Followers

Wednesday, August 13, 2014

Hiram Na Pagmamahal

By Michael Juha
Email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com



Hindi ko maiwasang hindi pumatak ang mga luha ko sa sandaling iyon. Nasa holding area na ako ng airport noon, naghihintay na lang ng boarding sa aking flight pabalik ng Saudi. Isa kasi akong OFW at katatapos ko lang ng aking taonang bakasyon.

Hindi naman talaga ako ganoon ka sentimental na tao pagdating sa ganyang may pamamaalam. Sa paulit-ulit ko ba namang karanasan sa pabalik-balik na bakasyon sa Pinas, naging immune na ako sa sakit ng mga airport drama.

Ngunit iba sa bakasyon iyon. May isang taong nagpapaiyak sa akin. Si Mel.

Si Mel ay isang masahista. Nag-krus ang aming landas nang ilang araw mula nang dumating ako ng Pinas ay nagsearch ako ng “masahista”. Nakita ko ang profile niya sa isang site. Dahil ang nakasaad ay matangkad siya sa taas na 5’11”, moreno at maganda ang pangangatawan na ipinakita sa litrato, naengganyo akong kunin ang serbisyo niya. Ganyan naman talaga ako. Bawat bakasyon sa Pinas, naghahanap ako ng isang “masahista”. Dalawang bagay kasi ang napu-fulfil na pangangailangan ng aking sarili sa ganoon. Una ay ang sarap ng pakiramdam sa katawan dulot ng pagmamasahe; pangalawa, sex. Simula ng maghiwalay kami ng huli kong boyfriend, palagi ko nang ginagawa ang ganoon. Para sa akin, fulfilled pa rin ako. Mas maganda pa nga ito dahil walang commitment. Pagkatapos ng “session” ay libre ka na kung ano man ang gusto mong gawin sa buhay. Walang nagtatanong, walang nagdedemand ng explanation o panahon, walang sakit sa ulo. Sa emotional side naman, wala akong fears o insecurity. Walang guilt na may masaktan kang damdamin, walang responsibility. Wala ring selosan, walang sakit sa ulo na mag-iisip ka kung nasaan siya, sino ang kasama, ano ang ginagawa nila... mga ganyang bagay. Kaya nagustuhan ko ang ganoong setup.  Pagkatapos kong mabayaran ang masahista, bahala na kami sa kanya-kanyang buhay. Pag need ko na naman uli ang serbisyo, tatawag na lang ako. At puwede pa akong mamili ng iba! Ganyan ka simple.

Ngunit ang hindi ko inaasahan ay may isang bagay pa palang maaaring maibigay ng isang bayarang masahista – ang pagpaparamdam ng “pagmamahal”.

Muntik nang hindi matuloy ang unang session namin ni Mel nang tawagan ko siya. Nang lumuwas na kasi siya upang puntahan na ang lugar ko, naidlip ako. Pagod kasi ako sa biyahe noon. Nang nagising ako, maraming texts na si Mel sa akin. “Anong unit ka?” “Anong pangalan ng condominium mo?” “Nandito na ako sa landmark na sinasabi mo” “May dalawang condominium akong nakikita rito, saan ang sa iyo?” At siguro ay nainis na dahil wala nga akong sagot, ang sunod na mga texts ay, “Sana naman ay huwag mo akong lokohin. Matino po akong tao.” “Babalik na lang ako sa bahay.” “Salamat na lang sa iyo, sana ay masaya ka sa ginawa mo...”

Dali-dali ko siyang tinext. “Hey, sorry nakatulog ako! Hindi kita niloloko. Kung maaari ay bumalik ka please???”

At iyon, balik na uli ang text niya at sinagot ko ang mga tanong niya. Sa madaling salita, natumbok niya ang aking unit.

Excited kong binuksan ang pinto ng aking unit nang may nag door bell na si Mel. Nang binuksan ko, nakita ko kaagad ang ngiti niya. Walang bahid na galit sa kanyang mukha, ni hindi ko naramdaman na nainis siya sa akin. At tama nga ang nakasaad sa kanyang advertisement sa site. Matangkad siya, moreno, at bagamat hindi gaanong muskular, walang kang makikitang taba sa kanyang katawan. May experience kasi ako dati na ang gagandang tingnan nila sa litrato ngunit pagdating sa personal, medyo iba na ang hitsura at porma. Ngunit siya ay iyong sinasabing “what you see is what you get”. Naka-long short siya, dark green na semi-fit t-shirt at grey na sneakers.

Aaminin ko, hindi ako masyadong na-attract sa hitsura niya. Hindi naman sa pangit siya, sakto lang kumbaga. Ako kasi, mas importante sa akin ang height, porma ng katawan, at morenong kulay ng balat. Kaya, pasok siya sa banga.

Nginitian ko rin siya. “Sorry sa nangyari! Hindi ko sinasadya. Sana ay hindi ka galit.” Ang sambit ko.

“Hindi naman.” Ang sagot rin niyang nakangiti pa rin, tinumbok ang sofa at umupo. “Ikaw lang ba mag-isa rito?” ang tanong niya.

“Oo... I mean may kasama ako pero pinapupunta ko lang dito kapag gusto  kong may kasama.”

“Ah...” ang sagot lang niya. “So start na tayo?” ang tanong uli niya sabay tayo. Parang nagmamadali.

Agad kong tinumbok ang kuwarto, kinapa ko ang switch ng ilaw at pinatay iyon, hinayaang ang maliit na sinag ng lamp shade lamang ang magbigay ilaw sa buong kuwarto. Pagkatapos ay walang sabi-sabing hinubad ko ang aking t-shirt atsaka tumihaya sa kama. Hindi ko na hinubad pa ang aking garterized na short at brief. Sa madilim-dilim na kuwarto ay inaninag ko siya na naghubad na rin ng t-shirt at short, ang naiwanng saplot sa kanyang katawan ay ang boxer’s short. Napahanga ako sa ganda ng hugis ng kanyang katawan. Ramdam ko ang malakas na pagkalampag ng aking dibdib.

Yumuko siya at hinawakan ang dulo ng aking short. Hinila niya iyon pababa. “Hubarin natin” ang bulong niya.

Nahubad ang aking short ngunit nagtaka ako dahil hindi niya iginiit na hubarin ko pa ang aking brief. “Dumapa ka...” ang bulong niya.

Tumalima ako. Dahil nakadapa ako, hindi ko na nakita pa ang kanyang ginawa. Ang narinig ko na lang ay ang tunog ng pagbukas ng bote ng oil. At naramdaman ko na lang ang paglapat ng kanyang palad sa aking likod, sa may bandang balikat...

Hindi ko alam kung anong klaseng masahe ang ginawa niya. Pero para sa akin, regular lang iyon, halos walang pinagkaiba sa karamihan ng mga masahistang nakuha ko, maliban na lang sa isang bagay: sa pagmamasahe niya ay hindi niya pinakialaman ang aking maseselang bahagi. Sa pagkakatanda ko kasi, lahat na nagmamasahe sa akin ay talagang isasagi nila ang kanilang kamay sa aking pagkalalaki o sa aking singit at bayag. Marahil ay upang mag-init ako, tatablan, tigasan... May iba pa nga na talagang naghuhubad at sasadyaing idikit ang kanilang pagkalalaki sa aking balat. Ngunit hindi ko napansin iyon sa kanya. Doon ko naisip na baka wholesome lang talaga ang pagmamasahe niya. At dahil pagod na pagod din ako sa oras na iyon, nalusaw ang gana kong magpa-extra.

Pagkatapos ay pinatihaya niya ako. Ang aking dibdib naman ang kanyang minamasahe, pababa. Ganoon pa rin, hindi niya ginalaw o ni tinangkang isagi ang kanyang kamay sa aking pagkalalaki. “Professional lang talaga ang trabaho niya” sa isip ko lang. Ni wala nga kaming imikan habang ginawa niya ang pagmamasahe. Iyong tipong wala talaga kaming pakialam sa bawat buhay. May iba kasing masahista na tanong nang tanong, kung saan ako galing, kung ano ang trabaho ko, kung ano ang ginagawa ko sa Maynila... Pero siya ay mistulang isang pipi. Pero ok lang din sa akin iyon. Ayaw ko rin ng maraming tanong. Gusto ko lang magpamasahe, magrelax, at hindi kailangan ang kuwentuhan o may maki-usyuso sa buhay ko. Mas napo-focus ang isip ko sa pagmamasahe niya, nananamnam ko ang sarap ng pagdidiin ng kamay niya sa aking kalamnan. Sa panig ko, wala rin akong balak na kaibiganin siya. Bayad lang ang katapat sa serbisyo niya. Iyan ang mahalaga.

Natapos ang session namin. Nanatili akong nakahiga, hinintay na magbihis siya at maningil upang makaalis na. Ngunit hindi siya nagdamit. At doon na ako nagula nang, “H-hindi ka magi-extra?” ang medyo nahiya niyang tanong.

Bigla akong napatitig sa kanya. Hindi ko inaasahan na sa ganoon pa rin pala hahantong ang lahat. Ngunit naisip ko rin na baka talagang gusto lang niyang madagdagan ang kita niya. Kaya ang naisagot ko na lang ay, “O-ok.”

Doon na niya tuluyang hinubad ang kanyang boxer’s shorts. Hinubad ko na rin ang aking brief. Pareho kaming hubo’t-hubad.

Lumapit siya sa kama habang nanatiling nakatayo. Nagulat ako dahil galit na ang kanyang pagkalalaki. Hindi ko pa nga ito nahawakan ay tayong-tayo na. Maya-maya, may hinugot siya sa kanyang bag. Condom. Pagkatapos, may hinugot uli siya, pampadulas.

In fairness, nagustuhan ko ang extra niya. Iyon bang parang ipinaramdam niya na nagustuhan niya ang pakikipagsex sa akin. Tigas na tigas ang kanyang pagkalalaki at hindi ko napansin lumambot iyon hanggang sa natapos kami. Hindi kagaya ng ibang naka-“extra” ko na naghahanap pa ng bold na palabas bago titigasan. Ngunit siya ay hindi. At bagamat wholesome ang dating niya sa akin, handa rin pala siya sa sinasabing extra. Pero muli, iginiit ko sa aking isip na talaga lang sigurong kailangan niya ng pera. Kahit naman siguro sinong tao na ang pipiliing trabaho ay ang pagka-masahista (na may extra), tataas ang kilay mo kung malalaman mong sa lahat ng puwedeng maging trabaho, iyan ang kanyang pinili. Syempre, pera. At kapag ganyang matangkad ka at may porma ang katawan, sigurado ay marami kang kliyente, mas malaki ang kikitain. At kapag may extra pa, doble. Iyon ang nasa isip ko. Pera ang dahilan ng lahat.

Nang natapos kami, nagdamit ako. Ganoon din siya. “Kumain ka na ba?” ang tanong ko.

“Hindi pa, eh” ang sagot niya.

“Kain tayo. Kaso hindi pa ako nakaluto. Pero may rice cooker sa kusina kung gusto mong kumain ng kanin, may frying pan at may laman din sa refrigerator, puwede kang mamili ng lulutuin mo. Ako kasi, tinapay lang ang kinakain.”

“Sige, ako na ang bahala.” Ang sagot niya. Tinumbok niya ang kusina at maya-maya lang ay narinig ko na ang ingay ng pagluluto niya. Nagprito siya ng itlog at hotdog. Nang natapos, siya na rin ang naghanda ang nagdala nito at naghanda sa hapag kainan.

Doon ko unang napansin ang soft side niya. Parang napakagentleman niya na halos i-lead na lang niya ako sa hapag-kainan at hilahin iyong upuan upang makaupo ako nang maayos. Nang kumain na kami, halos wala pa rin kaming imikan. Ang natandaan ko lang ay mga tanong ko sa kanya na parang “Saan ka nakatira” “Ilang taon ka na?” “Ano ang height mo?” Ako na rin ang nagkuwento sa kanya na isa akong OFW. Iyon lang takbo ng aming usapan. Mabababaw na tanong, matipid. Parang hindi ko kayang magtanong ng malalalim na issues sa kanyang buhay. Parang pansin ko kasi na tila may itinatago siya. Ayokong ma-involve. Ayaw kong may malalaman na magiging dahilan upang maawa ako sa kanya at sa bandang huli ay mahulog ang loob ko. Kapag nangyari ang ganoon, ako rin ang magiging talo. 

Nang matapos na kaming kumain, siya na rin ang naghugas sa aming kinainan. Pinunasan na rin niya ang mesa.

Tuwang-tuwa ako sa nakita sa kanya. Doon pa lang ay napansin ko na kakaiba siya sa lahat ng mga masahistang na-hire ko. At parang ganyan na rin kami ka-close. “Kung gusto mong mag-stay, pede kang manuod ng palabas sa cable o kaya ay maidlip muna sa kuwarto. Puwede ngang dito tumira habang narito pa ako sa Maynila. Kung gusto mo lang. Wala naman akong kasama rito.” Ang sambit ko.

Hindi niya sinagot ang aking mungkahi. Ngumiti lang siya at tinumbok ang sofa. Naupo siya at kinuha ang remote, pumili ng channel. Sumunod ako. Umupo ako sa kanyang tabi at itinutok ang aking paningin sa monitor. Hindi ko lubos maintindihan ang aking sarili kung bakit ako sumunod sa kanya sa sofa. Hindi ko naman gusto ang kanyang pinapanuod na lumang pelikula ni Fernando Poe, Jr. Parang gusto ko lang namnamin ang sarap na magkatabi kami.

Tahimik lang ako at nagkunyaring ay nanuod sa pelikulang napili niya. Maya-maya, naramdaman kong lumingon siya sa akin. Hindi ko tinugon ang paglingon niya. Nanatiling ipinako ko ang aking paningin sa monitor. Maya-maya, naramdaman ko na lang ang pagpatong ng kanyang braso sa aing balikat. Inakbayan niya ako! Nang nilingon ko siya, bigla niyang inilapat ang kanyang mga labi sa aking ulo. Hindi ko lubos maisalarawan ang aking nadarama sa sa ginawa niyang iyon. Ang huli kong natandaang gumawa sa akin ng ganoon ay ang aking boyfriend na nag-asawa na. Halos walang ipinagkaiba. Kung diskarte man niya iyon upang maging malapit siya sa kanyang kliyente at babalik-balikan siya, napakagaling ng kanyang diskarte.

Dahil sa ginawa niyang iyon, hindi na ako nahiyang ilingkis ang aking braso sa kanyang baywang. Na lalo naman niyang hinigpitan ang pag-akbay sa akin. Halos yapusin na lang niya ako nang mahigpit.

Maya-maya lang, hinila ko pataas ang harapang dulo ng kanyang t-shirt. Tila nagulat siyang tiningnan ang aking ginawa. Nang nakuha niya ang aking gusto, tinulungan na niya akong iangat iyon ng isa niyang kamay. Doon ay hinaplos-haplos ko ang balahibo sa kanyang tiyan, pataas sa kanyang dibdib. “Gustong-gusto ko talaga kapag ang lalaki ay may balahibo sa tiyan at dibdib...” ang bulong ko sa kanya.

Sa sinabi kong iyon, pansamantalang tinanggal niya ang brasong naka-akbay sa akin at tuluyang hinila niya pataas ang ang kanyang t-shirt upang matanggal atsaka inilatag niya ito sa gilid ng sofa. Napangiti akong tiningnan siya. Nakangiting tiningnan din niya ako. Hindi ko lubos maisalarawan ang ang sarap ng aking pakiramdam sa sandaling iyon. Kaming dalawa lang sa kuwarto, nakaupong magkatabi, nagyakapan habang iniinjoy ko ang paghahaplos sa kanyang buhok sa tiyan.

“M-may jowa ka na ba?” ang tanong ko.

Umiling lang siya. Hindi ko alam kung totoo iyong sagot niya o hindi. Parang hindi ko maramdamang totoo. Tila may kirot akong nadarama sa klase ng pagsagot sagot niya sa tanong kong iyon.

“P-paano kung ma-in love ako sa iyo?” ang dugtong kong tanong.

“Mahirap para sa iyo. Nasa malayo ka...” ang mabilis niyang pagsagot habang tinitigan ako.

Napahinto ako nang bahagya. Alam ko naman kasing kahit wala ako sa malayo, hindi pa rin maaari. Kasi, pakiramdam ko ay may nagmamay-ari na sa kanya. “Wala namang issue kung malayo eh. Ako kapag nagmahal, gagawin ko ang lahat para sa kanya.” Ang naisagot ko na lang.

“Actually, hindi ako nainiwalang dapat mong gawin ang sakripisyo para sa taong mahal. Ang pagmamahal ay kusang ipinapadama, hindi pinipilit; kusang ibinibigay, hindi binabayaran; kusang ipinagkatiwala nang walang kaakibat na kundisyon...”

Doon tila binatukan ang aking ulo ng isang matigas na bagay. Parang bull’e eye na tinamaan ako at sagad sa aking buto at kalamnan. Tama naman siya. Kung mahal niya talaga ako, ibibigay niya iyon sa akin nang hindi ko binabayaran ang oras at serbisyo niya, kusang magtiwala siya sa akin. Natameme ako. Hindi magawang magsalita pa. At ang sinabi niyang iyon sa akin ay hindi mabura-bura sa aking isip. Ipinagpatuloy ko na lang ang paghahaplos sa kanyang balahibo sa tiyan. Dedma kunyari ako sa kanyang sinabi.

Hanggang sa tiningnan na niya ang kanyang relo at nagpaalam. Binigyan ko siya ng bayad.

“Salamat Mike...” ang sambit niya, sabay halik sa aking bibig nang nabuksan na ang pinto ng unit ko at akmang lalabas na siya. Maya-maya lang, nagtext na siya. “Salamat nang marami, Mike. Sa uulitin...”

Nasundan ang tagpo naming iyon nang bago ako tumungo ng Leyte ay nasumpungan kong kunin ang serbisyo niya. Sa pagkakataong iyon, hindi na ako nagpapamasahe pa. Pagkapasok na pagkapasok niya sa kuwarto ko ay diretso kaming nagyakap. Hanggang nakarating kami sa kama. Halos wala na kaming ginawa kundi ang maghalikan at magyakapan. Nang sinimulan niya akong paghalik-halikan sa katawan, hudyat na iyon na gusto niyang may mangyari na sa amin. At nangyari nga ang aming pagpapaalpas sa init ng aming mga katawan. Nang matapos kami, nagluto muli siya. Kumain kami at pagkatapos ay naupo sa sofa. Habang kunyaring nanunod kami sa paborito niyang lumang pelikula, paminsan-minsan naman niyang hinahalikan ang aking bibig.

Doon ko pa mas naappreciate ang mga ginagawa niya. Parang tunay talaga kaming magkasintahan. Napaisip din ako sa sobrang kalambingan niya sa akin na wala siya naiilang o nandidiri. Imagine, halos kalahati ang agwat ng aming edad at sa pisikal na anyo ay masasabi kong hindi na ako ganyan ka kanais-nais. Ngunit iba ang paghahalik niya sa akin. Iyon bang yayakapin ka, tititigan sa mata, at marahan niyang hahalikan ang iyong mga labi na tila ninanamnam ang sarap ng paglapat ng aming mga labi at pagsisipsipan ng aming mga laway; na tila may nadarama rin siya para sa akin at nagi-enjoy sa aming halikan. Hindi ko lang alam kung pinepeke niya ang kanyang ipinakita sa akin. Imagine, ang tanda ko na. para sa marami, isang napakalaking “Yukkk!” ang kanyang ginawa. Iyon ang mga bagay na hindi ko naranasan sa ibang mga masahista. Doon siya lumamang. At kung peke nga ang kanyang ipinapakita sa akin, hindi ko nahahalatang peke ang mga iyon.

“Ano ang naramdaman mo nang hindi kita sinagot sa mga texts mo noong unang beses na kinuha ko ang serbisyo mo?” ang tanong ko nang lumipat na kami sa terrace ng condominium unit, ini-enjoy ang malamig-lamig na simoy ng hangin sa gabing iyon.

“Ok lang.”

“Hindi ka nagalit sa akin?”

“Hindi naman. Para sa akin, hindi kawalan iyon ng aking pagkatao. Kasi wala akong ginawang masama sa kanila. Naghahanapbuhay lang ako. Kung trip nilang manloko, wala akong magagawa. May karma naman, di ba?”

“May mga ganyang kaso ka na ba na na-encounter na?”

“Mayroon din. Pero sa sinabi ko, hinahayaan ko na lang.”

Sa pagkakataong iyon ay unti-unti kong naintindihan ang kanyang pagkatao. Nag-open up na rin ako tungkol sa libro kong sinulat, at nagulat siya. Hindi niya raw akalain na isang author pala ang kanyang kliyente. Hindi raw siya mahilig magbasa. Ngunit dahil ako ang nagsulat, nagrequest siya na kung puwede ay mabasa niya ang “Santuwaryo Ng Pag-ibig”. Iyon kasi ang sinabi kong ila-launch sa NBS MOA. Nang ibinigay ko ito sa kanya, tinumbok niya ang kama, nahiga at doon ay binasa niya ang libro. Hindi ko na siya inistorbo.

Ngunit bago pa man niya matapos ang buong kuwento, may nagtext sa kanya. Isang kliyente raw. Kaya wala akong nagawa kundi ang hayaan siyang umalis. “Aalis na ako bukas, Mel, patungong probinsiya” ang malungkot kong sabi sa kanya bago siya lumabas ng kuwarto.

“Awww. Pero babalik ka rin naman, di ba?”

“Oo...”

“At magkita pa rin naman tayo, di ba?”

“Oo naman... Sa Book Launching narito ako.”

“O sya, enjoy ka na lang sa bakasyon mo, Mike. Magkita na lang tayo sa pagbalik mo...”

At iyon... nang nasa probinsiya na ako, halos walang araw na hindi siya nagtitext sa akin sa unang linggo ko. Parang unti-unting binuksan niya ang sarili niya sa akin. Sinabi niya na lungkot na lungkot daw siya dahil nasa probinsiya ang nanay niya at may sakit, mahinang-mahina na. Gusto raw niyang puntahan sa probinsiya ngunit kulang ang pera niya. Noong una ay naisip ko na baka drama lang niya iyon upang manghingi ng pera. Ngunit dahil wala naman siyang sinabi, hindi ako nag offer. Natatakot pa ako. Pero nagpasalamat siya sa akin. Mabuti pa raw ako, nakikinig sa kanya. Sinagot ko na lang siya na naramdaman ko ang naramdaman niya dahil ganoon din ang nangyari sa aking inay...

Pagkatapos noon, hindi na ako nakatanggap pa ng text mula sa kanya. Nagtaka ako at nalungkot din. Sabi ko sa sarili, siguro, nalimutan na niya ako. O siguro, nagtampo siya dahil hindi ako nag offer ng pera para tulungan siyang makauwi ng probinsiya. “Ganyan lang talaga. Hanggang sa masahe lang ang aming ugnayan; bilang isang ordinaryong kliyente. Kapag hindi na ako nagpapamasahe, bale-wala na rin ako sa kanya. Ganyan lang ka-simple” sa sarili ko lang. Kaya, kinondisyon ko na ang aking sarili na hanggang doon na lang talaga kami.

Nang nakabalik ako ng Maynila para sa book launching, sinubukan kong tawagan siya.

“Mike! Akala ko ay galit ka sa akin.” Ang sambit niya.

“Ha? Bakit?”

“Hindi ka na sumasagot sa texts ko, eh.”

“Anong texts? Ikaw nga itong hindi na nagti-text sa akin eh!”

“Araw-araw kaya akong nagti-text sa iyo. Ikaw itong hindi sumasagot.”

“Sure ka?”

“Oo naman!”

Dali-dali kong tsinek ang aking cp. Nagtaka rin talaga ako kung bakit wala akong natatanggap na mga texts kahit kanino sa sim card na iyon. Ang ginawa ko ay tinanggal ko ang sim card. Doon ko nalaman na nag-loose pala ito kung kaya ay hindi nakatatanggap ng mga texts. Syempre, tuwang-tuwa ako na hindi pala niya ako kinakalimutan. At sa gabi bago ako bumalik ng Leyte ay may nangyari muli sa amin...

Nang nasa Leyte na uli ako, ganoon pa rin siya, panay pa rin ang pagpadala ng text. Hanggang sa nagpunta na ako ng Iloilo at Boracay, nagtitext pa rin siya.

Galing ng Boracay ay dumiretso akong Maynila. May limang araw ako roon bago ang pagbalik ko ng Saudi. Nagdesisyon akong huwag nang kumuntak kay Mel. Ramdam ko kasing nahulog na ang loob ko sa kanya. At magiging masakit iyon para sa akin kung lalapit pa ako sa kanya at aalis din naman ako. Napakamasokista ko na kung sa kabila ng wala naman palang patutunguhan ang lahat, lalapit at lalapit pa rin ako sa kanya. Naalala ko ang tanong ko sa kanya noon. “Paano kung ma-in love ako sa iyo?” na sinagot din niya ng, “Mahirap para sa iyo, nasa malayo ka.” Tama siya. Para sa kagaya kong sa buong buhay ay wala nang ibang naranasan pa kundi pagkabigo, sobrang masakit iyon. At sobrang tanga ko na kung hindi pa ako natuto...

Kaya iba ang kinuha kong masahista sa pangalawang gabing nasa Manila ako. At ang kinuha kong masahista ay iyong ni-recommend sa akin ng kaibigan ko na “magaling” daw sa kama, na tawagin ko na lang na “Tonton”.  Totoo namang magaling si Tonton. In fact, halos hindi na siya nagmasahe pa, dumiretso na siya sa “extra”. Magaling, wala akong masabi. Hingal kabayo kami nang natapos na. Hindi nga nakaya ng powers ko ang energy niya. Ngunit hindi ko siya madama. Pagkatapos naming makaraos ay naligo kaagad siya, naningil, at nanghingi pa ng dagdag para raw hindi mabawasan ang buo niyang pera. Pinagbigayan ko. At dali-dali na siyang lumabas na halatang pera lang ang habol niya, na parang wala lang kaming ginawa.

Nang nakalabas na si Tonton, doon na ako nakonsiyensya. Bigla akong nanlumo at nagsisi. Hindi pa rin mabura sa isip ko si Mel. Iba siya. Hindi lang sex ang napadama niya sa akin kundi ang isang aspeto na hinahanap-hanap ko, ang pagmamahal. Napaiyak na lang ako. Iyon bang naawa sa sarili dahil nagpumilit ang puso ko na makapiling si Mel ngunit ayaw naman ng isip kong mangyari ito dahil sa bandang huli ay ako pa rin ang magdusa.

Ngunit tila mas malakas ang udyok ng aking puso. Kinabukasan, nang magpasya ang aking mga kaibigan na mag videoke, inimbitahan ko si Mel. Sinabi kong pamasahe lang ang aking babayaran sa kanya. Tutal, jamming lang naman iyon at kasiyahan. Iyon ang paraan ko upang i-test siya kung talagang seryoso siya sa kanyang pagiging sweet sa akin, na kahit walang bayad ay sasama pa rin siya. At laking tuwa ako nang sumang-ayon siya. Sasali raw siya sa jamming ng grupo.

Ngunit nadisappoint din ako. May bigla raw tumawag na kliyente sa kanya at hindi niya matanggihan dahil suki raw niya ito. Medyo nalungkot ako. Sabi ng isang kaibigan ko, “Wala... alibi lang niya iyon. Hindi mo kasi binyaran ang oras niya.”

Pero naintindihan ko pa rin si Mel. Kung totoo mang may kliyente siya, dapat ay iyon ang kanyang uunahin dahil hanapbuhay niya iyon. Ngunit kung nag-aalibi lang siya, iyon ang masakit, at wala akong paraan upang malaman kung alin doon ang totoo.

Kinabukasan, huling araw ko na iyon bago ang flight ko pabalik ng Saudi. Talagang tinext ko na siya upang makasama ko sa umagang iyon. Dumating naman siya. Sabay kaming kumain sa free buffet breakfast ng hotel. Doon na niya sinabi sa akin na namatay na ang nanay niya at kararating lang niya galing probinsiya. “Oh, I’m sorry.” Ang nasabi ko na lang. Na sinagot lang niya ng, “Ok lang... talagang ganyan ang buhay.” Iyon lang. Doon ako naniwalang talagang may sakit ang nanay niya at hindi siya nagdrama.

Nang matapos na kaming kumain, nagtungo kaagad kami sa kuwarto. Binuksan ko ang TV na ang channel ay bold at kunyari ay nagreact ako, “Ay! Bakit bold iyan???” na sinagot naman niya ng “Hmmm! Kunyari pa ito!” sabay bitiw sa nakakalokong titig.

At doon, wala kaming ginawa kundi ang magyakapan na parang sabik sa isa’t-isa. At humantong ang lahat sa pagtatalik. Iyon ang huli naming pagniniig. Natawa pa nga ako dahil nang matapos na kami at nagtungo siya sa shower, napansin ko ang nakalagay sa ibabaw ng mesa sa tabi ng kama. Isang nakabukas na sachet ng shampoo. Nang tinanong ko kung iyon ang ginamit niyang pampadulas, ang sagot ba naman ay, “Oo... bakit mahapdi ba? Wala akong dala eh, at nakita ko naman siya sa shower mo...”

Kinurot ko ang kanyang tagiliran. “Dapat sinabi mong wala ka palang dala. Marami akong sachet ng Mang Inasal Ketchup, mas ok pa kung iyon ang ginamit mo!”

Tawanan.

Sumampa na lang siya muli sa kama, idinantay ang kanyang katawan sa ibabaw ng katawan ko. At doon ay walang humpay naman ang paghahalik niya sa aking bibig. Iyon bang light na halikan lang bagamat namnam mo ang kiliti ng pagsisipsip ng kanyang bibig sa iyong bibig, ang paglalaro ng dila niya sa loob ng iyong bibig habang paminsan-minsan kayong nagtititigan at hahaplusin mo ang kanyang pisngi dahil natutuwa ka sa kanya, dahil may kakaiba kang nararamdaman...

Nanatili siya sa kuwarto ko ng may isang oras pa. Wala kaming ginawa kundi ang magyakapan, maghalikan. Iyon ang pinakahuli ngunit pinaka sweet naming pagsasama.

“Ganyan ka ba talaga sa mga kliyente mo? Malambing, kahit tapos na ay may ganito pang yakap-yakap, halikan, at lampungan?”

“Hindi naman. Pili lang. Iyong gusto ko lang, nakagaanan ng loob.”

Mistula namang tinusok ang aking puso sa narinig. Doon ko na-confirm na talagang bahagi lang ng kanyang trabaho ang lahat. Hindi na ako nagtanong pa. Sa loob-loob ko ay ang takot na baka may mga bagay pa akong malalaman na lalo pang ikasakit ng aking damdamin.

“Alam mo, ang ginawa mo sa akin ay kagaya ng ginagawa sa akin ng dati kong bf. Nilalambing ako kapag kaming dalawa lang sa kuwarto. Naalala ko siya sa iyo...” ang sambit ko.

“Bakit kayo nagkahiwalay?”

“Nag-asawa na siya. Pero ang sabi niya, kahit may asawa na siya kung gusto ko pa ring makipagkita sa kanya ay sasama siya sa akin.” At ikinuwento ko ang pagpunta namin sa Iloilo na inimbita ako ng dati kong “babes” na dalawin siya ng Bacolod at sasamahan niya ako sa lakad ko roon.

“Sa tingin ko ay hindi tama ang gagawin ng dati mong kasintahan. Kasi, may asawa na siya...”

Medyo nagulat ako sa sinabi niyang iyon. Sa trabaho ba naman niyang sinisipingan ang mga kliyente, may ganyan pa pala siyang paniniwala. Napaisip tuloy ako at nairelate ko ang sinabi niya sa kanya mismo. “Bakit siya... may ka-relasyon na, bakit siya nakikipag-sex pa rin sa kanyang mga kliyente?” Ngunit hindi na naman ako nagsasalita pa. Isiniksik ko na lang sa isip na mas maiging manatili siyang isang talinghaga sa buhay ko upang hindi ako mas masaktan pa.

“Gusto mo bang mag videoke tayo mamaya? Tayong dalawa lang.” ang tanong ko habang nakayakap pa rin sa kanya.

“Sige ba.” Ang sagot naman niya.

“Baka may kliyente ka na naman.”

“Mayroon ako maya-maya lang. Ngunit makahabol naman ako sa videoke dahil gabi pa naman di ba? Kapag may tumawag mamayang gabi, ipagpaliban ko. Sabihin kong may lakad ako.”

“Talaga?”

Tumango siya.

Dumating naman siya. Ngunit hindi ko napanindigan na kami lang dalawa. Natakot kasi ako na baka iindiyanin na naman niya ako at maiwan akong mag-isa sa hotel. Kaya tinawag ko ang dalawang kaibigan Dumating din ang isa pang kaibigan na gustong magsend-off sa akin... Kaya ang date sana namin ay humantong sa isang group date. Ngunit kahit group date iyon, wala akong pakialam. Sa harap ng aking mga kaibigan ay naglalampungan kami, nagyayakapan, nagtsatsansingan. Kulang na lang sa amin ay ang maghalikan. At wala na rin akong pakialam sa mga birit na kanta nila ng mga kasamahan ko. Abala ang puso’t isip ko sa pagnamnam sa huling mga oras namin ni Mel.

In fairness, maganda ang boses ni Mel. Ngunit halos hindi ko na napansin iyon. Nakangiti ako sa panlabas ngunit nagluksa ang aking puso. Parang nagsisi ako kung bakit ko pa siya inimbita. Parang ang sakit-sakit. Kahit ang mga kanta ko sa kanya ay may kahulugan na hindi ko lang alam kung nakuha niya. With feeling talaga. Ang isa sa mga kinanta ko ay “Kahit Sino”

Mayroon akong, gustong malaman. Kung tunay ba ang iyong pagmamamahal.
Dahil minsan, akoy iniwan na, nang di ko alam ang dahilan
Talagang ganyan, puso’y di maintindihan, nagtatanong kung sino ang mahal
Kahit sino... basta’t mahal ako. Kahit sino... basta’t kasama ko...

Tapos kinanta ko rin ang –

Ipagpatawad mo, aking kapangahasan, masahista ko, sana’y maintindihan
Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo, ngunit parang sa ‘yo, ayaw nang lumayo
Ipagtawad mo, ako ma’y naguguluhan, dDi ka masisi na ako ay pagtakhan
‘di na dapat ako pagtiwalaan, alam kong kailan lang tayo nagkatagpo
Ngunit parang sa ‘yo, ayaw nang lumayo, ipagpatawad mo, minahal kita agad
Aah, minahal kita agad, aah, minahal kita agad, ipagpatawad mo, oh hoh

At ang kanta naman niya na feeling ko lang ay ako ang tinutukoy. Parang may sagutan lang kami sa mga patutsada na ipinadaan sa kanta. Actually, feeling ko lang iyon. At alam naman natin na kapag in love ang isang tao, nagiging feelingera...

Sa buhay natin, mayroon isang mamahalin, sasambahin. 
Sa buhay natin, mayroon isang bukod tangi sa lahat, at iibigin ng tapat. 
Ngunit sa di sinasadyang pagkakataon, at para bang ika'y nilalaro ng panahon. 
May makikilala, at sa unang pagkikita, may tunay na pag-ibig na nadarama.

Bakit ba hindi ka nakilala ng ako'y malaya pa, at hindi ngayon ang puso ko'y may kapiling na. 
Bakit ba hindi ka nakilala ng ako'y nag-iisa, sino ang iibigin, ikaw sana.
Di mo napapansin, sa bawat araw na kasama mo sya,
Kapiling ka nya, bawat sandali, punung-puno ng ligaya't saya, 
Damdamin ay iba.

At sa di sinasadyang pagkakataon, , at para bang ika'y nilalaro ng panahon. 
Bigla kayong nagyakap, mga labi nyo'y naglapat, ang inyong mga mata'y nagtatanong at nangangarap...

Ngunit sa mga kinanta niya, itong sumunod ang pinaka meaningful para sa akin hindi lang dahil tila custom-made para sa kalagayan ko ang mga kataga nito kundi dahil habang kinakanta niya ito, panay ang pisil niya sa aking baywang at braso, at hinalikan pa niya ang aking batok. Pakiwari ko ay sa akin talaga niya inihandog ito. Ang hindi ko lang alam ay kung ito rin ba ang naramdaman niya o sadyang tinutukso-tukso lang niya ako –


Our little conversations had turned in into little sweet sensations
And they're only getting sweeter every time
Our friendly get-togethers had turned in into visions of forever
If I just believe this foolish heart of mine

I can't pretend that I'm just a friend
'Cause I'm thinkin' maybe we were meant to be

I think I'm fallin', fallin' in love with you, and I don't, I don't know what to do
I'm afraid you'll turn away, but I'll say it anyway
I think I'm fallin' for you, I'm fallin' for you
Whenever were together, I'm wishin' that goodbyes would turn to never
'Cause with you is where I always wanna be
Whenever right beside you, all I really wanna do is hold you
No one else but you has meant this much to me

I can't pretend (no) that I'm just a friend (I'm just a friend)
'Cause I'm thinking maybe we were meant to be

I think I'm fallin', fallin' in love with you (I)
And I don't, I don't know what to do (yeah, yeah)
I'm afraid you'll turn away (I'm afraid you'll turn away)
But I'll say it anyway (anyway)
I think I'm fallin', fallin' in love with you (I think I'm fallin')
And I don't, I don't know what to do (and I don't know what to do)
I'm afraid you'll turn away (I'm afraid you'll turn away)
But I'll say it anyway (anyway)
I think I'm fallin' for you
I'm fallin' for you

Inaamin kong hindi pamilyar sa akin ang kinanta niyang ito. Ngunit dahil sa lyrics at malungkot niyong melody tila nakisimpatiya ito sa aking nararamdaman. Parang akmang-akma lang para sa akin. At ito ang tumatak sa aking isip.

Nang natapos na kami, naglakad lang kami pabalik sa hotel, kasama ang mga kaibigan ko, Habang naglalakad kami, tinanong ko siya kung sa akin siya matutulog. “Sige... susukitin ko ang huling gabi mo bago ka umalis.” Ngunit nagbago ang isip niya nang malamang naroon pala ang isang kaibgan. “Ah, next time na lang pagbalik mo... Nahihiya ako.” ang sambit niya.

Hindi ko na siya pinigilan pa. Para sa akin, okay na nakasama ko siya sa umaga at gabi ng petsang iyon. Mas lalong masakit kasi sa akin kung hanggang sa huling oras ng aking pag-alis ay naroon siya sa tabi ko. Nang nasa bukana na kami ng hotel, niyakap na niya ako nang mahigpit, binulungan. “Sa pagbalik mo, babawi ako...”

Iyon na ang huling yakap niya. Iyon na rin ang huling pagyakap ko sa kanya. Bago ako pumasok ng hotel ay sinulyapan ko pa siya. Nakatayo siya sa gilid ng kalsada at nakatingin sa akin. Hindi ko lang alam kung ano ang nasa isip niya. Hindi ko rin alam kung nalungkot ba siya sa aming huling pagkikita, o sadyang bahagi pa rin iyon sa kanyang diskarte para sa kanyang mga “kliyente”

Gusto kong umiyak habang binaybay ko ang lobby patungo ng elevator. Pinigilan ko na lang ang aking sarili. Nakakahiya sa kaibigan ko. Hanggang sa narating namin ang kuwarto at maya-maya lang ay nakatulog na ako.

Kinabukasan, maaga akong nagising. Siya ang unang pumasok sa aking isip. Nilingon ko ang kaibigang katabi ko lang sa kabilang gilid ng kama. Himbing na himbing at humihilik.

Hindi ko maiwaksi sa aking isip si Mel. Ilang oras na lang at nasa airport na ako, hindi na kami magkita pang muli. Nanumbalik sa aking isipan ang mga ginawa niyang ka-sweetan sa akin. Doon ay hindi ko namalayang tumulo na pala ang aking mga luha. Hinayaan ko ang mag itong bumagsak sa aking unan. “Dapat ay masabi ko sa kanya ang aking naramdaman bago ako umalis...” bulong ko sa aking sarili.

Kinuha ko ang aking cp at naisipang i-text siya. “Hi Mel, good morning. Gusto kong sabihin ito sa iyo bago ako umalis... may naramdaman ako para sa iyo. Sa tingin ko, mahal na kita. Pero hanggang d’yan lang. Hindi naman puwede kasi, di ba? Una, dahil sa trabaho mo, hindi ka puwedeng magmahal sa iyong kliyente. Iyan ang tinatawag na walang personalan, trabaho lang. Pangalawa, alam kong sa lagay mong iyan ay may nagmamay-ari na sa iyo. At pangatlo, ang ipinapakita mo sa akin ay pawang bahagi lang ng trabaho mo. Professional lang kumbaga. Di ko malimutan nang sinabi mo sa akin na ganyan ka rin sa iba mong mga kliyente... masakit. Pero iyan ang katotohanan. Ngunit naappreciate ko naman nang sobra ang pagiging malambing mo at sweet. Alam mo, akala ko talaga sa sarili ko ay hindi na ako makaramdam pa ng ganito. Kumbaga, manhid na ang puso ko. Pagkatapos ng huli kong bf na iyon na nag-asawa na, hindi na ako tatablan pa ng pana ni kupido. Pero ewan. Iyong mga lambing mo, iyong mga sweetness na ipinakita mo, nanumbalik ang lahat sa akin, iyong mga masasayang sandali ng babes ko... nakikita ko sa iyo. Anyway, salamat sa lahat. Salamat sa ipinadama mong pagmamahal. Sa iilang araw na nagkasama tayo, ipinadama mo sa akin kung paano ang mahaling muli, kahit balatkayo lamang ang lahat. Akala ko, isang masahe at extra lamang ang maaari mong maibigay sa akin, at iyon na lang din talaga ang kailangan ko. Nagkamali ako, dahil naramdaman ko muli sa iyo ang pagiging buo ang pagkatao, dahil sa pagmamahal. Masakit nga lang dahil hanggang doon na lang. Ngunit salamat pa rin. Maraming salamat. Maraming-maraming salamat.”

Sagot niya, “Good morning Mike. Salamat sa pagmamahal mo, at naramdaman ko naman iyon. Mag-ingat ka palagi at alam ko na magkikita pa tayo. Ma miss kita. Happy safe trip Mike...”

“Thanks. Ang sunod kong kuwento pala ay pamamagatan ko ng ‘Hiram Na Pagmamahal’ tungkol sa karanasan ko sa isang masahista, na ikaw. Kuwento natin. Ok lang?”

“Oo ba! Basta bigyan mo ako ng kopya, hehe!”

“Sure!”

“Bakit pala iyan ang title na napili mo?” ang tanong niya uli.

“Kasi hindi puwede. May hadlang ang pag-ibig. Hindi sila maaaring magiging sila...”

“Ah ganoon ba? Ikaw ang bahala...” Ito ang sagot niya na tila may dalang katanungan sa aking isip. Para kasing napilitan lang. Hindi ko alam kung ang ibig ba niyang sabihin ay ako ang bahala kung iyan ang paniniwala ko bagamat puwede namang magiging kami? O ako ang bahala sa title dahil ako naman ang writer? Ngunit kagaya ng dati, hindi ko na itinuloy pa ang pagka-klaro niyon. Sa isip ko, mas mabuti ang ganoong may malaking katanungan sa aking isip kaysa bibigyan niya ako ng sagot na sobrang masaktan lang ako.

Bigla na namang nanumbalik ang sagot niya nang tinanong ko kung paano kung ma-in love ako sa kanya. Binitiwan ko na lang ang isang malalim na buntong-hininga.

Naputol ang aking pagmumunimuni nang narinig ko ang passenger advisory mula sa speaker ng airport. “Passengers bound for Damman via PR863, please proceed to gate number 6!”

Lihim na pinahid ko ang aking mga luha at tumayo, binitbit ang aking hand-carry patungo sa boarding gate. “Tama ka sa iyong sinabi Mel. Mahihirapan nga ako kung mahalin kita... hindi lang dahil malayo ako kundi dahil mahirap lang talagang magmahal sa isang taong binabayaran ang serbisyo. Masasaktan ang sino mang taong magmahal sa iyo. Tama ka rin sa sinabi mong kusang ipinapadama at ipinagkatiwala ang pag-ibig nang walang kapalit. Alam kong hindi kusa ang ipinakita mo sa akin; may bayad iyon. Ngunit salamat na rin sa ipinahiram mong pagmamahal. Kahit papaano, kahit sa maiksing panahon ay naranasan kong muli kung paano ang magmahal at mahalin – kahit balatkayo lang ang lahat. Paalam...”


Wakas.

7 comments:

  1. “Actually, hindi ako nainiwalang dapat
    mong gawin ang sakripisyo para sa
    taong mahal. Ang pagmamahal ay
    kusang ipinapadama, hindi pinipilit;
    kusang ibinibigay, hindi binabayaran;
    kusang ipinagkatiwala nang walang
    kaakibat na kundisyon...”
    nice indeed ito tlga dpt ang meaning ng love :)
    macky boy ",

    ReplyDelete
  2. " ang pag mamahal ay kusang ipinapadama, hindi pinipilit, kusang ibinibigay hindi binabayaran " tagos na tagos sa akin to ah bull's eye :((((
    Sa lahat ata ng nabasa ko dto sa MSOB ito ang pinaka makatotohanan at the same time makaka relate ka, may mga aral kang matututunan at higit sa lahat tangapin ang katotohanan ang reyalidad ng buhay !

    thanks sir Mike for another Masterpiece !!
    di mo kmi binibigo :)

    ReplyDelete
  3. Thanks you for a very very extra ordinay story...Nakakalungkot pero thats life...Isa pang story.

    ReplyDelete
  4. nice story mike! indeed! life is full of surprises d ba? hope you enjoy ur vacation here saten and always yngat jan. GOD BLESS!

    ReplyDelete
  5. I guess every OFW can relate to your story. Including me.
    Mahirap talagang magmahal sa isang taong alam mong "trabaho" lang ang lahat para sa kanya.
    Your story send me back sa aking nakaraan. Kung saan, naging manhid na ako sa tawag ng pag-ibig. Since then, tama na ang bayad na serbisyo, no string attached.
    BUT, after I read your story, nasabi ko sa aking sarili, "Bakit ang hindi ko muling subukang magmahal?"
    With that, thanks ng marami sa iyong story.

    ReplyDelete
  6. Alam mo naka relate ako SA kwento...ang sakit sakit Na natutunan mong mahalin at kahit paano ay minahal din kahit bayaran ang masahistang nakuha ko..ang tagal namin halos more than two years..pag nagkita kami parang mag asawa talaga ..pero talagang may limitasyon kasi may asawa ako at siya ay may gf din Na parehong probinsiya namin.para talaga kamimg magsawa pero pinutol kona ugnayan kahit masakit kasi..alam ko Hiram lang pagmmamahal ko SA kanya...hayyyyy I miss my Marco /Tante /tristan..lab u..kahit dito naipaalam ko SA gay world that u complete my bisexual needs.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails