MAY MGA TYPO'S AND PROBABLY GRAMMAR ERROR ITO. 'DI KO PA NA-EEDIT DAHIL MEDYO BUSY PO AKO. SA BOOK VERSION (SOON IN BUQO), NANDOON PO ANG EDITED VERSION AND BETTER VERSION. (May mga bonus clip and scenes din po akong balak idagdag doon so kung gusto niyo pong mabasa, I suggest you get a copy po once na available na.)
You can add me on facebook. I want to keep in touch with you guys.
https://www.facebook.com/gabriel.montenegro.35
https://www.facebook.com/gabriel.montenegro.35
Please like my page na rin. Thanks in advance!
https://www.facebook.com/whitepal.gabriel
https://www.facebook.com/whitepal.gabriel
Again. FRIDAY - SUNDAY po ako nag-uupdate ng story. Once or twice a week.
Batian portion. Next chapter na po, kailangan ko pang mag-review at marami pa akong gagawin. (namiss ko na ito! =D )
(PREVIOUS CHAPTER CLICK HERE!)
CHAPTER SEVEN
Batian portion. Next chapter na po, kailangan ko pang mag-review at marami pa akong gagawin. (namiss ko na ito! =D )
(PREVIOUS CHAPTER CLICK HERE!)
======================================================================
“Hoy, tara na.”
“Ayoko pa.”
“Tayo na lang naiwan dito bro. Tara na!” sabi niya sabay tapik ng kanyang kamao sa aking braso.
“Ang ganda ng view dito eh. At ang sarap ding umupo.” pagmamaktol ko. “Romantic din.” bulong ko. Hihihi.
Hinawakan niya ang aking kamay at pilit akong hinatak. Nanlaki ang aking mga mata. Muli kong naramdaman ang kuryenteng naramdaman ko kanina noong hinawakan niya ang aking kamay bago sumakay ng boat.
“Tara na kasi takaw! Dali malapit na tayong kumain. Last stop na itong Asakusa oh.” sabi niya habang buong pwersa akong hinahatak. Napatayo ako. Malakas kong hinatak ang aking kamay mula sa kanyang kamay. Na-awkward ako.
“Opo tatayo na.” sabi ko sabay cross-arm at naglakad.
Bago kami bumaba ay muli akong lumingon. Inikot ko ang aking mga mata. Napakaganda talaga. Sana’y hindi na natapos ang nangyari kanina. Wehre just there, sitting and talking habang nag-sightseeing. Ni-hindi nga rin namin napansin na may iba palang mga tao sa paligid namin eh. Parang amin ang mundo.
Nagbitiw ako ng isang malalim na hinga. Bumaba kami at naglakad palabas ng River Cruise Boat. Pinapila kami ng aming tour guide sa pier. Ilang saglit pa’y nag-umpisa kaming maglakad papuntang Asakusa.
Tahimik. Dahan-dahan akong tumingin sa kanya. Napansin ko ang dahan-dahang paglingon niya sa akin. Inalis ko ang tingin ko sa kanya, ko ang aking mga mata sa European couple na nasa aming harapan. Ilang segundo ang lumipas at muli ako tumingin sa kanya, dahan-dahan. Sa pagkakataong ito’y nahuli niya akong nakatingin sa kanya.
“Shit” sigaw ng utak ko.
Tahimik. ‘Di ko napigilang mapangiti, ganoon din siya, nauwi ito sa tawanan. Parang tanga lang.
“Ano mayroon?” sabi niya habang nangingiti-ngiti at nakalabas ang dimples.
“Ewan ko.”
“Anong ewan mo?”
“Wala.” sagot ko. Pagkasabi ko noon ay biglang tumunog ang aking sikmura. Patay! Gutom na nga ako. Tumawa siya nang malakas.
“Nag-aalburoto na ang mga bulate mo.”
“Wala akong bulate baliw.”
“Mayroon iyan panigurado. Gumaganito na sila oh.” sabay mahinhin niyang kamot at ginalaw-galaw ang mga daliri sa aking braso. Kinilabutan ako.
“’Wag dude! Ano ba!” sigaw ko. ‘Di ko napigilang mapangiti. Nakiliti ako sa ginawa niya.
Nasa ganoon kaming kulitan nang may lumapit sa kanyang isang babae. Palagay ko’y Amerikana ang lahi ng babaeng ito.
“Hi.” nakangiting bati nito kay Rome.
“Hello.” pasimpleng ngumiti si Rome.
“I saw you at the cruise a while ago and I think you’re really cute and hot.”
“Thanks. You’re pretty hot too.” sagot ni Rome sabay kindat.
Bahagya akong natigilan sa paglalakad sa narinig. Pasimple akong dumistansya sa kanila. Dahan-dahan kong tiningnan ang babae, malagkit ang tingin nito kay Rome. Tinuon ng mga mata ko ang mukha ni Rome. Nakita ko ang abot tengang ngiti sa mga labi nito.
Parang may kung anong bagay ang bumalot sa aking katawan. Hindi ko alam, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Parang may kung anong bagay ang humampas sa aking dibdib. Ang dami kong tanong na hindi ko alam kung papaano sagutin. Naguguluhan ako. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Inalis ko ang tingin sa kanila at tinuon ito sa aking harapan, may nakita akong mga couples.
“Ang galing! So now I’m surrounded by couples. Amazing. Tangina lang.” bulong ko sa sarili ko.
Nasa ganoon akong paglalakad nang matalisod ako ng isang bato. Naramdaman ng katawan ko ang semento. Tiningnan ko ang aking kamay, namumula ito. Tangina talaga.
“Bro okay ka lang?” isang boses ang narinig ko. Naramdaman ko ang isang brasong pilit akong itinataas. Alam kong si Rome ito.
“Okay lang ako. Ang tanga ko lang eh. Ang tanga-tanga.” sabi ko sabay bitiw ng isang pilit na ngiti. Naglakad ako, linagpasan ko sila ng kaunti. Ayoko silang makita.
‘Di ko maintindihan ang sarili ko. ‘Di ko maintindihan ang nararamdaman ko. Ang alam ko lang ay nabubwisit ako. Nasira ang araw ko. Ewan ko. Putangina talaga. I just want to go back to my room at matapos na ang araw na ito.
***
“It’s fun to walk alone. Sa wakas nakalanghap din ng sariwang hangin, walang asungot at walang epal.” sabi ko habang kinakausap ang sarili. Iniwan nang walang paalam si Rome kasama ang babaeng foreigner. Bahala sila moment nila ‘yun. Basta ako mag-eenjoy mag-isa. Hehehe.
Inikot ko ang aking mga mata, sobrang daming tindahan dito sa Asakusa. Dikit-dikit parang divisoria, ang kaibahan ay mas maganda at mas organize dito.
May mga binili akong ilang mga gamit like accessories, shirt, at iba pa, pasalubong ko ito sa mga kaibigan at pamilya ko.
Habang nag-iikot at tumitingin sa mga tinda ay nakita ko ang isang bracelet. Sa ‘di malamang dahilan ay kinuha ko ito at tinitigang mabuti. May bilog itong mga beads na gawa sa emerald, may white gold metal ding nakakabit dito. Kapansin-pansin din ang palawit nitong white-gold metal na bilog na may naka-ukit na 永 na pag binasa mo ay ei; ang ibig sabihin nito ay eternity.
“Ang ganda.” ‘di ko napigilang sambitin. Simple lang ang disenyo pero ‘di ko maintindihan ang sarili kung bakit nabighani ako sa bracelet na iyon. Siguro ay dahil sa design na pwede panlalaki? O di kaya’y dahil maganda ang salitang nakaukit dito? Ewan ko. Basta malayo pa lang ay nagandahan na ako.
Wala pang tatlong segundo’y nag-desisyon akong bilhin ang bracelet na iyon. Ewan ko ba kung ano ang tumama sa akin. Parang may kung anong mahika ang taglay ng bracelet na ito na na-hypnotize akong maglabas ng pera para bilhin ito.
***
“Ang sarap kumain forever!” sambit ko habang nginunguya ang Sticky Cake na nabili ko habang nag-iikot kanina sa Asakusa Market.
“Chocolate flavor pa! I’m so chocoholic!” masaya kong sabi sabay lunok.
Sunod kong binuksan ang Mochi Creme na nabili ko rin sa Market. Marami-rami ito.
“Gutom pa ako! Grabe nakakapagod na araw.” sabi ko sabay kagat, kulay pula ito. Tumingin ako sa labas ng bus. Nakita ko ang paglalakad ng ilang mga tao sa ‘di kalayuan.
“Grabe bro ang ganda nung chicks.” sabi ng isang boses. Naramdaman kong may umupo sa aking tabi. Tumingin ako, nakita ko si Rome. Nandito na pala siya. Hmp!
“Bwisit na ito, bakit nandito ito? Ang ganda rin ng bungad niya ah.”
