AUTHOR'S NOTE:
MAY MGA TYPO'S AND PROBABLY GRAMMAR ERROR ITO. 'DI KO PA NA-EEDIT DAHIL MEDYO BUSY PO AKO. SA BOOK VERSION (SOON IN BUQO), NANDOON PO ANG EDITED VERSION AND BETTER VERSION. (May mga bonus clip and scenes din po akong balak idagdag doon so kung gusto niyo pong mabasa, I suggest you get a copy po once na available na.)
Again. FRIDAY - SUNDAY po ako nag-uupdate ng story. Once or twice a week.
Batian portion. Next chapter na po, kailangan ko pang mag-review at marami pa akong gagawin. (namiss ko na ito! =D )
CHAPTER GUIDE:
======================================================
CHAPTER EIGHT
“Wow! Astig
dito!” bakas sa boses niya ang excitement.
“Hala sige
magsawa ka sa dami.” sabi kong nakangiti sabay cross-arm.
Pumunta kami
sa isang building na punung-puno ng manga comics, merchandise, Anime CD’s, at
pati na rin mga costume na ginagamit sa manga cosplay ay mabibili rito. Para
itong isang paradise sa mga Otaku na gaya namin ni Rome.
Tumingin ako
sa kanya. Bakas sa mga mata niya ang saya. Tumingin siya sa akin.
“Marami
sigurong old version ng mga manga’s dito.”
“Yeah marami
nga.”
Naglakad
kami. Inikot ko ang aking mga mata. Pumasok kami sa isang store na punung-puno
ng manga comics. Sinalubong kami ng isang Japanese song na ang alam ko’y
ginamit sa isang anime.
“Wow! Mayroon
pa pala nito!” sabay kuha ng isang volume ng Hellsing sa isang shelf. “Heto rin oh ang dami!” sabay kuha ng Slam Dunk na manga sa ‘di kalayuan.
Hinayaan ko
muna siyang mag-enjoy doon, nag-ikot ako sa ibang lugar. May nakita akong ilang
mga volumes na kinahihiligan kong manga, ang ilan dito ay Fairy Tail, Detective Conan, Fate/Stay night. Masaya akong kumuha
ng mga kopya nito.
May mga
nakita rin akong mga bagong manga na ‘di ko pinalampas at pinatos ko na rin.
Hahaha. Mahilig kasi ako magbasa ng mga stories, kahit anong genre ay okay sa
akin basta na-catch ang attention ko at nagustuhan ko ang plot ay babasahin ko,
lalo na kung manga ito.
Ilang saglit
ang lumipas ay may kumalabit sa akin. Lumingon ako. Nakita ko siya.
“Gusto mo ito
‘di ba?” sabi niyang nakangiti habang kinakaway sa akin ang limang volumes ng
Detective Conan.
“Oh my gosh.”
agad kong kinuha iyon sa kanya. Tiningnan ko ang mga nakuha ni mokong. Aba! Ang
dami rin ng kinuha niya.
“May nakita
ka na bang Manga ng One Piece Bro?”
sabay tapik ng kamao sa aking braso.
“Wala pa.”
Tumingin ako
sa kanya. Ngumiti siya ng nakakaloko. Ano na naman kaya ang nasa utak nito?
“What?” I
gave him a quizzical look.
“Paunahan
tayo makahanap ng One Piece.”
“Game!”
“May dalawa
na akong nakuha!” bigla niyang sabi sabay halakhak. Bwisit na ito, sarap
tadyakan.
“Sigurado ka
bang english iyan? Baka naka-nihongo iyan dude. Nganga ka pag-uwi mo, di ka pa
naman marunong mag-Japanese.” sabi ko sabay ngiting nang-iinis.
Tiningnan
niya ang nakuha niya. “Ay gago!” bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Nagkamot
siya ng ulo.
“Akin na iyan!
Thanks Rome!” sabi ko sabay kuha noon sa kanya at humalakhak na nang-iinis.
Sinundan ko
siya, nakita ko ang ilang mga volumes ng One
Piece. Kumuha siya. Kumuha rin ako. Napansin ko na bigla niyang kinuha ang
isa sa mga volumes ng One Piece na
kinuha ko.
“Hoy tae ka
walang dekwatan! Sipain kita eh.”
“Eh wala akong
makitang volume niyan eh. And please get the Japanese version. Akin na lang
itong mga English.”
“Bakit? ‘Di
ko lang naman ito babasahin, collection ko rin ito.”
“Please?”
sabi niya sabay nagpapaawa ang mukha. Nakakainis. Pinitik ko ang kanyang tenga.
“Kulit mo.
Oh, ‘eto na oh.” sabay bigay sa kanya ng hinihingi niya. Ewan ko ba kung bakit
nadala niya ako sa pag-iinarte niya. Kung ibang tao ito’y hinding-hindi talaga
ako papayag lalo na’t mahilig ako sa manga o anime.
“Thanks.” Sabay
ngiti. Tinuon ko ang aking mga mata sa kaliwang shelf na puno ng manga.
Browsing mode.
“Ray.” Tawag
niya sa akin.
“Ano?”
napakamot ako ng ulo. Malamang mangungulit na naman ito.
“Tingin ka sa
akin.”
“’Wag kang
magulo may tinitingnan ako.” sabi ko. Isang malakas na hampas ang naramdaman ko
sa aking ulo. Nairita akong tumingin sa kanya. Tumawa nang malakas si gago.
“Kailangan
namamalo?”
“Heto oh.”
Natatawa niyang sabi. Muli niyang pinukpok ang ulo ko ng hawak-hawak niyang
manga comics. Tiningnan ko ito. Nakita kong hawak niya ang ilang volumes ng
Fushigi Yuugi.
“Shocks!
Mayroon pa pala niyan!” masaya kong sabi.
“Gustong-gusto
mo talaga ito noh?” inabot niya sa akin.
“Isa sa mga manga
na paborito ko.” Kinuha ko ito. Abot tenga ang ngiti ko. Tumingin ako sa kanya.
“Where did
you get this? Kanina pa ako naghahanap nito.”
“Dito lang sa
tabi ko. ‘Di ka tumitingin. Kung ahas ‘yan tinuklaw ka na.”
“Kulit mo
kasi.”
“Matanong ko
nga, bakit gustong-gusto mo iyan?”
Nagbitiw ako
ng isang malalim na hinga. Tiningnan ko ang cover nito.
“May action
ito, may drama rin. But more than that, this story is about friendship,
believing in other people... It’s also about love. Hindi lang basta pagmamahal
dude. It’s about believing and having faith that miracles will happen in love.”
sabi ko sabay bitiw ng ngiti.
Tumango siya.
Nakita kong tumingin siya sa manga na binigay niya sa akin.
Ilang saglit
pa’y pumila kami sa counter para magbayad.
“Compute mo
na ang gastos mo. Masmahal ang English version ng manga’s kaysa sa Japanese.”
“Seryoso?”
gulat na tanong niya.
Tumango ako.
“Hayaan mo
na. Ngayon lang naman. Hehe.” Nagkamot siya ng ulo. “After nito saan tayo?”
“Maaga pa.
Marami pang pwedeng gawin.”
“Tae mag-alas
nuebe na.”
“Nasa
bakasyon ka kaya sulitin mo na.”
“Oh sige,
saan tayo?”
“Gusto ko
kumanta.” sabay ngiti.
***
*Where do broken hearts go
Can they find their way home
Back to the open arms
Of a love that's waiting there
And if somebody loves you
Won't they always love you
I look in your eyes
And I know that you still care, for me.
----------------------------------------------------------------
*Where Do Broken Hearts Go. Whitney
Houston
----------------------------------------------------------------
“Hugot.” sabi
niya sabay inom ubos ng ika-pitong bote ng beer.
“Ako ba ang
may huhugutin ngayon o ikaw?” sabi ko sabay abot ng mic sa kanya.
“Tagay ka pa.”
“Tama na
naka-tatlong bote na ako nahihilo na ako.”
“Ang hina mo
naman. Tinapon mo nga nang pasimple ang ibang beer eh.”
‘Di ko
napigilang matawa sa sinabi niya. Tama siya, eh ano bang magagawa ko eh sa
nahihilo na ako. At tsaka siya lang naman itong mapilit na uminom. Ang gusto ko
lang naman dito’y kumanta.
“Imbento ka.
Lasing ka na.”
“Sinungaling
na ito... Uminom ka pa dali!”
“’Di kasi ako
umiinom dude.”
“Ngayon lang.
Dali na!”
Napailing
ako. Mabilis kasi ako tamaan ng alak, bukod pa dito’y allergic ako sa iba’t-ibang
klaseng alchohol. Nag-uumpisa na akong mahilo at mag-init.
