AUTHOR’S NOTE: Hi! Humihingi ako ng paumanhin sa late update! Sorry!
Sorry! Sorry! Naging busy kasi ako these past few days, at nagreklamo pa ako
dun sa opisina ng cable at internet operator namin para magkaroon na kami ng
internet. Sa wakas! Meron na ulit!
I am
asking for apology kay Kuya Ponse sa pagiging pasaway ko sa nakalipas na
posting nung dalawang chapter. I really don’t know na ganun ang kalalabasan
nun. Sorry po talaga Kuya Ponse! Maraming salamat din at hindi niyo pa ako
tinatanggal. I’ll do it right this time. Promise! Thank you din kay Sir Mike!
Maraming
salamat din sa mga uma-add sa akin sa facebook at sumasali sa group. Kahit na
bago pa lamang ako’y, marami-rami na rin yung patuloy na sumusuporta sa akin. I
really appreciate those who never hesitate to drop messages, comments, and
suggestions sa blog man, sa wall ko, at sa group. Maraming maraming salamat
talaga!
Hello
BABE! Maraming Good Luck sayo!
Kaway-kaway
kila BOHOLANO BLOGGER, NATE JOHN, ALFRED OF T.O., -HARDNAME-, BHARU, MARVS,
PRINCE JUSTIN, MADZTORM, GEOLOGY STUD, DAVE, ANGEL, JAY05, KRVT61, YELSNA
REYES, at sa nag-iisang ANON na nagcomment sa Chapter 7. CAPSLOCK, para intense
ang greetings. Keep on dropping comments guys! Hinding-hindi kayo mawawala sa
A/N! Haha! Lahat po sila KENEKELEG! ERMEGERD! Haha!
PRINCE
JUSTIN DIZON! Grabe ikaw pala author nung CAN’T WE TRY?! As in? Napa-O ako!
Haha! Reader mo kaya ako. Ewan ko lang kasi sa cell phone at hindi ako
makacomment. Dun lang kasi ako nagbabasa eh. Anyways! I’m looking forward about
your story.
GEOLOGY
STUD! Pinagseselosan ka ng BABE ko. Kaya yun, hindi ko na lang aalamin kung
sino ka… muna. Haha! My Babe will understand. Haha. Mali kasi ako dun sa first
guess ko eh. Kinompirma ni Baby Jace sa akin.
K! Di ka
nagpaparamdam!
Hi JIM
XD! Hindi ko pa alam yung sisimulan kong story dun sa group mo! :D
Argh!
Umiyak yung puso ko sa Finale nung ALL I SEE IS YOU 2 ni Carlos! Shems! Di ko
kinaya! Hi Blue! Sana mapagbigyan mo kami ni Vin. Haha!
Baby
JACE! Bakit hindi si Yui yun! I want him back. Pleeeeeeeeease! Maawa ka! Haha!
Hi GIO
YU! Kumaba-kaba my heart dun sa last chapter! Ang intense! Grabe!
Please
support these stories too, guys.
THE TREE,
THE LEAF AND THE WIND by JACE PAGE
FATED
ENCOUNTER by VIENNE CHASE
FINAL
REQUIREMENT by GIO YU
GEO – MR.
ASSUMING by BLUEROSE CLAVERIA
Haha!
Napahaba ata ang AN! So this is it, pansit! Ang waley na update! Yey! Enjoy
guys!
Chapter
8!
Featured songs: Burning Bridges by OneRepublic and Not A Bad Thing by Justin Timberlake
Don’t
forget!
I’ll be glad if you add me up. :D
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Names, characters,
businesses, places, events and incidents are either the products of the
author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual
persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
LOVE
IS…
Rye Evangelista
theryeevangelista@gmail.com
CHAPTER VIII
"Don't worry, may license
ako." Muling baling niya sa akin na may ubod ng tamis ang ngiti. "Ang
ganda talaga ng boses mo." Dagdag niya.
Nag-init ang aking pisngi. What?! As
in what?! So sinusundan na niya pala ako? Stalker talaga tong taong to! Joke!
Masyado na ata akong pahalata.
"Tara?" Pag-alok muli nito
sa akin habang iniaabot ang isa pang helmet sa akin. Aba! Handa nga sa pagsundo
sa akin! 3 points para kay Ariola! Shoot! Hahaha! Gagong to! Ang dami talagang
alam eh no?
Tulala pa rin ako sa aking
kinatatayuan. Day-dreaming. Putek. I’m always drooling when he’s around. Hayst!
Nagulat na lang ako ng isinuot niya
saakin yung helmet.
Natigilan ako.
Natawa naman ito sa aking naging
reaksyon.
“Day-dreaming, spacing-out or
thinking?” Saad niya.
Namula naman yung pisngi ko. Sa
tingin ko, kulay kamatis na ang pisngi ko sa pagbablush. Putek namang nilalang
na to! Ang daming alam!
“Ayan!” Masaya niyang sambit ng
maisuot na niya ang helmet sa ulo ko.
“Ta-ta-ta-ta-ta-tara?” Sambit ko.
Nagkandabuhol-buhol na ata ang dila ko. Bwesit! Masaganang kahihiyan to! Sobra!
Tumango naman ito saka tumungo sa
kanyang motor. Agad naman akong sumunod sa kanya.
"Hawak ka nang mabuti. In 5
minutes, nasa school na tayo." Saad nito.
What?! As in what?!
Bago pa man ako makaangal, mabilis na
nitong napatakbo ang kanyang motor. Sa sobrang takot at gulat ko kahit nahihiya
ako ay napayakap ako sa kanya. Hindi ko kasalanan no! Ayoko pang mamatay! Ang
bilis niyang magpatakbo! Hindi na naman bago sa akin ang mayakap siya.
Argh! Kahit takot na takot ako,
kasabay nito ang paghuhuramentado ng puso ko! Putek!
------
Eli’s POV
First day ng Prelims namin ngayon,
halata kasi ang pagseseryoso ng mga kaklase ko sa last minute review. Although
nasa Top Section kami, hindi maikukubli na kapag hindi kami nag-aral ng mabuti,
nakasalalay doon ang outcome na nakamarka sa grade cards namin. Balita ko may
“Demotion” at “Promotion” na mangyayari sa oras na matapos ang bawat exams.
Hayst! Wala naman akong pakialam
noon. Bakit ba ako napunta sa section na ito samantalang hindi naman ako
pala-aral? Matalino lang talaga siguro ako. Ha!
Umandar na naman ang pagkamayabang
ko. Buset! Kaya nga hindi man lang ako makagawa ng matino sa buhay ko eh! Wala
akong matinong kaibigan na makasama, so no choice sa mayayabang na tulad ko ako
napupunta.
Natigil ako sa pag-iisip ng walang
kwentang bagay dahil sa mga pumasok sa aming room.
Nakakainggit.
Si Ariola at Gabriel. Magkasama.
Ang alam ko, hindi naman sila ganun
ka-close. That’s what they’ve told me. Yung mga classmates ko na napagtanungan
ko about Gabriel.
Hayst!
Nang bumalik si Gabriel sa school
after mailibing ang kanyang kapatid, kinausap niya kami ni Eri, about sa aming
pakikiramay. He even told me that we’re okay. Oo nga, okay na kami, pero sa
nakalipas na dalawang linggo, hindi niya man lang ako pinapansin. Ganun ba ang
okay? Iniiwasan? Hindi man lang makausap? Hayst! Ano ba tong iniisip ko ngayon!
Bakit? Bawal bang mainggit? Alam kong kasalanan yun, pero, anong magagawa ko?
Naiinggit ako!
Hayst!
I was flustered nang tumingin siya sa
akin, hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Ano ba ang dapat kong gawin?
Natigilan naman ako nang ngumiti siya sa akin.
What? As in what? Ngumiti siya sa
akin!
Papangiti na sana ako para sa sagot
ko nang…
“Hi Riel!” Bati ng nasa likod ko.
Halos mabingi ako sa matinis na boses
ng kapatid ko.
Akala ko ako yung nginitian niya. Yun
pala, yung kapatid ko! Buset! Pero bakit sa akin siya nakatingin? Hayst! Ewan
ko ba! Am I just imagining things I really wanted to happen between us?
Nakakainis! Hindi talaga maalis-alis sa isip ko si Riel. Ang pag-iwas niya sa
akin. Lahat-lahat! Nakakabaliw na talaga to!
Mabuti pa tong kapatid ko, araw-araw
niyang kasama. Close na agad sila simula nung bumalik siya sa school.
Nakakainggit!
Napabuntong-hininga na lang ako ng
malalim. Kung napatawad na niya talaga ako, bakit iniiwasan niya pa rin ako? I
really want to know! Bothered talaga ako!
Nagulo ko na lang yung buhok ko sa
sobrang pag-iisip ko.
“Anyare sayo? Ang lalim pa ng iniisip
mo.” Tanong ng kapatid ko nang makaupo na siya sa katabi kong desk.
Napatingin naman ako sa kanya.
Nakaisip tuloy ako ng paraan para magkausap kami ni Gabriel.
Nagsuot ako ng ngiti sa aking mukha.
“Yikes! Eli! Nakakatakot ha! What’s
with the creepy smile?” Saad niya. In a sarcastic way. Kilala na niya ako.
Kahit papaano ay pareho kaming mag-isip niyan.
“Hay naku! Ano na naman bang pabor ang
hihingin mo, ha?!” Napailing na lang ito sa hangin dahil sa may kung ano siyang
hinahalungkat sa kanyang bag.
Ewan nga ba, ganun ba talaga ang mga
kambal? Intuition ba tawag dun? Anyways!
Sumenyas ako na lumapit siya para
maibulong ko sa kanya ang hihingin kong tulong. Mahirap na, katabi namin si
Santillan, best friend pa naman nun si Gabriel!
“WHAT?!” Bulalas ng kapatid ko. Ganun
ba nakakabigla yung pabor na yun? Napatingin naman lahat ng mga kamag-aral
namin dun sa classroom, may mga nakiusyuso pa galing sa mga schoolmates namin
na naglalakad sa hallway.
Tinakpan ko naman ang bibig ng
kapatid ko.
Pati nga ang nag-uusap na sina Ariola
at Gabriel, ay napatingin din sa amin.
“Hmmm… Hmmm…” Pagpupumiglas ng
kapatid ko.
“Ahehehe. Pasensya na kayo sa kapatid
ko. Sige, pagpatuloy niyo lang yung pagreview niyo.” Pagpaumanhin ko sa aking
mga kaklase.
“OA mo naman sis! Ganun ba yun
kagulat-gulat?” Bulong ko sa kapatid ko.
Tinapik-tapik naman ako nito sa
balikat, tanda ng pagkalma niya.
“Eh sira ka ba! Dapat ikaw na lang
mag-approach sa kanya! Nagsisimula pa lang nga kaming maging magkaibigan! Baka
magalit yun sa akin!” Bulong niya rin sa akin. Mahina pero nandun ang diin.
Napailing naman ako. Di niya gets!
“Gusto ko lang naman makausap siya.
Hindi ka naman mai-involve doon, kailangan mo lang siyang mapapunta sa lugar na
makakapag-usap kami, okay?” Bulong kong muli sa kanya.
Unti-unti naman siyang napatango sa
sinabi ko. Ewan ko ba dito sa kapatid ko matalino naman, pero minsan,
napakaslow!
“Eh pano kung kasama niya si Red?
Anong gagawin ko?” Bulong niyang muli.
“Ikaw na ang bahala.” Sambit ko sa
kanya.
“EH?!” Bulalas niya.
Napatingin muli ang lahat sa amin.
Nasapo ko na lamang ang aking noo.
Mabuti na lang at hindi nagtagal ay pumasok na ang una naming guro. Si Ms.
Salveda.
Hmm. Naisip ko lang, magvolunteer
kaya ako sa Student Council?
Tama! Mapapalapit talaga ako sa
kanya, kapag nakapasok ako! Yosh!
Yun na nga!
Natapos ang pagpaplano ko nang
magsalita ang aming guro.
“Okay Class! Good luck sa exams! Kung
ayaw niyong mademote ng section, pagbutihan niyo!” May ngiti sa kanyang labi ng
sinabi niya ito. “Ayaw niyo naman sigurong mangyari yun di ba? Mas okay nang
may mapromote dito, kaysa mayroong mademote sainyo.” Dagdag niya.
“Oooooooooooooopo!” Sagot ng mga
kaklase namin. Napatingin naman ako kay Eri.
Nagsalita siya sa hangin. Chicken! Yun ang namutawi sa kanyang
labi. Katulad ng mga kaklase naming dito, matalino nga kaming dalawa ng kapatid
ko, para saan pa ang pagkakapunta namin sa section na ito kung hindi di ba? Repeater
lang kami dahil sa kalokohang nagagawa ko.
“Okay! Let’s start?” Sambit ni Ms.
Salveda, sumang-ayon naman lahat ng mga kaklase ko sa kanya.
Iniayos na lamang namin ang aming mga
gamit sa locker na nasa loob ng room. Tanging, test paper, answer sheet at
markers lang dapat ang nasa mesa namin habang nagtitake ng exams.
After ng pagtago ng gamit ay inutusan
naman ni Ms. Salveda si Brett para tingnan ang mga ilalim ng desk ng bawat
estudyante, siya kasi ang presidente ng aming section, kaya siya ang naatasan.
Nang maayos na ang lahat ay nagsimula na ang exams.
Dahil nga repeater kami ni Eri,
natapos namin ng maaga ang bawat exams na nakaschedule ngayon. Morning lamang
ang schedule ng exams namin kaya, gagawin ko na ang pinaplano kong pagkausap
kay Gabriel! Matatapos ang araw na ito na bukas ay wala na dapat ilangan o
iwasan na mangyayari sa pagitan namin ni Gabriel.
Tulad nga ng napag-usapan namin ni
Eri, ginawa niya ang lahat para lamang mailayo si Gabriel kay Ariola. Nagkataon
kasing wala pang practice ang varsity ng soccer, kaya lagi silang magkasama ni
Gabriel. Exam week din kasi. Balita ko, lagi silang andito noong bakasyon,
dahil sa tournament na sinalihan nila.
But that’s not my point here. Gusto
ko lang makausap si Gabriel! Pwedeng Riel na lang? Kahit maging feeling close
na lang ako?
Argh!
Bakit ako, hindi pa pwede?
Samantalang si Eri, okay na? Si Ariola na recently lang naman niya nakaclose?
Well, hindi ko naman sinasabi na pinagbawalan niya ako ha? But, God knows how I
really wanted to call him by that. Ni hindi pa nga kami nagkakasamang matagal.
Kapagka kasi sasama ako sa grupo
nila, lagi na lang siyang umaalis. I don’t know what to do with him! Dahil sa
kanya, naguguluhan ako ng sobra-sobra!
Nagbalik na lamang ako sa aking wisyo
ng makatanggap ako ng text mula sa kapatid ko.
“Eli,
mag-isa na si Riel sa gazebo na nasa garden. Pumunta ka na agad, para hindi
siya mainip. Good luck! :D” Laman ng text niya sa akin.
Nang mabasa ko iyon, ay agad naman
akong tumakbo papunta roon. On my way there, nakasalubong ko ang magpinsan.
Napailing ako.
I
need to talk with him. Pahiram lang muna kahit sandali. Saad
ko sa aking isipan habang sinusundan ng aking paningin ang dalawa na papunta
ngayon sa library.
Inayos ko ang sarili ko nang
makarating ako sa garden ng school. Napanganga na lamang ako nang makita ko ang
postura ni Riel na nakapikit at nakikinig lamang sa kanyang iPod. That’s what I
thought.
You and I were meant to be
Ain't no doubt about it
No need to hide that sort of thing
Now aim for something better
Ain't nothing better worth imagining
Ain't no doubt about it
No need to hide that sort of thing
Now aim for something better
Ain't nothing better worth imagining
Pagsisimula niya sa kantang kanyang
pinakikinggan. What a beautiful voice he has. Kaya pala suki siya ng mga
serenade sa pageants at guestings sa mga activities ng school. That’s what I’ve
heard from our classmates. Now that I’ve heard it all by my own ears, ay
namangha talaga ako ng sobra.
But I, I keep on running
I’m building bridges that I know you never wanted
Look for my heart
You stole it away
Now on every single road that I could take, listen
I’m building bridges that I know you never wanted
Look for my heart
You stole it away
Now on every single road that I could take, listen
Woah! Nakakain-love! Ano ba tong
nararamdaman ko! Nakakabakla ata? Ewan! Basta ang ganda ng boses niya. Nakinig
lang ako sa pagkanta. Iniwasan ko na makagawa ng ingay para mahaba pang oras ko
siyang marinig kumanta at matitigan.
I want you to burn my bridges down (down), I said
I want you to burn my bridges down (down, down)
Set me on Fire!
You set me…
set me on Fire!
You can burn my bridges down—
I want you to burn my bridges down (down, down)
Set me on Fire!
You set me…
set me on Fire!
You can burn my bridges down—
“Ka-ka-kanina ka pa ba rito?” Gulat
na tanong niya sa akin.
Bumalik naman ako sa wisyo ko.
Napailing. Napatango. Napailing. Napatango. Hindi ko alam ang isasagot sa
kanyang tanong. I felt like I’ll bite my tongue or got tongue-tied kapag magsasalita
rin ako.
Namula naman ang kanyang pisngi. What
is the meaning of that? Can you please explain to me, why is he blushing?
Baka
nahihiya lang naman! Wag masyadong assuming, diyan nasasaktan ang tao eh.
Mahilig mag-assume, sa huli, disappointed, iiyak, hindi makakapagmove-on. Saad
ng aking konsensya.
Yeah right! Ikaw na ang madami ang
alam!
“Ah hindi pa naman nagtatagal. Este,
kakararating ko lang. Hehe!” Nauutal ko ring sagot sa kanya. Napakamot na rin
ako ng ulo.
“Ah… Eh… Ganun ba? Sige alis na ako,
baka may kakatagpuin ka rito. Si Eri kasi eh, iniwan ako rito—“
“Ikaw talaga ang sadya ko rito!” Hindi
ko na siya pinatapos.
Tatayo na kasi siya, kaya I need to
stop him from leaving again. Hindi na ako makapaghihintay pa sa susunod na
pagkakataon. Andito na ito, kaya dapat na itong mangyari.
Nagulat naman siya sa aking biglang
pagsigaw. Napaupo siyang muli sa dati niyang pwesto.
“Ba-Bakit? Ma-May kailangan ka ba sa
akin?” Ganun ba ako ka-intimidating para mautal siya nang grabe? I mean, oo,
ako rin naman, pero, yun ba ang dahilan kaya niya ako iniiwasan?
Naglakas na ako ng loob. Better do
this today, than never. “We need to talk.” Diretsahang sagot ko sa kanya.
Nagkakatitigan kami. Siya naman ang
unang bumitaw. What the! Bakit kay Ariola, wagas siya kung makatitig? Gwapo
naman ako! Considered “boy next door”. Bakit di man lang siya magtigil ng titig
sa akin kahit 2 minutes lang di ba? Ang haba naman ata nun? Haha.
Argh! Ano ba tong mga iniisip ko!
“Pa-Para saan? Di ba okay na naman
tayo?” Saad niya.
That’s my point! “Yeah. We’re good,
pero bakit mo ako laging iniiwasan? Naguguluhan kasi ako eh. Inisip ko na lahat
kung bakit, pero wala talaga akong maiisip na dahilan.” Out of frustrations
kong burst-out. Dapat ko na tong sabihin.
Napatingin siya sa akin. Alam niyo
yung parang may gustong sabihin, pero hindi niya na lang itinuloy. Argh!
Please! Paki-explain?
“Nagseselos ako eh!” Naisigaw ko. What?!
Holy Shizz! Kailangan ko ng palusot! Bakit ba kasi lumabas yun sa bibig ko.
Napatingin ako sa kanya. Sa sobrang mangha sa pamumula niya, ay napangiti ako.
Nag-iwas muli siya ng tingin.
Assuming na kung assuming!
“Ah…Eh… I mean, palagi na lang kasing
si Ariola ang kasama mo. Bakit siya, you’ve been enemies for like almost
everyday, pero ang gaan agad ng loob mo sa kanya nang mapatawad mo siya? And si
Eri, para na nga kayong best friends sa sobrang close niyo na. Feeling ko,
galit ka pa rin sa akin.” Nagkunwari akong nagtatampo, kaya tumalikod ako sa
kanya.
“Ah… Eh… Ganun ba? Pasensya ka na…”
Nahihiya niyang sagot. Agad naman akong pumanhik sa kinauupuan niya.
“Patabi ha?” Masaya kong sambit sa
kanya. Napabalikwas naman siya sa ginawa ko. Aktong lalayo sana siya nang
hawakan ko ang kamay niya. Napatingin naman ito sa akin. Titig sa kamay ko na
nakahawak sa kamay niya, tapos balik sa mukha ko.
“Dito ka lang. Hindi naman ako
nangangagat eh.” Ngitian ko na lamang siya. Hinila ko na rin siya pabalik sa
kinauupuan niya. Wala sa intensyon ko na magdikit kami, but it went that way.
Ramdam ko ang panginginig niya. Ano bang kinaninerbiyos niya? Haha!
Ewan ko ba sa mga pinaggagawa ko.
Basta ang alam ko ay, yung feeling na masaya kapag kasama ko siya. Napapangiti
ako ng walang dahilan. Nagsimula kami sa mali, kaya dapat ay itama yun. Alam ko
na ako yung mali, so ako dapat ang magtama nun.
Napatingin ulit siya sa akin nang
kunin ko yung earpods niya. Yung isa inilipat ko sa kabilang tenga niya, at
yung isa naman ay inilagay ko sa isang tenga ko.
“Pahiram muna ah?” Pagpaalam ko nang
kunin ko ang iPod niya. Hindi ko na nakita pa ang reaksyon niya dahil
pinakealaman ko na ito.
“Oh, meron ka pala nito eh! Ito na lang
muna pakinggan natin.” Hindi na naman siya makakatutol sa gagawin ko eh, kasi
ginawa ko na. Haha. Ibinigay kong muli sa kanya yung iPod niya.
“Alam mo, ang presko mo pa rin!
Feeling close, alam mo yun?” Natatawa niyang tugon. Napatingin naman ako sa kanya.
Pailing-iling lang ito sa akin. Natawa naman ako sa reaksiyon niya.
“Sa wakas, hindi ka na kinakabahan.”
Wala sa wisyo kong tugon sa kanya.
“Eh panu kasi, napakaintimidating mo
kaya! Kapag nakikita kita, lagi na lang yung una nating pagkikita ang naaalala
ko. Nahihiya ako sa mga pinagsasabi ko sa’yo noon. Pero, naiinis ulit ako kapag
maaalala kong ang presko mo pala. Tss! Suplado. Kainis!” Outburst niya. Pero
tumatawa na siya ngayon. It feels like he’s at ease now. Knowing na wala naman
akong ibang intensiyon kung hindi ang makausap lamang siya.
Said all I want from you is to see you tomorrow
and every tomorrow, maybe you’ll let me borrow your heart
And is it too much to ask for every Sunday
If I were radical and every other day to start
and every tomorrow, maybe you’ll let me borrow your heart
And is it too much to ask for every Sunday
If I were radical and every other day to start
Napangiti na lamang
ako nang marinig yun mula sa kanya. Ang lamig pakinggan ang boses niya.
“Alam mo bang paborito
ko tong kanta na to? Pakinggan mo, yan lahat ang gusto kong sabihin sayo.”
Pagsisimula ko. Napatingin naman siya sa akin. Tumango na lamang ako bilang tugon
sa kanya.
I hate to say cheesy
lines pero, ito na to eh. I’m not confessing though, hindi ko alam kong
nagugustuhan ko na siya. All I know is, I’m happy whenever he’s around. Ito pa
kayang matagal ko siyang makakasama?
So don't act like it’s a bad thing to fall in love with me
Cause you might look around and find your dreams come true, with me
Spend all that time and money just to find out that my love was free
So don't act like it’s a bad thing to fall in love with me, me
It’s not a bad thing to fall in love with me, me
Cause you might look around and find your dreams come true, with me
Spend all that time and money just to find out that my love was free
So don't act like it’s a bad thing to fall in love with me, me
It’s not a bad thing to fall in love with me, me
Napatingin siya sa
akin. Halata sa kanya ang pagkagulat.
“Kumakanta ka pala?
Ang ganda pa ng boses mo.” Tanong niya.
Napangiti naman ako sa
compliment niya. “Salamat! Secret lang natin to ha?” Yeah, you heard it right.
Wala pang nakakaalam na kumakanta rin ako. Ewan ko nga ba, hindi ko talaga
kailanman ibinahagi sa iba ang talent kong ito. Well, bad boy image ako noon
eh, so hindi bagay sa akin ang ganung traits. Pero, hindi talaga yun ang
dahilan.
Haha! Ewan!
Napatango naman siya
ng marahan. “Eh, bakit? Ang ganda kaya ng boses mo, di ba mas maganda na
ipakita mo kesa sa, ikaw lamang ang nakakaalam sa sarili mo na kaya mo pala.” Pangaral
niya. Mabuti na lamang hindi niya napansin yung cheesy line ko. Hindi nga ba o
iniiba niya lang yung usapan? Ha! Ewan ko na lang! Haha!
Napailing naman ako.
Hindi ko alam! Liar! “Ikaw, alam mo
na ngayon. Kaya no need para ipaalam pa sa iba.” Sagot ko.
Nasapo niya naman ang
kanyang noo. Naguguluhan siguro sa ugali ko. “Hay nakow! Sayang naman. Gusto mo
isali kita sa program para sa festival next month? Ikaw na lang yung kumanta
para sa opening, ang dami ko na kasing gagawin kong ako pa yung gagawa nun.“
Nakaisip tuloy ako ng
paraan para maging close kami. Haha! Napakatalino mo talaga!
“Sige, papayag ako
kapag tayong dalawa ang kakanta, I mean, bumuo tayo ng banda. Gusto ko kasi
yung live band eh. Mas magandang pakinggan kapag nagkakaisa ang bawat miyembro.
I can play bass guitar too!” Pagmamalaki ko.
Lumawak naman yung
ngiti sa mukha niya. Ang saya pala kapag ikaw mismo ang makakapagbigay ng ngiti
sa mukha niya. Ngayon, alam ko na kung bakit walang masabing masama tungkol kay
Riel ang mga nakakakilala sa kanya. He’s worth being with. Kahit nga si Eri na
konting panahon pa lang naman nakilala si Riel ay ang dami nang bukambibig
tungkol sa kanya.
You will lose half of
your life not knowing GABRIEL DELA RAMA.
Naalala ko tuloy yung
unang paghaharap namin noon sa plaza. It was my memorable encounter with him.
Though it’s not as good as it should be, doon ako nagkaroon ng interes sa
kanya.
FLASHBACK
I’m not stupid. No one is. Makitid lang
talaga ang utak mo. At maraming tulad mo. Eksaktong linya niya na sinabi niya sa akin noon. Sa
una sinabi kong, The hell I care about
that! Ngunit sa huli, binagabag pa rin ako ng aking konsensya.
As I entered my new
school for my first day, siya agad ang hinanap ko. Alam ko na dito siya
nag-aaral. Napansin ko yun nong ibinuhos niya sa sarili ang himalang natirang
laman ng kanyang iniinom na buko juice. Kaya kung lower section man siya, hindi
malabong hindi ko siya mahanap.
Lucky! Nasabi ko na
lamang noong nasa harap na kami ng aming magiging room at section. Nakita ko
kasi siya kaagad. Nakatingin sa labas ng bintana at may nakalagay na earpods sa
kanyang tenga.
Matapos kong
magpakilala noon nagkunwari ako noon na may hinanap, pero nakita ko na naman
talaga yung hinahanap ko eh. Hindi ko pinansin ang ingay na gawa ng aking mga
bagong classmate sa halip ay siya ang pinagtuunan ko ng pansin. Nagtagpo ang aming
mga mata noon, I bid the sweetest smile for him. Pero nakatanggap lamang ako ng
isang irap mula sa kanya, inaasahan ko rin naman yun. Haha!
Agad naman akong
nagtanong-tanong sa mga kakaklase namin ng tungkol sa kanya. May pinagawa kasi
si Ms. Salveda doon sa mga nakakuha ng perfect score daw kahapon. Gaya nga ng
naisip ko, he’s popular, kaya hindi naging mahirap ang pag-iimbestiga ko. May
mga nalaman akong importante, merong hindi ako makapaniwala.
Agad akong pumunta sa
isang hindi masyadong mataong lugar doon sa school. Nakakabigla talaga ang mga
nalaman ko tungkol sa kanya. Hay! Magpapahinga muna ako dito habang hindi pa
tapos ang mga naghahanap ng kani-kanilang treat. Tss. Ano ‘to elementary? May
reward pang nalalaman ang mga guro.
Nakatanggap naman ako
ng text kay Eri, tinatanong niya kung nasaan ako. Then, I gave her my location.
Nang makarating siya, agad niyang ibinigay sa akin ang dala-dala niyang
pagkain.
“Bakit ka ba andito?
Ang layo kaya nito sa room natin. Baka mahuli ka pa sa susunod na subject natin.”
Saad nito. Kumagat naman siya sa hawak niyang tuna sandwich.
“Nagpapahinga. Wag ka
ngang masyadong madaldal muna.” Tugon ko sa kanya.
“Tss.” Inirapan niya
na lamang ako. “Teka… Ano kaya yun?” Dagdag nito sabay turo sa isang maliit na
paperbag na nakatago sa likod ng isang bonsai. Napatingin naman ako roon.
Nilapitan agad ito ni Eri para kunin.
Agad siyang bumalik sa
kinainuupuan nito kanina at binasa ang mga nakasulat dito.
“For Mr. Gabriel Dela
Rama. Life is going by. Don’t waste a
minute being negative, offended, or bitter. Choose to be happy. – Joel
Osteen” Mga nakasulat dito.
“Kanino kaya ito? Isa
ito doon sa reward ni Ms. Salveda sa mga nakakuha ng perfect scores sa quiz
kahapon. Teka, hawakan mo muna to, ipagtatanong ko lang sa mga classmate natin.”
Agad siyang umalis matapos niyang sabihin yun.
Bago ko pa man sabihin
na kilala ko na kung sino itong Gabriel Dela Rama na ito, ay nawala na siya sa
aking paningin. Napailing na lamang ako sa hangin.
Agad akong tumayo at
balak ko sanang ibalik na lang ito doon sa dati nitong kinalalagyan bago pa ako
mapagkamalan na magnanakaw. But I was so late. Aish! Nahuli ako! Kaya kung ano
man ang isumbat niya sa akin ay aakuin ko na lang. Pwe! Kahit kailan talaga,
ang yabang ko pa rin. Saying things na pinagsisisihan ko naman sa huli. Tss.
Fuck this!
Sa huli nga,
pinagsisihan ko lahat ng mga lumabas sa bibig ko.
END OF FLASHBACK
Bumalik ako sa
kasalukuyan nang may tumapik sa aking balikat. Napabalikwas naman ako sa
sobrang gulat. Epic ang reaksyon ko! Ayun! Tawa ng tawa.
“Para kang ewan alam
mo yun?” Aniya. Tumatawa pa rin siya. Pailing-iling pa. Itinago na niya lamang
ang kanyang iPod sa kanyang bag at nang maitago niya ito ay agad siyang humarap
sa akin na nakangiti pa rin.
“Hay nako Mr.
Martinez, akala ko ba mag-uusap tayo? Kanina pa kaya ako salita ng salita rito,
yun naman pala eh, lumilipad ang utak mo kung saan-saan. Tsk. Tsk. Tsk.” Masaya
nitong akusa sa akin. Napakamot na lamang ako ng batok at nagsimulang tumawa.
“Ah…Eh… Pasensya ka
na. May naalala kasi ako. So ano sa palagay mo? I mean yung banda? Approved
ba?” Segway ko na lang para mabalik doon sa unang paksa na aming pinag-uusapan.
“Yun nga, kanina pa
ako nag-iexplain nun sayo eh! Nakow!” Nasapo na lamang niya ang kanyang noo.
“Ang sabi ko, Magandang ideya yun. Gusto ko rin kaya magkaroon ng banda. Tsaka
nakakasawa na yung mag-isa lang na kakanta. Pero, tatanungin ko pa ang SC tungkol
dito. Kelangan kasing magpa-audition ng mga band members gaya ng drummer,
guitarist, at kung kelangan pa ng pianist. Basta lahat ng yun kelangan
i-consider muna.” Pagpapaliwanag niya.
Napatango naman ako.
“Basta, hindi ako kakanta hanggang hindi pa yun ayos ha?” Natatawa ako sa aking
sinabi.
Napangiti naman siya.
“Tss. Hindi naman ako namimilit eh, ikaw, baka lang naman kasi maawa ka sakin.
Halos every year, sa lahat ng activities eh, kumakanta ako. Hindi ko
sinasabing, nagsasawa na ako, gusto ko lang na may makarinig din ng tinatago
mong talento. Haha!”
“Hindi raw namimilit,
eh nangungonsensya naman. Haha!”
“Hindi kaya! Haha!” At
nagtawanan na kami.
Matagal na katahimikan
ang namayani doon. Nawalan kami ng topic. Magsasalita na sana ako nang mauna
siya.
“Pasensiya ka na kung,
iniiwasan kita ha?” Napatango na lamang ako sa kanya.
“Ewan ko nga ba. Nahihiya
lang kasi ako sayo. Doon sa una nating pagkikita hanggang doon sa huli, ang
dami kong nasabi eh.” Dagdag niya.
“No! Ako nga dapat ang
mag-sorry sa’yo. Hinusgahan kita kaagad. I mean, doon sa huli, hindi ko talaga
sadya yun. Nasaktan lang siguro ang ego ko noon dahil sa hindi ka man lang
natinag sa mga pang-aasar ko. I am really sorry, Gabriel.”
Napailing na lamang
siya sa sinabi ko.
“Riel. Riel na lang
ang itawag mo sa akin. Magkaibigan na tayo, simula ngayon.” Pagsisimula niya.
Napangiti naman ako sa kanyang sinabi.
Sa wakas! Hindi na ako
feeling close! Wahahaha!
“About sa mga sinabi
mo noon, ayoko lang talagang nadadamay ang tungkol sa family status ko.” Dagdag
niya. Napatango na lamang ako sa kanyang sinabi.
“Sorry talaga. Hindi
na mauulit.” Saad ko sabay lahad ng aking kamay tanda ng isang pangakong hindi
mapapako. Tanging tango lamang ang sagot niya sa akin, may ngiti rin sa kanyang
mga labi.
“Teka, what if
magvolunteer ka na lang kaya sa SC, tapos, kapag nakapasok ka, ipropose natin
yung band. What do you think?” Biglang saad niya.
What?! Naisip ko na
yun kanina di ba?
Napatango na lamang
ako sa kanyang sinabi. Napangiti talaga ako ng sobra.
“Riel!”
Napalingon kami pareho
sa biglang sumigaw. Magkasabay pa talaga sila ah? Magpinsan nga. Tsk.
“Oh! Brett, Red!
Bakit? Parang pagod na pagod ata kayo?” Biglang tanong ni Riel sa kanila.
Napatingin naman sa
akin si Red nang magsalita si Brett. “Kanina ka pa namin hinahanap. Kumain ka
na ba? 12:30 na kaya?”
“Ah… Eh… Hindi pa nga
eh. Si Eri kasi, sabi niya ililibre nya ako ng lunch, tapos yun, iniwan lang
ako rito sa gazebo.” Sagot nito kay Brett sabay kamot sa ulo. “12:30 na pala?
Hindi ko namalayan.” Napatingin din ito sa akin na natatawa pa rin. So that
means, he enjoyed my company. Ha! Assuming!
Bwesit! Umeksena na naman!
Bigla namang lumitaw
ang magaling kong kapatid na may dala-dalang pagkain. Aba! Very impressive!
“Hayst! Sorry Riel ha?
Ang haba kasi nang pila sa Canteen.” Saad niya. Humarap ito sa akin tsaka
nagpakawala ng isang kindat. Napangiti na lang ako sa kanyang ginawa.
Eri’s POV
Argh! Buti na lang yun
yung naging palusot ko kanina kay Riel! Hayst! Ewan ko nga ba’t tinutulungan ko
tong kapatid ko! Anyways! Andito na to. I can’t turn back time anyway! Shems!
Kailangan kong i-compose ang sarili ko. Andito si Brett! Shems! Aba! Malande!
“Okay lang, Eri. Sana
tinext mo man lang ako, di ba? May number na kaya ako sayo.” Pag-iintindi ni
Riel sa akin.
“Ah… Hehe. Pasensiya
ka na. Nakalimutan ko eh.” Sagot ko sabay ng paglapag ko ng mga pagkaing binili
ko sa upuan galing Canteen para sa plan ko kanina.
Kung hindi lang din
ako tinutulungan nitong kapatid kong to, malamang sa malamang, hindi ko to
gagawin! I’m just returning the favors I’ve asked from my twin brother sa
tuwing kinakailangan ko.
“Hi Brett!” Pagbaling
ko sa aking crush! Oh my gulay! He’s so gwapo!
“Hello, Eri!” Sagot
naman nito. O-EM-GEE! Pacute ng konti. Haha! Pero nawala kaagad yung ngiti sa
mukha ko nang makita ko sa gilid ng mata ko ang reaksyon ng kapatid ko. Tss! Panira
ng moment.
Lumapit ako sa kanya.
Napaiktad siya sa
sakit na natanggap mula sa kurot ko. “Umayos ka! Wag na wag mong kalimutan na
pabor to!” Bulong ko sa kanya. Buti na lamang at busy yung dalawa sa pagkausap
kay Riel.
Ewan ko nga ba sa
kapatid kong to! Bakit kaya masyado siyang affected sa di pagpansin sa kanya ni
Riel? I wonder!
“Tara Riel, kain na
tayo?” Pagkuha ko sa atensyon ng pinakabago kong friend.
Napalingon naman to sa
akin. Pabalik-balik ang tingin sa akin at sa magpinsan. Argh! Si Brett!
“Ah… Eh… Pasensiya na
kayo ha? Naka-oo na kasi ako kay Eri. Tsaka may mga pagkain na rin. So? Next
time?” Saad niya dito sa dalawa. Napatango na lamang ang mga ito. May
paghihinayang sa mukha ni Red, pero ngumiti naman ito nang magtagpo ang
kanilang paningin ni Riel.
Hmmmm! Isa pa to!
Matanong nga si Riel.
“Kung ganun, mauuna na
kami. Sayang! Ililibre ka sana ni Red doon sa Café.” Pagpaalam ni Brett kay
Riel.
“Talaga?” Gulat na
tanong niya dito. Napatango naman si Red sa kanya. “Pero, sorry talaga Red ha?
Nauna kasi si Eri. Kaya yun!” Napakamot na lamang siya ng batok, si Red naman
ay tumango na lang.
Ay ewan ko ba sa
mundo. Pero hindi ako yung tipong sarado ang utak sa ganitong bagay, pero kasi,
kung sino pa yung mga gwapo, sila pa yung nagkakagusto sa isa’t isa! Hmp! Ang
dami ngang magaganda, pero, itsapwera naman. Kaya tuloy maraming imbes na
lalaki yung maghanap, babae na yung gumagawa nun. Tss. No offense meant doon
ha, I’m just stating the fact here. Basta! Gutom na ko! Pagkain muna aatupagin
ko.
“Sige alis na muna
kami, Riel. Eri, Eli.” Pagpaalam ni Brett my loves. Napatango na lamang kami sa
kanila. Si Red? Mapapansin ang pagkadisappoint. What the hell! Pwedeng
pakipaliwanag?
“At ikaw naman?”
Baling ko sa kapatid ko na hindi pa rin maalis-alis ang ngiti sa labi.
Napabalikwas naman ito
sa tinuran ko sa kanya. “Ha?” Tanong niya.
“Ang sabi ko, ikaw,
ano na ang gagawin mo. Hindi ka rin ba nagugutom?” Saad ko sa kanya. Sabay pa
ang senyas na umalis na siya dahil tapos na naman silang mag-usap ni Riel.
“Ah! Okay! Sige Riel!
Kain muna ako ha?” Baling nito kay Riel. Bastusan ganun? Ako yung nagsasalita,
tapos sa iba magpapaalam? Where’s your manners, brother? Tss.
“Okay Eli. Basta punta
ka na lang sa SC, para dun sa pagvolunteer mo ha? Every 5 pm lang kami kompleto
dun.”
“What?! Pakiulit nga?
Magbo-volunteer si Eli sa SC? Bakit? Pwede ako rin?” Pagsabat ko sa usapan
nila.
“Oo, we have a plan
kasi para sa School Fest next month. Kaya yun, I need him to volunteer, para sa
proposal na gagawin ko sa members. Pwede ka naman magvolunteer. Let’s see what
I can do.” Tugon niya sa akin.
Napatingin ako sa
kapatid ko na may ngiti sa labi. Ngunit napawi ito. Iling nang iling kasi yung
mokong, anong gusto niyang iaparating? Na wag na akong umepal? My Gosh! Andun
kaya si Brett! Kaya sasali ako!
“Pwede ko munang
makausap ang kapatid ko?” Baling ni Eli kay Riel. Napatango na lamang ito.
Hinila naman ako ni
Eli ng walang kahirap-hirap. “Sis. Wag ka nang umepal. This is my plan, not
yours, so don’t butt in, okay?” Saad niya.
Kinalas ko naman yung
pagkakahawak niya sa braso ko. Nakakairita! May plan din kaya ako. Kainis to!
“Ewan ko sayo no! May plano rin ako.” At dumistansya ako sa kanya para sa akin
pantasya. “Gusto ko ring makilala ng husto si Brett!” And then glitters
scattered. Flowers bloomed and everything is perfect!
“Aray!” Nawala lang
lahat ng pinapantasya ko dahil sa batok ng kapatid ko. Panira ng trip! Bakit
siya pwedeng lumandi, ako hindi? Nasaan ang hustisya! Kainis!
“Baliw! Basta, wag
kang magulo okay? You know what? I think I like Riel.” Diretsahan niyang
pag-amin.
“What?!” Bulalas ko.
Napalakas ata. Haha! OA na kung OA. My brother is gay? Oh my gosh! What is
happening in this world! Tell me!
“Anong nangyayari?”
Sigaw ni Riel galing doon sa gazebo. Aktong tatayo na sana siya nang pigilan
siya nung kapatid ko sa pamamagitan ng pagsenyas na wala lang.
Napalingon naman ako
sa kanya at umiling-iling na lamang. Napatango na lamang ito at umupo ulit.
“Ano ba Eri! Kahit
kailan talaga! Pwede bang pigilan mo namang maging obvious. Para kang ewan!”
Pangaral nito.
“Eh sino ba naman kasi
ang hindi magugulat sa sinabi mo? Does it mean, you’re gay? Sis?” Natatawa kong
saad. “Aray naman! Nakadalawa ka na ha?” Batok agad? Kainis! Baka mamisplace
ang mga neurons ko sa utak, maging bopols pa ako. Ayoko kayang maging beauty
lang, gusto ko may brain din!
“Eri!” Galit na puna
niya sa akin.
“Oo na! Aba! Malay ko
ba no? Kailan pa to? Nung inaway ka niya, or should I say nung niprovoke mo
siya, ganun? Wow! Love at first sight ba, brother?” Wag na ngang ‘sis’ baka
mabatukan pa ako. Kainis!
Napatango na lang siya
sa tanong ko. Nasapo ko na lang ang sarili kong noo. Ganun ba talaga ang epekto
ni Riel sa mga tao? Pati nga sa akin yun din yung nangyari eh.
“Basta. Don’t do weird
stuff, okay? Are we clear?” Untag niya sa akin. Ang lalim kasi ng iniisip ko. I
want to know Brett Santillan even more! Haha!
“Okay! Okay! I’ll do
my stuff, you’ll do yours. Walang pakialamanan! Deal?” At nagkamayan kami.
“Deal!” Sagot niya na
may ngiti sa labi.
“Ewan ko sayo! Alis na
nga! Ala-una na oh! Gutom na ako! Shuu!” Pagtataboy ko sa kanya.
“Riel! Sige! Kain muna
ako! Sa susunod ah?” Pagpaalam nito kay Riel. Pinagmasdan ko lamang siya. May
pakindat-kindat pa tong nalalaman! Tss. Napatango na lamang sa kanya si Riel at
iwinagayway ang kanyang kamay.
Kumain lang kami ni
Riel pagkatapos umalis ni Eli. May napagkuwentuhan kami tungkol sa iba’t ibang
bagay. One thing that saddened me? Nang nalaman ko na may fiancée na pala si
Brett my loves! Kainis! Nawalan tuloy ako ng gana kumain. Anyways! Kasalanan ko
naman kasi nagtanong pa ako. Tss.
Riel’s POV
Umuwi lang ako sa
bahay pagkatapos naming kumain ni Eri. Bigla na lang kasing nagbago ang mood
niya nung nabanggit ko na, may fiancée na si Brett. Ako pa tuloy yung umubos
nung kinakain niya.
Hayst! Sa wakas! Okay
na ang lahat sa pagitan namin ni Eli. I really can’t imagine I’ll be breaking
my rules pagdating sa mga nakakaaway ko. I mean, I’ve been tough, and merciless
pagdating sa mga magugulo sa school, especially doon sa mga taong ako yung
pinagkakaisahan.
Wala na nga akong
magagawa dun. Siguro nga ito na ang oras sa pagbago ko sa prinsipyong aking pinanghahawakan
sa buhay. Pero, dun lang yun sa pagpapatawad. Kapag kinakailangan, ibabalik ko
kung sino si Gabriel Dela Rama noon.
Napaupo lang ako sa
sofa namin nang makapasok na ako sa bahay. Bigla lang bumalik sa alaala ko yung
sinabi ni Eli tungkol sa kantang Not A Bad Thing. Mabuti na lamang at nailihis
ko ang usapan sa ibang bagay. Argh! Is he confessing through that song?
Lagi ko kayang napapakinggan
yun sa aking iPod. At alam ko na kung ano ang ipinapaabot ng kanta sa mga
makakarinig nito. Alam mo bang paborito
ko tong kanta na to? Pakinggan mo, yan lahat ang gusto kong sabihin sayo. Argh!
Parang sirang plaka na paulit-ulit kung magplay sa utak ko.
What if totoo yun? Or
baka naman nag-aasume lamang ako. I can’t imagine boys, confessing their
feelings sa akin. Red’s the same. Hindi ko rin maisip-isip kung bakit.
Ay ewan! Ang dami ko
pang dapat problemahin patungkol sa aking buhay. Panggastos, pambayad,
pangkain. Lahat, lahat! Argh!
What if paupahan ko na
lang kaya yung ibang kwarto? That would be a good idea! Kaso saan ko naman
ilalagay yung gamit nila Ate? Kailangan ko na sigurong ayusin lahat ng naiwan
nila. Actually kay Ate Karisma na lang naman, kasi yung kila Mama at Papa ay
matagal na naming naitabi sa storage room ng bahay.
Yun nga! Papaupahan ko
na lamang ang bahay, nang sa ganun, may mapagkukunan ako ng aking mga gastusin
dito sa bahay. Saka na ako maghahanap ng part-time pagkatapos ng prelims namin.
I need to focus on that.
-----
Natapos ang exam week
na exhausted kaming lahat. Masaya ako sa resulta ng exam. Natalo ko ngayon si
Red! Yes! Ayos lang naman sa akin kung 3rd lamang ako sa ranking.
Pero ayoko namang tawagan epokrito kung sasabihin ko na ayoko sa standing ko
ngayong prelims. As usual, Brett got the lead. Hindi talaga paawat tong best
friend ko. Eli got the 5th and Eri got 7th. They really
deserve being a part of this class.
Good news! May
napromote na dalawang tiga-B Section. Kaya nagkaroon ng welcome party para sa
kanila nung mailabas ang results. Sila’y si Yohanson De Lima at Ate Xynthia,
Xynthia Alegre. Kaya yun, si Yukino, drama ng todo.
“Better luck next time
Yuki, kulang lang naman ng dalawang porsyento yung grade mo eh.” Pagkukumbinsi
ko sa kanya.
“Eeeh! Kahit na! Wala
na yung kadaldalan ko dun sa B! Hayst!” Pagmamaktol niya.
“Tigilan mo na yan,
Sis. May tatlo pang exams, pag-igihan mo nang mapromote ka rin. Tara’t ililibre
na lang kita dun sa Café.” Saad ni Ate Xynth sa kanya.
“Talaga?!” Excited
niyang tugon kay Ate Xynth.
“Pano naman ako?”
Sabay puppy eyes sa aming Ate. Hahaha. Wala akong ipon eh. Hahaha. Wala pa
akong part-time job. Kaya magpapakabeggar na muna ako. Joke!
“Hay nako!
Matatanggihan ba kita?” Sagot niya.
“Yey!” Sabay lang
naming nabanggit ni Yukino. “Salamat, Ate Xynth!”
“Ewan ko sainyo! Tara
na’t magcelebrate! Haha!” Pag-alok niya sa amin.
Matapos naming kumain
ay balik trabaho na kami sa SC. Malapit na kasi ang School Fest, at dapat na
naming i-polish lahat ng mga kinakailangan.
Hinihintay ko rin na
pumunta si Eli at Eri dito sa SC para sa interview nila sa pag-volunteer. Nasabi
kasi sa akin ni Eri na gusto niya rin na magvolunteer dito sa SC. Mas okay nga
yun, mas marami, mas masaya.
Nasaan na kaya sila.
Napag-usapan na namin ang mga karagdagang gagawin sa Fest. We’ve already posted
Flyers and Posters about it.
Nagsimula na rin kaming
magparegister nang mga magtatayo ng booth. Kami kasi ang mag-aapprove ng mga
naisip nilang pagkakakitaan. It is required that groups, organizations, at
clubs ang magreregister. Yun na ang mapagkukunan nila ng panggastos kapag
mayroon silang gagawing activities. Konti lamang kasi yung naibibigay na funds
sa lahat ng accredited groups, orgs, and clubs. Medyo madami kasi.
Nangangati na nga ang
dila ko na i-suggest yung band na napag-usapan namin ni Eli. Pero, ang gusto
ko, ay siya mismo ang magsuggest nun sa harap naming mga SC Officials. I’ll
just back him up, para approved agad! Haha. Di na makakatanggi pa yung mga
kasama ko kapag ganun. Haha!
Nasa gitna kami ng
pagpopolish nung sa Party na gagawin sa last night ng School Fest nang may
kumatok sa pinto ng SC.
“Pasok!” Sigaw ni Ate
Xynth dun sa kumakatok.
Bumukas naman ang
pinto at napangiti ako sa mga pumasok. Nagtutulakan pa ang dalawa papasok.
Mistulang nahihiya.
“Oh! Kayo pala! Kanina
ko pa kayo inaantay.” Pagkuha ko sa atensyon nila. Lumapit na rin ako sa
kanila.
Napakamot lamang ng
ulo si Eli. Si Eri naman ay panay ang siko sa kapatid at pangiti-ngiti.
“Riel. Ba’t sila
andito?” Biglang sulpot ni Brett sa tabi ko.
“Eli, Eri. Bakit nga
kayo andito?” Tanong ko sa dalawa. Tumango na lang ako bilang sign na sila na
ang magsabi.
“Ah… Eh… Hehe...
Andito kami para sana magvolunteer. Hehe.” Saad ni Eri. Tumango naman si Eli
matapos ang pagsabi nun ni Eri. Nagpapacute pa sa best friend ko itong babaeng
to. Nakow! Alam ko na kung bakit nag-iba yung mood niya noong nasabi ko na may fiancée
na si Brett. Haha! Ang gwapo talaga ng best friend ko. Kainis! Hala! Erase!
Erase! Crossed-out na si Brett! Move-on na po tayo! Tsk! Sarcasm!
“Andrei!” Pagtawag ko
sa mag-iinterview sa kanilang dalawa. “Ikaw na ang bahala sa dalawang ito.”
Pagnguso ko sa dalawa. “Isama mo na rin sila Yuki, Gino at Reema para sa panel.”
Tango naman ang naisagot ni Andrei sa akin.
“Let’s go?” Pag-alok
ni Andrei sa kanila.
Napatango na lang yung
dalawa sa naturan sa kanila ni Andrei.
Magsisimula na sana silang
maglakad papuntang conference room ng SC nang may biglang nagbukas ng pinto.
Nagulat naman ako sa
pumasok.
“Red?!” Naibulalas ko.
Napakamot naman ito sa
ulo. Halatang pagod na pagod din ito dahil sa pagtakbo.
“Hi! Magbo-volunteer
sana ako.” Kahit pagod, buo niya pa rin itong nasabi.
Itutuloy…
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteExciting!!
ReplyDeleteGagawin ang lahat mapansin lamang ang drama ni Eli.. Sumasabay pa si Red.. POV ba niya sa next chapter, kuya Rye??
Hehe..
Hindi naman waley ang update mo kaya! Amusing, exciting at kung anu-ano pa na -ing na pwedeng i-describe..
Next chapter na! I-post na yan!
Hindi ko pa alam Vienne. Haha. Pero may palitan ng POV's doon. :D
DeletePS: Salamat para sa pagpo-promote ng story ko!
ReplyDeleteWalang anuman. :D
DeleteNicr ok na lahat sila.... tanong cnu kina red o eli ang mkakakuha sa puso ni riel?
ReplyDeleteKabang abang to
Jay05
Let's see who. Haha. I can't tell. It'll spoil the story. Thanks for reading!
DeleteBilang si Red,
ReplyDeleteButi nakahabol ako sa pag-volunteer. :) WHOAH!
Swerte mo. May tumutulong sa'yo. Haha!
DeleteAng ganda! Ang ganda! Ang gondohhhhh!!!!
ReplyDelete-hardname-
Thanks for the appreciation! Nakakataba ng puso. :D
DeleteAba paligsahan yung magpinsang Red at Eli. Mukang kaabang-abang ang susunod na kabanata. Mamaya na sana ipost ang next chapter kahit hindi naman hehe.
ReplyDeleteMr. Author, kaano-ano ba ni Riel si Annabel?
bharu
Bharu. Hindi po magpinsan sila Eli at Red. Hehe.
DeleteAng dami kong tawa sa Joke mo! Grabe! The best!
Pero! Hindi sila mag-kaanu-ano. Haha. Dela Rama si Riel. Samantalang Rama lamang si Annabel. Haha.
Kuya Rye, sinadya kolang talaga yun, para maiba nman hehe. Salamat at nabili mo yung joke ko.
Deletebharu
Hahaha! Talagang nabili ko. :)
DeleteWow. Talaga. Kaabang abang. <3
ReplyDeletePadami ng padami ang characters :)
ReplyDeleteJohnny. Kapag may mga nababanggit na names, doesn't mean na may big roles sila. Haha. Anyways. Malay naman natin, isa sa kanila ang mag lead role sa ibang stories. Right?
DeleteRED parin!! hahaha Although mabait naman si Eli, so I'll give him a chance. haha
ReplyDeleteMarvs :D
Haha. All the way na ba yan Marvs?
DeleteHahaha.. Nakakakeleg.. Exciting.. Sana ako is riel.. #teamRed ako :)
ReplyDeleteGood job mr. Author.. Isa to sa Inaabangan ko lagi ... :) - Dave
Thanks! :D
DeleteHmm paganda ng paganda.
ReplyDeletelakas talaga magpakileg nito :) hehehe
ReplyDeleteLOVE IT !!:)))))
BRO tnx sa pagbati ng 21 birth day huh!..heheheh diko na nga pala itutuloy ung pag sulat dito.lolz. di narin ako nag message sa page na pinasa mo saki,,,marami mkacng makikitid mag isip ee,lalo na ung mga taong di marunong maghintay ng update at di manlang marunong umintindi ng situation ng mga author..kaya sa group ko nalang ako mag post nag sulat pa kasi ako ng magandang story gusto ko kasi pag naipost ko na.ung lahat ng chapter na ipublish ko na... keep up the good work......h hehehe last comment ko na to... silent reader nalang ako HAHAHAHA....
ReplyDeletetnx for the greetings bro salamat sa pagbati sa 21 na kaarawan ko HAHAHAHA.. JOKe lang ung sabi kung itry ko kung anong lasa,HAHAHA natatakot ako subukAN.lolz
ReplyDeleteito nag comment na ako nahiya na kc KO SAYO kaya last na comment ko na ito..HAHHAHA SILENT READER NALANG AKO,.
BY THE WAY SA GROUP NALANG AKO MAG POST NG STORY KO...DI NA DITO..NAHIHIYA KASI AKO.HAHAHA BAKA BOGBOGIN AKO NG MGA COMMENTATOR DITO.HAHAHAHA
JIM XD
lakas talaga magpakileg neto :)
ReplyDeletehehehe
LOVE ITTT... !!
Wow !!! Bravo.. kinilig ako😍😍 super lawak ng imagination mo Mr.Author :) penge ako kahit one fourth ng ganyang talent :D
ReplyDelete-Geology Stud.
pakisabi sa babe mo na wala syang ikakaselos.
Txt. 09159709954 ♥
ReplyDeleteTxt. 09159709954
ReplyDelete