Athr'sNote-
So Mr. Alex Chua!! Ikaw pala yung nagcomment sa Chptr8 patungkol sa SM. Kung mabasa mo man ito, gusto ko lang sabihin na minsan magtambay tayo sa SM Clark. Haha :)
Mr. Vienne Chase! Maraming Salamat sa pagtapak sa chapter 12 & 13 at pag-iwan ng komento, Salamat!
Mr. Rye Evangelista! Malaki ang naitulong mo, napakalaki! Dahil sa'yo, nalaman kong may App pala ang blogger. Maraming Salamat talaga!
(Marc Abellera, minsan tambay tayo sa SM Clark, haha.) (Bharu, ganyan talaga si Nicollo, OA kung magselos, tignan natin kung gaano sasakit yung ulo ni Kurl dahil dun, hehe.) (Tyler, sana hindi na lang dumating si Paulo, sana.) (Angel, ewan natin? Haha) (Az, sino nga ba talaga si Kurl? Let's see..) (AlfredOfTO, mukhang hindi eh?) (Jay05, mukhang madami-dami na nga ata sila, 12 na ata?) At sa mga anonymous and silent readers, Maraming Salamat din po!!
Guys, gusto ko magpakilala sa inyo :) Gusto ko ibigay real acc ko sa fb para sana makita o makilala niyo ako, kaso natatakot ako. Discreet eh. Next time! Next time! (--,)
Going back,
Malapit na tayo sa kadramahan! Ilang chapters na lang :)
Happy reading :))
-----
Point Of View
- Yael Nick -
Nakaka-ilang tawag na ako pero hindi talaga sumasagot 'tong kapatid ko.
Tumawag kasi sila Brent sa akin at sinasabi na tinitopak daw 'tong kapatid ko.
"Finally Yael." agad na sabi ko nang sa wakas at sinagot narin niya. "Ano nanamang nangyari sa'yo? Nagsusumbong yung apat sa akin. What happened?" tanong ko pa.
"Ayos na." walang ganang sabi nito.
"Yael? Ano nga kasing nangyari? Sa akin kapa nagsinungaling." pangungumbinsi ko pa.
"Si Kurl." mahinang sabi nito.
Hindi na talaga ako makapaghintay at gusto ko nang umuwi. Dahil sa gusto ko nang makilala yung tinutukoy ng kapatid ko.
Mukha ngang totoo ang sinasabi nila Doms sa akin na lalaki ang nagpapatino sa kapatid ko.
Ipinagmamalaki niya pa nung minsan na hindi na siya katulad ng dati dahil dito.
"Oh napano kayo? Eh kilig na kilig ka nga kagabi lang habang nagkekwento ka eh, anong nangyari?" patukoy ko sa mga binalita niya sa akin kagabi.
Kung hindi ako nagkakamali, alas-dose ng madaling araw sa Pilipinas nang istorbohin niya ako. Yun pala, si kuya Kurl katabi niya daw, natutulog at lasing na lasing pa.
"Hindi ko alam kung paano sasabihin eh, basta nakita ko may kasama siyang lalaki." tonong nagsusumbong niya.
"Ayan ka nanaman. Diba nga't siya na mismo nagsabi sa iyo kung gaano ka niya kagusto at kamahal.. wala kabang tiwala sakanya para gawin o isipin mo yan Yael? Anong nangyayari sa'yo?" inis na sabi ko sakanya, ayaw ko lang kasi yang inaasta niya.
"Yael, siya mismo mang-iiwan sa'yo kung magiging ganyan ka palagi. Mark my word." pagbigay diin ko pa sa huli kong sinabi. "Kasisimula pa nga lang.." pagbulong ko pa.
Hinintay ko lang siya na magsalita.
"Salamat Yael, salamat. Naiinis man ako dahil tama yang mga sinabi mo, sige. Nagsisimula pa nga lang naman, ganito na ako." mula sa napakadramang tono nito.
Ako naman ang nasaktan o nahiya, mukhang naipamukha ko nanaman sa kapatid ko ang mali niya, unintentionally.
Hindi ko sinasadya. Eh gusto ko lang naman ipaliwanag sakanya eh.
Aaasssshhhhh!!!
Katahimikan.
"Umuwi kana kasi, namimiss na kita." napakagaan nang sabi nito.
Napangiti na lang ako. Masaya ako at nakikinig talaga itong kapatid ko sa akin.
"Lapit na nga, this week na." paninigurado ko pa. "By the way Yael, yung mga sinabi ko sa iyo ha? Huwag na huwag mong kakalimutan yun kung ayaw mong kalimutan ka ni Kurl." pagtawa ko pa ngunit alam kong alam niya na seryoso ako sa aking sinasabi.
"Oo na. Simula ngayon, pahahalagahan ko na ang kung anong meron ako, lalo pa't hindi pangkaraniwan ito." ramdam kong nakangiti ito habang binabanggit niya ang mga iyon.
"Yael, alam ko mahihirapan ako. Pero hindi ako susuko, ngayon pa na nakilala ko ang taong talagang mamahalin ko diba? Kaya promise, magpapakatatag at pahahalagahan ko ito." tonong paniniguro at pagmamalaki pa niya.
"Good, kahit napapadrama tayo, good parin! Basta nandito lang ako palagi Yael, para saan pa't naturingan tayong pinagbiyak." pagpapanatag ko pa. "Osige na, may lakad pa ako." pagpapaalam ko.
"Ge ingat Yael, ingat." at sa sinabi niyang yun ay tinapos ko na nga ang tawag.
----
Point Of View
- N i c o l l o -
"Salamat Yael." napangiti na lamang ako matapos ibaba ng kapatid ko ang tawag.
Maswerte ako at naging kapatid ko siya. Naturingan nga talaga kaming pinagbiyak.
Simula ngayon, mas magiging matured na ako.
Aalisin ko na yung mga bagay na hindi makatutulong sa amin ni Kurl. Lalo na yung pagseselos ko na sobrang babaw.
"Six o'clock.."
Pagtingin ko sa orasan.
Nasan na kaya yung apat? Umuwi na kaya sila?
Nahihiya tuloy ako sa mga nagawa ko. Sa pagsigaw ko kanina at pagsuntok ko pa kay Doms.
Sorry. I'm sorry. Masyado akong nagpakain sa galit ko na masyadong mababaw kung titignan.
---------
Point Of View
- P a u l o -
"Kamusta na?"
Pangangamusta ko kay Kurl pagka-alis ni Ken. Kailangan daw siya sa trabaho. Badtrip yun. Iinum pa kami eh!
Medyo matagal-tagal ko ring hindi nakita itong lalaking ito.
"Ayos lang. Ikaw? Akala ko ba nasa ibang bansa ka? At napano ka? Anong nangyari sa'yo?" balik nito habang abala sa pagtingin sa aking mga pasa.
Kasalukuyan kaming narito sa aming bahay. Katatapos lang namin kumain.
"Ayos lang din. Kahit papaano ay nakalayo sa isang maling desisyon ni mommy. Patunay ito na mali ang desisyon niya."
Hanggang sa naikwento ko kay Kurl ang lahat.
"Nakakatakot naman pala yung nangyari sa'yo. Ngayong narito kana ulit sa pilipinas, huwag mo nang balikan yung mga nangyari sa'yo dun, kahit na mahirap man." sabi nito matapos kong magkwento, tumango at pinagmasdan ko lang siya.
"Sa susunod matuto kanang lumaban ha?" seryosong sabi naman ni Kurl, ngumiti at tumango lang ulit ako.
Hindi ko naman talaga balak sabihin sakanya eh, eh kaso nga.. hawak niya ang braso ko, at nagtanong siya.. ayan naikwento ko na.
Pero, masarap sa pakiramdam at naikwento ko ito kay Kurl, parang kay Ken lang rin kanina. Gumaan ang pakiramdam ko.
Katahimikan. Pinagmasdan ko lang siya.
"Alam mo may kilala ako. Laging nabubugbog.." biglang sabi nito. "Nakakainis yung taong yun. Lagi na lang hinahayaan ang sarili na masaktan."
Tumahimik lang ako at nakinig. Sa tono kasi nito ay parang may kung anong halaga sakanya yung sinasabi niya.
"Kapag pupuntahan niya ako dati ay lagi siyang bugbog sarado. Though dalawang beses palang yun.."
"Ewan ko ba sakanya kung bakit ang hilig makipag-basag ulo.." medyo inis pa nito. "Parang ikaw lang siya tuloy ngayon. Mga braso niya na parang dinikitan ng mga dugong namuo na ewan na oo na hindi."
Habang nagkekwento siya ay natatawa ako sa ekspresyon niya.
Talagang galing sakanya ang mga sinasabi niya. Yung bang talagang seryoso siya pero sinasamahan niya ito ng nakasimangot na ekspresyon tapos biglang iiling na naiinis.
Gusto ko talaga 'tong si Kurl.. gustong-gusto.
"Sino ba yun?" naitanong ko na lang.
"Hindi ko rin alam eh, ewan kung sino na nga ba siya sa akin. Espesyal? Ewan?" pagngiti nito.
Lihim rin akong natatawa sakanya habang nagkekwento siya. Habang nagsasalita kasi ito ay abala siya sa pagtingin sa mga sugat sa braso ko.
"Pwede ko bang malaman?" pagngiti ko rin.
"Oo naman. Kaibigan kita eh. Basta eto lang Paulo, hindi siya babae, lalaki siya."
Hah?
Hindi ko alam kung paano magre-react sa sinabi niya.
Lalaki?
Speechless.
"Paulo bakit? A-ayaw mo ba sa ganun?" nag-aalalang tanong nito.
Agad akong umiling at ngumiti.
"Nagulat lang ako. Sa pag-amin mo, pinagkakatiwalaan mo pala ako. Nasasabi mo kasi yung mga ganyang bagay eh.." balik ko. "Hindi naman tayo ganun kaclose."
Hindi ko alam pero ang sakit pala. Na makumpirma na hindi ka gusto ng taong gusto mo, na may iba na siyang gusto.
Masakit pa ay, hindi mo aakalaing magkakagusto pala siya sa katulad mong lalaki.
Yung bang, ba't hindi na lang ikaw yung nagustuhan niya?
O kaya yung bang kung sanang umamin ka kaagad ay nagka-tyansa pa. Diba?
"Hindi ko rin naman kasi ikinakahiya. Lalo pa't mahal ko yung tao.." ramdam ko ang salitang proud sa tono nito.
"Masaya ako para sa'yo." ang nasabi ko na lang at pagbigay ng ngiti.
Hindi yun pilit. Masaya talaga ako para sakanya.
Sana lang ay hindi siya sasayangin nung taong tinutukoy niya.
"Saglit lang.."
Sabi nito at lumayo saglit, mukhang may tumatawag sakanya.
Mataman ko lang siyang pinagmasdan.
Isang matangkad na gwapo. Malakas ang dating. Maputi. Mabait. Mapagkakatiwalaan. Yan si Kurl para sa akin. Isama pa na wala kang magiging dahilan para ikahiya siya.
"Paulo kailangan ko nang umalis.." agad na sabi nito pagkalapit niya sa akin.
Nababakasan ko ito ng pag-aalala.
"Ganun ba? Ma.. may problema ba?" balik ko.
"Oo eh. Mauna na ako ah..?" agad na sabi nito.
Sayang. Kakakita palang namin aalis na siya.
"Hatid na kita.." pagtayo ko.
"Hindi na.. ayos nako, salamat." balik nito habang nagsusuot na ito ng sapatos na halatang nagmamadali.
"Kung emergency yan, hatid na kita. Para mas mabilis.." paglapit ko pa.
Tumango na lang ito kaya naman agad na kaming umalis.
---
"Maraming salamat Paulo ah?" pagpapasalamat nito sa akin pagkababa niya ng kotse.
"No problem. Text ka lang kapag kailangan mo ng tulong..." pagngiti ko pa.
Tumango lang ito.
"Ingat!" sabi pa nito at tuluyan na nga akong umalis.
"Sayang sayang sayang." nasabi ko na lang.
-----
Point Of View
- K u r l -
"Kurl buti nandyan kana.." agad na pagpansin sa akin ni Brent pagkapasok ko.
Tinawagan nila ako. At pinakiusapan nila ako na pumunta dito sa bahay ni Nicollo.
"Ano bang nangyari? Asan siya?" agad na tanong ko.
Badtrip daw si Nicollo. At hindi nila alam kung bakit.
Sinamahan na niya muna ako sa pwesto nila. Sa terrace.
"Oh guys what happened?" agad na pagpansin ko sa tatlo.
"Si Nicollo kasi a.. ano...." balik ni Paul.
"Hindi namin alam kung napano siya.." si Brent.
"Nag-away ba kayo?"
Sa tanong ni Lance ay saglit akong napa-isip.
"Hindi naman.. bakit napano ba siya? asan siya?" pag-aalala ko.
"Sa kwarto niya."
Tatalikod na sana ako para puntahan si Nicollo nang biglang magsalita si Doms.
"Saglit lang Kurl.. sigurado kabang pupuntahan mo siya sa kwarto niya?" may pag-aalinlangan sa boses nito.
Tumango lang ako.
"Sure ka? Medyo badtrip eh, wala sa mood.. nasuntok na nga 'tong si Doms.." sabi pa ni Lance.
Napatingin ako kay Doms. Bakas nga sa may gilid ng labi nito na nasuntok siya.
"Baka anuhin karin niya.." pag-aalala pa ni Doms.
"I got this.. subukan lang niya kung hindi ko siya patayin.." pagtawa ko pa sa mga ito at tuluyan na nga akong naglakad papunta sa kwarto ni Nicollo.
Habang naglalakad patungo sa kwarto nito ay hindi ko maiwasan ang hindi kabahan.
Oo alam kong hindi ako kayang saktan ni Nicollo, ang iniisip ko lang ay ano kaya ang maaaring rason niya para saktan pa niya ang mga kaibigan niya.
Kanina palang pagkakita ko sa apat ay nabakasan ko na sila ng takot. Napakabayolente pala talaga ni Nicollo.
Patay sakin 'to.
"Nicollo?" pagkatok ko na.
Kumatok pa ako ng ilan nguni't hindi talaga ito tumugon.
Kaya naman napagpasyahan ko nang buksan ito at pumasok.
Pagkapasok ko ay nakahiga lang ito sa kanyang kama. Alam kong hindi siya natutulog dahil nahuli ko pa itong gumalaw.
"Anong nangyari sayo? Ba't naman pati mga kaibigan mo sinasaktan mo.." medyo may tonong naiinis na tanong ko sakanya pagkalapit ko.
Umupo lang ako sa tabi niya. Habang siya ay nagtutulugtulugan parin.
"Ano bang problema? Galit kaba sa akin?" pagtatanong ko pa.
"Nasabi pa ni Lance kanina na inihagis mo yung phone mo dahil sa galit ka, ano ba kasing nangyari?" pamimilit ko pa.
"Nicollo!!" malakas na pag-alog ko sakanya dahilan para maimulat na niya ang kanyang mga mata.
Tinignan niya lang ako. Seryoso. Mababakasan ko rin ito ng parang kalungkutan? Hah?
"Nasaan ka kanina?" mahinang sabi lang nito.
Ahhh!! Nagdadrama ba siya?
"Okay ayaw ko nang magsinungaling sa'yo.. Kanina hindi totoong kumakain ako sa mall, may kasama ako." sabi ko.
"Tama pala ako, nagsinungaling ka nga. Sino bang kasama mo?" pagtagilid pa nito patalikod sa akin.
"Nagsinungaling ako dahil sa ayaw ko na kung anong isipin mo. Kaibigan lang naman yun." pagpapaliwanag ko pa.
"Talaga? Akala ko kasi.. pero Kurl naiinis talaga ako sa'yo." tonong nagtatampo pa nito.
Paniguradong hindi matutuloy yung sinasabi niyang date namin para mamaya dahil sa pagseselos niya ngayon.
Hayyyy, Nicollo talaga oh.
---
Point Of View
- N i c o l l o -
"So yun pala ang dahilan? Nagseselos ka noh?" naramdaman ko pang nahiga ito at niyakap ako mula sa likod ko.
Hindi ko alam kung bakit ganito ang epekto ni Kurl.
Kanina lang nag-uumapaw ang galit ko, ang inis ko. Totoo nga na nasaktan ko pa ang mga kaibigan ko.
Talagang nasa kataas-taasan ang init ng dugo ko sa galit, hindi kasi ako mapakali. Ang OA ko talaga.
Pero nung dumating siya? Yung pagkatok palang niya?
Ewan ko pero parang nawala lahat-lahat. Lalo na yung galit ko.
Mukhang tama nga rin ang sinabi sa akin ng kapatid ko nung una palang. Talagang iba ang presensya ng taong mahal mo.
Ganun nga siguro kapag mahal mo noh? Tapos alam mong mahal ka rin. Mabilis mang tignan.
"Sorry. Kung anu-ano pumasok sa isip ko dahil sa pagseselos ko." paghawak ko pa sa kamay niya na nakayakap sa akin.
Katahimikan.
"Arayyy...!!" napahiyaw na lang ako sa biglaang paghampas niya sa akin. "Kurl naman eh..." pagharap ko pa sakanya.
"Eh ba't kailangan mo pang saktan mga kaibigan mo? Sira kaba? Mga kaibigan mo yun tapos.." inis pa nito saka niya ako binatuhan ng unan.
"Sorry na nga.." pagsalo ko pa sa sunod niyang binatong unan. "Bakit kaba galit na galit?" natatakot ko nang sabi.
Parang ibang Kurl kasi 'tong nasa harap ko eh.
"Eto tatandaan mo Nicollo.." paglapit pa nito sa akin. Nakuha kong mapaatras dahil talagang seryoso siya na baka mamaya bugbugin niya ako bigla.
Ewan ko eh? Yun talaga yung nakikita ko.
"Sa kahit ano mang bagay.." paglapit pa nito. "Pangalawa sa pamilya ay kaibigan. Kaya huwag na huwag mong hahayaang masira yang mga kaibigan mo dahil lang sa pag-ibig na yan." seryosong sabi pa nito.
Patango-tango lang ako dahil sa takot, tanging gusto ko lang ay ang makalayo kaagad sakanya.
Masyado kasi akong natataranta dahil sa paglapit niya. Aaaarrrrrhhhhh!!!
Akala ko tapos na siya, hanggang sa..
"ARRAAAAYYY!!!" malakas na pagsigaw ko at agad na paghawak sa aking kaliwang tainga. "Kurl naman eh.."
Halos mamilipit ako sa aking higaan sa ginawa niya.
Pinitik niya yung tenga ko. Grabe mamitik 'to.
Mas masakit pa ata yung pitik niya sa mga suntok na natatanggap ko kapag nakikipag-basag-ulo ako.
Agad itong tumayo. Nakatingin lang sa akin.
"Mag-sorry ka.." paglaki pa ng mata niya habang nakaturo pa sa may pintuan ng kwarto, palabas.
"Kurl naman eh.." tonong pagmamakaawa ko pa.
Nahihiya kasi akong humarap sa apat dahil sa nagawa ko, tapos eto pa pinagagawa niya.
Kurl please please please.
"Huwag mong hahayaang sa akin ka hihingi ng tawad Nicollo." tonong pagbabanta pa nito.
Nakuha ko ang ibig sabihin niya.
Kaya naman agad na akong tumayo. Habang medyo iwas pa sakanya, baka kasi pitikin nanaman ako nito.
Lumabas na ako ng kwarto. Naramdaman kong sumunod lang ito.
Nang makarating na ako sa may terrace namin ay nakita kong kanya-kanyang pwesto ang apat.
Naka-upo, nakatayo, pare-pareho silang may iniisip na hindi ko alam kung ano.
Tumigil ako. Gusto ko kasing umatras, nahihiya kasi talaga ako sakanila eh.
Tatalikod na sana ako nang makita ang mata ni Kurl na nakatingin lang sa akin.
Kaya naman wala na akong nagawa. Kundi ang humingi ng tawad sa apat.
---
Point Of View
- ?.2 -
"Maraming salamat."
Ang nasabi ko na lang matapos marinig ang mga sinabi ng aking tauhan.
Natapos ang imbestigasyon at hindi ako nabigo sa nais kong malaman.
"Base rin po sa imbestigasyon, mag-isa na nga lang po siya." sabi pa nito.
Nagsisisi ako at hindi ako nakinig sa anak ko.. napakalaki ng kasalanan ko.
"Patawad anak ko..."
Itutuloy
Chptr15 Updated! Good night :))
ReplyDeletehaha thanks. :-) :-) sure sure.. coffee tau insan para mabasa ko agad ang update mo lels. :-) :-) lolo nia ba un o tatay nia? Tatay nia siguro nuh? Si pau ba kamag anak nia? Haha can't wait sa next chapter.. keep it up. :-) :-)
DeleteThanks sa update Mr Dizon...Maganda ang takbo pero bitin...Sana early update na.....Take care.
ReplyDeleteChapter 16 na pls anu kya magiging papel ni paulo at kakambal nito sa relasyong nicollo at kurl mr author..... update agad mr author nakka excite tlga
ReplyDeleteJay_05
Hmmm mukhang start na ito ng magulong Buhay. Nakakapagtaka na talaga yung point of view na question mark Sino ba kasi siya? Mukhang kailangan pang intayin ng mga kasagutan.
ReplyDeleteAng ganda ng story.. nicollo and kurl ako. Parang alam ko na yun nagpapa imbestiga. Lolo ni kurl. Tinakwil siguro yung anak nya at si kurl ang apo nya.kaya siguro laging sinasabi ng nanay at tatay ni kurl, matutong magpatawad.. hmmmn. Ano kaya ang magiging reaction ni kurl kung malaman nya ang totoong siya. Thanks sa update mr. Author.
ReplyDelete-tyler
whaaaaa!! kakakilig nmn cla Kurl at Nic. ehe..excited for the next chapt, :)
ReplyDeleteAz
Walang anuman.. hahah.. talagang 'pagtapak'..
ReplyDeleteIlabas mo na ang fb account mo.. ia-add kita.. pareho lang naman tayo, eh.. I'm also using my real account.. :)
---vienne Chase hir...
Nice!!!
ReplyDeleteHello! Walang anuman po!
ReplyDeleteSige. Ilabas mo na ang fb mo. Add kita.. haha..
Ginagamit ko rin real account ko. :-)
Haha! Oo nga pala. Di ko man lang nasabi na may app pala. Basta ko na lang ini-print screen. Anyways! You're welcome Prince Justin. I can add you up too sa real account ko. Just pm me. Haha. :D
ReplyDelete