“Hoy ikaw na.”
sabay abot sa kanya ng mic.
“’Wag mo
baguhin ang usapan, uminom ka! ‘Wag kang madaya.” sabi niya sabay kuha ng mic
sa akin. Muli siyang uminom.
Tumingin ako
sa karaoke screen. Nakita ko ang title ng kakantahin niya, The Scientist by Cold Play.
Nag-umpisa
siyang kumanta. Tiningnan ko siya. Bakas sa mga mata niya ang bigat na kanyang
nararamdaman na pilit niyang tinatago. Nakita ko ito kanina sa Happo-en Garden,
Tokyo Imperial Palace, at sa tapat ng statue ni Hachiko sa Shibuya. His eyes is
full of pain. Alam ko, kasi ganito rin ako six years ago.
**Nobody said it was easy
It's such a shame for us to part
Nobody said it was easy
No one ever said it would be this hard
Oh take me back to the start
Unti-unting
nagbago ang kanyang boses. Nag-umpisa itong mag-crack at manginig. Tumingin ako
sa kanya. Nag-umpisang bumalot ang luha sa kanyang mga mata. Ilang saglit pa’y
yumuko siya at humagulgol. Unti-unti siyang nadurog sa aking harapan. Tinuloy
ko ang kanta.
**Tell me you love me
Come back and haunt me
Oh and I rush to the start
Running in circles, chasing our tails
Coming back as we are
Tumingin ako
sa kanya. Nagtama ang aming mga mata. Tila isang gripo ng luha ang kanyang
mata, parang walang katapusan ang paglabas ng luha rito. Inakbayan ko siya.
Hinimas ko ang kanyang likuran. Gusto kong pagaanin ang kanyang loob, pero
hindi ko alam kung papaano. Napansin kong inangat niya ang mic sa kanyang kamay
at tinapos ang kanta.
**Nobody said it was easy
Oh it’s such a shame for us to part
Nobody said it was easy
No one ever said it would be this hard
Oh take me back to the start.
----------------------------------------------
** The Scientist. Coldplay
----------------------------------------------
----------------------------------------------
Nabalot kami
ng katahimikan.
“Please tell
me Rome. Ano ang problema?”
“Matutulungan
mo ba akong mawala ito nararamdaman ko?”
“Hindi ko
alam. Pero mababawasan iyan ng kaunti kung ilalabas mo.”
Muli kaming
kinain ng katahimikan. Ilang saglit pa’y nagbitiw siya ng isang malalim na
hinga.
“Buti pa ang
aso loyal.”
“Ha?”
tumingin ako sa kanya.
“Si Hachiko,
aso siya ‘di ba? Pero loyal. Buti pa ang aso loyal. Ang tao hindi. Lolokohin
ka, gagaguhin, paiikutin, tapos iiwan. Pagkatapos mong ibigay ang lahat-lahat,
ganoon ang ibabalik sa iyo. Ang sakit Ray, ang sakit-sakit.” Pautal-utal niyang
sabi. Nag-umpisa siyang humagulgol. Bakas ang sakit sa bawat tunog na lumalabas
sa kanyang bibig. Naramdaman ko ang pagbigat ng aking dibdib. Napapikit ako. ‘Di
ko napigilang maluha. Hindi ko siya magawang tingnan sa itsura niya ngayon.
Nakapikit man
ako’y inakbayan ko pa rin siya.
“Sino siya?”
“Girlfriend
ko.”
“Anong
nangyari?”
Hindi siya
makapagsalita. Tanging hagulgol lang ang narinig ko sa kanya. Hinimas ko ang
kanyang likuran.
“Anim na taon
na kami Ray... Last year, nagpropose ako sa kanya sa Disneyland Hongkong.
Hinihintay ko ang sagot niya... Pero hindi na siya nakasagot dahil may lalaking
lumapit sa amin. That guy told me that my girlfriend is pregnant at siya ang
ama... She betrayed me! Minahal ko naman siya bro eh. Minahal ko siya nang
buong-buo. Tinanggap ko ang lahat ng pangit sa kanya. Rinespeto ko siya sa
lahat ng aspeto, kahit pagdating sa sex rinespeto ko siya, wala kaming ginawang
ganoon Ray kasi napagkasunduan namin na gagawin namin iyon pag kasal na kami...
