Followers

Thursday, August 14, 2014

Can't We Try? 13





Athr'sNote-

[
 - Special Day para sa akin.

Para sakanya 'tong chapter na ito. :)
]




Chapter 13 updated.

Maraming salamat po sa mga nagbasa at sa mga nagkoment sa chapter12 :)) Thanks everyone!


Enjoy reading :)







--


Point Of View

- K u r l -



 "Tol what happened?" agad na pagtatanong ko.

Nang marinig niya akong magsalita ay agad siyang lumapit.

Pinagmasdan niya lang ako. Parang galing pa sa iyak ang lalaking 'to.

 "Manghuhula nanaman ba ako?" mahinahong pagtatanong ko rito.

Minsan kasi ay hindi niya agad sinasabi sa akin kung ano ang problem niya. Kaya kung anu-ano ang iniisip kong pwedeng maging problema niya.

Nagulat na lang ako sa sunod nitong ginawa. Niyakap niya ako.

 "Kurl...may sasabihin ako.." mahinang sabi nito.

 "Tama ako?" pagbuntong hininga ko na lang.

Tumango lang ito. Ramdam kong magsisimula nanaman ito sa pag-iyak kaya..

 "Kung iiyak ka, gusto ko last na yan." paghaplos ko pa sa likod nito.

Hanggang sa yun na nga at umiyak na ito. Alam kong masakit yung nangyari sakanya kaya hinahayaan ko lang ilabas niya.

Matagal bago ito tumigil sa pag-iyak. Iyakin talaga 'tong si Martin.

 "Dapat pala naniwala ako sa'yo. Huli na nang marealize kong nag-aalala ka pala talaga para sa akin. Inaway pa tuloy kita.." pagtawa pa nito habang pinupunasan ang kanyang mukha.

Recently ay nagkaroon kami ng tampuhan. Ayaw niya kasing maniwala sa sinasabi ko na ginagamit lang siya ng girlfriend niya, kumbaga, famewhore yung babaeng yun.

Nagulat ako, akala ko matino. Magaling lang pala magpakaplastik yung girlfriend niya.

Naaalala ko pa nung minsan na nakasalubong ko yung girlfriend niya...

 "Hi Kurl? Want some coffee? Wala naman si Martin eh kaya wala siyang makikita." napakastraight na sabi niya.

Dahil sa kilala ko na siya, agad ko itong tinaggihan.


 "Diba sabi ko minsan lang ako makialam? Kaya kapag ako nakialam.., may dahilan..." balik ko saka ko pa pinitik ang noo nito.

 "Kurlo!!" inis nito na halatang nasaktan habang nakasapo sa noo niya.

 "Atleast mata mo na mismo nakakita diba?" nasabi ko na lang. "Napaka-aga mo naman magshot.. pero.. tara tuloy natin?"

Napakunot naman ito sa huli kong sinabi.

 "Tara shot?" pagpwesto ko pa sa maliit na lamesa nito.

 "Shot ka dyan! Hindi ka naman umiinom eh." balik nito habang abala parin sa pagpunas sa kanyang mukha.



-----


Point Of View

 - ?.1 -

Phone conve.



 "I'm sorry. Pinagsisisihan ko at sana maniwala ka."

Maluha-luhang paghingi ng tawad ng isang babae.

 "I told you."

Maikling tugon ng kausap nito.

 "I am giving you the rights now. Gusto ko sa akin ka parin uuwi. Hihintayin kita."

Tonong nakiki-usap ng isang babae habang pinipigilan nito ang kanyang emosyon.

 "I don't know."

Walang ganang balik ng kausap nito sa telepono bago nito tuluyang binaba ang linya.



-----


Point Of View

 - Yael Nick Santos -

Phone Conve



 "Ano ba daw problema?" tanong ko sa kapatid ko.

Nagdadrama nanaman. Ewan ko ba.

Kurl daw yung pangalan nung nagpapatino sakanya.

Ilang linggo narin ang nakalilipas matapos nitong ibalita na may nagugustuhan siya.

Which is unsual, for me. Etong kapatid ko? Nagkakagusto? Whoah!

Siya ang nililigawan, siya ang nilalapitan. Siya ang dinidiskartihan.

Pero siya? Ayun nakikipag-flirt. Nakarami na yan, believe me. Lahat alam ko sakanya. Eh pinagbiyak kami eh!

 "Ewan. Basta may problema daw bestfriend niya. Dapat bang unahin niya yun?" walang ganang sabi niya.

Hindi ko talaga inaakalang sa lalaki 'to babagsak. Well, sabagay, base sa diskripsyon niya sa pagkatao ni Kurl, mukha nga talagang kahanga-hanga yung si Kurl. Nakita ko rin yung picture nilang dalawa ni Kurl sa fb, grabe nga talaga yung si Kurl.

Also, nabanggit niya na yun ang nagligtas sakanya nung mga panahong nasunog ang bahay namin.

Badtrip nga eh, namuntikan nang mamatay kapatid ko, wala parin ako. That time, nasa states ako, with my cousins.

Oo bata palang, gustong-gusto ko na dun. Bata pa kami nun, pero marami na akong gustong gawin. Lalo na kasama ko pa mga pinsan namin.

Pero ngayon, ayoko na dito sa states. Sa tuwing pupunta ako dito, hindi pwedeng hindi ako aawayin nitong kapatid ko.

Nagtatampo lagi, tapos sinasabing huwag na akong babalik. Iniisip niya kasi na iiwanan ko na siya. Palibhasa mahal na mahal niya ako, ganun rin naman ako sakanya.

 "Woy Yael nakikinig kaba? Sabi ko dapat ba na mauna yung bestfriend niya? Minsan na nga lang kami lumabas." inis pang sabi nito.

 "Aba Yael, nahihibang kana ba? Hindi ka pa boyfriend kaya huwag kang magdrama diyan. Kaibigan ka palang, at yun bestfriend." pagtaas pa ng boses ko, para may impact.

Yah, naiintindihan ko na nagseselos siya. Pero yung parang makipag-timbangan siya sa halaga? 


 "Yael. Kapag bestfriend niya ang kalaban mo, mahihirapan ka talaga." sabi ko pa, matigas ulo niya eh.

 "Nagseselos kaba?" pahabol ko pa.

 "Yael, hindi ako nagseselos. Naiinis lang ako at inuna niya yun. Tama ba yun? Minsan ko na nga lang siya yayain lumabas." inis pa niya.

 "Grabe Yael, paulit-ulit na lang tayo. Para kang tanga." agad na sabi ko. "Hindi ka nagseselos pero naiinis ka, naririnig mo ba yang sinasabi mo?"

 "Sabi niya nga kanina, parang tanga daw ako." tonong nawawalang pag-asa niya pa.

Talaga? Sinabihan siyang tanga?

Napahagikgik na lang ako.

 "So Yael pinagtatawanan mo ako?" pikon niyang sabi.

 "Hindi ah. Basta Yael, huwag na huwag kang makikipagkumpitensya sa mga kaibigan niya, hindi tama yun." pangangaral ko pa.

Naaalala ko pa, nung mga panahong nakipagkumpitensya ako sa mga kaibigan ng ex-girlfriend ko.

Sinabi lang naman niya na kung ilalayo ko siya sa mga kaibigan niya ay mas magandang hiwalayan na lang niya ako. Kaya ayun, heto at single ako.

 "Oo na. Yael kailan ba uwi niyo ni mommy?" tanong nito.

 "Hmm.. this week na ata? Ewan kay mommy." balik ko. "Wala pa man akong two months pinapauwi mo na ako. Kaya ayan, no choice ako dahil sa'yo." pagbuntong hininga ko pa.

Nag-away pa kami nitong kapatid ko bago ako umalis. Siya rin naman ang may kasalanan eh.

 "Eh.. mag-aral ka. Yun ang gusto ko." tonong pag-uutos nito.

Ganyan talaga 'tong kapatid ko. Dapat ang gusto niya nasusunod.


 "Wow. Makapagsalita ka ahh? Eh isa karin naman eh, kaya nga talagang pinagbiyak daw tayo dahil pareho tayong walang interes sa pag-aaral. Lam mo yun Yael." natatawang sabi ko na lang.

 "Shut up Yael. Nag-aaral na ako ng maayos, someone inspires me to." tonong pagmamalaki naman niya.

 "Wow? Maniwala Yael? Shut up." sarkastikong tono ko pa.

 "Actually, hindi ko nga nabanggit sakanya na may kapatid ako eh. Lam mo na, iniwan mo ako eh. Mas pinili mo yang states na yan kesa sa akin." walang ganang balik niya.

 "Yan ka nanaman Yael. Kaw kaya nagpaalis sa akin, inaway mo kaya ako, kaya ayan talagang umalis ako." agad na pagtatanggol ko sa sarili ko.

 "Oo na sorry na nga." tonong paglalambing naman niya.

Hayy. Eto kami. Aso't-pusa.

 "I love you Yael.." paglalambing ko rin.

 "Umuwi ka muna rito bago mo marinig yang sagot sa sinabi mo." pagtawa lang niya.

Naiinis man ay, alam ko naman na talagang gusto niya lang ako umuwi. Mahal ako nito eh.



-----


Point Of View

 - N i c o l l o -



 "Nga pala Yael may sasabihin ako.." pagkuha ko sa atensyon ng kapatid ko.

 "Ano yun Yael?" agad na tugon nito.

 "By any chance, nakita mo naba si Kurl?" pag-open ko sa topic about dun sa napag-usapan namin ni Kurl nung minsan.

 "Huh? Ba't mo naman natanong?" tonong nagtataka nito.

 "May nabanggit siya sa akin eh, kung may naaalala ba daw ako na iniligtas kong istudyante mula sa mga tambay, way back high school. May tumulong daw sakanya, at ako daw yun. At doon raw nagsimula yung, yung alam mo na." paninimula ko. "Pinipilit niya na ako daw yun. Eh hindi naman eh, wala kasi akong naaalalang ganun." tonong nanghihinayang ko pa.

Nanghihinayang ako at naiiinis ako sa aking sarili dahil sa wala akong maalala. Kainis talaga. Eh doon raw nagsimulang magkagusto sa akin si Kurl. Eh sa wala talaga akong maalala. Aaaarrrrhhhh!!

 "Nako, sa dami ng gulo ko nung highschool, baka ako nga." sabi naman ng kapatid ko.

Baka nga? Eh kabiyak ko 'to eh.

 "Pero kung ganun nga.. edi.." bigla akong napatigil nang may biglang kumatok. "Wait Yael.."

 "Yes...?!" pagtugon ko sa kumakatok.

 "Sir may naghahanap po sa inyo." pagsagot ng maid.

 "Sino daw?" agad na tanong ko pagkatayo.

 "Yung bisita niyo po nung minsan, lalaki po." balik nito.

 "Si Kurl?" agad na nasabi ko.

 "Ano si Kurl? Hoy Yael!!" pagsigaw pa ng kapatid ko sa kabilang linya. "Hoy Yael!! Yung mga sinabi ko, huwag mong paiiralin pagka-boss mo. Ikaw lang mayayari sakanya." sabi pa nito.


Agad akong lumapit sa pintuan at binuksan ito.

 "Gwapo ba yung naghahanap?" nakangiting bungad ko.


Tumango lang ito kaya naman agaran na akong bumaba para puntahan yung naghahanap.

 "Yael wait, nandyan mahal ko. Maya na lang, tawagin kita ulit. Don't worry, tatandaan ko mga sinabi mo." agad na sabi ko sa aking kapatid habang pababa sa hagdan, at binaba ko na nga ang tawag.

Nang medyo malapit na ako ay nakumpirma kong si Kurl nga.

Dating palang, buhok palang, tindig palang, postura palang.

Basta si Kurl nga!!

Agad ko itong nilapitan ng may ngiti sa labi.

 "Kurl you're here..." agad na sabi ko.

 "Chinito..." tonong parang lasing nito.

Teka.. lasing? Si Kurl lasing?

 "Lasing ka?" agad na pag-aalala ko.

 "Alam mo ikaw? Ikaw Nicollo... chinitong ka.. nakaka-inis ka.." halos mapapikit nitong sabi.

Hindi ko alam kung ano ang mga sinasabi niya. Kung bakit ganun.

Nakakapanibago. Ngayon ko lang nakitang lasing 'to.

Ang cute cute niya pala. Pulang-pula yung mukha niya. Haha!!

 "Kurl...? ba't lasing ka?" paglapit at paghawak ko pa sa magkabilang balikat nito.

 "Sabi ko.. nakaka-inis kang chinito ka..." pagturo niya pa sa dibdib ko.

Dahan-dahan nitong itinaas ang kanyang kanang kamay.

Hanggang sa inilapit niya ito sa aking mukha.

 "Itong mapupungay mong mga mata... nakaka-inis.." pagdampi pa ng mga daliri nito.



-----


Point Of View

 - ?.2 -



 "Ian Kurl Santiago. Yun po ang pangalan."

seryosong sabi sa akin ng aking tauhan.

 "Mukhang siya nga.."

pagngiti ko.

 "Ano na pong plano?"

paano ko nga ba makukumpirma? paano ko nga ba malalaman ang katotohanan? mukhang kailangan ko na nga talagang pagtuunan ng pansin ang bagay na matagal nang bumabagabag sa akin.

 "I want you to make an investigation.. nakikiusap ako.. bago pa mahuli ang lahat."

pagbibigay ko ng seryosong tingin rito.

 "I also want you to be careful. Pakiusap, gawin mo ang lahat."

dagdag ko pa.

 "Huwag po kayong mag-alala. Asahan niyo po na magiging mabilis at maayos ang lahat. Hindi ko kayo bibiguin."

sa sinabi niyang iyon ay napanatag ako, ipauubaya ko sakanya ang lahat.

Bago man lang mahuli ang lahat.

Hindi ko pinagsisisihan na nagka-anak ako sa labas. Ang pinagsisisihan ko ay, itinakwil ko ito.

 "Patawad anak ko..."



-----


8:14 in the morning

Point Of View

 - K u r l -



Nagising na lang ako nang marinig ko ang napakalakas na bagsak ng ulan sa aking bahay.

Pagtingin ko sa orasan ay EIGHT 'FOURTEEN na pala ng umaga.

Nag-ayos ako ng higa. Tumagilid ako at niyakap ang unang nakapatong sa aking tiyan.

Nagulat na lang ako ng mapansing hindi lang ang mga binti ko ang nakikita ko.

Teka.. teka? May tao?!

Dahan-dahan kong iniangat ang aking paningin.

Halos manlaki ang aking mga mata ng mapagtanto kung sino ang aking kaharap.

Nakatagilid ito paharap sa akin at nakangiti. Nakatitig lang sa akin at talagang mababakasan ko ito ng kasiyahan o kagalakan.

 "Nicollo?" wala sa sarili kong nasambit, nakuha ko pang mapalunok.

Teka.. wala siyang damit?

Nang mapansin ang katawan nito ay dahan-dahan kong ibinaba ang aking paningin.

Ga.. grabe.. na.. naka-boxer lang siya? Wa.. What happened??!!!

Wala sa sarili akong napatingin sa aking sarili.

Nakuha ko nanamang mapalunok nang makita kong wala rin akong damit at.. at higit sa lahat..

Naka-boxer din pala ako..

Hanggang sa..


 "Whrraaaaaaa!!"

Napa-lakas na pagsigaw ko at wala sa sariling naitulak ito dahilan para siya'y mahulog.

 "Kurl naman!!.... Hinulog mo nanaman ako.." agad na pagrereklamo nito.

 "Bat nandito ka sa kwarto ko?" pagtatanong ko matapos maka-upo.

 "Kwarto mo?? Teka.. sabagay.. future kwarto mo narin.." pagngisi pa nito.

Hah?

 "Teka ano bang pinagsasabi mo? Sabi ko ba't nandito ka sa kwarto ko?" inis na sabi ko.

 "Bahay ko at kwarto ko." napakasimpleng pagtugon nito matapos makaakyat muli sa kama.

 "Bahay mo?" kunot ko.

Inilibot ko ang aking paningin.

 "Kwarto mo?" halos mapangiwi pa ako nang makumpirma na nasa kwarto niya nga ako.

 "Oo nga!" inis pa nito.

"Wala kabang naaalala?" sabi pa nito sa mapang-akit na tono.

Binigyan pa ako nito ng kakaibang ngiti. Ngiti na parang may.. may binabalak.

Dahan-dahan niya akong nilalapitan, yung mga mata niya ay mas lalong nagiging mapupungay sa ginagawa niyang pang-aakit.

 "Nicollo anong ginawa mo.. bat nandito ako sa kwarto mo?" dahan-dahang paglayo ko sa bawat paglapit niya.

 "Ko...? o... natin?" biglang sabi nito na mas lalong nagpakaba sa akin. "Wala kaba talagang naaalala?" pang-aakit pa nito.

Naramdaman ko na lang na pinagpapawisan na pala ako.

 "Na.. n-natin?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Patuloy parin ako sa pag-atras sa bawat paglapit niya.

 "Hindi mo ba talaga naaalala? Lalo na yung paulit-ulit mong sinasabi... parang ganito... Chinito.." pagbigay pa nito ng kakaibang tono sa huli nitong sinabi. "Wala kapa ba talagang naaalala Kurl?" pagngiti niya pa.

Naaamoy ko yung natural niyang amoy na talagang mas lalong nagpapakaba sa akin.

 "Nicollo hindi ko gusto yang sinasabi at ginagawa mo..." natatakot ko nang sabi habang patuloy parin sa pag-atras sa bawat paglapit niya.

Hanggang sa...

 *BLAG!!!*



-----


Point Of View

 - M a r t i n -



 "Waste. Big waste."

May diin kong sabi sa aking kausap sa telepono at pagbaba narin sa tawag.

She's a waste. Oo minahal ko siya, pero sinayang niya ang isang Martin Gonzalez.

Mabuti na lang at laging nandyan ang bestfriend ko.

 "Kamusta na kaya siya?" nasabi ko na lang.

Uminom kagabi yun eh. Siya lang mag-isa, sinamahan at binantayan ko siya. Malamang tulog pa yun.

First time nun eh, magpakalasing. Base sa mga sinasabi niya, si Nicollo nga ang pinuproblema niya.

Ewan ko ba kay Nicollo, kung bakit hindi niya napapansin yung pagtingin sakanya ni Kurl.

Bahala siya, sa gwapo ba naman ni Kurl, tignan ko lang kung hindi niya pagsisihan kapag sa iba na napunta ang pagtingin ng kaibigan ko.

Eh kung ako na lang kaya? Ang magmahal sakanya? May uusbong nga ba? Pero ba't parang may isang tao bigla ang gumugulo sa aking isipan?

Pero si Kurl, ano sa tingin niyo?

Naalala ko tuloy yung sinabi ko sakanya.

 "Hindi ka mahirap mahalin, Kurl."





itutuloy



PointOfView .1? PointOfView .2?
Anong nangyayari kay Kurl and Nicollo?
Anong pinagsasasabi ni Martin?
Sino ang naghahanap kay Kurl?
Higit sa lahat, sino si Yael Nick Santos?

Abangan :))

7 comments:

  1. Update po agad! <3

    ReplyDelete
  2. Dumadami ang character ng story at naging mas intersado na ito lalo


    Jay_05

    ReplyDelete
  3. Mabuti naman kung ampon lang si Kurl para may pamilya pa siya. Thanks sa updte. Take care and Bod Bless. Sana update na kaagad.

    ReplyDelete
  4. Exciting! Ang light ng story!

    Aabangan ko to.. :)

    ReplyDelete
  5. wow nmn interesting, anak ba c kurl nung naghahanap skanya? c nick at kambal nya maging mag ka kumpitensya kaya kay Kurl? c Martin anyare? confused nadin ba? haha.. excited for the next update :)


    Az

    ReplyDelete
  6. Ang gulo sino ung dalawang bago na number lang ung name nagguguluhan talaga ako grabe pero anyway super fan ako ng story mo mr. Author simula chapter 1 more power and blessing super cute ng story at medyo may idea na ako sa mga mangyayare or baka mali rin ako basta ang pake ko lang is ung mga nangyayare ngayon sa story pero argggghhhhh!!!! Sabog na ako kakahula kung sino ung dalawang bago na number lang ung name
    -Green ㅇㅅㅇ

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails