Athr'sNote-
Guys, heto na!
Mukhang dito na magsisimula ang lahat ng kaguluhan! Maghanda kayo :) Haha.
Itong chapter na ito, puro kadramahan at kaguluhan. Basta ang gulo, ang gulo-gulo, ng pagkakasulat, hehe!
Kayo na ang bahala. Maraming Salamat sa inyong lahat! At pasensya na po sa mga mabobored.
Happy reading!
--
Kinabukasan.
6:00 in the evening.
Point Of View
- K u r l -
"Paulo si Nicollo, siya yung sinasabi ko. Then Nicollo, si Paulo.. kaibigan ko." pagpapakilala ko at nagkamayan naman ang dalawa.
Kanina ko pa 'to iniisip habang nasa school ako, ang ipagtapat ang dalawa.
Para naman wala ng haka-hakang ewan 'tong si Nicollo.
"Sir Ken nandyan ka pala." pagpansin ko kay sir Ken na kabababa pa lamang sa kotse ni Paulo.
"Oh Kurl, long time no see ah.." pagngiti nito.
Niyaya ko silang pumasok na sa bahay ko.
"Ano yun? Yung sinasabi mong sinasabi mo dun sa Paulo?" agad na pagbulong ni Nicollo pagkaupo ko sa tabi niya.
Kasalukuyan kaming nasa sala. Ipinaggawa ko ng juice ang tatlo.
Hindi ko alam kung ano pa ang dapat kong ipagsilbi sakanila. Katulad nga ng nasabi ko dati, wala akong nagiging bisita sa bahay.
"Ah.. may nabanggit kasi ako sakanila na may alaga akong aso." mahinang pagtawa ko naman.
Nakita kong napasimangot lang ito. Hindi ko tuloy naiwasan ang hindi matawa sakanya.
"Joke lang, nasabi ko kasi kay Paulo na nagmamahal ako ng lalaki, at ikaw yun." pag-akbay ko pa sakanya.
"Talaga?" pagngiti na nito, tumango lang ako.
"Sweeet.." rinig kong biglang sabi ni sir Ken.
Bigla akong napa-ayos ng upo. Nandyan nga pala 'tong dalawa.
"Sensya na." nahihiyang sabi ko sa dalawa.
"Siya pala?" pagngiti ni Paulo, tumango lang ako.
"Ha? Edi totoo nga yung kinwento sa akin ni Paulo? Di nga? Akala ko sweet-sweetan lang." pagsabat ni sir Ken.
Puro tango lang ako. Masaya kasi ako at sa dinami-rami ng maipapakilala ko ay si Nicollo pa.
---
Point Of View
- P a u l o -
Hindi ko maiwasan ang hindi masaktan. Ewan ko ba.
Lalo pa't nasa harap ko 'tong dalawa. Si Kurl at ang manliligaw niya. Parang sila na nga eh!
Halos mag-iisang oras na kaming nagkekwentuhan ng mga ito. Mabuti at mabait ang manliligaw niya kaya't wala masyadong problema.
Masama man ako dahil sa naiisip ko pero..
"Atlis first kiss kita sa lalaki, Kurl." pagsasa-isip ko, napangiti na lang ako.
Nakikita kong masaya at proud si Kurl. Kaya naman kahit papaano ay nababawasan ang paghihinayang ko.
Kung sanang sinabi ko kaagad diba? Wala eh, ganyan talaga. Siguro hindi talaga kami para sa isa't-isa.
"Paulo papunta na barkada ni Nicollo, huwag kayong mahihiya ni sir Ken ha? Mababait mga yun." napatango na lang ako sa sinabi ni Kurl.
Sa tuwing titignan ko siya ng matagal, lalo lang akong napapa-
"Sayang.." pagbulong ko.
Minsan parang gusto kong maging kontrabida. Yung bang aagawin ko si Kurl.
Pero katulad nga ng laging sinasabi nitong bestfriend kong si Ken.
"Darating at darating rin yan. Pramis."
Patukoy niya sa taong nakatadhana RAW para sa akin.
Natawa na lang ako. Sige sige at maghihintay ako.
Pare-pareho kaming napatingin sa bagong dating na tila hindi ata kami pansin.
Bagong dating? Ha?
Tapos sinabi ko pang maghihintay ako. Ha? Ha? Ha? Ha?
Ayoko 'tong naiisip ko.
"Woy Kurlo sabi mo lalabas tayo ngayon. Sabi mo ililibre moko. Nakabihis na ako oh.." parang batang sabi nito habang nakatingin lang sa parang bracelet ata yun na hawak-hawak niya, inaayos niya ata.
"Sabi mo may bestfriend date tayo ngayon." parang batang sabi pa nito.
Saglit siyang napatigil nang sa wakas at iangat niya ang kanyang tingin at saktong sa amin napadako ito.
"Ay sorry, oo nga pala." agad na pagtayo ni Kurl at pagyakap dun sa parang bata.
"Ah nakalimutan mo?" inis pa nung parang bata habang pilit na kumakawala sa yakap ni Kurl.
Natawa pa kaming dalawa ni Ken dahil sa talagang hindi siya pinapakawalan ni Kurl.
"Ehem.." napatigil sila, maging kami.
Napabaling kami kay Nicollo.
"Ahh siya nga pala, guys siya yung sinasabi kong bestfriend ko." pagbaling sa amin ni Kurl. "Martin ayun si Nicollo, diba nakwento ko na?"
Napatango lang yung bestfriend ni Kurl. Martin pala pangalan.
"Tapos si Paulo at si sir Ken pala." pagpapakilala pa sa amin ni Kurl, nginitian lang kami nung Martin.
Halos mapangiwi ako sa aking naiisip. No. Hindi 'to tama. Huwag. Huwag. Aaaarrrrgggghh!!!
"Sorry na Martin, talagang nakalimutan ko lang." tonong pagmamakaawa pa ni Kurl sa bestfriend niya.
"Sus, kinalimutan kamo. Pasalamat ka at may bisita ka kundi talagang naibaon na kita sa lupa." simangot pa nung Martin.
Magbestfriend nga yung dalawa. Yung isa humihingi ng tawad, yung isa naman nagpapalambing pa. Haha.
"Babawi na lang ako. Bukas sige, pramis." pagtaas pa ng kanang kamay ni Kurl.
"Oo na, pasalamat ka Kurlo ah." nakasimangot parin yung si Martin.
"Tara dito sali kana, tutal adik karin sa alak." paghawak pa ni Kurl sa kamay ni Martin at hinila 'to papalapit sa amin. "Darating yung apat na asungot, remember?" pagtawa pa ni Kurl kay Martin.
Hindi ako makarelate. Sadya nga atang sila lang talaga ng bestfriend niya ang nagkakaintindihan.
Parang kami lang ni Ken. Kapag kasama kami ni mommy ay laging sinasabing naguguluhan siya sa amin. Haha.
"Tol. Kilala mo naman siguro ako diba?" biglang sabi nung Martin kay Nicollo, napatango lang yung isa.
"Totoo ba mga sinabi ni Kurl? Totoo ba yung mga sinabi mo sakanya?" tanong pa nito, akala mo naman may kaaway siya.
"Ano kaba. Pasensya na ah? May tama 'tong si Martino eh." pagtakip pa niya sa bibig ni Martin.
"Kurlo? Martino?" kunot ni Nicollo.
"Oo, kapag ka minsan ay tawagan namin yun." agad na sabi ni Kurl.
"So Keno!" pagpansin ko naman kay Ken na abala lang sa pagkain.
"Huh?" baling ni Kurl sa amin.
"Keno na ang tawag ko sakanya. Tutal parang magbestfriend naman kami." natatawang sabi ko.
"Paulo na nga pangalan mo, tapos Paulo-o pa itatawag ko." pagsakay naman ni Ken sa biro ko.
Hanggang sa kwentuhan at tawanan ang nangibabaw.
Mga ilang minuto lang ay dumating yung apat na tinutukoy nila. Ayos rin ang mga dating, mukhang hindi kami mahihirapan ni Ken na makisama.
Ayos na ayos. Walang na-o-op sa amin. Pare-parehong mababait at kwela ang nasa loob ng bahay ni Kurl.
Inuman lang. Si Kurl at yung manliligaw lang niya ang hindi umiinom.
Hindi ko maiwasan ang hindi mapatingin kay Kurl at kay Martin.
Kapag kay Kurl, nalulusaw ako sa sobrang sweet nila nung Nicollo.
Kapag kay Martin naman ay hindi ko maiwasang hindi maisip yung ayokong isipin. Aaaarrrrggghh!!
Ayos narin siguro na magpakalasing ako ngayon. Bukas hindi na dapat ako magseselos dun sa manliligaw ni Kurl.
Move on na dapat. Masaya naman talaga ako para kay Kurl. Sadya nga lang talaga na naiinggit ako.
---
Point Of View
- K u r l -
"Guys dun lang kami ni Nicollo sa kwarto ko ha? Inaantok na daw siya eh, samahan ko saglit." pagpapaalam ko sa pito.
Mga lasing na. Si Martin lang ang hindi, sinabihan ko kasi na huwag magpakalasing.
Agad na kaming pumasok ni Nicollo sa kwarto ko.
"Ang saya noh?" magiliw na sabi ni Nicollo pagkahiga namin sa kama.
"Oo nga eh. Buti at parehong mababait 'tong mga kaibigan natin." pagsang-ayon ko. "Ang saya nga nilang tignan, parang close silang lahat sa isa't-isa. Sayang wala yung dalawa kong kaibigan." sabi ko pa.
"Ah sila Jerry and James, sayang nga, pasasalamatan ko sana sila." tonong panghihinayang pa niya.
Pasasalamatan? Hah?
Nanatili na lang kaming tahimik.
"Oh ayan ah kilala mo na yung pinagselosan mo." pagyakap ko pa sakanya.
Ewan ko ba, hindi na ako nahiyang yakapin siya. Ganun rin naman kasi siya sa akin.
"Oo na." pagyakap rin nito ng mas mahigpit pa sa akin. "Pero yung Paulo panay ang tingin sa'yo. May gusto siguro sa'yo yun noh?" dagdag pa niya.
"Tumigil ka nga. Yan ka nanaman." pagpingot ko pa sa tenga niya.
Ngayon ay pareho kaming naka-akap sa isa't-isa at magkaharap lang ang mukha namin.
"Kurl, sana tayo na noh hanggang katapusan." paghawak niya pa sa pisngi ko.
"Huwag tayong mangarap. Gawin natin." saka ko siya hinalikan.
Walang gumagalaw. Basta magkadikit lang ang aming mga labi na tila dinaramdam ang isa't-isa.
"Parang tayo na noh?" natatawang sabi ko naman sakanya pagkakawala ko sa halik.
"Oo nga eh, ba't hindi mo pa kasi ako sagutin?" pagtawa rin niya. "Sabagay wala pa ngang ligawang nagaganap, pero Kurl huwag kang mag-alala. Kahit na dumating yung araw na tayo na, patuloy parin kitang liligawan. Basta maramdaman mo lang kung gaano kita kamahal." paghalik pa niya sa noo ko.
"Napapadrama tayo Nicollo." nasabi ko na lang.
Hanggang sa ikinulong ko ang aking sarili sa katawan niya. Pinakasikit-sikit ko ang aking sarili.
Sa totoo lang ay ayokong makita niya na sobra akong natutuwa at kinikilig sa mga sinabi niya.
Makabanat naman kasi.
"Naaalala mo ba yung kabaliwan ko kaninang umaga sa school?" rinig kong paghagikgik niya pa.
Kaya agad na akong kumawala sa pagkakayakap niya sa akin saka ko siya hinampasan ng unan.
"Kurl naman, yan ka nanaman eh." agad na pagrereklamo nito.
Nagtinginan lang kaming dalawa. Pareho naming pinipigilan ang sarili sa pagtawa.
Hanggang sa yun na nga at hindi na namin napigilan.
"Nicollo last na yun ah. Medyo maraming nakakita sa school kanina." pagtawa ko pa.
"Ewan ko sa'yo. Basta kapag gusto kong gawin yun bahala ka." tonong pagbabanta nito. "Mahal kasi kita at hindi ko ikinakahiya yun." patukoy pa nito sa ginawa niya kaninang umaga sa school.
Arrrggghhh!! Sira talaga 'tong chinitong ito.
Alam niyo ba ginawa niya kanina? Hinalikan niya ako!!
Nagulat ako at inaabangan niya ako sa may entrance.
Sakto pamong tuwing umaga ay doon naghihintayan ang mga istudyanteng magkakaibigan.
Mas lalo akong nagulat nang halikan niya ako nang makalapit na ako sakanya.
"Ewan ko sa'yo. Ikaw bahala." nasabi ko na lang.
"Hindi pala natuloy date natin kagabi. Kaw kasi." pagsimangot naman nito bigla.
"Sige. Sa linggo labas tayo." masayang sabi ko sakanya. "Bukas kasi bestfriend date namin ni Martin." dagdag ko pa.
Tumango lang siya. Kilala na niya si Martin eh, alam niyang bestfriend ko yun. Nang hinatid niya ako kagabi ay saktong hinihintay ako ni Martin.
Yun nga para pag-usapan ulit yung balak naming bestfriend date. Maraming beses na kaming lumabas ni Martin, nitong buwan lang medyo hindi kami nakalalabas, lam niyo na daming problema, nagkatampuhan pa kami nung minsan.
"Kurl first kiss mo ako diba? Nung gabing lasing ka at talagang hinalikan mo ako." tonong pagmamalaki nito.
"Hindi kita first kiss noh.." pagpingot ko pa sa ilong niya.
Saglit akong napatigil. Nakuha ko pang mapalunok.
Paniguradong tatanungin niya niyan kung kanino.
Malamang iisipin niya na nagkafirstkiss ako ng wala pang nakakarelasyon.
Arrrrgghh!!
"Kanino?" agad na pag-upo nito, nakasimangot lang siya. "Akala ko ba wala kapang nakakarelasyon, tapos may first kana." dagdag pa nito.
"Kurl baka mamaya playboy ka ha? Baka mamaya isasama mo lang pala ako sa listahan ng nga nilaro mo." pag-iwas pa nito ng tingin.
Sabi ko na nga ba eh.
Teka. Paano ko ba ito ipapaliwanag?
"Yun talaga iniisip mo? Ganun ba talaga tingin mo sa akin pwera nagka-first kiss ng walang karelasyon?" inis ko naman.
"Ewan ko nga sa'yo Nicollo." inis ko pa saka agad na tumayo, maglalakad na sana ako palabas nang hilahin ako nito paharap sakanya.
"Ngayon Kurl, sabihin mo, sino yang first kiss mo? Nang mapatay ko." simangot pa niya.
Lihim akong natawa sa ekspresyon niya. Si Nicollo talaga oh.
Pero teka nga, paano ko nga ba ipapaalam o ipapaliwanag sakanya?
"Let me explain okay?" pag-aayos ko sa upo naming dalawa.
Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat niya.
"Aksidente yung first kiss ko. Hindi ko rin expect." paninimula ko, nakatingin lang siya sa akin.
"At hindi ko rin pinagsisisihan yun." pahabol ko pa.
"Bakit naman?" agad na tanong niya.
"Syempre crush ko yun eh." pagbigay ko pa ng kinikilig na postura.
Totoo naman eh. Nasaktong crush ko yung taong yun. Kilala niyo naman kung sino diba?
"Ah talagang.." dabog pa nito saka siya nahigang patagilid at patalikod sa akin.
Natawa lang ako. Akalain mo nga naman at heto si Nicollo at kasama ko, at alam niyo na.. mahal namin ang isa't-isa, mabilis man kung tignan.
Agad ko itong hinarap. Nakangiti lang ako.
"Matagal na yun. Selos kapa dyan." pagtawa ko pa. "Crush ko siya dati pero ngayon wala na, friends na lang kami."
Sa huli kong sinabi ay lalo pa ta siyang nainis.
"Friends? Sino nga kasi?" naiinis nang sabi nito.
"Si Paulo. Yung nasa labas." simpleng balik ko.
Hindi naman siya siguro manunugod.
"Talaga?" sabi pa nito na halatang naguguluhan, tumango lang ako.
"Aaaaahhhhhhh.." pagtakip pa niya sa mukha niya.
Ako naman ang naguluhan.
"Oh bakit naman? Wala na nga yun, friends na lang kami. Also, hindi naman niya alam na gusto ko siya nun." pag-alis ko pa sa dalawang palad niya sa mukha niya.
"Pano niyan? Baka matuwa siya na yung boyfriend ko ay nafirst kiss na niya." malungkot na sabi nito at muling tumagilid patalikod nanaman sa akin.
"Huwag nga yun ang isipin mo. Ang mahalaga ay tayo ang ngayon, tayo ang nagmamahalan ngayon at tayo lang ang maghahalikan." paglalambing ko pagkaharap ko sakanya.
Saka ko siya hinalikan. Iba na ngayon dahil medyo napatagal at talagang nakuha pa naming maglaban.
Pagkatapos ay nagngitian lang kami.
"Talaga Kurl? Osige, gusto ko yang labi mo akin lang at wala ng iba ang makakatikim niyan." pagdampi pa ng daliri nito sa aking labi.
"Pero dapat akin rin lang yang iyo." pagdampi ko rin ng daliri ko sa labi niya.
"Promise Kurl. Promise." sabi pa nito nang yakapin ko siya.
"Promise din Nicollo, walang ibang makakatikim sa labi ko at wala akong hahalikang ibang tao maliban sa labi mo." paninigurado ko pa.
Promise ko yan guys ha. Tandaan niyo 'tong eksenang 'to. Pakatandaan niyo guys!!
"Nicollo tama na 'tong labi-labing pag-uusap natin. Naninibago ako." natatawang sabi ko pa sakanya nang harapin ko siya.
Medyo kasi parang nagiging wild kami eh.
Nanatili lang kaming nakahiga.
Mga ilang minuto pa kaming nagkwentuhan, maya-maya ay nagpasyahan na naming lumabas at samahan ang mga umiinom.
Pagkalabas namin ay agad kaming naglakad papunta sa pwesto ng mga umiinom.
Si Nicollo ay biglang tumigil sa paglalakad at nagpaalam na babalik sa loob ng kwarto ko para kunin yung phone niyang nakacharge.
Yung apat nasa kusina, mukhang may ihahanda nanaman.
"Asan si sir Ken?" agad na tanong ko kay Paulo pagkatabi ko sakanila ni Martin.
Mukhang hindi niya ata ako narinig.
"Lasing na siya Kurl.." pagbulong sa akin ni Martin patukoy kay Paulo. "Si Ken may tumawag sakanya, emergency raw." dagdag pa nito.
"Paulo pahinga kana.." paghaplos ko pa sa likod niya. "Dun sa kabilang kwarto.. doon kana magpahinga."
Nanatili lang siyang naka-upo at nakayuko.
"Ang lakas niya palang uminom, nung nandyan pa si Ken medyo easy pa siya eh, binabawalan kasi siya ni Ken na uminom ng marami.. pero nung umalis ayan at walang nakapigil sakanya.." sabi pa ni Martin.
"Malas ba ako?" biglang sabi ni Paulo.
Nagkatinginan lang kami ni Martin, nang tinanguan ko ito ay nakuha na niya ang aking ibig sabihin.
Agad niya itong inalalayang makatayo.
"Oh san kayo pupunta? Gumawa kami ng sisig oh, tinulungan kami ni lola.." pagpansin sa amin nila Lance nang makasalubong namin sila.
"Paulo? Oh lasing na siya?" dagdag pa ni Brent.
Sinabihan ko ito na kami na ang bahala at ipagpatuloy na lang nila ang pag-inom.
Sinabihan ko rin si Martin na dalhin niya kaagad si Paulo sa kabilang kwarto.
"Lola.." pagpansin ko kay lola nang malapitan ko siya sa kusina.
"Ikaw bata ka, nung minsan nagsusumbong sa akin si Nicollo." balik nito, abala si lola sa paglilinis.
Napangiti na lang ako sa sinabi niya, alam na niya yung tungkol sa amin ni Nicollo.
"Tapos na yun la eh, lam mo naman yun, selosong ewan." pagtawa ko pa. "La tama na po yan, ako na bahala diyan. Pahinga na po kayo."
"Ako na, basta ang asikasuhin mo ay si Nicollo, nako iba pala kapag nagselos. Kalalaking tao niyo.. ay mga kabataan nga naman." natatawang sabi pa ni lola.
Nilapitan at niyakap ko siya. Si lola na talaga, masaya ako at hindi niya ako pinabayaan.
"Osiya la, asikasuhin ko na po yung mga lassingero ng bahay.." pagtawa ko pa at umalis na nga ako.
"Oh Kurl dito.." pagtawag sa akin ni Nicollo at nakaturo pa ito sa pwesto sa tabi niya.
"Saglit lang.." balik ko.
Nang tumango ito ay agad na akong dumeretso sa kabilang kwarto.
"Tagal mo naman.." reklamo ni Martin pagkapasok ko.
Si Paulo nakahiga na, patagilid.
"Ano kayang ibig sabihin niya kanina?" pag-upo ko sa may malapit sa kama kung saan nakaupo si Martin.
"Mukhang may problema 'tong kaibigan mo." seryosong sabi ni Martin.
"Malamang, iniisip nanaman niya yung nangyari sakanya sa ibang bansa." pag-sang ayon ko.
"Naikwento niya nga kanina nung hindi pa siya lasing, naitanong kasi nila Brent eh." mahinang sabi ni Martin.
"Yan mahirap kay Paulo eh, madaling magtiwala, though oo mapagkakatiwalaan ang grupo, pero paano sa ibang tao diba? Eto talagang si Paulo." balik ko.
Hanggang sa naramdaman ko na lang ang pagvibrate ng aking phone.
Message: Kurl, where are you? Tara dito sa labas?
Si Nicollo, wrong timing naman eh. Napabuntong hininga na lang ako.
"Ge ako na muna bahala dito." biglang sabi ni Martin.
Napangiti na lang ako. Alam na niya talaga ako.
"Kaw na muna bahala sakanya ha?" balik ko.
"Sure, medyo nahihilo narin ako eh, malaki naman yung higaan, ako na bahala." mahinang sabi niya.
"Martin, wala naman tayong problema diba? Yung tono mo, pinag-aalala mo nanaman ako." pag-akbay ko pa sakanya, akbay na payakap.
Mukhang may problema nanaman ang bestfriend ko.
"Last time na nalasing ako, remember?" simpleng sabi niya habang nakatingin lang kay Paulo.
Tinutukoy nanaman niya yung tungkol sa girlfriend niya, nung naghiwalay sila.
"Parang si Paulo lang, malakas ang pakiramdam ko na pareho lang kami, patukoy kung bakit siya naglasing ngayon." sabi pa niya.
Mukha nga, may gusto naba si Paulo? I mean, may minahal naba siya? At nasaktan siya?
"Sana hindi ganun kasakit yung nangyari kay Paulo." nasabi ko na lang.
"Naiintindihan ko na talaga, minsan kailangan rin nating makinig, hindi puro panenermon." sabi pa niya.
"Kurl, sorry kung pinagtripan pa kita nung nagdrama ka sakin." pagharap pa niya sa akin. "First time ka kasing nagdrama nun eh, akala ko nagbibiro ka lang."
"Wala yun, pero atlis, may natutunan ka. Diba diba?" pagngiti ko pa.
Hinalikan ko sa noo si Martin bago tuluyang tumayo.
Ganyan kaming dalawa, halikan sa noo. That kiss? It simply simbolizes our relationship as bestfriends.
"Kurl, salamat." paghawak niya bigla sa kamay ko.
"Martin, ayaw kong ganyan ka nanaman." pagupo ko paharap sakanya. "Diba sabi ko move on? Yang mga iniisip mong problema, itapon mo na please? Hindi lang ikaw nahihirapan, pati ako." seryosong sabi ko pa.
Tumango lang ito. Ilang tango ang ginawa niya habang pangiti-ngiti lang siya.
"Eh kung gayahin kaya kita?" biglang sabi niya.
Napakunot naman ako sa sinabi niya. Gayahin? Ang alin?
"Gayahin?" naguguluhang sabi ko.
"Eh kung sa lalaki narin lang kaya ako? Para hindi na ako mapagsamantalahan ng mga babae." pagngisi pa niya.
"Sira." pagtulak ko pa sa noo niya sa pamamagitan ng aking daliri.
Oo alam ko walang masama sa sinabi niya, pero ayan nanaman 'tong kaibigan ko eh.
Mga desisyon niyang pabigla-bigla, yung bang kung ano ang sa tingin niya ay maganda, yun na! Wala nang plano-plano o pag-iisip pa.
"Kurl susuportahin mo ba ako?" pagngiti pa niya.
"Martin, hindi ako natutuwa sa kabaliwan mo." simangot ko.
Tumawa lang ito.
"Oo na, binibiro ka lang. Ge na, hinahanap kana nung Nicollo mo." pagtulak pa niya sa akin.
"Umayos ka Martino." sabi ko pa bago na tuluyang lumabas.
Pagkalabas ko ay ayun parin ang apat at umiinom. Nabubuhay nga talaga sila sa alak.
"Kurl, nasa labas si Nicollo." pagpansin sa akin ni Paul, tumango lang ako.
Agad na akong lumabas at nakita ko rin kaagad ang taong mahal ko.
Nakaupo lang ito sa upuang katabi lang ng gate, naninigarilyo habang patingala-tingala lang.
Napatingin ako sa taas, ang daming bitwin at ang sarap sa paningin.
"Dami noh?" sabi ko saka ko siya tinabihan.
Lihim pa akong natawa nang makitang agad niyang itinapon yung sigarilyo nang magsalita ako, hindi pa nga nangangalahati eh.
"Kurl, may sasabihin ako." rinig kong sabi niya, pareho kaming nakasandal sa may upuan at nakatingin lang sa mga bitwin sa taas.
Nanatili lang akong tahimik, gusto ko kasing makinig na muna.
"Nung nalaman ni mommy na lalaki ang minamahal ko, nagulat siya. Sino ba naman ang hindi diba? Ang Yael Nicollo ay nagmamahal ng isang kapwa niya lalaki, mahirap pa ay.. mas gwapo pa sakanya." hindi ko man nakikita ang mukha niya pero alam kong nakangiti siya habang nagsasalita.
"Even my brother, nagulat siya. Sila lolo at lola kaya? Magugulat rin kaya sila?" sabi pa niya.
"Just go straight to the point." simpleng sabi ko.
Pakiramdam ko may pinupunto siya o ano eh.
"Kurl, hindi lang sila ang magugulat, marami. Maraming marami. Panigurado na ganun rin mga pinsan ko." sabi pa niya.
"Kaya sana Kurl, kahit gaano sila karaming magulat o tumutol, buo ka parin, ikaw, ako, tayo. Huwag tayong papaapekto sa mga sinasabi nila at sasabihin pa nila. Hindi tayo nabuhay para gawin ang gusto nila at mas lalong hindi tayo naging isang indibidwal para bumagay sa nakasanayan."
Sa huli niyang sinabi, ay napangiti ako. Akala ko ang tinutukoy niya ay tapusin na namin ito. Mali pala ako.
"Meron akong nabasang isang storya, storya na kung saan naglalaman ng mga matitinding karakter, ang storya nila ay tungkol sa pag-ibig, na kung saan ang storyang yun ay sad ending ang kinatapusan o kinalabasan.." paninimula ko patungkol sa nabasa kong story.
"Sad ending, yung isa kasi hindi lumaban para sa taong mahal niya, mas nangibabaw yung takot niya kesa sa pagmamahal, dahil sa takot, tinalikuran niya ito.
Nung una ang daming nagalit sa nagsulat, ang daming nainis o nawalang gana.
Akala ko nga pati ako maiinis dahil sa nangyari sa katapusan ng storya, hindi pala.
Bilang isang mambabasa, alam ko ang nais iparating ng manunulat." tonong pagmamalaki ko.
"Ano? Na hindi lahat ng storya ay happy ending?" biglang sabi ni Nicollo, umiling lang ako.
"Nais niya itong iparating sa realidad, sa realidad na kung saan kung hindi ka matututong lumaban sa isang bagay o para sa isang bagay ay walang mangyayari sa'yo." simpleng sabi ko at pag-ayos ko pa ng upo.
"Kaya Nicollo, kung sa huli ay hindi ka man lumaban para sa kung ano mang meron tayo ngayon, ipinapangako ko, lalaban ako para sa ating dalawa, kahit na ako na lang ang lumalaban, hindi ako susuko at ipagpapatuloy ko parin, kasi mahal kita. Pangako yan." seryosong sabi ko at paghawak ko pa sa kamay niya.
"Salamat, Kurl, salamat." pagngiti niya at pagyakap pa sa akin.
-----
Point Of View
- M a r t i n -
After 30 minutes.
Naninibago man sa aking mga nararamdaman at nakikita ay hindi parin maalis sa aking pakiramdam ang salitang kasiyahan at kapanatagan. Ewan ko ba?
Matapos magkwento ni Paulo ay heto siya at nakatulog mula sa pag-iyak.
Iba talaga ang dating ni Kurlo! Akalain mo at pati pala itong si Paulo ay nahulog sakanya.
Sabi nga ni Paulo ay last na 'to, last na itong kadramahan niya. Bukas daw wala na at dapat ayos na ang lahat sakanya.
Yung nangyari sakanya sa ibang bansa, yung mga dahilan kung bakit hindi siya lumaban, yung rason kung bakit siya bumalik, yung mga rason kung bakit siya masaya.
Ilan sa mga yan ay patungkol pala kay Kurl, nung una hindi ko naintindihan pero nang makinig ako, nakuha ko ito.
Sa ngayon, isa lang ang nakikita ko.
Si Paulo, nasa aking hita at mahimbing na natutulog.
Nung una nahiya akong lumapit sakanya, ang puti niya eh tapos ilalapit ko yung kaitiman ko? Haha.
Ako na muna ang bahala sakanya, dadamayan ko na muna siya. Sasamahan at aalalayan.
-----
After 14 days
August 13
10:00pm
Point Of View
- K u r l -
"Guys, salamat sa pagdating niyo ha? Sa presensya niyo." pagpapasalamat ko sa siyam.
Sila Doms, Lance, Brent at Paul. Isama pa yung dalawa na sila Paulo at sir Ken. At yung couple na sila Jerry and James, lastly my bestfriend, Martin.
Tumango at ngumiti lang sila. Masaya ako at nariyan sila, maging sila ay excited at hindi na makapaghintay sa gagawin ko kay Nicollo.
Kasalukuyan kami narito sa kwarto ni Nicollo. Dito ko kasi gustong gawin ang surprise ko sa taong mahal ko.
Two weeks? That's enough for me. Actually, nung una palang ay alam niyo nang gusto ko na siya diba? Hanggang sa umusbong yung salitang pagmamahal.
Sa two weeks, tila kusa rin kaming nabuo. Kung dati ay medyo may hiya pa sa isa't-isa, ngayon ay halos close na sa isa't-isa at talagang napakasaya kapag magkakasama kaming lahat.
Sina Jerry at James na lagi kung umabsent para lang makasama sa lakad ng barkada.
Sina sir Ken na kung minsan ay naiiwan narin ang trabaho dahil sa aming lahat, lagi kasi siyang pinipilit ni Paulo.
"Sakto. Sakto ang plano ko." pagngiti ko pa pagkaupo ko sa kama ni Nicollo.
Yung siyam nasa may mala-sofang upuan sa kwarto ni Nicollo.
Pinagpaplanuhan nila ang shot at kainan after ng gagawin ko kay Nicollo.
Gusto ko kasi na may sasaksi sa gagawin ko kay Nicollo. Gusto ko na makikita nila kung gaano ko kamahal si Nicollo kung kaya't gagawin ko ito.
"By the way, hmmm Doms? Ano pala itsura nung kapatid ni Nicollo?" pagbaling ko kay Doms.
Sa tuwing itatanong ko kasi ang features ng kapatid niya, tinatawanan niya lang ako at surprise daw.
"Surprise nga." pagsabat kagad ni Lance.
Natawa na lang ako. Talagang surprise lagi ang sinasabi nila.
"Ayan sure, mga magsasaktong twelve o'clock ang uwi ni Nicollo." biglang sabi ni Brent habang nakatingin sa phone niya.
Pinatext ko kasi eh. Para sigurado na ang plano ko.
Plano na sagutin at gawing opisyal ang relasyon namin ni Nicollo. Pagkauwi niya ay gusto ko siyang surpresahin.
Ngayon ay nandun siya sa bahay ng lolo at lola niya. May inasikaaso saglit. Yun ang sabi niya. Gabing-gabi.
Pero sakto, lalo na para sa plano ko!
Kami naman narito sa kwarto niya. Hindi niya alam at wala siyang ka-ide-ideya na narito kami sa bahay nila.
....
"Ninenerbyos ako... guys.." mahinang sabi ko pagkapasok ko sa kwarto ni Nicollo.
"Kaya mo yan Kurlo." pagngiti pa ni Martin.
By the way, etong si Martin at Paulo, grabe parang sila ang magbestfriend. Bandang huli naiitsapwera na ako sakanilang dalawa.
Pero okay lang. Close na close kasi yung dalawa at masaya ako na nakikita silang ganun.
"Mga bata nandyan na si sir Nicollo." napabaling ako sa nagsalita, si manang.
"Talaga po? Osige po osige.. Salamat." at nagmadali na akong pumunta sa higaan ni Nicollo.
"Guys, tahimik lang ha.." natatarantang sabi ko sa siyam.
Nakaready na ang lahat. Nakapatay na ang ilaw. At ako na lang ata ang hindi pa handa.
"Baby NicIan.. tulungan mo ako ha?" pagbulong ko pa sa maliit na teddy bear na binili ko para kay Nicollo.
Maliit na teddy bear kung saan may ini-record ako na sa tuwing pipindutin mo ang puso sa may dibdib nito ay may sasabihin ito.
"Nicollo, you did great!" pagpindot ko pa sa may puso.
Yan ang gusto kong laging iparating sakanya, patungkol sa mga ginawa niya sa akin, sa panliligaw, pag-aasikaso, pagmamahal at sa lahat lahat.
Bumili narin ako ng isang bagay, na magsisilbing patunay ng pagmamahal ko sakanya.
"Time check.. 11:58pm.." rinig kong sabi ni Paulo.
Napatayo na ako. Gusto ko pagkabukas ni Nicollo ng ilaw ay agad niya akong mapapansin.
Bigla kong naalala yung sinabi niya sa akin nung mga panahong puro surpise ang banat niya sa akin.
(
flashback
"Kurl, gusto ko kapag sasagutin mo ako ay wala ng salita-salita. Gusto ko halik kaagad." sabi nito habang nakayakap lang sa akin.
"Paano naman yun? Eh lagi nga kitang hinahalikan ng biglaan eh." pagtawa ko naman.
"Basta, mararamdaman ko naman ang ibig sabihin mo nun eh. Tsaka, bigyan mo ako ng pinakamasarap mong ngiti." paghigpit pa ng yakap nito.
"Ge. At doon ko narin sasabihin ang katagang matagal mo nang hinihintay sa akin." pagngiti ko.
Patukoy sa salitang, "I love you".
end
)
"Ayan na.." nasabi ko na lang nang makarinig ng yabag.
..
August 14
Pagbukas ng pinto ay siyang pagbukas rin kagad ng ilaw.
Nakita ko ang aking sadya. Ang taong mahal na mahal ko.
Katulad nga ng sinabi niya ay binigyan ko siya ng ngiti na hinihingi niya.
Nagpagupit pa ata 'tong si Nicollo. Mala-kpop kasi ang hairstyle eh, bagay na bagay mula sa wavy hairstyle niya.
Nakita ko na naguguluhan siya. Nabablangko pa ata siya.
Gayunman ang reaksyon niya ay agad ko siyang nilapitan at hinalikan..
Saglit akong napatigil nang maramdamang parang iba yung labi na hinalikan ko.
Ewan eh. Parang iba yung ngayon?
Pero wala nang makapipigil sa akin. Hinalikan ko siya, yung bang magkadikit lang ang aming labi.
"Wuy Kurl.." rinig kong biglang sabi ni Doms, sabay pa sila ni Lance.
Pagkahiwalay ko sa labi niya ay yun na nga.
"Yael Nicollo Santos, I love you." pagngiti ko pa kay Nicollo.
Nakatayo lang ito at nakatingin sa akin. Mababakasan ko ito ng pagkagulat o pagkablangko.
Ang dalawang daliri niya ay idinampi niya lang sakanyang labi na talagang halatang gulat.
Teka. Ayaw niya ba ginawa ko?
"Sabi ko I love you." paghawak ko pa sa kaliwang kamay niya.
"Yael tabi ba tayo matutulog? O dun kana sa kwarto mo.." napabaling kami sa pinanggalingan ng boses, napatigil ito mula sa pagsasalita.
Tila lahat ata kami ay kusang napatigil. Ano 'to?
Hindi ko alam pero nakuha kong mapalunok nang makita kung sino ang nagsalita.
Nag-init pa ata ang buo kong katawan, pagpapahiwatig ng takot o gulat.
Pati ang aking puso? Tila nakipaghabulan ito sa kung ano.
Teka teka.. nananaginip ba ako? Ha? Ha? Ha?
Si Nicollo at si Nicollo? Ano 'to? Dalawang Nicollo?
Itutuloy
Readers,
(Az, sana sa mga susunod na chptrs kikiligin ka parin, OA sa kadramahan ang ginawa ko eh!) (Tyler, nako nako, nako nako talaga Tyler ^....^) (Angel, malapit na nating malaman!) (Jay05, medyo chill na muna si Paulo sa pagbalik niya. Medyo wala wala wala muna siya, haha!) (AlfredTo, sir! naalala ko tuloy highschool life, mr. Dizon kasi tawag sa akin, haha.) (MarcAbellera, ge ba! basta ba ililibre mo ako? Haha) At sa mga anonymous at mga silent readers, big thanks!
Co-RAs,
Mr. Vienne & Mr. Rye, chill muna! Natatakot pa ako, hehe!! (--,)
Chptr16 Updated! :))
ReplyDeleteOMGOD!!!!!! DafuQ? Next chaptet agad.. !!!!! Sheettt..
ReplyDeleteGaling mo tlgang mgpaikot author- should i say prince dizon....
ReplyDeleteCguro ang saya mong maging kaibigan at sumana sa company ninyo....
Jay 05
nkkloka! yung kapatid pa ata nahalikan. looking forward sa next update author!
ReplyDeletehaha, oo nmn Mr. Author for sure yan ehe, ok nmn tong drama dito sa chapter ee. ehe.ready na 4 the next chap. :)
ReplyDeleteAz
Papano na yan. Hindi pala si Nicollo ang nahalikan nya? Kaw talaga Mr Dizon, adik ka. Sorry, feeling close lang. Salamat sa update.
ReplyDeleteEMEYGESH!!!!!! Si Yael ang nahalikan ni Kurl emeygedddddddd!!!!!!! So excited sa next chapterrrr!!!
ReplyDeleteKuya author ang galing mo ang ganda nung story promise....emeyged!!
Omg,angOA naman sobrang nakakakilig salamat sa wonderful na story Mr,author sana mailabas na yong next chapter. Ang ganda talaga :]]
ReplyDeletenatawa ako ng sobra dito. siempre kinilig padin :) galing galing :D
ReplyDeleteAz
Waahh! Makapambitin ka talaga aa! Hahaha :-) :-) :-) cool chapter. :-) :-). Cge cge. :-) coffee tau mnsan . Take care. :-)
ReplyDeleteang ganda ng kadramahan sa chapter no toh.. eiii...
ReplyDeletesana update na agad ang chapter 17
sam ng Baguio
Argh! Bakit kasi carbon copy sila? Hayst!
ReplyDelete