The Tree, The Leaf, and The Wind
Chapter 25
“The Eye Of The Storm”
By: Jace Page
https://www.facebook.com/jace.pajz
Author’s Note:
Konnichiwa!
Hello po sa lahat. Sa wakas, our Midterm Exams are finally over. Pero di pa
kami makakapagpahinga kasi may Feasibility Study pa na ide-defend within this
month. Pero thanks God at naisisingit ko pa rin ang pagawa ng updates. Kelangan
ko bumawi sa inyo, alam ko po.
Salamat po
kina Kuya Rye Evangelista, Kuya Bluerose Claveria, at Vienne Chase na mga
magagaling na mga author din dito sa blog, for keeping my spirits up. Thanks to
Alfred of TO, si Red08, si kuya Pogi Christopher Gera, Cord of Bulacan, si
Demanding-at-Nagmamagaling na Silent Reader na Di na Silent (for the negative
comment befor ^-^), si Jake, lantis, si jess-Nar, Excellion, rex cruz, si
BLUEKAKERO (capslock para intense), si bunsoy Ken at Hao Inoue, Dave, at Tyler.
Ilang
chapters nalang ang natitira. So I hope di kayo bumitaw sa mga susunod pang
updates. This chapter, just blew me away dahil sa mangyayari. Haaaay! Push na
ituuuuu! Enjoy guys. The 25th Chapter of TLW..
Jace
=======================================
“And so the TREE and the LEAF thought that
they could stay on each other’s side ‘til eternity. With the WIND and the
STORM’s disappearance, they thought everything was over. But they were wrong. With
the surroundings being calm once again, they have thought that it was the start
of a new chapter. But the truth was that, they were in the eye of the STORM..”
== The LEAF
==
“And to give
us his words of welcome, ladies and gentlemen, let us all welcome the council
Governor, Mr. Jay Denzel Gonzales.” Narinig ko nalang na tinawag ang aking
pangalan at wala sa sariling naglakad papunta sa harapan. Nakatayo na ako sa
may podium ng biglang magsalita ang babaeng emcee.
“But before
anything else, the students would like to present a Video Presentation, as a
tribute to our ever dearest Council Governor.” At may video na nag-play sa
malaking showboard ng gymnasium.
Ang video.
Kuha namin yun ni Alfer na magkasama. Ang unang clip na nagplay ay yung araw
kung san sinabi sakin ni Dean Miro na magkakaron ng event sa college. Kuha yun
nang hinalikan ako ni Alfer sa loob ng sasakyan nito habang nakaparada kami sa
harapan ng fastfood.
“Shit!”
Napamura nalang ako ng mahina. Panu lumabas to? Talaga bang seryoso at
desperado na talaga si Ralph para gawin ito?! “Fuck!” Nakita ko lang ang mga
taong napanganga, at ang iba’y halatang nagulat talaga sa mga nakikita sa
screen.
Ang
pangalawang eksena ay yung araw bago ako kinidnap nina Ralph. Yun yung
nakatambay kami ni Babe sa may fountain at ninakawan niya ako ng halik. At ang
pangatlo, ay kuha nung gabing makabalik ako mula sa ospital. Sa labas yun ng
bahay nung hinatid ko na si Babe para umuwi. At di nga ako nagkakamali. Ipinakita
din dun nung hinalikan ako ng matagal ni Babe.
“No! This
can’t be..” Hindi ako makahinga. Naninikip ang dibdib ko sa mga nakikita ko sa
showboard. Naririnig ko na ang mga bulung-bulungan ng mga tao, at lahat sila ay
nakatingin sa akin. Tila naging tuod ako sa kinatatayuan ko.
That awkward
moment. Hiniling ko nalang na sana’y bumukas ang lupa at lamunin ako nito. Di
ako makagalaw, di ako makapagsalita. Tila kinain na rin ng kahihiyan ang aking
dila. Nakita ko naman si Sheena na nakangisi lang at nakatingin sa akin. Ramdam
na ramdam kong nanginginig ang aking mga tuhod.
Pero nung
lumingon ako sa kinaroroonan nina Dean at ng mga kasamahan ko sa Council,
nakangiti lang sila sa akin. Si Dean, nakita ko pa itong tumango sa akin, na
para bang sinasabi na “Ayos lang yan!” Si Karin naman, binigyan pa ako ng
thumbs-up sign. Sa pagkakataong iyon, nagdesisyon akong harapin silang lahat.
“Good
evening to all of us. Opo, ako po yung isang lalaki sa video. I really don’t
have to explain much further about the video presentation. Pero isa lang po ang
masasabi ko sa inyo. Love knows no gender, and love knows no boundaries.”
Grabe ang
mga tingin ng karamihan sa akin. Tagus-tagusan sa puso’t kaluluwa ko. Pero
pasalamat pa din ako’t may mga nakikita akong mga taong nakangiti lang sa akin
at pinaparating sa akin ang kanilang suporta.
“Nasa inyo
na po iyon kung tatanggapin ninyo ang ganitong klaseng pagmamahalan. Basta alam
namin sa mga sarili namin na wala kaming taong inaaapakan, at masaya kami sa
isa’t isa. For tonight is a celebration of love, let our minds be open and wide
enough to understand each other. Love is such a powerful force in this
universe, which could instantly change someone. Everyone might not accept us,
for who we are, but hell! We don’t care!”
At napangisi
nalang ako nung mukhang nag-iba ang timpla ng mukha ni Sheena. May karamihan pa
ring napataas ang mga kilay, pero kahit ganun pa man, naramdaman ko naman ang
suporta ng iba.
“Ladies and
gentlemen, let’s not make this wonderful event all about me and us, having such
relationship. Tonight, is for all of us! And so, I welcome you all to the
College of Business Administration’s Valentine’s Ball. Good evening!” Marami pa
rin naming pumalakpak at sumuporta sa akin pagkatapos ng speech.
“Jayden, I
love you!” Narinig kong sigaw nung isa naming kasamahan sa Council. Panigurado,
andaming na disappoint na mga babae nung nakita nila si Babe sa video. Bahala
sila.
Nangangatog
man ang mga tuhod ko, nagpapasalamat naman ako’t nakayanan ko namang salubungin
ang kanilang mga tingin at maideliver ng maayos ang mensahe ko. Pagkabalik ko
sa upuan ko, sinalubong naman ako ng mga maiinit na pagbati nina Dean at ng mga
totoong kaibigan ko.
“Kaya pala
ha? Naku! Congratulations Jayden.” Sabi ni Dean na may kasamang isang
makahulugang ngiti sa labi. “I am very much happy for the both of you, hijo.”
“T-thank you
po Dean!” At ngumiti pa ako dito habang nakikipagkamay.
“Congrats
Gov. Andito lang kami para sa inyo. Maasahan nyo yan!” Sabi ni Erin.
Naramdaman
ko namang may humawak sa kaliwang bisig ko habang nakikipagkamay ako sa ibang
bumati sa akin. “Excuse us Dean.” Paglingon ko sa taong nakahawak sa kamay ko,
nakita ko lang si Babe. Blangko lang ang ekspresyon ng mukha nito. “Let’s go.”
At hinatak na ako nito palabas ng school gym.
Kinakabahan
ako sa mga nangyayari. Baka galit si Babe dahil sa ginawa kong pag-amin kanina.
“Babe.” Tawag ko dito habang hawak-hawak pa rin nito ang aking kamay palabas ng
school.
Mejo humigpit
na ang hawak niya dito, at nasasaktan na ako.
“Babe.”
Tawag ko ulit dito, pero di ako nito pinapansin. Dire-diretso lang itong
naglakad. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod dito, kahit naka crutches pa
din ako.
“Sakay.”
Utos niya nang sapitin namin sa may parking area ang sasakyan nito. Gusto ko ng
maluha sa tindi ng kaba at sa ekspresyon ng mukha ni Babe. Galit siya. Alam ko.
Habang nasa
byahe kami, di naman ako makaimik. Di ko alam ang tinatakbo ng isip nito, at di
ko din alam kung saan ako dadalhin nito. Pinapanalangin ko nalang na sana’y di
ito magiging malaking dagok sa relasyon namin.
Oo. Alam
kong wala pa kami sa wastong panahon para umamin at harapin ang mga tao sa
paligid namin at sabihing nagmamahalan kami. Lalo na si Babe. Baka itakwil siya
ng pamilya niya. Baka di pa ganun kahanda si Babe.
“Babe,
please. Wag kang bumitaw.” Nasabi ko nalang sa sarili ko habang nakatingin sa
kanyang seryosong nagmamaneho.
==============================
== The TREE
==
Today is the day I’ve been waiting for quite some time now.
Valentine’s Day. Ito ang pinaka-unang Valentine’s Day simula nung maging kami
ni Babe. Excited na ako!
Di ako nagpakita sa kanya simula pa kaninang umaga. I was busy
arranging for the most special Dinner Date for the both of us. Alam kong
magugustuhan ni Babe ang surpresa ko sa kanya mamaya.
Nagpareserve ako ng isang dinner for two sa isang beach resort. Gusto
ko romantic at espesyal ang aming unang Valentine’s ni Babe. Mahal na mahal ko
yun, at sinisiguro kong isa lang ito sa marami pang mga Valentine’s Day na
pagsasaluhan namin.
“Yes, that would be all. Thank you.” Pagputol ko sa tawag. Kinausap ko
na ang resort kung saan ako nagpareserve at ibinigay ang mga gusto kong specific
details ng magiging dinner namin mamaya dun. Sobrang saya ko lang kasi finally,
maso-solo ko na si Babe na walang humahadlang sa amin.
“So, asan ang date mo mamaya anak?” Nagulat naman ako ng biglang
magsalita sa likuran ko si Mom. Kasalukuyan kaming nasa terrace ng second floor
noon. Di ko man lang namalayan ang paglapit nito sakin. “Mukhang espesyal ang
gabi mamaya ah? Anong meron?”
“W-wala naman Mom.” Pagkakaila ko dito. Pulang-pula na ako sa sobrang
guilt sa nais malaman ni Mom.
“Anak kita, Alfer. Hanggang ngayon ba, di mo pa kami ipapakilala jan
sa bago mong part-time girlfriend?” Pangungulit pa nito habang naka-arko lang
sa mga labi nito ang isang makahulugang ngiti. AT napansin ko talagang may
tinutumbok ito nang idiin nito ang salitang part-time.
“Hindi lang sya part-time Mom. Sa tingin ko naman po, siya na.” Ngiti
ko sa kanya. Ewan ko ba, pero yun ang unang lumabas sa bibig ko nung madinig ko
ang salitang part-time na sinabi ni Mom.
“Well, I’m glad na talagang nagseseryoso ka na talaga sa babae, Son.”
Patay! Inaakala talaga nilang babae ang katipan ko ngayon. Haaay. “Are we gonna
hear wedding bells soon?” Panunukso pa nito.
“Mom. Let’s not rush things. Bata pa po kami.” Iling kong sagot dito.
“That’s a good perspective anak. Aral muna. Okay lang naman
magka-lovelife pero sana dahan-dahan lang anak.” Ngumiti pa ito at hinalikan
ako sa pisngi. “And please Son, ipakilala mo naman sa amin ng Dad mo ha?”
“Soon Mom.”
..
6:30PM na. Time to get dressed. Pagkatapos kong maligo, nagbihis na
ako ng bago kong bili na damit para sa okasyong ito. Isang simpleng kombinasyon
lang naman ng white shirt at itim na vest, na dinagdagan ng pulang necktie.
“Tsk! Ang hirap talaga maging pogi!” At natawa nalang ako habang
nakaharap sa salamin at tinitignan ang sarili kung ayos na ba ang itsura ko.
“Get ready Babe. You’ll gonna fall in love with me the second time around.”
Agad ko ng nilisan ang bahay at pinaharurot ang sasakyan ko papuntang
school. I need to make an appearance there somehow, and to fetch Babe from
being a hardworking Governor. I just want to let him feel how special he is to
me, tonight.
Pababa na ako ng kotse nang makita kong pumasok si Sheena sa loob ng
school gymnasium kung saan ginaganap ang ball. Nagtaka naman ako kung bakit
nandidito ang isang tiga College of Tourism. Unless, ka-date siya ng isang
estudyante galing sa college namin.
Pero sino naman ang mag-iimbita sa babaeng to? Pero diba…? “Shit!” At
tinakbo ko na ang papasok ng Gym.
Determinado talaga silang pabagsakin ako. But not if I can help it.
“But before
anything else, the students would like to present a Video Presentation, as a
tribute to our ever dearest Council Governor.” Narinig kong sabi nung emcee sa
loob habang papasok pa lang ako sa school gym.
“Lintek!”
Tama nga ang hinala ko. Pagkapasok na pagkapasok ko sa gym, nakita ko lang na
may video na nag-play sa malaking screen ng gym.
Unti-unting nawalan ng lakas ang tuhod ko. Anlakas ng tibok ng dibdib
ko sa kaba. Mabuti nalang nasa pinalikurang bahagi ako ng gym at hindi ako
napapansin ng mga tao kasi nakatuon lang ang atensyon nila sa napapanood.
“This is it, Alfer. Game over. Will you run? Or will you fight?” Saad
at tanong ng utak ko sakin.
Pagkatapos ipakita ang mga kuhang video samin ni Babe, nagsimula ng
magbulung-bulungan ang mga tao sa sobrang gulat at pagkadismaya sa mga
nasaksihan.
I was petrified. I was nailed on the very ground that I’m standing on.
Na-mental block ako. Hindi ko alam ang gagawin. At habang nagsasalita si Babe,
na halatang kabadong kabado sa harapan, di ko pa rin malaman kung papano
mag-react sa mga nangyayari.
Gusto kong maging proud sa mga sinabi ni Babe. Pero mas nanaig ang
takot sa dibdib ko sa kung anumang maaaring kahantungan ng lahat ng ito.
Handa na ba ako? Papanindigan ko na ba to?
Blangko.
Wala.
Hindi ko alam ang gagawin.
Kahit na may pumalakpak pagkatapos ang speech ni Babe, di ko pa rin
mapigilang mangamba. Una, ang mga iisipin ng mga tao tungkol sa amin.
Pangalawa, desperado na talaga si Ralph, na kahit ay nasa kulungan na, ay
ginawan pa rin nya ng paraan para lang makaganti sa akin.
“I’m sorry Babe. I’m so sorry.” Nasabi ko nalang sa sarili.
==================================
== The LEAF ==
Ewan ko kung san ako dinala ni Babe. Sa sobrang dami kong iniisip
habang nasa byahe, hindi ko na napansin kung san siya dumaan at kung anong
lugar na tong tinutumbok namin.
Simula nung hilahin niya ako palabas ng school gym, hanggang ngayon na
nasa byahe kami, hindi pa rin ako nito iniimik. Seryoso at blangko lang ang
mukha nitong nagmamaneho. Alam kong galit ito, kaya’t pinilit ko nalang na
tumahimik na lamang.
Bumuntong-hininga nalang ako at aktong ipipikit ko na ang mga mata ko
nang magsalita ito.
“We’re almost there. Wag ka ng matulog.” Malamig na sabi nito.
Tss. Ano bang problema nito? Ayos lang naman sakin kung galit siya eh.
Sabihin lang naman niya. Di tong ginagawa niya akong tanga sa kakahintay sa
kanyang magsalita. Anak ng kwek kwek!
Pero na-realize kong may kasalanan din ako. Di ako nagpaalam dito sa
ginawa kong malaking hakbang sa relasyon namin. At alam kong iyon ang
ikinakagalit niya. Kaya’t wala ako sa
posisyong mag-demand ng kung anu-ano sa kanya.
Maya-maya pa’y naramdaman kong tumigil na ang sasakyan. Napatingin
naman ako sa labas. At napangiti sa kagandahan ng lugar. Bumaba ako sa sasakyan
at tumakbo papasok upang makita ang kabuuan nito.
Isa iyong beach resort. May malaking building na nakatayo sa isang
mataas na lugar, at may hagdanan na patungo sa dalampasigang naliliwanagan ng
mga ilaw mula sa mga bumbilyang ikinabit sa mga puno na siyang luminya sa
kahabaan ng dalampasigan.
“Nice!” Tili ko sa sobrang pagkamangha ko sa lugar. Ang ganda talaga!
Ang sarap ng simoy ng hangin na humahampas sa aking mukha.
Nakita ko naman ang isang native na restaurant sa may dalampasigan.
Simple lang ang pagkakayari ng bahay-kubo na theme nito, pero sobrang ganda ng
looban nito.May mga taong halatang nagde-date din dito, pero di naman
karamihan.
Payapa ang paligid. May mga mumunting-ingay na nanggagaling sa
restaurant na yun, pero nangingibabaw pa rin ang tunog ng paghampas ng mga alon
sa tabing-dagat. Kay sarap pakinggan.
“Let’s go?” Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko lang si Babe na
nakangiti na. “Gutom na ako babe.” At inakbayan ako nito at iginiya pababa ng
hagdanan.
Akala ko papasok kami sa loob ng restaurant na iyon, pero na-shock
nalang ako ng dinala ako ni babe sa isang floating cottage na hindi ko
napansing mayroon pala ang resort.
Ang ganda din ng interior design ng cottage. Simple, ngunit maaliwalas
naman at sobrang romantic talaga tingnan sa gabi. Isang tulay lang na yari sa
kahoy, ang kumukonekta nito sa restaurant ng resort.
Di naman ako makaimik kasi naninibago talaga ako. Kanina, mukha itong
galit, pero ngayon, parang nag-iba ata ang ihip ng hangin.
“Babe?” Tawag nito sa akin ng makaupo na kami pandalawahang mesa ng
cottage. “Are you okay?” What? Ako pa tinatanong kung okay ako? Tss.
“B-babe. H-hindi ka g-galit?” Nabubulol kong tanong. “K-kasi babe.
Okay fine. I won’t defend my side, kasi alam ko namang ako yung mali. I’m sorry
babe. I’m sorry for not telling you first before I opened my big mouth. Di ko
lang talaga alam kung pano ko maipagtatanggol ang mga sarili natin at-----“
“Babe, let’s just enjoy the night, okay?” Ngiti nito sakin at di ko na
natapos ang kung anuman ang sasabihin ko. “Okay lang yun.”
“S-sigurado kang okay lang yun Babe? Alam ko kasing di ka pa handa eh.
Sorry.” At napatungo nalang ako sa sobrang pagka-guilty sa mga nangyari sa
school.
“Hey.” At itinaas nito ang aking ulo sa pamamagitan ng pagtaas ng
aking baba gamit ang isang kamay nito. “Stop it. You’re spoiling the moment
Babe. Unang valentine’s date pa naman natin to. Cheer up. Wag na muna nartin
pag-usapan yun.”
“Okay babe.” Napangiti naman ako sa sinabi nito. “Thanks for this.
Sobra mo akong napasaya. I love you Babe.”
“Anything for you Babe. I love you too.” Sinuklian din ako ng isang
matamis na ngiti.
“Good evening Sir, I am your attendant for tonight. Here’s the menu.
Please take your time.” Magalang na sabi nung isang waiter na lumapit sa amin
para kunin ang aming mga orders.
“One Paella Valencia for me, and one Southwesterns-Stye Shrimp taco
Salad. Ikaw babe?” Napansin ko namang napangisi ng palihim ang lalaking waiter
na nasa harapan namin. Siguro nagulat dahil sa tinawag ni Babe sa akin.
Napangiti din naman ako.
“Ah. Isang Shrimp and Mango Skewers with Guava-Lime Glaze lang.” Ano
ba to? Di ako sanay sa mga ganito ka-sosyal na mga pagkain. Di ko na nga rin
alam kung ano lasa nung inorder ko eh. Ayoko lang talagang i-disappoint si
Babe, kung kaya’t nag-order nalang ako kahit di ako sanay sa mga ganitong
klaseng restaurants.
“How about your drinks Sir?” Dagdag na tanong nung waiter.
“One bottle of red wine, one pineapple juice, and one iced tea
please.” Sabi ni Alfer. Pagkakuha ng mga iyon, inulit lang nung waiter ang
naging order namin para kumpirmahin at umalis na agad.
“Ang ganda dito Babe. Ang sarap ng hangin.” Nasabi ko ng mapansin ko
ang payapang kapaligiran.
“I knew you will like this. Kaya’t di ako nakapunta sa inyo kanina
Babe kasi busy ako sa paghahanap ng lugar kung san natin idadaos ang ating
unang Valentine’s date. Happy Valentine’s Day Babe.” Ngiti nito.
“Happy Valentine’s Day din Babe.”
“May gift pala ako sayo. Pero nasa likod ng sasakyan. Nakalimutan kong
ibigay kanina. Mamaya nalang Babe ha?”
“Kaw kasi eh, di mo ko kinikibo kanina pa.” Pagmamaktol ko.
“Asus.” At tumawa pa ito. “Ang cute talaga ng Babe ko!” At tumayo ito
at lumapit sa akin. Lumuhod ito para mag-abot ang aming mga paningin. “I love
you Babe.”
At sa isang iglap ay nagtagpo ang aming mga labi. Damang-dama ko ang
mabangong hininga ni Alfer na siyang nalalanghap ko. Ang malalambot na mga labi
nito ay naghahatid ng kakaibang pakiramdam sa akin. Pakiramdam ko, solong-solo
namin ang mundo nung mga sandaling iyon. Na sa kanya lang ako, at akin lang
siya. Na walang sinuman o anuman ang makakahadlang sa aming pagmamahalan.
Lalo na ngayon na alam na ng lahat ang tungkol sa amin. Sana nga wala
ng wakas ang kaligayahan naming ito. Ang kakaibang kaligayahan na ngayon ko
lang naramdaman. It’s an unusual love, yes, but what can I do? I love him, he
loves me. Period. End of conversation.
Ang kanina’y masuyo at puno ng tamis na halik ay naging isang mapusok
at mapaghanap na halik na bunga ng kasabikan namin sa isa’t isa ni Babe.
Unti-unti ng nilalakbay ng kamay ni Alfer ang kabuuan ng aking katawan.
Ang nag-aapoy na eksenang iyon sa isang floating cottage na nasa gitna
ng dagat ay tila nabuhusan ng malamig ng tubig ng maramdaman naming nasa
harapan na pala namin ang waiter, dala-dala ang aming mga order.
Dali-dali naman naming inayos ang aming mga sarili, habang si Babe ay bumalik
sa kinauupuan nito. “H-here’s your order Sir. Have a pleasant evening!” Sabi
nung waiter, pero halatang nagpipigil ito ng tawa, at umalis na din.
Pareho naman kaming natawa ni Babe sa ka-awkward na eksenang iyon.
“I love you too Babe. Thanks for this night.” Saad ko pagkatapos.
“No Babe. Thank you!” Ngiti nito. “Tara na! Let’s eat.”
Naging espesyal ang gabing iyon. Kwentuhan at tawanan lang kami ni
Babe habang pinagsaluhan ang dinner date na iyon. Minsan, sumi-segway din ng
mga harutan at kulitan.
Masayang-masaya ako kasi ito ang pinakaunang Valentine’s Date na
na-experience ko sa tanang buhay ko. At ang taong pinakamamahal ko pa ang
kasama ko. Marami mang mga kilay ang magsisitaasan pagkatapos ng gabing ito,
alam kong makakaya ko, kasi naririyan si Babe sa aking tabi.
Pagkatapos ng date na iyon, hinatid na ako ni Babe sa bahay. Mag-aala
una na ng umaga at halata na sa mukha ni Babe na inaantok na talaga ito.
“Babe, dito ka nalang matulog. Sobrang late na oh.” Tanong ko dito ng
sapitin namin ang tapat ng bahay. Bumaba pa talaga ito sa sasakyan nito para
lang maihatid ako hanggang sa bukana ng aming pinto. “ang sweet talaga ng mahl
ko!” Kinikilig na saad ko sa sarili.
Nakita ko naman itong napangisi. “I was really hoping you would say
that. Thanks babe. Itatabi ko lang ng maayos ang sasakyan. Una ka na sa taas.”
At hinalikan pa ako nito sa labi.
Naligo na ako pagkaakyat ko sa kwarto. At nung lalabas na sana ako ng
banyo, agad namang pumasok si Babe at hinila ako pabalik sa banyo at sinabayan
ko ulit siyang maligo.
He gently pushed me against the wall. Nakalapat na ang likod ko sa
dingding ng banyo, at nakita ko lang itong nakangisi na parang nauulol. Then he
started to kiss me like a mad mam. He turned on the shower, and as the water was
flowing through it to our bodies, the heat that was brought by that passionate
moment didn’t subdue.
Halatang sabik na sabik talaga si Babe. Siguro kanina pa ako gustong
lapain nito. Kapwa kasi kami nabitin sa eksena namin kanina sa resort. Di naman
ako pumalag kasi I’d really wanted to make Babe feel how I appreciate and love
him. So tonight, I’ll put on a show.
Kapwa kami naghahabol ng aming mga hininga pagkatapos nung
umaatikabong eksenang iyon na tinuloy pa talaga namin sa labas ng banyo.
Napahiga nalang ako sa matipunong dibdib ni Babe at natulog na kaming
magkayakap.
Kinaumagahan, nagising nalang ako na wala na si Babe sa tabi ko. Nung
hinagilap at tiningnan ko ang cellphone ko, napapitlag nalang ako ng malamang
alas dyes na pala ng umaga. Buti nalang at naalala kong wala
palang pasok ang school ngayon dahil sa isang event.
Inilibot ko ang aking mga paningin sa aking kwarto. Pero walang note
na binilin si Babe. Weird. Dati rati kasi, nag-iiwan ito ng kahit note o text
man lang para batiin ako ng magandang umaga. Siguro nakalimutan lang.
Kinuha ko ang aking laptop at naglog-in sa Facebook at sa Skype. No
signs of Yui. Walang messages, ni kahit flood like na dati nitong ginagawa,
wala din. Hindi na sya nagparamdam. Bago pa man ako ma-ospital, di pa kami ulit
nagkakausap ni Yui.
“Tss. Busy na talaga siya’t nakalimutan na ako.” Pagtatampo kong sabi.
Kaya’t nag PM ako sa kanya sa Facebook. “Hoy! Anyare? Asan ka na nyan, Yoh?”
Ang nasabi ko sa message.
Buong araw lang akong nakatunganga sa bahay. Ayaw ko munang lumabas.
Hindi ko pa alam kung pano mag-aadjust dahil sa inamin ko kahapon sa harapan ng
buong college namin. And I know, talks will be out in just a few moments. So
probably, alam na ng buong school ang nangyari kagabi by now.
Ayos lang naman yun sa akin. Sanay naman akong mag-adjust palagi. And
besides, this is my life. Wala silang pakialam kung anuman ang gustuhin kong
gawin sa buhay ko, not unless sila ang nagpapakain sa akin.
Pero si Babe. Hindi ko pa rin alam kung ano ang stand nito sa mga
nangyari. Di ko mabasa kung ano ang tinatakbo ng isip niya. Galit ba siya o
ano? Pero sa mga nangyari naman kagabi, mukhang okay lang naman sa kanya.
“Babe, let’s just enjoy the
night, okay?” Bumabalik pa sa aking gunita ang mga sinabi nit kagabi. “Stop it. You’re spoiling the moment Babe.
Unang valentine’s date pa naman natin to. Cheer up. Wag na muna nartin
pag-usapan yun.”
Nailing nalang ako sa mga naiisip ko. “Mahal ako ni Babe, at mahal ko
siya. Yun lang naman ang importante eh. Dun pa lang, solved na ako. Bonus
nalang siguro kung tatanggapin kami ng mga tao sa paligid namin.” Napangiti
nalang ako sa isiping yun.
Kinuha ko ang phone ko at nag-dial. Namimiss ko na si Babe. Ano na
kaya ginagawa yun.
“Kriiiiing. Kriiiiiing. Kriiiiiing. Kriiiiiiiiiing. The number you
have dialed is busy at the moment, please try your call later.” Narinig kong
sabi nung operator sa kabilang linya, at nag display ng “No Answer” sa screen
ng phone.
“Bakit kaya ayaw sumagot ni Babe?” Tanong ko sa sarili. “Ahh. Baka
natutulog yun, o baka busy. Tawagan ko nalang si Babe mamaya. Pinagod mo kasi
kagabi.” At natawa nalang ako sa naisip kong iyon.
Tinawag na ako ni Nanay Nimfa para bumaba at mananghalian. Pagkatapos
kumain, umakyat lang ako ulit sa kwarto. At dahil umuulan at malamig ang
panahon, naisipan ko nalang na matulog
nalang buong maghapon. Di naman kasi nagtetext o tumatawag si Babe. Baka busy
lang talaga.
Nagising ako sa katok na nagmumula sa akin pinto. Madilim na nun at ng
tingnan ko ang phone ko, alasy sais na ng gabi.
“Anak? Tulog ka pa ba?” Boses ni Papa yun. Agad akong tumayo at
pinagbuksan ito ng pinto. “Sorry anak, nagising ba kita? Sabi kasi ni Manang
Nimfa, natutulog ka daw.”
“Ayos lang Pa. Kanina pa din kasi ako natutulog. Sarap kasi ng
panahon.” At napangiti pa ito sa sinabi ko. Pinatuloy ko na muna to sa kwarto
ko at naupo ito sa kama ko.
“Anak, dinner tayo?” Aya nito sa akin. “Kumusta naman ang paa mo?”
“Okay na Papa. Nakakalakad na ako kahit wala na ang crutches ko.”
Napatango naman ito. “Anong meron Pa? Biglaan ata.”
“Wala naman. Gusto lang kita maka-bonding.” Pero there’s something in
his smiles eh. Parang may binibingwit ito mula sa akin. Sa ilang buwan na
pagiging malapit namin ulit, alam kong tuso din minsan itong si Papa eh. Sa
kanya ako nagmana.
“Can I say no Pa?” Pambibiro ko dito.
“I won’t take no for an answer.” Ngisi pa nito. “Tara na kasi,
minsan-minsan lang eh. Kakatampo ka namang bata ka.”
“I know you won’t Papa. Sige po, bihis muna ako.” Ngiti ko dito.
“Antayin kita sa baba.”
Tinext ko pa si Babe bago ako magbihis. Wala man lang itong text o
tawag buong araw. “Babe, andito si Papa. Makikipag-dinner daw. Kain ka na ha?
Tawagan kita mamaya kung okay lang. I miss and love you so much Babe!”
Pagkatapos kong magbihis, bumaba na rin ako. Dala namin ang sasakyan
ni Papa, at ito ang nag-drive. Dinala ako ni Papa sa isang Japanese restaurant.
Dati ko pang gustong bumalik sa isang Japanese restaurant. Pangalawang
try ko pa sa mga restaurant na ito. Yung una, si Yui ang nagdala sa akin.
Gustung-gusto ko talaga ng mga Japanese food.
“Haaay. Si Yui na naman.” Naiiling nalang ako ng maalala ko na naman
ang bestfriend kong kalahi ni Naruto. Kung sabagay, hapon din naman si Naruto.
Galing sa Japan ang mga ninja’ng kagaya ni Yui. Mga taong bigla-bigla nalang
sumusulpot at nawawalang parang bula.
Parang nung mga nakaraang araw lang bago ako ma-ospital. Kakaligo ko
pa lang at nakatapis pa ng tuwalya nang bigla itong tumawag. Sinabihan pa ako
nitong magla-live show daw ako? Tss. Pero, nag enjoy naman ako nung gabing
iyon. Kwentuhan lang kami at kulitan na tulad ng dati. Namiss ko talaga ang mga
ganung pagkakataon kasama si Yoh.
Pero pagkatapos ng gabing yun hanggang ngayon, wala! Nganga ulit ako.
Napag-iwanan na talaga ako ng bestfriend kong super yaman na ngayon. Although
masaya naman talaga ako para sa kanya, kasi alam ko namang espesyal ang alaala
ng namayapa niyang ama.
At bakit ako naiinis sa ginagawa niyang pang-iignora sa akin? Ewan di
ko din alam. Haaaay!
“Anak. Ok ka lang ba?” Tawag sa akin ni Papa na siyang nagpabalik sa
akin sa reyalidad mula sa isang malalim na pag-iisip. “Ang lalim ng iniisip
natin ah? May problema ka ba anak?”
“W-wala naman Pa. Sorry po. May iniisip lang na mga maliliit na bagay.
N-naka-order na po kayo?”
“Kanina pa. Mag-order ka na. Kanina ka pa hinihintay ng waiter oh.” Sabay nguso nito sa waitress na nakatayo sa harapan namin. Sinabi ko naman dito ang gusto kong kainin. Tori Teriyaki Don at Tuna Kimchi lang naman ang inorder ko.
“Di naman halatang gutom ka anak ah?” Sarkastikong biro ni Papa sakin.
“Antagal ko kasi natulog kanina Pa. Kapag po ganun, ginugutom talaga
ako pagkagising.” At natawa nalang ako.
“Eh, ganun din ako anak eh!” At nakisabay na rin ito sa aking pagtawa.
“Anak nga kita. Manang-mana sa akin eh.”
At habang kumakain, napagkwentuhan naman namin ang tungkol sa kaso na
isinampa nito laban sa nangdukot at nambugbog sa akin. Sinabi nito na malakas
ang tsansang maipanalo ang kaso. Pero dahil ayaw ko ng maalala ang mga nangyari
nung gabing iyon, di nalang ako masyadong kumibo para matapos na ang usapan
namin ni Papa tungkol duon.
“Anak, may gusto ka bang sabihin sa akin?” Tanong ni Papa na may
halong ngiting makahulugan. Kinabahan naman ako. Alam na kaya niya?
“H-ha? W-wala naman po Papa.” Hinawakan naman nito ang kamay kong
nakapatong sa mesa at pinisil iyon.
“Anak, kung di ka pa handang sabihin sa akin, okay lang. Naiintindihan
ko. Pero dapat malaman mo, na kahit ano pa man yun, walang magbabago. Papa mo
ako, at anak kita. At alam mo naman siguro kung gano kita kamahal diba?”
“Pa.” Sobra talaga akong na-touch sa sinabi nito.
“Wag ka ngang umiyak. Ka-lalaki mong tao, umiiyak ka.” Biro sa akin ni
Papa. Bigla ko namang naramdaman na may mga luha ng namumuo sa aking mga mata.
Agad ko naman itong pinahid at napangiti nalang.
“Eh, ikaw kasi Papa eh.” Dapat ko na bang sabihin sa kanya? Dapat ko
na bang isiwalat sa kanya ang tunay na ako?
“Di mo ba talaga sasabihin anak?” At natawa na naman ito. “Biro lang
anak. Nirerespeto ko ang desisyon mo.”
“Pa, m-may sasabihin sana ako sa inyo.”
“Yes, anak?”
“Pa kasi.. Kasi po..” Di ko alam kung san ako magsisimula. I was
caught off-guarded. Di ko napaghandaan ito. Ano ba sasabihin ko? Or rather,
paano ko ba sasabihin kay Papa?
Naramdaman ko namang hinawakan ulit ni Papa ang kamay ko. “Alam ko na
anak. You don’t have to be so pressured. Di naman ako magagalit eh.” Ngiti
nito.
“Alam nyo po?” Nag-iwas naman ako ng tingin dito. “P-paano po?”
“Sina Kira at Karin. Pero may ideya na ako nung ma-ospital ka. Si
Alfer, tama ba?”
Sunud-sunod na bomba ang sumabog sa harapan ko. Di ako makaimiksa
sobrang pagkabigla sa sinabi ni Papa. Wala akong nagawa kundi ang sagutin ng
tango ang katungan nito.
“Well, he seems like a gentleman. Pero tanong lang naman ito anak ah,
why him?”
“E-ewan ko p-po Papa. Basta na lang ako n-nahulog sa kanya.”
Nakatungong saad ko. Di ako makatingin ng diretso kay Papa. Nahihiya ako.
“Anak, you don’t have to be so pressured. Sabi ko nga, ayos lang.
Basta alam kong masaya ka sa desisyon mo. Total, malaki ka na. You can handle
things already. At alam kong di ka magiging pabaya sa mga maaaring kahinatnan
ng mga bagay-bagay.”
Natuwa naman ako sa sinabing iyon ni Papa. Inangat ko ang aking
paningin at nginitian ito. “Salamat po Papa. Salamat sa pag-intindi at
pag-unawa sa akin.”
Pagka-uwi ko sa bahay, sinubukan kong tawagan si Babe. 10PM pa naman.
Baka gising pa si Babe. Ibabalita ko lang sana ang naging usapan namin kanina
ni Papa. Pero bago ko pa tawagan si Babe, tinext ko muna to. Pero after 5
minutes, wala siyang reply. Kaya tinawagan ko nalang ito.
“The number you have dialed is unattended…” Di ko na pinatapos ang
operator at pinatay agad ang tawag. Bakit naka-off ang phone niya? Sinubukan ko
ulit tumawag dito, pero ganun pa rin ang resulta. Naka-off talaga ang phone ni
Babe.
Di naman ganito si Babe dati. May problema ba ito? Kung meron man,
sana naman wala itong magiging epekto sa relasyon namin. Ngayon pa na unti-unti
ng nawawala ang mga balakid sa pagitan namin at sa kalayaan at kaligayahan na
dati pa naming pinapangarap?
“Wag naman sana Babe.”
Pero siguro, paranoid lang ako. May dahilan naman siguro si Babe kung
bakit di siya nagparamdam ngayong araw. Bukas, may pasok, magkikita naman kami
sa school eh. So I don’t have nothing to worry about. Pero, dapat ko ng harapin
ang pagbabagong magaganap simula bukas. Sana kayanin ko. Sana kayanin namin ni
Babe.
“I trust you Babe. And I love you so much.”
…
Kinabukasan, Hwebes. Buong araw kong di nakita si Babe. Buong araw ko
siyang tinetext at tinatawagan. Pero di siya sumasagot sa mga tawag at text ko.
Siguro wrong timing lang talaga ako. Baka puspusan na sila sa pagte-training
kasi two weeks from now, magsisimula na ang bagong season ng University League
sa buong rehiyon namin.
Gusto ko mang puntahan ito sa gym ng school, di ko naman magawa kasi
alam kong alam na ng lahat ang tungkol sa amin. Di ko naman gugustuhing isipin
ng mga tao na ganito na nga ako, masyado naman kaming PDA sa relasyon namin.
Kaninang umaga pagkapasok ko sa school, karamihan sa mga
nakakasalubong ko ay nakataas ang mga kilay at ibang-iba ang tingin sa akin. May mga naririnig pa akong mga estudyanteng
nagbubulung-bulungan, na alam ko namang laban sa amin, sa tuwing mapapadaan ako
sa harapan nila. At meron talagang nagpaparinig pa na kesyo bakla ako.
Pero may mga tao pa ring pinapahayag ang kanilang suporta sa
pamamagitan ng mga ngiti, bati at kung minsan ay nakikipagkaibigan pa sa akin.
At dahil dun, nagpapasalamat pa rin ako na mukhang kakayanin ko naman ang mga
pagsubok na ito.
At ang pinakarason kung bakit ko pinagtitiisan ang mga negatibong
reaksyon ng mga tao sa relasyon namin ay ang katotohanang mahal ako ni Babe at
alam kong nakasuporta ito palagi sa akin.
Si Babe nga pala. Sana naman hindi siya naaapektuhan sa mga sinasabi
at ipinapakita ng iba na pag disapruba sa espesyal na relasyon namin. Mukhang
di naman magiging isyu dito ang gabundok na pride at ego ni Babe dito eh.
Matagal na yung nawala dahil sa pagmamahal niya sa akin.
Friday ng hapon. Nakatambay ako sa may fountain ng school. Sa sobrang
busy ko din kanina, nakalimutan ko pansamantala na magtext at subukang tumawag
kay Babe. Andami ko talagang ginawa kanina. Mga projects, deadlines, reports at
kung anu-ano pang gawain sa office kung san ako binalik na i-assign pagkatapos
ng Tutorial Service ko kay Babe.
Alas singko na yun ng hapon at kanina pa nag-uwian ang karamihan sa
mga estudyante kasi nga Friday Flyday na. Nagbabasa lang ako ng libro sa bench
ng marinig kong may paparating na mga kalalakihan. Ang iingay kasi ng mga ito
kaya agad ko silang napansin.
Sila Babe pala at ang mga kasamahan niya sa Varsity Team, at si Paul.
Si Babe lang ang walang imik sa grupo na naglalakad palapit sa akin. Alam kong
nakita ako ni Babe, kahit nakatungo lang ito habang naglalakad.
Nung tumapat na sila sa harapan ko, tumayo ako. “Babe!” Tawag ko kay
Alfer. Agad naman silang napahinto sa paglalakad. Napansin ko namang nagpipigil
ng tawa ang ibang kasamahan nina Babe at Paul. At nakita ko din ang biglang
pag-iiba ng ekspresyon ng mukha ni Babe.
“Dude. Tinatawag ka ni Jayden.” Siko ni Paul dito. Pero di man lang
ako matignan ni Babe. Ano bang problema nito? “Dude, ano ba?! Si Jayden o.”
Pero di pa rin ako nito pinapansin. Bagkus ay nag-simula na itong
maglakad at nilampasan lang ako ng wala man lang sinasabi sa akin. Sinundan
naman ito ng mga kasamahan niya, pwera si Paul
Ang sakit. Ang sakit-sakit. This confirms his behaviour for the past
three days. Iniiwasan niya ako. Lahat ng mga tawag at text ko, sinasadya niyang
di sagutin yun. Ang saklap!
“P-paul.” Tawag ko dito, agad naman itong lumapit sa akin. “M-may
problema ba si Alfer? Bakit niya ako iniiwasan?”
“P-pare, I wish I know. Pero kasi, akala ko din na magiging maayos na
ang lahat sa pagitan ninyong dalawa. Di ko din alam kung bakit nagkakaganyan
siya.” Paliwanag sa akin ni Paul.
“Paul, p-please. Kausapin mo siya. Sabihin mo na gusto ko lang malaman
kung bakit siya nagkakaganyan. P-paul please. Tulungan mo ko.” I was desperate.
Hindi ko alam kung san ako nagkamali at kung bakit ako iniiwasan ni Babe.
Sabi naman niya nung gabing iyon na okay lang daw yung ginawa kong
pag-amin sa lahat. Pero bakit ganito? Ang sakit lang isipin na nag-eexpect ka
na magiging maayos ang lahat kasi andyan kayo para sa isa’t isa. Pero
magigising ka nalang isang araw na ikaw nalang pala ang sumasalo sa lahat ng
sakit at panghuhusga ng mga tao sa bagay na kapwa ninyo pinasok.
Alam kong di ako dapat magpaka-paranoid sa mga nangyayari. And that
Babe has a reason for avoiding me. Pero ano yung kanina? Siguro sapat na ebidensya
na yun para sabihing unti-unti na siyang bumibitaw.
Wala na akong ibang nagawa nung gabing iyon kundi ang umiyak ng umiyak
dahil sa mga ipinapakita sa akin ni Alfer. I’ve been trying to call him a
hundred times now, pero ayaw niyang sagutin. Nagtext din ako sa kanya pero
walang reply. Sinubukan ko na namang tumawag ng tumawag hanggang sa sagutin
niya ang phone, pero natigil lang ako ng naging unattended na ang phone niya.
Haaay. Ang sakap. Ang pinakaayaw ko sa lahat ay yung pakiramdam na
nangangapa ka sa dilim at hindi mo man lang malaman kung ano ang nagawa mong
mali. “I don’t deserve this!”
At nakatulugan ko na nga ang pag-iyak.
…
Dalawang linggo na ang nakakalipas ng simula akong iwasan ni Alfer.
Hanggang ngayon, ayaw niyang sagutin ang mga tawag ko, o kahit ang magreply man
lang sa mga text ko.
Sa school, di naman ako makatyempo na maka-usap siya ng sarilinan.
Kadalasan, hindi ako nito pinapansin. Minsan, nakikipag-usap nalang ito sa
ibang mga estudyante kahit alam kong di niya kilala basta’t maiwasan niya alng
na makausap ko siya na kami lang. Sa tuwing nagkakasalubong kami, parang hindi
niya ako kilala na nilalampas-lampasan lang niya.
Si paul naman, walang magawa sa sitwasyon namin. Si Kira, sinugod na
siya sa practice game nila nung nakaraang linggo para kausapin ito. Pero yun
lang din ang ginagawa niya kay Kira. Hindi pinapansin at pinipiling iwasan
nalang. Napagalitan pa si Kira nung Coach nila Alfer dahil sa pang-iistorbo
nito sapractice nila.
At ako? Frustrated. Di alam ang gagawin. Walang gana kumain at pumasok
sa eskwelahan. Pero pinipili ko pa ring pumasok araw-araw sa pagbabakasakaling
maka-usap ko na si Alfer. Pero two weeks had past, wala pa rin.
And now, I’m desperate. Desperado na akong gumawa ng mga bagay na alam
kong pagsisihan ko din. But what can I do? I need to find some answers. Kahit
kinakabahan na ako sa gagawin ko, alam kong baka makatulong ito sa akin para ma
resolba ang anumang problema namin ni Babe.
“G-good afternoon po T-tita Diana. Nanjan po ba si Alfer? May isasauli
lang po kasi sana ako.” Sabi ko kay Tita nung sinalubong ako nito sa sala ng
bahay ng mga Samonte.
“Di ko alam hijo ah, pero ipapatingin ko sa kwarto niya. Maupo ka
muna.” At tinawag nito ang isang katulog nila at pinapatinganan si Alfer sa
kwarto nito. “Kumusta ka na hijo? Antagal mo ng di nakakabalik dito ah.
Nakakatampo ka naman.”
“S-sorry po Tita. Naging busy lang po sa school. Alam niyo namang
malapait na mag Final Exams.” At sinabayan ko pa ang alibi ko ng isang pilit na
ngiti.
“Maam, natutulog po daw si Sir Alfer. Ayaw daw niya po ng istorbo.”
Sabi ng katulong nila Alfer.
“Haay! Ano ba’ng nangyayari sa batang iyon?”
“O-okay lang po Tita. B-babalik nalang po ako dito sa susunod.”
“No. Stay. Ako na ang kakausap kay Alfer. Steady ka lang jan Hijo. Wag
kang aalis ha?” At umakyat na ito para puntahan ang anak sa kwarto nito.
Pagkatapos ang ilang minuto, bumaba na ulit si Tita Diana at umupo sa
sofa na kaharap nung kinauupuan ko.
“Ayaw niya akong pagbuksan. Ano bang nangyayari sa batang iyon?
Napapansin ko lately, parang wala ito palagi sa sarili. Laging nagkukulong sa
kwarto kapag andito lang sa bahay, at gabing-gabi na umuwi.” Mahabang sabi ni
Tita. “May problema ba kayo Hijo?”
“K-kami po?” Tsk! Of course Jayden, you dimwit. Sa mata ng mama ni
Alfer, magkaibigan kayo. Yun ang tinutukoy niya.
“Hijo, alam ko na ang tungkol sa inyo.” Mapait na ngiti nito. What?!
Alam ni Tita? “At alam rin yun ni Tito Rafael mo. Di kami galit, wag mong
isipin yun.”
“H-ho?”
Tumabi sa akin si Tita Diana at hinawak ang isa kong kamay. “Alam mo
hijo, dapat akong magpasalamat sayo. Ikaw lang ang nakapagpabago sa matigas na
anak kong yun. He hardly even follow us before. Pero simula nung naging tutor
ka niya, he changed. Nagising nalang kaming lahat dito na ibang Alfer na ang
nasa harapan namin. Thank you so much for that.”
“Tita.”
“Ang laki ng utang-na-loob ko sayo hijo, pero sa ngayon, hindi man
lang kita matulungan sa sitwasyon ng anak ko. Ewan ko din kung bakit siya
nagkakaganyan.”
“Salamat po Tita at nauunawaan niyo kami.”
“Salamat po Tita at nauunawaan niyo kami.”
“Are you kidding? Ngayon ko lang nakita si Alfer na ganyan kasaya.
Ngayon ko lang siya nakitang nag-seryoso sa isang relasyon. Syempre
susuportahan ko kayo hijo.” Ngiti nito sa akin.
Di ko man lang nakita at nakausap si Alfer. Pero mas nagulat ako nung
sinabi ni Tita sa akin na alam niya ang tungkol sa amin. Siguro nakahalata na
talaga sila pag bumibisita ako sa kanila.
Si Babe naman kasi eh, napaka-OA sa pagiging maalaga at ka-sweetan
kahit nasa harapan kami ng mga magulang niya. Yun pala ang ibig sabihin ng mga
ngiti nuon nila Tita Diana at Tito Rafael.
Masaya ako, kahit na nasurpresa talaga ako na alam na pala nila.
Masaya ako na yung mga magulang na kinatatakutan naming aminan ng relasyon
namin, ay alam na pala, at tanggap pa talaga nila kami.
Pero lahat pala talaga ng kasiyahang iyon ay may kapalit na
kalungkutan. Kung kelan okay na ang aming mga pamilya, saka pa ako binibitawan
ng paunti-unti ni Babe? Ano pa ba ang dapat kong gawin para maging masaya na?
Kahit si Yui na bestfriend ko, hanggang ngayon ay di man lang
nagpaparamdam. Talaga bang iiwan na ako ni Yui? Bakit ba palagi nalang ako
iniiwan ng mga taong mahal ko? Nagiging masaya ba ang langit sa tuwing
iniiyakan ko ang mga taong iniiwan ako?
At sa gabing iyon, na hindi ko na mabilang kung ilan na, muli ko na
namang kinatulugan ang pag-iyak sa sobrang sakit at sa sobrang lungkot. Pagod
na ang mata ko sa kakaiyak. Pagod na ang puso ko sa kakatanggap ng sakit. I
know I shouldn’t be doing these things. But lemme just cry, cause I know I can
never do something to change my situation.
…
Linggo ng umaga. Madilim ang kalangitan, nakikisabay sa emosyong
nararamdaman ko. Pinagalitan ako ni Nanay Nimfa. Bakit daw ako nagkukulong sa
kwarto at namumugto ang mga mata? Wala akong nagawa kundi ihinga sa kanya ang
lahat ng sakit na nararamdaman ko. Pero kahit pagkatapos kong sabihin sa kanya
ang lahat, masakit pa rin ang puso ko.
“Haaay! Yan na nga ba ang sinasabi ko sa Alfer na yan eh. Puro porma,
wala namang salita.” Reklamo ni Nanay.
“Nay naman eh. Di kayo nakakatulong.”
“O siya, tara. Samahan mo ako sa mall. Mamimili lang ako ng ibang
gamit sa bahay at pasalubong na rin para sa mga apo ko sa probinsya.” Uuwi kasi
si Nanay next week kasi birthday ng paborito niyang apo. Kaya ayun, wala naman
akong magawang matino sa bahay, kaya sumama nalang ako.
Nagdala na kami ng payong ni Nanay kasi mukhang uulan na mamaya. Baka
maabutan kami sa daan, mahirap na.
Pagkarating namin sa mall, kumain na muna kami ni Nanay. Gutom din
kasi ako. Wala pa akong breakfast at lunch nung araw na iyon. Natuwa naman si
Nanay sakin kasi madami naman ang nakain ko. Nangangayayat na kasi ako, sabi ni
nanay. At dahil namumugto pa rin ang mga anak ko, naka shades lang ako.
Ilang oras pa kami naglilibot ni Nanay sa mall. Namili siya ng mga
laruan, ng mga pasalubong at kung anu-ano pang magustuhan nito. Pagod na ang
paa ko sa kakalakad kaya nagpasya muna kaming magpahinga sa isang bench na nasa
tapat ng exit ng mall.
“Pagod na ako anak. Okay ka lang ba?” Sabi ni Nanay ng maupo na kami
sa bench. Napansin kong may katext ito, kanina pa.
“Okay lang Nay. Teka, sino ba yang katext mo jan? Kanina pa-----“ Di
ko na natapos ang dapat ko pa sanang itanong kay Nanay nang mapansin ko ang
isang lalaking papalabas ng mall. “Babe!” Tawag ko dito. Si Alfer yun. Di ako
nagkakamali. Tinanggal ko ang aking shades para maklaro ko, pero siya talaga
yun. “Babe!” At sinundan ko ito ng takbo.
Kinuha ko agad ang payong sa baggage counter na malapit sa may exit at
kumaripas na ng habol kay babe. Nakita ko itong naglalakad sa tabi ng kalsada
na wala man lang dalang payong. Nababasa na ito, kaya hinabol ko na naman.
“Baaaaaaaaabe!” Mahabang tawag ko dito habang tumatakbo pa. Napalingon
naman ito sa direksyon ko at alam kong nakita ako nito kaya tumigil naman ako
sa kakatakbo. Mga limang metro ang pagitan namin. Hinihingal na ako. At napagod
na ako sa kakatakbo. “Babe! Please, mag-usap tayo! Please Babe. Kausapin mo
ako!”
Ang lamig lamig ng panahon. Lalo pang lumukas ang ulan. Nagsisimula na
ring tumulo ang luha ko sa sobrang saya na nakita ko na si babe. Sana naman
pagbigyan na ako nito na makausap siya.
“Babe!” Nakatingin lang ito sa akin habang blangko pa rin ang mukha.
Nakita ko naman itong tumalikod na at nagsimula ng maglakad ng mabilis palayo. “Baaaaaabe!”
Inihagis ko sa gilid ang payong na hawak-hawak ko para mapabilis ang paghabol
ko sa kanya.
Aktong tatakbo na ako para habulin si Alfer nang may naramdaman akong
mga kamay na pumulupot sa aking bewang at niyakap ako mula sa likod habang
nababasa na kami ng ulan.
“Dito ka lang. Dito ka lang sa tabi ko.” Ang boses na yun. Imposible!
Yun oh! nakapag updatr natin sya:)
ReplyDeletenow YUI IS BACK!
ReplyDeletego go go Yui bawiin muna si jayden Kay alfer.
he...he...he....YUKITO RAMIREZ FUJIWARA Love you!
( Baliw lang oh!) ha...ha...ha....
thnx, Jace
red 08
Maygawd si yui, go yui, wag mong bitiwan si jayden yakapin at halikan mo sya ng wagas hehheheheh
ReplyDeleteBoholano blogger
i hope simula na ng paglapit ulit nila ni yui mas bagay kasi sila kesa kay alfer. :D
ReplyDeleteHahahaah. CAPSLOCK talaga. Waaaa Damn. Bitin na namn. Seems I already have the idea about the mistery guy na yumakap. Hmmmnnn. Well mukhang kailangan ko naman abangan ang next update. T_T. Grabe ka Jace mambitin. Astig. Keep up the great stories and more to come. Grrrrrrrr.
ReplyDeleteTy sa update. ahahaah.
*bluekakero*
yie maka yui ako pero naaawa ako ke alfer.. alam kong me dindrama lang sya.. ahahaha.. pero cge sana si yui na yung yumakap hahaha
ReplyDeletejihi ng pampanga
nice one!
ReplyDeleteANG PAGBABALIK NI YUI..
BASTA TEAM YUI PA RIN AKO!
Sana si yui na yun. Hehe. Wag mo papabayaan yui si jayden ah. Pero sana magkaroon ng closure si alfer at jayden. Thanks mr. Author.
ReplyDelete-tyler
Grabe naman.. Parang malabo na nga ang #teamalferjayden.. Hmfftt.. Pero mr. Author the best ang ganda affected ako masayado kay jayden.. Feeling ko ako yung nasa character nya.. Hahahaha relate much?? Thumbs up po!!! :) the best - Dave
ReplyDeleteYui??cguro c Yui talaga ang para kay Jayden . .huhuhu
ReplyDeletesablay na ang team Alfer . .thanks sa update . .hehe
~jake
Sa story na to yung character ni Yui ang pinakagusto ko, nakakalungkot lang na parang saling-pusa na lang siya at 2nd choice. Hay..Author sana gawan mo din siya ng separate love story na siya bida.
ReplyDelete- Yuki
Salamat sa update Mr. Author. Sinusubaybayan ko talaga tong story na to. Simula pa lang sa chapter 1, team Yukito na ako. Sana siya ung taong yumakap kay Jayden. At sana hindi panaginip yung part na yun, hahaha! Anyway thumbs up ako dito sa gawa mo. Thanks for sharing us this masterpiece.
ReplyDelete- rafael
omaaayghaaas! si Yui na ba yan? o baka naman si Ralph? o baka ibang character na naman yan? haaaist Kuya Jace. so excited to read the next chapter. gyera na ituuuuU! :D
ReplyDeleteexcellion