Followers

Sunday, August 10, 2014

Starfish [Chapter 16]





Starfish
[Chapter 16]






By: crayon






****Lui****



01:32 pm, Sunday
July 06









Pilit kong inaaliw ang aking sarili sa pagtingin-tingin ng kung anu-anong walang kabuluhang bagay sa internet pero hindi pa din ako natutuwa. Tinatamad ako na nayayamot na naiinip na nalulungkot na nasasawa sa aking paligid. Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman. Daig ko pa ata ang isang babaeng nagbubuntis na hindi malaman kung anung gustong kainin. Gusto ko pumunta ng mall pero tinatamad ako, gusto ko manuod ng movie pero isipin ko pa lang ang papanuorin ko ay inaantok na ako, gusto ko kumain pero nauumay ako.


Bwiset kasi ‘tong si Renz eh, iniwan ako mag-isa dito sa bahay. Anak ng matamis na patis! Bakit ba si Renz na naman?! Pinatay ko na lang ang laptop dahil nagsasayang lang ako ng kuryente sa aking ginagawa. Bumalik na lang ako sa pagkakahiga sa aking kama na may ilang oras ko na ding ginawa kanina.


Saan kaya pupunta ang tukmol na yon? Nagpaaalam siya kaninang umaga matapos kaming mag-almusal na may lalakarin daw siya at baka gabi na siya makabalik. Sinabi kong gusto kong sumama dahil wala naman akong gagawin dito sa bahay pero hindi siya pumayag. Naghinala ako na baka magsusugal siya kasama ang mga barkada nya pero agad naman niya iyong ikinaila nang makita ang pagdududa sa aking mata. Hindi daw siya iinom, magsusugal, o babatak. Nagkibit-balikat na lang ako. Baka kasi masyado na akong nanghihimasok. Hindi naman nya ako bantay para matyagaan ko ang lahat ng ginagawa nya.


Haaaayyyyy….


Dalawang araw. Ngayong weekend lang. Sa loob ng maikling panahon ay lalong pinagulo ni Renz ang buo kong sistema. Sa isang banda ay parang mas mabuti pa noong lagi pa kaming magkaaway ni Renz. Alam ko kasi noon kung saan dapat ilugar ang sarili. Sa sitwasyon namin ngayon ay napakarami kong itinatanong sa aking sarili.


Tama nga kaya si Renz sa mga sinasabi niya sa akin? Am I gay? Anu bang nararamdaman ko para kay Renz? Hindi ko kasi masabing gusto ko siya. Iba kasi ito sa naramdaman ko para kay Kyle noon. Noong una pa lang naming pagkikita ni Kyle ay may naramdaman na agad akong kakaiba at nung magkita kaming muli sa UP ay sigurado na akong mahal at gusto ko siya. Iba ang kaso ni Renz, hindi ko alam kung saan ilulugar ang nararamdaman ko.


Love kaya? Nag-isip ako sandali. Sinubukan kong pakinggan kung anong binubulong ng aking puso. Pero wala akong madinig. Walang sagot na pumapasok sa aking isip. Malabo pa sa malabo. Hindi pwedeng love ‘to. Dalawang araw pa lang kaming magkasundo, hindi pa nga yun buong dalawang araw eh.


Baka crush? Di ba pang high school lang yon? Malupit na infatuation? Anak ng pink na teddy bear! Bakit naman sa lalaki ako nagkaka-crush ngayon? Si Kyle lang naman ang lalaki kong crush ah. Isa pa, ano namang kahanga-hanga kay Renz? Oo, gwapo siya, maganda ang tindig, mabait minsan, maaalalahanin kapag sinusumpong pero. . . . Buwakang ina talaga!


Siguro nag-eenjoy lang ako sa company niya? Kahit papaano naman kasi nagkakasundo kami sa ilang bagay, katulad noong paglalaro ng basketball sa arcade. Eh bakit kinikilig ako minsan? Gaya nung binilhan niya ako ng ice cream o kaya kapag siya ang kusang nagluluto. Pambihira! Balik na naman ako sa una kong tanong, nai-inlove na ba ako sa kanya?


“Ano ba kasing problema mong talandi ka ha?! Anu naman kung napapamahal ka na sa kanya?!”, galit na lecture sa akin ng nagmamarunong kong isip.


Napapapikit na lang ako. Hindi ako pwedeng main-love sa kanya. Pasasakitin ko lang ang ulo ko. Magmumukha lang akong tanga. Baka umasa lang ako sa wala. Bakit?


Mahirap mahalin ang isang taong hindi pa nakaka-move on sa pagmamahal niya para sa iba. Hindi na ba ako magtatanda? Ganito din ang naging kaso namin ni Kyle noon. Umasa ako na baka kapag naging okay na si Kyle mula sa nangyari sa kanila ni Renz ay baka matutunan niya akong mahalin. Hindi ko man pinakita kay Kyle o sa mundo na nasaktan ako sa mga nangyare ay hindi ibig sabihin non na hindi ko ininda ang sakit. Hindi lang ako katulad ni Renz na ginawang kawawa ang sarili at ginawang patapon ang buhay. Pero hindi rin biro ang pinagdaanan ko, nandyan na yung mga gabi na hindi ko mapigilang isipin si Kyle, yung kailangan mong magpanggap na wala kang pakialam sa tuwing nagke-kwento sa akin si Kyle ng tungkol kay Aki o Renz. Kung hahayaan ko ang sarili ko na mahulog kay Renz, babalik ako sa ganoong sitwasyon. Aasang mahalin ng taong hindi ka kayang bigyan kahit isang sulyap dahil nanatili nakabaling ang mata sa taong hindi naman siya mamahalin.


Pangalawa, hindi ko nga alam kung ako yung tipo ni Renz. Oo madaming nagkakagusto sa akin na babae at lalaki pero hindi ko sigurado kung may appeal ako sa paningin ni Renz. Hindi ko din alam kung gusto nya ba ang ugali ko. Baka nakikisama lang siya sa akin ngayon dahil sa kasunduan namin.


Pangatlo, may lechugas na kasunduan. Kasunduan na maaaring dahilan ng mga pinapakita sa akin ni Renz. Hindi ko dapat bigyan ng kahulugan ang mga bagay na ginagawa niya. Hindi tamang nakakaramdama ko ng kilig sa mga simpe gestures niya dahil wala iyong ibig sabihin.


Imposible. Siguro nga imposible yung iniisip kong mangyare sa amin ni Renz. Hindi ko na dapat pinoproblema pa ang bagay na yon. Hindi ko na dapat hinahanapan ng solusyon o pag-asa dahil wala namang patutunguhan. May problema pa nga ako sa sarili kong pamilya eh, kahit ang sarili ko ay hindi ko pa maayos.


Pero napipigilan ba ang puso? Masasabi mo ba ditong wag ka ng magmahal dahil masasaktan ka lang? Bumalik na lang kaya ako sa pang-aaway ko kay Renz? Mas madali kasi kung ganoon lang kami na lagi na lang kaming naiinis sa isa’t-isa eh.


Unfair. Oo nga naman, unfair naman kung parati ko na lang bubwisitin si Renz samantalang sinisikap nitong maging mabait sa akin. Umiwas kaya ako? Cold treatment na lang? Less talk, less mistake, less worries. Pero paano yung ipinangako kong tulong sa kanya?


Gusto ko nang i-untog ang ulo ko sa pader dahil sa gulo ng sitwasyon. Naiwan ako nakatitig sa kisame hanggang sa lamunin na ako ng antok.













Nang magising ako ay pasado alas-syete na ng gabi. Nakatulong naman ang tulog ko sa pagpapalipas ng nakakaburyong maghapon. Kasabay ng pagbangon ko ay ang pagkalam ng aking sikmura. Pambihira kailangan ko pang magluto. AAAAaaaaarrrrrggghhh! Renz, umuwi ka na pleeeeaaassseee!


Damn! Renz na naman! Dapat matuto ka na na deadmahin na lang siya. Huwag yung lagi siya ang iniisip mo. Wala pa mang nangyayari ay matuto ka nang mag-move on.


Lumabas na ako ng aming kwarto. Labag man sa aking kalooban ay bahagya lumukso ang aking puso nang makita si Renz na naghahanda ng pagkain sa may kusina.

“Nagising ka din, bubuhusan na sana kita ng tubig eh.”, nakangiti nitong tawag sa akin. Huwag kang kerengkeng Lui! Magpanggap ka na wala kang pakialam. “Maglagay ka na ng plato sa mesa, tapos na tong niluluto ko.”


“Sige, san ka ba nagpunta?”, punyemas sinabi na ngang magpanggap na walang pakialam eh. Bakit nagtatanong ka pa?


“Binenta ko na yung kotse ko. Sinamahan ako nung kabarkada ko dun sa buyer. Okay naman yung naging deal namin kaya magse-celebrate tayo ngayon.”, masaya niyang pagkekwento saka tinuro yung dalawang bote ng alak na nasa lamesa.


“Bakit mo binenta yung kotse mo?”, lintik talaga na kadaldalan yan oh!


“Para makapag-simula uli. Hindi ko pa alam kung ano, pero gusto ko uli magsimula ng business.”, natuwa naman ako na sinisikap na nitong magbagong buhay kahit naman papaano ay may magandang ibinubunga ang pagsisinungaling ko sa kanya.


“Okay.”, tipid kong sagot. Kailangan kong matutong kontrlin ang bwiset na bibig ko. Hinanda ko na lamang ang lamesa.


Tahimik lamang ako habang kumakain kami ni Renz. Panay ang kwento nito sa akin habang ako ay tango lamang ng tango dito. Minsan ay sumasagot ako sa mga itinatanong niya sa akin pero siniguro kong tipid lamang ang aking mga nagiging sagot.


Matapos kaming kumain ay niyaya na ako ni Renz na uminom. Tumanggi ako at nagpalusot na masakit ang ulo ko. Hindi naman ito pumayag at sinundan ako hanggang sa kwarto para kulitin. Makalipas ang halos isang oras na pangyayakag ni Renz ay pumayag na din ako. Hindi din naman ako nito tatantanan.


Sa sala na lamang kami pumuwesto ng inom. Si Renz ang tanggero katulad ng dati. Walang humpay pa din ito sa kakadaldal. Siguro sa tagal ng panahon na wala itong kausap na nakakaintindi sa kanya ay nasabik ito na makipagkuwentuhan. Nakakalungkot lang na hindi ko siya kayang samahan sa gusto niyang mangyari. Nagpanggap lamang ako na interesado sa kanyang kinukwento pero sa totoo lang ay hinaharangan ko ang aking tenga para hindi siya marinig. Mas mabuti na iyong konti lang ang alam ko kay Renz kasi habang lalo ko siyang nakikilala ay lalo akong napapalapit sa kanya.


“So, kamusta naman?”, walang anu-ano niyang tanong sa akin.


“Ha?”, naguguluhan kong sagot.


“Kamusta naman ang pagpapanggap mo na nakikinig kahit na hindi naman?”, medyo may kalungkutan nitong tanong sa akin. Medyo nahiya naman ako sa aking sarili. Bastos nga naman yung ginagawa ko.


“Nakikinig ako.”, pagkakaila ko baka sakaling makalusot.


“Sige, anu yung huli kong kinuwento?”, panunubok nito.


“Yung pagkakabenta mo ng kotse.”


“Kanina ko pa yun kwinento, bago pa tayo kumain.”, dismayado niyang sagot. “Ano na naman bang nagawa ko Lui? Galit ka ba dahil hindi kita isinama kanina?”


“No.”, mabilis kong sagot sabay iling.


“Hindi kita isinama kasi nahihiya ako ipakilala ka pa sa mga kabarkada ko. Alam ko namang ayaw mo sa mga adik at sugarol. Alam ko ding masama silang impluwensya, ayaw ko lang umabot sa punto na pati ikaw madamay sa mga bisyo ko. Iba kasi yung mga kaibigan ko na yun. Naisip ko na baka bigla ka nilang pilitin na sumali sa sugal o kaya ay bumili sa kanila ng droga. Mahirap na.”, mahaba nitong paliwanag. Nagulat naman ako dahil una nagpakahirap pa talaga itong mgapaliwanang sa akin kahit na kung tutuusin ay hindi naman niya kailangan gawin pa iyon. Pangalawa ay nagulat ako sa kanyang dahilan. Hindi ko akalain na iniisip din pala nito ang aking kalagayan.


“Hindi mo naman kailangan magpaliwanag. Hindi naman ako galit. Itagay mo na lang yan, kanina pa nakatambay sa’yo yung baso.”, biro ko dito. Nakita ko naman na bahagyang napangiti si Renz sa akin. Ganito ba talaga kahirap iwasan ang isang ‘to?


Nang maubos namin ang isang bote ng biniling alak ni Renz ay pareho na kaming may tama ni Renz. Naubusan na din siya ng kuwento kaya sinabi kong manuod na lang kami ng movie habang umiinom. Sumang-ayon naman ito sa akin.


“Ano yang ipla-play mo?”, usisa ko sa kanya habang isinsaksak ang kanyang cellphone sa tv ni Kyle.


“Basta maganda ‘to. Makaka-relate ka. Ilang beses ko na din ‘tong napanood pero hindi ako nasasawa. Ewan ko ba kung bakit.”

Nang magsimula ang movie ay pinatay ni Renz ang ilaw at tumabi sa akin sa lapag. Nakasandal kami sa sofa habang kapwa may tangan na baso ng alak. Medyo hindi naman ako mapakali sa labis na pagkakadikit namin ni Renz. Nagulat pa ako ng isandal nito ang kanyang ulo sa aking balikat. Hindi na ako nagsalita dahil pakiramdam ko ay hindi naman big deal ang kanyang ginawa. Niyakap ko nga siya nung isang gabi eh. Binaik ko ang aking tuon sa tv at napabalikwas naman ako ng makita ang title ng palabas.


“Brokeback Mountain?”, medyo asiwa kong sabi kay Renz. Hindi ko pa napapanuod ang pelikulang iyon pero alam kong tungkol iyon sa dalawang cowboy na napamahal sa isa’t-isa.


“Bakit? Maganda naman yan eh. Bagay sa’yo yan homophobe ka eh.”, natatawa nitong sabi. “Manuod ka na lang maganda naman yung story eh.”


Hindi na ako umangal pa. Madami din naman kasi ang nagsabi na dapat raw nanalo ng Oscars ang movie na ito. Na-curious din ako kung bakit paborito ni Renz ang movie na yon.


Tumagal ng halos dalawang oras ang movie, halos paubos na din ang iniinom naming alak. Tahimik lamang sa aking tabi si Renz habang nanunuod kami. Tumatakbo ang kwento sa dalawang cowboy sa state ng Wyoming sa America noong 1963, nagtrabo sila bilang tagabantay ng tupa o pastol. Kinailangan nilang i-pastol ang libu-libong tupa sa isang bundok sa Wyoming. Brokeback mountain. Iyon ang pangalan ng bundok. Parehong astigin ang dalawang lalaki Ang bidang lalaki na si Jack Twist ay silahis habang ang kanyang kasama na si Ennis Del Mar ay straight na nakatakdang makasal sa kanyang nobya pagkatapos nilang magtrabaho. Parehong galling sa mahirap na pamilya ang dalawa.


Buwan ang ibinibilang sa pagpapastol ng tupa sa kabundukan nang walang babaan sa kapatagan. Sa tagal na panahon na inilagi nila sa bundok na iyon na silang dalawa lang at ang mga tupa ay naging magkaibigan ang dalawa. Matapos mag-inuman isang gabi ay hindi napigilan ng silahis na si Jack ang tawag ng laman ay may nangyari sa kanila ni Ennis. Doon nagsimula na magkaroon sila ng pagtatangi sa isa’t-isa. Nang matapos ang kanilang kontrata sa pagpapastol ng tupa ay naghiwalay na sila ng landas pero kapwa na sila may malalim na pagmamahal sa isa’t-isa. Nagpakasal si Ennis sa kanyang nobya, at tumungo ng Texas si Jack. Makalipas ang apat na taon ay muling nagkita ang dalawa. Kapwa na sila may asawa at anak, marami ang nagbago sa kanila pero hindi ang pagmamahal nila sa isa’t-isa. Umikot ang istorya sa kung paano nila ipinagpatuloy ang kanilang relasyon sa loob ng dalawpung taon sa kabila ng mga balakid. Distansya. Oras. Asawa. Pamilya. Lipunan na ang tingin ay isang malaking krimen ang maging katulad nila.


Isa lang ang bagay na tumatakbo sa aking isip habang pinapanuod ang pelikula. Hindi ko maiwasan na ikumpara ang sitwasyon ng mga bida sa kalagayan namin ni Renz. Parehong cowboy. Si Renz si Ennis, Kung si Ennis ay hindi maiwan ang kanyang pamilya at natatakot sa maaring gawin ng lipunang kanilang ginagalawan sa kanila, si Renz naman ay hindi makakalas sa tanikala ng kahapon, sa isang pag-ibig na walang patutunguhan. Ako si Jack, umaasa, nagtitiis, naniniwala kahit na nasasaktan at nahihirapan. Hindi din alam kung paano bumitaw.


“Parang kami ni Kyle no?”, maya-maya ay wika ni Renz. Pakiramdam ko ay sinampal naman ako ng katotohanan. Syempre si Kyle ang tumatakbo sa kanyang isip habang nanonood. Mabuti na lamang at madilim. Nakapatay na ang tv pero hindi pa din binubuksan ni Renz ang ilaw. Kakarampot ang liwanag namin sa sala kaya hindi makikita ni Renz sakali mang may kumawalang reaksyon sa  mukha ko na ayaw kong makita niya.


“Si Kyle si Ennis. Nakatali sa isang relasyong alam kong hindi naman nya gusto. Ako pa din ang mahal niya. Ako naman si Jack Twist. Matyagang naghhitay, pinagkakasya ang sarili sa kakarampot na oras para sa akin ni Kyle at sa minsang atensyong nakukuha ko mula sa kanya. Hindi ko alam kung paano pigilan ang puso ko na mahalin si Kyle. Parang si Jack di ba? Baliwala sa kanya ang bumyahe ng labing apat na oras ng dalawa o tatlong beses sa isang taon para lang makita ang kanyang mahal. Tinitiis niya yung minsang pagkikita, pinagkakasya ang sarili sa ilang sandali na masaya sila ni Ennis. Sa 365 na araw sa isang taon masaya siya ng dalawapu o tatlumpung araw yung matitirang 335 malungkot siya. Nangungulila. Pero kahit mahirap hindi siya bumitaw, hindi siya sumuko sa relasyon nila kahit sa kahuli-hulihang sandali.”, pag-aanalisa ni Renz hindi ko makita ang sinasabi ng kanyang mukha habang nagkukwento dahil madilim. Oo nga, mas akma sa kwento nila ni Kyle yung movie. Kaya siguro ito yung paborito niyang pelikula.


Napainom na lamang ako sa baso ng alak na hawak ko. Katangahan naman kasi ‘tong ginagawa ko. Alam ko namang walang patutunguhan ang pagkagusto ko kay Renz pero hinahayaan ko pa din ang sarili ko na mag-isip ng mga ganitong bagay.


Sandali kaming natahimik ni Renz. Hindi ko alam kung nakatulog na ito habang nakasandal sa aking balikat. Ang tanging naririnig ko lang ay ang malalim nitong paghinga. Iba din talaga ang nagagawa ng alak. Napapaamin ka sa mga bagay na ikinakaila mo kapag matino ka.


Oo. Nagkakagusto nga ako kay Renz. Hindi ko alam kung bakit pero nararamdaman ko hanggang sa mga sandaling ito na may puwang na siya sa aking puso. Pero hindi ibig sabihin noon na hahayaan ko ang sarili ko na tuluyan nang mahulog sa kanya. Magulo ang sitwasyon naming dalawa sa ngayon. Hindi magandang ideya na idagdag ko pa ng aking nararamdaman sa aming mga alalahanin. Dapat siguro na makontento na lamang muna ako sa pagiging magkaibigan naming. Hindi na rin naman siguro masama iyon.


“Ikaw? Wala ka bang gustong ikwento Lui?”, biglang tanong ni Renz.


“Wala.”, tipid kong sagot.


“Naranasan mon a bang ma-inlove ng sobra?”


“Oo.”


“With Kyle?”


“Yeah.”


“Pano mo nakayanan na maging okay kahit nan a-friendzone ka lang?”, curious niyang tanong. Umayos siya nang higa. Walang arte niyang inilatag ang kanyang katawan at inihiga ang ulo sa aking hita. Hindi naman ako mapalagay dahil hindi normal para sa akin ang ganoon naming ayos. Kahit na madilim ay tiningnan niya ang aking mukha. Hinihintay ang aking sagot sa kanyang tanong.


“Hindi naman madali otherwise hindi ka naman magkakaganyan kung ganoon kadali. Kyle is quite a nice guy, siya yung tipong mahirap kalimutan. Sa kaso ko kasi ilang beses kong nakitang umiyak si Kyle, noong malaman ko kung gaano siya kasaya kay Aki ay nagawa ko na ding maging masaya para sa kanya. I knew I had to let go because I can never make him as happy as now. Sa palagay ko si Aki lang ang makapagbibigay sa kanya noon. Pakonswelo ko na lang sa sarili ko na darating yung tamang tao para sa akin.”, paliwanag ko.


“And did you come across that person already?”


“I don’t know. Maybe?”


“Paano kung si Kyle pala yung taong para sa’yo tapos sinuko mon a lang siya bigla. Paano ka?”, sinsero niyang tanong. Pero nararamdaman ko na itinatanong niya ito base sa kanyang nararamdaman. Naikwento niya na sa akin na parang gusto niya nang sukuan si Kyle pero hindi niya alam kung paano. Siguro ay iniisip niyang muli iyon at sinusubukan niyang humingi sa akin ng payo.


“Kung totoo man yon, I don’t have any regrets. You should see Kyle and Aki when they’re in better terms. You would know what I mean then. Letting go isn’t always a bad thing. And love. . . . Love is not about doing things to make yourself happy, its doing things, even sacrifices to make the people you care about happy. I know I’ve made the right decision when I let Kyle be happy with Aki.”, sagot ko.


“Why are you helping me then?”, mabilis na tanong ni Renz. Hindi naman galit ang kanyang tono. Hindi naman agad ako nakasagot dahil nakorner ako sa argumentong iyon.


“Cause maybe I was wrong.”, mahina kong pagsisinungaling. “Tell me Renz, are you doing all these to make Kyle happier? Or you’re trying to make yourself happy?”, balik kong tanong sa kanya. Saglit siyang nag-isip bago sumagot.


“I don’t know. I think both.”, hindi nito siguradong sagot sa akin.

“How do you plan to make Kyle happier than he is right now?”


“I just know I can do it. I know Kyle, I know what makes him really happy.”


“Why can’t you just be happy for Kyle?”


“You can simply tell me if you don’t want to help me anymore. I don’t need your help anyway.”, inis na sagot ni Renz. Tumayo na ito saka tumungo sa aming kwarto. Naiwan naman akong nakatanga sa sala. Hindi ko inaasahan na magagalit siya bigla. Hindi ko din naman kasi maawat ang sarili ko na tanungin si Renz ng mga ganoong bagay, nagbabakasakali lang naman ako na maliwanagan siya sa mga nangyayari at maisipan niya nang isuko si Kyle. Napabuntong hininga na lang ako. Sa isang banda ay mainam na din siguro itong nagalit sa akin si Renz. Hindi ko na siya kailangan tulungan. Malalayo na muli ang loob ko sa kanya. 


Niligpit ko ang aming pinag-inuman. Matapos masigurong maayos na ang lahat ay saka ko tinungo ang aming kwarto. Natigilan naman ako habang pinipihit ang seradura ng pinto. Iniisip ko kung tatabi ako kay Renz. Malaking parte ko ang nagsasabi na sa kanya na lang ako tumabi para makahingi ako ng paumanhin at magkaayos na kami. Pero pinili kong pumasok sa kwarto ni Kyle. Masyado ko nang pinagulo ang sitwasyon sa pagitan namin ni Renz. Dapat ko nang itigil ang kahibangan ko at ayusin ang gulong nagawa ko.


Nang makahiga ako sa kama ni Kyle ay napatitig na lamang ako sa kisame. Pinagdedebatihan nang sistema ko ang naging desisyon ko hanggang sa makatulog ako.













Kinabukasan ay parang isang lugar na dinaanan ng matinding bagyo ang buong unit ni Kyle. Maayos naman ang mga gamit, tanging yung mga taong nandoon lang ang parang binagyo. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag, pero parang nasalanta ang buong pagkatao ko sa nagdaang gabi. Masyado atang OA ang paglalarawan ko, hindi ko kasi alam kung anong tamang itawag sa emosyong nararamdaman ko.


Habang nagkakape ako sa kusina ay lumabas ng kwarto si Renz na lamukos ang mukha. Kung nagkataong wala kaming alitan ay malamang sa natawa ako kaagad sa kanyang itsura. Inalok ko siya ng kape pero hindi niya ako pinansin. Bakit ba kasi inaalok ko pa? Pumasok ito sa banyo at rinig ko ang paliligo nito.


Haaaay… napakaarte naman ng isang iyon. Matapos maligo ay bumalik ito sa kwarto. Wala pang labinlimang minuto ay lumabas na itong muli ng kwarto at dumiretso na palabas ng bahay. Anak ng bulate! Sinong magluluto ng almusal ko?!


“Aaaaarrrrrggggghhhhhh!”, sakto sa pagsigaw ko ng inis ay bumukas muli ang pinto at iniluwa noon si Renz. Napatingin naman ito sa akin sa pagtataka kung bakit ako sumisigaw. “Putsang langgam! Ang sakit kumagat!”, palusot kong sabi habang iniinspeksyon ang aking paa. Hindi ko alam kung pinaniwalaan nito ang sinabi ko dahil dumiretso agad ito pabalik sa aming kwarto at ilang sandali lang ay lumabas nang muli.


“Bwisit!”, bulong ko sa aking sarili.


Ayaw ko man ay nagsimula na naman akong mag-eksperimento sa kusina ni Kyle.





Bandang pananghalian ay nakabalik na si Kyle kasama ang mga bata. May dala itong panghalian na ipinagpasalamat ko naman dahil hindi pa din bumabalik si Renz. Nagkandabulo-bulol pa ako sa pagsagot kay Kyle nang tanungin ako kung saan nagpunta si Renz.


“Okay ka lang ba?”, tanong sa akin ni Kyle.


“Oo, ikaw kamusta?”


“Okay naman, iiwan ko sana sa’yo yung mga bata. Pupuntahan ko kasi si Aki. Gusto kong maayos na yung gulo sa amin. Okay lang ba?”


“Oo naman. Wala naman akong pupuntahan ngayon eh.”


Matapos ihabilin ang mga makukulit na bata ay nagpaalam na si Kyle.


“Kuyang may balbas, nasaan si kuyang mabait?”, tanong sa akin ni Andrei habang hinihila ang damit ko.


“Hindi ko alam eh.”, walang gana kong sagot habang nagababasa ng libro.


“Babalik ba sya? O niiwan nya na din kami ni ate?”, seryoso nitong tanong. Napabaling naman ako sa malungkot na mukha ni Andrei.


“Babalik pa yon,  binili ka lang nun ng chocolate. Sige na, maglaro na kayo ng ate mo.”, napangiti naman ang bata sa sinabi ko.


“Sana ibili niya ako ng taklong tsokoyeyt!”, masayang sagot ng bata saka pumunta sa kanyang ate. Naiwan naman ako sa aking kwarto na mag-isa. Hindi ko na naipagpatuloy pa ang pagbabasa dahil nabagabag ako sa sinabi ni Andrei.


Paano nga kung hindi na bumalik pa si Renz? Kasalanan ko pa yun kung nagkataon. Hindi. Wala naman siyang dalang gamit so hindi pwedeng naglayas yun. Isa pa hindi niya kayang iwan si Kyle. Waaaaaahhhh!!!! Ayoko ng ganito.
















Mabagal na umusad na parang trapik sa EDSA ang mga sumunod na mga araw. Halos dalawang lingo ang nagdaan pero parang walang pinagkaiba ang bawat araw na lumilipas. Pumapasok si Kyle sa trabaho, maaga ding umaalis sa bahay si Renz at late nang umuuwi. Naiiwan kami ng mga bata sa bahay.


Wala pa din akong makuhang trabaho. Malapit na ako sumuko sa paghahanap. Pinayuhan ako ni Kyle na subukan ko daw sa mga call center, maganda naman ang kanyang rason na bukod sa malaki din naman ang kita ay malayo na ma-trace pa ng mga magulang ko ang application ko sa mga bpo company.


Mabuti pa si Kyle, nagkaayos na sila ni Aki. Ang suwerte din talaga ni Kyle sa nobyo nito dahil pilit na iniintindi ni Aki ang sitwasyon nila ni Renz. Maging ang mga bata ay mukhang nag-enjoy sa nakaraang linggo. Ikinuha din ni Kyle ng tutor ang dalawang bata para hindi mahirapan ang mga ito kapag bumalik sa pag-aaral sa isang taon. At masayang-masaya ang mga ito na mag-aaral sila.


Si Renz naman ay galit pa din sa akin. Sa nakalipas na dalawang linggo ay wala pa ata sa dalawpung salita ang nasabi nito sa akin. Maaga itong umaalis sa umaga at kadalasan ay gabi na ito umuuwi nang lasing. Sa ilang pagkakataon na nagkakasalubong kami ay parang hindi niya ako nakikita. Ilang beses na din na tinangka ko siyang kausapin pero hindi niya ako pinapansin.


Gusto kong iwasan si Renz pero ayaw ko naman na makitang galit siya sa akin. Pambihira! Hindi ko alam kung anung gusto kong mangyare sa buhay ko.


“Kuya Lui!”, malakas na sigaw ni Andrei habang pumapasok sa kwarto ko. May dala itong papel sa isang kamay at crayon sa kabila.


“Bakit?”, tanong ko rito.


“Tingnan mo oh!”, nagmamalaking sabi ni Andrei habang idinuduldol sa mukha ko ang hawak niyang papel. Isa itong bakung-bakong bilog na may weird na triangle sa gitna at dalawang maliliit na bilog sa taas.


“Ano to?”, tanong ko.


“Ikaw yan! Ang drawing nga kita eh, kamukha mo di ba?”, magiliw nitong sabi.


“Parang hindi naman eh.”, reklamo ko. Mabuti pa ang batang to, mas naging kasundo ko pa kesa kay Renz. Palibhasa ay kami lang ang lagi na magkakasama sa bahay kaya napalapit na ang loob nito sa akin at hindi na gaanong naasar sa mga biro ko.


“Ikaw nga yan! Payeho kaya kayo ng iyong.”


“Okay, sige na si Kuya Kyle naman i-drawing mo.”, utos ko sa bata para hindi na ako nito guluhin.


“Kuya, galit ba sayo si kuyang lasing?”, seryosong sabi ni Andrei na ang tinutukoy ay si Renz. Minsan kasing umuwi ng lasing si Renz at nakita ng mga bata kung paano ito pagewang-gewang na pumasok sa aming kwarto. Mula noon ay kuyang lasing na ang palaging tawag dito ni Andrei.


“Ha?! Bakit mo naman natanong?”,pagkakaila ko.


“Hindi ka niya nikakausap e.”, kaswal nitong sabi. Nakalimutan kong matalino at mapagmasid nga pala ang isang ito. Hindi nakaligtas sa kanya ang tampo sa akin ni Renz.


“Wala yon, wag mo na yung pansinin lagi lang lasing ang kuya mo.”, sagot ko.


“Sa akin kaya galit sya? Hindi nya ko nikakausap eh.”, malungkot na sabi ni Andrei. Oo nga naman, si Kyle lang naman ang kinakausap ni Renz dito.


“Bakit naman siya magagalit sayo?”


“Eh ang tapon ko nga yung dahon nya di ba? Tapos ang galit na sya.”, pagpapaalala sa akin ni Andrei. Sa kasamaang palad kasi ay bumalik na naman sa bisyo niyang alak at droga si Renz. Noong minsang pinakialaman ni Andrei ang gamit ni Renz ay nakita nito ang isang plastic ng marijuana nito. Sa pag-aakalang kalat ay tinapon ito nung bata na ikinagalit ni Renz. Natakot noon si Andrei, buti na lamang ay narinig ko ng sigawan ito ni Renz at nasaklolohan ko agad ang bata. Ipinakiusap ko na lang kay Andrei na wag na itong ikwento pa kay Kyle dahil baka lalo lang magkagulo.


“Hindi. Hindi yun galit sayo. Dali na i-drawing mo na lang si Kuya Kyle para matuwa siya.”, tumango lang si Andrei at nagtatakbo na palabas ng kwarto.


Ngayon ko lang naiintindihan kung bakit pilit na tinutulungan ni Kyle si Renz. Kung bakit siya nakokonsensya sa kinahinatnan ng kabigan. Pakiramdam ko kasi ay nasa pareho na kaming sitwasyon ni Kyle. Di ko mapigilang sisihin ang aking sarili sa pagbalik ni Renz sa kanyang mga bisyo. Pati tuloy ang mga bata ay nadadamay sa away namin. Kailangan ko na ata talagang ayusin ang gusot sa pagitan naming dalawa bago pa ito lumala nang todo.


Pero paano ko gagawin iyon eh ayaw nga akong kausapin ni Renz?








Kinagabihan ay pasado alas onse na pero hindi pa din umuuwi si Renz. Mag-isa lang ako sa kwarto at malamang sa nahihimbing na din sila Kyle at ang mga bata. Hindi naman ako makatulog dahil sa dami ng iniisip. Kadalasan namay]n ay hinihintay ko talagang makauwi si Renz. May sarili naman itong susi pero mas gusto kong hinihintay na nasa tabi ko na siyang nakahiga bago ako matulog. Alam kong mukha akong tanga sa aking ginagawa pero hindi ko naman mapigilan ang aking sarili sa gustong gawin ng isip ko. Marahil ay nasanay na din ako.


Alas dose na ng marinig kong bumukas ang pinto sa labas. Mukhang dumating na din si Renz at sa pusta ko ay lasing na naman ito. Inusig na naman ako ng aking konsensya. Maya-maya ay nakarinig ako ng kalabog sa labas, agad naman akong napabangon para tingnan ang lagay ni Renz.


Inabutan ko itong bumabangon mula sa pagkakatumba. Mukhang sagad sa buto na naman ang ginawa niyang pag-inom. Lumapit ako para tulungan siyang bumangon katulad ng lagi kong ginagawa sa tuwing umuuwi siyang gumagapang sa kalasingan. Nang hawakan ko ang kanyang braso ay agad niya akong hinawi palayo. Nagpumilit ako dahil mukhang hindi na niya kaya pa ang tumayo ng mag-isa pero muli niya akong hinawi.


“Hindi mo na kayang tumayo.”, malumanay kong kausap kay Renz para magpatulong na sa akin.


“Kaya ko ‘to. Hindi ko kailangan ng tulong mo.”, hindi ko siya pinakinggan sa halip ay binuhat ko siya na parang bata at dinala sa kwarto. Dahil sa kalasingan ay hindi na din ito nakapalag pa ng aking kargahin papasok.


“Huwag kang tatabi sa akin.”, buong pait nitong sabi sa akin ng maihiga ko na siya sa kama.


May naramdaman naman akong kurot sa dibdib nang margining ang sinabi ni Renz. Hindi na ako nakipag-argumento pa at hinayaan na lamang siya na magpahinga. Kinuha ko lang ang aking unan at lumabas na ng kwarto. Pinasya kong sa sofa na lang matulog. Pero mailap ang antok. Hindi ko magawang matulog. Hindi mawala ang kurot na kanina kong naramdaman sa aking dibdib. Para bang suklam na suklam sa akin si Renz. Damn it!









****Renz****



12:53 pm, Wednesday
Sept 20








2 months later….         






Mahigit tatlong buwan na simula ng tumira ako kela Kyle pero wala naman masyadong pinagbago mula ng tumira ako dito. Alak, sugal, drugs pa din ang laman ng sistema ko. Hindi pa din bumabalik sa akin si Kyle. Wala na uli akong pera.


Naubos ko na ang perang pinagbentahan ng aking kotse na gagamitin ko sana para makapag-negosyo. Naubos ko na iyon kagabi sa sugal at may utang pa nga ako sa aking mga kasama. Shit! Shit na naman ang takbo ng buhay ko. Hindi ko magawang bumangon sa pagkakahiga, wala naman kasi akong mapupuntahan.


Sa wakas ay solo ko na ang aking kwarto. Simula kasi nung sabihan ko si Lui na huwag nang tatabi sa akin ay sa sofa sa sala na ito lagi natutulog. Hinayaan ko na lamang siya sa kanyang trip dahil wala naman akong pakialam na sa kanya. Wala naman pala syang kwentang kaibigan. Napailing na lang ako nang mapagtantong si Lui na naman ang iniisip ko. Para kasi itong pulgas na hindi mawala-wala sa aking utak ng mga nakalipas na araw.


Wala ding sawa ang isang iyon. Ilang beses ko man siyang sungitan, hindi pansinin, barahin ay hindi pa din ito tumitigil sa pangungulit sa akin. Hinihintay pa ata niyang masapak ko siya bago niya ako layuan. Kung dati ay gusto ko ang ugali niya, ngayon ay nasusuya ako sa ginagawa niyang pakikitungo sa akin.


Galit pa din ako sa kanya hanggang ngayon. Akala ko ay kaibigan ko siya, kakampi. Hindi pala. Inuuto nya lang pala ako. Ayaw ko sa lahat ay iyong mayabang na sinungaling. Mula noon ay pinasya kong hindi na lang siya kausapin. Kung ako nga lang ang may-ari ng condo na ito ay matagal ko na itong pinalayas.


Nang makaramdam na ako ng pagkalam ng sikmura ay lumabas na ako ng kwarto. Katulad ng inaasahan ay wala doon si Kyle, marahil ay pumasok na ito sa trabaho. Si Lui naman at ang mga bata ay kumakain na sa lamesa ng kanilang tanghalian. Pinasya kong maupo muna sa harap ng tv.


“Kuyang lasing kain ka na. Medyo mayunong na magluto si Kuya Lui.”, imbita ni Andrei.


“Renz, kain na.”, parang sirang plakang araw-araw na aya sa akin ni Lui pero hindi ko sila pinansin. Hinarap ko ang tv na nasa Nickelodeon channel, sinubukan kong maghanap ng magandang panuorin habang hinihintay na matapos kumain sila Lui. Ayaw ko sila makasabay sa hapag.


“Eeeee, kuya spongebob na! Kanina ko pa yun niaantay.”, sigaw ni Andrei sa akin. Bigla naman nagpantig ang tenga ko at sinagot ang madaldal na bata.


“Kumakain ka di ba?!? Pagkain ang harapin mo!”, bulyaw ko dito na nagpagtahimik sa kanya. Halata namang maiiyak na ito sa aking pagsigaw. Nagpunas ito ng luha gamit ang isang kamay at bumalik sa pagkain.


“Sige na Andrei, tapusin mo na ang pagkain mo. Sa kwarto na lang tayo ni Kuya Kyle manuod ng spongebob pagkatapos mo.”, rinig kong pag-aalo ni Lui sa batang nagpipigil ng hikbi.


Pagkatapos kumain ng tatlo ay dumiretso na ang mga ito sa kwarto nila Kyle. Ako naman ay kumain sa harap ng telebisyon. Halos maghapon akong nakatunganga sa harap ng tv. Nang magdilim na sa labas ay naghanda na ako para gumimik. May kaunti pa akong perang naitatabi na maari kong ipang-inom.  Bahala na sa mga susunod na araw.









****Lui****






09:48 pm, Wednesday
Sept 20







Hanggang ngayon ay iniisip ko pa din ang inasta ni Renz kaninang tanghali. Hindi ako makapaniwala na nagawa niyang sigawan si Andrei ng dahil lang sa palabas sa tv. Sa totoo lang ay hindi ito ang unang beses na nangyari ang ganoon, katunayan ay napapadalas na ang pagiging aburido ni Renz kahit na sa mga bata. Hindi ako nagsasabi kay Kyle dahil umaasa ako na isang araw ay titigil na si Renz sa kanyang ginagawa.


“Hey, how are you?”, tawag ni Kyle sa atensyon ko. Hindi ko namalayan na lumabas pala siya ng kwarto.


“I’m good, why?”, taka kong tanong.


“Look, I’m sorry. It wasn’t my intention to make you a babysitter. I swear.”, wika nito. Ako kasi ang laging naiiwan para mag-alaga sa dalawang bata. Nakalimutan ko na ngang maghanap ng trabaho dahil doon.


“It’s no big deal Kyle. I’ve got nothing to do anyway. And I’m sort of enjoying it now. I feel like I’m ready to be a dad.”, nakangiti kong sagot sa aking kaibigan.


“Thanks. May nabanggit nga pala sa akin si Andrei kanina, nagalit daw sa kanya si Renz?”, concerned na tanong ni Kyle.


“Yeah, about that.”, panimula ko. Kinuwento ko kay Kyle ang nangyari kanina at mga nangyari noon. Iniwan ko na lang yung eksenang nakita ni Andrei ang mga marijuana ni Renz sa kwarto. Ayaw ko naman na mapalayas ni Kyle si Renz. Kita kong parang mga tunay na anak o kapatid na din ang turing ni Kyle sa dalawang bata at kapag nalaman nito na nagdadala ng droga sa bahay si Renz ay hindi itong mangingiming palayasin ang kaibigan.


“I don’t know, what’s going on with him now.”, sumusukong sabi ni Kyle.


“I’m sorry there’s so little I can do to help.”


“No, you’ve done more than enough and I’m really grateful for that.”, masaya niyang sabi sa akin.


“Sure. Kyle, I’ll go out tonight okay? I just wanted to drink and unwind, if that’s okay?”, natawa naman si Kyle sa aking sinabi.


“Umayos ka nga Lui, you sounded like a house boy asking for leave. Pwede ka namang gumimik anytime. Iniisip ko ngang ikuha na talaga ng yaya yung dalawa para hindi na ikaw ang naaabala. Hindi ka tuloy makapaghanap ng trabaho kasi yung dapat na magbabantay sa kanila eh laging lasing.”, napangiti na lang ako sa sinabi ni Kyle.









Dahil malapit lang naman sa condo ni Kyle ang mga gimikan dito sa taguig ay pinili ko na lamang na maglakad. Nakarating ako sa bandang Burgos circle sa hilera ng mga kainan at bar. Hinayaan ko lang ang sarili ko na uminom at panoorin ang kaganapan sa aking paligid. Kahit papaano naman ay na-relax ako. Pasado alas-dos na ako ng madaling araw nagpasyang umuwi. Hindi naman ako lasing kaya naglakad na lang ako uli. Safe naman ang lugar na dadaanan ko at kaya ko naman ipagtanggol ang aking sarili.


Habang naglalakad ay may nakita akong isang kotseng nakaparada sa isang madilim na kanto. Namumukhaan ko ang kotseng iyon, kung hindi ako nagkakamali ay iyon ang dating kotse ni Renz. May dalawang taong nakatayo sa tabi ng kotse habang hawak ng dalawa pang lalaki ang isang lalake na nagpupumiglas. Nakita kong sinikmuraan nung isang lalaking nakatayo lang kanina yung lalaking hawak ng dalawa niyang kasama.


Hindi ko Gawain makiusyoso sa away ng may away pero may nagtulak sa akin na lumapit sa kumpol ng mga taong iyon. Nang may sampung metro na lang layo ko sa grupo ay napansin ako nung lalaking sumuntok sa taong binubugbog nila. Hindi ko naman mamukhaan yung pinagtitripan nila dahil nakayuko ito.


“Go away!”, bulyaw sa akin nung lalaki. Aalis na sana ako nang magtaas ng ulo yung lalaking nasuntok. Nagulat ako na si Renz pala yung kinakawawa nung apat na lalaki.  “I said go away!”, muling sigaw sa akin nung lalaki nang hindi ako umalis sa aking kinatatayuan.


“Easy now, that’s my friend.”, turo ko kay Renz. “Ano bang problema?”, tanong ko sa lalaki. Sinisikap kong daanin sa mabuting usapan ang gulo. Dahil kung makikipagsuntukan ako ay tiyak na dalawa pa kami ni Renz na mabubugbog. Halatang hindi na kaya pang lumaban ni Renz at malalaki din ang katawan nung apat na lalaking bumubugbog sa kanya.


“Itong kaibigan mo ang lakas ng loob na umorder ng ecstasy wala naman pala siyang pambayad.”, maangas na sabi ng kausap ko.


“Magkano ba yung nakuha niya?”,tanong ko.


“Twenty thousand.”, nakangising sabi nung lalaki. Mukhang tinubuan pa nitong lalo ang presyo nung pukinginang droga na yun.


“You said its only three thousand.”, wika ni Renz na putok na pala ang nguso.


“That’s the price of the drug and the trouble.”, sagot naman ng pinagbilhan niya.


“Maybe we can negotiate this?”, pakiusap ko dahil wala akong dalang ganung kalaking halaga.


“I’ll settle for ten thousand pero iuuwi mong bungal tong kaibigan mo.”, naiinis nang sabi nang kausap ko. Shit talaga oh! Nang hindi ako sumagot ay muli nilang sinikmuraan si Renz at kita ko kung paano siya namilipit sa sakit. Mukhang kanina pa siya binubugbog ng mga ito.


“Here, you can have my phone.”, alok ko sa iphone ko bilang pambayad.


“Mukha ba kaming sanglaan? Kung wala kang ibabayad umalis ka na, at wag mong tatangkain magsumbong sa pulis kundi pasasabugin namin ang bungo ng kaibigan mo.”, pagbabanta nito saka ipinakita ang baril na nakaipit sa pantalon nito. Muli namang pinaulanan ng mga kasama nito ng suntok si Renz. Nakita kong dumurugo na ang bibig nito.


“Damn!”, bulong kong mura saka sinimulang hubarin ang relo ko.”Here”, abot ko sa aking relo.


“What do you want me to do with that shit?”, tanong muli ng kausap ko na mukhang sagad na ang pasensya.


“It’s not just a watch, it’s Patek Philippe.”, bigla naman nagningning ang mata ng drug dealer na kausap ko. Nang akmang kukunin na nito ang relo ay bigla ko itong binawi. “ On one condition, never sell him any drugs again.”, wika ko.


“Sure. Deal. “, nakangisi nitong sagot saka kinuha yung relo sa aking kamay. Agad naman silang sumakay ng mga kasama niya sa kanilang kotse. Marahil ay natatakot na magbago pa ang aking isip. Nilapitan ko naman si Renz na nakahandusay sa kalsada.


“Hey!”, tawag ko dito habang tinatapik ang mukha dahil mukhang nawalan ito ng malay.


“Where are the shitheads?”, tanong nito sa akin habang pilit na binubuksan ang magang mata.


“Damn you.”,napamura na lang ako. Gusto ko sana siyang dalin sa ospital pero naisip ko na baka kuhanan ito ng dugo at makitang positive sa drugs kaya minabuti kong iuwi na lamang siya sa condo.





Nang makarating kami sa bahay ay inihiga ko muna si Renz sa sofa para linisin ang sugat nya. Hinubad ko ang suot niyang t-shirt saka pinunasan ang kanyang katawan. Biglang bumilis ang tibok ng aking puso, tila kalian lang mula ng makaramdam ako ng ganito para kay Renz. Hindi ko akalain na matapos ang ilang buwan niyang hindi pagpansin sa akin ay ganito pa din ang aking magiging reaksyon.


Nang masiguro kong maayos at malinis na ang kanyang katawan ay binuhat ko na sya papasok sa kanyang kwarto. Nang maihiga siya ng maayos ay lalabas na sana ako ng magsalita muli si Renz.


“Stay.”, parang aso akong inutusan niya. Ayaw ko man ay kusang nahiga ang aking katawan. Nanatili ako sa ganoong posisyon ng ilang minuto. Para akong tuod na nakahiga sa tabi ni Renz. Akala ko ay tulog na siya pero muli siyang nagsalita.


“You want me to forgive you?”, mahina nitong sabi sa akin.


“Yeah, i-I’m sorry for what I did.”, parang may bara sa aking lalamunan at hindi ako makapagsalita.


“Shhh, dumapa ka na lang.”, bulong nito malapit sa aking tenga. Para naman akong nakuryente sa simpleng bulong niyang iyon. Tila isa akong alipin na sumunod sa kanyang nais. Pinikit ko ang aking mata at hinintay ang susunod na sasabihin ni Renz.


Nakasuot lamang ako ng t-shirt at shorts ng mga sandaling iyon. Maya-maya ay nararamdaman ko na unti-unting ibinababa ni Renz ang short ko. Nabigla ako sa kanyang ginawa at awtomatiko akong napahawak sa kamay niyang naghuhubad sa aking pang-ibaba. Bago ko pa man matanggal ang kamay niya ay biglang dumagan sa akin si Renz.


“Renz!? What are you doing?!?”, alarma kong sabi.


“Wag ka nang gumalaw, tiisin mo na lang. Masasarapan ka din. Gusto mong patawarin kita di ba? Kakausapin na uli kita kapag tapos nito.”, sulsol niya sa akin habang pilit ko siyang inaalis mula sa pagkakadagan sa akin. Mukhang wala pa siya sa tamang pag-iisip at iniimpluwensyahan pa din ng droga ang kanyang pag-iisip. Kahit na lasing at high ay malakas pa din si Renz. Ramdam ko ang pamumutla ko ng tumama sa aking hubad na likuran ang kaselanan ni Renz na parang bakal na sa tigas. Nagsimula na akong mag-panic at lalong nilakasan ang pagtulak kay Renz.


“Renz no!”, pigil kong sabi, ayaw ko na magising sila Kyle at datnan kami sa ganitong ayos.


“I like you.”, bulong nitong muli sa aking tenga habang nakadagan pa rin sa akin. Sinimulan niyang halikan ang puno ng aking tenga pababa sa aking batok papunta sa aking leeg.


Para akong nakulong sa isang malakas na hipnotismo at hindi na ako makawala pa. May isang switch na nabuksan sa kalooban ko na nagpaliyab sa aking damdamin. Paulit-ulit na sinasabi ni Renz ang mga katagang ‘I like you’, mga katagang nagpapahina sa aking depensa. Ang kaninang marahas na pagpalag ay unti-unting humina, ang kaninang takot at kaba ay napalitan ng libog at pagkasabik, ang pagtutol ko ay napalitan ng pagpayag. Pagpayag sa isang larong hindi ko alam ang katapusan, larong malaki ang nakataya, larong hindi ko inakalang lalaruin kasama si Renz.


Nang maramdaman ni Renz na hindi na ako nagpupumiglas ay itinapat na nito ang kanyang sandata sa aking butas, bahagyang dinuraan at walang seremonyang ipinasok bigla. Napakagat na lamang ako sa aking unan nang kumalat ang nakakabulag na sakit sa aking likuran. Kirot. Hapdi. Sakit. Hindi ko alam kung saang direksyong ipapaling ang aking ulo para mawala ang sakit. Hindi pa humuhupa ang sakit buhat sa unang ulos ni Renz ay muli na naman itong umulos ng ubod ng lakas. Panibagong hampas ng sakit na nagpadiin ng kagat ko sa unan.


“I love you Kyle. . . .”, isang sampal ng reyalidad. Isang mas nakabibinging sakit. Bago pa muli maproseso ng aking utak ang mga nangyayari ay nasimula nang mag-urong sulong ng mabilis si Renz habang paulit-ulit na binibigkas ang pangalan ni Kyle.


Hindi ko na iniinda ang sakit ng kanyang pagbayo sa akin dahil mas nangingibabaw ang sakit na nararamdaman ko sa aking dibdib sa tuwing binabanggit niya ang pangalan ni Kyle sa kanyang bawat ulos.


“Oh, Kyle. . .”, muling ungol ni Renz. Tuluyang tumulo ang aking luha. Luha dahil sa sakit at awa sa sarili. Sinubukan kong pumalag muli pero huli na. Gusto kong itigil na ang laro pero talo na ako. Gusto kong bawiin ang puso ko pero hawak na ito ni Renz.


Lumuluha kong tinapos ang aking sinimulan. Tinitiis ang bawat salitang lumalabas sa bibig ni Renz na parang kutsilyong humihiwa sa aking dibdib. Hindi iniinda ang sakit, sinusubukan maging matapang, pilit binibigyan ng kakarampot na dignidad ang sarili. Pero sino bang niloko ko? Isa lang namang ang kinalabasan ko ngayong gabi: pantanggal libog, pampawi ng init, parausan.


Tatlong malalakas na ulos ang pinakawalan ni Renz hanggang sa siya ay makaraos. Napakagat ako sa aking mga labi hanggang sa ito’y dumugo. Nang matapos ay umalis sa pagkakadagan sa akin si Renz at nahiga patalikod sa akin. Naiwan akong nakadapa at nakababa pa din ang short. Ramdam ko ang pinaghalong dugo at dagta ni Renz na umaagos sa aking likuran. Wala sa sarili kong itinaas ang  aking short. Kahit na mahapdi pa ay pilit kong itinayo ang aking sarili para maglinis sa banyo.


Pinahid ko ang aking luha. Walang nang silbi pa ang mga luhang iyon. Hindi na noon maibabalik ang nawala na, hindi ko na mababawi ang nabigay ko na, hindi na noon mababago ang nangyari na. Ika-ika akong pumasok sa banyo. Binuksan ko ang shower at naligo. Ang kaninang alab ng aking damdamin ay nawala na, maging ang mabilis na pintig ng aking puso ay humupa na.


Naalala ko ang gabi na nagtalo kami ni Renz, sinabi ko sa kanya na ang taong nagmamahal gumagawa ng mga bagay o sakripisyo, hindi para sa ikaliligaya ng kanyang sarili kundi para sa ikaliligaya ng taong mahal niya. Sakripisyo bang matatawag ang ginawa ko o katangahan? Ang sakripisyo ba kailangan pa kahit na ikaw lang ang nagmamahal? Hanggang saan ang dapat mong ibigay bago ka maawa sa sarili mo at sabihing tama na?




…to be cont’d…



Author’s note:


Hello! Muli ay gusto ko magpasalamat sa mga mambabasa ng kwentong ito. Thank you din sa palagiang nag-iiwan ng comments at nagpapadala ng message sa akin sa fb/twitter/mail, sobra ko pong naa-appreciate iyon. Malapit na akong maging busy uli sana ay matapos ko na angkwento bago mangyari yon hahaha! Maraming salamat po sa matyagang paghihintay!


You may add/follow me on:


Facebook:           kevinross0321@gmail.com
Twitter:                                @kivenross
Gmail/Google+: crayonross@gmail.com


“People accept the love they think they deserve…”
-Perks of Being a Wallflower, 2012


Happy reading everyone!


----crayon




60 comments:

  1. Bakit biglang nagtwist? Thanks for the update.

    ReplyDelete
  2. Nakakaawa si lui

    ReplyDelete
  3. Wow may update na.

    Kaso habang binabasa k ung chapter nalungkot ako, nakakainis si renz!

    ReplyDelete
  4. sarap sapakin si renz!

    ReplyDelete
  5. mahal cguro ung relong un, bka minana pa nya sa mga ninuno nya.. masakit sa dibdib tong chapter na to mr author

    ReplyDelete
  6. Ang sakit nmn noon para ky lui binigay n niya ang sarili tpos ibng tao pla ung gusto niyang kasama.....sana nmn author matuloi sa love story ni lui at renz


    J_05

    ReplyDelete
  7. Shocks, naiyak ako dito. Grabe si Renz. I have loved Lui's character ever since, reading this made me love him even more. Ang sakit, I mean not literally. Haha Grabe gusto ko na mabasa yung next. I want to know Renz's POV. Hay Lui Lui, I think he deserves more than that. Tsk

    Marvs

    ReplyDelete
  8. Bwisetttt di ako makaget over dito!!!! Bwiset ka Renz, Lui doesn't deserve that.

    Crayon, I tried DM-ing you sa twitter, I don't why but I think it's disabled. Haha Nkakahiya kasi iadd ka sa FB. Anyway, ang galing mo. Yun lang. :-D Marvs

    ReplyDelete
  9. Damn you, renz. I fvkn hate you for doing that to lui. He's nothing but a nice guy to you. I fvkn curse you to the fvkn bone. After that night, ill bet you'll never treat lui the way you promised. Uugghh!!! Such guys.. whew! Pain in the ass!

    -GaMeboy

    ReplyDelete
  10. Douche bag that's what you are renz. Coward!

    ReplyDelete
  11. Umalis k n sa bahay, lui. Please.
    Bakit ang galing mo crayon? Ikaw na yung pinakainaabangan kong author dto. I guess kaya mong mkipagsabayan kay sir mike. Pero magkaiba kyo sumulat. At mas gusto ko ung sayo. :) haha

    GBMe :)))

    ReplyDelete
  12. That guy, Renz is Self-Centered. Selfish, Immature and Bully. Lui needs RESPECT naman! Mr. Kiddo

    ReplyDelete
  13. Kawawa naman si Lui.

    ReplyDelete
  14. salamat sa update mr. crayon... nakaka-inis si renz.. pero sana naman sila nalang talaga ni lui.. mahal naman na ni lui si renz eh...


    arejay kerisawa, Doha Qatar

    ReplyDelete
  15. I kinda followed(and still following) Renz's character since LSI and he's this I hate to love and Lui's has been annoyingly endearing. I found Lui is starting to become that Kyle before the turnaround, but I know it's only a matter of time when Lui becomes that annoyingly endearing Lui again. And man, I feel for Lui big time for what just happened. That was damn painful. And for a first, it may not be romantic at all but it's something Lui and Renz will always remember - for all the good and bad reasons. Yeah I know you'll be busy really soon. But hey, don't you dare leave us all holding our breath. And don't forget your promise of treating me of some beer. Btw, pag pinasok mo si Lui sa call center, alam mo na kung saan. Hahaha! But really, Crayon aka @kivenross, this chapter by far is my favorite of Starfish. Galing mo talaga! Sumabay ka pa sa pagkapanalo ng Maroons ha. Magpa-bonfire ka rin sa ending nito ha. Hahaha! Cheers, my friend! - Kris

    ReplyDelete
  16. Renz, Lui needs RESPECT. He has class act, dignity and he is well educated as well. After he bailed you out from those hoodlums risking his priceless possession, you MISTREATED him. Worse yet you raped him! You need to get to REHAB. Kawawang Lui. - Mr. Anon

    ReplyDelete
  17. Renz, dapat sa yo ay REHAB. Addicted ka nang masyado sa droga.

    ReplyDelete
  18. Hinde dapat tinotolerate na mag stay pa sa bahay ni kyle si renz, baka makasakit pa sya, dalhin na dapat sya sa Rehab center ASAP! - Concerned
    Person

    ReplyDelete
  19. Hey at Anonym 10:56 PM, Sorry, but you need to rephrase and correct your Grammar structure bro, I didn't understand every single word. What is your point? Duh! like what you said 'Annoying' Mr. Corrector

    ReplyDelete
  20. I feel sorry for Lui... I like he's character here, he's that strong guy, mayabang, astigin, pero mabait pla at npakatalino.. And I hated that Renz since this story "Starfish" started.. He's been a jerk, a maniac, a selfish person... sheesh, nkakainis.. kawawa tlga si Lui, great job author.. ;) I like this chapter so far.. Can't wait for the next chap.. sana meron na agad.. hehehhe

    ReplyDelete
  21. Naawa ako kay Lui! Letse! Buwisit na Renz yan oh! ~Ken

    ReplyDelete
  22. Guys, bad news.. Nasira po yung laptop ko, baka di ko agad masundan tong chapter na to... Sabi kasi nung tech baka 2-3 weeks pa daw bago mabalik kasi dadalhin pa daw nila sa manufacturer... :(( so baka hindi muna ako makapagsulat o baka usad pagong ung updates natin... Sorry talaga...


    Kris- about thr beer thing, i think it's d other way around... :))


    Sa mga nagiwan po ng comments maraming salamat sa inyo... Pasensya na medyo mapuputol ang excitement nyo...


    ---- crayon :(

    ReplyDelete
    Replies
    1. OMG!!!!! Pero ok lang maghihintay parin ako ng UD kahit gano ka tagal

      Delete
  23. I feel so sorry for Lui. He sacrificed for nothing. SHAME on you Renz! stop acting like a Bully and a MANIAC! Lui needs some RESPECT. Great story Mr. Crayola. Ooops Mr. Crayon pala, I'm Mr. Marker.

    ReplyDelete
  24. anong nagyari dito ang kuwento na ba ay about kila lui at renze anong nagyari kay kyle at aki...

    ReplyDelete
  25. hoy kyle paalisin mo na iyang si renze sa BAHAY MO PAR MAGKAAYOS NA KAYO NI aKI...NORMAL LANG NA MASAMA ANG GINAWA MO KAI8 MASKI SINO ANG TANUGIN HINDI LANG KAIBIGAN SI RENZW KASI MAHAL KA AT KARIBAL NI aKI ANO ISIPIN MO KUNG ANG KARIBAL AY KLASAMBAHAY NANG TAONG MAHAL MO KATANGAHJAN... KYLE GUMIDING KA HUWAG MONG SIRAIN ANG KUWENTO MO...

    ReplyDelete
  26. How dare you renz mistreated lui! Binaboy mo sya! You need Counseling and rehab. Malala ka na! A Rapist and a Maniac too! You're nothing to Lui.

    ReplyDelete
  27. Kris - sumakit ang ulo ko. Please rephrase your grammar! Wala akong naintindihan. Tagalog na lang sana. :))
    - Vic

    ReplyDelete
  28. Kapal naman ng mukha ni Renz, MANIAC na, Pabigat pa, at VIOLENT pa. Wala na syang ginawang mabuti. He needs JAILTIME baka mapatay pa nya ang mga bata pati rin si Kyle at Lui. Very ABUSIVE na sya. This story is not meant for him, dapat itong sequel na itoy Love story kay Lui. - Vic

    ReplyDelete
  29. Kawawa naman si Lui, inabuso nang Maniac, Drug Addict at Rapist na si Renz. He's a Coward guy! -Yong A.

    ReplyDelete
  30. This chapter reminds of the song, "How To Save a Life" ng The Fray.
    Anyways, I just found out na GoT Junkie ka rin pala Mr. Crayon (stalker-ish, I know). Apir!

    --BOOM

    P.S. The Lannister's sends their regards. Hihihi!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Waaaah!!! Namimiss ko na ang game of thrones!!!! :)) uu Boom medyo adik nga ako sa Got! Valar morghulis! Lol

      --crayon

      Delete
    2. Valar dohaeris!
      It sucks to wait for another year bago mapanood yung next season-- so yeah, I feel you.

      (Napa-nerdy na ng thread na 'to, hahaha!)

      --BOOM

      Delete
  31. ok na kaya laptop ni crayon? miss k na to

    ReplyDelete
  32. ok na kaya laptop ni mr author? sana may kasunod na.. miss k na si lui

    jey

    ReplyDelete
  33. I kept on refreshing my page to see if there's already an update, but Chapter 17 still not posted. I'm still waiting Mr. Author. Kudos to your work. God Speed !


    -Makee

    ReplyDelete
  34. ayos na laptop mo crayon? update na pls

    ReplyDelete
  35. nkakabagot mag antay ng wala........

    ReplyDelete
  36. naayos na po ba laptop mo crayonbox?

    ReplyDelete
  37. Bakit nawala na ang update?

    ReplyDelete
  38. -Mr.Autor 5 times q n p0h nbsa e2..,wla p p0h b ksun0d n2..,pls update kna...,

    ReplyDelete
  39. update na po. eto pa naman inaantay k na story dito..

    ReplyDelete
  40. crayon, ok na laptop mo?

    ReplyDelete
  41. next chapter na po napaganda at nasasabik na ako sa susunod na magaganap. maraming salamat sa may-akda napagaling mo :)

    ReplyDelete
  42. crayon? update na pls.

    ReplyDelete
  43. update na pls mr author

    ReplyDelete
  44. na comatose ata c crayon.....

    ReplyDelete
  45. im really sorry, i really have a lot of things on my plate and im trying so hard to finish at least 1 chapter... so sorry for the long wait please understand thanks... --- crayon

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Mr. Author, just take your time but please don't disappoint me kasi ito na lang talaga ang binabasa ko sa blog nato kasi lahat halos ng magaganda at may sense na kwento hindi na nag-update at sana wag ka magaya sa kanila.

      I am a big fan.

      Thanks a lot!

      seanm1669

      Delete
  46. babalik pa ba si crayon?

    ReplyDelete
  47. Crayon. Update na

    ReplyDelete
  48. miss k na lui.. update na crayon

    ReplyDelete
  49. Hai di naman tinapos ang isang magandang story

    ReplyDelete
  50. Crayon ang storya mo lng talaga ang inaabangan ko dito. Am a big fan of yours. Saludo ako sa talino mo sa pagsulat. Please update soon.

    Thanks!

    ReplyDelete
  51. babalik pa ba si crayon?

    ReplyDelete
  52. Mr.crayon hanggang ngayon nagiintay parin kami sa bagong UD mo....,

    ReplyDelete
  53. HUHU WALA PA RING UPDATE #laslas

    ReplyDelete
  54. kaiyak na itu I thought pa man din na finished work na 'to :(((((

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails