Followers

Tuesday, June 30, 2015

Love Is... Chapter 38



AUTHOR’S NOTE: So ‘yon! Hindi ko alam kung magugustuhan ninyo itong update na ito, pero… yeah… whatever your reactions are, okay lang naman sa akin.

Dalawang Chapters na lamang ay matatapos na ito. I intend to post the last chapters on July 7 (Chapter 39) and July 14 (Chapter 40).  Para alam niyo na. Walang exact na oras kasi hindi ko alam ang pagbabago sa Work sked ko e. Antayin niyo na lang. :D

Maraming salamat pa rin sa mga sumusuporta sa akda kong ito!

No further ado! Enjoy reading, guys! :D


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. All images, videos, and other materials used in this story are for illustrative purposes only; photo credits should be given to its rightful owner.


LOVE IS…
Rye Evangelista
theryeevangelista@gmail.com


PREVIOUS CHAPTERS

I | II | III | IV | V
VI | VII | VIII | IX | X
XI | XII | XIII | XIV | XV
XVI | XVII | XVIII | XIX | XX
XXI | XXII | XXIII | XXIV | XXV


ADD US TO YOUR BLOGGER APP
(Reading List)



ADD ME UP!



PS: Please support MSOBian Writers and Stories! Thank you!


CHAPTER XXXVIII


Red’s POV

Andito kami sa ospital para sa paghahanda sa operasyon ni Riel. Ang makintab at purong itim na buhok niya’y unti-unti bumabagsak sa malamig at puti nitong sahig.

It breaks my heart into pieces.

Halos buong linggo rin naming inaliw ang aming sarili sa kung saan-saang lugar dito sa Manila. Pumunta kami sa sikat na Duhat Tree ng Angono; kumain sa mga restaurant na nai-feature sa isang TV Show; pumunta sa isang concert ng PULSAR; nagpicnik sa river side sa Sta. Ana habang pinapanood ang papalubong na araw; at nagsimba sa bawat simbahang aming nadaraanan.

Lahat ng iyon ay ginawa namin. I want to see him happy. Ayokong isipin na preparasyon iyon para sa pwedeng mangyari, pero, dahil hiniling niya iyon ay pinagbigyan ko.

“Gwapo pa rin ba ako?” Tanong niyang nakangiti sa salamin.

“Opo, Sir!” Nakangiting sagot noong nurse na nagshi-shave ng kanyang buhok.

Alam kong ako ang tinatanong niya no’n. I’m just in deep thoughts, kaya hindi ko agad iyon nasagot. Buti na lang at mabait at masayahin itong nurse na umaahit sa kanyang buhok.

Ngumiti lang din ito sa nurse bilang tugon. Nagtagpo ang aming mga mata doon sa reflection ng salamin, at abot tengang ngiti ang sumalubong ulit sa akin.

Muli, paunti-unti nitong dinudurog ang aking puso.

Alam ng Diyos kung gaano ko na kagustong tutulan ang mangyayaring operasyon ngayon. Parang lahat ng sinabi kong pangungumbinsi sa kanya ay pilit nang bumabalik sa akin. Masakit palang makita ito ngayon, kaysa pagdesisyunan ito noon.

Sinasabi ng isipan kong, ‘wag na lang itong ituloy pa. Masyado nitong dinudurog ang puso ko. Lahat ng pwedeng mangyari ay iginuguhit, bawat detalye’y isa-isang nagkakakulay sa utak ko. Ganito pala kapag nalalapit na.

“Anong masasabi mo, Cheesecake?” Anito na nakangiti pa rin.

Napangiti na rin tuloy ako kahit iniisip ko pa rin ang pag backfire ng mga desisyon ko sa operasyong ito. Wala naman akong magagawa sa sakit ng asawa ko kung hindi ang ipagkatiwala ito sa mga doktor na mag-oopera sa kanya at sa Diyos, ang kaligtasan niya.

“Kahit ano pa mang hair style mayroon ka, tatanggapin ko, kasi mahal na mahal na mahal kita. Hindi ko naman minahal ‘yang itsura mo e, kung ano ka, ‘yon ‘yong nagpapatibok ng puso ko hanggang ngayon.” Tugon ko.

“Nekekeleg nemen pe eke!” Sabi no’ng nurse.

Natawa na lang kaming tatlo doon sa loob.

Okay lang bang maging masaya sa sitwasyong ito?

Kasama namin dito sina Mom at Dad. Kasalukuyang kausap nila ngayon si Dr. Febre para sa mga mangyayaring operasyon. Si Seb at Dave naman ay naroroon sa bahay namin dito sa Manila. Kararating lamang kasi nila mula Batanes.

Nang matapos ang pag-ahit sa kanyang buhok ay pinasuot na siya ng kanyang hospital gown para sa pagpasok niya sa OR.

Naglalakad na kami ngayon sa hallway papunta sa OR at abot abot na ang aking kaba. Namamawis na rin ang palad ko dahil doon.

“Relax.” Aniya.

Alam kong panay pawis na ang palad ko dahil sa kaba ko pero hindi niya iyon binibitawan.

Ngiti ang nasilayan ko sa kanyang mukha. I don’t know if okay na talaga sa kanya ang mangyayari or what. Ako itong nagpaintindi sa kanya sa lahat ng mangyayari, pero, heto ako’t parang ako pa ‘yong ooperahan.

“S-Sure ka na ba talaga?” Tanong ko.

“Saan? What do you mean?” Tugon niya.

Umupo siya sa bench na tatlong metro na lamang siguro ay pinto na ng OR ang naroon. Nakatayo lamang ako sa harap niya’t sinusuri ang kanyang mukha. Makakita lamang ako ng konting  pag-aalinlangan sa kanya’y itatakas ko siya rito sa ospital.

Tanan lang?

“Dito… sa operasyon...” Sagot ko.

Ngumiti siyang muli pero matapos noon ay iniiwas niya ang tingin sa akin.

“Kahit ayaw ko, pipigilan mo naman ako, ‘di ba?” Aniya.

“Alis na tayo?” Agad kong tugon sa kanya.

Napatingala tuloy siya sa akin. Puno ng pagtataka ang nakita ko sa kanyang mukha. Maskin ako rin ay nahihiwagaan sa nangyayaring pagbabago sa mga desisyon ko.

Ako ‘yong nagpupumilit sa kanyang gawin ito, pero ako na rin ang nagsasabi ngayong ‘wag na itong ituloy. What a bull crap, Red?!

“Let’s go?” Pag-alok ko sa kanya.

Handa na ang mga kamay ko sa paghawak sa kanyang kamay ng mahigpit, pati na ang mga paa ko para sa pagtakbo.

Ngumiti, pero umiling lamang ito sa akin.

“There’s no turning back now, Red…” Aniya.

Mali ata ang pagkakarinig ko noon.

“Akala ko—.”

“Gusto ko ‘tong gawin kasi gusto ko pang mabuhay ng matagal. Gusto ko pang mabuhay ng matagal… para sa ‘yo. Gagawin ko ‘to para sa ‘yo dahil gusto pa kitang makasama ng matagal.”

“Pero…”

“Napag-usapan na natin ‘to, ‘di ba? Ikaw pa nga ang nagpaintindi sa akin ng lahat lahat. At tama ka… ito lang ang paraan para makasigurado tayo sa bukas na gusto nating harapin ng magkasama. Buo na rin ang desisyon ko. Andito na tayo kaya wala na dapat atrasan pa.”

Napayuko na lang ako sa kanyang mga sinabi. Bakit ngayon lang ito pumasok sa isipan ko? Hindi na sana umabot sa ganito!

Hinila niya ako’t pinaupo sa tabi niya. Ipinatong nito ang kanyang ulo sa balikat ko.

“Nangako ako ‘di ba? Do you trust me?”

“Of course!” Tugon ko.

Umalis siya sa pagkakasandal at iniharap ang aking mukha sa kanya.

“Then don’t worry, okay? Just trust me.”

Hindi ko kayang tumingin sa kanya. Naiiyak ako sa tuwing nakikita ko ang ngiti sa kanyang mga labi. Hindi naman ako kagaya niyang isang tingin palang sa mata ay mababasa na ang saloobin ng nagmamay-ari nito.

“Cheesecake… look at me.” Utos niya. Pero pilit kong iniiwas ang paningin ko sa kanya.

“Red. Please?” Pakiusap niya pa rin.

Nagawa niyang iangat ang mukha ko. Nagtama ang paningin namin sa bawat isa kaya’t hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking mga luha. So gay! Argh!

Ngumiti lamang ito nang makita ang luhang tumahak pababa sa aking pisngi.

“Don’t worry, gwapo ka pa rin!” Aniya saka malakas na tumawa.

Napangiti na rin tuloy ako dahil sa pagtawa niya. I’m like I’ve lost my sanity because I cry and laugh at the same time.

“Nangako ka rin ‘di ba? Na kahit gaano pa man katagal abutin ang pakikiusap ko sa Panginoon, maghihintay ka sa aking pagbabalik.” Naramdaman ko na lang na pinahid nito ang luhang papatakas na sana sa gilid ng mga mata ko.

Tanging tango lamang ang isinagot ko ro’n sa kanya.

“May tiwala ako sa ‘yo, kaya dapat gano’n ka rin sa akin, ha?” Tanong niya.

Tango ulit ang isinagot ko ro’n sa kanya.

“Tandaan mong mahal na mahal kita. No goodbyes yet, magkasama pa tayong tatanda.”

“Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal din kita, Riel. Maghihintay ako, maghihintay ako, pangako!” Walang preno kong tugon sa kanya. Humahagulhol na rin ako doon.

Masuyong halik mula sa kanya ang natanggap ko.

-----

Hawak-hawak ko ang kamay ni Riel habang papalapit kami sa pinto ng OR. The moment of truth is coming, at parang may glue’ng nakalagay sa kamay ko’t ayaw nitong bitiwan ang kamay ng aking asawa.

Ganito pala kapag mangyayari na. Lahat ng sinang-ayunan mong desisyon ay parang babalik at sana’y sinabi mo na lang na tutol ka rito noon. Totoo ngang nasa huli lagi ang pagsisisi.

Pero… tama naman ‘yong sinabi ng asawa ko e. Walang mangyayari kung patatagalin pa namin ang lahat ng paghihirap na mayroon kami. Sabi nga, if you can rid of the problem, do it as soon as possible. Wala namang problemang walang solusyon.

Kailangan lang ng tamang formula para doon; ang maniwala sa kakayahan ng mga doktor, at syempre magkaroon ng metatag na pananampalataya sa Diyos.

“Red.” Tawag ni Mom.

Tumingin naman ako sa kanya para malaman kung ano ba ang gusto nitong iparating.

“Let Riel go. Magsisimula na ang operasyon.” Aniya.

Ngumiti ako kay Mom. Parang ang sakit naman no’ng pakinggan! Fuck! I don’t want to let him go! Umiling ako ng todo.

“Cheesecake?” Ani Riel.

Bumagsak na lang ang tingin ko sa aking mga paa. Mainit na palad ni Dad ang nadama ko sa aking balikat. It makes me want to cry again pero pinilit kong hindi iyon tumakas sa mga mata ko.

“He’ll be fine. Si Louie na at ang team niya ang bahala sa kanya.” Ani Dad.

“Gagawin namin ang aming makakaya, Jared.” Ani Dr. Febre.

Tumango na lang ako.

Ngumiti at tumango lamang si Riel sa akin. With that, unti-unti kong binitiwan ang kamay niya hanggang sa mahiwalay ito sa kamay ko.

“Wait for me, okay?” Aniya.

“Okay.” Sagot ko.

Kasabay nang pagsara ng glass door sa OR ang pagbagsak ng aking mga luha. I stayed strong for that moment kasi nangako ako sa kanya.

Mali ba ako kung sasabihin kong mostly ang mga pangako ay palaging napapako?

Pero… may tiwala ako sa kanya.

Sa bisig ni Mom ko naibuhos lahat ng aking saloobin sa puntong iyon.


Riel’s POV

“Okay ka lang ba?” Tanong ni Dr. Febre sa akin.

Pagkapasok na pagkapasok lamang namin ni Doc sa loob ng OR ay agad na tumulo ang mga luhang kanina ko pa ikinukubli. Nakita ko nang magiging balisa si Red sa mga oras na ito.

He even asked me to leave, para ‘wag na lang ‘tong ituloy lahat. Pero… nakapagdesisyon na ako e. Gagawin ko naman ito para sa kanya…. para sa hinaharap naming dalawa.

“Y-Yes, Doc.” Tugon ko. Agad ko ring pinunas ang daloy ng luha sa pisngi ko.

Nakita kong may kinukuha siya mula sa kanyang bulsa, nang makuha niya iyon ay iniabot niya ito sa akin. Umiling lamang ako sa kanya.

“Salamat po, Doc.” Huminga ako ng malalim. “Doc, gusto ko pa pong mabuhay ng matagal. Kung may mangyari mang hindi maganda, please po, gawin po ninyo ang inyong makakaya.” Dagdag ko.

“O-Okay.” Gulat na sagot ni Doc.

Natawa na lang ako sa aking pakiusap sa kanya, maging sa reaksyon niya rito.

“Sorry Doc. Gusto ko pang makita ang asawa ko. Gusto ko pa pong tumanda kasama siya.”

“We’ll do our best, Gabriel.” Ani Doc na nakangiti na sa akin.

Iminwestra niya sa akin ang kama kung saan nila ako ooperahan. Agad naman akong pumunta roon at naupo. Nakita ko sa paligid ang iba’t ibang aparato, mga tools sa pag-oopera, tatlong nurse; isang lalaki at dalawang babae, at isang babaeng Doctor.

“She’s Dr. Almira. Kasama ko siya na mag-oopera sa ‘yo.” Pagpapakilala ni Dr. Febre sa lumapit na babaeing doktor.

“Nice to meet you, Dr. Almira.” Pagbibigay galang ko rin dito.

“Nice to meet you too, Gabriel. We’ll do our best. Pagtiwalaan mo kaming lahat ng naririto and of course, have faith in God.” Tugon naman ni Dr. Almira.

“Opo. Kayo na po ang bahala sa akin. May tiwala naman po ako sa Panginoon.” Pagsang-ayon ko.

Pagkahiga ko sa kama ay nakita ko ang reflection ko sa monitor na naroroon. Napailing at napangiti na lang ako sa nakita ko. This is it! Wala na talagang atrasan ‘to!

Gaano kaya katagal ako maghihintay para tumubo ulit ang mga buhok ko? Lol!

‘Yon pa ang pinroblema ko, ‘di ba?

How about the scar? Sana tubuan pa iyon ng buhok. Lol!

“Doc.” Pagtawag ko ng pansin kay Dr. Febre.

Parehong humarap sa akin si Dr. Febre at Dr. Almira. Well, kasalanan ko naman kasi hindi ko iyon pinangalanan.

“Hindi ko po alam kung kailan ako magigising, o kung makakapagsalita agad ako kapag nagising na ako. Pakisabi na lang po sa asawa ko na mahal na mahal ko siya. At pakisabi po na maghintay siya.” Pakiusap ko.

Nagkatinginan ang dalawang doktor sa sinabi ko. Pamamaalam na ba ‘yon? Lol! I don’t even said it like that! Sinabi ko namang babalik ako ‘di ba? ‘Wag lang sanang magtagal…

“Okay, Gabriel... Pagkatapos na pagkatapos lang ng operasyon, sasabihin namin iyon sa asawa mo.” Alam kong hindi pa masisiguro ang tagumpay ng operasyon na ito, pero… gusto ko pa ring maniwalang gagaling ako.

Magiging payapa ang pagtulog ko.

“Ready?” Tanong ni Doc Febre.

Tumango lamang ako sa kanya bilang sagot.

Unti-unti nilang inilagay iyong inhalator sa akin.

“There might some changes when you wake up, about two or four days, maybe. Pero, will do our best to avoid them. When you wake up, we’ll have a series of test para malaman kung may mga pagbabago ba, kung may problema pa, and with that malaman namin kung paano maibabalik ‘yong dating sigla mo.” Ani Dr. Almira.

“This is a brain surgery, Riel. Alam mo na naman siguro kong anong gusto kong sabihin sa ‘yo. Ano man ang mangayari when you wake, eventually, all will be back to normal. Kailangan mo lang maghintay. We’ll see you when you wake up.” Ani Dr. Febre.

“General Anesthesia ang gagamitin namin sa ‘yo, it’ll make you unconscious and won’t be feeling any pain. We’ll keep on monitoring you throughout the surgery. Ready?” Dagdag pa ni Dr. Almira.

Tumango na lang din ulit ako.

Nang maikabit na nila ng maayos sa akin ang inhalator, pagkahinga ko lamang noong hangin na nagmumula roon ay unti-unti kong nararamdaman ang pagka-antok.

Ang alam ko na lang ay nahulog na ako sa purong itim na kalangitan.


Eli’s POV

Mabilis kong nilisan ang classroom matapos kong ipasa ang aking exam sa aming guro. Huling minor subject ko iyon at mabuti na lang at napag-aralan ko nang mabuti ang mga lumabas doon.

Tumatakbo ako sa hallway nang may bigla akong mabangga. Ang lakas ng impact! Fuck!  Ang ilong ko!

Mas inalala ko pa iyon kesa sa nabangga ko. Lol! Kasalanan ko naman e. I’m trying to contact Eri para makapag-ayos agad kami para sa flight namin mamayang alas otso papuntang Manila.

Hawak hawak ko ang aking ilong nang maisipan kong humingi ng paumanhin doon sa nabangga ko.

“O-Okay ka lang ba?” May pause sa bawat salita ang pagkakasabi ko noon nang makita ko kung sino ang nabangga ko.

Fuck! Lagot na naman ako nito! Hindi ko pa naman alam kung bakit laging galit ito sa akin. Parang may mali lagi sa itsura ko sa tuwing makikita niya ako e.

Nakita ko sa sahig ang basag niyang salamin, maging siya’y hawak hawak din ang noo.

“Aray…” Anito.

Pilit nitong kinakapa sa sahig ‘yong salamin niya. Ang nagawa ko na lang ay ang tumunganga doon.

“Hindi ka man lang ba hihingi ng sorry?” Asik nito. “Aray! Fuck! Nasaan na ba ang salamin ko?! Tss.”

Naestatwa pa rin ako sa kinatatayuan ko. I bet may tumulo na mula sa ilong ko, but I’m not sure what it is. Sipon? Dugo? I don’t know! Napapalunok ako ng sobra dahil sa taong ito.

Nahawakan niya ang kanyang salamin at isinuot ito.

“Fuck! Basag!” Asik ulit nito. “Ano na?!” Dagdag nito.

Nanlaki ang mga mata nito nang makita kung sino ang nasa harap niya ngayon nang maisuot ng maayos ang kanyang salamin. Multo ba ako sa paningin niya’t kung makareact siya ay wagas?

“S-Sorry!” Naisagot ko na lang.

“Fuck! Dugo! Dugo!” Turo niya sa ilong ko.

“Huh?” Pilit kong pinoproseso ang mga sinabi niya. Lahat ng nangyari.

Kinapa ko naman ‘yong likidong dumaloy mula sa ilong ko, at pagkakita ko noon ay parang umikot na lang basta ang paligid ko. Fuck? Bakit ako nahihilo? Takot ba ako sa dugo? Fuck! No! Sanay ako sa dugo since elementary!

“Fuck! Tulong—.” Huli kong narinig.

-----

Pagkamulat ko ng aking mga mata ay kulay puting ilaw sa kisame ang sumalubong sa akin.

“Okay ka na ba?” Puno ng pag-aalala sa boses ng nagsalita ang narinig ko.

Nakita ko sa mukha nito ang basag niyang salamin, may patch nitong noo, at ang pag-aalala sa kanyang maamong mukha.

Anghel ba ang nasa harap ko?

Bakit ganoong napakaamo ng kanyang mukha ngayon, samantalang kapag ordinaryong araw ay parang umuusok sa galit ito kapag nakikita ako?

What’s his deal on making a grumpy face towards me?

May nagawa ba akong kasalanan sa kanya na hindi ko alam na nagawa ko pala sa kanya? Ang gulo! Wala e! Kahit isipin ko pa iyon araw-araw, hindi ko talaga makuha kung bakit siya gano’n sa akin.

Pareho kaming Music Major, pero, may kompetensya pa rin ba sa academics kapag nasa college ka na? I’m just doing what I love. At ‘yon ay ang musika. For the record, siya naman ang palaging may highest score sa Major Subjects namin.

Buti noong nagkagalit kami ni Riel, iyon ay talagang may kasalanan ako. Nagbago na kaya ako!

Then, may bigla akong naalala.

“Anong oras na ba?” Agad kong tanong. Uupo sana ako pero biglang sumakit ang ulo ko.

“What’s with the rush? Dahil sa pagmamadali mo, nangyari lahat ng ‘to. Do you care less about your self? You’ll get yourself into an accident! Takot ka ba sa dugo, or what?” Sermon nito.

Napahiga na lang akong muli dahil sa pagsakit ng ulo ko. And yes! I don’t care much about my self.

“Sanay na ako sa dugo. I fear nothing except losing important persons in my life.” Tugon ko.

Hinanap ko na lang ang orasan sa loob ng infirmary at nakita ko roong 5:45 na. Nakahinga ako ng maluwag! Akala ko’y huli na kami sa aming flight. And where the hell is my sister?!

Hihingi na lang tuloy ako ng tawad.

“I’m sorry, Rio. Kasalanan ko. Are you still hurt? Papalitan ko na lang ‘yang salamin mo.” Saad ko sa kanya.

“I-I-I’m o-o-kay! No need for that! Marami akong spare sa bahay!” Tugon niya.

Nang lingunin ko siya’y iniiwas niya sa akin ang kanyang mukha. Why is he even stuttering?

“No! I insist. I’ll see you next sem.” Pagpupumilit ko pa rin.

“W-W-What did you say?” Aniya.

“Ibibigay ko sa ‘yo next sem ‘yong salamin. ‘Di ba makikita pa naman kita next sem? Pangako, papalitan ko ‘yang nabasag na salamin mo.” Paliwanag ko.

Naramdaman ko na lang na nagvibrate ang cell phone ko sa aking bulsa. Pagkakuha ko ro’n ay rumehistro ang pangalan ng kakambal ko. Agad ko naman itong sinagot.

“Eri! Asa’n ka na ba—.”

Isang balita ang aking natanggap.

“Rio, I have to go. See you next sem, okay? Pangako, papalitan ko ‘yong salamin mo.” Pagpapaalam ko.

Tanging tango lamang ang nakita kong sagot nito sa akin. Kahit hilung-hilo ako no’ng tumayo ako’y pinilit ko nang umalis para makapaghanda agad kami ni Eri sa aming flight.

Riel! Papunta na ang Kuya!


Rio’s POV

Sana maging importanteng tao rin ako sa buhay niya.


Red’s POV

Dalawang araw na rin ang nakalipas mula noong matapos ang operasyon ni Riel. Two days na rin kaming naghihintay na magkaroon siya ng malay.

Mahal na mahal ka raw niya. Nakiusap rin siyang sana ay maghintay ka. Ani Dr. Febre pagkalabas nila sa Operating Room noong araw din ng operasyon ni Riel.

Naniniwala ako, kaya maghihintay ako sa pagbabalik niya.

Base sa sinabi ni Dr. Febre, naging maayos naman ang operasyon nila sa utak ni Riel. Rest assured na natanggal nila lahat ng traces noong tumor ni Riel sa kanyang utak. Kailangan na lang naming maghintay sa pagkakaroon niya ng malay.

Epekto raw iyon ng mga gamot na binigay nila kay Riel nang gawin nila ang operasyon. Kailangan pa ng mga ‘yon na malusaw at maalis sa buong katawan niya.

Most of the time, ako lang talaga ang bantay niya rito sa ospital. Buong araw akong naririto sa tabi niya. Aalis lamang ako sa tabi niya kapag maliligo at magbabanyo. Pinanindigan ko ‘yong pangako ko e.

And he asked for it. Kahit ano naman ay gagawin ko para sa kanya.

“Son, meryenda ka na muna!” Tawag ni Mom na isa-isa nang inilalapag ang mga binili niyang pagkain.

Kasama niya rin doon sina Dad, Dave, at Seb, naghihintay ng sagot ko.

“Mauna na po kayo, Mom.” Tugon ko.

“Anak, you need to eat. Namamayat ka na, gusto mo bang paggising ni Riel ay pagalitan kami dahil hindi ka namin mapakain ng maayos? Ang konti lang kaya ng kinain mo kaninang lunch. Bawas pogi points ‘yon!” Pangongonsensya pa niya.

Sino ba naman kasi ang gaganahang kumain kung nakikita mong nakahiga at walang malay ang pinakamamahal mo?

Napailing na lang ako’t tumayo mula sa kinauupuan ko malapit sa kama ng asawa ko.

“Okay! Okay! Alam niyong hindi naman gano’n si Riel, ‘di ba? Pagalitan na niya ako’t lahat lahat, pero hindi niya iyon gagawin sa inyo.” Tugon ko.

“We all know that, Red. Tita’s just doing a reverse psychology, alam mo na. Teka! Matalino ka bang talaga?” Ani Dave. Napakibit balikat pa ito.

Umiling na lang ako nang makita kong ngingiti-ngiti si Mom. Dad’s just reading a newspaper. Hobby niya iyon e. Umaga, tanghali, at gabi. He needs his daily doze of news about the country’s economy. Business freak kasi.

Sabi nga sa kanya ni Andrei, he can just browse it over the net, pero, dahil sa tigas ng ulo ni Dad, na namana rin ata namin, hindi niya iyon ginagawa. Sabi niya, mas prefer niya pa rin daw ang pagbabasa ng newspapers.

He has his own reasons, so pagbigyan na natin iyon.

“Dad! Meryenda na po muna.” Untag ko sa kanya.

“Tapusin ko lang itong binabasa ko.” Anito.

“Seth!” Ani Mom.

Parang sundalo si Dad na agad itinabi ang kanyang dyaryo’t nagsimula sa pagkain. Kumander niya ba naman kasi ang nag-utos. Hahaha!

Nailing si Mom. “Kaya ang titigas ng ulo ng mga anak mo e! Ginagaya ka nila!” Asik nito kay Dad.

“Helena… sorry na, honey?” Paghingi ng tawad ni Dad with matching puppy eyes pa itong nalalaman.

“Tss. Kumain na nga muna tayo!” Ani Mom na pinamulahan.

Okay! Okay! Sila na ang naglalandian.

Napatingin tuloy ako sa direksyon kung nasaan nakahiga ang asawa ko. I’m slowly dying with the sight of him like that, pero nagpapakatatag ako dahil sa pangako namin sa isa’t isa.

Na hihintayin ko siya sa kanyang pagbabalik.

Dalawang araw pa lang nga akong naghihintay sumusuko na ako. Sana’y hindi na iyon magtagal pa.

Riel… kakayanin ko pa rin kahit hindi na iyon ang sinasabi ng utak ko ngayon.

Nagkwento sina Dave at Seb ng kanilang bakasyon sa Batanes. Halos dalawang linggo rin pala sila roon. Pero, hindi ko iyon napansin. Masyado ko lang atang iniisip ‘yong tungkol sa opersayon ng asawa ko lately kaya gano’n.

Kahit papaano ay nailihis ko ang aking isipan sa pag-iisip ng kung anu-anong bagay.

“Nga pala Tita!” Biglang untag ni Dave kay Mom. “Tito… Red…” Dagdag pa nito. Nagkatinginan ang magkasintahan at parang nag-uusap gamit ang kanilang mga mata.

Pinagmasdan lang naman naming tatlo ang dalawa.

“Tumawag po si Mommy… pinapauwi na po kami.” Dagdag nito. Nahihiya pa nitong paglalahad ng kanyang damdamin.

“Oh?” Ani Mom saka inilapag ang kanyang hawak-hawak na baso. “I need to call Jackie, nakakahiya naman sa kanya. Masyado na nga talaga kayong napatagal rito.” Dagdag ni Mom.

“No, Tita! Wala naman pong sinabing gano’n si Mommy. Saka po, nag-enjoy naman kami sa bakasyon namin dito sa Pilipinas. At nakakahiya naman si Mommy kung magagalit siya, e libre na nga ang stay namin dito sa inyo. Babatukan ko ‘yon si Mommy kapag gano’n ang inasal niya.” Ani Dave.

Napangiti na lang din si Mom.

“Kailangan niyo pa bang umuwi muna sa Naga to get your things?” Tanong ulit ni Mom.

“No, Tita.” Ani Dave saka tumingin sa kanyang nobyo. “Napagdesisyunan po namin ni Seb na magpakasal dito sa Pilipinas. Alam na po ito ni Mommy. Kaya babalik kami.” Dagdag pa nito.

“Kaya po kami uuwi for the preparation. It’ll be next year. June, para romantic.” Ani Seb saka kumindat sa kanyang kasintahan.

Nakakainggit.

Dalawang araw ko na ring hindi nararamdaman ang asawa ko. I can’t hug or kiss him. Kapag ginagawa ko naman iyon ay parang wala rin naman siya ro’n. No response at all!

Napailing na lang ako sa aking iniisip.

Napatingin ulit ako sa kinahihigaan ni Riel. Gano’n pa rin.

“I’m happy for the both of you!” Rinig kong saad ni Mom.

Umalis ako roon para lumapit sa kama ng wala pa ring malay na asawa ko. Pagkalapit ko’y hinawakan ko ang kamay nito at idinikit ko na rin sa aking pisngi.

Hindi ko na rin masundan pa ang pinag-uusapan nila Mom doon sa sala ng kwartong ito.

“Miss na miss na kita… I’m still waiting, Riel. My heart does, but my mind refuses.”

Agad tumulo ang matabang luha mula sa mata ko. Gano’n na ba ako kadrama ngayon dahil isang tingin ko lang sa mukha ng asawa ko ay agad nang namumuo ang luha sa mga mata ko.

I can’t help it, I guess. Perhaps? God! Dalawang araw pa lang ito!

Wala iyong isang taon’g immaturity ko kumpara sa dalawang araw na ito! Argh!

Mahal ko ‘to e! At hindi ko magawang hindi mainggit sa dalawa kong kaibigang nagmamahalan dito ngayon.

I really want to hug him so tight. I want to kiss him like there’s no more tomorrow. I want to cuddle with him all night! I… I miss everything… I miss doing things with him!

“Riel?” Tawag ko sa asawa ko.

Laking gulat ko sa nangyari kanina lang. Gumalaw ang mga daliri nito!

“Riel?” Tawag kong muli.

Gumalaw ulit ang mga daliri nito.

“What’s wrong, son?” Nag-aalalang tanong ni Mom. “Seth, tawagin mo si Louie, dali!” Untag nito kay Dad na nagmadali namang lumabas sa kwarto.

Nataranta na ang lahat, maging sina Dave at Seb ay lumapit sa kama ng asawa ko. Hindi na namin nagawang gamitin ang telecom sa loob ng kwarto.

“Mom! Gumalaw po ang mga daliri ni Riel!” Masayang sagot ko sa kanya.

“Thank God! Akala ko naman kung ano na!” Nakahinga ng maluwag si Mom. “Riel? Riel? Anak?” Pagtawag rin nito sa aking asawa.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto at alam kong naroroon na si Doc at si Dad.

“What’s wrong Tita Helena?” Bungad ni Doc. Kalmado ang postura nito.

“Gumalaw ang daliri ni Riel, Louie! Please check on him.” Masayang tugon ni Mom.

Binigyan ni Mom ng daan si Doc. Agad naman itong dumalo sa asawa ko.

“Ilang beses po ba?” Tanong ni Doc Louie.

Alam ko na hindi iyon direkta sa akin pero, ako naman iyong nakakita kaya ako na lamang ang sasagot noon.

“Dalawa po.” Tugon ko.

“That’s good. Let’s see.” Anito. Inilawan nito ang magkabilang mata ni Riel. “Gabriel?” Pagtawag niya sa asawa ko.

Laking gulat namin nang unti-unti nitong iminulat ang kanyang mga mata. Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko. Hawak-hawak ko pa rin ang kamay nito kaya’t naramdaman ko ang paghigpit nito mula sa kamay niya.

May malay na ang asawa ko! I can’t even measure how happy I am right now!

“Naaalala mo ba ako? O ang mga tao sa paligid?” Tanong ni Doc.

Dahan-dahan naman itong tumango at ngumiti.

“That’s good to hear.” Ani Doc saka ipinagpatuloy ang pagoobserba sa asawa ko.

Nakita kong umiiyak na si Mom sa bisig ni Dad. Si Dave ay gano’n din. Nasa tabi lang din niya ang nobyong si Seb.

“Babalik po ako para sa further tests.” Bilin ni Doc kay Mom. Tumango lang naman ito sa kanya. “Take it easy, Gabriel.” Rinig kong huling sambit nito. Tumango naman sa kanya ang asawa ko.

Hindi ko na mawari ang itsura ko. Umiiyak ako ng walang tunog man lamang na maririnig sa akin.

“Tatawagan ko si Eri!” Pagpapaalam ni Dave.

Makaraan ang ilang minuto.

“Cheesecake…” Garagal pero sinubukan niya pa rin itong sambitin.

Lahat ng lungkot na nadarama ko for the past two days ay natunaw na nang lubusan. Niyakap ko siya ng mahigpit saka doon sa dibdib niya nag-iiyak. So gay and I don’t care!

Naramdaman ko na lang na hinihimas na niya ang ulo ko.

“Sabi ko sa ‘yo, babalik ako, ‘di ba?” Namamaos na sambit nito.

“Oo. Thank you, Blueberry! Thank you dahil tinupad mo ang pangako mo.” Tugon ko.

“Para kang bata!” Anito.

Rinig ko ang tawanan sa loob, pati na rin si Riel. Okay lang na pagtawanan nila ako, masaya lang naman akong may malay na ulit siya e! Ang kikill joy naman ng mga tao ngayon!

Pagkabalik ni Doc Louie ay agad niyang sinimulan ang pagsusuri sa asawa ko. Kanina pa nga ako inaasar dito ni Mom, pati na rin si Dave ay sumali. Wala naman akong pakialam kasi totoo naman at hindi ko naman ikinakahiyang ginawa ko ‘yon.

Anong masama sa paminsan-minsang maging katawa-tawa sa harap ng mga tao kung para naman iyon sa minamahal mo. And at least, well appreciated naman iyon, kahit ng asawa ko lang.

But what the hell! Umiiyak ka na nga, pinagtatawanan ka pa! Nasaan ang hustisya?

“Maybe after 4 days pwede na siyang lumabas. Magandang senyales na walang masyadong epekto sa kanya ‘yong anesthesia.” Bungad ni Doc Louie.

Natigil tuloy kami sa aming pag-uusap at napatayo bigla sa sinabi ni Doc.

“A-Ano po iyon, Doc?” Tanong ko.

“Oobserbahan pa muna namin siya, then after several days, if everything’s okay, pwede na siyang madischarge.” Paliwanag ni Doc.

Napalingon ako sa direksyon ng asawa ko na nakatingin diretso sa kisame ng kwarto. Malalim ang iniisip.

“Tawagin niyo na lang po ako kapag kailangan, alam niyo naman po kung nasaan ako lagi e.”

“Salamat Louie!” Tugon ni Mom kay Doc.

Tinapik lang din naman ni Dad ang balikat ni Doc.

“Salamat po, Doc.” Inilahad ko ang kamay ko para sa pakikipagkamayan.

“Masaya akong nakatulong sainyo.” Anito sa kanya nakipagshake hands sa akin.

-----

Pasado alas nuebe na ng gabi nang dumating dito sa ospital ang kambal. Pinauwi ko na muna sina Mom at Dad para makapagpahinga naman sila ng maayos. Sina Dave at Seb naman ay magpapalipas muna ng konting oras bago uuwi doon.

Nang dumating silang dalawa ay tulog si Riel, kaya’t hindi nila ito nakausap. Sabi ni Doc, natural daw iyon sa mga pasyenteng kagaya ni Riel. From time to time ay nagpapahinga sila to regain strength.

Konting kwentuhan, pagpatak ng alas onse ng gabi ay umuwi na rin sina Dave at Seb.

Alerto kaming dalawa ni Eli sa pagbabantay kay Riel dahil baka magising ito at may hingin sa amin.

Si Eri naman ay nabagot kaya’t kinakita niya ang mga barkadang dito sa Manila nag-aaral at naninirahan. Hindi nga sana pinayagan ni Eli, kaso, mapilit. Kaysa naman daw mag-ingay dito sa ospital, kaya’t pinayagan niya na lamang.

The best na Kuya talaga itong si Eli. Although, ayaw niyang tawagin ko siyang Kuya. Si Riel lamang daw ang pwedeng tumawag sa kanya noon.

“Nagtext si Brett. Kinakamusta ang best friend niya.” Biglang saad ni Eli.

Napamulat tuloy ako galing sa pagkakaidlip ko. Nakatulog na pala ako.

“A-Anong sabi mo?” Tanong ko.

“Nagising ba kita? Palagi ka sigurong puyat for the past two days. Magpahinga ka na muna. Ako na ang bahala sa pagbabantay.”

“Hindi! Hindi! Okay lang. Nakaidlip lang ako.” Agad kong inayos ang sarili ko.

“Okay. Pero, ‘wag mong pilitin. Ayaw mo naman sigurong mag-alala din sa ‘yo ang Bunsoy ko.” Anito.

Tumango lamang ako sa kanya bilang tugon.

“Yon, sabi ko’y maayos na naman at nagpapahinga pa para sa recovery niya.” Dagdag niya tsaka nagkibit-balikat. “Baka raw makapunta sila bukas o sa makalawa para bisitahin si Riel.” Anito’ng nagbabasa sa kanyang cell phone.

“Mabuti ‘yon. Baka nakabawi na rin naman niyan si Riel ng lakas.” Tugon ko.


Riel’s POV

Pinagsalikop na kamay namin ni Red ang nakita ko pagkamulat ko ng aking mga mata. Nasa tabi ko siyang natutulog. Mahimbing. Nakikita kong payapa na ang mga gabi niya. Ang tanawin na iyon ang nagpapasaya sa akin.

Nalaman ko kay Mama na sa dalawang araw kong walang malay ay hindi umaalis sa tabi ko si Red. Halos hindi rin nga ito kumakain at natutulog ng maayos para lang mabantayan ako.

Napakaswerte ko sa aking asawa. Nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil binigyan niya pa ako ng pagkakataon na makasama pa siya.

“Gising ka na pala.” Rinig kong saad ng isang pamilyar na boses.

Paglingon ko ay nakita ko roon si Eli na may hawak-hawak na paper cup. Kaya pala may naaamoy akong kape kanina pa. Iyon ang nagpagising sa akin e.

“Kuya!” Sambit ko.

Namamaos pa rin ang boses ko simula noong magkamalay ako. Gano’n pala kapag dalawang araw kang hindi nagsalita ‘no? I thought sa pagsigaw, pag-iyak at sa pagkanta magdamagan ka lamang mapapaos, kahit pala hindi mo gamitin ang boses mo’y mapapaos ka rin. Hindi ka lang paos, babaho rin ang hininga mo. Lol!

“Sssssh. Natutulog pa ang asawa mo. Pagod ‘yan panigurado.” Pabulong na tugon nito sa akin.

Napatango at napatingin na lang ako sa mahimbing pa ring natutulog na asawa ko.

Kumuha ng upuan si Eli tsaka tumabi sa kabilang gilid ng kama ko. Nasilayan ko na naman ang ngiti ng gwapong Kuya ko! Ngumiti ito bago sumimsim sa kanyang baso.

“Kailan kayo dumating? Where’s Eri?” Tanong ko.

“Kagabi lang. ‘Di ba sabi ko pupunta kami right after ng exams? Hindi ko alam kung saan natulog ‘yong babaeng ‘yon. Nabagot kasi rito, so, tinawagan niya mga kaibigan niya.” Sagot nito.

Tumango akong muli.

“Pasensya na ha? Hindi ko nahintay ang pagdating ninyo.” Pagpapaumanhin ko. Maaga akong nagpahinga kagabi e. Hindi ko rin kasi alam na papunta silang dalawa rito. Nakalimutan kong sinabi niya pala iyon sa akin.

“It’s okay, Bunsoy. It’ll be best kapag nagpahinga ka lang ng nagpahinga. You’ll need that to regain your health. No worries. Kami dapat ang mag-adjust para sa ‘yo.” Anito.

Ngumiti na lang ako sa kanya bilang tugon. He’s always been kind to me. The best na Kuya talaga siya. Mas uunahin ang iba kesa sa sarili niya.

“Kamusta naman love life mo? Tell me about that Gilario Benedicto. Ikaw ha! Naglilihim ka na sa akin!” Pagtitease ko sa kanya.

“Kanino mo naman nalaman ‘yan?” Anito.

“Kay Eri, last month lang. Nasa Palawan din daw ‘yon no’ng naroroon tayo, ‘di ba? I want to meet him!”

“Anong Eri?! Riri naman! Ate! ‘Ate’ ‘di ba? Nakakatampo ka na!” Speaking of the devil, este chismosa. Hahaha! Padabog itong naupo sa sofa ng nakasimangot. “Si Eli, ‘Kuya’ ang tawag mo, dapat ako ‘Ate’ rin ‘di ba?” Dagdag pa nito.

“Tumahimik ka nga Eri. Tulog pa si Red! Ke aga aga e, bunganga mo agad ‘yong umaarankada rito sa loob. Lasing ka ‘no? Susumbong kita kay Mommy.” Ani Eli sa kapatid.

Napailing na lang ako sa dalawang ito. Kapag magkasama’y parang aso’t pusang hindi magkasundo.

“Alam ‘to ni Mommy kaya umayos ka! As if naman hindi nila alam na party girl ang napakaganda nilang babaeng anak! Ako’y dyosa!” Umirap lamang ito sa hangin.

Natawa na lang ako sa pinag-uusapan nilang dalawa. Kahit ang ingay na rito sa loob ay mahimbing pa ring natutulog si Red. Magkasalikop pa rin ang aming mga kamay.

“Asa ka naman! Sabagay, libre naman ang magarap. Tsaka ano ‘yong sinabi mo kay Riel na tungkol kay Rio? I’m not even in a romantic relationship with him! Palagi ngang galit ‘yon sa akin e!” Rinig kong sambit ni Eli.

Napabalik tuloy ang tingin ko sa kanilang dalawa.

“Tss. Napakadense mo naman Eli! Ewan ko sa ‘yo ‘no!” Tugon naman ni Eri.

Ang dense nga nitong si Eli. Base kasi sa kwento sa akin ni Eri, naaamoy niyang may gusto si Gilario Benedicto sa kanya. Rio na nga lang! Napaka-oldy naman kasi ng pangalan niya! Lol!

Is it just me or what? Kasi, alam ninyo ‘yon… hindi ba napapansin ni Eli na maraming nagkakagusto sa kanya. Babae man iyon o sabihin na nating kahit mga lalaki… este… alam niyo na.

Or Eli’s just a type of man na kung sino lamang iyong magustuhan niya, iyon lamang ang pagtutuunan niya ng pansin. Kahit na… ‘wag na nga lang! Guilty pa rin ako sa ginawa ko sa kanya e.

Pero… sabi nga… kung saan ka sasaya, doon ka dapat.

Tumayo ito saka lumapit sa kama ko.

“Tabi!” Pagtaboy nito kay Eli. “Riri! I miss you! Kamusta ka na? May masakit pa ba? Wala na ba ‘yong epekto no’ng anesthesia? Nag-alala ng sobra ang Ate no’ng sinabi ni Dave na wala kang malay after the operation.” Sunud-sunod na tanong nito nang mayakap ako.

“So far, so good, Eri— este Ate! Ahehehehe!” Tugon ko. Matalim kasi akong tinitigan nito.

Naramdaman kong gumalaw si Red.

“Ayan! Nagising na tuloy si Red! Bunganga kasi nito! Tss.” Asik ni Eli sa kapatid.

Umiling na lang ako sa kanya. Baka mahigh blood pa siya sa kakaintindi ng mga ginagawa ni Eri e, malaking problema pa iyon.

“Sorry na!” Sigaw nito sa kapatid. Umiling na lang si Eli sa kanya.

“Nagising ka ba namin, Cheesecake?” Tanong ko sa asawa ko.

Ini-stretch nito ang isang braso tsaka tumango. Hindi pa rin nito binibitiwan ang kamay ko. Nanatili pa ring itong nakasalikop.

“Nope… it’s okay.” Sagot nito saka ngumiti sa akin.

“Good morning y’all!” Bungad ni Dave sa amin. Sunod namang pumasok sa pinto sina Mama, Papa at Seb.

“Mabuti naman at gising na kayo. Seb prepared our breakfast. Tara’t kumain.” Ani Mama sabay pakita noong mga lalagyan.

“Yay! Buti na lang maaga akong bumalik rito!” Masayang saad ni Eri.

Masaya akong nakasuporta ang pamilya at mga kaibigan namin sa aming dalawa ni Red. I won’t be asking for more, for something big to come. Ito lang ay masaya na ako. Basta nakikita ko ang mga taong mahalaga sa akin ay kontento na ako.

-----

Bawat araw na nagdaan ay ganoon ang routine namin. Apat na araw na rin ang nakalipas buhat nang magkaroon ako ng malay. As the effect of the anesthesia goes away, nakakaramdam ako ng uneasiness sa katawan ko.

“May bibilhin lang ako, ha? I’ll be back?” Pagpapaalam ni Red.

“Okay!” Tugon ko.

“May surpresa ako sa ‘yo mamaya.” Anito. Nag-wink pa ito matapos niya iyong sabihin.

Napailing na lang ako sa ginawa niya. Ano na naman kayang pakulo mayroon itong asawa ko.

“Mag-iingat ka.” Tanging tango lang ang isinagot niya sa akin.

At isang masuyong halik ang iginawad niya sa akin.

Rinig ko ang pagbibilin niya kila Mama, Papa, Dave at Seb. Umalis ‘yong kambal dahil tinawagan sila ng kanilang mga magulang. Nang makaalis si Red ay agad na dumalo sa tabi ko si Mama.

“Kung may kailangan ka, sabihin mo lang sa amin, okay?” Nakangiting bilin niya sa akin.

“Opo, Ma.” Saad ko nang nakangiti rin.

“Matutulog po muna ako, Mama.”

“Sige, anak.”


Dave’s POV

Natulala ako nang makita ang paghina ng heart beat ni Riel base sa monitor.

“Tita! Tita!” Paggising ko kay Tita Helena na tulog sa gilid ng kama ni Riel.

Itinuro ko sa kanya ang monitor at maskin siya’y hindi na mapakali sa nakita.

“Oh my God!” Agad nitong kinuha ang telepono. “Emergency! Emergency!” Sigaw niya rito.

Agad naman nagsidatingan ang mga nurse pati na rin si Dr. Febre.

“Ano pong nangyari Tita.” Tanong nito kay Tita Helena.

Umiling lang ito ng todo.

“Natulog lang naman po si Riel e, tapos nakita ko na lang na paunti-unting bumababa ang heart rate niya.” Sagot ko.

“Nurse! Defibrillator!” Sigaw ni Doc.

Nasa gilid lamang kami nina Tita, Tito, at Seb. God! Ayoko ng ganito! Please bring back, Riel… please!

“Louie… please… gawin mo ang iyong makakaya.” Pakiusap ni Tita. Tumango naman sa kanya si Doc.


Eli’s POV

“Sorry, Sir! Sorry po talaga, Sir!” Pagpapaumanhin noong waiter na nagseserve sa amin kanina.

Natabig kasi nito ang baso ko, nabuhusan ang pantalon ko, at nabasag din ang baso. Hindi ko alam kung ano ‘yong naramdaman ko nang mabasag ‘yong baso, pero nagdala iyon ng kaba sa dibdib ko.

“Okay lang. Don’t worry.” Sagot ko na lang sa kanya.

“Punta lang po ako sa rest room.” Pagpapaalam ko kila Mommy, Daddy, at Eri.

Tumango naman sa akin si Mommy.

