Followers

Tuesday, July 7, 2015

Love Is... Chapter 39



AUTHOR’S NOTE: Sorry! Delayed ako ng isang araw!

Sorry, Franz. :D

Enjoy reading guys!


PS: Wala na munang masyadong mahabang AN. Salamat pa rin sa pagbabasa! :D


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. All images, videos, and other materials used in this story are for illustrative purposes only; photo credits should be given to its rightful owner.


LOVE IS…
Rye Evangelista
theryeevangelista@gmail.com


PREVIOUS CHAPTERS

I | II | III | IV | V
VI | VII | VIII | IX | X
XI | XII | XIII | XIV | XV
XVI | XVII | XVIII | XIX | XX
XXI | XXII | XXIII | XXIV | XXV


ADD US TO YOUR BLOGGER APP
(Reading List)



ADD ME UP!



PS: Please support MSOBian Writers and Stories! Thank you!


CHAPTER XXXIX


Red’s POV

Isang buwan… Anim na buwan… Isang taon... Isa’t kalahating taon... Dalawang taon... Dalawa’t kalahating taon… Ilang araw na kaya sumatutal akong naghihintay sa pagbabalik ng asawa ko?

Ang sakit sa aking makita araw-araw na tanging ang mga aparato na lamang na nasa kanyang kwarto dito sa bahay namin sa Manila ang bumubuhay sa kanya ngayon.

Minabuti kasi naming dito na lamang siya sa Manila para si Dr. Febre pa rin ang titingin sa kanya.

Marami na rin ang bumisita’t kinakamusta ang kalagayan ng asawa ko. Mga kaibigan. Mga kakilala. Lahat ng malalapit sa aming dalawa.

Gaya ng pakiusap niya… naghihintay pa rin ako sa kanyang pagbabalik hanggang ngayon.

Marami nang nagbago. Marami na rin akong pinagdaanan na hindi siya kasama. Mostly, malulungkot na karanasan dahil hindi ko siya kasama sa alin man doon.

Alam ng Diyos kung gaano ko kagustong makasama siya sa mga panahong iyon, pero… ano ba naman ang magagawa ko kung ganoon ang kalagayan niya?

Irregular 3rd year student na ako sa isang unibersidad dito sa Manila. Bachelor of Science in Business Administration Major in Marketing Management ang kinuha ko dahil ito ang gusto ko, at para na rin sa paghahanda ng pagmamanage ko sa iba naming negosyo. Full load every semester, pati summer ay nag-aaral ako.

Diversion para sa pangungulila ko sa asawa ko.

He’s definitely there physically, pero kinakausap ko nga, hindi naman sa akin sumasagot.

Nayayakap ko nga, pero, hindi ko maramdaman ang presensya niya…

Nahahalikan ko nga, pero, hindi ko maramdaman ang pagmamahal…

Sa tuwing umaga bago ako umalis at pag-uwi galing paaralan ako naglalaan ng oras para bisitahin siya tuwing weekdays at Sabado. Kapag Linggo naman ay ako ang nagbabantay sa kanya sa maghapon.

Kapag nasa loob ako ng kwarto niya, kahit ano’y ginagawa ko. Binabasahan ko siya ng libro… nag-aaral akong maggitara… kinakausap siya. Lahat lahat. Kahit masakit sa puso ko na ganoon ang kalagayan niya.

Na makita lamang siyang ganoon, wala pa ring malay, ay ang nagbibigay sa akin ng sobrang kalungkutan.

Huminga ako ng malalim nang nasa harapan na ako ng kwarto kung saan siya patuloy na inoobserbahan.

Napag-usapan na namin ito nina Mom. We’ve waited for too long now. Kapag wala na talaga… masakit man… ay kailangan ko nang tanggapin ang lahat.

Naghihintay lang ako ng sign. Isang bagay lang… maluwag sa puso kong tatanggapin ang lahat.

Pero wala pa naman e. Ito ang gusto ng Panginoon na mangyari. Kabayaran ko nga siguro ito sa pagbibigay ng pasakit noon kay Riel. Katumbas ng isang taong paglayo ko noon dahil sa immaturity ko.

Pinangangaralan akong hindi madali ang buhay. Kung kailangan maghintay, maghintay dapat. Na lahat ng bagay ay may nakatakdang panahon para iyon ay mangyari. Na lahat ay ukol sa Kanyang kagustuhan.

Sabi ni Dr. Febre, choice na rin daw iyon ng asawa ko kung gusto niya pang bumalik. Yeah… It’s a matter of choice. He promised… so still, I’m waiting… but… slowly losing it.

“Rhea…” Tawag ko sa nakaduty ngayong nurse para magbantay kay Riel pagkabukas ko ng pinto sa kwartong iyon.

“Ano po iyon, Sir Red?” Tugon nito.

“Kamusta ang lagay ng asawa ko?”

“Okay naman po, Sir. Stable naman po.” Tugon nito saka ngumiti.

Napatango na lang ako sa kanyang sagot.

Bakit hindi ko magawang maging masaya sa balitang iyon? Stable naman siya. Stable siya. Dapat ay ayos na iyon sa akin kahit papaano dahil hindi niya pa rin ako iniiwan.

“Ako na muna rito, magmeryenda ka na muna. Tawagin na lamang kita kung kailangan at kapag aalis na ako.”

“Sige po, Sir.” Anito saka agad na lumabas ng kwarto.

Agad na tumulo ang matabang luha sa mga mata ko nang makita ko ang maamo nitong mukha. Dalawang taon na akong nangungulila na makitang muli ang nakangiti niyang mukha. Maraming bagay na ang hinahangad kong sana’y makita kong muli mula sa kanya.

“Kamusta ka na, mahal ko? Blueberry… kailan ka babalik?”

Hinaplos ko ang kanyang pisngi. Miss ko na ang mga ngiti niya. Lahat lahat ng tungkol sa pagkatao niya.

Pinagsalikop ko ang aming mga kamay saka hinalikan ang likod ng kanyang kamay. Just by kissing it, maraming dumaang alaala ng nakalipas. Mula sa mga masasaya, papunta sa kasalukuyang kalungkutan.

Minsan, iniiwasan kong magtagal sa kwartong ito. Feeling ko kasi ay nag-iisa lang ako rito sa loob. Naririto nga siya, pero parang wala naman.

Patuloy ko siyang kinakausap dahil ‘yon ang bilin ni Doc. Makakatulong daw iyon para sa recovery niya. If ever man daw kasing magkaroon na ulit ng mental activities sa utak niya’y iyon ang makakapag trigger sa kanyang paggalaw then eventually, ay ang pagkakaroon niya ng malay.

Miracles do happen, sabi nina Mom. Kailangan lang manalig na iyon ay mangyayari’t papayagan iyon ng Diyos.

“Miss na miss na kita, Riel…”

‘Yon lagi ang sinasabi ko sa tuwing pumapasok ako sa kwartong ito. Mga tanong na hindi naman nasasagot. Paglalambing na hindi nasusuklian. Yes, I am hopeless, yet… I am holding still… sa pangakong binitiwan niya, at sa pangako kong maghihintay ako kahit gaano katagal man iyon abutin.

Kinuha ko ang kanyang gitarang ginagamit ko rin para makapag-aral nito. Ako na madalas ang gumamit nito. It’s been 2 years then, at hindi ko na naririnig ang maganda niyang boses.

Ang mga pagbati niya sa umaga kapag naaabutan ko siyang nagluluto ng aming kusina ng agahan. Pangungumusta niya sa akin kapag sinusundo ko siya sa Chua.

And I hope I can hear him sing again. May it be with their band or solo.

Sinimulan kong tipahin ang gitara sa kantang aking inaral mula pa noong isang buwan. Hectic din kasi ang schedule ko ngayong buwan dahil sa exam at feasibility studies na ginagawa ko.

“Alam kong hindi maganda ang boses ko…” Natawa na lang ako sa aking sinabi saka napailing. “Pagtiyagaan mo na, ha? Sana magustuhan mo pa rin… Ito’y alay lamang para sa ‘yo… mahal ko…”

Ipinagpatuloy ko lang ang pagtipa sa gitara.

Ikaw at ako, pinagtagpo
Nag-usap ang ating puso
Nagkasundong magsama habangbuhay.

Kanta ko.

Fuck! Unang stanza pa nga lang ang nakakanta ko ay naiiyak na ako, ano pa kaya sa mga susunod? Napailing na lang ako para alisin iyon sa aking isipan.

Nagsumpaan sa Maykapal
Walang iwanan, tag-init o tag-ulan
Haharapin bawat unos na mag-daan.

But really… I’m on the edge of it right now. Makakaya ko pa kaya?

Sana’y di magmaliw ang pagtingin
Kay daling sabihin, kay hirap gawin
Sa mundong walang katiyakan
Sabay nating gawing kahapon ang bukas.

Is it really okay when someone breaks their promise?

I snapped myself out of that thought. I can’t. I shouldn’t dare myself on doing so.

Malapit na rin pala ang 3rd wedding anniversary namin. Pagtingin ko sa kalendaryong naroroon ay dalawang linggo na lang pala iyon. May malalaking bilog doon na marka ko para sa mga araw na importanteng hindi ko dapat makalimutan.

Next week na rin pala ‘yong outreach ng organization namin. Nawala iyon sa aking isipan. Mawawala pala ako ng tatlong araw sa linggong iyon.

And there’s the day, August 20.

Mag-isa ko lang iyong sinalubong for the last 2 years e. I did a surprise, pero… what’s the big fuss, right? Hindi ko na nakikita ang gulat at saya sa mukha niya kapag ginagawa ko iyon.

Napailing na lang ulit ako.

It’s his birthday also! Hindi ko dapat iyon inisip na gano’n! Importante iyon! Importante iyon sa kanya! Importante iyon para sa akin! Importante iyon para sa aming dalawa!

What were you thinking, Red?

Nagpapadala na naman ako sa lungkot na nararamdaman ko. Nangako ako, kaya nararapat lamang na hindi ako magreklamo.

Ikaw at ako, pinag-isa
Tayong dalwa may kanya kanya
Sa isa’t-isa tayo ay sumasandal
Bawat hangad kayang abutin
Sa pangamba’y ‘di paaalipin
Basta’t ikaw, ako
Tayo magpakailanman.

Kung minsan ay ‘di ko nababanggit
Pag-ibig ko’y ‘di masukat
Ng anumang lambing
At kung magkamali akong ika’y saktan
Puso mo ba’y handang magpatawad?

I can’t dare myself to make a mistake. Mahal ko siya. Hindi ko kaya…

Pero… paano naman ako? Paano naman ang nararamdaman ko? Paano na ang puso ko?

Napailing na lang ako sa aking mga iniisip.

Hindi ko kayang saktan siyang muli. I’ll be in total hell, kung gagawin ko ulit iyon. ‘Di bali na ang nararamdaman ko, para naman ‘to sa kanya. Handa naman ako sa lahat ng kapalit nito.

Naghintay na siya ng matagal noon. Ako naman dapat.

Di ko alam ang gagawin kung mawala ka
Buhay ko’y may kahulugan
tuwing ako’y iyong hagkan
Umabot man sa’ting huling hantungan
Kapit-puso kitang hahayaan
Ngayon at kailanman
Ikaw at ako.

Agad kong inilapag ang gitara sa dati nitong kinalalagyan saka pinunas ang daloy ng luhang kanina pa umaagos mula sa aking mga mata. Hindi ko talaga kayang hindi maiyak sa tuwing naririto ako sa kwartong ito.

‘Yong parang awtomatiko nang dumadaloy ang mga luha ko kapag magagawi, at papasok ako sa kwartong ito. ‘Yong… all that’s in here is sorrow. Na kahit ilang beses pa akong magmakaawa at ubusin ang aking luha’y wala akong makukuhang magandang resulta.

Napailing na lang akong muli. I’m being a worrywart again. Kaya hindi pa tuloy nagbubunga ang paghihintay ko dahil sa ugali kong ito. Atat, hindi makapaghintay, ang gusto ay nariyan agad sa harap ang kahit anuman na gustuhin!

Bull crap, Red! Get a hold of yourself! Magpakalalaki ka nga!

Napailing na lang akong muli. Pinilit ko na lang na ayusin ang sarili ko.

“Nagustuhan mo ba, mahal ko? Sorry sa sintunado kong boses, ha? Hayaan mo…” Napasigok na lang ako dahil sa hindi ko na naman mapigilang bugso ng aking damdamin. “…pag-iigihan ko na lamang sa susunod.”

Agad kong tinungo ang pinto at pagkalabas ay sumandal na lang doon.

Kailan ka babalik, Riel?

Inayos ko ang sarili ko bago ko tinawag si Rhea. Nakakahiyang makita niya akong ganito. Alam kong ramdam nila ang pangungulila ko sa asawa ko. At hindi ko naman pwedeng sabihin na ‘wag nila akong kaawaan.

“Ikaw na ang bahala sa asawa ko, Rhea. I’ll be back at 9. Pakisabihan na lang si Kris mamaya pagpalit ninyo.” Bilin ko.

Tumango lang naman ito sa akin.

Pansin niya siguro ang pamumula ng aking mata kaya nakatungo lamang ito. Nahihiyang baka may masabi siyang ikagalit ko. Sabi ko nga, I don’t really mind. I hate being pitied, pero, hindi ko naman dapat idikta iyon sa mga taong natural lang na nagmamalasakit.

“Salamat!” Huli kong sabi bago ko nilisan ang parte ng bahay naming ‘yon.

Kailangan ko sina Mom, but I can’t ask them to be with me all the time. Marami rin silang kailangan gawin para sa paaralan, pati na rin sa mga negosyong naroroon sa Naga. Pupunta naman sila next week before I leave for our outreach.

Iiyak na lang ako ng todo sa balikat niya bago ako umalis para sa outreach. Natawa na lang ako sa aking naisip, crybaby na kung crybaby.

I’ll get through this, namimiss ko lang talaga ang asawa ko.

-----

Ugok! Asan ka na? May meeting pa tayo for the outreach? May pasok pa tayo after!

Laman ng text sa akin ni Tori.

Magmula noong nag-aral ako rito sa Manila, isa si Tori sa mga naging malapit sa akin. Magaan ang loob ko sa kanya kaya’t itinuring ko na rin siyang matalik na kaibigan. Same course kami at alam niya ang tungkol sa akin at mga drama ko sa buhay.

Maging ang kalagayan ng asawa ko ay alam niya. Nabisita na niya rin ito maraming beses na.

Kulugo! Papunta na ako! Nagpaalam lang ako sa asawa ko.

Sagot ko. Alam kong mali ang pagtitext habang nagmamaneho, pero hindi ko mapigilan e. Lol!

Ugok! Panigurado umiyak ka na naman ‘no? (^-^)v Umuusok na naman kasi ang ilong ng ating ever loving Madam President na may crush sa ‘yo. Nako! Ikaw na lang ang hinihintay! Tsk. Tsk. Tsk.

Mabilis nitong reply.

Napailing na lang ako. Nang makarating ako sa school, ipinark ko na lang ng maayos ang kotse ko dito sa parking lot ng school. Ang alam ko, okay na naman lahat ng kailangang asikasuhin (kahit nakalimutan ko iyon) para sa outreach e. Ba’t pa kaya nagpatawag ng meeting si Jessie ngayon?

I’m on my way, Kulugo. Tell her that.

Bilin ko na lang sa kaibigan ko.

Tss. Opo VP, Ugok ka talaga!

Pahabol pa nito.

Itinago ko na lang sa bulsa ko ang cell phone ko’t tinungo ang Leisure Building kung saan naroroon ang mga offices ng iba’t ibang organizations at clubs na mayroon ang unibersidad na ito.

Bumili na rin ako ng beng beng dahil paniguradong hahanapan na naman ako ng Kulugong ‘yon. Kaya ang daming pimples e. Lol!

Pinagtakpan niya ako ngayon kaya’t manghihingi na naman iyon ng talent fee.

Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa opisina ng organization namin ay ang ngiti sa mukha ni Jessie agad ang sumalubong sa akin. Agad ko na lang iniwas ang atensyon ko mula sa kanya patungo sa kaibigan kong umiiling lamang dahil sa pagpapacute ni Jessie sa akin.

“Hi, Jared! Buti dumating ka!” Masaya nitong pagbati.

Sarkastikong lumingon sa akin si Tori saka inilahad ang kanyang isang kamay. Alam ko na kung anong ibig sabihin noon. Agad ko na lang ipinatong doon ang tatlong piraso ng beng beng na binili ko kanina.

“Tatlo lang? Nanalo kaya ako sa pustahan!” Bulong nito.

“Lugi ako sa ‘yo e. Alam mong patay na patay ‘yang si Jessie sa akin kaya lagi kang nananalo. Umayaw man ako sa hindi sa pakikipagpustahan sa ‘yo ay matutuloy pa rin iyon.” Bulong ko pabalik.

“Hi Jared!” Pagbati muli ni Jessie. Pero hindi ko pa ‘yon pinapansin. Hindi pa ako tapos makipag-usap sa Kulugong ‘to e. Later alligator, Jessie. Lol!

“Kulugo ka talaga!” Dagdag ko pang saad sa kaibigan ko.

“Hi Jared!” Medyo malakas na pagpansin ulit ni Jessie.

Siniko na ako ni Tori para doon. Naiinis man ay kailangan kong gawin. Intentionally kong ginagawa ang ‘di pagpansin sa kanya, pero, sa tingin ko’y hindi basta-bastang susuko ito.

Alam naman ng babaeng ito na may asawa na ako, na lalaki ang asawa ko, pero patuloy pa rin sa pagpapapansin sa akin. Don’t get me wrong, I’m just doing the right thing here. Napaka-unethical naman ata na dahil lamang walang malay ang asawa ko ay gagawa na ako ng mali.

“Hi Jess, what’s the agenda for today? Akala ko okay na naman na ang lahat. Why calling us here? ” Walang gana ko na lang na tugon sa kanya. O siya, pagbigyan. Kawawa naman.

“Para makita ka—Este finalization at distribution of task lang naman. Alam kong may pasok ka pa kaya, bibilisan lamang natin ‘to.” Anito.

Siniko lamang ako ni Tori dahil sa sinabing iyon ni Jessie. She’s at it again. Flirting with me like nobody’s around.

“Ehem. Simulan na natin ‘to? Narito na naman si Red, ‘di ba?” Matigas na pahayag ni James.

“Nagmamadali ka Mr. Silver? Makakaalis ka na kung gano’n.” Mataray na tugon ni Jessie sa kaharap niya.

“Tss.” Tugon lang nito pabalik.

Nagkatinginan lamang kami ni Tori dahil doon. Kasalanan naman talaga ito ni Jessie e. Madali na lang naman ang finalization at distribution of task, dapat sana before na lang ang alis namin. Or best if sa orientation na lamang iyon i-discuss.

Medyo suplado pa naman itong si James. Madali rin itong mainis. Mahalaga ang oras para sa kanya e. Wala dapat masayang sa mga ‘yon.

Naramdaman ko na lang na nag-vibrate ang cell phone ko sa bulsa ko. Agad ko itong kinuha saka binuksan ang mensahe doon. Nang makita ko ang pangalan ng sender ay agad akong napalingon sa katabi ko. Ngingiti-ngiti lamang ito.

‘Di ba dapat magkakampi sina Jessie at James?

Laman no’ng mensaheng galing sa kanya.

Huh? Ano raw?

Agad na lang akong nagtype ng sagot para sa text niyang iyon.

Anong sabi mo? ‘Di ko magets.

Agad naman akong nakatanggap ng reply mula sa kanya.

Anla! Bakit ang talino mo? Simpleng general knowledge lang ‘di mo makuha? Enebeyen! Imba ka talaga, Ugok! Ahahahahaha!

Panay ang tingin ko sa kanya. ‘Yon bang makuha-ka-sa-tingin look. E bakit ba? Hindi ko makuha e! Argh!

Ano nga? Kakalbuhin kita!

Halos masira ko na ang screen ng cell phone ko dahil sa inis sa babaeng ‘to. Kaibigan ko ba talaga ‘to? Tss.

I want to be the very best… Like no one ever was… to catch them is my real test… to train them is my cause… Nako! Kapag ‘di mo pa ‘yan nakuha, suko na talaga ako sa ‘yo, Ariola! Maghanap ka na ng bagong espren! Tsk. Napaka-Ugok mo naman!

Napatingin na lang ako sa kanya na umiiling. Argh! Akala ko naman kung ano na ang tungkol sa dalawang nasa harap namin ngayon! Kinurot ko na lang ito sa kanyang hita.

“Aray naman! Ang shaket ah!” Asik nito. “Oops! Sarreh! Teehee!” Anito nang marealize na hindi lang kami ang naririto.

“Ehem! Ehem! Shall we start?” Matigas na tanong ni Jessie.

Umayos na lang kami ng upo ni Tori dahil doon.

Seryoso na ang Dragonesa!

Nagawa pa nitong makapagtext. Adik! Kahit hindi siya tumitingin sa kanyang screen, nagagawa pa rin niyang magtext. Take note, walang sabit! Walang labis, walang kulang sa mga letra.

Nasaan kaya si Meowth? Lol!

Reply ko.

Aba ang gaga! Nagkalat pa! Hindi na napigilan ang tawa.

“Anong meron, Victoria?” Mataray pero nakangiting tanong ni Jess.

“Wala wala! Ahahahaha! Pasensya na! Ahahahaha! Hindi ko na talaga kasi mapigilan! Ahahahahaha!” Tawa nitong nakahawak pa sa kanyang tiyan. Panay nga rin ang tap nito sa mesa ngayon.

“Ramirez!” Sigaw na nagpatigil sa pagtawa ni Tori.

Maskin ang lahat ay nagitla dahil sa sigaw na iyon.

Si James iyon.

“B-B-Bakit James?” Sagot ni Tori.

“We’re not here to have fun. Can you please save all the laughter after this? Sinasayang ninyo ang oras ko!” Matigas nitong tugon.

“Like what I have said, James. Pwede ka ng umalis. If your time’s so precious to you, bakit ka pa pumunta?” Mataray namang tugon ni Jessie kay James.

“Tss. Malandi.” Agad na lang na tumayo si James sa kanyang kinauupuan saka marahas na isinukbit ang kanyang bag sa kanyang balikat.

“Anong sabi mo! Hoy! Bumalik ka rito!” Nagigitgit sa galit na sigaw ni Jessie.

Pagtingin ko sa kaibigan ko’y para na itong maaamong asong napalo ng kanyang amo. Kasalanan ko ang parteng iyon. Napakababaw naman kasi nitong babaeng ‘to.

Pagkatapos ng meeting ay agad kaming nagtungo sa unang subject namin ni Tori. ‘Yong dating tahimik na tupa sa loob ng Org Room ay nagbalik na naman sa kanyang tunay na katauhan.

“Parang hindi ka nasigawan ni James kanina, ah?” Tanong ko.

“Naman! Hindi ko kayang maging tahimik sa buong maghapon ‘no! Ayaw kong mapanisan ng laway!” Anito.

Napailing na lang ako sa sinabi niya. Tama naman siya e. Sabay na lang kaming umupo pagkapasok namin sa room namin. Naroon na rin naman ang aming guro para sa subject na iyon.


Eli’s POV

Naririto ako ngayon sa puntod ng yumaong mga magulang at kapatid ni Riel.

Every weekends ko ito ginagawa dahil wala siya ngayon dito para gawin ito. He’s still in coma, at alam ng Diyos kung gaano ako kapursigi sa pakikiusap sa Kanyang pabalikin niya na si Riel.

Na kung pupwede’y ako na lang ang papalit.

Masakit sa parte ko na hindi ko man lang magawang puntahan siya sa mga oras na ito. Na wala ako sa tabi niya ngayon.

Wala rin akong mapaghugutan ng lakas e.

Rio’s missing for almost a year now. Hindi man lang siya nagsabi kung saan siya pupunta. He left me hanging. Na walang paalam. Siya pa naman ang nakakaintindi sa akin sa tuwing maiisip ko ang kalagayan ni Riel.

He’s my best friend. Ang taong nalalapitan ko kapag kailangan ko ng balikat para maiyakan. Ang isa pang taong nakakaalam ng buong pagkatao ko. Ang isa sa mga taong pinagkakatiwalaan ko.

Nang maupos ang apoy doon sa mga kandila ay saka ako umalis doon sa sementeryo. Wala rin naman akong ibang mapuntahan. Busy ngayon sina Blaine at Kari para sa thesis nila e. Maskin sila’y hindi alam kung nasaan ang kaibigan.

Nag-type na lang ako ng mensahe para kay Red. Pangangamusta sa kalagayan ni Riel. Ang alam ko ay may pasok iyon ngayon kaya’t hindi ko siya matatawagan. Ginagawa ko iyon lagi, tiyak na pagkauwi noon ay tatawagan na lamang niya ako.

Malalim na buntong-hininga na lamang ang aking ginawa. Ang magagawa na lamang talaga namin ay ang maghintay sa pagkakaroon ng malay ni Riel.

Nasa bahay pa rin kami ni Riel nakatira. Tatlong taon na. Ang bilis ng panahon ‘di ba? Pero… tanging larawan na lamang niya ang nakikita namin dito ngayon.

Hindi na tulad ng dati na kahit paminsan-minsan lamang siyang dumalaw rito sa kanyang bahay ay ngiti niya naman ang sasalubong sa aming mga mata.

Ipinark ko lang ng maayos ang kotse sa gilid ng kalsada sa harap ng bahay. Wala naman kasing parking lot ang lote ng mga Dela Rama kaya’t dito na lamang sa labas. Imbes kasing parking space ang inilagay nila, ay garden ang naroroon.

Mabuti na lamang at sanay si June sa pag-aalaga ng mga halaman. Napapanatili niya pa ang ganda at kalinisan nito.

“Andito na pala si Eli e.” Rinig ko mula sa pinto ng bahay.

Paglingon ko doon ay si June pala iyon.

“Bakit, June? May problema ba?” Tanong ko na lang.

Umiling lamang ito sa akin sa ngumiti.

Natawa na lang ako sa kanyang tugon. “Anong meron?” Tanong kong muli.

Bumulaga na lang sa akin ang imahe ni Blaine sa may pinto.

“Bakit, Mr. Martinez? Hindi ba ako pwedeng bumisita?” Anito tapos kindat sa akin.

Napailing na lang ako sa ginawa niya. Hmmm. Kaya pala panay ang ngiti ni June sa akin. Naku. Naku. Naku! Kailan ba sila titigil sa pang-aasar nila sa akin kay Blaine? Kaibigan ko lang naman ang tao.

Napakibit-balikat na lang ako’t binigyan siya ng isang pitik sa kanyang noo.

Napaatras naman ito kaya nakapasok ako nang tuluyan sa bahay. Nakita ko na rin ang thesis partner niya sa loob na si Kari. Nasa sala rin sina Ate Rose, Kuya Melvin at Kuya Ralph.

May mga nakahandang pagkain sa mesang naroroon at may isang case rin ng alak sa gilid ng sofa.

“Anong meron?” Magha kong tanong.

“Selebrasyon daw nina Kari at Blaine. Tapos na nila thesis nila e. Ready na sa OJT next year! Yey!” Ani Eri na galing sa kusina’t may dala-dalang malaking plato na may lamang roasted chicken.

“What? Agad? August pa lang, ah?” Baling ko kay Blaine.

“Well, well, well.” Tugon niya. Mayabang talaga ‘tong isang ‘to. Lol! “Alam mo naman kami ni Kari gumawa ng paperworks.” Dagdag pa saka nagkibit-balikat.

“Tss. Yabang nito! Ang sabihin mo, ‘salamat’ sa akin, kasi naisipan kong simulan agad iyon no’ng first year pa tayo.” Irap ni Karina sa hangin.

“Ano? Ang aga mo namang pinagplanuhan iyon Kari! Talino, ah?” Gulat na tanong ni June nang mailapag niya ang isang malaking bowl ng kanin sa mesa.

“Hindi naman, sakto lang! Praktikal lamang ako.” Tugon nito.

“Tss. Oo na! Ikaw na ang advance ang utak sa pag-iisip!” Asik ni Blaine.

“Ayaw ko lang na hindi tayo makapag-OJT next year, ano? Ikaw ba, gusto mong maiwanan? Aba! Nakakalungkot naman kung aabot pa tayo ng 5th year! Nagtagal na nga tayo ng tatlumpong taon sa grade school, hanggang college pa ba naman? Kaloka!” Ani Kari.

Nagtatawanan lang naman ang tatlong nakakatanda sa amin.

Siya nga pala, sina Karina at Blaine ay matatalik na kaibigan ni Rio. Naging kaibigan na rin namin sila simula noong maging best friend ko siya. Political Science Majors ang dalawa. Iba sa kinuha ng kanilang kaibigan.

Music Major si Rio dahil iyon ang gusto niya. Iyon ang sinabi niya sa akin. Wala rin naman akong maisip na ibang dahilan dahil sila ang nagmamay-ari ng Gaia Records. Isa sa pinakamalaking Recording Company at Talent Agency dito sa Pilipinas.

Regular na rin silang tumatambay dito sa bahay kahit walang permiso galing sa akin. Kahit ayaw ko’y andito na rin naman sila. Ka-close na rin nila ang mga taong naninirahan dito sa bahay.

Kaso… wala ngayon dito si Rio.

“Kain na tayo! Mahaba pa ang gabi natin!” Anunsiyo ni Blaine.

Kaya ‘yon, as usual, wala akong nagagawa kung hindi ang pagbigyan na lang sila.

Alas onse na ng gabi nang maisipan kong lumabas para magpahangin. Tinungo ko na lang ang garden saka isinalo ang katawan ko sa duyang naroroon. May dala na rin akong isang bote ng alak. Nagpabili pa kasi si Kuya Ralph ng isa pang case dahil sa mabilis naubos ‘yong isa.

Umalis na rin sila Ate Rose at Kuya Melvin kaninang alas otso y media dahil sa shift nila.

Napatingin na lamang ako sa kalangitang punung-puno ng bituin. Naroroon din ang buwan na konti na lang ay full moon na ito.

Sayang, wala si Riel. Paniguradong inaabangan sana no’n ang full moon bukas ng gabi.

Kailan ka babalik, Riel? Ayokong isipin na mahahantong kami sa huling desisyon na mayroon kami. May hangganan din naman ang lahat.

Nakatanggap na ako ng tawag mula kay Red kaninang 10 PM. Gano’n pa rin ang sinabi niya sa akin. Pero, at least, stable naman ang kalagayan ni Riel. Okay na ako roon.

Hay Rio! Kailangan kita ngayon! Bakit mo ako iniwan nang hindi man lang nagpapaalam? Argh!

“Beer pa?”

Pagkalingon ko’y si Blaine pala iyon na may dala-dalang dalawang bote ng alak. Napatango na lamang ako sa kanya saka inilapag ang wala ng laman na boteng hawak-hawak ko kanina pa.

“Kamusta ang iba?”

“Ayun, talking shits. Alam mo na. Just like the last time.” Aniya saka tumawa. “Is it Riel or Rio?” Dagdag niya saka nagwink sa akin.

Natawa na lang ako sa tanong niya.

“Pa’no mo naman nasabi? Malay mo, wala naman talaga akong iniisip.”

“Wushu! I’ve known you for almost 2 years now, Elijah. Don’t get me wrong, okay? Andito ako bilang kaibigan. Alam kong kay Rio ka lang nag-oopen-up ng mga saloobin mo, pero, kaibigan mo rin naman ako…” Anito saka lumagok sa bote ng kanyang alak.

“Ang kaibigan, keen observer.” Sabay naming sambit.

Tama nga ang pusta ko sa sarili ko. Lol!

Sabay na lang kaming tumawa at napailing. Lumagok na rin lang ako sa bote ko. ‘Yon kasi lagi ang sinasabi niya sa pagitan naming apat nina Kari at Rio. Siya ang old hag ng grupo namin. Maraming alam e.

Parang ‘yong kasabihang, ‘papunta pa lang kayo, pabalik na ako’ alam ninyo ‘yon? Maraming words of wisdom na baon araw-araw. Gano’n talaga siguro kapag pangarap maging Lawyer, ano?

“Miss ko na siya e.” Namutawi na lang sa bibig ko.

“Tss. Kung hindi ka ba naman kasi malaking torpe, ina mo! Edi sana’y naririto pa rin iyon.”

“Anong sabi mo?”

“Wala! Sabi ko, potashet ka!” Napailing pa ito.

“Ano nga?”

“Wala nga e! Kulet!” Pinanliitan na lang ako nito ng kanyang mata.

“Tss. Magkakaibigan nga kayo.” Lumagok na lang akong muli sa bote ko.

“Tsk. Tsk. Tsk. ‘Wag ka na ngang magmaang-maangan diyan! Potapepe! Alam mo naman ang sinasabi ko ‘di ba? Taenes!” Asik nito.

Alam ko naman talaga e.

Kung kailan kasi sasabihin ko na kay Rio ang nararamdaman ko para sa kanya, saka naman ito nawala na parang bula sa buhay ko.

“Alam ko na kung bakit umalis ‘yong gagang ‘yon.” Napaupo tuloy ako mula sa pagkakahiga ko sa duyan.

“Talaga? So…” Pagtatanong ko. “Alam mo ba kung saan siya pumunta?”

“Ikaw, Eli. Tatanungin kita. A day before umalis si Rio…” Anito saka inubos ang laman no’ng bote niya. “…nasaan ka, anong ginagawa mo, sinong kasama mo, at anong nangyari no’ng araw na iyon?”

Napaisip tuloy ako.

“Naalala mo na? ‘Yon ‘yong rason kung bakit ka iniwan ng mahal mo sa ere ng walang paalam.” Walang pasabi itong umalis na lang doon sa garden.

Nahampas ko na lang ang mesa nang buo kong maalala ang lahat.

Argh! Nakita niya kaya? Argh! Kasalanan ‘to ni Fiel!


Brett’s POV

“Hon!” Nagitla na lang ako mula sa sigaw ng aking asawa. “You’re spacing-out. Is it Riel? Miss mo na ang best friend mo ‘no? Miss ko na rin siya e.” Malungkot nitong pahayag.

Niyakap ko na lang siya ng mahigpit dahil doon.

“Masakit isipin na gano’n ang nangyari sa kaibigan natin ‘di ba? Siya pa na, hindi ko lubos maisipan ng mga nagawang kasalanan. Siya, na lahat na yata ng kabutihan ay nasa kanya na.” Nagsimula na rin itong umiyak.

“Hon… babalik si Riel. Nararamdaman ko iyon.” Pag-alo ko na lang sa kanya. “Punta tayo ng Manila?” Dagdag ko.

Tumango lang naman ito sa akin sabay punas ng kanyang mga luha. “Should we ask the others? Baka gusto nilang sumama.”

“Sige. At least nagtanong tayo kahit hindi sila pupwede. Midterms na kasi ‘di ba?”


Red’s POV

“Son, handa ka na ba?” Tanong ni Mom. “Kami na muna ang bahala kay Riel. Tumawag ka lang anytime.” Dagdag pa nito.

“Yes, Mom. Magpapaalam lang po ako kay Riel.” Tumango lang ito sa akin.

“Don’t worry okay? Kung may mangyari man ay babalitaan ka agad namin.” Tapik ni Dad sa braso ko.

“Siya nga pala, tumawag na ba sa ‘yo sina Brett? Bibisita raw sila. Sa makalawa na ang flight nila papunta rito.”

“Yes, Mom. Kanina lang. Mabuti iyon. Paniguradong magiging masaya si Riel kapag narinig niya ang boses ng best friend niya. Punta na muna po ako sa kwarto niya.” Tumango lang sa akin sina Mom.

Umiyak na ako ng todo kagabi sa balikat ni Mom. Alam na niya ang nararamdaman ko kaya’t hindi niya na ito masyadong tinatanong.

Tinungo ko ang kwarto ni Riel para magpaalam sa kanya. Mawawala ako ng tatlong araw at dalawang gabi e. Hindi niya maririnig ang boses ko simula bukas. Mabuti na lang at narito na sina Mom. Kampante na akong isa sila sa magbabantay sa asawa ko.

Umupo lang ako sa upuan kung saan ako parati sa kwartong iyon.

“Kamusta, Mahal ko?” Paunang salita ko.

The usual. Kahit hindi nasasagot ay tuloy lang.

“Mawawala ako ng tatlong araw. Don’t miss me too much, okay?” Naiiyak na natatawa ako sa sinasabi ko.

“Babalik ako, kaya… ‘wag… mo muna akong… iiwan, ha? Kung aalis ka na, siguraduhin mong andito ako, ha?” Kainis! Ano ba ‘tong sinasabi ko.

“Pangako ‘yan! Babalik ako. Pakihintay ako, Blueberry, please…” Napansin ko na lang na tumulo ang luha ko sa kamay niya.

“Babalik agad ako.” Inayos ko ang sarili ko saka tinawagan ‘yong kaibigan kong DJ sa radyo ng aming university.

“Hey, Sean! Pwede ba akong magrequest?” Tanong ko sa kanya habang inaayos ko ang radyong naroroon sa loob ng kwarto. Inilagay ko na rin iyon sa istasyon ng radyo namin sa school.

“Sure! Ikaw pa! Malakas ka sa akin e!” Sagot nito.

“Salamat! The usual song and the original singer, please.”

“Oh? Para kay—.”

“Yes, please.”

“Okay! Okay! No problem, Bro! Basta, ikaw!”

“Salamat!” Agad na ring naputol ang linya dahil mag-o-on-air na siya.

Kamusta mga ka-Ryesters! Isa na namang magandang umaga sa inyong lahat! Anong agahan ninyo kanina? Ako? Heto, Jabee ulit. Kumakain habang on-air. Hahahaha!

Rinig kong pagbubukas ng programa niya sa radyo.

Nga pala! May tumawag na kaibigan. May song request agad ako e. Tamang-tama naman sa pagbubukas ng ating programa. Dedicated ito sa kanyang asawa. Sana, marinig niya ito.

Alam din kasi ni Sean ang kalagayan ng asawa ko. Minsan na rin kasi akong nagguest doon para mag-DJ pamsamantala. Tsaka, lagi kong nirirequest ‘yong kantang iyon sa kanya. Nilakasan ko na lang ng konti ang volume ng radyo para marinig nga ni Riel.

Masarap sigurong kasama mo ang minamahal mo sa byahe ng buhay, ‘di ba? May makakatuwang, may masasandalan, may makakaramay, ‘yong feeling na in love ka lagi. Kaya sa mga nasa relasyon ngayon, please make every second counts.

Naalala kong ginawa ko rin pala iyon. Ang pagpapayo sa mga tao. Isa sa mga hindi mo matatakasan bilang isang DJ. Medyo opinionated nga lang lahat, tsaka, hindi naman naiaapply sa sariling buhay.

Here’s your first song for today, guys. Enjoy and fall in love.

Nang magsimula ang kanta ay lahat ng alaala ng nakalipas ay paunti-unting bumalik sa aking gunita.

It was like the first time.

‘Yong unang maayos na pag-uusap namin noon sa ospital…

‘Yong pagsundo ko sa kanya gamit ang motor ko…

‘Yong unang sakay namin kay Blake…

‘Yong paborito naming kanta…

I look at her and have to smile
As we go driving for a while
Her hair blowing in the open window of my car
And as we go the traffic lights
Watch them glimmer in her eyes
In the darkness of the evening

Napapikit na lang ako nang magsimula ang kanta. Agad namang tumulo mula doon ang matabang luhang kanina pa namumuo roon.

And I've got all that I need
Right here in the passenger seat
Oh and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me

Mga alaalang hinding-hindi ko malilimutan.

Umupo ulit ako doon sa dati kong pwesto saka pinagsalikop ang aming mga kamay. Idinampi ko na rin ang aking pisngi sa likod ng kanyang kamay.

“Naaalala mo ‘yang kanta, Blueberry?” Napasigok na ako dahil pinipigilan ko pa ring humagulhol.

“Do you remember?”

My mind clouds and I can't think
Scared to death to say i love her
Then a moon peeks from the clouds
Hear my heart that beats so loud
Try to tell her simply

Hindi ko na napigilan pang umiyak. Miss na miss ko na talaga siya. Hindi ko yata kayang malayo sa kanya ng tatlong araw gayong sa Batangas lang naman ang punta namin.

Napailing na lang ako. Tatlong araw lang naman. Kailangan ko rin sigurong iyon para mabawasan ang pag-aalala ko’t pag-iisip ko ng mga malulungkot.

“Babalik ako, Riel. Hintayin mo ako, ha?

And I've got all that I need
Right here in the passenger seat
Oh and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me

And I've got all that I need
Right here in the passenger seat

No One’s POV

Umiiyak na nilisan ni Red ang kwarto kung saan naroroon ang asawa. Nagbalik sa kanyang alaala ang lahat ng masasayang araw nila ni Riel noon.

Ang himig at liriko ng kanta ang naging simula ng kanilang pagkakaunawan. Ito rin ang nagbigkis ng kanilang pagmamahalan.

Masakit man sa kanyang iwanan ang asawa ng tatlong araw ay wala siyang magagawa. VP siya ng organization nila kaya’t kailangan ang presensya niya roon.

Agad niyang niyakap ang ina nang makita niya ito.

“Tahan na anak. Magbubunga rin itong paghihirap at paghihintay mo. Kami na ang bahala kay Riel. Iwan mo muna rito ang pag-aalala mo sa asawa mo. Walang mangyayaring masama, okay?”

Tumango na lamang ito sa sinabi ng ina. Mother knows best aniya ng kanyang isipan.

“Kayo na po muna ang bahala sa asawa ko, Mom. Call me whenever needed. Thank you.” Bilin nito sa ina bago nilisan ang kanilang bahay.

Samantala, isang hindi inaasahang pangyayari ang hindi nakita ni Red mula roon sa loob ng kwarto. Si Riel iyon.

Dumaloy ang luha nito mula sa gilid ng kanyang mata. Gumalaw din ang daliri nito. Is it the song? O ang pangakong kailangan niyang tuparin para sa asawa?


Red’s POV

Kahit papaano’y hindi ko masyadong inaalala ang kalagayan ng asawa ko. Naroon naman sina Mom. I know he’ll be fine.

Nakalimutan kong iiwan pala namin ang aming mga cell phone sa Org Office kaya’t hindi ko iyon nabilin kila Mom. Kaya gustuhin ko mang makibalita sa kalagayan ng asawa ko ay hindi ko magawa.

Naririto kami ngayon sa Isla Fortuna, sa Nasugbu, Batangas para sa isang activity namin. Team Building para sa mga miyembro ng Council sa aming Org.

Nilinis muna namin ang buong paligid bago kami nagset-up ng Camp. Ang ganda sana rito kaso maraming nagkalat na basura nang dumating kami. Ayon sa naghatid sa amin dito, lagi raw iyon lalo na kapag maraming pumupunta.

Kwentuhan at sharing ang naging agenda kanina. I’m drunk, at hindi ko na masabayan ang sinasabi ng mga kasama ko. Naisipan ko na lang na magpahangin muna sa dalampasigan.

Naalala ko na naman kasi ang asawa ko.

“Saan ka pupunta?” Tanong ni Tori sa akin.

Itinuro ko na lang ang dalampasigan sa kanya. Tumango naman ito nang maintidihan ang tugon ko.

Napabuntong hininga nalang ako nang makaupo ako sa buhanginan. Ang ilaw na nagmumula sa Parolang naroroon lamang ang tanging liwanag na nakikita kong sinasalubong ang malawak na karagatan sa harap ko.

I miss you, Riel.

Nagitla na lang ako nang may tumabi sa akin.

“Lalim ng inisip natin, ah?” Ani Jessie sabay abot ng isang bote ng alak sa akin.

“Yep. Miss ko na kasi ang asawa ko.” Tugon ko saka kinuha iyon sa kanya. “Salamat.”

Umiling lamang siya na nakangiti. “Kamusta naman siya?” Tanong niya.

Nakasandal na rin ang katawan nito sa gilid ng katawan ko. Hindi ko na lang iyon inintindi. Sa halip ay lumagok na lang ako doon sa boteng ibinigay niya.

“Gano’n pa rin.”

“Oh? It must be tough, right? Seeing him everyday, na wala pa rin malay.”

Naramdaman ko na lang ang kakaibang sensasyong dumadaloy sa katawan ko. Then, naramdaman ko na lang ang pagtulak niya sa akin kaya’t napahiga ako sa buhanginan.

“Ilang taon ka na bang naghihintay sa asawa mo, Jared? Umaasa ka pa rin bang babalik siya? Himala na lang siguro ang hihintayin mo.” Anito.

Napaiwas na lang tuloy ako ng tingin sa kanya. Tama naman siya, niresearch ko ang kalagayan ng asawa ko all over the net, at maliit na porsyento lamang ang mayroon na magkakamalay pa ang mga pasyenteng gano’n ang kalagayan sa asawa ko.

“Heto ako, Jared. Ako na lang… buhay. Kaya kong ibigay lahat ng pangangailangan mo.” Anito saka ako hinalikan.

Hindi ko nagawang maglaban dahil siguro sa nainom ko. Parang may droga ‘yong ininom ko. Sumagot na rin lang ako sa halikan na iyon. Wala na talaga akong aasahan. Tatanggapin ko na ang lahat.

“Ang landi mo talagang babae ka!”

Napamulat na lang ako dahil sa sigaw na iyon.

“Aray! Tori! Bitawan mo ako!” Daing naman ni Jess.

“Alam mo na naman na may asawa na ‘yong tao, nilalandi mo pa!” Malakas na sampal ang sumunod doon.

Umiiyak na tumakbo papunta sa mga kasama namin si Jess. Ako? Hindi pa rin makagalaw.

“Ikaw naman!” Malakas na sampal din ang dumapo sa pisngi ko. “Mukhang naienjoy mo pa, ha? Potashet, Red! Nakalimutan mo na ba ang pangako mo kay Riel? Kahit gaano pa man katagal siyang bumalik, basta nangako ka, nangako ka! Maghihintay ka ‘di ba?” Asik nito.

Natauhan na lang ako sa kanyang sinabi.

“Red! Alam mo bang gusto rin kita? Pero ano? Hindi ko sinabi ‘di ba? Kasi may asawa ka na. Hindi deserve ni Riel na maiwan na lang ng basta-basta. Maganda ang kwento ng buhay ninyong dalawa. Nirerespeto ko ang pagmamahalan ninyong dalawa!”

Natahimik na lang ako.

Back and forth lamang siyang naglalakad sa harap ko.

“Tangina, Red! Binakuran kita sa lahat ng nagkakagusto sa ‘yo, para kay Riel. Alam mo ‘yong feeling kapag nagbitaw ka ng isang pangako? It is meant to be broken, pero… kapag para sa importanteng tao ‘yon ay gagawin mo.”

Hindi ko na napigilan ang umiyak.

“Take responsibility, Red. Alam kong babalik si Riel. Babalik siya. Tuparin mo ang pangakong binitiwan mo sa asawa mo!”




Itutuloy…

8 comments:

  1. Please ignore the typos, guys. Edit ko na lang bukas. Hihi! :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kelan last chapter..hehhe ganda .. CNT wait..nice

      -xYler

      Delete
  2. Saby update kana lang bukas para wala kana alahanin pa :)

    ReplyDelete
  3. Pls post the last chapter, ganda ng story, agad agad hehehehehe pretty pleas

    ReplyDelete
  4. Very emotional pa rin ang episode na to. Kailan gigising si Riel? Thanks sa update. Take care.

    ReplyDelete
  5. hopefully mgising n si riel.. ang haba n ng story

    ReplyDelete
  6. Sobrang nkakahawa any lungkot no riel..... nakakakiuak

    ReplyDelete
  7. Hmmmm sobrang bigat ng dinadala ng buong barkada n

    Jharz

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails