AUTHOR’S NOTE: Warning! Sa mga hindi natapos basahin ang CHAPTER
9 with FULL CONTENT, maaari ninyong maaccess ang Chapter 9 sa baba ng
title. Links ng mga Previous Chapters ang mga iyon kung sakali
mang gusto ninyong balikan ang mga nakaraang tagpo. Naidagdag ko na rin ang Link noong Image Teaser ni
Josiah Alarcon sa baba. You'll know him more in this Chapter.
Hello! Humihingi ako ng tawad sa mga
minamahal kong readers out there, known or silent readers. Sorry! Sana'y
mapatawad niyo ako. I know you will! Haha!
Una sa lahat ang pasasalamat ko sa
nagbigay ng access sa akin dito. Sir Ponse and Sir Mike. Thank you! Thank you!
Thank you! I know na pasaway ako pero, hindi pa rin kayo nagsawang pagbigyan
ako. Salamat po ng marami!
Kay Babe ko, na hindi ako balak
patigilin sa kilig. Argh! Haha. Please tell me when to stop... Haha. Nabothered
ka dun no? Haha. No worries. Wala pa naman akong nakikitang mali sa relasyon na
to. Although, ayoko nung 'friend with benefits' mo. Anyways! Mahal kita. <3
Kay Jace na katext ko minsan. Babasahin
ko na yung TLW, hindi ko lang alam kung kelan, kasi wala pa kaming internet.
Haha!
Kay Vienne na naiexcite ako sa aking
appearance sa kanyang 4th story na gagawin. Mag-aantay ako no! Kahit pa hindi
na ako writer dito. Na sana hindi ko naman gawin. Haha! Tungkol dun sa comment
mo? Haha. Makakahome base pa siya. Ahahahaha!
Kay Blue na laging tigalike ko sa mga
post ko sa group. Thank you, Sir! (with Salute!) Pasensya na kung minsan
nanghihiram ako ng mga phrases na galing sa mga story mo. Hehe! Sana okay lang.
(Sign of the cross) :D
Kay Marc Abellara na bagong reader ng
story na to. Hi Bro! Welcome sa story na ito. Enjoy!
Kay Yelsna na nagpakaanonymous sa
comment niya sa Chapter 9. Buti na lamang at nagpakilala siya. Haha. Walang
anuman, Yelsna!
Kay Kuya Anonymous, Salamat pa
rin, kahit hindi ka nagpakilala.
Kay Alfred of T.O. na nabitin. Meron ng
karugtong yun. Nabasa mo na ba?
Kay Bharu at -hardname- na nagulat sa
haba ng hair ni Riel. Pwedeng pakiputulan na lang? Ruma-Rapunzel na kasi eh.
Haha! -hardname- dalawa lang yung lalaki niya. Brett will never get in their
way na.
Kay Dave na excited lage! Haha!
Pampatulog mo pala ang Love Is? Makakatulog ka kaya sa mababasa mo ngayon?
Haha! Sana naman. Okay lang naman na sumigaw, paki ba nila! Haha!
Kay Prince Justin Dizon! Wooh! Hindi
ako makaget-over sa CWT mo! Grabe! I'm really confused. Did Kurl and Nick
bumped to each other before? Si Kurl! Hinahanap siya ng ama niya? Argh!
Pakiexplain! Hindi ko pa kasi nababasa yung latest Chapter e.
Kay Angel na masugid kong tagapagbasa.
Haha! Sorry sa pambibitin ha? Buti nagbasa kang muli!
Kay Geology Stud, Hingi ka na lang kila
Bharu at -hardname-, puputulan nila yung buhok ni Riel ngayon e. Haha!
Kay Marvs na sobra ang sigaw, dinig
kahit sa buong world wide web! Waaaaaaaah! Haha! Salamat naman at binalikan mo.
Sorry sa pambibitin!
Kay K! Mag-aral ka ng mabuti! God
Bless!
Kay Jim XD, Hi Brother!
Sa mga hindi ko namention, pm me and
I'll mention you the next update! Promise!
Maraming salamat talaga! Sa mga hindi
pa naaapprove na comment sa Chapter 9, I'll make sure to thank you guys, sa
next Chapters. :D
Here it is! Ang isa sa mga napakahabang
update ko so far. Sana'y maintindihan niyo ako sa late na updates ko. Basta
hindi aabot ng 10 days ang pagkadelayed ng updates. Thankey!
Enjoy! :)
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
LOVE IS…
Rye Evangelista
theryeevangelista@gmail.com
-- Previous Chapters --
-- Character's Teasers --
CHAPTER X
Nakarating ako sa field na napakadilim. Scary! Haha!
Pagkaapak na pagkaapak ko sa damuhan na part ay biglang bumukas ang ilaw doon sa stage. May stage kasi doon sa field. For intramurals, purposes. Doon kasi lagi ginaganap ang mga ibang activities na may kinalaman sa sports. Ang Gym ay para lamang sa Basketball at meetings katulad kanina.
Nakita ko na lang na nakatayo doon si Red sa gitna. Napansin ko rin ang paisa-isang bukas ng maliliit na ilaw na parang nagsilbing aisle patungo sa kanya.
Kasal na ba to? Haha! Hindi masamang mangarap! Gising naman ako! Haha!
Nang makarating ako doon sa stage ay makikita sa kanya ang saya. Ganun din naman ako. Pero, nasa highest hopes ako ngayon. Feel na feel ko lang? Ang sagot ay… Oo! Haha.
“Hi!” Bati niya sa akin.
“Hello! Anong pakulo to, Red? May ganun ka pang nalalaman eh. Haha!” Sabay turo ko sa aisle ng ilaw.
Napakamot naman siya ng ulo.
“Baduy ba?” Tanong niya.
Naibalik ko tuloy yung atensyon ko sa kanya. Bakit ba napakaattentive ko sa magiging reaksyon niya? Ay ewan!
“Hindi no! Cute nga eh.” Nagkatitigan kami. He’s happy. “Pwede maupo? Nangangalay na ako.” Napatango naman siya. Agad lang akong nag-indian sit sa sahig ng stage. Ganun din ang ginawa niya. “Ano palang pag-uusapan natin?” Tanong ko sa kanya ng makaupo na siya. Tumingin lang ako sa malayo.
Ayokong maghuramentado na naman ako kakatitig sa kanya.
“Matagal ko na tong gustong sabihin sayo, Riel. Simula pa noong binubully pa kita, hanggang ngayon na kaibigan na kita…” Napatingin muli ako sa kanya. Nakayuko na siya ngayon. Huminga siya ng malalim. Argh! Kinakabahan ako.
“I like you… Or should I say… I’m in love with you.” Napatulala ako sa sinabi niya. My hearts skipped a beat. Argh!
“I think I’m in love with you too…” Biglang lumabas sa bibig ko. Napaangat siya ng tingin at napangiti sa sinabi ko. Argh!
“Talaga?” Muling tanong niya. Napatango naman ako bilang sagot.
Nabigla na lang ako sa paglapit ng kanyang mukha sa akin. Napaatras ako ngunit nanlaki na lamang ang aking mga mata dahil sa paglapat n gaming mga labi.
Pwede na akong mamatay!
-----
Ilang beses na akong nahulog dito sa kama ko dahil sa pagulong-gulong.
Argh!
First kiss ko si Red! As in, the one and only, Jared Isaiah Ariola! Nyeta!
Sinasakal ko na nga ang sarili ko para magising kong panaginip ba yun. Kung oo, gusto ko na lang matulog! Hahaha! Ngunit, subalit, datapwat, ako’y hindi tulog. Kaya ngayon, parang bombang sasabog ang aking puso!
Argh! As in Argh talaga! A-R-G-H!
FLASHBACK
“Totoo ba talagang mahal mo na rin ako?” Saad niya matapos ang matamis na halik niya sa akin. Hay!
Sa sobrang bigla ko sa ginawa niya, ay hindi man lang ako gumalaw! Argh! Ayun tuloy, hindi man lang passionate kiss ang nangyari. Lols!
Tanging tango lamang ang naisagot ko sa kanya.
“So… that means… tayo na?” Nanlaki ang mga mata ko sa bigla ng sabihin niya yun. Argh!
Tango. Iling. Tango. Iling. Yan ang mga naisagot ko sa kanya. Hindi pa pwede! Argh! Naalala ko kasi na nagtapat din si Eli sa akin. Aish! Pano na ‘to? Eli likes me, but Red loves me! Hay!
“Bakit? May problema ba? You love me, I love you. The feeling is mutual.” Bumuntong-hininga siya matapos niya yung sabihin. “It’s Eli, right?” Halos lumuwa na ang mga mata ko sa sobrang gulat sa mga nangyayari. Ba’t niya alam?!
“I’m sorry to say this, pero, nakita ko kayo na magkasama sa gazebo. I didn’t meant to eavesdrop, or whatsoever, pero narinig ko yung pagtatapat niya sa’yo.” Nang sabihin niya ‘to ay nasilayan ko sa kanyang mukha ang lungkot. Argh!
Hindi ko pa alam kung anong gagawin ko!
“Uhm…” Pagsisimula ko. Ayoko pa sanang magsalita, mawawala yung dampi ng mga labi niya sa labi ko! Lols! That was my first kiss! It was with Red!
“Ano yun? Makikinig ako.” Tugon niya sa akin.
“E kasi… Hindi ko pa alam ang gagawin, Red. Pwede bang pag-isipan ko muna to?” Napatango na lamang siya. Alam kong maiintindihan niya ‘to.
I’m torn between two lovers, hindi ito simpleng problema. Pero alam ng puso ko kung sino ang mas matimbang. I just don’t want to hurt Eli. He’s my friend, after all.
END OF FLASHBACK
Hindi ako nakatulog nang gabing yun, kaya para akong zombie ngayon. Aish! Ang sakit pa ng ulo ko! Putek! Dahil sa kakaisip ko doon sa halik, namaga rin ng husto ang eyebags ko!
Pero hindi lang yun no! Syempre, yung tungkol sa dalawa kong kaibigan na nagtapat sa akin. Paano kaya ‘to? Naikonsulta ko pa naman kay Lord God na yung unang magtatapat sa akin e, yun yung paglalaanan ko ng pansin.
Argh!
Pero… Mahal ako ni Red! Argh! Considered ba yun na una? Since si Eli, gusto niya pa lang naman ako? Hays! Lalabas na ako yung masama rito e! Argh!
Buti na lang at Sabado. I don’t need to explain to Brett, dahil sa itsura ko ngayon. Pagtatawanan na niya naman ako, for sure.
Nagluto lang ako ng makakain ko para sa aking almusal. Buti may natitira pa akong groceries galing sa pamilya Chua. Napakabait talaga ng pamilyang yun, kahit na hindi na naman dapat, hindi pa rin sila nakakalimot.
Tss. Ang sakit talaga ng ulo ko. Hays! Iinom na lang siguro ako ng gamot pagkatapos kong kumain. Tutal, weekend naman, magpapahinga ako ngayon.
Kinabukasan, naghanda ako sa pagsimba at pagpunta sa puntod ng aking mga magulang, kapatid, at ni Kuya Terrence. Routine ko na ‘to. I’ve never missed Sunday’s without visiting their graves.
Pagkatapos ng misa ay agad akong nagtungo sa sementeryo kung saan nakalibing ang pamilya ko. Hindi na rin naman ako nagtaka na maaabutan ko ang pamilya Chua doon. Every weekends din ang pagbisita nila dito e.
“Kuya Riel!” Bungad agad sa akin ng kapatid ni Kuya Terrence. Si Joyce. Kahit kailan talaga ‘tong bata na ‘to oo. Haha. Pero yun yung maganda sa personalidad niya. At her early age, naranasan na niyang mawalan ng kapatid. She’s only 10, yet, wala na ang kuya niyang nagtatangol parati sa kanya sa tuwing may mga nangbubully sa kanya sa school.
She’s a miracle baby. Tita Rina and Tito Armando never expected that they’ll have another child. Pero, heto siya ngayon, lumaking masayahin.
Napayakap na rin ako sa kanya. “Kumusta, Joyce?” Tanong ko sa kanya.
Nagtungo ang aking paningin sa mag-asawang Chua. Ang swerte pa rin ni Joyce, kahit wala na ang Kuya niya, at least, her Mom and Dad, are still here to guide her.
Nagbalik ako ng tingin sa nakayakap sa akin nang magsalita ito. “Okay naman, Kuya! Ikaw? Do you still have groceries? Pagkatapos sana namin dito e, ibibili ka namin ng supplies mo.” Masayang sagot nito sa akin. “Pero naisip ni Dad na baka pumunta ka ngayon dito, kaya nag-antay pa kami, at hindi nga siya nagkamali.”
Hinatak na niya rin ako papalapit sa kanyang mga magulang.
Napangiti at napailing na lang ako sa sinabi niya. They’re one of the nicest families I’ve ever known. Katulad din ng pamilya ni Brett.
Nang makarating kami ni Joyce doon ay inilatag ko lang yung dala kong bulaklak sa gitna ng puntod ng apat kong mahal sa buhay, nagsindi rin ako ng apat na kandila. Pagkatapos noon ay nagmano ako sa dalawang nakakatanda. Napangiti naman si Tita sa aking ginawa.
“I’m happy that you’re okay, Riel.” Saad nito sa akin.
Napangiti ako sa kanya. “Opo. Kinakaya ko naman po. That’s what they’ve asked me to do.” Pagtukoy ko sa mga nasa langit na ngayon. I’m sure. “And it’s all because of you too, Tita, Tito and Joyce.” Dagdag ko pa.
“Handa naman kaming tumulong sayo. After you graduate college, kung gusto mo, sa amin ka na lang magtrabaho.” Ani Tito Armando.
Napatango naman ako.
“Iniisip nga nina Mom and Dad na ampunin ka na lang, pero sabi nila, tatanggihan mo ang offer na yun.” Nagulat ako sa sinabi ni Joyce. Wala na talaga akong masasabi pa tungkol sa pamilyang ito.
Kahit hindi kami mayaman, tinanggap nila ang Ate Karisma, bilang kasintahan ng kanilang anak, ni Kuya Terrence. Hindi sila tulad ng ibang Chinese Families na strikto sa pag-aasawa ng kanilang panganay na lalaki.
“Bakit, Kuya Riel?” Dagdag ni Joyce. Tama sila Tita at Tito.
Ayokong kaawaan. Kaya ko naman ang sarili ko. Hindi ako tatanggi sa tulong tulad ng mga binibigay nila sa akin. Pero yung, magpapaampon, hindi. Basta.
Tumingin muna ako kila Tito Armando at Tita Rina na naghihintay din ng sagot mula sa akin. Nagbalik ako sa kay Joyce na nakatingala pa rin sa akin. Napangiti ako sa kanya.
“Joyce, okay lang ako, kahit mag-isa ako. Ayokong kaawaan niyo ako dahil sa sitwasyon ko ngayon. Matanda na ako. I know, makakahanap na rin naman ako ng mapapasukan ng trabaho, kahit part time lang.” Napabuntong hininga ako.
“Okay na sa akin na tinutulungan ninyo ako sa pang-araw-araw kong kailangan, pero yung tungkol sa iba. Ako na ang bahala doon.” Napatango naman siya. Ewan ko kung naintindihan niya na ba ako o hindi. Pero ang ngiti sa kanyang mukha ang makakapagsabing ramdam na niya ako.
Makalipas ang isang oras na pagninilay-nilay, ay umalis na kami doon. Hindi ko kasi natanggihan ang pamilya sa kanilang pag-anyaya sa akin. Sasama ako ngayon sa kanila sa Mall para sa monthly supplies ko raw ng groceries.
Pero bago yun, kumain muna kami sa isang restaurant. Magtatanghali na rin naman kasi.
Nang makapagorder na sila Tita Rina ng aming makakain ay agad siyang humarap sa akin. “How’s your studies, Riel?” May ngiti sa labi nang sabihin niya ito.
“Okay naman po, Tita. Top 2 po ako ngayong kakatapos lamang na Prelims.” Tugon ko sa kanya.
“Very nice! Kung gayon, dahil malapit ka nang grumadweyt, anong course ba ang gusto mong kunin?” Tanong naman sa akin ni Tito Armando.
“Salamat po.” Sa totoo lang, iniisip ko pa rin kung ano ba talaga ang kukunin ko sa college. “Gusto ko po sanang Culinary Arts, pero hindi ko po alam kong kakayanin ko. I’m also thinking about Business Ad, or the likes. Yung may kinalaman po sa business.” Dagdag ko.
Nagkatinginan naman yung mag-asawa.
“Well, good choice! Mostly kasi ng mga kailangan ngayon ay may kinalaman sa business.” Saad ni Tito Armando. Napatingin siya kay Tita Rina at tumango. Si Joyce naman, nakikinig lamang.
“So, I suppose, magaling kang magluto? You want to be a Chef?” Masaya niyang tanong.
“Hindi naman po sa pagmamayabang, pero, opo, Tita. Yun po yung sabi ng mga nakakatikim ng luto ko. Si Kuya Terrence din po.”
Napa-palakpak siya sa sobrang tuwa. Nakangiti na sinuway siya ng kanyang asawa.
“I’m sorry. Naexcite lang kasi ako masyado.” Ngumiti siya ng mahinhin sa kanyang asawa. “Riel! Good thing na nasabi mo sa amin yan! Hindi pa siguro ‘to nasasabi sayo ng Kuya Terrence mo, pero nagtayo kasi kami ng Culinary School.” Napaangat ako ng tingin ng sabihin yun ni Tita. “Alam mo naman, since restaurants yung business namin, well aside from our accounting firm…” Napangiti na lang ako sa isiping makakapag-aral ako sa gusto kong kurso.
“Talaga po?” Excited kong tanong.
“Yes! And we’re offering scholarships too. Syempre doon sa deserving. Base on your situation ngayon, our board members will definitely grant your scholarship.” Masayang tugon sa akin ni Tita.
“So ibig sabihin nun Mom, magiging Chef si Kuya Riel ng isa sa mga restaurants natin? Yey! Gusto ko na rin maging Chef!” Tanong ni Joyce.
Natawa naman kami sa kanyang inasal. “Anak, masyado ka pang bata, para isipin ang mga bagay na yan. Dapat sayo, magpakabata, habang bata ka pa. Kasi maraming magbabago, kapag tumanda ka na. You’ll regret things na hindi mo nagawa, dahil inisip mo kaagad ang hinaharap. Things may change, at isa na doon ang magiging pangarap mo sa buhay.” Saad sa kanya ng ina.
“Yes, baby. For now, just enjoy being a kid. ‘Wag kang gumaya sa amin ng Mom mo na maagang tumanda, dahil sa pangpipressure ng aming mga magulang. Kaya nga ayaw namin kayong matulad ng Kuya mo sa amin. We’ll let you choose the path, you really wanted to go.” Ani Tito Armando kay Joyce.
Ang saya sigurong maging magulang nila Tito Armando at Tita Rina, pero hindi ko sinasabi na hindi naging masayang magulang sina Mama at Papa. Sila pa rin ang The best of the best!
“Thank you, Mom! Thank you, Dad!” Masayang tugon ni Joyce sa mga magulang.
Dumating ang mga inorder nina Tita na mga pagkain sa aming mesa. Ang daming nakahain! Hindi ko alam na restaurant din pala nila ito. Grabe! Namangha talaga ako.
“We’ll let you choose the restaurant you want to be in, Riel. We have 5 restaurants, at lahat ng yun may kanya-kanya ng branches sa iba’t ibang parte ng Pilipinas, isa na tong kinakainan natin ngayon. It’s all up to you. Just give your best to your studies, kami na ang bahala sa’yo kapag nakagraduate ka na.” Napatango na lang ako sa tinuran sa akin ni Tita Rina.
Feeling ko tuloy mas excited pa siya kaysa sa akin. Wala na talaga akong mahihiling pa sa pamilyang ito.
Matapos naming kumain, ay agad kaming nagtungo sa Mall, para maggroceries. Tumangi na sana ako, ngunit sabi ni Tito, “We’re not taking no, for an answer. Don’t worry about the expenses, we can handle it.”
Kaya ayun, andito kami ngayon sa supermarket ng mall. Si Joyce, lagay lang nang lagay sa pushcart. Sabi kasi ni Tita, siya raw lahat pumili ng mga groceries ko noong nakaraang buwan. Kaya alam na niya ang mga ibibigay sa akin.
Mayroon ding isa pang pushcart para naman sa kanila.
“Riel, minsan, punta ka sa bahay ha? Ipagluto mo kami.” Pagkuha sa atensyon ko ni Tita Rina. Sina Joyce at Tito Armando kasi ay busy sa pagkuha ng mga bibilhin.
Napangiti ako sa kanyang tinuran. “Sure po, Tita. Anytime. Just call or text me.”
“Alam mo, we really wanted to adopt you. Gusto naming magkaroon muli ng anak na lalaki. I mean, Terrence won’t be replaced, namimiss lang kasi namin. Alam mo na.” Sabi niya habang sinusundan ng tingin ang kanyang mag-ama.
Napatango naman ako sa sinabi niya. Kuya Terrence was their first born. To think na importante sa mga Chinese ang anak na lalaki, sila kasi ang magmamana ng lahat.
“Sorry po Tita kung tatanggihan ko kayo, gusto ko rin naman po magkaroon muli ng pamilya. Pero, nakakahiya na po sa inyo. Alam ko po na kaya niyo naman, pero sapat na po sa akin itong ngayon. Yung lahat ng tulong na naibibigay niyo sa akin. Kahit yun na lang po ang tatanggihan ko sa inyo.” Napakamot ako sa batok. “Ang hirap niyo po kasing tanggihan.” Natawa ako sa aking sinabi.
Napangiti na lamang si Tita sa akin. “Naiintindihan kita, Riel. Nirerespeto namin ang desisyon mo. Masaya na rin kami at hindi mo na kami tinatanggihan sa mga binibigay namin sayo.”
“E kasi naman, Tita. Paano ko pa tatanggihan e, pagdating sa akin, bili na. Sayang naman po yung effort at tsaka pera niyo kung tatanggihan ko pa.” At parehas na kaming natawa.
-----
Maaga akong pumunta sa school ngayon. Ayoko munang umangkas sa motor ni Red. Baka mahulog ako sa sobrang paghuhuramentado ng puso ko.
Hindi pa rin kasi maalis-alis sa isipan ko ang halik na yun. The first kiss I have ever received! Received kasi hindi ko naman nalasahan! Syet lang! Lols!
Nagulat nga siya nung nasa classroom na ako nang dumating siya. Nagkakatitigan kami pero nauna lang ako sa pagbitiw ng tingin. Argh! He’s making me nervous!
“Hi Riel!” Bati sa akin ni Eri. Napalingon naman ako sa aking likuran.
Nahagip ng mga mata ko ang nakasunod sa kanya na si Eli. Nakangiti lamang siyang nakatitig sa akin. Argh! Naalala ko tuloy na manliligaw ko na siya! Argh talaga! Paano na to?
Nang tumingin muli ako sa upuan ni Red ay matiim niyang tinitingnan si Eli. Aish! Papaano ko ba sasabihin kay Eli na hindi na kami pwede? Alam na ng puso ko kung sino ang tinitibok nito.
Wala ata akong magagawa kung hindi ang iwasan muna silang dalawa ngayon. I have to think about it today. Kung hindi ko makaya ngayon ay may susunod na araw pa naman! Hayst! Hindi ko ata kayang hindi sila makausap!
After morning classes agad akong pumunta sa field kung saan makakapagmuni-muni ako ng mag-isa. Sabi kasi nila, marerelax ka sa tanawing puno ng kulay berde. Medyo mapuno kasi sa parting ito.
Argh! Hindi ako makapag-isip! Ayokong saktan ang kalooban ni Eli. Mas mabuti na sigurong sabihin ko na sa kanya, habang maaga pa, kesa naman sa patagalin ko di ba? It’ll make him hurt even more.
Inilagay ko na lang muli sa magkabilang tenga ko ang aking earpods. Tutal may isang oras pa bago mag-afternoon classes, mag-iisip muna ako rito. Nag-set na rin ako ng alarm, kung sakali mang makatulugan ko ang pag-iisip.
No One’s POV
Nakikinig lamang sa kanyang iPod ang nakaupo sa ugat ng malaking puno ng Narra si Riel. Hindi niya napansin na naglalaro pala run ang mga tiga-Baseball Team. Masyado kasing malalim ang iniisip nito buhat nang makarating siya sa nasabing puno.
Isang malakas na palo ng baseball bat ang nagpalipad sa bola patungo sa direksyon kung saan naroroon si Riel. Hindi iyon matantsa ng mga miyembro ng baseball team kung saan ba iyon babagsak. It seems like, it may be a home run.
Nang makita nila na mayroon palang tao run sa posibleng babagsakan ng bola, ay agad na nagkaroon ng sigawan. Ngunit sa halip na makuha nila ang atensyon ni Riel, ay hindi man lang nito magawang lingunin sila dahil sa earplugs na nakalagay sa tenga nito.
Isa sa mga magaling na catcher ng team ang agad na tumakbo nang napakabilis patungo sa direksyon ni Riel. He knows, Riel. Musika ang nagpapakalma sa kanya, he might be sleeping right now.
“Riel! Riel!” Sigaw niya sa hindi pa rin umaalis sa pwesto na si Riel.
“RIIIIIIIIIIIIIIIIIIIEL!” Pag-uulit niya. Malakas. Yung tipong kung sino man ang tinatawag, kahit nasa malayo ay maririnig pa rin.
Agad namang napamulat ng kanyang mga mata si Riel. Tumingin siya kung saan-saan para makita kung sino ang tumawag sa kanya. Nakita niya ang pamilyar na mukha na mabilis na tumatakbo patungo sa direksyon niya. Hindi niya matukoy kung sino ito.
Agad namang itinuro ng lalaki ang bola na papabagsak sa eksaktong spot kung nasaan siya.
Nanlaki na lang bigla ang mga mata ni Riel sa nakita. Bola ito na ginagamit sa larong baseball. Alam niya na hindi pa man ito napapalo ay medyo may kabigatan na ito, paano pa kaya kapag napalo ito ng malakas at bumagsak mula sa ere.
“Riel! Alis na! Bilis!” Sigaw muli sa kanya noong pamilyar na lalaki.
Hindi makakilos si Riel sa sobrang kaba. He never moved a muscle. Konting oras na lang ay matatamaan na siya nito. All he did is close his eyes and wait for it to hit him. Yun yung tanging naisip niya.
He waited. Waited until… the ball stricken him. Actually, yung gloves na yung tumama sa kanya. Agad kasing nasalo noong lalaki ang bola ng baseball ngunit, dahil sa lakas ng impact noong pagsalo ng bola, ay tinamaan sa mukha si Riel.
“Riel! Okay ka lang ba? I’m sorry.” Sabi noong lalaki. He’s really familiar. Saad ng kanyang isipan bago siya nawalan ng malay. Hindi man lang niya nakitang nainjured din pala yung familiar na lalaki.
Riel’s POV
Nagising na lang ako na purong puti ang nakikita ng aking mga mata. Argh! Nasa langit na ba ako? OMG! Hindi ‘to pwede! Hindi ko pa nga sinasagot si Red! Lord! No!
Naputol ang pag-iisip ko nang mayroong magsalita.
“Doktora, gising na po si Mr. Dela Rama.” Saad nito.
Napabuntong hininga naman ako. Nasa Infirmary lang pala ako. My bad. Haha. Sorry po, Lord God sa istorbo!
“Kumusta Riel? Are you feeling alright now?” Napakurap-kurap ako nang tumingin kay Doktora. Tumango na lang ako bilang tugon sa kanya.
“Aalis na po ako, may pasok pa po ako e.” Nasabi ko bigla out of nowhere kay Doktora. Argh! I can’t miss my classes!
“Nope! You’re not going anywhere. Magpahinga ka na lang dito. Besides, 2 hours na ang nakakalipas simula noong magpassed-out ka.”
“WHAT?!” Bulalas ko. 2 hours? My Gahd! Bakit ganoon katagal?
Naalala ko na may kung ano palang humampas sa mukha ko noong nasa field ako. Napahawak ako sa parte ng ilong ko na may bondage ngayon. Oh no! My precious nose! Ang tanga ko kasi e! Sana umilag na lang ako! Argh! Tuloy, ngayon, mapapango na siguro ako nito. Argh!
“Ano pong nangyari sa ilong ko Doc?” Nag-aalalang tanong ko kay Doktora.
Bigla namang naging seryoso ang mukha ni Doktora, matapos ko iyong itanong sa kanya. Inayos niya rin ang kanyang salamin.
“Ehem. Ehem.” Pag-aayos niya sa kanyang boses. “I’m sorry to say this pero, basag na ang ilong mo. Well, pwede pa naman yang maibalik, thru surgery.”
“ANO PO?!” What?! Pambayad nga sa tubig at kuryente, nagkukulang ako, pagpapasurgery pa kaya!
Nangilid ang mga luha ko sa aking mga mata. Nasayang ang ganda ng napakatangos kong ilong! Argh!
Katahimikan ang bumalot doon. I know right! It is really hard to hear and accept that someone’s nose will never be replaced kasi wala siyang pambayad sa surgery. Argh!
Napabuntong hininga ako nang makarinig ng isang tawa mula sa isa sa mga nurse ni Doktora.
“Doktora! Ikaw po talaga! Ang hilig-hilig niyong pagtripan ako!” Saad ko.
“Sheena naman e! Panira ka ng moment!” Parang batang baling ni Doktora kay Nurse Sheena.
“Sorry po Doktora, hindi ko mapigilan e.” Tugon nitong tumatawa pa rin.
“Hay nako! Alis na po ako! Niloloko niyo lang naman ako e!” Aktong tatayo na sana ako nang pigilan ako ni Doktora.
“Hep! Hep! Di ba sabi ko, you’re not going anywhere! Aba! Chance mo na ‘to! Magpahinga ka riyan. Don’t worry, you’re excused already. We have reported it to your homeroom adviser. Besides, andito rin naman si Mr. Alarcon, he’s injured too.” Paliwanang ni Doktora.
Sino raw? Si Josh? Siya lang naman ang kilala kong Alarcon. Remember? Yung puro pagkain ang nasa isip. Haha!
“Bakit po siya na-injured?” Tanong ko. Pagkain lang naman nasa isip nun e. E di dapat, hindi natunawan. Ganun! I’m so rude. Haha! Normal na yun sa kanya. We’re friends. Actually, magkasama na kami sa A Section simula pa noong Grade 7.
“Hindi mo ba alam na siya yung sumalo noong bola?” Nagtatakang tanong ni Doktora.
Napailing ako. “E. Payat po yung nakita kong papalapit sa akin, hindi mataba. Paano po magiging si Josh yun?” Pagpapaliwanag ko sa kanya.
Nanlaki ang mga mata ko noong naalala ko na nasa Baseball Team pala siya. Pero imposible. Hindi ko rin kasi masabi dahil hindi ko siya napapansin lately.
Agad akong napatayo sa aking kinahihigaan at agad na binuksan ang kurtina noong katabing cubicle ng kinahihigaan kong kama para sa mga pasyente ng Infirmary.
“JOSH?!” Halos pasigaw kong tawag sa kanya dahil sa gulat.
“Hi, Riel!” Masaya niyang tugon sa akin.
Kaya pala pamilyar siya nung tawagin niya ako sa field kanina. Nasanay kasi ako na mataba siya sa paningin ko. Hindi naman siya talaga ganun kataba. Chubby siguro. Ewan, basta yun na yun.
“I can’t believe this! Last month mataba ka pa di ba?” Gulat pa rin ako sa itsura niya na ngayon.
“Well, ito siguro ang epekto dahil in love ako. Hahaha!” Paliwanag niya.
“Wow ha! Good for you!” Saad ko.
“Sige na! Magpahinga na muna kayo rito. 4:30 PM pwede na rin naman kayong lumabas. Balik muna kami sa quarters ha? Maiiwan naman dito si Ailey, if you need anything, just tell her, okay?” Pagputol sa amin ni Doktora.
Andito pala sila. Medyo nacarried-away ata ako sa pagkapayat ni Josh ngayon. Napakamot na lang kami ng batok ni Josh nang magkatinginan kami. Tumango kami kay Doktora bilang tugon sa bilin niya.
He’s Josiah Alarcon. Mas gusto niyang tinatawag na ‘Josh’ kasi nakakabulol daw yung ‘Josiah’. We’re friends, pero mas inaatupag niya ang pagkain kaya hindi kami mayadong nagkakasama sa mga paglabas-labas or the likes, at hindi rin siya masyadong stand-out sa klase. He ranked 12th last Prelims.
“Nakakagulat talaga ang pagkapayat mo ngayon. Sobra!” Saad ko nang makabalik ako sa pagkakahiga.
Kung susukatin kasi, isang kama lang naman ang pagitan ng mga kama namin dito sa Infirmary. Nakatingin lamang siya sa kisame, samantalang ako naman ay nakatagilid na nakaharap sa kanya. I’m not attracted! May Red na ako no! Self-proclaimed lang! Haha! I’m just curious about the new Josh.
Napatango na lang siya. “Sabi nga rin nila.” Matipid niyang sagot sa akin.
“Ano bang nakapagpapayat sayo? Ang bilis e. Sorry for asking, curious lang.”
Tumagilid din siya paharap sa akin.
“Pinakuluang Cabbage, Celery, Tomatoes and Onion. Add salt to taste.” Nagkibit balikat siya. “Sa una hindi ako makapaniwalang nakakapagpapayat ang kumain nun. Pero tingnan mo ako ngayon. Tiniis ko ang pagkain nun for 2 weeks just to get this.” Tinuro niya ang kanyang katawan. “Sinimulan ko na ring magexcercise every morning and after class.” Dagdag niya.
Napangiwi ako sa naisip kong lasa noong kinakain niya. Buti na lang hindi ko problema ang metabolism ko. Malakas akong kumain pero, hindi ako tumaba ng ganun sa kanya dati.
“Anong lasa nun?” Tanong kong muli.
“Parang nilagang baboy na walang lasa ng baboy. Basta, di ko maexplain. Haha! Buti na lang kahit konting asin, meron yun. Bawal kasi ang masyadong maalat. Ganun talaga siguro kapag in-love. Titiisin mo lahat, just to get the attention of the person who made your heart skipped a beat.” Anito.
Napatango na lang ako sa kanya. Narealize ko na iba-iba ang epekto ng love sa mga tao. Sabi nga nila, proven and tested na raw na LOVE IS BLIND e. Pero hindi natin maiiwasan na mag-isip ng kung anu-ano, kapag napapansin nating nag-iiba na ang pakikitungo sa atin ng ating mga minamahal.
Insecurities. Number 1 na dahilan. So we will find ways just to make them stay.
Pero mayroong nakapagsabi sa akin na wala dapat standards pagdating sa pag-ibig. LOVE IS LAWLESS. Yun bang, no one is allowed to stop you. Walang makapagsasabing hindi tama ang ginagawa mo, na na-inlove ka sa maling tao. Do as you please, ika nga.
Hindi naman masamang subukan lahat pagdating sa pag-ibig. Dalawa lang naman ang magiging resulta kapag nag-take tayo ng risk e. Happiness and Downfall. Nasa sa atin na yun. Basta kapag nadapa, ay matuto tayong bumangon.
Ending our life isn’t an option nor the best solution. We just need to learn the process of moving on.
4:30 nga noong lumabas kami ni Josh sa Infirmary. Inalok ako ni Josh na magmeryenda muna tutal, 5 PM pa naman ang meeting namin sa SC, kaya pumayag na rin naman ako. Pagkatapos naming bumili ng aming mga kakainin, ay agad kaming nagtungo sa malapit na bench doon sa field.
Nalaman ko sa kanyang may laban silang pinaghahandaan para bukas. Buti na nga lang daw ay hindi natapat doon sa pag-alis namin sa makalawa. Gusto niya kasi na andoon siya para sumalo ng mga bola galing sa kalaban, he can’t let their team to lose. Compulsory pa man naman yung Field Trip para sa mga Seniors.
Buti pa nga sila, kapag may laban lang mag-iensayo. Sila Red, lage! I wonder kung makikita ko siya ngayong hapon sa SC. Napagtanto ko na naman yun matapos lamang yung interview nila.
“Bakit nakabusangot ka riyan?” Saad niya habang kakagat sana ng Tuna Sandwich. Aba Matinde! Kinacareer ang healthy living. Take note! Nirequest niyang wheat bread ang gamitin ha! Buti na lang may stock doon sa canteen.
Napangiti tuloy ako ng pilit. “Wala, may naalala lang ako.” Pagsisinungaling ko.
Napatango naman siya.
“May sasabihin ako sa’yo Riel.” Diretsahang saad nito.
Bakit kinabahan ata ako? Am I just assuming? Argh! May problema pa nga ako kila Red at Eli e!
“Hmmm.” Tanging tugon ko. Para wala akong masabi na kung anu-ano ay kumagat na lang ako sa burger na binili ko.
“Tungkol ‘to doon sa taong nagpatibok ng puso ko.” Aniya.
Agad akong napatingin sa kanya. Pero nakatingin lamang siya sa malayo. Sinundan ng aking paningin ang tiningnan niya. Yung isang kateam niya pala ay napalo ng napakalakas yung bola. Ang galing!
“Home run!” Napatingin ako sa kanyang mukha. May ngiti na gumuhit sa kanyang napakaamong mukha. “Sigurado na ang panalo namin bukas!” Dagdag niya.
“Good luck sa inyo bukas!” Napatingin naman siya sa akin.
“Saan na nga tayo? Sorry ha? Natutuwa kasi ako sa mga kateam-mate ko. They’re dedicating this match for me. Kaya gagalingan daw nila.” Napatango na lang ako sa kanya at inilipat ang tingin sa mga naglalaro ng baseball.
‘Til 5 PM lang din sila kasi rito. Beyond that, soccer team naman ang gagamit ng field. Argh! I wish I could watch Red playing soccer too! Kaso nga lang, SC ang priority ko! I’m the President! Duh! Argh!
“Uhm… Doon sa taong nagpatibok ng puso mo?” Nakatingin pa rin ako sa malayo. Nako! ‘Wag sana ako. ‘Wag sana akong paproblemahin ng isang ‘to! Argh! Masyadong assuming! Baka babae naman!
Oo nga naman! Hindi ko naisip na hindi naman pala katulad ko si Josh. Pero I haven’t seen him with girls. Kila Eri, at Ate Xynth lang naman siya laging nakikiusap, pati na rin sa katabi niyang si Lea.
“Hmmm.” Napatango siya. “When I first saw him…”
“HIM?!” Napatingin tuloy ako sa kanya dahil sa bigla. “You mean?!” Nangungusap ang mata ko na nakatingin sa kanya. Napatango na lang siya sa aking gustong ipaabot.
“Hindi naman natin talaga malalaman kung kanino mahuhulog ang ating puso di ba? Just like you, I fell for a guy.” Paliwanag niya.
Napatango naman ako. Gaya na lamang ng ginawa sa akin ni Kupido!
Tama naman siya. There’s no such thing as Love Doctrine. Kesyo ang lalaki ay dapat lamang sa babae. I’m tired of it. Sana naman, maging open-minded naman na ang mga tao ngayon.
“I’m fat. Noon yun…” Pagsisimula niya. Kumagat muna siya sa tuna sandwich na kinakain niya. “Noong hindi ko pa siya nakikita. Love at first sight was my basis. Kaya heto ako ngayon, healthy living, para mapansin ng taong nagpatibok ng aking puso...” Dagdag niya.
Hinayaan ko siyang magpatuloy. I want to know who inspired him to be in this situation right now.
Kumain na rin lamang ako ng burger na binili ko. Nakatingin siyang muli sa malayo.
“Ganun nga pala talaga no? Kapag may nagustuhan ka, kahit ‘di naman dapat, babaguhin mo, mapansin ka lang ng taong yun…” Pagpapatuloy niya.
“Pero, para sa akin, di ba, hindi naman basehan ang pisikal na anyo para lamang magustuhan ka rin nung taong yun? I mean, love is never particular about who will be your life time partner. No standards at all! Aba! May nagmamahal na nga sa kanya, choosy pa!” Sabi ko. Natawa naman siya.
“Bakit?” Dagdag ko. Napailing naman siya sa tanong ko.
“Well, kung ang karibal mo sa puso niya ay isang Gabriel Dela Rama, sino ba ako para hindi mainsecure di ba?” Diretsahan niya tugon sa akin.
“AKO?!” Naging magugulatin na ata ako ngayon! Haha! It started with that kiss! Haha!
Nawala yung saya sa isip ko nang mapagtanto ko na KARIBAL daw! Ermegerd! Sino?!
Napatingin ako sa kanya. Nag-aantay ng sagot.
“Hala! ‘Wag kang magalit! Tingnan mo kaya sa salamin ang kilay mo. Haha!” Pag-iba niya sa galit-galitan kong segment.
Natawa naman ako sa naturan niya sa akin. Umayos ako ng pagkakaupo at kumagat muli sa burger ko.
“No worries, Riel. Hindi siya yun. Alam ko, na siya na ang pinili mo. I saw you last week sa stage. Nakakainggit! He’s your first kiss right?”
Nanlalaki ang mga mata ko sa narinig ko.
“Ano?! Nandoon ka?” Bulalas ko.
Napakibit balikat siya. “Akala ko kasi si Eli ang kakatagpuin mo e. Missing in action ako lagi kasi may pinaghahandaan nga kami di ba?” Napatango ako.
What? Si Eli ang gusto niya? Bago pa man ako makapagsalita ay nauna na siya.
“Alam ko kasi na nagtapat sa’yo ng pagkagusto si Eli. Nalaman ko kay Eri. Kaya nga dikit ako ng dikit sa kanya. Haha! Alam ko rin na may gusto sa’yo si Red. Sa mga tingin niya pa lang sa’yo. Shoot! Confirmed! Ewan ko nga sa kanya kung bakit binubully ka niya noon.” Napatango na lang ako.
He deserves to know the whole story. Pero sa oras na ito, kwento niya muna ang pakikinggan ko.
“So it’s Eli, huh? Uuuuuuuy!” I poked him on the hips. Napangiti naman siya. “Hay! Yun nga pinoproblema ko ngayon. I don’t want to hurt Eli. After all, kaibigan ko na rin naman siya.” Nanlumo ako sa hindi ko pa rin maisipan ng paraan na problema ko.
“Ganun naman talaga sa pag-ibig e. Sometimes, following your heart, means breaking someone else’s. Nakapili na siya, I mean ang puso mo. ‘Di ba dapat, sabihin mo na doon sa isa na wala kayong pag-asa…” Aniya.
“Mahirap?!” Tipid kong tugon sa kanya.
“Mas mabuti pa na sabihin mo na ng mas maaga, habang hindi pa malalim. Yung tipong nasa core na ng earth ang lalim. Para hindi rin ganoon kalalim ang sakit.” Pagkukumbinsi niya sa akin.
Tama naman siya. I don’t want to hurt Eli that deep. Yung tipong hindi na siya makakabangon.
“Si Red ang laman niyan.” Saad niya sabay turo sa aking dibdib kung saan nakaposisyon ang puso. “Nakikita ko noon yun sa mga mata mo. Kung hindi ka nga lang binully ni Red noon, kayo na siguro ngayon. Pareho kong nakita yun sa mga mata niyo.” Nagkatitigan kami. Sabay lang kaming nag-iwas ng tingin sa isa’t isa.
“Masokista siguro si Red.” Napailing ako. Iniisip ko pa lang, nako! “Pero ngayon, he’s very sweet. Paano pala kayo nagkabati? Sorry! Missing in action ako lagi e! Wala pa akong info about Eli noon. Tapos inatupag ko pa ang pagpapayat, pero hindi pa ako nagtagumpay. Recently lang noong nasabi na sa akin nung pinsan ko yung ingredients nung kinakain ko ngayon.”
Napatango na lang ako sa mga sinabi niya. That’s what love did to him.
“Hoy! Ano ka ba! Cheer up!” Aniya sabay tapik sa balikat ko.
“Ayokong iwasan niya ako kapag nasabi ko na iyon sa kanya.” Pag-aalala ko.
“Natural na iyon. No worries. Ako ang bahala. Alam ko na maling pilitin siya na mahulog sa akin, pero, malay naman natin, magtagumpay ako di ba? Kakaibiganin ko muna siya for the mean time. To know him better. I’ll convince him to reconcile with you. Ipaparamdam ko sa kanya na andito naman ako para mahalin siya.” Nang sabihin niya yun parang kiti-kiti siyang nangisay.
Natawa ako sa ginawa niya!
“Huy!” Sigaw ko sa kanya. “Kung kiligin naman to! Haha!”
Umayos agad siya ng upo. “Sorry naman! In love lang! KJ nito, palibhasa lumalablayp! Argh!”
“Hahaha! Hindi pa nga kami e!” At nagtawanan na kami.
Natigil lamang kami sa pag-uusap nang marinig namin ang alarm sa buong school, hudyat na tapos na ang klase.
Nagpaalam lamang siya sa kanyang coach at sabay na kaming pumunta sa aming classroom para kunin yung mga bag namin.
Agad naman akong nakatanggap ng mga text sa mga kaibigan ko.
Nasaan ka na? Pinuntahan ka namin nila Eri and Eli sa Infirmary pero wala ka na. Andito na kami sa SC, dala ko na yung bag mo. We’re waiting for you here! Laman ng text ni Brett. Kahit kailan talaga si Brett!
Riel! Waaaaaah! Nasaan ka na? Saang ospital ba? Huhuhu! We’re worried! Baliw rin ‘to si Eri e. Kung makareact para namang naaksidente ako. Haha!
Hey! I’m worried! Nasan ka? It’s Eli. Pinakita ko iyon kay Josh.
“Argh! Kakainggit! Sana itext niya rin ako ng ganyan!” Sabi niya matapos mabasa ang text.
“Ano ka ba! No worries. Wala kang dapat ikaselos sa akin.” Tugon ko.
Napangiti naman siya. “Alam ko naman yun. Kailan mo ba sasabihin sa kanya?”
Sasagot na sana ako sa tanong niya nang may yumakap mula sa likuran ko. Ang amoy na yun! Argh! Lumapad din ang ngiti ni Josh sa nakikita niya ngayon.
Nararamdaman ko na nakabaon lang ang mukha ni Red sa balikat ko.
Is he crying?
Argh!
“Ah Red? Umiiyak ka ba? Bakit?” Pinanlakihan ako ng mata ni Josh.
Tanging iling lamang yung naisagot ko sa kanya. Hello! Hindi ko alam kung bakit?
Tinanggal ko ang pagkakayap niya sa aking baywang at iniharap ko siya sa akin. Siniguro ko na nasa harap ko pa rin si Josh. I want to talk to him gamit ang mga mata.
Pinunasan ko gamit ang aking hinlalaki ang mga tumakas na luha sa kanyang pisngi.
“Shhh. Bakit? Stop crying.” Pagkasabi ko noon ay niyakap niya akong muli, ngunit ngayon ay magkaharap na kami, nakapatong na rin ang baba niya sa balikat ko.
“I’m so worried, of course!” Halos pasigaw niyang tugon sa akin.
Nagulat man ako, pinamulahan agad ako ng pisngi. OMG! Dream come true! Haha! Ayun, si Josh, panay ang pagpag sa kung saan-saang parte ng kanyang katawan.
He mouthed. Ang langgam! Haha! Kainis ‘to! Mas lalo tuloy akong pinamumulahan ng mukha. As in mukha na!
“O-Okay na ako. Don’t worry!” Pagpapatahan ko sa kanya. Hinahaplos ko na rin ang likod niya. Argh! My heart is racing like hell! “Uhm. Don’t worry Red, okay na talaga ako.”
Bumitaw naman siya sa pagkakayakap sa akin. Argh! Ayoko pa e! Tss.
“It’s good to hear. Sorry kung hindi ako makakapunta sa SC ngayon ha?” Saad niya sabay nguso sa field kung saan naroroon na ang mga kateam-mate niya.
Napatingin din naman ako doon. Argh! Nakakalungkot nga!
“Ah… e, okay lang.” Napakamot lang ako ng batok. Pero sa totoo lang ay, nanghihinayang ako! Pero kung andun naman siya, e, baka wala kaming matapos.
He cupped my face and our eyes come across. “I’m sorry, Riel.” Makikita mo sa kanya ang sincerity. Yes. I can really say that, it is only Jared Isaiah Ariola, who owns this heart of mine now.
“Sige na, may practice ka pa.” Pagtatapos ko sa medyo makesong tagpong ito. Baka langawin na rin si Josh. I’ve promised to accompany him to get his stuffs sa classroom namin.
“Ihahatid na kita.” Aniya.
“Wag na, Red. Besides kasama ko naman si Josh.” Tumingin ako kung nasaan ang kasama ko. Napatingin rin siya kay Josh.
“Hi, Red!” Pagbati ni Josh sa kanya. May pakaway-kaway pa ito.
Napatingin bigla sa akin si Red. Nakakunot ang noong matiim akong sinusuri.
Napangiti ako sa kanyang tinuran. Ibang klase! Seloso ang future boyfriend ko. Haha! Oo! Sasagutin ko siya, sa tamang panahon! ‘Wag kayong excited!
“No worries, kaibigan ko lang siya.” Saad ko. Napatingin ulit siya kay Josh. Si Josh naman ay panay ang tango.
Umaliwalas ang mukha niya sa ginawang yun ni Josh.
“Tama na nga ang sweetness overload na pinapakita niyo sa akin! Baka naman masira na ang makinis kong kutis sa sobrang kagat ng langgam sa akin dito! May meeting ka pa Riel! Presidente ka kaya!” Pangbubuska ni Josh sa amin.
Napangiti pa tuloy ng todo si Red.
“Take care always, Riel.” Saad nito sabay halik sa pisngi ko. Di niya alintana ang mga estudyanteng dumadaan sa paligid namin. “Bye!” Sabay takbo patungong soccer room.
“Huy! Masyadong pahalata ah!” Biglang sigaw sa akin ni Josh. Seriously! Haha! “Tara na! 30 minutes ka ng late sa SC meeting niyo!”
“KJ nito! I just wanna feel this moment!” Saad ko.
“Ooooooooooooooh! I just wanna feel this moment!” Kanta niya. “Tss! Sino ka? Si Franz? Gaya-gaya!”
Natawa na lang ako sa kanyang sinabi. KJ! Haha!
Pumunta nga muna kami sa classroom namin para kunin ang mga gamit ni Josh. Buti na lang at best friend nito si Riley, kaya ayun hinintay niya pa si Josh, para makuha ang kanyang gamit.
OA rin tong best friend ni Josh. May payakap-yakap effect pa. Kung hindi lang siguro napakamanlyng tingnan ni Riley, siguro, mapagkakamalan ko na may pagtingin siya kay Josh. I wonder. Kaso nga lang, may girlfriend siya. So, never mind!
Nagpaalam na lang ako kay Josh at Riley. Tutal may kasama na si tabachoy, este Josh. Haha! Payat na pala siya!
Nag-elevator na ako patungo sa 3rd floor kung nasaan ang SC Room. Pagkarating ko sa tamang floor ay lumabas ako kaagad. Tumambad sa akin ang nakaupo sa sahig na si Eli, malapit sa pinto ng SC Room.
Nang maramdaman niyang may tao, ay agad siyang napatingin sa direksyon ko. Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko. Naisip kong muli ang gagawin kong pagbusted sa kanya.
Agad siyang tumayo at naramdaman ko ang kanyang mainit na yakap. Argh! May napatakas na luha sa aking pisngi. I’m guilty. Hindi ko pa nga nagagawa ay, masakit na para sa akin.
“Nag-alala ako sayo.” Bigla niyang sabi. He’s full of sincerity. Pareho sila ni Red.
Natigilan naman ako sa kanyang ginawa. But it’s nothing compared to what Red did. I really didn’t fell for him. I just wanted to be friends with him.
Noong una ko siyang nakita, no doubt na nagwapuhan ako sa kanya. Sinong hindi di ba? Si Josh nga. He even changed his lifestyle because of Eli.
Hindi iyon tungkol sa attitude niya noon sa akin. Si Red nga hindi ako makapaniwalang napatawad ko, si Eli pa kaya na dalawang beses ko lang namang nakaaway.
It’s just that… Hindi ko siguro makakayang makita siyang masaktan kapag sinabi ko na sa kanya ang desisyon ko. At mamaya na yun.
“Okay na ako, Eli. Salamat sa pag-aalala.” Ako na ang humiwalay sa pagkakayakap niya. Itinago ko sa ngiti ang pag-aalala tungkol sa malaking pagsubok na gagawin ko mamaya. “Let’s get inside?” Pag-alok ko sa kanya. Tanging tango ang kanyang naisagot sa akin.
Nakita na lang namin na nakatayo sa may pinto si Eri. She’s serious. Hindi naman ito pinansin ni Eli.
Naunang pumasok Eli sa akin. Papasok na sana ako nang hawakan ni Eri ang aking braso. Kaagad niyang isinara ang pinto ng SC at iniharap niya ako sa kanya.
Malungkot siya. “Nakapili ka na no?” Saad niya.
Nanlaki bigla ang mga mata ko sa sinabi niya. Lahat ba ng mga kakilala ko, alam na ang desisyon ko? Argh!
Napatango naman siya bilang sagot na alam niya. Napabuntong hininga rin siya. “Wala naman akong magagawa para diktahan ka na si Eli na lang sana. Puso mo yan. I’m just sad for my brother. Pero okay lang yun, Riel. Mabuti pa na sabihin mo na sa kanya nang maaga, kaysa patagalin pa. Isa lang ang hihilingin kong pabor sayo…” Tumigil muna siya para humarap sa lawak ng tanawin na makikita sa taas ng building na kinaroroonan namin.
“Anong pabor?” Tugon ko.
“Stay as his friend.” Pagkatapos niya yung bigkasin ay humarap siyang muli sa akin. “Eli told me everything. Lahat-lahat, kung gaano ka niya kagusto. He’s never been happy like this before sa mga past schools namin. Alam ko na makakaya niya naman to, I’ll help him.”
Napatango na lang ako sa kanya. She loves his brother so much. She feels what Eli feels.
“Don’t worry, Eri. I’ll stay as his friend, kahit pa kamuhian niya ako pagkatapos nitong araw na ito. He’s part of my life now. Kaibigan ko na siya, magpakailanman.” Napangiti na lang siya ng matamis.
“Thanks, Riel. Eli’s not like me. His tough outside, but fragile on the inside. Sana makayanan niya ‘to.” Aniya.
“I’m sure of it. May makakatulong ka naman para bumalik ang sigla niya. Nakausap ko na siya.” Saad ko.
“Huh? Sino?” Agad niyang tanong. Nagkibit-balikat naman ako. Ayoko munang pangunahan si Josh. He has his own ways. I know marami na siyang plans.
Pumasok na lang ako sa SC Room.
“Riel! Sino nga! Nambibitin e!” Pagmamaktol ni Eri nang makapasok na siya sa SC.” Napahawak siya sa kanyang bibig nang mapagtantong hindi lang pala kami ang nandito.
Napailing na lang ako sa inakto niya.
We have settled things about the groups, orgs, and clubs’ booths for the 5-days School Fest na magaganap next month. May na-approve, at may pinatawag kami for change of plans tungkol sa gagawin nilang pagkakakitaan. Ayaw ko kasing magdisapprove, if they can think of new plans at pwede sa panlasa ng SC ay tatanggapin pa rin namin.
Napagkasunduan naming wala na munang meeting bukas para sa paghahanda namin sa Batch Field Trip ng Seniors. Hindi na kasi namin iniwan sa mga lower batch yung mga Gawain, hindi pa sila masyadong pamilyar sa mga yun.
Tinext ko si Eli para sa gagawin kong pagkausap sa kanya. Argh! Tatanggapin ko kung ano man ang mangyayari ngayon sa pagitan namin. Nangako na ako kay Eri.
Eli. Can we talk? Sa gazebo. I’ll wait for you. Nakapikit kong pinindot ang send button ng cell phone ko, nang imulat ko ang aking mga mata ay nakita kong naisend na ito.
Tinext ko rin kanina si Josh, para sa gagawin kong ito. I need him to fix Eli, because I’m gonna break his heart tonight.
Josh! Please help me. Mamaya sa gazebo. Pakisundan na lamang si Josh kung magwalk-out siya ha? Text ko kay Josh. Hindi siya nagreply, pero alam ko na pupunta siya. Magaling siya sa ninja moves e.
Napabuntong hininga ako. Agad akong pumunta sa gazebo. I wonder if Red is still here. Hindi ko rin kasi alam ang mangyayari ngayon. But I need to do this! Okay lang, tatanggapin ko lahat ng isusumbat niya sa akin. Ako naman ang may kasalanan ng pagkabigo niya ngayon.
Naupo ako sa upuan na nasa loob ng gazebo. Hiningal ako sa halong kaba at pagod sa gagawin ko. Medyo madilim na sa parting ito. Mabuti na lang at may buwan ngayon. Hindi siya full moon, pero maliwanag itong nakasilip sa kalangitan.
It makes the place dim. Tama lang na malamang may tao sa paligid.
May heart raced as I saw him coming. Hindi sa kilig kundi sa kaba. Nagiguilty ako sa gagawin ko! Argh! Paulit-ulit! Gawin na nga lang! Argh!
“Hi!” Masayang bati nito. Hindi ko naman alam ang isasagot ko sa kanya. Ang ngiting yan ay mapapalitan ata ng lungkot mamaya. Just like what Eri have said. Eli is fragile on the inside.
“Anong pag-uusapan natin?” May ngiti pa rin sa kanyang mukha. Napaangat naman ako ng tingin sa kanya. Pinilit kong ngumiti para hindi niya mahalatang nahihirapan ako.
“Sasagutin mo na ba ako?” Panunuya niya. Napangiti ako ng pilit. Ang hirap pala! Kay daling sabihin, ngunit mahirap gawin.
“Eli. About that…” Seryoso kong tugon sa kanya.
Mula sa ngiti ay napalitan ng pagseseryoso ang kanyang mukha.
“Riel?” Namutawi sa kanyang mga labi. “Please, no. ‘Wag muna please? I’m begging you.” Pumiyok siya. He’ll gonna cry. Nang marinig ko yun sa kanya ay tumulo ng kusa ang mga luha ko. Ang hirap.
“Sorry, Eli. Mas mabuti pa na sabihin ko na to sayo hangga’t maaga pa. Ayokong saktan ka ng sobra. Mahal kita… kaibigan kita e.” Medyo garagal ko ng sabi sa kanya.
“No! Please, Riel. Let’s get to know each other more. Hindi pa nga ako nagsisimulang manligaw, binabusted mo na agad ako?” Nakita ko ang isang butil ng luha na dumaloy sa kanyang pisngi. Nasasaktan din ako.
“Sorry. Sorry. Sorry, Eli. I’m really sorry.” Napahagulhol na ako sa sobrang bigat ng nararamdaman kong kalungkutan na nagmumula kay Eli. He doesn’t deserve me at all.
Matagal na walang nagsalita sa amin.
Nag-iwas siya ng tingin. Pinunas niya ang luha na kanina’y tumakas sa mata niya. Naging seryoso muli ang kanyang mukha nang humarap siya sa akin.
“Si Red di ba? Siya na ang pinili mo?” Tanging tango lamang ang naisagot ko.
Sunud-sunod na mura ang kanyang sinabi, panay din ang sipa niya sa konkretong upuan na nasa loob ng gazebo.
Hinayaan ko siya, this is all my fault. Kahit nga siguro suntukin niya ako rito’y tatanggapin ko. I deserve it.
“Bakit kasi itinuloy ko pa kahit na alam ko naman na wala na akong laban. Fuck this!” Pinagsisigaw niya habang sinisipa pa rin ang upuan.
“Sorry, Eli. I’m really sorry.”
“Sorry, Riel? Sorry? Sana nung nagtapat ako sayo, sinabi mo nang wala akong pag-asa.” Sigaw niya.
Napabalikwas ako sa pagsigaw niya.
“Sinabi mo pang gusto mo rin ako.” Dagdag niya.
“Gusto naman talaga kita e.” Pinutol niya agad ako.
“Bilang kaibigan. Bilang kaibigan lang. Di ba? Bilang kaibigan lang? Fuck!” Sigaw niyang muli.
Hindi na muli ako nakapagsalita pa. Umiyak lang ako ng umiyak. He’ll gonna curse me after this.
“PAASA KA, RIEL. ALAM MO BA YUN? PAASA KA!” Huli niyang sigaw at tumakbo palayo.
Sinundan ng umiiyak kong mga mata ang pagmamadali niyang pag-alis. Lumabas sa likod ng puno si Josh at dinaluhan ako.
“Okay ka lang, Riel?” Tumango ako sa kanya.
“Josh, please. Please fix Eli for me.” Nasabi ko sa kanya. Umiiyak pa rin ako. I cried my heart out kasi ang bigat na talaga. Ayokong nakakasakit ng kaibigan e. Napatango lamang siya sa akin.
Sinundan niya lang kung saan tumakbo si Eli.
Nakareceive ako ng text mula kay Josh. Nakita ko na si Eli. Ako na ang bahala sa kanya. I’ve texted Red already, antayin mo na siya riyan.
Pinilit ko na ayusin ang sarili ko. Red’s gonna see me in this situation again. Pero, Gahd! Hindi ko mapigilan ang maiyak.
Agad akong nakatanggap ng yakap. Alam ko na agad kung sino ‘to. Kahit pagod, ay diretso pa talaga siya dito para sa akin. Alas otso na, alam ko na kakatapos lamang ng practice nila.
“Okay ka lang ba? Why are you crying?” Nag-aalalang tanong niya sa akin.
Tanging tango lamang ang naisagot ko sa kanya. Kahit papaano ay kakailanganin ko ng masasandalan ngayon. I don’t know how long will it take, for Eli’s heart to be cured. Hindi madali ang magmove on para sa mga lalaki.
It’s not like what girls say na madaling magmove on ang mga lalaki. Gaya ng mga babae, gagawa ng paraan ang mga lalaki para makalimutan ang natapos na relasyon. But inside of them, parang milyun-milyun na karayom ang tumutusok sa mga ito sa sobrang sakit ng pinagdadaanan.
Guys aren’t showy. Pinipilit nilang itago ang nararamdamang sakit kapag may mga kaharap silang kaibigan. Pero kapag wala na, they’re actually breaking-down.
Matapos kong umiyak, ay inihatid na lang ako ni Red sa bahay. Ipinahinga ko muna ang sakit na nararamdaman ko.
Josh’s POV
Nasaktan ako para kay Riel. Alam ko ang hirap na dinaranas niya ngayon. Sort of, kahit hindi ko pa iyon nararamdaman.
Pero mas doble ang sakit ang naramdaman ko noong makita ko si Eli na wasted dahil sa pagbusted sa kanya ni Riel. Hindi ako magagalit kay Riel, I asked it from him. Para may love story na rin akong masimulan.
Okay lang na rebound ako. Tanggap ko ‘yun.
Nakita ko lang na nakasandal sa isang sulok si Eli. Ngayon lang siya umiyak. Nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman niya ngayon. He cried so soft. Hindi yung tipong, hagulhol. I’ve texted Riel na nakita ko na siya.
Ganun ako minsan e. Suki ako noon sa elementary days ko na ibully. Natural sa mga mataba yun. Mabuti na lang nandoon si Riley para ipagtanggol ako.
“Okay ka lang ba?” Bigla kong sulpot sa kinaroroonan niya.
Napatingin siya sa akin at agad niyang pinunasan ang mga luha sa kanyang pisngi. Tumayo siya at aktong aalis na ng magsalita akong muli.
“Okay lang na umiyak ka sa harap ko. Makikinig lang ako.” Saad ko. Napatigil naman siya ng sabihin ko iyon. “Kaklase mo ako. Josh. Josiah Alarcon.”
Aktong aalis na naman siya ng hawakan ko na ang kanyang braso.
“Gusto kita, Eli. I can help you.” Diretsong saad ko sa kanya. “Maghihintay ako, hanggang sa magustuhan mo rin ako.” Dagdag ko.
Nakatingin siya sa akin ng seryoso, kaya binigyan ko siya ng ngiti. “I know na mahirap maniwala sa taong kakakilala mo pa lang. Pero, I’m one of the people who you can trust.”
Sumuko na siya sa pagtakas. Umupo siyang muli sa damuhan. Dito nangyari yung kanina sa pagitan namin ni Riel. Unexpectedly, nagkaroon ako ng pagkakataon na makapag-usap kaming muli. And asked this from him.
Masaya ako na makakausap ko na ang taong nagpatibok nitong puso ko. I’m so grateful that Riel let go of Eli. Ako na ang bahala sa paghilom ng sugat niya, simula ngayon.
“Makikinig lang ako. Promise.” Saad ko ng makaupo na ako sa tabi niya.
Napatingin naman siya sa akin. Tumango ako sa kanya. Paniniguradong, ako’y mapagkakatiwalaan niya. Namumugto pa rin ang kanyang mga mata. He’s really into Riel. Paano pa kaya kung in love na siya rito?
“Please tell me when to stop…” Tugon niya sa akin.
“You can stop now. I’m here to mend your broken heart.” Sabi ko sabay, dampi ng kamay ko sa kanyang dibdib.
Itutuloy…
tagal neto ahh .. XD pero habang inaantay ko to , binasa ko muna yung EVERY THING I HAVE, .. tma ka nga MR.R.E maganda rin.. napaiyak ako dun.. ..
ReplyDeletepero mas BET ko to :) hehehe. GANDA !! GREAT JOB PO mr.R.E :))KEEP IT UP ..
- YELSNA
Ambilis naman ng mga pangyayare. Dafuq nice one author
ReplyDeleteAnubeyen author puro kilig ata ah? Napakahaba talaga ng buhok mo Riel puputulin ko talaga yan. Hay excited na ko sa next update.
ReplyDeleteAuthor maawa ka sa min napakaraming langgam pwede patayin? Hay grabe sobrang haba ng hair.
ReplyDeleteMr. Rye!! Ang ingay mo!! Pabugbog kita kay Eli eh xD
ReplyDeleteMay sasabihin ako, replayan mo ako sa fb ah? Haha.
Hahaha! Sorry! Ano na? Wala ka paring message sa akin e! :)
Deletewhaaaa! i feel you Eli, tsakeet, ehe, kay Red at Riel i hope puro kilig moments na nyan ha, ehe
ReplyDeleteAz
Ganda!!! Kakikilig sila red at riel! Next chapter Mr. Author :))
ReplyDeleteNakita ko si Baekhyun sa Poster ♥___♥
ReplyDeleteParang mas gusto ko na si eli. :'(
ReplyDeleteAh sir rye.. Kinopya ko nga pala yung isang linya.. Post ko lang.. Hahaha cute kasi.. :) - Dave
ReplyDeleteMore kilig moments for red and riel!!!
ReplyDelete-hardname-
Kawawang Elijah. Im sorry for him. I hope he could learn to love Josiah. Naks Puro naman Biblical names to. Religioso yata si Mr Author. Thanks for the update anyways, Take care and God Bless.
ReplyDeleteHey author. Epektib ba yung gulay lang kainin para anti tabachingching? Hahaha
ReplyDeleteSabi nung nurse na pinsan ko oo raw. Kasi may kakilala siya na in two na yun lang ang kinain e. Pumayat na. Natry ko na siya, kaso tumigil ako sa third day. Nagcrave ako ng iba e. Haha. Tiyagaan dapat.
DeleteAhh. cge. salamat author
DeleteThank you! Ganon talaga ang pagibig, hindi madaling matanggap ang mabigo. Pero ibang klase itong istorya na ito, nabigo man si Eli, anjan nmn agad si Josh para makalimot sya.
ReplyDeleteSana maging masaya na si Riel. Pero kung magiging masaya na sya, ibig sabihin tapos na rin ang kwento hehe.
Bharu