AUTHOR'S NOTE:
First, gusto ko pong ipaalam na may mga i-eedit ako sa naunang Chapter regarding some typo, grammar, and spelling (I'll edit this chapter later on, pinost ko lang po dahil sa request ng ilang readers. Hehe.). Pasensya na po tao lang po. It's up to you guys if you want to read it again. I'm planning to release this sa ebook (you can buy this sa BUQO soon pag tapos ko na) and plan ko ring gumawa ng full english version nito, depende po sa magiging pagtanggap niyo. Gusto ko makarating sa maraming tao at ibang lahi ang story na ito. This is something special at naniniwala ako sa mga aral at inspirasyon na mapupulot sa story na ito.
Second, Muli I would like to thank everyone na sumusubaybay sa "Love, Stranger". I promise na iimprove ko pa ang pagsusulat ko para sa inyo. ^_^
Sana po ay huwag kayong mahiyang magcomment regarding the story. Welcome rin po ang feedback and suggestion para maimprove ko pa ang pagsusulat ko. Please, please, comment lang po kayo. I accept any criticism as long as constructive at hindi bastos.
You can add me on my facebook, tara usap tayo. I want to keep in touch with you guys.
https://www.facebook.com/gabriel.montenegro.35
https://www.facebook.com/gabriel.montenegro.35
Please like my page na rin. Thanks in advance!
https://www.facebook.com/whitepal.gabriel
https://www.facebook.com/whitepal.gabriel
Again. FRIDAY - SUNDAY po ako nag-uupdate ng story. Once or twice a week. Depende po pag feeling ko bitin or maiksi ang latest chapter. Hehehe. :-D
Muli, MARAMING SALAMAT!
(Next post, babatiin ko ang ilan sa mga readers ko. Hehehe. One of my ways to thank you guys.)
(PREVIOUS CHAPTER CLICK HERE!)
(Next post, babatiin ko ang ilan sa mga readers ko. Hehehe. One of my ways to thank you guys.)
(PREVIOUS CHAPTER CLICK HERE!)
======================================================================
CHAPTER FOUR
Hinubad ko ang suot kong black coat. Tumingin
ako sa kanya, nakita kong tinanggal niya ang kanyang black jacket. Napalunok
ako. Tumalikod ako sa kanya. Tinuon ko ang mga mata sa kulay gray na dingding
ng CR. Bumilis ang tibok ng aking puso. Sobrang bilis. Parang sasabog ito.
Hindi ako makahinga nang maayos. Nanlalamig ako. Pinilit kong pakalmahin ang
nanginginig kong katawan, ngunit hindi ko magawa. Pinatong ko ang aking black
coat sa lababong gawa sa granite.
Pasimple akong tumingin sa kanya. Topless
na pala ang mokong. Ang ganda ng hubog ng kanyang katawan; medium built ito.
Mabilis akong tumalikod, baka mahuli niya akong tumitingin at baka ano pang isipin. Lalong
bumilis ang tibok ng aking puso. Lalo ako nanlamig. Hindi ako mapakali. Para
akong naiihi na hindi ko maintindihan.
“Naiihi ako wait lang. Dami kong
nainom na water eh.” sabi ko sabay lakad nang mabilis at pumasok sa isang
toilet cubicle. Sinara ko ang pinto ng toilet cubicle, narinig ko ang paglapat
nito. Inhale... exhale. Nakita ko ang isang high tech na toilet. Maraming beses
na akong nakapuntang Japan ngunit naaaliw pa rin ako sa toilet nilang high tech
na maraming switch na iba’t-ibang kulay. Inangat ko ang takip ng toilet.
Binuksan ang butones at zipper ng aking pantalon. Naiihi ako pero alam kong
hindi naman talaga. Marahil ay ganito lang ang nararamdaman ko dahil sa nakita.
“Shit
Ray. Nahalata ba niya? Baka kung ano isipin niya. Nakakahiya. Putangina naman.” sigaw ko sa aking sarili. Sinarado
ko ang butones at zipper ng aking pantalon. I look stupid. Pinindot ko ang
flush ng high tech na toilet; kunwari ay umihi ako. Nagbitiw ako ng isang
buntong hininga. Pilit kong pinakalma ang sariling hindi mapakali.
“Act
normal.” bulong ko.
Lumabas akong cubicle. Bumungad sa
akin ang makinis at magandang hulma ng kanyang likuran, broad din ang kanyang
shoulders. Malapit ang kanyang mukha sa salamin habang ang kanang kamay niya’y
hinihimas-himas ang kanyang mukha. Nanlaki ang aking mga mata. Napalunok ako.
Muling bumilis ang tibok ng aking puso. Tangina bakit hindi pa siya nagsusuot
ng damit? Muli akong tumalikod sa kanya at mabilis na naghubad ng damit.
Binuksan ko ang aking leather crossbody bag at kinuha ang bagong biling
souvenir shirt.
“Bro, nandiyan ka na pala. Kunin ko
sa bag mo ‘yung shirt ko. Hehe.” sabay ngiti at bumakat ang dimples sa kanyang
mukha.
“Oh
my gosh.” sigaw ng utak ko. Nakabalandra ang maganda niyang katawan habang
litaw na litaw ang dimples niya. Shit. I feel uncomfortable. Lalo akong hindi
mapakali dahil nakabalandra rin ang aking katawan. Hindi kasi ako sanay na
naghuhubad sa harap ng ibang tao. Kahit nasa bahay ako at kasama ang family,
hindi ako naghuhubad ng pang-itaas. Kahit sando o boxer hindi mo ako makikitang
nakasuot noon unless sa kwarto.
“Bro okay ka lang? May problema ba?”
tanong nito. Nakatitig pala ako sa kanya. Tsk.
“Yeah. Um... Tanga ko nasa akin
ngapala ‘yung shirt mo tapos iniwan kita ‘dyan.” sabay kamot ng ulo.
“Hehe. Okay lang. Mukhang ihing-ihi
ka na eh.”
“Oo. Haba kasi ng pila sa Good shop
eh, daming bumibili ng souvenir shirt, naubusan nga ako ng black di ba? Hehe.”
sabi ko sabay abot ng white shirt niya. Kinuha niya ito.
“Buti na lang umabot tayo, last na
kasi itong atin.” tinanggal niya sa plastic ang shirt. Pinagpag niya ito at
umunat ang puting t-shirt. Kitang-kita ko ang paggalaw ng kanyang muscles. When
I first saw him, parang may in-built magnet siya na kusa akong hinahatak palapit sa
kanya, I like his aura. When I tried to get to know him, I failed, pero ang
lakas ng dating ng personality niya sa akin. Ngayon pati ang katawan niya ay
hindi ako pinaligtas. Hay.
Tumalikod ako sa kanya. Tinanggal ko
sa plastic ang t-shirt ko at mabilis itong sinuot sa akin. Humarap ako sa
salamin, nagustuhan ko ang design ng shirt na napunta sa amin. White ito na may
printed design sa gitna na splash effect na kulay brown, nasa harap naman nito
ang Tokyo city kasama ang Tokyo Tower. Nagustuhan ko rin ang Japanese
characters na nakasulat sa gitna ng shirt. Tumingin ako sa kanya. Nakita kong
parehas na parehas kami ng design na shirt.
“Parang
couple shirt. Hihihi.” kilig na kilig at nagsusumigaw na sabi ng utak ko.
“Tara?” aya nito sabay suot ng black
jacket. Tumango ako. Sinuot ko ang black coat ko. Lumabas kami ng CR.
Sumalubong sa aking tenga ang maingay
na observatory ng Tokyo Tower. Medyo maraming tao at iba’t-ibang lahi ang
nandito. Dinaanan namin ni Rome ang isang replica ng Tokyo Tower, kulay pink
ito at dinikitan ng mga makikinang na bato. May heart pang nakadikit dito.
“Tokyo Tower Love Power Spot, another
diamond veil.” Basa ko sa nakasulat sa ibaba ng replica. Kinuha ko ang aking
cellphone at tinapat ito sa akin para magselfie habang nasa likuran ko naman
ang pink replica ng Tokyo Tower. Click! Tiningnan ko ang aking cellphone.
Nanlaki ang aking mga mata. Nakita kong sumingit sa likod ko si Rome. Tumingin
ako sa kanya, alam kong matulis ang mga mata ko.
“Photo bomber ka! Muntik ka ng humarang sa background ko!” tukoy ko sa pink replica ng Tokyo Tower. Humalakhak
siya.
“Ayaw mo ‘yun? May gwapo sa picture
mo?” preskong sabi nito. Ayan na naman siya sa pag-angat ng bangko niya.
Feelingero. Oo maganda katawan niya. Oo malakas ang dating niya. Pero hindi ko
sasabihing gwapo siya. Iba ang gwapo para sa akin. If I will rate him one to
ten, nasa seven point five lang siya.
“Haha! Gwapo mo nga. Ang laki mong
harang na gwapo.” sarcastic kong sabi. Tinuon ko ang aking mga mata sa picture
namin.
“So this is our first picture ever.
At talagang kitang-kita pa sa litrato ang nakasulat na Tokyo Tower Love Power Spot. Lakas!” sigaw ko sa isip. Tinuon ng
aking mga mata ang salitang Love sa
picture na iyon. ‘Di ko tuloy maiwasang kiligin. Ano ba ‘yan!
Nagpatuloy kami sa pag-iikot.
Dinaanan namin ang mga kulay pulang tela at maliit na bilog-bilog na parang
bola na nakasabit sa ceiling, ang alam ko’y puno ng ilaw ang ceiling nito kapag
gabi at nakadadagdag sa ganda ang mga bagay na nasabi kong nakasabit dito.
Inikot ko ang aking mga mata at muli kong nakita ang malalaking bintana. Kita
ko ang mga gusali ng Tokyo dito. Tumingin ako kay Rome. Nakita kong nakatingin
din siya rito.
“Hey don’t look. Baka mag-panic ka na
naman ‘dyan.”
“Grabe ito. Hindi naman.”
“Sana sinabi mong takot ka sa
matataas na lugar para hindi na tayo umakyat.” wait, bakit ko sinabi iyon?
Hala!
“E’ sayang naman. Maganda rin ang
destination na ito.” hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya.
Inikot ko ang aking mga mata. Nakita
ko ang bilihan ng ticket sa Special Observatory. Mas mataas ng 100 meter ang
Special Observatory kaysa sa Main Observatory na aming palapag ngayon. 250 at above sea level ito. What makes it special is pag nasa loob ka nito ay
para kang lumulutang at naglalakad sa kalawakan. Futuristic ang setting. Ayon
sa aking kaalaman ay mas maganda ito sa gabi, dahil may LED na nakalagay sa
ilalim ng mga bintana at may iba’t-ibang kulay kagaya ng blue, green, at red.
“Umakyat ka na. Alam kong gusto mo.”
“Iiwan kita? Sino kasama mo?”
“Naks! Concern.”
“Hindi rin. Sayang kasi ticket mo.”
kasama sa binayaran namin sa tour ang ticket sa Special Observatory.
“’Di bale na. Baka ikamatay ko pa
‘yan.” hindi ko napigilang matawa sa narinig.
Tahimik. Kinuha ko ang ticket sa
aking crossbody bag. Winagayway ko ito sa kanyang mukha. “Sayang naman ang
700yen.” bakas sa boses ko ang pang-iinis. Ngumiti ako, ngiting nang-iinis.
Binuksan niya ang kanyang bag at kinuha
ang ticket.
“Hindi na bale Ray... Baka mamatay pa
ako dahil sa halagang 700yen lang. Madali naman kitain ‘yan.” pag-gaya nito sa
tono ng aking boses at sa mukha kong nang-iinis habang winawagayway rin ang
ticket niya sa mukha ko.
“Bwisit
na ito.” sigaw ko sa isip ko.
“Gōman'na ka talaga.” madiin kong
sigaw sa kanya. “Sige bye. Amagin ka ‘dyan. Pag nag panic ka ulit walang
tutulong sa iyo.” sabi ko sabay tawa na nang-iinis. Naglakad ako papuntang
elevator ng Special Observatory.
***
“Grabe Rome sobrang ganda doon! Ikaw
kasi ang duwag-duwag mo. Sasamahan naman kita e'. Hehehe.” bakas sa tono ng aking
boses ang pang-iinis. Habang ang mukha ko’y nakatutok sa kanya.
“No thank you.” sabi niya sabay bitiw
ng sarcastic na ngiti. Tumingin ako sa ceiling ng elevator, umiilaw-ilaw ito,
parang LED sa ilalim ng bintana ng Special Observatory.
“Nakikita mo ‘yan Rome? Ganyan na
ganyan ilaw dun pag gabi! Sobrang ganda. Futuristic ang setting. Tapos para
kang lumilipad! Para kang nasa outer space! Super saya!” I said in an
enthusiastic tone. Alam kong nakaukit sa mga mata ko ang saya.
“Ray, dito pa nga lang sa bintana ng pababang
elevator natatakot na ako e’. Sa kwartong parang lumulutang pa kaya?”
“Alam mo Rome, naiintindihan ko naman
ang situation mo. But here’s the thing. You can overcome that fear. Alam mo ba
ang takot ang pinakamatinding kalaban ng tao?” biglang naging seryoso ang aking
boses.
“Bakit mo nasabi?”
“Because fear is a liar. Pinipigilan ng
takot ang mga bagay na pwede nating magawa, at mga bagay na dapat ay maranasan natin. This applies to everything Rome.”
Tahimik. Seryosong nakatingin ang
kanyang deep-set brown almond eyes sa akin. Parang malalim ang iniisip nito. Tahimik.
Mistulang nakakabingi ang katahimikang bumalot sa amin sa sandaling iyon.
Tanging tunog ng belt ng elevator lang ang ingay na naririnig namin.
“Pero minsan, ang takot ang
magliligtas sa atin para hindi tayo magkamali ulit. Para hindi tayo masaktan. Para
hindi tayo madurog. Ang takot ay hampas ng realidad.” pagbasag niya sa
katahimikan. Parang nabarahan ng kung anong bagay ang aking lalamunan sa
narinig. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Ang lalim ng hugot niya. Tama
siya, ngunit alam kong tama rin ako.
Muli kaming kinain ng katahimikan.
Ilang saglit pa’y bumukas ang
elevator. Nauna siyang lumabas. Naglakad ako at sinundan siya.
“Excited na ako bukas.” Pagbago ko ng
topic. Tinapik ko ang likod niya.
“Saan?”
“Disneyland! It’s fun! Fun! Fun!”
bakas sa boses ko ang energy at excitement.
“Para kang bata.” sagot niya. Tiningnan
ko siya. Napansin kong seryoso pa rin ang kanyang mukha.
“Hindi rin. Ang ganda kaya ng Disneyland.”
sabi kong nakangiti pa rin.
“So nagpunta kang Japan para sa
Disneyland. Nakakatuwa naman. Sana nagpunta ka na lang ng hongkong or sa US.” iba
na ang tono ng kanyang boses. I don’t like it. At hindi ko gusto ang pinupuntahan
ng aming pag-uusap.
“Hindi naman dude. Teka nga, why are
you so nega about Disneyland? It’s a place full of fun.” bakas sa boses ko ang
pagkairita. Napaka-nega naman ng taong ito. Ewan ko, bwisit siya. Panira ng
good vibes. Ang sarap sapukin.
“I just don’t like it. It sucks. It’s
for idealistic people like you who believe in fairy tale and fun fun fun.” bakas
sa kanyang boses ang inis. Matigas ito. Ginaya rin niya ang pagkakasabi ko kanina sa fun fun fun.
“What
the heck?” sigaw ko sa utak ko. Anong problema nito?
“You know what. If you don’t like
Disneyland, it’s okay. Just stay in your room. Huwag ka lang manira ng
trip ng ibang tao.” matigas kong sabi. Mabilis akong naglakad at iniwan siya.
“Lakas
makabad-vibes ng putangina. Bwisit. Leche. Lahat na gago siya.” sigaw ko sa
sarili ko.
“Idealistic
people like me who believe in fairy tale raw. Porket gusto ko magpuntang
Disneyland ganoon na? Hindi ba pwedeng first time ko makapunta roon at
excited lang ako? Nakakabanas siya.” sigaw ko sa sarili ko habang paakyat
ng tour bus namin. Napansin kong upuan namin ni Rome na lang ang natitirang
bakante. Kami na lang pala ang hinihintay.
“Ang galing! Siya pa rin katabi ko.
Shit talaga. Kainis siya.” malakas kong sabi. Alam kong wala namang
makakaintindi sa sinabi ko dahil iba’t-ibang nationality ang mga kasama namin
sa tour kaya okay lang na magsisigaw ako para naman mabawasan itong inis ko sa kanya.
Pagkaupo ko sa upuan ko katabi ng bintana ay nakita ko ang pagpasok niya ng
bus. Poker face si kupal.
Tinuon ko ang aking mga mata sa
bintana. Pinagmasdan ko ang mabilis na pagdaan ng mga sasakyan. Maluwag ang
daloy ng traffic dito sa Japan. Isa ‘yan sa mga bagay na gustong-gusto ko rito.
Kapuri-puri rin ang kalinisan ng bansang ito. Since I’m a nature lover, I really
love kung papaano nila inaalagaan ang kanilang kapaligiran.
Ilang saglit pa’y naramdaman kong
umupo siya sa tabi ko. Naramdaman kong umandar na ang bus. Narinig kong
nagsasalita na ang aming tour guide. Ngunit ang aking mga mata’y nakatingin sa
labas ng bus. Dinaanan ng aking mata ang mga gusali, sasakyan, at mga tao.
Parang guhit ang mga ito sa aking paningin dahil sa bilis ng aming bus. Hindi
uso ang bumper to bumper na traffic dito.
Naramdaman kong may kumakalabit sa
akin. Alam kong siya iyon. Tumingin ako sa kanya.
“You want?” sabay abot ng isang
chewing gum.
“Thanks.” Kinuha ko ito at binuksan.
I never say no when it comes to food or stuff like this. Kahit inis na inis pa
ako sa tao.
“Galit ka?”
“Hindi naman. Nainis lang. Hindi ko
lang gusto na sinisira ang trip ko.” sabi ko sabay subo ng chewing gum.
“Sorry... Let’s not talk about it na
lang.”
“Okay.”
Tahimik.
“Bakit ka ngapala marunong mag-hapon?”
bigla niyang tanong.
“It has something to do with my work. And mahilig din kasi ako sa anime at manga eh.”
“Ako rin. Mahilig manood ng anime.
Favorite ko Slam Dunk, Hellsing, at One Piece. Astig ‘yon.” biglang lumiwanag
ang kanyang mukha. Napaka-light at positive rin ng kanyang boses. Malayo sa
topaking siya na kaharap ko kanina.
“Ikaw Bro?”
“Seriously too many to mention.”
“Just pick your all-time favorite.”
“Detective Conan, Fate/Stay Night, Fushigii
Yuugi, at syempre noong bata pa ako hindi mawawala ang Dragon Ball, Voltez V at
Daimos.” tumingin ako sa kanya. Nakita kong ngumiti ito at bumakat ang dimples.
“Isip bata!” sabi nito sa akin.
Hindi ko na lang pinatulan ang sinabi
niya. Tinuon ko ang ang aking mata sa aming tour guide. Kahit nakatingin ako
dito ay hindi ko magawang intindihin ang mga sinasabi nito. Naisip ko lang na
tama siguro na pangalan lang ang alam namin sa isa't-isa. It means that we're
not friends, not even acquaintance. We're strangers. At since stranger siya sa
akin, hindi ako dapat masaktan o mabwisit sa mga sasabihin niya if ever maulit
ang nangyari kanina. Walang pakielamanan. Higit sa lahat, hindi ako maaattach
kahit ang lakas ng attraction na nararamdaman ko sa kanya.
ITUTULOY
Nice update Ligth yung story........Medyo bitiin pa liya
ReplyDeleteHi po. Thanks for reading. :-)
DeletePaano pong bitin? Kulang pa po?
Yup kuya gab..... My ibang story dito naisulat
DeleteC jharz po ito
DeleteNoted. Thanks sa suggestion at sa comment. :-)
DeleteI love your new story gab! kinikilig ako! Ang ganda ng talk ni ray at rome about fear.
ReplyDeleteSana sumama si rome sa disneyland. Bakit kaya ayaw nya sa disneyland?
Uy! Nagcomment ka rin pala dito. Haha. Kagaya ng reply ko sa iyo sa wattpad, 1st day pa lang po ng tour at hindi pa tapos. 3 days po ang tour ni Ray and Rome. Masasagot po ang tanong mo soon. :-)
DeleteMaraming salamat sa pagbabasa since LMLIA. Ingat po lagi. ^_^
The story is quiet interesting. I hope you can update regularly. Thanks
ReplyDeleteThanks for reading. Yes po every Friday-Sunday po ang update ko. Have a nice day. ^_^
DeleteThanks for reading. Yes po every Friday-Sunday po ang update ko. Have a nice day. ^_^
ReplyDeleteThe story is nice. Very light yet interesting, thanks for this story, really appreciate u sharing ur work to us, just a friendly suggestion. can u make it longer next time? Coz its quite "bitin", especially the sunday updates knowing that we still have to wait upto the next friday for updates.. ehe i hope ull not gonna leave us hnging. Keep it up bro.. til ur next update.
ReplyDeleteAlkwinz
If that's the case po, I think twice a week po akong mag-uupdate (goodluck sa sched ko sana kayanin haha!). Thanks po sa suggestion at natuwa talaga ako na nagustuhan niyo ang story. :-)
Delete