“Oo nakita ko.” bakas sa boses ko ang inis. Sinubo ko ng isang buo ang Mochi Creme, ‘di ko alam kung bakit ko nagawa ito, siguro ay dala ng inis sa kanya. Bwisit talaga.
“Okay ka lang?”
“Yeah. Ang saya mag-ikot. Ang dami kong nabiling pasalubong.” sabi ko habang ngumunguya.
“Sayang naman ‘di tayo nakapag-ikot sa Asakusa temple.”
“Maraming tao eh.” pabalang kong sagot. “At marami ring epal. Tangina talaga.” bulong ko sa sarili ko.
“Sandali nga bro, bakit kanina pa mainit ang ulo mo? Galit ka ba?” nagbago ang kanyang mukha.
‘Di ako kumibo. Linunok ko ang nginunguya ko at pagkatapos ay muli akong kumuha ng isa pang Mochi Creme, kulay blue naman ito. Kinagat ko ito.
“Nagseselos?”
Nabulunan ako. Umubo, habang hinahampas ng malakas ang dibdib ko. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Bumilis ang kabog sa aking dibdib. Parang may kung anong bagay ang bumara sa lalamunan ko. ‘Di ako makapagsalita. ‘Di ako makakilos. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Ang gago lang ng tanong niya. Ako? Magseselos sa babaeng ‘yun? Hell no! Sino ba ako? Ano ba kami? At higit sa lahat bakit ako magseselos eh hindi ko naman siya mahal. I just met him this morning. Bullshit na tanong iyan! Ang presko niya ah. So ano type ko siya? What the fuck!
“Inom ka muna.” Inabot niya ang tubig sa akin. Binuksan ko ito at tumungga.
“Heto oh.” sabay abot ng isang maliit na papel. I gave him a quizzical look.
“Since mabait ka naman sa akin at...” natigilan siya, bahagya siyang napangiti. “Matakaw... Tignan mo nga iyang bibig mo puro creme.” sabay halakhak.
Pinunasan ko ang bibig ko. Alam kong nakabusangot pa rin ako.
“Smile ka naman ‘dyan... Nasa papel na ‘yan ang email niya. Iyong-iyo na siya. Alam ko naman trip mo si chika babes eh. Hehehe.”
Nabilaukan ako sa narinig ko. Bumara ang kinakain at mga linunok kong Mochi Creme sa lalamunan ko. Ang ilan pa rito’y napunta sa loob ng ilong ko. Ang sakit. Pero kahit ganoon ay ‘di ko napigilang matawa nang malakas. Tumingin ako sa kanya, nakita kong tumatawa si loko.
“Hindi naman niya alam kung sino ako eh, so I think sasakyan ko na lang siya at baka makahalata pa. Besides, bakit ba ako kinakain ng emotion ko? Selos ba ‘yun? Oo, siguro, pero bakit ba ako magseselos? Binigay pa nga niya sa akin ang email eh, so I think ‘di niya gusto ang babaeng iyon.” Isip ko.
“Dahil ‘dyan, pahingi! Mukhang masarap ah.” sabi niya sabay kuha ng isang green na Mochi Creme. Matakaw rin itong si loko eh. Sarap tadyakan. Hahaha.
“Tingnan mo! Ang lakas ng loob mong tawaging matakaw ako! Sino kaya matakaw ngayon? Buraot na ito!” sigaw ko.
“Glutton! Masiba! Baboy! Patay gutom!” sigaw ni Rome sa akin sabay pitik ng ilong ko. Bilang ganiti’y pinitik ko ang malaki niyang tenga.
Tawanan.
Napansin ko na lang na umandar na ang aming tour bus.
***
Binaba kami ng bus sa Tokyo Station. Puno ng maliliwanag na ilaw ang buong kapaligiran. Ang iba ay nanggagaling sa mismong building ng Tokyo Station, samantalang ang iba naman ay galing sa mga gusali sa labas.
“Tapos na rin ang tour.” sabi niya. Nagbitiw siya ng malalim na hinga.
“Pero hindi pa tapos ang araw.” sabi ko sabay ngiti.
“Ha!?”
“Tara!” sabay tapik sa kanyang braso.
“Hoy! Saan tayo pupunta?”
“Basta tara.”
***
“Ang ganda naman dito pag gabi!” sigaw niya habang tumatawid kami ng kalsada kasabay ang napakaraming tao. Bakas sa mukha niya ang pagkamangha.
Pagkagaling ng Tokyo Station ay nagpunta kaming Shibuya. Para kang nasa isang sci-fi movie dahil sa dami ng ilaw mula sa gusali, billboards, screens, at syempre ang dire-diretsong galaw ng mga tao at sasakyan. Nakakadagdag buhay rin ang music na maririnig mong umaalingawngaw sa buong lugar.
“Kulang na lang dito ay kotseng lumilipad, parang sci-fi movie na ang setting! Astig!” maliwanag ang kanyang mukha, hindi lang dahil tinatamaan ito ng ilaw kundi dahil din sa sayang naka-ukit dito.
‘Di ko napigilang ngumiti at umiling. Para akong may kasamang batang damulag.
Patuloy kaming naglakad. Hanggang sa nadaanan namin ang Statue ni Hachiko.
“Naalala mo ‘yan? ‘Dyan kita nakita kahapon.” Tumingin ako sa kanya.
“Oo.” sabi niya sabay smirk.
Walang nagsasalita. Nakatingin siya sa Statue ni Hachiko. Malalim ang linalakbay ng kanyang mga mata. Nagbitiw siya ng isang malalim na hinga.
“Pinagmamasdan mo nga iyan kahapon eh. Hinihintay ko ngang gumalaw eh, tapos sakmalin ka.” sabi ko sabay tawa.
“Sira ulo.” sabay ngiti. Yumuko siya at pagkatapos ay naglakad palayo.
“Dude! Saan ka pupunta?” sigaw ko sa kanya.
“Kakain. Sama ka?”
“Syempre! Ako kaya nagdala sa iyo dito. Tsaka gutom na rin ako eh.”
“Matakaw ka talaga. Tara na bagal mo.” sabi niya. Tumalikod siya at nag-umpisang maglakad. Sinundan ko siya.
I saw that same face kanina sa Tokyo Imperial Palace when we talked about loyalty. Sinabi niya rin na tanga na lang ang naniniwala sa loyalty, ganun din sa love. Ganoon din ang itsura ng kanyang mga mata when we saw a newly wed couple sa Happo-en Garden this morning. Hindi man siya magsalita, alam ko ang dinadala niya. Alam ko kasi ganoon ang itsura ko noong dinurog ako ng isang tao sa aking nakaraan, six years ago.
Patuloy kaming naglakad. Dinaanan namin ang nakahilerang mga puno, katabi ang kalsada. Lumiko siya sa isang malapad na kalsada, linagpasan niya ang ilang mga tao at maliliwanag na mga screen at billboards. Hindi ko alam kung gaano kalayo at gaano katagal na kaming naglalakad.
“Nasaan na tayo?”
“Hindi ko alam, kanina pa tayo paikot-ikot.”
“Hay naku, kanina pa ako nagugutom! Kumakalam na sikmura ko!” sigaw ko.
“Sabihin mo, nag-aalburoto na mga bulate mo ‘dyan.” sabay tapik sa tyan ko.
Matulis ko siyang tiningnan. Habang tinitingnan ko siya’y nakita ko ang isang karatula ng Ramen House.
“Doon tayo!” masaya kong sabi sabay malakas na hinampas sa kanyang braso.
“Ikaw talaga basta pagkain at kainan walang ligtas sa mata mo.” napakamot siya ng ulo.
“Syempre. I’m the best!”
“Oh, tama na. Baka lumaki na ang ulo mo niyan!”
“Wala pa ring mas lalaki sa tenga mo!”
“Gago.” matulis siyang tumingin.
Pinitik ko ang kanyang tenga.
“Tarantado ka talaga Ray.” sigaw niya sabay pisil sa ilong ko.
“’Wag! Baka sipunin ako sensitive ‘yan!” sigaw kong boses ngongo dahil sa madiin niyang pinipisil ang aking ilong.
“Ay sorry sinasadya.” sabi niya na ang mukha ay nang-iinis. Lalo pa niyang diniinan ang pagpisil sa aking ilong. Hinawakan ko ang tenga niya at hinatak ito.
“Aray!”
“Bitawan mo ilong ko kundi mapupunit ito!” sigaw kong boses ngongo.
Wala pang dalawang segundo’y binitiwan niya ang ilong ko. Tiningnan niya ako ng masama. I gave him a sharp look. Tahimik. Ilang sandali pa’y sabay kaming ngumiti, nauwi ito sa tawanan.
“Tara na! Gutom na ako!” sabay hatak ko sa kanyang kamay. Muli kong naramdaman ang kuryenteng nakabalot sa kanyang mainit na balat. Naiilang man ay pinagpatuloy kong hatakin ang kamay niya. Ang bagal-bagal niya kasi, gusto ko ng kumain.
***
“Grabe busog na ako!” sabi niya habang hinihimas ang tyan.
“Wala ka pala eh. Ang hina mo kumain.” sabi ko sabay higop ng sabaw ng Ramen.
“Bro, huwag mong ikumpara ang bituka ko sa bituka mo. May anaconda ‘dyan eh.”
“Yeah right.” muli akong humigop ng sabaw. “Bitin ako!”
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Bumagsak ang kanyang bibig kasama ang panga.
“Naka-limang bowl ka na ng Ramen bitin ka pa rin?”
“Exage ka naman, tatlo lang dude.”
Tumawa siya.
“Dude, diet ako today kaya ‘wag kang magulo.”
“Ha!? Alam mo ba ang ibig sabihin ng diet? Kanina sa bus kumain ka ng biscuit, sticky cake, at mochi creme. Kumain din tayo ng lunch sa hotel.”
“Exactly. Fine-dining ‘yun dude, tipid na tipid ang pagkain. ‘Di ako nabusog. Tsaka wala tayong ginawa kundi maglakad.” sabi ko habang linalasap ang mainit at maanghang na sabaw ng Ramen.
Napailing siya habang nakangiti. Tumingin siya sa plato niya. Kinuha niya ang chopsticks, inipit ang natirang karage na nasa kanyang plato at pagkatapos ay linagay ito sa plato ko.
“Sa iyo na lang.” sabi niya sabay ngiti.
“Thanks!” kinuha ko ang karage at kinagat ito. Natuwa naman ako na binigyan niya ako ng pagkain. Gustong-gusto ko kaya na binibigyan ako ng food. Tumingin ako sa kanya. Nakangiti siyang nakatingin siya sa akin. Pinapanood pala ako kumain ni mokong! Bigla ako nakaramdam ng hiya. Nailang ako sa pagtitig niya sa akin. Matulis ko siyang tiningnan.
“Alam mo bang rude ang tumitig sa taong kumakain?”
“Ha?” gulat na tanong niya. Parang naalimpungatan si loko. Lutang lang?
“Sabi ko, rude ang tumitig sa taong kumakain.” sabay subo sa natitirang karage.
“Sorry. Ang sarap mo lang kasing panooring kumain eh.” sabi niya sabay ngiti.
“Pati ba naman sa pagkain clown pa rin ako sa paningin mo?” sabi ko habang ngumunguya.
“Grabe ito... Oh ano tapos ka na?” sabi niya. Nag-inat siya ng katawan.
“Yeah.” sabay lagok ng tubig.
“Tara na? It’s time to rest.”
“Oopss! Maaga pa hoy. Nasa bakasyon ka kaya sulitin mo na dude. The night is still young.”
“May naisip ka pa bang puntahan?”
Nagbitiw ako ng nakakalokong ngiti.
ITUTULOY
P.S. Nasa Wattpad po ang STORY na ito. Kung nagustuhan niyo po'y please vote (click the star) niyo po. JUST CLICK THIS TO DIRECT YOU TO THE PAGE. You can VOTE FOR EVERY CHAPTER, counted po ang bawat votes. Thanks! :-)
Huwag po mahiyang magcomment. I need it po since plan ko pong i-publish ito sa eBook. Typo and some grammar errors are given, medyo busy po ako at wala ng time mag-edit ng todo-todo. Other aspect na palagay niyong pupwedeng iimprove please notify me here or pwede ring add me sa FB then chat me. Isa lang po hiling ko, respect and say it in a nice way. =D
ReplyDeleteMaraming maraming salamat po sa pagbabasa. ^_^
Maganda ang takbo ng storya author pero bitin.. Anong araw yong update ng storya mo?? Hope to read the next chapter.. xiexie
ReplyDeleteNakalagay po sa AUTHOR's note. Friday-Saturday ang update. Dapattwice a week kaso may midterms ako this coming week eh kaya 'di ko matapos ito on time. Hopefully sa mga susunod na linggo okay na sched ko.
DeleteThanks for reading. :-)
Umpisa na talaga ito kasi nakaramdam na ng selos si Ray, sign ito na nahuhulog na siya kay Rome. Sana lang hindi unrequited love.
ReplyDeleteImportant ang next chapter, abangan! sana patuloy ka pa ring magcomment at huwag magsawa. Mga comment ng readers ko nakakatulong sa pagsusulat ko at mas ayusin ang story ko.
DeleteHave a nice day! Salamat. ^_^
Next chapter na po boss ;) haha
ReplyDelete