Pasensya na ulit sa delay ng update. At isa pang pasensya sa mga mali-mali nito. At maraming pasensya sana dahil.. medyo may ka-OA-an ang chapter na ito..
Sa mga nagtatanong ng facebook account ko.. hehe.. pakihanap na lang kay Kuya Rye Evangelista. Tsskk. haha
Salamat sa mga sumusunod na reader..
Kay Angel, Mr. Alfred of T.O, Hardname, Tyler, Bharu, Boholano Blogger, Jay_05, Rold Ivan Santiago at sa mga anonymous..
Pati pala kay Japs Lane na talagang kababayan ko pala.. Kuya, magkalapit lang ang banwa natin.. ay mali, siyudad na pala ang Ligao.. Isang sakay lang sa amin na papunta ng Legazpi.. Pero taga Guinobatan po ako..
Share lang.. Wala kaming internet sa bahay kaya kailangan kong mag-update sa compshop.. ang saklap lang.
Ang malas pa ng araw na ito dahil nawala pa ang cellphone ko.. Ako na ang malas.. tssk..
Anyway guys, enjoy reading po. SANA!
CHAPTER TWENTY-THREE
NAKATANGGAP ng tawag mula sa kanyang lola si Vin habang nasa trabaho siya. Mabuti na lang at nasa staff room siya kaya nasagot niya ang tawag nito. Bahagya pa siyang nagulat sa pagtawag nito dahil bihira lamang mangyari ang ganitong bagay. Alam niya kasi na kapag nasa trabaho siya ay hindi ito mang-iistorbo, pwera na lang kung emergency iyon.
"Bakit `la? Bakit po kayo napatawag?"
Imbes na ang lola niya ang sumagot ay ang mama niya. "Patawarin mo ako anak. Patawarin mo `ko." Ang sabi nito, halata ang garalgal sa tinig ngunit tila pinipigilan ang emosyon.
"Ano po ang nangyayari `ma? Bakit ka humihingi sa akin ng tawad?"
"Basta anak, patawarin mo `ko. Pupunta kami dyan pagkatapos ng buwan. Gusto kitang makausap ng personal. Patawarin mo `ko."
"`Ma, wala naman kayong ginagawa na masama sa akin. Hindi n'yo po kailangan ang humingi ng tawad."
Natigilan siya nang may maisip. Hindi kaya..
"`Ma, sabihin n'yo sa akin, alam n'yo na--."
"Sige anak. Kausapin mo na ang lola mo."
"Hello apo. Mag-iisang buwan na ako dito. Kumusta ka na dyan? Hindi mo ba pinapabayaan ang sarili mo? Hindi ka ba pinapabayaan ni Joen?"
Malapit na pala ang isang buwan. At ibig sabihin lang niyon ay malapit na ang monthsary nila ni Joen. Nag-iisa siya na nakatira sa bahay nila ngunit hindi niya iyon nararamdaman dahil pinupuno ang bahay ng presensiya ni Joen. Mula nang may mangyari sa kanila na sagutan ni Joen ay nagdesisyon ito na tumira sa bahay nila. Malugod naman niya iyong tinanggap. Masayang-masaya pa nga siya sa naging desisyon nito dahil lagi silang magkasama. Ang naisip niya na dapat nilang sanayin ang isa't-isa na malayo ay hindi na sumasagi sa kanya. Hindi na siya nag-iisip ng pwedeng mangyari sa hinaharap. Ang mahalaga ay silang dalawa ni Joen ang magkasama. Ngayon.
Sa parte naman ng lola niya ay ngayon lang niya ito nakausap ng matagal mula nang magbakasyon ito sa probinsya. Nakakagulat lang talaga na humihingi sa kanya ng tawad ang mama niya. Damang-dama niya ang pagsisisi nito habang sinasabi iyon.
"Apo nandyan ka pa ba?" Untag sa kanya ni Lola Fe.
"Nandito pa po ako. Sa bahay po natin nakatira si Joen ngayon," pag-imporma niya dito. Ilang beses na sila nitong nag-usap sa cellphone ngunit ngayon lamang niya nasabi dito ang bagay na iyon.
"Ganoon ba. Okay lang `yon sa akin. Walang problema, Vinnezer. Mag-iingat ka dyan. Uuwi na rin kami dyan pagkatapos ng buwan na ito."
"Opo lola. Lola Fe, bakit po humihingi sa akin ng tawad si mama?" Ang tanong niya. May ideya na siya kung para saan ang tawad na iyon ngunit gusto niya na makasigurado.
"Basta apo. Pag-uusapan natin ito pag-uwi namin dyan. Patawarin mo rin ako. Kung pwede nga lang na umuwi na kami dyan ang kaso ay may inaasikaso pa kami dito."
"Okay po," tanging nasabi niya.
Hindi na siya nag-usisa pa. Maghihintay siya sa pag-uwi ng mga ito. Kagaya ng sabi niya kanina ay may ideya na siya sa paghingi ng tawad ng mga ito. Mukhang alam na ng mga ito ang nangyari sa kanya. Ang ginawa sa kanya ng kinikilala niyang ama.
"MAGLULUTO ako ngayon, Joen." Pag-iimporma ni Vin kay Joen.
Pareho silang day-off nito sa araw na iyon. Nagkasya lang sila nito na manatili sa bahay.
"Talaga. Magluluto ka ngayon?"
"Oo."
Sa mga nakaraang araw ay palaging si Joen na lang ang nagluluto ng pagkain nila. Bigla na lang itong gumaling sa pagluluto kahit na bago pa lang ito sa larangan na iyon. Siguro dahil na rin sa may talent talaga ito doon. Siya naman sa kabilang banda ay naging tagatikim ng niluluto nito. Mabuti na lang kahit na may kalakasan siyang kumain ay hindi siya tumataba. Tamang-tama lang ang katawan niya.
Sa pagtira nila sa isang bahay ay mas lalo nilang nakilala ang isa't-isa. Kung ano ang ayaw at gusto ng isa pagdating ng set-up sa bahay. Nakita at alam na rin niya ang karaniwan na ritwal na ginagawa ng lalaking mahal niya sa araw-araw. Lagi sila nitong magkasama sa gawain sa bahay. Pati sa leisure. Isa lang ang bagay na ginagawa nito na hindi niya ginagawa. At iyon ay ang pagpunta nito sa gym para maging mas macho pa daw ito. Siyempre, para daw iyon sa kanya.
"Siyanga pala, Joen ko, tumawag sa akin si lola kahapon. Sa katapusan pa sila uuwi."
"Sila? Bakit kasabay na rin ba ang magulang at kapatid mo?"
"Oo. Sasabay na sila. Ang weird nga ni mama kahapon eh. Hingi siya ng hingi ng sorry sa akin." Pagku-kwento niya.
"Bakit?"
Hindi siya sumagot. May ideya na siya sa paghingi sa kanya ng paumanhin ng mama niya pero hindi pa rin niya kayang sabihin ang madilim niyang sikreto kay Joen. Hindi pa niya kaya. Hanggang ngayon kasi ay nag-aalinlangan pa rin siya. Natatakot pa rin siya sa posibleng maging reaksyon nito kahit na may assurance na ito na walang magbabago sa kanilang dalawa.
Sa kanilang dalawa ay siya ang mas may problema.
"Ang pananahimik na `yan. Alam ko na kung ano ang dahilan niyan, Vin ko. `Wag ka kasing masyadong mag-isip. Ang isipin na lang natin ngayon ay `yong nalalapit na maonthsary natin. Excited na ako para doon. May sorpresa ako sa `yo."
"Ilang beses mo nang sinabi sa akin na may sorpresa ka. Katulad mo ay may sorpresa din ako sa `yo."
"Ilang araw na lang. Malapit na `yon. Ano ba ang gusto mong gawin sa monthsary natin?"
"Kahit ano, basta kasama kita."
Malawak itong napangiti.
Tumayo naman siya para yakapin ito. Niyakap niya nang mahigpit si Joen.
"Mahal na mahal kita, Joen ko. Ikaw lang at wala nang iba."
"Mahal din kita."
"Ipagluluto pala kita," ang sabi niya.
Nasa akto na siya nang pagkalas sa yakap nito nang yakapin siya nito. Mahigpit.
"Mamaya ka na magluto. Iba ang gusto kong luto ngayon." Ang pilyong sabi nito.
"Inaatake ka naman ng ka--."
Hindi na niya natapos pa ang sasabihin. Itinaas ni Joen ang mukha niya. Sinakop nito ang kanyang labi. Isang halik na mainit, masuyo at nakakatakam. Ginantihan niya iyon sa parehong intensidad. At doon, sa living room ng bahay nila ay pinagsaluhan nila ang init ng kanilang katawan.
"DADALHIN ko ang pagkain na niluto ko para sa `yo."
Ang huling salita na sinabi ni Vin kay Joen bago siya magpaalam dito. Dahil day-off niya at may pasok si Joen ay nagdesisyon siya na ipagluto ito ng isa sa paborito nitong ulam. Chicken curry. Mabuti na lang at nagpaturo siya kay Aling Mercy ng pagluluto niyon.
Nang maihanda na niya ang dadalhin ya ay inasikaso naman niya ang sarili. Naligo siya at nagpagwapo para kay Joen. Pinili niya ang damit na alam niyang babagay sa kanya. Sinuklay niya nang maayos ang may kahabaan na niyang buhok. Nang makuntento sa repleksiyon na nakikita sa salamin ay maluwang siyang napangiti.
Ang una niyang balak ay sorpresahin sana si Joen na ipagluluto at dadalhan niya ito ng pagkain. Ngunit dahil nga sa hindi niya napigilan ang sarili ay nasabi niya iyon dito.
Naghanda na siya para umalis. Sinigurado niyang nakasara ang buong bahay bago siya naglakad patungo sa paradahan ng jeep. Habang naglalakad ay nakasalubong niya si Joanna. May kasama itong lalaki na sa tantiya niya ay kaedad lamang nila. Masasabi niyang gwapo ito. Mas matangkad ito sa kanya. Hindi naman siya nakikipagngitian pero ngumiti ito. Binalewala niya iyon.
"Saan ang punta mo Vin?" Ang usisa ni Joanna.
"Pupuntahan ko si Joen. Dadalhan ko siya ng pagkain."
"Wow! Ang sweet mo naman na boyfriend." KInikilig na sabi nito.
"Siyempre naman. Sweet din ang boyfriend ko eh." Pagmamalaki niya.
Nag-usap pa sila nito. Natigil lamang iyon ng makarinig sila ng pagtikhim. Pareho sila ni Joanna bumaling sa lalaking kasama nito. Biglang nawala sa kanila na may kasama pala ang kaibigan niya. Para hindi mapahiya ay kimi niyang nginitian ito.
"Pasensya na. Nakalimutan kong may kasama pala ako," ani Joanna. "Siyanga pala, Vin, si Marco, kaibigan ko. Marco, si Vin kaibigan ko rin."
Inilahad ng lalaki ang kamay nito. Inabot naman niya iyon. Medyo nagulat siya nang mahinang pisilin ng lalaki ang kamay niya. May higpit din sa pagkakahawak nito. Parang ayaw siyang pakawalan. Kung hindi pa niya iyon binawi ay wala pa sana itong balak na bitawan siya.
"Tamang-tama Vin. Same way lang kayo ni Marco, sumabay ka na sa kanya."
Tatanggi sana siya ng maunahan siyang magsalita ni Marco. "Oo, sumabay ka na sa akin para huwag ka nang mamasahe. Tamang-tama dala ko ang kotse ko."
"Hindi na." Ayaw niyang mapalapit kay Marco. Masama ang pakiramdam niya dito. Gwapo ito pero ang kutob niya ay hindi ito gagawa ng mabuti. Medyo naiilang din siya sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. Hindi niya iyon gusto.
"`Wag na. Nakakahiya. Ayaw kong makaistorbo." Ang muli niyang sabi. Tahasan na rin siyang tumanggi ngunit hindi iyon pinansin ng lalaki at ng kaibigan niya.
"Sa ayaw at sa gusto mo ay isasabay kita," ani ng lalaki saka siya hinawakan sa kamay at hinila palayo kay Joanna.
Nagpapasaklolong tumingin siya sa kaibigan ngunit ang bruha ay nakangiti lang ng malawak. Tila hindi alintana ang aksyon ng lalaki. Tila hindi napansin ang uri ng tingin na ibinibigay nito sa kanya.
Nang makarating sila sa nakaparadang sasakyan nito ay pinagbuksan pa siya nito ng pintuan. Sumunod na lang siya. Ayaw na niyang sumagot o tumanggi pa. Nasa sitawasyon na siya at wala na siyang magagawa. Kahit ano ang pilit niya na huwag ditong sumabay ay magpipilit at magpipilit ito.
Nang makasakay ito ay ngumiti ito ng matamis. Hindi siya gumanti.
"You know what I like you. Pwede ba kitang ligawan."
Napasinghap siya sa pagiging tuwid nito. Inaasahan na niya iyon ngunit hindi pa rin siya makapaniwala.
"Hindi kita gusto." Tahasan niyang sabi.
Sa panggigilalas niya ay tumawa ito. "I like you. Let me introduce myself to you, Vin, formally. I'm Marco Diaz, kaibigan ako ni Joen at nandito ako para sunduin ka talaga. I'm just testing your patience."
Hindi siya makapaniwala sa narinig. "Kaibigan ka ni Joen?"
Tumango ito. "Yeah. I'm a friend. Ihahatid na kita sa restaurant."
Hindi na siya tumugon. Hinayaan niya ang sarili na tumingin sa labas habang patungo sila doon. Nang makarating sila sa restaurant ay agad siyang bumaba.
"Salamat."
"Walang anuman. Gusto kita talaga."
"Ewan ko sa `yo," ang sabi niya saka iniwanan ito. Tumawa lang ang lalaki.
"PINASUNDO mo ba ako sa kaibigan mo?"
Ang bungad na tanong ni Vin kay Joen na ikinakunot ng noo niya. Bumaling siya dito. Pagkarating ni Vin ay eksakto naman na lunch break na niya. Nasa staff area sila at doon niya kakainin ang ulam na niluto ni Vin para sa kanya. Excited siyang matikman ang niluto nito.
Mula sa pagkain na nakahain sa mesa ay bumaling siya dito. Kunot-noo pa rin.
"Hindi. Sinong kaibigan?"
Sa pagkakataong iyon, ito naman ang kumunot ang noo.
"Hindi? Eh, sino si Marco? Ang sabi niya sa akin ay pinapasundo mo raw ako sa kanya. Ang sabi din niya ay kaibigan mo siya. Sa kanya nga ako sumabay. Ayoko pero pinilit niya ako."
Sa sinabi nitong iyon ay bigla siyang kinabahan. Of course, kilala niya si Marco, kilala niya ang lalaki pero hindi niya ito kaibigan. Kaaway niya ang lalaki. Minsan na niyang nakarambulan ito noong mga panahon na nagrerebelde siya sa daddy niya. Isa si Marco sa mahigpit niyang kaaway at tuwing nagkikita silang dalawa ay nagsusuntukan sila. Matagal na niyang hindi ito nakikita. At kahit na makita niya ito ay hindi na siya katulad ng dati na makikipagbasagan ng mukha. Anong gustong ipahiwatig ng mortal niyang kaaway? Manggugulo ba ito? Sa haba ng panahon na hindi niya ito nakita at walang narinig na balita mula dito ay babalik ito.
Sumeryoso siya. "Huwag kang lalapit o makikipag-usap sa kanya Vin ko." Sinabi niya dito kung ano ang relasyon niya sa lalaki. Ikinagulat nito iyon.
"Tama pala ang kutob ko sa kanya," anito. "Kahit na may hitsura ay hindi gagawa ng mabuti."
"`Wag kang lalapit sa kanya."
"Hinding-hindi. Hindi ko siya kilala at wala akong balak na kilalanin pa siya, Joen ko. Nang makita ko nga siya ay masama na ang kutob ko sa kanya."
Nakahinga siya nang maluwang sa sinabi nito. "Salamat Vin ko."
"Kumain na tayo. Excited na akong ipatikim sa `yo ang niluto ko."
"Excited din ako," aniya.
Sa mga sumunod na sandali ay pinagsaluhan nila ang pagkain na niluto ni Vin. At nabusog siya ng husto. Pwede na talagang mag-asawa ang mahal niya at siyempre siya ang aasawahin nito.
TATLONG araw na lang at malapit na ang monthsary ni Joen at ni Vin. Sinadya niyang huwag pumasok ngayong araw para mapuntahan na niya ang jewelry shop kung saan niya nakita at ipinareserba ang braclet na nakita niya. Sa tulong ng pera na naipon niya mula sa pagtatrabaho sa restaurant at ibinigay sa kanya ng Kuya Arkin niya ay mabibili na niya ang bracelet. Isinama niya si Joanna at Diega para may makausap siya habang nasa mall siya.
"Ang sweet mo naman maging boyfriend, Vinnezer," ani Diega na mahihimigan sa boses ang pagkainggit. "Ang swerte mo pa dahil may gwapo kang boyfriend. Ako kaya kailan magkakaroon ng yummy na dyowa."
"`Pag maganda ka na, Diega." Ang pagsingit ni Joanna.
Inirapan naman ito ng una. "Bakit ikaw ba maganda? Ang pangit mo nga rin."
Muli, nag-asaran na naman ang mga ito. Tumigil lang ang dalawa ng may makasalubong silang lalaki. As usual, nagpa-cute ang mga ito. Lihim na lang siyang napapailing sa ginagawa ng mga ito.
Bumaling siya sa dalawa. Pagkatapos niyang makausap si Joen nang dalhan niya ito ng pagkain ay dumiretso siya sa bahay ni Joanna. Tinanong niya ang kaibigan kung alam nito na kaaway ni Joen si Marco. Ang sabi nito sa kanya ay hindi nito alam iyon. Basta nakilala daw nito si Marco at dahil sa crush nito ang lalaki ay naging uto-uto ang kaibigan niya. Bagay na gusto niyang baguhin nito sa ugali. Nagmumukha na kasing desperada ang kaibigan niya na magkaroon ng dyowa. Ang pangit lang tingnan.
"Nandito na tayo," imporma niya sa dalawa saka pumasok sa loob ng jewelry shop. Nagtungo siya sa saleslady at tinanong ang ipinareserba niya na bravelet. Nang sabihin sa kanya ng babae na nandodoon pa iyon ay agad niyang kinuha at binayaran
Malawak ang pagkakangiti niya nang makalabas sila ng shop. At last ay nabili na niya ang regalo niya kay Joen para sa monthsary nila. Sana lang ay magustuhan nito iyon. Pero malakas ang pakiramdam niya na magugustuhan iyon ni Joen dahil nanggaling sa kanya.
Gumala muna sila bago umuwi.
Eksaktong nasa tapat na sila sa bahay nila nang makatanggap siya ng tawag mula kay Joen. Agad niyang sinagot iyon.
Narinig pa niya ang pagtili ng dalawang kasama. "Bwisit! Nakakainggit ang ka-sweetan-an niyo," ang naiinis na sabi ni Joanna.
Tinawanan na lang niya ito.
"Hindi ka daw pumasok sabi ni dad. May sakit ka ba Vin ko?" Nag-aalalang tanong nito.
"Wala akong sakit. Hindi lang talaga ako pumasok dahil may importanteng bagay akong ginawa."
"Bakit hindi mo sinabi sa akin? Sana nasamahan kita na gawin ang importanteng bagay na `yan."
"`Wag na. Maiistorbo pa kita, saka may trabaho ka. Bawal kang um-absent dahil may bibilhin ka, hindi ba?"
"Nabili ko na kahapon Vin ko."
Siya naman ang napakunot ang noo sa sinabi nito. "Bakit hindi mo sa akin sinabi? Sana nasamahan kita."
"Katulad ng rason mo ay ayaw kitang maistorbo. Saka sikreto `yon. Binili ko kahapon `yong regalo ko sa `yo."
Napangiti siya. "Ganoon ba. Joen ko, `wag na muna tayong magkita. Sa monthsary na lang natin tayo magkita."
"Ano?! Ano ba ang ibig mong sabihin? Para mo naman akong papatayin sa ipapagawa mo sa akin."
"Ang cheesy mo. Dalawang araw lang naman eh. Sige na, para ma-miss natin ang isa't-isa. Paghahandaan ko ang araw ng monthsary natin."
"Grabe ka naman. Sige na nga para `wag ka lang magtampo."
Napangiti siya nang maluwang. "Salamat Joen ko. I love you. I miss you."
"I love you din. Miss na din kita. Humanda ka sa akin sa araw ng monthsary natin."
"Paghahandaan ko `yan. Pero walang pasok pa rin."
"Aye aye sir."
Nagpaalam na siya dito. Nakanganga lang na nakatingin sa kanya sina Joanna at Diega. Nang makarekober ang mga ito ay sinabunutan siya ni Diega. Napa-aray na lang siya.
"Grabe ka. Iniinggit mo kaming dalawa ni Joanna. Ikaw na Vin. Ikaw na ang mahaba ang buhok. Ikaw na ang may dyowa kami na ang wala. Talong-talo mo kami ni Joanna sa haba ng buhok mo eh. Mas mahaba pa kaysa kay Rapunzel."
Tumawa na lang siya. Hindi siya naaapektuhan sa pang-aasar ng mga ito. Masaya siya. Masayang-masaya. Walang makakapantay sa kaligayahan niya. Sa araw rin ng monthsary nila ay sasabihin na niya kay Joen ang madilim niyang nakaraan. Wala nang pag-aalinlangan pa.
UNANG araw bago ang monthsary nila. Maagang nagising si Vin para pumasok sa restaurant. Naghihintay na siya ng masasakyan na jeep sa paradahan nang may huminto na sasakyan sa harap niya. Alam niya kung kanino iyon. Hindi niya pinansin ang kotse at lumayo doon. Nakakairita lang na kahit lumalayo na siya ay lumalapit pa rin sa kanya ang sasakyan. sumusunod pala. Nagdesisyon siyang huminto. Kinatok niya ang salamin ng kotse. Bumaba naman iyon at tumambad sa kanya ang nakangiting mukha ni Marco. Wala na siyang pinoproblema. Maayos ang relasyon nila ni Joen ngunit sa pagdating nito sa buhay nila ay baka magkaroon. Isang malaking threat ito sa samahan nila ni Joen. Nang marinig niya ang mga sinabi ni Joen tungkol dito ay mas lumala ang animosidad na nararamdaman niya para sa lalaki. Hindi niya talaga ito gusto.
"Pwede bang lubayan mo ako." Ang buong-buo niyang sabi dito.
Mula nang makilala niya ito ay walang palya ang lalaki sa pagsunod-sunod sa kanya. Nakakairita iyon. Hindi niya gusto. At kailanman ay hindi niya gugustuhin.
"Paano `yon, Vinnezer? Ayaw kitang lubayan. Gusto talaga kita."
"Tigilan mo nga ako. Pwede ba, hindi tayo talo. Akala ko ba kaibigan mo si Joen. Bakit ganyan ang pakikitungo mo sa akin?"
"Hindi ko kaibigan si Joen. Nagsinungaling ako sa `yo. Ang totoo niyan ay mortal kong kaaway ang lalaking iyon."
Bumaba ito ng kotse. Lumayo siya. Lumapit naman ito sa kanya. Nabigla siya nang hawakan siya nito sa braso at hilahin palapit dito. Nagulat siya sa sunod nitong ginawa. Mabilis siyang kinaladkad papasok sa kotse nito.
Para siyang natulos. Para siyang tuod na hindi nakakilos sa bilis ng pangyayari. Nahimasmasan lamang siya ng umaandar na ang kotse. Nang makapasok na siya sa kotse nito ay saka pa lang niya napansin na parang may kakaiba dito. Masyado maligalig ang mata nito habang nagmamaneho. Napansin rin niya na namumula iyon. Naka-droga ba ito? Nakadama na siya ng takot. Kung tama ang iniisip niya ay baka kung ano ang gawin nito sa kanya.
"Ano bang ginagawa mo? Ihinto mo nga ang kotse. Pababain mo ako dito. Kidnapping ang ginagawa mong lalaki ka. Pwede kang kasuhan dahil dito." Lakas loob niyang sabi. Hindi siya dapat magpakita ng kahinaan sa harapan nito.
"Gusto kitang masolo." Ang nakakalokong sabi nito. "Pagkakataon ko na `to para makapaghiganti sa pesteng boyfriend mo." Nakadama siya ng takot nang bumalasik ang anyo ng mukha nito. Tila bumalik sa kanya ang nangyari noong sixteen years old siya. Nakikita niya ang senaryong iyon sa senaryong kinalalagyan niya ngayon. Nagsumiksik siya sa gilid. Bigla siyang nanginig. Bumangon ang takot sa kanyang puso. Anumang oras. Pakiramdam niya ay mawawalan siya ng malay sa nangyayari.
Lalo siyang nagsumiksik ng ihinto ni Marco ang kotse sa isang tagong lugar. Hindi agad mapapansin ang kotse nito dahil sa may kasukalan na bahagi iyon. Lalo siyang nagsumiksik sa tabi. Hindi niya mapigilan ang manginig at maiyak.
"Maawa ka sa akin." Ang umiiyak niyang sabi. Katulad na katulad ng senaryo noon ang senaryo na kinasusuungan niya ngayon. Ayaw na niyang maulit iyon. Ayaw na niya!
Lumapit sa kanya si Marco at hinila siya palapit dito. Niyakap siya nito nang mahigpit kahit na nagpupumiglas siya. Hindi ito dapat mangyari sa kanya. Minsan na siyang naging biktima ng pangmomolestiya at pang-aabuso at ayaw na niyang maulit pa iyon. Hindi na niya kakayanin. Napaigik siya nang suntukin siya ni Marco sa tiyan.
"Gusto kita. At ngayon na nasa tabi na kita ay aangkinin kita Vinnezer."
Nagpumiglas siya. Muli, sinuntok siya nito. Hilam na ng luha ang mata niya. Pinagpapawisan na siya ng malapot at grabe na ang panginginig niya.
Ang unang gumawa sa kanya ng kahalayan ay ang kinikilala niyang ama. Minolestiya siya nito. Iyon ang madilim niyang sikreto na ayaw na niyang mangyari pa. Kaya labis ang pagkamuhi niya sa kinikilalang ama dahil ito pa ang gumawa sa kanya ng kahalayan. Ngayon naman. Napapikit na lang siya ng maramdaman niya ang labi ni Marco sa leeg niya. Bakit kailangang mangyari ito sa kanya? Hindi naman siya babae pero nasa sitwasyon siya na alam niyang babae ang karamihan sa nagiging biktima.
Itinulak niya palayo sa kanya ang lalaki ngunit suntok ang natamo niya mula dito.
"Ma-maawa ka naman sa `kin. Wa-wala akong kinalaman sa away n'yo ni Joen." Umiiyak na paki-usap niya.
Ngunit tila wala itong narinig. Nagpatuloy ito sa ginagawa. Napahiyaw siya ng basta na lang nitong hablutin ang damit niya na nagresulta sa pagkakapunit niyon. Lumakas ang pag-iyak niya. Humagulgol na siya.
"Please. Wala akong kinalaman dito. Huwag ako ang gantihan mo."
"May kinalaman ka dito dahil ikaw ang boyfriend ni Joen. Ang loko-lokong iyon. Hindi ko akalain na papatol sa katulad mo. Nabakla na ang lalaking iyon. Hindi ko naman siya masisisi dahil may hitsura ka din. Ang sarap mo rin siguro kasi. Napasok ka na ba niya? Napapaligaya mo ba siya ng mabuti."
Nandidiri siya sa kinasasadlakan niya. Pero pakiramdam niya ay mas lalo pa siyang nandidiri sa pinagsasabi ni Marco. Hahalikan sana siya nito sa labi ngunit umiwas siya. Isang malakas na sampal ang natanggap niya mula dito. Nakaramdam siya ng pamamanhid, kasunod niyon ay nalasahan niya ang dugo na nagmula sa pumutok niyang labi.
"Ako ang masusunod sa `tin. Makisama ka kung ayaw mong magulpi." Nagpumiglas siya. Iniiwas niya ang mukha dito. Isang malakas na sampal na naman ang natanggap niya. Pakiramdam niya ay namumula at namamaga na ang mukha niya sa dami ng sampal at suntok na natatanggap niya mula dito.
Kinagat niya ang labi niya nang muli siya nitong halikan. Napahiyaw siya ng kagatin nito ang ibabang labi niya. Kinumuyos siya nito ng halik. Halik na labis niyang pinandidirihan. Puro pag-iyak at pag-hagulgol na lamang ang nagawa niya. Kahit na pilitin niyang tumakas ay hindi naman niya magagawa dahil automatic ang lock ng kotse nito. Wala siyang kawala. Sa bawat pagpupumiglas niya ay purong suntok at sampal ang natatamo niya. Pakiramdam niya ay magang-maga na ang mukha at katawan niya.
Joen, tulungan mo `ko. Please dumating ka na. Tulungan mo `ko.
Ipinikit niya ang mata. Kasabay niyon ay narinig niya ang malalakas na katok sa bintana ng kotse. Kasunod ang pagkabagsak niyon.
Lumayo sa kanya si Marco at nagmumurang binuksan ang pintuan ng kotse.
Nabuhayan siya ng loob.
NAGMAMADALING lumabas si Joen sa restaurant ng makatanggap ng tawag mula kay Joanna. Labis na kaba ang nadarama niya. Kahit na tinawag siya ng daddy niya at mga kasamahan ay hindi niya pinansin ang mga ito. Kailangan niyang tulungan ang pinakamamahal niya. Kailangan niyang tulungan si Vin mula sa kamay ng mortal niyang kaaway. Hindi niya akalain na aabot ito sa punto na pati ang lalaking mahal niya ay idadamay nito.
Pinuntahan niya ang lugar kung saan nakita ni Joanna na dinala ni Marco si Vin. Kapag may nangyaring masama sa taong mahal niya ay mapapatay niya ito. Bakit kailangan pa nitong idamay si Vin? Pwede namang siya na lang. Siya ang may atraso dito at hindi si Vin.
Basta na lang niyang ipinarada ang motor niya. Wala na siyang pakialam kung hindi maayos iyon. Nagpuyos ang galit sa dibdib niya nang makita ang nakaparadang kotse ni Marco. Tumatakbong lumapit siya doon at malakas na kinatok ang salamin na bintana. Nang hindi iyon buksan ay kumuha siya ng malaking bato at basta na lang niya itinapon sa bintana ng backseat. Wala siyang pakialam kung makasuhan siya sa paninira ng gamit. Kailangan niyang mailigtas si Vin. Nasa akto na siya ng pagbato ng pangalawang malaking bato nang bumukas ang pintuan ng driver seat at iniluwa ang galit na galit na mukha ni Marco. Agad niya itong binigyan ng malakas na suntok. Isa, dalawa, tatlo hanggang sa magsawa siya na ginantihan naman nito. Masakit pero hindi niya iniinda. Ang mahalaga ay mailayo niya ito kay Vin.
Minura niya ito. Gumanti naman ito ng pagmumura saka tumawa ng nakakaloko.
"Kahit na pumatol ka na sa bakla ay malakas ka pa ring sumuntok, Joen! Ang sarap ng boyfriend mo! Ang sarap ng lips. Nakakagigil halikan." Nakakainsultong sabi nito.
Sinugod niya ito. "Gago ka! Anong ginawa mo kay Vin. Mapapatay kitang hayop ka! Bakit mo siya idinamay sa away natin! Wala siyang kinalaman dito!"
Nagpalitan sila ng suntok. Siya ang llamado sa kanilang dalawa. Sa bawat suntok niya ay sinisigurado niyang tatama dito. Mabuti na lang at magaling siyang umilag kapag ito naman ang gumaganti ng suntok. Labis na galit ang nadarama niya sa mga oras na iyon. Hindi niya pinayagan na makaganti ito. Nakakaganti, oo, pero mga suntok na naiiwasan niya. Ang hindi na ito makagalaw sa sobrang pagsuntok niya at natamong sugat ay tinigilan na niya ito. Lumapit siya sa sasakyan. Nanghina siya nang makita ang hitsura nito. May pasa ito sa mukha. Putok ang labi at may natuyong dugo pa doon.
"Jo-joen ko," nanghihina nitong sabi. May panginginig din sa boses nito. Ngumiti ito. Ngiti na tila nagsasabing 'salamat at dumating ka'. Lumapit siya kay Vin at niyakap ito nang mahigpit. Damang-dama niya ang panginginig nito.
"Vin ko, dadalhin kita sa ospital. I'm sorry, nahuli ako ng dating." Hindi niya mapigilan ang maluha sa sinapit ng taong mahal niya. Kasalanan niya kung bakit nangyari ito dito.
Binuhat niya ito.
"Hin-hindi ka nahuli. Du-mating ka lang sa oras. Natatakot ako, Joen." Ang sabi ni Vin saka umiyak nang umiyak. Humigpit din ang pagkakayakap nito sa kanya saka nawalan ito ng malay na labis na nagbigay sa kanya ng kaba.
"Vin!"
"ANONG nangyari sa kapatid ko?!" Ang pasigaw na tanong ni Arkin sa kanya nang makita siya sa hallway ng ospital.
Napayuko siya sa tanong nito. Hindi niya makasalubong ang nananantiyang titig nito. Tila inaarok ang mga sasabihin niya na salita. Kung nagsasabi siya ng totoo o hindi.
"Sumagot ka Joen!" Ang sigaw nito.
Sinabi niya dito ang totoong nangyari. Idinetalye pa niya para maunawaan nito nang husto. Alam niya na siya ang sisisihin sa nangyari pero willing siyang tanggapin ang lahat ng mga iyon. Hindi nga siya nagkamali dahil lumabas sa sariling bibig ni Arkin ang pagsisi sa kanya.
"Kasalanan mo `tong lahat eh. Ikaw dapat ang nasa sitwasyon ng kapatid ko at hindi siya. Ikaw ang gagantihan dapat ng kung sinong Poncio Pilato na `yon! Tama talaga ako simula pa n'ung una! Wala kang maidudulot na mabuti sa kapatid ko! Sabihin na natin na tadhana na ang naging dahilan para muli kayong magkita pero peste `yon! Dahil sa pesteng tadhana na `yan ay nasaktan ang kapatid ko! At kasalanan mo iyon!"
Hindi siya umimik. Nanatili siyang nakatungo. Pinipigilan niya ang sarili na maiyak. Ang bawat salitang sinabi ni Arkin ay tila patalim sa kanyang puso. Tama ang bawat salita na binigkas nito. Gustuhin man niyang kumontra, alam niya na babalik lamang ang lahat sa kanya.
"Ngayon hindi ka makasagot dahil tama ang lahat na sinabi ko! Hindi mo ba alam na may trauma na si Vin sa mga ganoong bagay! Minolestiya siya ng kinikilala niyang ama. Inabuso at nagahasa! Hindi kita mapapatawad kapag may nangyaring masama sa kapatid ko Christian! Pareho lang kayo ng tunay mong ina!"
Hindi pa rin siya nagsalita. Tatanggapin niya ang bawat salitang nanggaling dito. Kahit masakit ay ayos lang. Ang tanging gusto niya ay sa tabi siya ni Vin hanggang sa magkamalay ito.
Bukod sa sakit na nadarama niya ay nadagdagan pa iyon ng pagkagulat, pagkamuhi at galit. Ngayon alam na niya ang dahilan kung bakit ganoon na lang kalalim ang galit na nadarama ni Vin sa kinagisnan nitong ama. Wala siyang kaalam-alam doon. Wala siyang ideya na ganoon ang nangyari kay Vin. Napaisip siya. Kaya hindi masabi sa kanya ng mahal niya ang masamang bagay na nangyari dito dahil natatakot siguro ito na magbago ang pakikitungo nito sa kanya. Naalala niya ang naging pag-uusap nila sa sala ng bahay nila kahit na matagal na iyon.
"Wala kang alam, hindi ba?"
Nahihiya siyang tumango. "Hindi ko alam."
Magsasalita pa sana ito nang dumating ang daddy niya. Nag-usap ang dalawa. Siya naman sa kabilang banda ay nanatiling nakatungo. Nakikinig sa pag-uusap ng mga ito. Ang labis na takot at pag-aalala niya para kay Vin ay mas lalong tumindi sa mga nalaman niya.
Namalayan na kang niyang lumuluha na siya. Nanlalabo na rin ang kanyang paningin dala ng luha na hindi maampat sa pagtulo.
Ipinangako niya kay Lola fe na babantayan niya si Vin. Na poprotektahan niya ito sa anumang bagay. Pero siya rin pala ang magiging dahilan kung bakit ito nasaktan. Ang sakit-sakit lang na isipin na hindi niya natupad ang pangakong iyon at siya pa ang nag-iisang dahilan sa nangyari.
Pinunasan niya ang luhang naglandas sa kanyang pisngi. Tahimik siyang umiyak. Nagdesisyon siyang lumabas ng ospital para matawagan si Lola Fe. Naharap na niya si Arkin. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon at pwedeng sabihin sa kanya ni Lola Fe. Kailangan niyang ihanda ang sarili.
Alam niya na may galit na sa kanya si Arkin ngunit sa tingin niya ay mas lalong lumala iyon sa nangyari kay Vin. Hindi niya ito masisisi. Sobra ang galit na nararamdaman niya kahit na nalulungkot siya sa sinapit ni Vin. Nagagalit siya kay Marco. Ngunit mas nangingibabaw ang galit niya sa sarili dahil hindi niya naprotektahan si Vin.
Sinuntok niya ang pader. Wala siyang pakialam kung masugatan o mabasag man ang buto sa kamao niya. Gusto niyang ibuhos ang lahat ng galit na nasa katawan niya. Unti-unting humina ang pagsunotk niya sa pader saka siya umiyak nang umiyak. Maituturing na simple lamang ang nangyari. Hindi masyadong nasaktan si Vin maliban sa mga pasa nito sa mukha, sa tiyan at sa tagiliran. Hindi pa rin ito nagkakamalay. Para sa kanya ay malubha na iyon.
Masyado siyang maraming naiisip. Pakiramdam niya ay hindi niya kakayanin na makita ang taong mahal niya sa ganoon na sitwasyon. Padausdos siyang napaupo.
Narinig niya ang pagtawag sa kanya ng daddy niya. Nag-angat siya ng paningin. Kitang-kita niya ang awa sa mukha nito. Hindi siya nag-abalang punasan ang luha na dumaloy sa kanyang pisngi.
"Ano ba ang ginagawa mo sa sarili mo?!" Ang gulat nitong tanong nang makita ang kamao niya.
"Ako ang may kasalanan nito, dad. Kung hindi dahil sa akin ay hindi masasaktan si Vin. Siya ang ginantihan dahil sa akin. Muntikan pa siyang magahasa."
"Hindi mo kasalanan. Wala kang kasalanan Joen! Umayos ka! Ayusin mo ang sarili mo! Hindi malubha si Vin. Nawalan lang siya ng malay dahil sa mga natamo niya na.pasa. Huwag kang masyadong mag-isip!"
Sumigok siya. "Hindi ko maiwasan dad. Hindi ko maiwasan na mag-alala para sa kanya. Nahihirapan ako na makita siyang ganoon. Ang hirap sa akin eh."
"Umayos ka! Hindi kita pinalaki para maging mahina. Umayos ka para kay Vin. Kung anuman ang sinabi ni Arkin sa `yo, dahil sa galit lang `yon! Wala nang iba pa!"
Hindi siya tumugon. Niyakap niya lang ito.
NAGISING si Vin na masakit ang katawan. May ibang parte rin ng kanyang mukha ang masakit. Iginala niya ang paningin sa kanyang paligid. Puro puti ang nakikita niya. Indikasyon na nasa ospital siya. Nang dumako ang paningin niya sa couch ay nakita niya ang mahimbing na natutulog na si Joen Napangiti siya. Tinawag niya ang pangalan nito. Kaagad naman itong nagising.
Biglang tumayo si Joen at agad na lumapit sa kanya.
"Vin ko, kumusta ka na? Okay na ba ang pakiramdam mo? May masakit ba sa `yo?"
Nagulat siya ng may tumulo na luha sa mata nito.
"I'm sorry. Kasalanan ko kung bakit nangyari `yan sa `yo. Kung bakit ka nasa ganayan na sitwasyon ngayon. Sorry."
"Lumapit ka nga sa akin ng mabuti," ang sabi niya. Ginawa naman nito iyon. Pinisil niya ang ilong nito na ikinasigaw nito. "`Wag kang masyado OA, Joen ko. Okay na ako. Sabihin na natin na medyo bumalik ang trauma ko pero wala ng kaso iyon. Basta't alam ko na nasa tabi kita ay magiging okay ako. Huwag kang umiyak kasi nakakabawas `yan ng kagwapuhan. Sige ka, baka palitan kita."
Pinunasan nito ang luha na nasa pisngi nito. Sumimangot ito pagkatapos.
"Hindi ko maiwasan eh. Ang sakit lang kasi kasi ako ang dahilan niyan."
"Wala ng kaso iyon kasi dumating ka lang na tama sa oras. Nailigtas mo ako. Tagapagligtas kita."
"Sigurado ka bang okay ka na?"
"I'm okay. Okay na okay na ako basta nasa tabi kita, Joen ko."
"Wala ka na bang trauma? Gusto mo bang ipa-stress debriefing kita? DSWD?"
Natawa na lang siya sa pinagsasabi nito. "Para kang baliw! Wala nga. Pasa lang naman ang natamo ko. Okay ako. `Wag kang mag-alala."
"Gusto ko lang makasigurado Vin ko. Ayoko kasing nakikita kang nahihirapan."
Bigla siyang sumeryoso ng may maisip. "Alam mo na ba ang totoo? `Yong madilim kong sikreto?"
Marahan itong tumango. "Alam ko na."
Bigla siyang nabahala. "A-ano ang balak mong gawin ngayon?"
"Lalayo." Seryosong sagot nito.
"I-iwanan mo ako?"
"Papayag ka ba kung iiwanan kita?" Ganting tanong nito na labis niyang ikinabahala.
"`Wag mo akong iiwan Joen ko."
"Sino ang nagsabi na iiwan kita? Hindi ko gagawin ang bagay na `yon, Vin ko. Takot ko lang na mawala ka sa tabi ko. Walang kaso sa akin ang mga nalaman ko sa `yo. Biktima ka Vin. Hindi mo ginusto ang nangyari sa `yo. Alam ko na ngayon kung bakit ganoon na lang ang galit mo sa papa mo."
Nakahinga siya ng maluwag. Itinaas ni Joen ang kanang kamay nito. Sapat para makita niya ang nakapulupot doon na para sa sugat. "Ano ang nangyari dyan?" Nag-aalala niyang tanong.
"Wala ito," anito, paiwas.
"Alam kong nakipagsuntukan ka kay Marco pero ang tindi naman ng mga `yan. Ano ba ang ginawa mo?"
"Wala nga. `Wag kang makulit. Hahalikan kita."
"Hindi pwede. Alam mo na putok ang labi ko."
"Ano naman sa akin? Basta hahalikan kita."
"Inaatake ka na naman ng pagiging manyak mo. Umayos ka nga. Anong oras ba ako pwede umalis dito? Si Kuya Arkin? Ano ba ang reaksyon niya? Pinagalitan ka ba? Sinigawan? O hinamak?"
"Lahat ng nabanggit."
"Pagpasensiyahan mo na `yon. Masyado lang talagang over protective ang kuya ko. Kina lola, sinabi mo ba ang nangyari sa akin?"
"Hindi pa."
"Mabuti naman."
"Magpahinga ka na muna Vin ko. Para makaalis na tayo dito. Sa bahay namin ikaw titira. Hindi na ako papayag na lalayo ka sa akin."
"Masyado kang over sa pagpo-protekta sa akin. `Wag ganun kasi lalo akong nagkakagusto sa `yo."
Ngumiti ito. "Mas lalo naman kitang nagugustuhan. Ayaw ko na ngang mabuhay na wala ka sa tabi ko."
Napaismid siya. "Masyado kang OA. Ang cheesy mo pa."
"Kinokontra mo na naman ako. Matulog ka na nga."
Nagulat siya nang lumapit ito sa kanya at mabilis siyang halikan sa labi. "I love you, Vin ko."
"I love you din. Tabihan mo ako dito."
Malugod naman itong sumunod.
WALA namang natamo na malala si Vin kaya agad din siyang nakalabas ng ospital. Natatawa na lang siya sa mga kwento ni Tito Ric na nagpapatawag na sa kanya ng 'daddy' kahit na hindi pa sila ni Joen officially na magka-apelyido. Okay lang naman iyon sa kanya. Walang kaso. Tuwing magkukwento si Daddy Ric ay hindi makatingin sa kanya si Joen. Sobra ang hiya nito sa mga actuation na ipinakita para sa kanya dahil sa sobrang pag-aalala sa kanya. Kahit na tumatawa siya ay nasa loob niya ang labis na paghanga para kay Joen. Sa kwento kasi ni Daddy Ric ay ipinakita lang ni Joen kung gaano siya kahalaga at kamahal nito. Mas lalo pa nga niya itong minahal dahil doon.
Unang gabi ng pagtira niya sa bahay ng mga ito. Hindi naman siya namamahay dahil sanay na siya na matulog doon. Minsan nga ay doon pa nangyari ang mainit nilang tagpo. Magkatabi sila ni Joen sa maluwang nitong kama ngunit magkadikit na magkadikit sila. Nakaunan ang kanyang ulo sa dibdib nito. Samantalang nilalaro naman nito ang ilang hibla ng kanyang buhok.
"Malapit na ang monthsary natin Vin ko. Ano ba ang gagawin natin? Isang araw na lang."
"Wala tayong gagawin," ang nakakaloko niyang turan.
"Ako may gagawin. Maghahanda ako para sa date natin. May ibibigay rin ako sa `yo. Gusto kong maging memorable ang first natin."
Napangiti siya. Nakakatawa lang na isipin na siya ang alanganin ngunit ito pa ang sentimental sa kanilang dalawa.
"Uy," untag nito sa kanya nang hindi siya sumagot.
"Ikaw ang bahala, Joen ko. Tutulungan kita sa preparation."
"Okay. Sabay tayong maghahanda. Ang surprise na lang natin sa isa't-isa ay iyong mga regalo natin. Excited na ako para doon."
"Ako rin."
Dumaan ang katahimikan sa pagitan nila. Binasag iyon ni Joen. "Ano kaya kung `wag na muna nating i-celebrate ang monthsary natin, Vin ko. Alam ko kasi na hindi ka pa okay. Ang mga pasa mo kailangan nating pagalingin muna `yan. I-celebrate natin `yon kapag magaling na ang pasa mo. Okay lang sa `kin."
"Okay lang ba sa `yo?" Naniniyak niyang tanong.
"Yeah. Okay lang. Mas importante na gumaling ka."
"Ikaw ang bahala, Joen ko."
"Ako ang bahala."
Ganda naman nilang dalawa...Thanks sa update Mr Author. Take care.
ReplyDeleteNaku author palagi ka na lang nag-papamiss pucha medyo OA na nga sa kasweetan pero mukhang di pa tapos si Marco. So yun pala ang madilim niyang nakaraan. Author I will wait patiently for the next update.
ReplyDeletemay update na ako.. naka-comment ka na ba?? haha
DeleteAng swweettt nemen...
ReplyDeleteBoholano blogger
Oh wow!
ReplyDeleteNkakakiling sobra si joen at nakaingit naman next chapter pls.
ReplyDeleteOo pla author sayang nmn cp mo nwala
nakabalik na sakin ang cellphone ko.. binalik nung nakakuha..hahah at thank God dahil doon!!
DeleteNext chapter
ReplyDeleteKainggit naman. Ang sweet ng dalawa.
ReplyDelete-hardname-
Kasalan na ang sunod nito! :)
ReplyDeleteKuya Rye, mahirap `yon.. hahaha..
DeleteHindi yan! Haha! Basta ikasal na! :3
Deletehahaha.. ang sabi ko nga po sa inyoo nahihirapan ako dun.. tamad ako sa research!! wahaha
DeleteMabasa nga 'to. Wait simulan ko sa una :))
ReplyDeleteVienne!! I-add mo na ako!!
kay Kuya Rye po.. may approval na ako.. hehe..
DeleteIyo manoy hahha isang skay na lng...
ReplyDeleteTeka hndi ko mhanap ung pangalan mu dun kay rye ang dami kac ung pic mu na kng or kvit first name para mabilis hahha
kuya.. true name po ang gamit ko kaya hindi nyo ako mahahanap..
Deleteang haba na talaga ng buhok ni vin! pati si marco na ngayon lang nagpakita ay gusto din sya haha. hindi kaya magkapatid si marco at vin?
ReplyDeletebharu
hindi siya kapatid.. bwisit yon si Marco eh.
Delete