Pagkapasok ko lamang sa rest room ay agad akong naghilamos ng mukha. Kinakabahan ako ng sobra. Nagtagal din ako doon para sa pagpapatuyo ng pantalon ko. Buti na nga lang at nakaboxer ako. Itinapat ko lamang iyon doon sa patuyuan ng kamay.

“Eli! Eli!” Rinig kong tawag mula sa kabilang side ng pinto.

“Ano ‘yon, Eri? Nageeskandalo ka na naman!” Irita kong tugon sa kanya.

“Si Riri! We need to go!” Pagkarinig ko lamang no’n ay agad kong isinuot ang pantalon ko.

Marahas kong binuksan ang pinto ng restroom sa paghahanap ng kasagutan sa sinabi ni Eri.

“What happened?” Nakita kong namumugto na ang mga mata nito.

Pagkatanong ko noon ay agad na itong humagulhol sa dibdib ko.

“Eri! Anong nangyari?!” Galit kong tanong. Argh!

“I don’t know! Tumawag si Dave. Si Riri… Si Riri…” Iyak pa rin ito ng iyak.

“Ano nga?! Jusko naman Eri! Liwanagan mo ako! Hindi ko mahuhulaan ang mga sinasabi mo!” Ayoko lang ng iniisip ko.

Sumagot ito sa akin saka umiyak ng todo. Nakita ko si Mommy at inakay si Eri. Doon na ito patuloy na umiyak.

Para akong nabingi sa pagkakarinig ko noon. Okay naman siya for the past four days, ‘di ba? Bakit gano’n?


Red’s POV

Para na akong tanga sa kakangiti habang tinitingnan itong hawak-hawak kong mga bulaklak na binili ko. Pati chocolates ay mayroon ako.

Ba’t ko ba ito naisip? Nagpapakakorni na ata ako ngayon. Wala silang pakialam! Para naman ito sa asawa ko e. Naiimagine ko na ang pagtawa nila Mom mamaya. Bahala nga sila! Kapag kasama ko naman si Riel, nasa kanya lang naman ang mundo ko.

Napangiti akong muli. Apat na araw na rin ang nakalipas, hindi pa namin natatanong si Dr. Febre kung pwede na ba siyang makalabas bukas o sa makalawa. Ipapasyal ko siya sa may masasarap ang simoy ng hangin.

Mas mabilis siyang makakarecover kapag natural lahat ang nalalanghap niyang hangin. Hmm? Saan kaya magandang magbakasyon ngayon? Tagaytay? Ilocos? Batanes? Cebu?

Pwede na kaya siyang bumyahe ng malayo?

Napakibit-balikat na lamang ako sa aking iniisip. I should ask him kung saan niya gustong pumunta.

Napatigil ako sa paglalakad nang napansin ko ang isa-isang paghulog ng mga petals ng isa sa mga rosas na binili ko. Sabi no’ng Ale lahat daw fresh, bakit may isang naglalaglagan ang mga petals?

Tss.

Grabe naman! Ang mahal pa naman nito!

‘Di bale na nga!

Inalis ko na lamang iyong isang rosas na naglalaglagan ang mga petals at itinapon sa basurahan malapit sa pinto ng ospital. Bago ako pumasok doon ay huminga ako ng napakalalim at pinilit alisin ang isipin tungkol doon sa isang bulaklak na iyon.

Ibinalik ko na lamang ang ngiti sa aking mukha.

“Base po sa result, nagkaroon po ng brain swelling. Hindi pa namin alam kung bakit nangyari iyon. For the past few days, maganda naman ang recovery niya.” Rinig kong saad ni Dr. Febre kay Mom.

Umiiyak lamang ito sa bisig ni Dad habang nakikinig kay Doc.

“Ano pong problema, Mom.” Bungad ko.

Gulat silang tatlo sa presensya ko.

“Son…” Ani Mom. Humiwaly ito kay Dad saka niyakap ako.

“Bakit po?” Naguguluhan kong tanong. “Ano pong nangyari Doc?” Naghihintay pa rin ako ng sagot.

Nagkatinginan silang dalawa ni Dad.

“Kami na ang bahala rito, Louie.” Ani Dad.

“Bakit Dad?” Shit! Ano ‘tong nararamdaman ko?

“Sige Tito. Babalik po kami para sa CT Scan ni Riel mamaya.” Pagpapaalam nito.

“Mom! Dad! Ano pong problema? ‘Wag niyo po akong pinapakaba ng ganito.”

Tanging namumugtong mga mata ni Mom ang sumalubong sa mga mata ko. Itinapat niya ang kanyang mukha sa pinto ng kwarto ni Riel. Ganoon din ang ginawa ko.

Fuck! What’s wrong.

“Kailangan ka ng asawa mo, Red.” Ani Mom. Humiwalay siya sa akin saka niyakap ulit si Dad. Tumango lang naman sa akin si Dad.

Unti-unti kong inihakbang ang mga paa ko patungo sa pinto ng kwarto ni Riel dito sa ospital. Napalitan ng takot ang kaninang may ngiti kong mukha. Tell me, panaginip lang ito ‘di ba? Panaginip lang ito.

Umiling ako ng todo. Ayoko ng naiisip ko.

Pagkahawak ko sa door knob ay paunti-unti ko itong ipinihit para magbukas ito. Umiling ulit ako’t pilit na nilagyan ng ngiti ang aking mga labi.

Paano kung gino-good time lamang pala ako nila Mom? Anong araw ba ngayon? September 24? Anong mayroon kaya ngayon sa araw na ito?

Bago ko buksan ang pinto ay nilingon kong muli sina Mom at Dad. Ayoko mang aminin, pero… totoo lahat ng nakikita ko. Totoong iyak ang ginagawa ni Mom ngayon.

Pagkabukas ko ay mga tulalang mukha nina Dave, at Eri ang nakita ko. Paunti-unti, marahan, walang kasiguruhang tinutungo ko ang direksyon ng asawa ko.

“Red.” Paos na tawag ni Eli sa akin. "Kanina ka pa namin tinatawagan—.” Dagdag niyang hindi ko naman masundan.

Nakablock siya sa view ko sa asawa ko kaya’t hindi ko pa ito makita. Binigyan niya naman ako ng daan nang malapit na ako.

Nakita ko na lang sa sahig ‘yong mga rosas at mga tsokolateng binili ko para sa kanya.

“Mabuti at narevive siya, Red. Hindi namin alam ang sasabihin sa ‘yo kapag…” Bungad ni Dave. “Natulog lang naman siya, buti na lamang at nakita kong bumababa ang heart rate niya. We could’ve lost him...” Dagdag nito saka umiyak na ng tuluyan.

“He’s in coma, Red.” Saad ni Seb na nagpatulo ng luha ko.



Itutuloy…

3 comments:

  1. Eto ba yung part na mamatay si blueberry (riel) at papabayaan din ni red sarili niya...... how sad the story naman into,..nakakaiyak

    Kuya author makapagdamdamin sung update

    Hope mapost ung dlawa pang chapters

    Jharz

    ReplyDelete
  2. whoaaahhh! wag aman sanang mangyare ung naiisip ni Red! npaka suspense ang mga susunod na mangyayare.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails