Athr'sNote-
Mahalaga sa akin itong chapter na ito. Basta mahalaga kasi number 14 :)
Be ready po sa mga mababasa niyo, maraming OA words dito. Pasensya na rin po sa mga mabobore.
Ibang-iba ang nangyayari dito sa kasalukuyang chapter na sinusulat ko. Medyo madrama eh, haha!!
Hindi ko alam kung tatapusin ko na yung storya, gusto ko kasing medyo habaan pa eh.
Happy reading :))
----
Point Of View
- ?.1 -
"Finally."
Ang nasabi ko na lang pagkababa ko ng plane.
Sa wakas at narito na ulit ako sa aking kinalakihan.
Nagpapasalamat ako at nagkaayos na kami ni mommy.
"Anaaaaaaaakkk!!!" isang napakalakas na pagsigaw.
Hinanap ko ang pinanggalingan ng sigaw. Napangiti na lang ako.
Si mommy. Agad ko na itong nilapitan at niyakap.
"Welcome back sir!" napabaling ako sa sabay-sabay na nagsalita.
"Wow ah.. kasama mo ang mga kasambahay? tatlo pa talaga?" natatawang sabi ko rito matapos mapansin ang mga katulong namin.
"Oo anak, dederetso kami sa grocery para sa pagkain, ipagluluto kita ng hapunan. Babawi ako sa'yo." masayang sabi nito. "Ipahahatid na lang kita pauwi sa bahay, maghintay kana lang doon."
"No.." nagulat naman ito sa biglang pagtutol ko. "I mean.. sama niyo na ako.. gusto ko rin mamili." pagngiti ko pa.
"Hindi kaba napagod sa byahe? Nakatulog kaba?" pag-aalala ni mommy, ngumiti lang ako.
"Don't worry mom, I got this." paninigurado ko.
Nag-isip muna ito bago tuluyang sumagot.
"Sige, sabi mo eh. Pero punta muna tayo sa lolo mo. May napaka-importanteng bagay raw na sasabihin." biglang pagseseryoso niya. "Hinintay ka niya muna talagang makauwi."
"Ayos naba si lolo? Kamusta na siya?" mahinang balik ko.
Si lolo kasi ay may sakit.
"Huwag daw tayo mag-alala sabi ng lolo mo, nakakabawi na siya. Kagagaling ko lang kagabi sa bahay ng lolo mo, medyo ayos na nga." sabi pa nito nang magsimula na kaming maglakad.
Napatango na lang ako.
Habang papunta sa kotse namin ay hindi ko maiwasan ang hindi ma-excite.
Sakto at mabibisita ko rin ang kaibigan ko pagkatapos kila lolo.
Sabi ni mommy ay tambak sarado daw sa trabaho yung kaibigan kong yun. Mailabas nga siya.
"Mommy, hindi na ako sasama sa pagpunta mo sa grocery. Daanan ko yung tambak-sarado kong kaibigan after kila lolo. Isama ko narin sa bahay." pagpansin ko kay mommy habang papasakay kami ng kotse.
"Sure. Huwag papa-late." pagpayag nito, napangiti na lang ako.
Yayain ko saglit sa SM. Minsan lang 'to.
Muli akong napangiti nang may maalala.
Maliban kasi sa makabalik rito ay may isa pa akong sadya.
"Wait for me.. my first kiss."
-----
Point Of View
- K u r l -
"Kumain kana... huwag kanang magalit.." panunuyo pa ni Nicollo.
Kanina pa siya nakikiusap sa akin. Dahil kasi sa pagbibiro niya ay nahulog pa ako sa kama.
Wala naman yun sa akin eh. Ang ayaw ko lang ay inakit niya ako. Sakto pang naka-boxer shorts lang siya at walang damit. Badtrip diba?
"Ano nga kasing nangyari?" simangot ko.
Wala kasi akong matandaan. Maliban sa isa, uminom ako ng alak kahapon.
Hindi ako hinahayaang umalis ni Martin dahil sa lasing nga ako pero tumakas naman ako. At hindi ko na alam ang sunod na nangyari.
"Sasabihin ko kung kakain ka muna ng almusal." pag-upo pa nito sa harap ko.
Gutom narin naman ako kaya't kumain na ako.
Mga ilang minuto akong pinanuod nito at sa wakas ay nagsalita na ulit siya.
"Pinuntahan mo kasi ako kagabi eh." paninimula niya.
Saglit akong napatigil, pinuntahan ko nga ba siya?
Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain. Hayaan ko muna siyang magsalita.
"Tapos sinabi mo na naiinis ka sa akin." rinig kong sabi pa nito.
Hindi ko na siya tinignan at ipinagpatuloy lang ang pagkain.
Kunwari hindi ako nakikinig. Pero sa kaloob-looban ko... Grabe ano bang pinaggagagawa ko kagabi? Ba't wala akong maalala?
Arrrrgghhh!!
"Sabi mo naiinis ka sa pagka-Chinito ko, sa mapupungay kong mga mata." pagturo pa nito sa kanyang mga mata.
Gumagawa lang ata ng storya 'to eh noh?
"Sobrang lasing mo kaya kagabi.. kaya hindi na kita inuwi sa bahay mo at dito na lang sa bahay namin kita pinatuloy.."
Kainis si Martin.. mukhang hinayaan pala talaga niya akong magpakalasing. Ba't ba kasi hindi niya ako nahuli nung tumatakas ako? Aaahh!!
"Hanggang sa nung nandun na tayo sa kwarto ko ay kung anu-ano pa pinagsasabi mo.. na nakakainis talaga ako.. na naiinis ka sa pagka-Chinito ko.. na dahil nafo-fall kana sa mapupungay kong mata.."
Sa sinabi niyang yun ay wala sa sarili kong nalunok ng walang nguya-nguya yung sinubo kong pagkain.
Pahamak talaga ang alak! Arrrhhh! Nanggigigil talaga ako na parang may gusto akong patayin..
Sinabi ko ba yun? Na nafo-fall ako sakanya? Sa mapupungay niyang mga mata? Pahamak talaga yang alak na yan!!
Hanggang sa ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain. Kunwari talaga ay wala akong naririnig at dedma, para less hiya.
Pero sa kaloob-looban ko talaga... AARRGGGGHHHH!!!
"Tapos yun na nga, dahil lasing ka ay hinayaan ko na lang mga pinagsasasabi mo.. tapos sinabi ko na matulog kana..."
Sa narinig kong yun ay napa-HAAAAAAY ako sa aking kaloob-looban. Mabuti kasi at hindi niya pinansin mga sinabi ko.
"Tapos meron pa.."
Meron pa? Akala ko tapos na?
Hindi ko maiwasan ang hindi kabahan. Naman kasi eh, baka gumagawa na lang ito ng istorya niya!!
"Sinabi mo na gusto mong maging komportable sa pagtulog kaya naghubad ka ng damit at pantalon.. kaya ayan naka boxer short ka lang... tapos pati ako dinamay mo pa."
Wala sa sarili akong napatingin sa kanya. Dinamay? Anong ibig sabihin niya?
"Sabi mo kasi sa akin kagabi na maghubad rin ako para komportable rin akong makakatulog.. kaya heto at naka-boxer shorts lang rin ako tulad mo..."
Halos mapanganga ako sa sinabi niya. Talaga? Sinabi ko yun?
"Ginawa mo pa mga akong unan eh.."
Hah? Unan? Yung bang parang.. niyakap ko siya?? Habang pareho kaming naka-boxer lang?
"Tapos may sinabi ka, na ang dahilan kung bakit napakasaya ko ngayong umaga.." pagngiti nito.
Sinabi? Dahilan? Pinagtitripan ata talaga ako nito eh.
Halos mamilipit yung hawak kong kutsara, ang sarap putulin at ipukol sakanya!!
Uminom ako ng tubig, napakaraming tubig.. baka sakaling may maalala ako na taliwas sa sinasabi niya.
"Sabi mo..."
Nang marinig ko yung sinasabi niya ay napapikit ako.
Pilit kong inaalala yung mga nangyari sakin kagabi.
Hanggang sa...
"ANO??!!"
Malakas na pagsigaw ko sa aking isipan.
"Ginawa ko yun?"
Ang naitanong ko na lang sa aking isipan, halos panghinaan ako sa hiya sa aking mga naalala. Lalo na yung sinabi ko.. PAANO NA 'to?
Unti-unting nagsi-sink in yung mga sinasabi ni Nicollo.
"Nicollo..."
Naaalala kong sabi ko kagabi habang yakap-yakap ko siya..
Halos manlaki ang mata ko sa sunod ko palang ginawa..
GRABE!! H.. HI-HINALIKAN ko siya? Wraaaaaahhhh!!
"Sabi mo... Nicollo..."
Rinig kong pagpapaliwanag pa ni Nicollo habang nakapikit lang ako.
Saglit akong napatigil nang maalala ko yung sinabi niya kanina lang rin..
Parang may kung ano sa sinabi niyang yan, nag-aassume ba ako?
"Sabi mo.. Nicollo mahal ki..."
Hindi ko na siya pinatapos sa kanyang sinasabi.
Matapos kong maalala yung sinagot niya sa sinabi ko kagabi ay agad ko na nga siyang...
Biglang pagtahimik ng loob ng kwarto. Biglang pagtigil ng tila mundo lang namin. Biglang pagbura ng kung anu-anong alinlangan. Higit sa lahat, isang napakasarap na bagay, na pangyayari.
Pangyayari na hindi mo aakalain na pwede palang mangyari.
Oo. Pinigilan ko siya sa pamamagitan ng isang halik. Halik na hanggang ngayon ay nagaganap.
Ramdam kong gusto niyang igalaw, igalaw ang kanyang labi. Galaw na kung saan mas lalong magpapatigil sa tila mundo lang namin.
Kaya't ako na ang gumawa. Gumawa ng bagay na magkukumpirma ng aking nararamdaman. Halik na kung saan, naglalaman ng maraming emosyon.
-----
"Apo.. apo gising.."
Nagising na lang ako ng maingayan sa ginagawang paggising ni lola.
"Nananaginip ka.." rinig ko pang sabi nito.
Agad akong napaupo sa kanyang sinabi.. Wala sa sarili akong napangiti ng pagkalaki-laki.
"Nananaginip po ako?" napakasayang pagbaling ko rito.
Panaginip? YES!! Panaginip lang pala ang lahat.
"Oo, hapon na hapon nananaginip ka." balik nito.
"Talaga po?" halos hindi makapaniwalang tanong ko pa rito habang nakangiti lang.
"Saan nga pala kayo nanggaling ni Nicollo at bakit kapa niya hinatid dito kanina?" agad na sabi nito.
Tila kusang nawala ang mga ngiti sa aking labi.
"Hindi pala panaginip.."
Walang ganang nasambit ko na lang.
Totoo nga, totoo nga lahat ng nangyari kanina.
Yung napag-usapan namin. Pati yung.. yung.. yung napakatagal na halikan namin.
At ang mas lalong nagpalaki sa aking mata...
Manliligaw ko na siya?!
ARRRRGGGGHHHHHHHH!!!!!!
-----
Point Of View
- N i c o l l o -
"Ba't bigla kang nagpatawag? At ba't hindi ka pumasok?"
"At bat pangiti-ngiti ka dyan. Mukhang totoo nga sinabi ng kapatid mo."
"At bat parang ang landi ng dating mo ngayon?"
"Mismong kapatid mo na ang nagsabing pumunta kami para magselebra."
"Para saan?"
Mga panirang bungad sa akin ng mga kaibigan ko pagkapasok nila sa bahay.
Kasalukuyan kaming nasa sala.
"Something UN-EX-PEC-TED." pagbigay diin ko sa aking mga sinabi kasabay ang napakagandang ngiti.
Katulad nga ng sinabi ni Yael ay eto na nga daw ang pinakahihintay ko.
"Whoaaah!! Ano yan?" agad na tanong ni Doms at pagbagsak sa sarili sa sofa.
"Masyadong mabilis ang lahat eh, kaya hindi ko alam kung maniniwala kayo at kung dapat ko bang sabihin." tonong nakakaloko ko pa sa mga ito.
"Bawal ang sikretuhan sa barkada... Ano nga kasi?" sabat pa ni Lance.
"Okay.. hmm.." pag-aayos ko ng upo.
"Takpan niyo muna yang mga bibig niyo, baka mamaya ay hindi niyo mapigilan ang mapasigaw.." natatawang sabi ko sa mga ito.
Parang sira lang sila dahil sa tinakpan nga nila ang kani-kanilang bibig.
"Inhale....." pag-uutos ko sa apat. "Hold your breath..." pagtaas ko pa ng dalawang kamay tanda na pinapahold ko nga ang kanilang paghinga.
"Gusto rin pala ako ni Kurl. Nililigawan ko na siya at may date kami mamaya.. tapos yung.. yung labi namin..." deretsahang sabi ko sa mga ito.
Ininguso ko naman ang aking labi bilang pagpapaliwanag sa huli kong sinabi.
Sa sinabi kong iyon ay kanya-kanya silang napatitig sa isa't-isa, maya-maya pa ay tinginan lang naming lima ang nangibabaw, napakatahimik ng bahay.
Walang ingay na kahit ano.
Hanggang sa sabay-sabay na lang kaming napa.....
"Whhaaaaaaaaaahhh!!!!!"
-----
Point Of View
- ?.2 -
"Dahil po sa impluwensya ng inyong pangalan, nagiging maganda po ang takbo ng imbestigasyon. Lalo pa't malaki po ang naitulong ng impormasyong nakuha namin mula sa taong kumupkop sakanya."
Pagbabalita sa akin ng aking tauhan pagkaupo nito.
"Gusto ko sana.. na sa lalong madaling panahon, matapos yan."
Pakikiusap ko.
"Masusunod po."
Balik nito saka na ito tuluyang umalis.
Sa sobrang taas ng tingin ko sa sarili ko, maski ang anak ko, ay nagawa kong talikuran.
Maging ang bagay na hanggang ngayon, ay talagang pinagsisisihan ko.
Kaya ang tanging paraan, para man lang makabawi. Ay eto, eto.
----
Point Of View
- K u r l -
5:00 in the afternoon
"Grabe ang dame...."
Napailang na lang ako sa aking nabungaran.
Tambak ang SM!! As expected, crowded talaga.
Pumunta ako rito para sa isang mahalagang bagay.
Bagay na kung saan, magiging patunay ng aking pagmamahal.
Masyado akong natambakan ng kalokohan ni Nicollo. Kaya't ako naman ang magtatambak sakanya. Haha!!
Ako pala yung sinasabi niyang taong mahal niya. Kaya ayan nang malaman niyang ganun rin ako sakanya, ayan.. nililigawan na niya ako.
Ang bilis noh? Pero wala eh, ganito daw kapag nasa stage ka ng pagmamahal. Totoo nga ba yun? Pagmamahal nga ba talaga?
May date kami mamaya. Yes, a date. Plano niya. Ayoko pero namilit pa kaya ayan!!!
Date sa bahay niya. Oo sa bahay niya.
Hindi ko alam kung anong balak niya pero, bahala na!! Plano naman niya eh.
Matapos pagmasdan ang napakaraming taong naglilibot sa loob ng SM ay nagsimula na akong maglakad.
Nang medyo matagal-tagal na akong naglalakad ay sa wakas at nakita ko na rin ang aking sadya.
Habang naglalakad ay wala sa sarili akong napa...
"Aww.."
Pamimilipit ko. Hindi ko namalayan na may isang step pataas pala, dahilan para... matisod at matumba ako.
Hindi ko magawang iangat ang aking ulo. Ramdam ko na sa akin nakatingin ang lahat ng tao ngayon.
"Nicollo..."
Nasabi ko na lang. Hindi ko alam kung bakit siya ang hinahanap ko ngayon. Siguro dahil sa kung nandyan siya ay hindi ako makararamdam ng hiya o ano man.
Rinig ko na yung mga bulong-bulungan. Hiyang-hiya ako kaya hindi ko talaga magawa ang tumayo o iangat man lang ang aking ulo.
"Huwag kang mahiya.. kahit nadapa kapa ngayon o ilang beses ka mang madapa ay gwapo kapa din.. tignan mo yung mga tumatawa.. pangit parin.." rinig kong sabi ng isang pamilyar na boses. "Tara, Kurl..."
Bigla akong napanatag sa aking narinig.
Agad ko nang inangat ang aking ulo upang kumpirmahin kung tama nga ang hinala ko.
Nakita ko na nakangiti lang ito sa akin habang nakalahad ang kanyang kamay tanda na nais akong tulungang makatayo nito.
Napatingin ako sa lalaking nasa kanan nito.
"Sir Ken?... Paulo...?"
----
Point Of View
- N i c o l l o -
"Sino siya?"
Wala sa sarili kong nasambit.
Nang mapansing may kumpulan ay pinilit kong silipin ito.
Lalaki, na hindi magawang makatayo. Dahil siguro sa mga taong nagbubulungbulungan.
Medyo hindi ko ito makita dahil sa napakaraming tao, bigla akong kinutuban kaya't lumapit na ako.
"Kurl..?" agad kong sabi ng malaman kung sino ito.
Lalapit na sana ako ng biglang may lumapit na dalawang lalaki sakanya.
May sinabi yung isa at pagkatapos ay inilahad nito ang kanyang kamay habang pangiti-ngiti lang kay Kurl.
Nang makitang inabot ni Kurl ito ay parang may kung anong tumusok sa aking dibdib.
Hindi ko alam pero.. parang may mali eh.
Siguro dahil sa alam kong may pagtingin din siya sa akin kaya't parang ayaw ko itong nangyayari na kung saan ibang lalaki ang kaharap niya.
Nakita kong nginitian pa ito ni Kurl na talagang.. talagang ikinaselos ko.
Sa nakita at naramdaman kong iyon ay nakita ko na lang ang sarili na naglalakad papunta sa parking area.
Hindi ko alam kung bakit ganito ang nangyayari sa akin.
Ewan ko pero bigla akong nakaramdam ng takot.
Agad akong pumasok sa kotseng dala ni Lance. Magkakasama kaming lima.
Nang tinanong ko kanina sa text si Kurl ay sinabi niyang nasa mall siya.
Kaya niyaya ko ang apat na samahan ako saglit dito sa SM.
Gusto ko kasi sana na puntahan si Kurl. Baka sakaling pauwi na siya nang magtext siya, para sana sunduin ko na siya.
"Wuy? Bat parang bigla atang nag-iba yang mood mo.." agad na pagpansin sa akin ni Brent.
"Hindi mo ba nakita si Kurl?" dagdag pa ni Paul.
Hindi ko sinagot ang mga ito. Bigla talagang nag-iba ang mood ko.
Sa halip na lingunin pa ang mga ito ay bumaling na lang ako sa may bintana.
"Ayan pala si Kurl oh, kasama mo naman pala. Bat hindi mo na hinintay.."
Sa sinabing iyon ni Lance ay wala sa sarili akong napabaling kung saan sila nakatingin.
"May kasama siya?" rinig kong sabi pa ni Doms.
"Ha? Doon sila pumasok sa pulang kotse.. sino yun? akala ko ba tayo pinupuntahan ni Kurl?" gulat pa ni Paul.
Hanggang sa binalingan ako ng apat na halatang naghihintay sa aking sasabihin.
Hindi ko alam ang nangyayari sa akin pero kinakabahan talaga ako.
Agad kong kinuha ang aking phone para itext ito. May gusto lang akong kumpirmahin.
"Kurl? san ka?" text ko rito.
Hindi ako mapalagay habang hinihintay ang text nito.
Nakaalis na ang kotseng sinakyan nila. Kung hindi ako nagkakamali ay yun rin ang dalawang lalaking tumulong sakanya kanina.
Mga ilang sandali lang ay nagreply na ito.
Message: Nasa mall nga lang. Kumakain ako, ge mamaya na lang Nicollo.
Sa nabasa kong yun ay wala sa sarili kong naihagis ang aking phone.
"Tol anong nangyari?" agad na tanong ni Doms.
"Teka.. ano bang nangyayari? Nag-away ba kayo ni Kurl o ano?" tanong pa ni Lance.
"Uwi na tayo." mahinahong sabi ko habang pinipigilan ang aking galit.
"Anong nangyari?" pagpulot pa ni Brent sa hinagis kong phone.
"Tol ano bang nangyari sa inyo ni..."
"Umuwi na tayo!!" napalakas kong sabi at pagputol sa sinasabi ni Lance.
Magsasalita pa sana ang mga ito nguni't inunahan ko na sila.
"HINDI BA PWEDENG IUWI NIYO MUNA AKO??!!!"
Itutuloy
Late Update! Sorry.
ReplyDeleteAww nagsisimula pa nga lang eh. Nakabalik na pala si Paolo ano kaya nangyari sa kanya?
ReplyDeleteNakakabitin naman!......next n kaagad
ReplyDeleteNice. Saya nito. Kakatuwa mag selos si nichollo. Sabi na nga ba si paulo ang dumating. Dug dug dug. Yan ang tibok ng puso. Haha. Thanks sa update mr. Author.
ReplyDelete-tyler
OMG ganda talaga..
ReplyDeleteGrabe magselos si Nicollo! Away na ba sa susunod na chapter? Haha..
ReplyDeleteNice one author!
selos agad, naguumpisa palang naman eh. saka hindi pa kayo. alamin muna ang pinagmamaktol mo. hehe
ReplyDeletebharu
Nays wan utur. Hahaha..selos na 'to. Can't wait for the next chapter
ReplyDeletekapampangan pala author nito. :-) :-) cool.. taga san ka kaya dito? Hihi
ReplyDeleteCool story pero sbi mo nga may nagbago at kita ko nga.. so dad nia un? Sino at ano ang tunay na pagkatao ni kurl? Mag grow ba ung mga characters o stay sa pagka aso at pusa? Si nicollo may pag ka spoiled bratt. Haha can't wait sa ga upcoming chapters. Keep it up. Cheers! :-) :-)