaking boses ni Doc Kenneth. Hindi siya makatingin sa pasyente kaya nama’y itinuon na lamang niya ang kaniyang paningin sa hawak na record.
“Good morning din po…” Ang bati naman ng nakaupo ng si ‘Pogi’.
“Mr… Mr…” Hindi na natapos ni Doc ang sentence dahil nagdikit na ang dalawang kilay nito kasabay ng paniningkit ng kaniyang dalawang mga mata.
“HINDI NYO KINUHA ANG NAME NG PATIENT NANG MAGKAMALAY ITO?” Ang sermon kaagad ni Doc sa Nurse dahil nakita niya na ‘Pogi’ ang nakalagay sa name na nasa record ng pasyente.
“Yan po sana ang sasabihin ko Doc…”
“Nevermind kung tinatamad kayo eh ako na lang ang magtatanong…” Singhal ng Doctor.
“Ano ba ang name mo ‘Pogi’… este anong name mo Sir?” Ang nadulas na tanong ni Doc kasabay ng mild na pagba-blush ng dalawa niyang pisngi dahil sa pagkakahiya.
“Hindi ko po alam Doc?”
“Ha…”
“Hindi ko po alam?”
“Ba’t di mo alam?”
“Hindi ko po talaga alam Doc…”
“Yan po ang sasabihin ko Doc… May amnesia po si ‘Pogi’ este ang patient…” Ang sabat ng Nurse.
“BA’T DI NYO SINABI KAAGAD?” Ang singhal ulit nitong si Doc Kenneth.
“Eh hindi nyo naman po kasi ako binigyan ng chance…”
“Nangangatwiran ka pa…” Ang sambit ni Doc habang tinitignan niya ang result ng MRI ni ‘Pogi’.
“Hindi pa naman matatawag na nasa comatose condition ang patient at wala pa namang 24 hours na wala siyang malay and also, wala din akong makita sa MRI result na dahilan para magka amnesia siya…” Ang pagtataka ni Doc Kenneth. 

Kaagad namang nabalisa itong si Kevin aka ‘Pogi’ at baka mabuking siya ng kaharap niyang Doctor.
“Tumawag na ba yung mga Pulis na nagdala sa patient?” Tanong ni Doc Kenneth sa Nurse.
“Di pa po Doc…”
“Good…” Ang biglang nasabi ni Doc.
“Ansabe nyo Doc…” Ang tanong ng Nurse.
“OUCH…” Ang daing naman ni ‘Pogi’ para maituon sa kaniya ang attention ng dalawa at hindi matuon sa kaniyang record itong si Doc.
“Huwag ka kasing gumalaw Pogi at naka semento pa ang kaliwa mong paa…” Ang sambit agad ng Nurse para alalayan itong si Pogi.
“Nangangalay po kasi ako…”
“Isalang nyo ulit ang Patient sa MRI para makatiyak tayo kung may dahilan ba ang pagkakaroon nito ng Amnesia… Baka na Shock lang ito…” Ang sambit naman ni Doc Kenneth sa Nurse.
“Ako na dyan…” Ang next sambit ni Doc at kaagad niyang hinawi ang umaalalay na Nurse kay Pogi.
“Ano pang hinihintay mo… Pasko…” Ang singhal ulit ni Doc Kenneth kaya nama’y mabilis itong kumilos upang mag request na para maiMRI na ulit ang patient.
“Okay… dahan-dahan lang…” Ang sambit ni Doc Kenneth habang inaalalayan niyang maisandal itong si Pogi. Walang pasabing biglang natigilan itong si Doc nang maramdaman niya ang isang kamay ni Pogi na humawak sa kaniyang beywang.
“Sabi ko na ng aba…” Ang isip-isip nitong si Pogi. Kanina pa niya kasi na aamoy ang pagkamalansa ng Doctor at kanina pa niya napansin itong nagnanakaw ng tingin sa kaniya.
“Thank you po Doc…” Ang sunod na sambit ni Pogi kasabay ng pilyong pagpisil pa niya sa beywang ng natahimik na Doctor. 

Hustler na hustler talaga sa mga bading itong si Pogi dahil sa trabaho nito at may talent itong makaamoy ng mga malalansa kahit sa malayo pa.
“Ah… eh…” Ang natatarantang salita ni Doc at hindi nito alam ang sasabihin para ma break ang nakakabinging katahimikan between Him and Pogi.
“Ano po bang nangyari Doc…” Ang usal ni Pogi sabay tingin niya ng Direcho sa mga mata ni Doc. Automatic na nag Puppy Eyes itong si Pogi na lalo pang ikina Conscious ng Doctor.
“Ah… Eh…” Ang usal na lamang ni Doc at pagkatapos ay muli nitong ibinalik ang attention sa hawak na record para makaiwas sa mga Puppy Eyes ng kaniyang kaharap na pasyente.
“Sige na… Please prep the patient for MRI…” Ang nasambit na lamang ni Doc Kenneth kasabay ng pag-iinit ng dalawa niyang pisngi. Hindi na nakatiis itong Doctor kaya nama’y nagmamadali siyang lumabas ng room at kaagad na dumirecho sa washroom.
“Syet…” Ang binubulong-bulong na lamang nitong si Doc Kenneth habang naghihilamos siya upang mahimasmasan. 

Hindi niya alam kung bakit pero pakiramdam niya ay para siyang highschool student na may isang crush. Walang kaalam-alam ang kawawang Doctor na talaga namang sinasadya ni Pogi ang magpapansin sa kaniya.
Habang prine-prep siya ng mga Nurse ay kinagat nitong si Kenneth aka ‘Pogi’ ang kaniyang labi upang mapigilan ang kaniyang pagngisi dahil buking na buking na niya ang pamintang Doctor. Automatic na ganyan ang nagiging reaction ng binata kapag nakaka-spot siya ng pupuwede niyang gatasang bading.
Hindi maiexplain ng science kung bakit ganoon na lamang ang automatic na ikinikilos ng binata kapag nakakita ito ng Bading na mukhang mayaman. 

Dahil sa tagal na ni Pogi sa industriya ng pagiging Hustler ng mga clueless na bading ay nanuot na hanggang sa kaniyang mga buto ang mannerism na mang-akit ng pagkapilyong-pilyo sa mga bading na target niya bilang prospect.

*******10:00 pm********

Namumutla na itong pasyenteng si Kevin dahil hindi niya malaman at maiexplain kung bakit siya may kaharap na dalawang nilalang na kamukhang-kamukha niya.
“Para kang nakakita ng Multo Tol!” Ang sambit ng Kevin na nakasuot ng white lacoste polo shirt sa pasyenteng Kevin.
“Sino kayo? Bakit kamukha ko kayo!” Ang nagpapanic na sagot ng pasyenteng si Kevin.
“Kami ang konsenya mo Tol!” Ang sambit naman ng nakangising Kevin na nakasuot ng black lacoste polo shirt.
“Meron pa ba ako nun…” Ang namutawi na lamang sa pasyenteng si Kevin.
“Meron naman Tol… Kami nga yun eh…” Ang nakasmile na Kevin na naka white.
“Diba gusto mo nang magbagong buhay na? That means may konsensya ka pa… Kinokonsensya ka dahil sa hindi mabilang na mga bading na niloko mo!” Ang sermon ng nakawhite na konsensya ni Kevin.
“Hindi kasalanan ni Kevin yun ano!” Ang defensive na sambit naman ng nakablack na konsensya ni Kevin.
“Nasarapan naman sila atsaka kung hindi ba naman sila mga bobo eh hindi sila maloloko…” Ang pagpapatuloy ng nakablack na konsensya ni Kevin.
Napanganga na lamang itong pasyenteng si Kevin habang pinapanood niya sa kaniyang harapan ang nagsisimula ng magtalo niyang dalawang konsensya.
“Kahit na! Nanloloko pa din siya! Pinaasa niya ang mga Bading at pinaniwalang may Forever at kung ano-ano ang mga hinihingi niya! Pera… Gadgets… Pera… Branded Aparell… Pera…” Ang sagot ng nakawhite na konsensya ni Kevin.
“Walang masama kasi Bayad yun ng mga bading sa kaniya!” Ang hindi papatalong sagot naman ng nakaBlack na konsensya ni Kevin.
“Masama pa din ang ginagawa niya! Matapos niyang huthutan eh iiwan niya yung Bading na brokenhearted at luhaan!”
“Anong masama doon! Napasaya naman sila ni Kevin ah!”
“Magtigil ka! HOY KEVIN! Ang dami-dami mong niloko! PASALAMAT KA AT MAY CHANCE KA PANG MAGBAGONG BUHAY!” Ang usal ng nakawite na konsensya ni Kevin sa pasyenteng si Kevin.
“At ang chance na yun ay ang Bading na Doctor mo kanina!” Ang smart na pagpapaalala naman ng nakaBlack na konsensya ni Kevin.
“Will you please shut up! Laspag na laspag na yang si Kevin sa pagpapagamit niya sa mga bading! Sa ganyang edad eh hustler na hustler na atsaka sinasayang niya ang future niya!”
“Hindi pa lang nakakakita ng Bading si Kevin na talagang mag-aangat sa buhay niya!”
“Ganon! Hangga’t wala siyang nakikita eh mangloloko siya ng Bading!” Ang naiinis na usal ng nakawhite na konsensya ni Kevin sa nakablack na kapwa konsesnya nito.
“Kailangan niyang mabuhay! Dadating din ang Bading para kay Kevin!” Ang explain naman ng nakablack na konsensya ni Kevin.
“Pwede ka namang magtrabaho ng marangal! Mamasukan ka! MAGTRABAHO KA” Ang payo ng nakawhite na konsensya ni Kevin.
“Mahihirapan ka lang Tol kapag namasukan ka. ATSAKA TRABAHO NA ANG PAGIGING HUSTLER MO SA MGA BADING… Lolokohin mo lang sila na kunwari mahal mo tapos makikipagsex ka lang sa kanila eh instant money na! Diba ansarap ng buhay mo!” Ang kontra payo ng nakablack na konsensya ni Kevin.
“ARAAAAAAAY!!!” Ang sambulat na lamang ng nakaBlack na konsensya ni Kevin nang seltukan siya ng kapawa konsensya niyang nakaWhite.
“Magbagong buhay ka na Kevin hangga’t may chance ka pa!” Ang sambit ng nakaWhite na konsensya ni Kevin.
“Kailangan mo ng malaking pera para magkapuhunan ka sa pagbabagong buhay mo Tol! Mayamang Bading lang ang makakatulong sayo!” Ang hirit ulit ng Nakablack na konsensya ni Kevin.
“TAMA NAAAAAAAAA!!!” Ang sigaw ni Kevin sa dalawa sabay balikwas niya sa kama.
“Okay ka lang pogi!” Ang tanong ng Nurse sa bagong gising na si Kevin. Nasanay na si Kevin na tawagin siyang Pogi ng mga Nurse.
“Ha?” Ang confused na sambit na lamang ng binata.
“Mukhang nananaginip ka…” Ang pag-aalalang sambit ng Nurse habang pinupunasan niya ng towel ang butil butil na pawis sa noo ng binata. Naaaliw ang mga Nurses na babae dito kay Kevin dahil medyo mapilyong malambing kahit alam nila na may amnesia ito.
Hindi na nakapagsalita ang binata at bumalik muli siya sa pagkakahiga habang nagrereplay na naman sa kaniyang mga ala-ala ang kaniyang napanaginipan.

*******After a couple of days*******

Matagal na nakaupo itong si Doc Kenneth sa kaniyang opisina at pinag-aaralan niya ang mga cashflow sheet ng Charity Ward ng St. Lukes. Head Doctor kasi ng Charity Ward itong si Doc Kenneth at since walang pamilya ang nagkaAmnesia na si Kevin ay gumawa na lamang siya ng paraan upang sagutin ng Charity Fund ng St. Lukes ang gastusin ni Pogi kaya lamang ay medyo nakakahalata na ang ibang director na sobra na ang ginagastos ng Charity Ward para sa na Amnesiang Pasyente.
Si Doc Kenneth ang nagdecide na huwag alisin sa Private room itong si Pogi para magkaroon ito ng privacy at para wala ding masyadong mga mata ang nakakakita sa kaniya kapag binibisita niya ito araw-araw.
Naging everyday talaga ang pagbisita ni Doc Kenneth sa kaniyang na amnesiang pasyente at hindi niya namamalayang naiispoiled na niya ito.
Kung anu-anong binibili niya dito na mga branded na damit. Mula Bench underwear hanggang sa mga medyas nito. Palagi niyang dinadalhan pa ng takeout fastfood sa umaga si Pogi at bago siya umuwi ay binibilhan pa niya ito ng food for dinner.
“Haaaaaaaissst…” Ang bugtong hininga na lamang ng Doctor. 

Habang nag i istay kasi sa hospital si Pogi ay lumalaki ang binabayarang bill ng charity ward para dito.
“Tsk…” Ang naiusal na lamang ni Doc Kenneth at wala na siyang magagawa pa kundi ituloy na ang plano niya para kay Pogi.
Totally nama’y hindi na din makatulong ang mga police sa paghahanap ng true identity ni Pogi at talaga namang inilihim ng Doctor ang kaniyang pagkakasagasa dito kaya naman sigurado siya na bukod sa kaniya’y wala ni isa man na matutukoy kung sino ngaba si Pogi.
Napuntahan na din naman niya ang address na nasa id ni Pogi pero hindi naman bahay yun at kahit sa USTe eh wala sa kanilang files si Pogi. Nagtaka ng kaunti itong si Doc Kenneth kung bakit nagkaganoon pero mabilis na nawala din ito dahil na din sa matindi niyang pag-aalala kay Pogi.
“Okay… Need to do it!” Ang sambit ni Doc Kenneth sa sarili at pagkatapos ay kaagad na siyang tumayo at umalis na sa kaniyang opisina upang puntahan ang billing department ng ospital at pagkatapos ay pupuntahan na niya si Pogi sa room nito upang kausapin.

*******After A Couple Of Hours*******

Tahimik lamang itong si Doc Kenneth habang binabagtas niya ang kalye patungo sa building kung nasa saan ang kaniyang Condo unit at katulad din niya’y tahimik lamang din itong si Pogi na nasa passenger seat.
Kanina sa Hospital ay pinirmahan na ni Doc Kenneth ang mga papeles na siya muna ang magiging Guardian nitong si Pogi habang nasa state pa ito ng pagkakaroon ng Amnesia. Until now ay hindi pa din nila malaman ang reason kung bakit ito nagkaAmnesia kahit makailang beses na nila itong isalang sa mga laboratory and test.
Wala pa din silang kaalam-alam na excited na excited itong si Pogi nang sabihin sa kaniya ni Doc Kenneth na pansamantalang tutuloy muna siya sa kanila. Kukupkupin ni Doc Kenneth itong si Kevin hanggang matrigger ang memory nito. Effective na effective ang pagpapanggap ng binata sa pagkakaroon niya ng Amnesia.
Hindi kita sa dalawa sa kanilang pananahimik na labis labis ang kanilang kagalakan dahil naging maganda ang resulta ng kanilang mga plinano. Masosolo na ni Doc Kenneth itong si Kevin at si Kevin nama’y natutuwa dahil generous itong si Doc Kenneth.
Kanina bago sila umuwi ng Condo ay pinagshopping muna ni Doc Kenneth si Kevin, pinanood ng Sine at binigyan ng treat na dinner Gilligans. Lihim na aliw na aliw itong si Doc Kenneth habang inaasikaso niya itong si Kevin. Si Kevin nama’y parang nakaJackpot sa Lotto dahil confirmed na niya na mapera itong si Doc Kenneth.
Laking pasasalamat ng binata at mabuti na lamang pala’y hindi siya nadedo nang magpasaga siya sa highway. Clueless pa din itong si Kevin na si Doc Kenneth ang nakasagasa sa kaniya.
“Boss, pinsan ko.” Ang sambit ni Doc Kenneth sa Guard ng gate ng Condo Building.
“Dito muna siya titira sa akin.” Ang next na sinabi ng Doctor sa guard.
“Sinabi kong pinsan kita para wala na silang masyado pang tanong.” Ang explain ni Doc Kenneth sa binata dahil napatingin ito sa kaniya.
“Thank you po Doc. Nakakahiya sa inyo.” Ang usal ni Kevin habang tinitignan niya sa mga mata ang di makatingin sa kaniya ng direchong si Doc Kenneth.
“Huwag mong alalahanin yun.” Ang reply ng naconscious na Doctor.
“Huh…” Ang naiusal ni Kevin nang mapansin niyang katabi ng Guard na nagtataas ng harang sa entrance ng Condo building ang dalawa niyang konsensyang naka black and naka white na lacoste polo shirt.
Tanging si Kevin lamang ang nakakapansin na hindi sila nakikita nina Doc Kenneth at ng Guard.
Napakunot ng noo itong si Kevin…
“Baka nabagok lang ang utak ko…” Ang bulong ni Kevin sa sarili niya.
“Ano yun…” Ang tanong ng Doctor sa binata habang pumapasok na sila sa entrance driveway ng condo building.
“Ah… Eh… Wala po Doc…” Ang usal na lamang ni Kevin at pagkatapos ay nilingon niya ulit ang kaniyang dalawang konsensya.
Napasimangot itong si Kevin nang sinimangutan siya and bigyan siya ng dirty Finger ng nakawhite na konsensya niya ngunit nabawi naman iyon nang bigyan siya ng two thumbs up sign ng nakablack na konsensya niya.
Napangisi itong si Kevin.
“Nasaan po kayo kagabi Doc…” Ang out of nowhere question ni Kevin kay Doc Kenneth.
“Ha?”
“Nasaan po kayo kagabi Doc…”
“Ha… ah eh… Kagabi... ah... Nasa unit ko lang nagpapahinga…” Ang nagtatakang sagot ni Doc Kenneth sa biglang itinanong sa kaniya ni Kevin.
“Ah… kaya pala…” Ang usal lamang ni Kevin.
“Kaya pala ano…” Ang tanong ni Doc.
“Kaya pala nawala ka sa panaginip ko kagabi…” Ang painosenteng banat ni Pogi aka Kevin sa biglang nagblush na si Doc Kenneth.
Hindi na nakapagreact itong si Doc dahil parang balewala lamang kay Pogi ang sinabi nito sa kaniya pero deep inside ay napakalaki ng impact ng pick up line na iyon kay Doc.

Gustong kiligin ni Doc that time pero awa naman ng Diyos ay nakapagpigil siya dahil ayaw niyang malaman ni Pogi na isa siyang napakalaking paminta. Ayaw niyang maging awkward ito sa kaniya.
Kitang kita ni Kevin ang pamumula ng pisngi ni Doc pero nagpakainosente na lamang siya ng mga sandaling iyon. 

Iyon ang isa sa mga techniques na ginagamit ng hustler ng mga bading na si Kevin upang mahulog sa kaniya ang loob ng kaniyang mga bibiktimahing Bading upang gawing sugar daddy.






Good Kevin 0 : Bad Kevin 1




To Be Continued

7 comments:

  1. Sana naman ituloy na ni Kevin ang pagbabagong buhay. Thanks sa update. Its worth the wait. We understand your ptedicament. Tke care.

    ReplyDelete
  2. Thank you PO sa update author

    Jun cavite

    ReplyDelete
  3. Hahaha..natatawa ako kay kevin

    ReplyDelete
  4. Sana nmn patuloy k ng magkaroon ng time sa update.
    Shukran !!!!

    ReplyDelete
  5. Sana po kuya ponse tuloy tuloy na ang update

    -hardname-

    ReplyDelete
  6. nakakakilig nmn naman haha.

    bharu

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails