Followers

Saturday, August 2, 2014

Love Is... 5

AUTHOR’S NOTE: So kumusta? Haha! Anong masasabi niyo sa encounter nina Riel at Eli? Ang ewan na kunwaring magka-away. Ooops! Naspill ko na! Haha!

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


LOVE IS…
  Rye Evangelista
theryeevangelista@gmail.com


CHAPTER V


“Sorry for what happened. Hindi ko sinasadya.” Mas mahinahon kong tugon. Hindi ito ang tamang lugar para gumawa ng iskandalo.

Nanlumo lang ako sa pag-asang kukunin niya ang panyo.

Tinitigan niya lang ito nang mabilis saka matalim na tumingin sa akin.

Suplado!

Hayst!

Bakit ang daming suplado sa mundo!

Aish!

Nainis ulit ako sa kanya.


Ayun lang siya, matalas ang matang nakatingin sa akin. Kung sibat siguro yun, patay na ako.

Napansin kong may natira pala dun sa buko juice ko. Himalang nakatayo ito nung nabitawan ko.

Kinuha ko ito at ibinuhos ko iyon sa damit ko para quits kami di ba?

“Happy now?” Sarkastikong tanong ko sa kanya. Nagulat din yung mga taong napatigil dahil sa eksena namin.

Itinapon ko na lang sa kanya ang panyo. Lalampas na sana ako sa kinatatayuan niya ng may maalala ako. “Oh! I forgot to tell you!” Sarkastikong pagkuha ko sa atensyon niya. “I’m not stupid. No one is. Makitid lang talaga ang utak mo. At maraming tulad mo.” Huling salita ko bago ako mabilis na naglakad pauwi.

-----

Isinukbit ko nalang sa harapan ko ang aking bag.

Sampung minuto rin ang nilakad ko papuntang bahay.

Nakakainis. Sa lahat ng angelic faces na nakilala or nakita ko, siya na ata ang nagbabalat-kayo.

Sayang, gwapo sana, kaso nga lang, ayoko sa huhusgahan ka agad ng masama.

As if naman, tinutukan ko siya ng baril or kutsilyo. O kaya nama’y kinidnap ko siya or ginawan ng masama di ba?

Ay ewan!

Tinext ko na lang si Ate na hindi ako magluluto ngayon. Busog na rin naman ako, kaya itutulog ko na to.

Nakakainis!

Kinaumagahan, hindi maganda ang mood ko. Kung sakaling transferee nga siya, posibleng makita ko siya sa school. Aish!

Bakit ba yun ang pinoproblema ko? Mayroon pa ngang Red na bumabagabag sa utak ko, dadagdag pa yung isang yun.

Sinabunutan ko lang yung sarili ko.

Tinapos ko lang ang pagluluto ng agahan at dahil sa tulog pa si Ate, naisipan ko na maligo na muna at mag-ayos para sa pagpasok.

“Oh, bakit parang biyernes santo ata ang pagmumukha mo?” Tanong ni Ate nang nakababa na ako galing sa aking kwarto.

Hindi ko muna siya sinagot.

Umupo ako sa kaharap nitong upuan at nagsalin ng sinangag, hotdog at saka sunny side-up na itlog.

“Wala.” Maikling sagot ko.

“Hmmm. Stressed ka sa SC no?” Tanong niya ulit.

May pagdududa yan. She knows a lot about me.

“Hindi.” Matipid kong sagot uli.

Napailing naman ito.

“Hay nakow Riel. Alam ko na. Kung hindi sa love-life, tungkol sa mga bullies, diliquent students, at sa mga taong kinaiinisan mo. Tama?” Aniya.

Tumango na lang ako. Wala pa naman akong Love-life eh! Kainis!

Maiintindihan na niya ako niyan. Kahit hindi ko man i-specify kung alin doon sa mga sinabi niya, alam na niya kung bakit.

Nagpatuloy na lang siya sa pagkain.

Medyo ayaw ko rin kasing pag-usapan kapag yun nga ang problema ko. Mas nakakapag-isip ako kapag ganun eh. Problema ko to, kaya ako ang magreresolba nito.

“Riel. Wag kang masyadong magpaapekto sa mga taong yan. Since you’re the SC President, kakambal na rin nun ang mga nasa opposition side. Okay lang naman yun, kasi kung wala sila, you’ll never get tough. Hayaan mo na lang sila, at magsasawa na lang ang mga yan. Malaking bothersome ang hindi pagpansin. Sila na mismo ang huhusga sa mga ginagawa nila sayo, then eventually, sa panig mo na sila sasama.” Mahabang pangaral niya sa akin. Kakaiba ngayon si Ate ah. May pinanghuhugutan! Ready na sa pag-aasawa! Haha.

Tumango na lang ako bilang tugon.

Pagkatapos namin kumain ni Ate, agad na rin akong pumunta sa school.

I feel like, a vampire sucked all the blood that circulates inside me. Walang buhay akong naglalakad. Parang nasa kawalan lang. Haha.

Inilagay ko na lang ulit ang earpods ko sa tenga ko’t nagsimulang patugtugin ang mga kantang nasa iPod ko.

It somewhat, made me relaxed. Di ko rin nga namalayang nasa school na ako.

Nasa sulok lang ako ng classroom, sa upuan ko to be exact nang pumasok si Principal sa aming classroom.

Agad ko namang tinanggal ang earpods ko sa aking tenga’t tumingin sa unahan.

“Good morning, Seniors!” Masayang pagbati nito.

“Good morning, Principal!” Pagbati naman naming mga Seniors.

“Masaya kong ibabalita sainyo na magkakaroon kayo ng bagong mga kamag-aral. Tamang-tama kasi kulang pa kayo ng dalawa sa class na to. And, I believe, kaya nilang makipagsabayan sa inyo. So without further ado…” Pahayag nito. Tumigil ito para tawagin ang mga transferee.

Ako? Kinakabahan. Ito na yung kinatatakutan ko.

Pero bakit dalawa? Isa lang naman yung nakita ko kahapon sa Principal’s Office ah?

Hmm. Baka may nauna na.

Nanlaki lang yung mga mata ko nang hindi ako nagkamali sa hinala ko. Unang pumasok si Mr. Gwapo, este Mr. “May Attitude”. Sumunod naman sa kanya ang nakayukong babae. Di ko makita ang mukha niya.

“Okay. It’s them, students.” Pagkuha ng atensyon ni Principal sa amin. “You can introduce yourselves to them.” Baling naman nito sa dalawang transferee.

“Good morning! I’m Elijah Martinez. You can call me Eli. Hope to be friends with you guys!” Masaya ngunit may halong pagmamayabang sa pagkakasambit nito.

Nilibot niya ang kanyang paningin sa lahat ng estudyante.

Hindi naman magkamayaw ang mga kaklase ko sa kakatili. Yeah, right! Ang gwapo niya no? Ngunit, subalit, datapwat! Maitim ang budhi. First impression ko eh.

Nagkatagpo ang aming paningin. Ngumiti lang ito sa akin. Umirap naman ako para sa sagot ko sa kanya. Hindi man lang siya nagulat na kaklase niya ako.

Siniko niya naman yung katabi niya.

Nabigla naman ito at napaangat ng mukha.

Napanganga lamang ang lahat sa nakita sa babae.

Now it answered all of my questions.

Kung bakit si Mr. “May Attitude” lang ang nakita ko instead silang dalawa.

Kung bakit sinabi ni Principal na dalawa ang transferee. Yun nga! Lols.

At kung sino yung pangalawa.

Maganda. Maputi. Matangkad. Mahiyain nga lang.

Well, gwapo naman kasi talaga ang kapatid niya.

“Go-Good morning!” Medyo nauutal na panimula niya. Siniko ulit siya ng supladong katabi niya.

May binulong ito sa kanya.

Nagbuntong-hininga naman ito matapos ang pagbulong.

“I’m Ericka Martinez. You can call me Eri. Nice to meet you!” Matapang ngunit masaya nitong pahayag.

Naghiyawan naman lahat ng kalalakihan sa classroom.

Napatingin naman ako sa upuan ni Brett. Napakibit-balikat na lang ito.

Most likely, makakatabi niya ang dalawa dahil siya lang naman ang S na apelyido dito sa classroom.

Hindi nga ako nagkamali. Pinalipat ng upuan yung dalawang kasunod ni Brett. Si Elijah ang katabi ni Brett, at sumunod naman sa kanya ang kapatid.

Napailing na lang ako kay Brett.

Tiningnan naman ako nito na nagsasabing, di-kita-magets-usap-tayo-mamaya look.

Tango lang ang naisagot ko sa kanya.

Tulad nga ng napag-usapan kahapon, may treat nga si Ms. Salveda.

Sinabi niyang free-cut muna kami ngayon sa subject niya para sa pagbibigay ng treat sa mga naka-perfect sa quiz kahapon.

“Okay guys, dun sa nakakuha ng perfect scores. Hindi madali makuha yung treat ko sa inyo. Dadaanin natin ito sa laro. You’ll never regret doing this kasi worth it naman ang premyo. So, are you ready?” Pagpapaliwanag ni Ms. Salveda.

Pinapunta na rin kasi kaming mga nakakuha ng perfect sa unahan.

Hindi ko napansin na katabi ko pala si Red.

Nag-init ako, hindi sa galit, dahil sa hiya.

Ewan ko nga ba.

Aish!

Why am I like this?

Nagsimula na nga si Ms. Salveda.

Binigyan niya kami ng tag-iisang task, nakatago raw sa loob ng paaralan ang lahat ng treats. Hanggang isang oras lamang ang binigay sa amin para mahanap ang mga yun. Kung hindi namin makikita, edi walang treat.

Ibang klase talaga tong guro at adviser namin sa SC. Magbibigay na lang ng premyo yung mahihirapan pa kami.

Yung ibang classmates namin ay pinag-break na muna. Hindi naman kasi bawal dahil nakamasid lahat ng naitalaga kong Disciplinary Board. Si Yukino na ang bahala roon, siya ang naitalaga kong Chief sa Board. At least siya kasi ay maaasahan. Break the rules, and she’ll punish you accordingly. And all of her actions are vested with my permission.

Ayun, naghanap ako sa lahat ng sulok, may mga clues naman akong nakukuha na lead kung saan ito nakatago.

Nang malapit na ako sa destinasyon ng aking premyo. Naaninag ko ang isang pamilyar na lalaki.

Sino pa nga ba? At saka bakit niya hawak ang premyo ko? Akin kaya yun!

Nakatalikod lamang ito.

“Hey!” Pagkuha ko sa atensyon nito. Humarap naman ito sa akin.

“Yes?” Sarkastikong tanong nito.

“I believe that’s mine?” Sagot ko.

Tiningnan naman nito ang hawak-hawak na paperbag na may buong pangalan ko.

“So you’re Gabriel Dela Rama.” Sarkastikong tugon nito sa akin.

“Yeah, so what?” Mahinahon kong tugon. Ayaw ko munang makipag-away. I had enough from him yesterday.

Nabigla lang ako ng lumabas sa gilid yung kapatid niya.

Nagtataka naman ang ekspresyon ko.

Magkasabwat?

“Ah… Eh… Eli, bigay mo na kaya yan kay Mr. Dela Rama. Hindi naman yan sayo ah?” Aniya.

“Oo alam ko naman yun eh. Bakit ka ba nakikialam, Eri?” Iritadong sagot nito sa kapatid.

Nabunutan ako ng tinik. Akala ko makakaaway ko rin si Ericka.

Napailing naman ito sabay takbo paalis sa lugar na iyon.

Nainis na rin ako sa kanya.

“Tss. Lahat ba ng tao, sinusupladuhan mo? That’s bad. Di mo ba alam na, first impression lasts? Tsk. Tsk. Tsk.” Pagkuha ko sa atensyon niya. “No wonder. Pati nga kakambal mo sinusungitan mo.” Dagdag ko.

“Ano bang pakialam mo, Mr. Gabriel Dela Rama? Student Council President. Number 1 Enemy of Bullies. Honor Student. Who cares anyway?” Aniya.

Nagulat naman ako sa mga sinabi niya. Pano naman siya nagkaroon ng alam tungkol sa akin? Eh, kakapasok niya pa lang kaya!

“Got it from our classmates...” Nasagot na niya ang gusto kong itanong.

Wow ha! No wonder! Ginamit niya agad ang kagwapuhan niya para makakuha ng impormasyon.

Napailing na lang ako. Wala na naman akong tinatago eh. Alam na ng lahat ang tungkol sa pagkatao ko. 1 year din yung nagdaan bago ito natanggap ng lahat, hindi man lahat, most of the people who knows me. Hindi ko lang alam kong pano niya ba yun ininterpret. Makitid ang utak!

I don’t effin’ care anymore… Marami namang tumanggap sakin after all of those bullshit issues, vanished into thin air.

“So what’s with it now?” Tanong ko sa kanya. Poker face na ako.

“Nothing. I just find it interesting.” Sarkastiko pa rin nitong tugon.

“What so interesting about me?” Walang kabuhay-buhay na tanong ko agad sa kanya. “That you have bullets to knock me down? Go on. Hit me with your best shots.” Dagdag ko.

Natigilan naman ito. Halatang naiirita na siya sa akin kasi, heto ako, nakatayo lamang, walang karea-reaksyon sa mga patutsada niya.

“Bakla! Ulila!” Bigla niyang sigaw. Napahawak naman ito sa bibig niya.

“So that’s it? Wala na bang iba?” Tugon ko sa kanya.

Natigilan naman siya.

Napayuko naman ito.

“I didn’t mean--”

“But you did. Now, it’s my turn.” Hindi ko na siya pinatapos. Huminga ako ng malalim saka hinugot ang mga salita.

Kapag ang pagiging ulila ang napag-uusapan tungkol sakin, hindi ko iyon pinapalampas.

“Yes. I’m gay. Siguro nga. Who cares anyway? Marami na naman ang tulad ko sa mundo di ba? How can the world become so naïve about that? It’s not like; it’s an epidemic, right? And guess what, the whole school knows about that. Pero, andito pa rin ako. They’d judged me at first, pero tanggap na nila ngayon kung ano ako. It’s not like ako lang ang bakla rito.” Nagpahinga muna ako. Medyo emosyonal na rin ako.

Pamilya.

Buo ang pamilya, yan ang pangarap ko. Nagalit ako noon sa Diyos dahil nawala ang mga magulang ko, pero kinalaunan natanggap ko. Kasi ang Diyos ang nagpamulat sa akin na hindi iyon nangyari para magdusa ako at ang Ate ko.

Napasinghap ako. Napayuko na rin ako, ayokong makita niya akong umiiyak. Galit ako pero, emotions got me.

“Ulila?” Pinunas ko ang luha na lumandas sa aking pisngi. “I never wanted that to happened. Hindi kami naging masaya sa buhay namin ni Ate dahil kulang ang pamilya namin. Na ulila na kaming lubos. Kahit ulila na kami ni Ate, heto pa rin kami, living life to the fullest. Kasi yun ang gusto ng mga magulang namin. Who are you to mock me, when in fact, nakuha mo lang naman ang mga impormasyong yan ng walang paliwanag sa lahat ng yon?” Napahikbi ulit ako.

Tahimik lamang siyang nakatungo, nakikinig sa mga pinagsasasabi ko.

“Alam ko na. You’re a jerk. It’s not obvious the first time I saw you. I thought an angel came from the heavens to spread good news, but it was all fantasies created by my mind, nung pinakita mo mismo kung gaano kahaba ang mga sungay mo…” Napailing naman ako.

“Ngayon, masaya ka na ba sa kinalabasan ng mga pinagsasabi mo?” Dagdag ko.

“Alam mo sayang ka…” Pinunas ko na lahat ng luha na umagos sa pisngi ko. Nakalma na rin ako. Natawa rin ako sa sinabi ko.

“Hindi mahirap mahulog sayo, sabihin na nating almost perfect. Pero sa ‘almost perfect’ na rate mo, babagsak pa dahil sa ugali mo.” Iniayos ko ang sarili ko. I need to go back to our classroom now.

I’m so fucking wasted.

“Sorry…” Mahina niyang sambit.

“Huli na ang lahat, Mr. Martinez. Nasa perspective ko na ang ‘first impression lasts’, just deal with it. Asahan mong invisible ka na para sa akin.” Matigas kong tugon sa kanya. Hindi naman sa ganun talaga akong tao. Galit kasi ako. Naapakan ang pagkatao ko no! Emotional outburst to no!

“By the way. Iyo na lang yang reward ko. I know what’s inside. Baka sakaling hindi ka pa nagkakaron niyan.” Huling salita ko saka tumalikod.

Nagulat naman ako nang makita ko si Red doon.

Nagpipigil siya ng galit.

Lumapit ako sa kanya at mahinahon na hinawakan ang kanyang kamao.

Nagulat naman ito sa ginawa ko.

Umiling na lang ako sa kanya. Tanda ng wag na lang patulan.

I know na hindi kami ganon ka close, pero somewhat nakita ko sa kanyang reaksyon na kaisa ko siya.

Brett’s always like that. Magpinsan nga sila.

Kumalma naman ito.

Tinapik ko na lang ang balikat nito tanda ng pag-alok ko sa kanyang umalis na.

Sumangguni naman ito sa gusto ko.

Naglakad na kami pabalik sa classroom.

“O-okay ka lang ba?” Nahihiya niyang tanong.

I know it’s hard for him also. Naging kaaway ko rin naman kasi siya. Pero suddenly, lahat ng galit ko sa kanya nawala dahil sa ginawa niya nung first day of school. Hindi yung prank. Yung pagligtas niya sakin sa hold-uper. Haha. Kayo ha!

Tanging tango lang ang naisagot ko sa kanya. Naintindihan niya naman ang gusto kong mangyari. Ayaw ko munang pag-usapan. Good thing may respeto na siya sa akin.

Bago kami pumasok sa loob ng classroom, gusto ko munang magpasalamat sa kanya.

“Uhm. Red. Wait lang.” Pagpigil ko sa kanya sa pagpasok.

“Ano yun?” Nag-aalalang tanong niya.

“Don’t worry. Hindi mo dapat ikabahala ito. Gusto ko lang magpasalamat.” Sambit ko.

“Para saan?” Naguguluhan niyang tanong.

“Sa pag-aalala. Hayaan mo, pag-iisipan ko yung lahat ng sinabi mo. Just give me time, okay?” Sa wakas nasabi ko rin. Kapag kasi gusto kong sabihin to sa kanya, palagi na lang akong nahihiya.

Ugh!

Bumibigay na talaga ako sa kanya.

Okay lang naman, kasi totoo naman yung paghingi niya ng tawad. Isang maling galaw lang na gawin niya. Matutulad din siya kay Elijah.

Lumiwanag naman ang kanyang mukha.

Yung parang nabuhayan.

“Talaga? Salamat ha!” Masayang tugon niya.

Nayakap pa niya ako.

Nagulat man ako, sinuklian ko rin naman ito.

Napabalikwas naman siya sa pagkakayakap sa akin.

Natulala ulit ako.

Napakamot naman siya ng ulo.

“Ah… Eh… Sorry ha? Hehe. Masaya lang ako.” Aniya. Tumakbo na rin ito papasok sa classroom. Makikita mo sa kanya ang tuwa.

Nasaan na kaya si Brett?

Siguro di pa nakukuha yung reward.

Pumasok na lang ako sa classroom namin. 20 minutes pa bago ang sunod na subject namin. Nakinig na lang ako sa iPod ko’t tumingin sa labas ng bintana.

Napailing na lang ako sa aking mga iniisip.

Invisible Elijah.

Itatatak ko yan sa utak ko.



Itutuloy…



AUTHOR’S NOTE: Feel free to add my facebook account – https://www.facebook.com/theryeevangelista – and drop messages or whatsoever. It’s my pleasure adding you up.

You can also join the group – https://www.facebook.com/groups/ryeevangelistasstories/ – for teasers, updates, and activities. It will be more fun having you there.


Thanks for all the support guys!

14 comments:

  1. Basa Mode muna. :)

    ~YeorimHere;

    ReplyDelete
  2. Basa Mode muna. :)

    ~YeorimHere;

    ReplyDelete
  3. Basa Mode muna. :)

    ~YeorimHere;

    ReplyDelete
  4. Wahhh.. nice ganda!! Kilig?

    ReplyDelete
  5. Hala kaaway pala si Eli pero baka pwede din sila ni Riel. Author ah wag mo ko kalimutan sa next chapter ah? Author POV naman ni Eli.

    ReplyDelete
  6. Nabitin ako.. hahaha Looking 4 thre next update :)

    ~YeorimHere

    ReplyDelete
  7. Mr.Rye!! Bakit naging bakla si Riel? Akala ko ba Bi? Arrrrrgggghhhhh!!

    - Prince Justin

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ganun naman lagi yung sinasabi ng tao sa mga tulad niya di ba? People don't understand categories of our kind. Kapag interesado ka sa kapwa lalaki, bakla ka na. Kainis nga no?

      Delete
    2. Ang nangyari kasi dito is tinanggap na lamang ni Riel yung mga sinabi ni Eli sa kanya.

      Delete
  8. nice !! :)
    pero sana mas mahaba na po yung mga susunod na chapters . hehehe


    @yelsna

    ReplyDelete
  9. Thanks Mr Author. Maganda ang story na to. Nakakarelate. Keep it up.

    ReplyDelete
  10. panegative ang first impression plage.. tes mehehleg eng leeb se dulo ahhaaa
    ganda nung sagutan scene kuya hehe

    jihi ng pampanga

    ReplyDelete
  11. Im addicted on this story.. sana po humaba pa yung next chapter. Sir Rye yung post ko da group pakisagot ha? Hehe :)

    ReplyDelete
  12. Napaka inspiring ng chapter n to. It really touched my heart. Napacomment tuloy ako,haha
    -RavePriss

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails