AUTHOR'S NOTE
Credits to Roj Sawada para sa ilang details dito and the Japan Citizenship thingy (May story siya sa WATTPAD). Siya po nag-edit sa scene ni Ray and Mr. Kyou at nagdagdag ng ilang information para mabuo ang scene na iyon.
Salamat sa kaibigan kong si Kim Yu (siya si Kim sa story) na walang sawang nagchecheck ng ilang scenes para sabihin kung ano ang kulang or dapat bawasan. Hahaha!
Sorry po sa delay. Marami lang inasikaso these past few weeks.
MARAMING SALAMAT PO!
MAY MGA TYPO'S AND PROBABLY GRAMMAR ERROR ITO. 'DI KO PA NA-EEDIT DAHIL MEDYO BUSY PO AKO. SA BOOK VERSION (SOON IN BUQO), NANDOON PO ANG EDITED VERSION AND BETTER VERSION. (May mga bonus clip and scenes din po akong balak idagdag doon so kung gusto niyo pong mabasa, I suggest you get a copy po once na available na.)
======================================================
CHAPTER LINKS:
"LOVE, STRANGER" (BOOK 1)
======================================================
DEAR STRANGER
(Book 2 of "Love, Stranger")
CHAPTER FIFTEEN
ROME:
"I'm sorry... Hindi ito pwede." Paulit-ulit na umeecho sa aking tenga ang mga katagang iyon. Pumasok ito sa utak ko, diretso sa puso ko. Ang sakit, napakasakit. Para akong nabingi. Hindi ako makagalaw. Pakiramdam ko'y tumigil ang paghinga ko. Ilang saglit pa'y mabilis kang tumakbo palayo sa akin, pababa sa burol na sana'y altar ng ating kasal-kasalan.
"Ray!" tawag ko sa iyo. Ngunit bingi ka na at dire-diretsong tumakbo. Hinabol kita. Ramdam ko ang mabilis at marahas na halik ng napakalamig na hangin, para itong karayom na bumabaon sa aking balat; masakit pero wala ito sa sakit na nararamdaman ng katawan ko ngayon. Napakabigat ng dibdib ko.
Nang maabutan kita ay mabilis kong hinawakan ang iyong balikat, malakas mong hinawi ang kamay ko at tumalsik ito. Ang sakit, pero mas masakit ang paulit-ulit na emosyong dumudurog sa puso kong nagmamahal sa iyo. Mas bumilis ang iyong pagtakbo, hinabol kita.
"Ray, mag-usap tayo."
"Wala tayong dapat pag-usapan."
"Ano bang dapat kong gawin? Ray naman!" bumigay na ang boses ko, kasabay nito ay bumalot ang luha sa aking mga mata.
Patuloy ka pa ring naglakad, dinaanan ang mga hilera ng puno na puno ng dilaw na ilaw.
"Ray kausapin mo naman ako!" sigaw ko sa iyo sabay muling hawak sa braso mo.
"Rome tama na!" kasabay ng sigaw mo ay isang malakas at malutong na sampal ang bumagsak sa mukha ko. Napakasakit, hindi ko akalaing magagawa mo ito. Unti-unti kong naramdaman ang pagpatak ng mainit na luha mula sa aking mata. Tumingin ako sa mga mata mo, hindi ko matukoy ang emosyon sa loob nito.
"Anong tama na? Sabihin mo naman sa akin Ray! Ipaliwanag mo naman!" bumilis ang tibok ng napakasakit kong puso.
"Anong ipapaliwanag ko?"
"Bakit tayo ganito?"
"Hindi ko alam, itanong mo sa sarili mo!" sigaw mo. Nag-umpisang mag-crack ang boses mo. Nakita ko ang pagpatak ng luha mula sa iyong mata.
"Alam kong malaki ang kasalanan ko sa iyo, kaya nga bumabawi ako."
"Hindi enough ang pagbawing ginagawa mo!"
"Ano pa bang gusto mo? Ginagawa ko naman lahat ng makakaya ko!"
"Hindi ko alam! Kasi kahit anong gawin mo, paulit-ulit kong naaalala ang mga nangyari sa atin noon. Ang pag-iwas mo sa akin ng walang dahilan, ang pag-deny mo sa pagkakaibigan natin na naging sanhi ng pag-apak ng GF mo sa pagkatao ko, at ang muli mong pagpatay mo sa akin sa Tokyo! Sobrang sakit Rome! Sobrang sakit! At hanggang ngayon ang sakit-sakit pa rin!" sabay hawak mo sa dibdib mo at paulit-ulit itong pinupukpok.
"Kaya nga tinatama ko ang mga pagkakamali ko." Basang-basa na ng luha ang mukha ko. Patuloy pa rin ang paghampas mo sa dibdib mo, pinigilan ko ito ngunit magkasunod na bumagsak ang palad mo sa magkabilang pisngi ko, napakasakit. Naramdaman ko ang lasang dugo na tumulo sa aking labi, pumutok ang itaas na labi ko sa lakas ng sampal mo.
"Tama na! Tama na!" sigaw mo habang nakatakip ang dalawang kamay sa magkabilang tenga. Unti-unti kang humagulgol.
"Ray..." Akmang lalapitan kita para akapin ka ay malakas mo akong tinulak.
"Tama na Rome! Hindi ko na kayang marinig pa ang mga sasabihin mo kaya tumigil ka na!"
"Ray naman please..." sumikip ang dibdib ko, inaatake na naman ata ako ng asthma. Pero wala akong pakielam.
"Utang na loob tama na! Maawa ka naman sa akin! Ano pa ba gusto mo Rome?" sigaw mong halos wala ng boses dahil sa pinapakawalan mong hagulgol.
"Sabihin mo sa akin na mahal mo ako! Na mahal mo pa rin ako! Na this time pwede na tayo! Kasi ngayon Ray handa na kitang ipaglaban!" sigaw ko. Ramdam ko ang pagbigat ng panga at leeg ko, halos hindi na ako makapagsalita.
There was silence. Nakatingin pa rin ang mga mata natin sa isa't-isa. Parang hinahalukay natin ang kaluluwa ng bawat isa. Wala akong makita sa iyo kundi puro galit at sakit.
"Hindi ko na kaya..." Bulong mo sabay iling. "It's too late Rome." sabay talikod at takbo palayo sa akin. Hinabol kita.
"Ray..." Yinakap kita ng mahigpit. "Ray wag naman ganito please." Nag-umpisa na akong magpakawala ng hagulgol.
"Let me go Rome." Mahina at plain mong sabi habang pilit kumakawala sa yakap ko. Bawat salita na lumalabas sa labi mo ay parang double-edged sword na tumatagos sa kaluluwa ko.
"Ayoko Ray... Ayoko!" Pautal-utal kong sigaw habang patuloy akong humahagulgol.
"Please let me go... Huwag mo na akong pahirapan pa..." lumalim ang iyong paghinga.
"Ayoko Ray! Ayokong mawala ka ulit sa akin..." lalo kong hinigpitan ang pagyakap ko sa iyo. I don't want to lose you.
"I'm sorry Rome... Pero matagal na akong nawala sa iyo."
Gumuho ang mundo ko sa narinig. Nagdilim ang paningin ko. Nanghina ang katawan ko. Unti-unti kang nakakalas sa akin at naglakad palayo. Durog na durog kong pinagmasdan ang paglayo mo. Hindi ko kinaya ang sakit, napaluhod ako.
Linabas ko ang lahat ng sama ng loob na nararamdaman ko. Kahit anong iyak ang gawin ko'y tila walang katapusan at tuloy-tuloy ang sakit, buong katawan ko ay parang napakasakit. Tanging malamig na hangin at mahina kong pag-iyak ang aking naririnig. Narinig ko ang mahinahong lawa, para itong nakikiisa sa sa aking pag-iyak.
Unti-unti kang nawala sa aking paningin, kasabay ng pagkain sa iyo ng kadiliman ay gumuho ang fairytale ending na sana'y nangyari sa lugar na ito. Heto ako, isang lalaki na iniiyakan ang isa ring lalaki na mahal na mahal ko. Ngayon alam ko na ang naramdaman mo noon – para akong namatay.
***
RAY:
"Napaaga po uwi niyo." bakas sa boses ko ang pagtataka..
"Tama lang. Kayo ang napaaga, dapat next week pa kayo ah." sabi ni Chichi. Alam kong napansin niya ang namumugto kong mga mata.
"Babalik kaming Kyoto after after he finished his presentation. May mga aasikasuhin po kasi ako eh." Pagsisinungaling ko.
"About?"
"My family." Another lie.
"Okay. Speaking of family, I want you to open that." Tukoy niya sa envelop sa harap namin. Binuksan ko ito. Nakita ko ang result ng proficiency exams ko, I passed. Isa ito sa mga requirement for Change of Status of Residence dito Japan.
"Congratulations!" masayang bati sa akin ni Mr. Kyou. Gustuhin kong magtatatalon sa saya ay hindi ko magawa, wala akong maramdamang kahit na anong emosyon ngayon. "Hindi ka ba masaya anak?"
"Masaya. Nag-aalala lang ako sa magiging reaction ng mga tao sa bahay." Pagsisinungaling ko ulit.
"Hmmm... I know how you feel right now son. You are one of the very few people that has been granted citizenship even though you've only been here for a mere 5 years. You know Ray that not just in Japan but also in other countries it will take you 10 to 20 years give or take to be approved for Citizenship. But you... You're one of a kind that is why I believe in you. And that is why I agreed to be your sponsor and for you to use my Family name as your Japanese Identity. So if there is no problem can I celebrate with my son."
Tama ang lahat ng sinabi sa akin ni Chichi kaya hindi ko dapat sayangin ang chance na ito. Di na ako umiik pa, agad akong lumapit sa kanya at niyakap ng mahigpit saby sabi "Hai, Chichi arigatou guzaimasu!"
"Welcome my son, Rei Kyou."
***
ROME:
Dalawang araw na ang nakaraan simula nang huli kitang makita. Kamusta ka na? Damn, why do I even think about you? Eh hindi ko nga alam kung dapat pa ba kitang isipin eh. Totoo lang mahal kita Ray, mahal na mahal. But I want to move on with my life at bumalik ako sa totoong purpose ko dito sa Japan, para sa negosyo ng pamilya ko.
"Kamusta daw si Boss?" tanong ni Lyn kay Jess at Kim. Kahit abala ako pag-aayos ng presentation ko'y malinaw kong naririnig ang pag-uusap nila gawa ng bahagyang naka-awang ang pinto ng opisina ko.
"Not good. Kilala ko yang si Pareng Rome. Ano ba kasing nangyari sa Kyoto? May nakwento na ba sa iyo si Ray?"
"Wala pa. Pero pansin niyo yung sugat sa labi niya?" si Lyn.
"Oo naman." Sagot ni Jess.
"Naku naman. Eh sa iyo teh nagparamdam na ba si Bakla? China-chat ko pero hindi nagpaparamdam." tanong niya siguro kay Kim.
"Chinat ko rin pero walang reply." Boses ni Kim.
Ilang segundo ang lumipas at narinig kong bumukas ang entrance ng pinto ng opisina namin. Tinaas ko ang ulo ko, nakita ko sa salamin na linuwa ka ng pinto. Kapansin-pansin ang maaliwalas mong mukha at ang makintab at itim na itim at naka-ayos mong buhok. Nagtama ang ating mga mata, binaba ko ang tingin pabalik sa inaasikaso ko kanina.
"Wow! Bagong hairstyle, at glowing ang face. Kaya pala hindi ka indyanero ka na ngayon." Bakas sa boses ni Lyn ang pagkairita.
Hinihintay kong marinig ang boses mo, pero katahimikan ang binigay mo. Nagbitiw ako ng malalim na hinga, ang bigat ng dibdib ko. Ayoko na muna kitang isipin, pero paano ko ito gagawin kung kailangan kitang makasama araw-araw?
"Kore wa Ray San wa Kyōryoku kabushiki gaisha no Bucho desu. Mata Rome no Sensei desu." Pakilala ni Lyn sa iyo sa mga bagong empleyado namin. Pasimple akong tumingin sa iyo, nakita kong kumaway ka at nagbitiw ng isang pilit na ngiti. Napakaseryoso ng mukha mo. Yumuko ako at binalik ang atensyon sa presentation ko. Putcha wala akong mailagay!
Narinig kong muling bumukas ang pinto ng opisina.
"Ay! May bisita tayo at ang gwapo!" sigaw ni Lyn. Muli kong tinaas ang ulo ko, nakita kong linuwa ng pinto ang lalaking ka-date mo noon sa double date natin, si Bae.
"Guys this is Bae." Pakilala mo kila Lyn, Jess, at Kim.
"Bae talaga tawag mo ah. Sweet. Jowa mo? Paano na si Boss?" walang prenong tanong ni Lyn. "Joke lang." Sabay tawa.
"Malisyosa." Sabi mo sabay iling at cross-arm.
Biglang sumikip ang dibdib ko sa narinig. Hindi ko alam kung ano ba talaga kayo ng lalaking iyan, pero ang sakit sa akin na makitang na-lilink ka sa iba. Tangina. Tumayo ako sa inuupuan kong itim na office chair at agad na lumabas ng kwarto ko. Tumingin ang lahat sa akin. Nagtama ang mata namin ng lalaking kasama mo.
"Hi good morning, do you have any business here? How can we help you?" bakas sa boses ko ang pagkairita.
"Hinatid ko lang si Ray." Sabi niya. Tumingin siya sa iyo, tumingin ka sa kanya. Tumango ka. "Sige man, I have to go." Sabi ng kupal na yun.
Tango lang ang sagot ko. Alam kong nakasimangot ang mukha ko pero wala akong pakielam. Tumalikod si Bae, hindi ko pa rin inaalis ang matulis na tingin sa kanya hanggang sa lumabas siya ng opisina.
Tumingin ako sa iyo. Wala akong makitang kahit na anong emosyon sa mga mata mo. Ewan ko kung nainis ka sa ginawa ko, pero kahit ikaw ang anak-anakan ni Mr. Kyou ay wala akong pakielam. Opisina ko ito! Napaka-sensitive mo para ipangalandakan o ibalandra ang lalaking iyon dito gayung alam mong mahal na mahal kita. Para kang nananadya eh.
Tumalikod ako at dumiretso sa comfort room. Malakas kong binagsak ang pinto. Hinilig ko ang likod ko sa pinto. Nagbitiw ako ng malalim na hinga, umecho ito sa buong banyo. Nagpunta ako sa lababo at naghilamos, rinig ko ang malutong na bagsak ng tubig. Tumingala ako, nakita ko ang sarili ko sa salamin.
Hindi ko maiwasang ikumpara ang sarili ko kay Bae. Fil-Am siya, ako ay isang Pinoy na may kaunting Japanese and Spanish Blood, as in kaunti na para bang pinatakan lang ako. Sa pagkakaalam ko ay type ni Ray ang mapuputi kagaya ni Bae, samantalang ako ay moreno.. Putangina! Na-iinsecure ba ako?
"You look so wasted. Shit." Bulong ko sa lalaki sa salamin.
***
RAY:
Narinig kong bumagsak ang pinto ng banyo. Galit ba siya? Binastos na nga niya ang bisita ko, siya pa ang galit!
"Taob si Boss. Gwapo ni Bae parang hollywood actor!" mahinang sabi ni Lyn kila Kim at Jess na parang kinikilig-kilig pa. Tiningnan ko siya. Tinapik siya ni Kim habang sinenyasan siya ni Jess, tumingin sa akin si Lyn. Napatakip siya ng bibig.
"Anong taob sinasabi mo?" sabay pamewang. Lumingon si Lyn, tumaob ang kulay pink na pencil case sa desk niya.
"Ah... Taob... eto tumaob parang si Rome. Ay parang ikaw... Ay!" sabay takip ng bibig. Mahinang tumawa si Jess at Kim. Tiningnan ko sila ng masama sabay taas ng kilay.
Wala pang dalawang segundo ay bumukas ang pinto ng opisina. Lumingon kaming lahat. Nakakita ako ng demonyo, nakaitim siyang blouse at naka-maong pants. Aba! Himala! Nag-dress down ata ang impakta!
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Kapal! Nagtama ang aming mata. Tumaas ang kilay niya, mas tinaasan ko ang kilay ko.
"Yes how can I help you? Gel!" pagdiin ni Lyn sa pangalan nito. Tiningnan niya si Lyn mula ulo hanggang paa. Ang plastic ni bruha, alam kong sukang-suka na siya dahil alam ko namang imbyerna siya sa demonyong nasa harap namin.
"Where's Rome?" mataray nitong tanong.
"This is our room. Then there's our comfort room." Turo niya. "Bakit? Mag-CR ka? Ay sure sige, pero ingat teh, baka kainin ka ng kubeta namin. Hindi lang tanga kinakain niyan kundi pati impakta rin." Sabay ikot ng mata ni Lyn.
"What did you say? Bastos ka ah!" pigil na sigaw nito. Pansin ng ibang empleyado ang mahinang pagsigaw ni Gel. "Hindi ba trabaho mong mag-welcome ng guest dito? Hindi ba dapat pinapakilala mo ako?" sabay pamewang. "Ako na boyfriend ng amo mo?" sabay tingin sa akin at ngisi.
"Ay! Sorry po Ma'am Gel." Pagdiin niya sa salitang Ma'am.
"It's Miss." Pagdiin niya habang nanlilisik mga mata.
"Okay. Miss Gel." Si Lyn sabay ngiwi. "Everyone! Ipapakilala ko kayo." Sabay clap ng kamay. "Mina san korewa Geru san ano ne Geru san no Manko de itsumo kayui date... Mina no Dansei o kyotsukete kudasai" nakangiting pagpapakilala ni Lyn kay Gel.
Nagulat ang lahat. Nanlaki ang mata ng mga lalaking hapon sa narinig. Ang ilan ay nagtawanan, kilala kasi nila si Lyn na mapagbiro, pero alam kong yun talaga ang umiikot sa utak ng kaibigan ko.
"Bakit ganyan itsura nila? Paki-translate nga sa tagalog ang sinabi mo. Gusto ko marinig." Ikot matang sabi ni Gel. Tumingin si Lyn kay Gel. Tumaas ang kilay ng demonyo. Ngumiti si Lyn.
"Ito po si Gel. May allergy po si Gel. Tuwing nakakakita ng lalaki si Gel, nangangati si Gel." Si Lyn sabay kagat labi at kamot sa harapan niya. "Kaya boys, mag-ingat po kay Gel. Kasi mahilig magpakantot este magpakamot si Gel. Huwag tularan si Gel." Sabay ikot mata ni bruhitang Lyn.
Nanlaki mata ko sa narinig. Kitang-kita ko rin ang gulat sa mukha ng mga pinoy na empleyado doon.
"Hayup ka!" sabay sampal ni Gel kay Lyn. Gumanti si Lyn, pinukpok niya sa mukha si Gel at pagkatapos ay hinablot ang buhok nito at agad na sinubsob ang mukha nito sa pinto sa likod niya. Paulit-ulit na inumpog-umpog ni Lyn ang walang kalaban-laban na si Gel, kulang na lang ay bumakat ang mukha nito sa pinto. Nagsisisigaw si Gel, humingi ng saklolo. Agad lumapit si Jess at Kim para hatakin palayo si Lyn. Akmang susugod pa sana si Gel nang harangin ito ni Rome.
"Tao akong nagpunta rito tapos babastusin mo ako!" sigaw ni Gel.
"Taong kung umasta ay reyna, reyna ng mga puta! Hoy babae tigilan mo ako ng kaplastikan mong yan at alam ko habol mo! Palibhasa kulang ka lang sa kantot kaya ka nag hahabol ngayon kay Rome!" walang prenong sigaw ni Lyn.
"Bastos ka! Halika rito dudukutin ko mata mo!" namumulang sigaw ni Gel habang pilit siyang hinatak palabas ni Rome.
"Halika! Dali! Game! Ako mismo magtatahi sa puke mo para tumigil na sa pangangati at hindi na magamit. Dali!" sigaw ni Lyn.
Kasabay ng pagsara ng pinto ay unti-unting humupa ang tensyon. Pinaupo namin si Lyn at binigyan ng tubig.
"Anong ginawa mo teh?" si Kim na nakapamewang.
"Aba bakit? Kasalanan ko ba?"
"Bisita pa rin yun teh."
"Wala akong pakielam. Ilang taon ko ng gustong gawin iyon sa kanya, kulang pa nga eh. Naalala niyo yung ginawa niya kay Ray noon? Wala pa iyon teh!" diretsong sabi ni Lyn.
Muling nagbalik sa ala-ala ko ang pamamahiya at pambubugbog na ginawa ni Gel at ng mga kaibigan niya sa akin. Oo manhid na ako simula noong isang gabi, pero bigla akong nakaramdam ng bigat at kirot sa puso ko.
Bumukas ang pinto. Nakita namin si Rome, bakas sa mukha niya ang galit.
"Go to my office. Now!" Sabi niya kay Lyn habang dire-diretsong pumasok sa opisina niya. Nagkatinginan si Kim ay Jess, bakas sa mata nila ang pag-aalala. Sumunod si Lyn. Inakbayan ko siya at pumasok sa opisina ni Rome. Sinarado ko ang pinto.
"Anong ginawa mo?" si Rome habang nakatukod ang kamay sa desk niya, nakatalikod siya sa direksyon namin.
"Sir sinampal niya ako."
"Pero binastos mo siya."
"Oo trabaho ko ang humarap sa mga business related guest. Pero hindi ko trabahong makihalubilo sa mga personal na tao sa buhay mo Sir, lalo na kung ang taong ito ay binabastos na ako." Diretsong sabi ni Lyn. Humarap si Rome, bakas sa mukha niya ang gulat nang makita niya ako.
"What are you doing here?"
"Ako nagpasok kay Lyn. So dapat marinig ko if you will fire her or not. At kung reasonable ba ang dahilan mo kung sakaling sisisantihin mo siya."
"This is between me and my employee."
"This is not between you and your employee. This is between her and that slut!" sigaw ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit ko nasabi iyon.
Nagulat si Rome sa sinabi ko.
"Lyn, iwan mo muna kami." Dahan-dahang lumabas si Lyn ng kwarto. Narinig ko ang pagsara nito.
"Hindi ko sisisantihin si Lyn. Pagsasabihan ko lang siya."
"Well I think dapat mas pagsabihan mo ang malandi mong girlfriend." Diin ko sa huling salita. Bumilis ang tibok ng puso ko.
"Pinagsabihan ko na rin siya."
"But don't ever blame Lyn or anyone, kasi kung tutuusin wala namang gulo kung hindi bumalik ang babaeng iyan. Alam mo kung ano ginawa niya, you of all people should know that Rome!"
"This is not about the past Ray."
"Yes this is about the past. Kaya siya nandito naghahabol siya."
"Eh ano bang pakielam mo? Ikaw ba pinakielaman ko kanina noong dinala mo ang boyfriend mo dito?" tukoy niya kay Bae. Tumawa ako.
"So nagseselos ka."
"Hindi."
"Admit it. Mas mabait, mas maputi, mas mayaman, at mas gwapo si Bae kaysa sa iyo. All the qualities that I want ay nasa kanya." Nakangiti kong pang-iinis kay Rome.
"Baka ikaw ang nagseselos. Kasi babae si Gel. At kaya niya akong bigyan ng anak!" sigaw niya.
Para akong hinampas ng malaking bagay sa narinig ko. Parang piniga ang puso ko at pagkatapos ay dinurog ito. Nakakapanghina. Bakas sa mukha ni Rome ang gulat sa sinabi niya na parang natauhan ito.
"Thank you ha. Pinamukha mo sa akin ang hindi ko kayang ibigay sa iyo." Napansin kong nag-umpisang manginig ang boses ko. "Oo nga naman, dapat dati ko pa alam iyan. Kaya nga hindi mo ako pinili noon eh. At hanggang ngayon, siya pa rin ang pinipili mo." Nabalot ng luha ang mata ko.
"I'm sorry. Hindi yun ang ibig kong sabihin. Nadala lang ako sa galit ko." Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang braso. Malakas ko siyang tinulak. Agad kong tinumbok ang pinto, binuksan ito ng malakas at nagtatatakbong lumabas. Nakita kong nakatingin sa akin ang mga kaibigan ko pero hindi ko na ito pinansin lumabas ako ng opisina.
Napansin ko na lang na nasa may hagdan na ako. Napaluhod ako. Hindi naman kami, wala naman siyang parte sa buhay ko because he's a stranger, pero napakasakit na marinig iyon mula sa kanya. Siguro ay dahil ito ang realidad, isang bagay na kailanman ay hindi ko maibibigay sa kanya. Hindi ko na napigilang humagulgol. Umupo ako in fetal position. Nanginginig ang buong katawan ko. Halos hindi ako makahinga sa pinaghalong iyak, sakit, at sama ng loob.
Ilang saglit pa'y biglang tumunog ang cellphone ko. I'm expecting an email from Chichi kaya masama man ang loob ko'y kinuha ko ito. Nakita ko ang pangalan ng nag-email, hindi ito si Chichi. Ito yung lalaking ilang araw ng nangungulit sa akin.
"Ray. Please... I need your help. Para sa anak ko."
Dahil sa galit ko sa demonyong Ex niya ay rineplyan ko ang lalaki.
"How can I help you? Tell me everything."
Halos kalahating minuto ang lumipas nang makatanggap ako ng reply mula sa lalaki. Parang sumabog ang utak ko sa nabasa. Hindi ko akalaing kayang gawin ng demonyong iyon ang ginawa niya dalawang taon na ang nakaraan. Nanlamig ang kamay ko. Bakit niya ginawa iyon? Oo alam kong salbahe siya, pero hindi ko lubos maisip na kaya niyang gawin ang bagay na iyon. Hindi ko maiwasang hindi isipin na may koneksyon ito sa pagbabalik niya sa buhay ni Rome.
Thanks for reading! Comments, Suggestions, and Feedback are all welcome! ^_^
ReplyDeleteGrabe ang intense ang sakit for Rome. Huhu
ReplyDelete-44
Masakit din po kay Ray. Thanks po for reading! Sana di kayo bumitiw. ^_^
DeleteGrabe sobrang intense ng mga pangyayari......worth the wait...kudos tonthe author....:)
ReplyDeleteSalamat! :-)
DeleteArte ni ray daig p nya ang babae..
ReplyDeleteReality check pls...
Ndi n mktotohanan ei...
#LSDee
Thanks for reading!
DeleteMaybe on your perspective hindi na makatotohanan. Don't judge Ray kasi hindi mo pa po alam ang nangyari sa kanya.
Ang mali ko rin po dito ay hindi ko nailagay ang isa pang dapat na highlight sa Chapter na ito, yung PAST NI RAY AFTER SIYA IPAHIYA NOON NI GEL. Something happened to Ray that time, sa family, sa buhay niya kaya siya ganyan. That is also the reason why close sila ni Bae kasi doon dumating si Bae sa buhay niya (I think nabanggit ko ito dati). Anyway next chapter na lang. Hehehe.
DeleteCan't wait for the next chapters..
ReplyDelete-dufei-
Salamat po! :-D
DeleteWala nang pag-asa magkaayos sina Rome at ray lalong lumalala ang away an nila tapos sasali pa si bae para mating third party wala na....
ReplyDeleteHow sad naman?Rome kayanin mo I to at ayusin mo buhay at mag move on na ehheheheheh
Jharz
Yun ang ginagawa ni Rome, mag move on. Pero ang tanong, kaya ba niya eh lalo silang magkakalapit ni Ray sa susunod Chapter? Lalo na malalaman na niya ang nakaraan ni Ray after yung incident na pinahiya ito ni Gel noon/
DeleteThanks for reading! ^_^
I said last time that Chapter 14 is the best Chapter of both Dear Stranger and Love Stranger. Pero nahigitan nitong Chapter na ito ang previous chapter. Imagery wise mas angat ang Chapter 14 pero if we're talking about emotions, this is the thing! This is it! I just noticed that my tears are all over my face.
ReplyDeleteI love the fight scene of Gel and Lyn. Epic yung pakilala ni Lyn kay Gel. I love it! Bastos pero okay na okay sa akin iyon, swak sa personality ni Lyn.
Excited for the next Chapter. Obviously, ex-boyfriend ni Gel ang kausap ni Ray. Parang alam ko na ang sinabi niya kay Ray. Tsk!
More power whitepal! Cheers!
- Zefyr
Ulitin ko na rin dude, kay Roj Sawada galing yung line ni Lyn kay Gel. Sa kanya galing yun plus the details sa Japanese Citizenship thingy since siya yung kakilala kong nasa Japan ngayon.
DeleteThanks for reading! :-)
Impressive! Isa tong dear stranger sa mga inaabangan kong update dito sa msob. :) I'll keep on going back to msob because of your story :)
ReplyDeleteMaraming Salamat!
Delete