Tapos ganito? Behind my back may tumitira sa kanyang ibang lalaki. Tangina!”
sumigaw siya habang patuloy ang pag-iyak. Nakatakip ang mukha niya ng kanyang
kamay.
Sa
pagkakataong ito’y hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking luha. Para akong
dinurog sa aking narinig at nakikita. Gusto kong mawala ang sakit na
nararamdaman niya o di kaya’y lumuwag man kahit papaano ngunit paano? Hindi ko
alam. Wala akong magawa. I feel helpless.
Mahigpot ko
siyang yinakap. Hinayaan kong mabasa ng kanyang luha ang aking damit at dibdib.
Hinimas ko ang kanayng likod. Lalong lumakas ang kanyang pag-iyak. Yumuko ako
at bumulong sa kanyang tenga.
“’Di kita
iiwan. Nandito ako.” Muling umagos ang luha sa aking mukha.
Patuloy siya
sa pag-iyak. Tinahak ng aking mata ang iPad sa lamesa, nandito ang lahat ng
kanta sa karaoke at dito mo rin ito ipi-play. Pinindot ko ito at nag-umpisang
mag-search. Nakita ko ang isang magandang kanta na sana’y makapagpagaan sa
kanyang nararamdaman. Gamit ang isang kamay, I played the song. Kinuha ko ang
mic habang ang isa kong braso ay nakaakap pa rin sa kanya.
*!*I can be your hero.
I can kiss away the pain.
And I will stand by you forever.
You can take my breath away.
You can take my breath away.
----------------------------------------------
*!* Hero. Enrique Iglesias
----------------------------------------------
----------------------------------------------
“Tangina ang
drama natin.” sambit niya sabay kalas sa pagyayakapan namin. Tumawa ako.
“Ikaw eh.
Drama king ka eh.”
“Gago. Ang
sakit-sakit kaya nito.” sabay turo sa puso niya. Kinuha niya ang isang boteng
beer at straight itong tinungga. Nakita kong balak pa niyang inumin ang isa
pang bote.
“Tama na iyan
hoy. Ayoko magdala ng lasing sa hotel.”
“Kaya ko ang
sarili ko.” sabi niya sabay kuha ng pindot sa ipad at nag-enter ng kanta.
Natigilan ako
nang makita ko ang title ng kanta. Hindi ito kanta ng isang broken hearted.
Kanta ito ng isang taong in love. Kanta ito ng isang taong nangangako sa isang
tao na mamahalin niya habang buhay.
Nag-umpisa
siyang kumanta. Dahan-dahan akong tumingin sa kanya. Nakita kong nakatingin
pala siya sa akin. Nagtama ang aming mga mata.
*!!*Sometimes I just hold you
Too caught up in me to see
I'm holding a fortune
That Heaven has given to me
I'll try to show you
Each and every way I can
Now & Forever,
I will be your man
Umabot ang aming mga mata sa aming kaluluwa.
Naramdaman ko ang biglang pagbilis ng tibok ng aking puso. Kanina pa mabilis
ang kabog nito gawa ng beer, ngunit iba ngayon. Hindi ko maintindihan ang
nararamdaman ko. Naramdaman kong bumalot ang mainit niyang braso sa akin.
Unti-unti bumabagsak ang kanyang mata, ngunit kahit ganoon ay patuloy pa rin
siya sa pagkanta.
*!!*Now I can rest my worries
And always be sure
That I won't be alone, anymore
If I'd only known you were there
All the time,
All this time.
Tinuon ko ang aking mga mata sa screen ng karaoke.
Pumikit ako habang pinapakinggan ang instrumental ng kanta. Ilang saglit pa’y
naramdaman ko ang paghilig ng kanyang ulo sa aking braso. Parang may kung anong
kuryente ang bumalot sa aking katawan. Naramdaman ko ang pag-ikot at paglipad
ng mga paru-paro sa aking tyan. Dahan-dahan akong tumingin sa kanya. Nakapikit
siya. Ilang saglit pa’y binuka niya ang kanyang bibig upang tapusin ang kanta.
*!!*Until the day the ocean
Doesn't touch the sand
Now & Forever
I will be your man
Now & Forever,
I will be your man
--------------------------------------------------
*!!* Now And Forever. Richard Marx
--------------------------------------------------
--------------------------------------------------
Muli kaming
kinain ng katahimikan. Naka-sandal pa rin ang kanyang ulo sa aking braso.
Lasing man ako’y nasa wisyo pa rin naman ako. Na-awkward ako sa posisyon namin.
Oo nakakakilig. Pero nakakailang talaga.
“Dude.” sabay
tapik sa kanyang braso.
Hindi ito
umimik.
“Rome?”
Narinig ko
ang hilik ni loko.
“Patay.
Nakatulog na.” ‘Di ko napigilang matawa.
Mula sa
pagkakaupo sa brown couch ay nagdesisyon akong akayin siya palabas ng Karaoke
box. Kinuha ko ang kanyang backpack pati na rin ang aking brown leather
crossbody bag. Hinawak ko ang aking kamay sa orange mosaic wall ng kwarto
habang ang isa kong kamay ay hinawakan ang bakal na door knob at pinihit ito.
Nahihilo man ako’y inakay ko si Rome palabas.
Paglabas
namin ay sumalubong sa amin ang maliwanag na kapaligiran. Nanggagaling sa mga
screen, billboards, at mga ilaw ang liwanag. Dumaan ang isang taxi sa harap at
agad ko itong pinara. Binuksan ko ang pinto at pagkatapos ay pinasok ko si Rome
dito, sumunod ako. Sinabi ko sa driver ang hotel namin ni Rome.
Pagkaupo ay nagbitiw
ako ng isang malalim na hinga. Tiningnan ko siya. Tinapik ko ang kanyang mukha.
“Hoy gising.”
Walang imik.
“Tangina nito
iinom-inom ng marami hindi naman pala kaya.” sabi ko sabay iling. Pinagmasdan
ko ang mahimbing niyang pagtulog. Muling kong naalala ang pagkadurog niya kanina.
‘Di ko maiwasang maawa sa kanya. Naalala ko ang sarili ko noon sa kanya anim na
taon ang nakaraan.
***
“Hay sa wakas nakauwi na rin sa Pinas! Nakakapagod ang
daming tao sa China.” sabi ko habang nag-iinat. Tumingin ako sa kanya. Nakita
kong kinuha niya ang black na bagahe sa conveyor belt. Tumingin siya sa akin.
Nagtama ang aming mga mata.
“Masaya ka?”
Tumango ako. Nag-umpisa kaming maglakad palabas ng
baggage claim area.
“Pero ‘di ko alam kung gusto ko pang bumalik ng
Beijing. Parang okay nang isang beses akong nakapunta roon.”
“Bakit naman?”
“Ang dudumi ng public comfort room at napakaraming
tao. Eh alam mo naman na nahihilo ako sa maraming tao eh ‘di ba?”
Tumango siya. Nakapalabas na kami ng NAIA Terminal 1.
Tumayo kami sa gilid ng kalsada habang naghihintay ng aming sundo.
“Edi sa ibang lugar na lang pumunta.” sabi niya sabay
ngiti.
“Sana kasama kita ulit doon.” bulong ko sa sarili ko.
Tinitigan ko siya, parang kinakabisado ko ang bawat detaltye ng kanyang mukha.
Hindi ko alam kung bakit. Parang may iba akong nararamdaman, ayoko mang isipin
pero parang ito na ang huli naming pagkikita.
“Hi Babe.” sabi ng boses sa aming likuran. Lumingon
ako, nakita ko ang isang magandang babae. She’s a friend of mine. Girlfriend
din siya ng lalaking kasama ko ngayon.
Lumapit ang babae at hinalikan siya sa labi. Nakita ko
ang pagbalot ng braso nito sa kanyang batok. Para akong nalusaw sa nakita ko.
Parang gumuho ang buong NAIA 1 at binagsakan ako. Nanlambot ako. Hindi ko
mawari kung gaano kasakit ang nararamdaman ko noon. Para akong pinatay. Ito
siguro ang tinatawag na hampas ng realidad. Kasalanan ko eh, nagmahal ako sa
isang lalaking hindi ako kayang mahalin. Nagmahal ako sa taong may mahal ng
iba. Ang tanga ko, ang tanga-tanga ko.
“Una na kami bro.” Isang boses ang gumising sa akin.
Tumango ako nang hindi lumilingon. Unti-unti kong naramdaman ang kanilang
paglayo. Dahan-dahan akong lumingon, nakita kong nakaakbay ang babae sa kanyang
bewang habang siya naman ay nakaakbay sa balikat nito.
Hindi ko na napigilang umiyak. Kinain ako ng sakit na
nararamdaman ko. Nanlambot ang aking kalamnan. Napaluhod ako habang mahigpit na
yakap-yakap ang aking maleta. Para akong nahulog sa kawalan. Para akong
namatay. Bakit napaka-unfair ng mundong ito? Nagmahal lang naman ako ‘di ba? Wala
namang masama doon, pero bakit ang sakit-sakit? Bakit ko dapat maranasan ito?
Bakit sa siya pa? Ano bang nagawa kong masama para maramdaman ko ang ‘di
makataong sakit na nararamdaman ko ngayon?
Mahina akong sumigaw. Para akong iniwan na basahan.
Nakaramdam ako ng matinding awa sa sarili ko gawa ng katangahan ko. Binalot ako
ng kadiliman hanggang sa kinain ako nito. Sa oras na iyon, namatay ang isang
parte ng pagkatao ko.
***
“Saan na
tayo?” tanong niyang nagbalik sa akin sa kasalukuyan. Naalimpungatan si loko.
“Taxi.” sabi ko
sabay tingin sa bintana. Nakita kong mabilis naming linagpasan ang ilang mga
gusali, puno, at sasakyan.
“Anong room
number mo pala? Ihatid na kita doon agad. Pagkatapos ay babalik na ako sa
kwarto ko. Inaantok na ako ‘di ko na kaya.”
Hindi siya
sumagot.
“Hoy Rome!
Sabi ko anong room number mo?” sabay pitik sa kanyang tenga. Ilang saglit pa’y
narinig ko ang paghilik ni gago. Tangina tinulugan ako.
Naramdaman ko
ang pagsakit ng aking ulo. Oh Lord, may Disneyland pa ako bukas! ‘Di pwedeng
hindi ako magising! I can’t miss that! Hay naku.
Nasa ganoon
akong pag-iisip nang maramdaman kong bumalot ang kanyang braso sa aking
balikat. Tumingin ako sa kanya. Bigla kong naramdaman ang mainit niyang palad
sa aking mukha. Parang kuryente itong humaplos sa aking balat. Ramdam ko pa rin
ang hilo gawa ng alak. Huminga siya ng malalim. Naamoy ko ang hininga niyang
amoy beer. Dinikit niya ang kanyang noo sa noo ko. Dahan-dahan kong naramdaman
ang haplos ng kanyang hinalalaki sa aking labi. Tiningnan ko ang kanyang mga
mata. Mapupungay ito. Pumikit siya. Napansin ko na lang na pumikit na rin ako.
Ilang saglit pa’y naramdaman ng labi ko ang malambot niyang labi.
Parang
sumabog ang utak ko sa nangyari. Kakaibang kuryente, kilig, at panginginig ang
nararadaman ko ngayon. Para akong naging estatwa. Parang tumigil ang aking
paghinga. Parang bumagal ang pagdaan ng oras. Parang may kung anong emosyon ang
sumasabog sa aking puso. Para akong nagblackout na hindi ko maintindihan. Ilang
segundo ang lumipas at naramdaman ko ang bigat ng kanyang ulo, bumagsak ito sa
aking pisngi at leeg. Nakatulog na naman siya.
Dumilat ako.
Parang naturete ang utak ko at may kung anong barena ang umeecho sa aking ulo.
Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko. Hinawakan ko ang aking labi.
Tiningnan ko siya. Inayos ko ang kanyang ulo, hinilig ko ito sa upuan. Tinitigan
ko ang kanyang mukha. Napangiti ako sa ‘di malamang dahilan. Muli kong naalala
ang nangyari kanina.
“Gising ba siya? Alam ba niya? No! Wala siyang alam.
Lasing siya okay? It’s nothing Ray. It’s nothing...” bulong ko sa
sarili ko na parang nababaliw. Hindi maalis sa isip ko ang nangyari.
Dahil maluwag
ang kalsada ay mabilis naming narating ang Hotel. Nagbayad ako. Kinuha ko ang
resibo ng taxi at sinuksok ito sa bulsa. Lumabas ako ng taxi habang akay-akay
si Rome at bitbit ang aming mga bag.
Pagdating sa
elevator ng hotel ay sinubukan ko siyang gisingin.
“Hoy Rome
anong room number mo?”
“Room...”
mahina niyang sabi.
“Ha? Ano
ulit?”
Hindi na siya
nagsalita.
“Tangina ako
na nga nagbayad ng taxi natin, pinadala mo pa sa akin mga gamit mo, pati ikaw
dinadala ko! Grabe pagpapahirap mo sa akin.” sambit kong parang sira ulo. Alam
ko namang hindi niya ako naririnig dahil sabog na si loko at nasa dreamland na.
Dahil masakit
na masakit na ang ulo ko’y dinala ko siya sa aking kwarto. Wala akong choice.
Hindi naman pwedeng iwan ko siya kung saan lang ‘di ba?
Agad ko
siyang tinulak sa kama. Pinatong ko ang aming gamit sa lamesa. Umupo ako sa
gilid ng kama. Napakasakit na ng ulo ko. Dagdag pa ang sobrang antok na
nararamdaman ko. Akmang tatayo ako upang magbihis ay isang kamay ang humatak sa
akin. Napahiga ako. Kinulong niya ako sa kanyang bisig. Linapit niya ang
kanyang mukha sa akin. Tiningnan ko siya. Nakapikit pa rin ito.
“’Wag mo
akong iwan please.” bakas sa boses niya ang pagmamakaawa. Ang boses niya’y
nagdulot ng kung anong kiliti sa aking katawan. Napakalambing nito.
Napakamahinahon, pero lalaking-lalaki pa rin ang dating.
Kung tutuusin
ay kayang-kaya kong alisin ang braso niya sa akin, ngunit hindi ko ginawa.
Hinayaan ko kami sa posisyon na iyon. Tinitigan ko ang kanyang mukha. Ilang
segundo ang lumipas ay napansin kong tinukod niya ang kanyang noo sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko. Alam ko na ang susunod na mangyayari.
Yumuko ako at
sinubsob ang aking mukha sa kanyang leeg. Naramdaman ko ang kanyang labi sa
aking ulo. Muli kong naramdaman ang kakaibang tibok ng aking puso. Napangiti ako.
Naisip ko,
baka may habit siya na nanghahalik pag tulog. Ang swerte naman ng unan niya
kung ganoon. Hehehe. Kidding aside, natanong ko na ito noong nasa River Cruise
kami, pero itatanong ko ulit sa sarili ko.
“Is it possible to fall in love with a stranger? Posible
bang mahalin mo ang isang taong hindi mo alam ang background? Ang personality?
Kahit ang mga simpleng bagay sa kanya ay hindi ko alam, pero pwede nga bang
mahalin ko ang taong ito? Ganoon ba kahiwaga ang pagmamahal? Paghanga lang ba
ito? O umiibig na ako?”
Tumingin ako
sa kanya. Pinagmasdan ko ang mahimbing niyang pagtulog. Lumapat ang aking tenga
sa kanyang kanyang dibdib. Narinig ko ang tibok ng kayang puso. Kinilabutan
ako. Narinig ko rin ang akin. Sa oras na ito’y parang nagsabay ang sagutan ng
aming mga puso.
Nabalot ng
luha ang aking mata. Marahang kiniskis ng aking pisngi ang kanyang leeg at
panga habang ang mga mata ko’y nakatingin pa rin sa kanya. Tumulo ang aking
luha.
“I think... I
think I like you... No... I think I love you.” mahina kong bulong sa kanya.
Nagbitiw ako ng isang ngiti.
Alam kong
ilang sandali na lang ay matatapos na ang pangalawang araw ko rito sa Japan. Sa
pagkakataong ito’y hinayaan kong kainin ako ng gusto ko, to look on his face
before I sleep, at magpakatotoo sa nararamdaman ko.
Dahan-dahan
kong pinikit ang aking mga mata, nakaukit sa aking utak ang kanyang imahe.
Pinakiramdaman ko ang bawat pintig ng aming puso. Sobrang bilis, hindi ko
mabilang. Ngumiti ako. Hinaplos ko ang kanyang braso. Iyon ang huli kong
natandaan.
***
Isang tunog
ang gumising sa akin. Alam kong alarm iyon ng aking cellphone. Dinilat ko ang aking
mata. Wala akong Rome na nakita. Mag-isa akong nakahiga sa aking kama.
“Siguro ay
bumalik na siya sa kwarto niya.”
Nag-inat ako.
Kinuha ko ang aking cellphone. Nagulantang ako sa oras.
“Tangina! 45
minutes na lang aalis na ang van papuntang Disneyland ko!” sigaw ko.
Mabilis akong
bumangon at naligo. Pagkaligo ay mabilis akong nagbihis at nagpunta sa
cafeteria ng Hotel. Mabilis akong kumain ng breakfast.
Paglabas ng
hotel ay nakita ko ang van na magdadala sa akin sa Disneyland. Nakangiti akong
tumakbo papunta rito. Pagpasok ng Van ay narinig kong may isa pang hinihintay.
Tumingin ako sa oras. Limang minuto na lang ay aalis na ang Van.
“Sino kaya ang mabagal na hinihintay namin? Disneyland
iyon!” bulong ko sa sarili ko.
Muli kong
naalala si Rome. Hindi ngapala siya sasama sa Disneyland dahil ayaw niya at
bitter siya rito. Naalala ko ang kwento niya kagabi sa karaoke na nagpropose
siya sa Ex-girlfriend niya sa Disneyland. Nagbitiw ako ng isang malalim na
hinga. Naintindihan ko siya kung ayaw niyang sumama. Masakit nga naman iyon.
Kahit ako’y ayaw balikan ang mapait kong nakaraan.
Pumikit ako.
Narinig kong bumukas ang pinto ng Van. Naramdaman kong may umupo sa tabi ko.
“Hangover?”
sabi ng pamilyar na boses.
Kilala ko ang
boses na iyon! Dumilat ako. Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Nakita ko
siya. Nakangiti.
“Oh, nandito
ka? Akala ko ayaw mo magpuntang Disneyland?”
“Hmmm... Let’s
say someone taught me to look on the positive side of things. Naisip ko na
gusto kong palitan ng magaganda at bagong ala-ala ang lugar na iyon.” sabay ngiti.
Napangiti ako
sa narinig ko.
“May dala
akong mga snacks para hindi ka magutom.”
“Ako lang ba?”
“I can handle
it.”
“Mapagkunwari.”
sabi ko sabay pitik sa kanyang tenga. Tumawa lang siya.
Tiningnan
niya ako. Tumingin din ako sa kanya. Ngumiti siya, ngumiti rin ako.
This is a new
day na kasama ko siya. At masaya ako dahil kasama ko ulit ang taong mahal ko.
ITUTULOY
Ang ganda ng story! Sadyang pure love lang at walang halong lust. Sinusubaybayan ko to. Ang cute nila pareho. :) Nice author!
ReplyDeleteMaraming salamat po! Hindi po ako magpa-promise but I'll try to update Chapter 9 later, excited na po kasi akong ibahagi sa inyo ang THEME SONG ng story na ito na nasa next Chapter pati na rin ang mga ganap sa Disneyland. Hahaha.
DeleteHave a nice day! Sana subaybayan niyo hanggang sa ending. ^_^
Hahahaha... sympre brand new, may kiss kagabi eh...
ReplyDeleteHahahahaha!
DeleteAuthor uldate ka mamaya. Excited na ako sa susunod na chapter. xiexie
ReplyDeleteThanks for reading. ^_^
DeleteSige susulat ako mamaya. Subukan kong dalawang chapter i-update ko this coming weekend. :-)
Grabe napakaganda ng story! The individual backstory of the characters is well written kaya maiintindihan mo sila especially Rome. Kaya pala ayaw niya sa disneyland kasi iniwan siya ng ex niya dun. Grabe ang pagpapakilig mo sa amin dito Gab. Tinaob nito ang chapter 6 mo na over sa kilig! More kissing kissing please!
ReplyDelete- Zefyr
Talagang kissing-kissing ah. Hahaha! Sana makapunta rin ako ng Disneyland someday and hopefully may kasama akong isang Rome (naks!)
DeleteThanks for reading!
Naiinlove aq sa mga character mo author...... Nice update na rin at excited whta tobe happen sa disneyland
ReplyDeleteJharz
Kanino sa kanila? Parehas?
DeletePwde bang mainlove sa isang stranger at mahalin ito? Kung pwde sana matagpuan ko siya
ReplyDeleteJharz
Pwede. Wala namang pinipili ang pagmamahal eh, basta tamaan ka ng pana ni pareng kupido, ay patay ka. Pero ingat-ingat din kasi nga Stranger ito. :-)
DeleteSorry pero tangina po kinilig ako!!!!! Napakaganda ng story na ito!!! Simple lang pero kakaiba sa ibang story... Ang ganda ng pagkakalahad at totoong-totoo mga characters.
ReplyDeleteYham
I'm glad you like it po. ^_^
Delete