AUTHOR'S NOTE
Pasensya na po sa uber-delay ng update ko..
May reason ako.. hehe.. Pero hindi ko na sasabihin..
BTW, nagpapasalamat po ako ng marami kay Sir Mike at Kuya Ponse (again for this privilige.)
I-se-share ko lang, Ang istoryang ito ay pangalawa na nagawa kong nabasa in public. The other one never mind..
Salamat din sa mga komento at sa nag-comment sa CHAPTER 21. Salamat sa mga sumusunod,
Kay Alfred of T.O na walang sawa na nag-iiwan ng comment niya.
Kay Angel na isa sa reader at commentor na lagi kong hinihintayang comment.. hehe.. Nakasanayan ko na yata na basahin palagi ang comment mo. :)
Kay Bharu na parang naasar yata sa paulit-ulit na pagbanggit ng 'madilim na nakaraan'. lol
Sa mga anonymous din.. Salamat.
At panghuli kay Japs Lane o Japs na bigla akong na-excite sa pag-bi-Bicol! Whaaahhh.. Kababayan ba kita? Taga-Albay po ako to be exact..hehe Taga-saan ka sa Bicol?
At salamat din nang marami sa aking mga RA's.
Kay Kuya Rye Evangelista na lagi ko nang ka-chat tuwing nakabukas ang aking FB..Huwag kang mag-alala, kuya, maaasahan mo ako sa gusto mong mangyari. Kaso matagal pa iyon.. Hintay lang tayo.
Kay Kuya Carlosblue Rose, salamat sa pagdinig sa aking mga demands. Pasensya na rin at medyo naging demanding ako.. Excited na po ako sa gagawin natin! Haha..
At kay Jace Page.. aabangan ko ang update ng story mo.. tsk.. the who ba yon?
At last but not the least..
Thank you kay Faustino Bayonas... ooopsss..bawal pala buuin ang pangalan dahil maarte siya..(joke. peace yow!) hahaha.Nagbibigay siya ng comment niya sa message sa facebook. Salamat sa oras at sa pakikipag-chat sa akin.
Kay Mama Lalie, ang aking ina-inahan through MSOB. Maraming salamat sa magandang feedback.. hehe..
Tapos na. Masyadong mahaba ang A/N ko..
Pahabol, pasensya na ulit sa late update..
Mahirap pala mag-cut ng BS.. Sobra.. Ayoko sanang tanggalin kaso.. *censored*
Heto na po ang Chapter 22
CHAPTER TWENTY-TWO
"HINDI
ba
parang ang bilis?"
Mula
sa kanyang ginagawa ay napatingin si Vin kay Lola Fe. Nasa kwarto sila nito at
kasalukuyang inaayos ang mga damit na dadalhin nito para sa pag-alis bukas ng
hapon. Hindi pa man sila sa sitwasyon na pag-alis nito ay nalulungkot na siya.
Nakwento
niya kay Lola Fe ang plano ni Tito Ric para sa kanilang dalawa ni Joen, at iyon
nga ang kagustuhan nito na ipakasal silang dalawa. Bagay na gusto niyang
mangyari kahit alam niya na marami ang magtataas ng kilay sa gagawin nila.
Well, ganoon naman talaga. You can't please anybody.
Sa
usapin naman na katotohanan tungkol sa kanyang pagkatao ay hindi pa niya iyon
na-o-open up sa mahal niyang abuela. Kagaya nga ng sinabi niya kay Joen ay ayaw
niyang gawin iyon. Sapat na sa kanya na alam na niya ang katotohanan, noon pa.
Hindi nga lang sa mabuting paraan niya nalaman.
"Nabibilisan
nga rin po ako, lola," ang pag-amin niya.
Sa
loob ng isang buwan at kalahati ay maraming bagay ang nabago sa kanya.
Masyadong maiksi iyon para mahulog siya nang husto kay Joen pati sina Nick at
Mack. Maraming nangyari na nagpagulo sa kanyang sistema subalit nagbigay naman
sa kanya ng labis na kasiyahan. At ang kasiyahan na iyon si Joen.
Tama
si Lola Fe. Masyadong mabilis. Bago pa lang sila ni Joen. Kung susumahin ay
wala pa iyong buwan. Mag-iisang linggo pa lang sila ngunit kasal na agad napupunta
ang usapan. Given na noon pang mga bata pa sila ay magkasama na sila ni Joen.
Na parang sila na ang nakatadhana para sa isa't-isa ngunit marami ang pwedeng
mangyari. Nangangamba tuloy siya sa mga posible pang mangyari. His life with
Joen seem so perfect. Tila walang makikitang dumi sa kanilang pagsasama. Ang
relasyon nila ni Joen ay give and take. Open din sila sa isa't-isa. Maliban
lamang sa isang bagay na hindi pa niya masabi dito.
"Pero
apo, alam mo, wala naman `yan sa bilis ng pangyayari. Kung saan kayo masaya ay
doon na kayo. Napapansin ko rin na kahit isang linggo pa lang noon ay may
koneksyon na kayo sa isa't-isa. Ngayon ko lang ito sa `yo sasabihin pero
komportable ako sa batang iyon. Boto ako sa kanya para sa `yo kaya nga nasabi
ko sa kanya ang isang sikreto."
Natigilan
siya sa sinabi nito. Napatingin sa kanya si Lola Fe. Nagkunwari siya na walang
alam. Sorry, Lola Fe kung
nagsisinungaling at naglilihim ako sa `yo. Gusto kong sabihin sa inyo ang totoo
na alam ko na ang lahat ng katotohanan sa pagkatao ko. Pero alam ko kasi na
kapag sinabi ko iyon sa inyo ni mama ay mabubuksan rin ang ginawa sa akin ni papa.
"Ano
po ang sikreto na `yon, lola?"
Nag-iwas
ito ng tingin. "Sasabihin ko `yon kapag kasama na natin ang mama mo. Basta
apo kapag may malaman ka man ay `wag kang magagalit sa amin ng mama mo."
Hindi ako magagalit, lola.
Mauunawaan ko po kayo. Mahal ko kayo at hindi n'yo ko trinato na iba. I felt so
much belongingness in the family. Hindi n'yo sa akin ipinadama ni mama na hindi
n'yo ako tunay na kadugo.
"Sige,
`la, kayo ang bahala. Bakit naman po ako magagalit sa inyo? Pinalaki n'yo kaya
ako na maunawain. Malaki na ako at kahit hindi halata sa akin ay mature na
ako."
Ngumiti
si Lola Fe. "Salamat naman. Mag-iingat ka kapag umalis na ako dito, Vinnezer.
Bago ko makalimutan ay hindi muna matutuloy ang mga kapatid mo at papa mo sa
pagluwas nila. Nakalimutan namin na may mahalagang okasyon pala kaming
dadaluhan."
Of
course, alam niya ang mahalagang okasyon na iyon. Iyon ang death anniversary ng
totoong apo nito. Noon pa ay alam na niya iyon. Ang Kuya Lee pa nga niya ang kasama
niya nang puntahan nila ang puntod ng totoong apo nito.
"Mag-iingat
po ako Lola Fe, saka ibinilin n'yo na po ako kay Joen. Huwag kayong mag-alala,
aalagaan at babantayan ako n'un. Hindi niya ako iiwan."
"Alam
ko `yon. Sinabi rin niya sa akin na hindi ka niya iiwan, na poprotektahan ka
niya."
"Siyanga
pala, nasaan ba ngayon ang nobyo mo?"
"Sa
bahay na po `ata nila." Maiksi niyang sagot. Hindi siya sigurado.
"Himala
at hindi siya pumunta dito ngayon."
"May
gagawin daw po siya," aniya.
Kaninang
umaga ay nagpaalam sa kanya si Joen na may pupuntahan ito kasama si Tito Ric. Hindi
lang niya alam kung saan iyon dahil hindi naman nito sinabi sa kanya. Pinapasama
sana siya nito ngunit hindi siya pumayag dahil gusto niyang masulit ang
pagkakataon na makasama ang Lola Fe niya.
"Bakit
hindi ka sumama? Alam ko na niyaya ka n'un."
"Niyaya
niya nga po ako pero hindi ako pumayag. Gusto ko pong makasama kayo, lola.
Mahigit isang buwan din kayong mawawala sa tabi ko. Siyempre, gusto kong
sulitin ang pagkakataon lalo na at abala rin ako sa trabaho ko."
"Ang
bait mo talaga, apo. Isa ka talagang biyaya sa amin. Mabait ka na may hitsura
pa, kaya naman nagkagusto sa `yo si Joen."
Natawa
na lang siya sa sinabi nito "Masyado niyo pong pinalalaki ang ulo ko. Baka
sumabog na ito. Saan n'yo gustong pumunta, `la?" Pag-iiba niya sa usapan.
"Pupuntahan natin basta afford ng budget ko. Iyong iba, ipapadala ko sa
inyo para kay mama."
"Ikaw
ang bahala kung saan mo akong gusto dalhin. Ikaw naman ang manlilibre."
Iyon
nga ang ginawa nila. Inilibre niya ang lola niya. Nanood sila ng sine at
ibinili niya ito ng damit na napili nito pagkatapos. Nang matapos sa pamimili
ng damit ay nagtungo sila sa isang jewelry store. Ayaw sana niyang magpunta
doon dahil wala naman siyang hilig sa mga alahas pero hindi nagpapigil ang lola
niya. Sinamahan na lang niya ito. Para hindi siya maburyong ay tumingin-tingin
na rin siya. Naagaw ang pansin niya ng isang gold na bracelet na may disenyong angkla.
Habang tinitingnan niya ang bracelet na iyon ay agad na pumasok sa isipan niya
ang mukha ni Joen. Sabay din siyang napatingin sa suot niyang singsing na
nanggaling sa lalaki. Nabasa niya na ang simbolo ng angkla sa bracelet ay taong
tapat. It represents Joen love to him. Siya kasi ay may bagay na hindi pa
nasasabi kay Joen pero loyal, faithful at grounded siya dito.
Lumapit
siya sa lola niya. "`La, sa tingin n'yo po babagay `yon na bracelet kay
Joen?" Tanong niya dito sabay pagturo sa tinutukoy.
"Alin
doon?" Tanong nito saka pumunta.
Sinundan
niya ito at muling itinuro ang bracelet.
"Babagay
`yan sa kanya," anito. "May pera ka pa ba para mabili `yan?" Usisa
nito.
Bigla
siyang nalungkot. May pera pa siya ngunit nakalaan na iyon para sa mama niya.
Hindi naman niya pwedeng gastusin iyon.
Ngumiti
siya. "Wala na po, eh. May pera pa sana ako pero `yong ipapadala ko na sa
inyo. Pag-iipunan ko na lang ito. Bibilhin ko sa susunod na sweldo."
"Ako
na lang ang bibili," prisinta nito.
"`Wag
na lola. Ako po ang bibili niyan gamit ang pera ko."
"Ikaw
ang bahala," anito.
Pagkatapos
nilang tumingin-tingin sa jewelry store ay lumabas na sila. Bago umalis sa
harapan niyon ay tiningnan pa niya ang bracelet. Mabibili rin kita.
HUMIKAB
si
Joen. Pangatlong beses na iyon mula pa kanina. Nasa loob siya ng kotse ng daddy
niya at hinihintay ang pagbalik nito. Nasa loob ito ng restaurant na pag-aari
nila at ginaganap ang pagbisita nito doon buwan-buwan. Isinama siya nito para
daw ma-train na siya pero wala pa iyon sa loob niya. Kaya ang kinalabasan ay sa
loob lang siya ng kotse. Wala siya sa mood na lumabas ng kotse at
makipagpalitan ng ngiti sa mga staff at crew nito.
Niyaya
niya si Vin na sumama sa kanila ng daddy niya kaso ay hindi ito sumama dahil
gusto nito masulit ang panahon na kasama si Lola Fe. Bukas ng hapon ang alis nito
at sila ni Vin ang maghahatid sa matanda sa terminal.
Pupunta
sana siya kanina sa bahay nito nang harangin nga siya ng daddy niya at isama
dito. He found it very boring. Ilang oras ng nasa loob ang daddy niya. Sa
pagkakaalam niya ay bukod sa paglilibot sa restaurant na nasa malapit lang na
area para sa monthly inspection nito ay
may pupuntahan pa silang iba. Pangalawang restaurant na ang napuntahan nila.
Kinuha
niya ang cellphone niya at naglaro ng games doon. Pampalipas oras. Ayaw niyang
istorbohin si Vin sa bonding nito kay Lola Fe. Dapat lang na magkaroon ng
moment ang mga ito dahil naging abala si Vin sa trabaho nito sa restaurant.
Maliban pa doon ay isang buwan rin na hindi nito makikita ang lola nito.
Habang
naglalaro ay napangiti siya ng may maalala. Kung iisipin ay masyadong madali na
naging sila. Their feelings to each other developed so easily. Sa loob ng
mahigit isang buwan ay marami ang nangyari. HIndi siya makapaniwala na ganoon
lang kaiksi para magkagusto sila sa isa't-isa. Well, he don't mind it. It's
just the continuity of their love story. Matagal na silang magkakilala at kahit
na wala pa silang muwang noon ay may kung anong bagay ang nakagapos na sa kanilang
puso para sa isa't-isa. Sa kanila ng pagpapasya kung paano nila pahahabain ang
relasyon nila. Relasyon na wala siyang balak na tapusin.
Ang
relasyon niya kay Vin ay halos perpekto na. Isang linggo pa lang mula ng maging
sila at hindi pa sila nagkakaroon ng malubhang away. They were open to each
other except for the one thing that Vin couldn't tell to him. Alam niya na
naghihintay lang ng tamang tiyempo at pagkakataon si Vin para masabi iyon sa
kanya. Katulad nga ng sinabi niya dito ay hindi niya ito iiwan kahit na ano man
ang sekreto nito na hindi masabi-sabi sa kanya.
Mula
sa kanyang cellphone ay nagtaas siya ng tingin nang bumukas ang pintuan ng
kotse.
"Ang
tagal n'yo naman," bungad niya sa daddy niya. "Kanina pa ako
naghihintay sa inyo."
Sinimangutan
siya nito. "Kasalanan ko ba kung bakit ka naghintay? Imbes na sumama ka sa
`kin para makita mo ang ginagawa ko ay hindi mo ginawa." Umiling-iling ito
saka umupo sa driver seat. "Umayos ka Joen. Lalagay ka na sa tahimik hindi
ka pa nagma-mature. Maawa ka kay Vin kapag naging mag-asawa na kayo."
Napangisi
na lang siya sa sinabi nito. "Alam ko na si Vin ang para sa `kin, dad,
pero matagal pa bago kami lumagay sa tahimik. Mga bata pa kami at bago pa lang
ang relasyon namin. `Wag tayong masyadong nagmamadali. Let's take things
slowly."
Hindi
makapaniwalang tiningnan siya nito. "Ikaw ba `yan Joen? N'ung sinabi ko sa
`yo na gusto kong ipakasal ko kayo ni Vin hindi ka man lang tumutol.
Sumang-ayon ka pa nga at mukhang excited tapos heto ka ngayon. Sinasabi ang mga
ganoon na bagay. Sign of maturity na ba `yan, anak?"
"Siguro,
dad," sagot niya, sabay ngisi. "Ayokong may makita si Vin na dahilan
para layuan niya `ko. I know that I'm not that mature enough. Nakasandal pa ako
sa inyo. In due time I know that I'll be more responsible. `Yong mga pinapagawa
n'yo sa `kin ay magagawa ko rin in the future. Isa lang ang tinitiyak ko sa
inyo: gagawin ko ang mga `yon. Takot ko lang na iwan ako ni Vin. Hindi ko `yon
makakaya."
"Ikaw
na ang dakilang nagmamahal," pagbibiro nito. "Kung gagawin mo rin pala,
bakit hindi pa ngayon? Gawin mo na para makarami ka."
"Sabi
ko nga po, in due time."
"Ikaw
nga ang bahala," sumusukong sabi nito.
"Saan
pa po ba tayo pupunta?"
"Sa
mall. May bibilhin ako," sagot nito saka pinaandar ang kotse.
Pagkarating
nila sa mall ay nakasunod lang si Joen sa daddy niya. Huminto sila sa tapat ng
isang jewelry store. Pumasok doon ang daddy niya. Sinundan niya ito. Dumiretso
ito sa saleslady na nandodoon at may itinanong. Dahil hindi naman siya kasama
sa pag-uusap ay inabala niya ang sarili sa pagtingin ng mga alahas na
naka-display.
Naagaw
ang kanyang atensyon ng isang bracelet. Nilapitan niya iyon at tiningnan.
Nagustuhan niya ang disenyo niyon na angkla. Lumapit siya sa daddy niya na
nagkataon naman na tapos nang makipag-usap sa babae.
"Dad,
may ipapakita ako sa inyo," ani dito at niyaya sa tapat ng naka-display na
bracelet. "Sa tingin n'yo po babagay `yan kay Vin?"
"Ikaw,
ano ba sa tingin mo?" balik-tanong nito.
"Hindi
naman si Vin mahilig magsuot ng mga ganyan," ang sagot niya sa sariling
tanong at sa tanong nito. "Tinatanong kita, dad, tapos sinagot mo rin ako
ng tanong," aniya.
"Hindi
naman pala siya sanay niyan magsuot. Bakit ka bibili?"
"Para
sa monthsary namin."
"Agad-agad?
Isang linggo pa nga lang kayo tapos `yan na agad ang naiisip mo."
"Ganoon
talaga. Kailangan kong isipin ang mga darating na araw."
"Kailangang
isipin. Kaya pala tamad na tamad ka na sundin ako na sumama sa `kin para
ma-train kita."
Sinimangutan
niya ito. "Darating din po ako d'un. Hindi lang ngayon. Ano na dad? Babagay
po ba `yan kay Vin?"
"Ikaw
ang sumagot sa tanong mo."
Napabunot
na lang siya ng isang malalim na paghinga. Daig rin siya ng kakulitan nito. "Babagay
`yan sa kanya."
Lumapit
siya sa saleslady at nagtanong kung magkano iyon.
"Bibilhin
mo na ba ang bracelet?"
"Hindi
pa po."
"Bakit?
May pera ka naman. Sobra-sobra nga ang allowance na ibinibigay ko sa `yo kahit
hindi naman dapat."
Tama
ang daddy niya. Sobra ang allowance niya para mabili niya iyon. "Hindi ko
na muna bibilhin `yan," aniya. "Pag-iipunan ko po."
"Pag-iipunan?
Bakit may trabaho ka ba?"
"Kaya
nga po ibabalik n'yo ko sa restaurant para magkaroon ako ng trabaho. Alam ko na
sasapat ang sweldo ko sa isang buwan na pagtatrabaho para mabili ko ang
bracelet na `yan."
"Sus,
ako pa ang paaandaran mo, Joen. Alam ko na may iba kang motibo para mabalik ka
sa restaurant. gusto mo lang makasama si Vin."
"Natumpak
n'yo," nakangising sagot niya. "Gusto ko na mabili `yan sa
pamamagitan ng paghihirap. Gusto kong sabihin kay Vin na pinagtrabahuan ko `yan
para sa kanya. My labor of love."
Hindi
nagkomento ang daddy niya. Umiling lang ito.
Nagpaalam
siya dito para kausapin ulit ang saleslady. Ipapa-reserve niya ang bracelet.
Mahirap na baka may magka-interes pa doon at maunahan siya. Para makasigurado
ay dalawa pa ang ipina-reserve niya. Maraming pwedeng mangyari sa loob ng isang
buwan.
"Pagkatapos
dito, saan naman tayo?"
"Wala
na. Pwede mo nang puntahan si Vin."
Napangiti
siya. Kinuha niya ang cellphone niya sa kanyang bulsa at tinawagan si Vin. Ayaw
niyang maka-istorbo sa bonding ng mag-lola pero gusto niyang makasigurado kung
saan na ito. Pupuntahan niya.
Agad
namang sinagot ni Vin ang tawag niya.
"Saan
ka?"
"Sa
mall."
"Saan
na mall?"
Sinabi
nito ang pangalan ng mall at kung saan ito.
Napangiti
siya ng malawak.
"Pupuntahan
kita. Nandito rin ako kasama si daddy. Diyan lang kayo ni Lola Fe. Date tayo
kasama si lola."
"Ikaw
ang bahala," sabi ni Vin. Alam niya na nakangiti ito kahit hindi niya
nakikita. "Sige, Vin, see you in a while, `love you."
"`Love
you din," anito saka nawala sa kabilang linya.
Bumaling
siya sa daddy niya sabay balik sa cellphone niya sa bulsa.
"Uuwi
na po ba kayo, dad?"
"Hindi
sasamahan kita. Gusto kong makilala ang lola ni Vin," anito.
"Okay,"
agad na sang-ayon niya.
Sabay
silang naglakad patungo sa kinaroroonan ni Vin at Lola Fe.
AGAD
na
nakita ni Vin ang paparating nasi Joen kasama si Tito Ric. Palinga-linga ang
nobyo niya sa paligid ganundin si Tito Ric. Mula sa kinauupuan niya sa isang
upuan sa food court ng mall ay lumapit siya sa mga ito. Bago niya iyon ginawa
ay nagpaalam muna siya kay Lola Fe.
Napangiti
siya ng makalapit sa mga ito. Ginantihan naman iyon ng isang ngiti ni Joen.
"Tito
Ric" he address. Magmamano siya dito bilang tanda ng paggalang ngunit iniwas
nito ang kamay. Bagay na pinagtakhan niya.
"`Wag
kang magmano sa `kin, nakakatanda," rason nito.
"Matanda
na kaya kayo dad," ani Joen.
"Bata
pa ako. Bahala na kayo dyan at o-order muna ako ng makakain natin," paalam
nito.
Sinundan
na lamang nila ito ng tingin.
"Ang
weird ng daddy ko ano?" Sabi ni Joen sabay akbay sa kanya. Mabilis naman
niyang inalis ang braso nitong nakaakbay sa kanya. "Bakit mo tinanggal?
Don't tell me nahihiya ka sa ibang tao akbay lang naman, ah."
"Hindi
ako nahihiya," aniya. "Naiilang lang ako at hindi sanay na
inaakbayan."
Tumango-tango
ito. "`Buti naman. Akala ko kinakahiya mo `ko." Ang sabi nito saka
hinawakan siya sa kamay. Sa ginawa nitong iyon ay hindi siya nakadama ng
pagkailang kahit na nasa loob sila ng isang pampublikong lugar na maraming tao.
Wala siyang pakialam at sanay siya na hawak nito ang kamay niya tuwing
lumalabas sila.
Pagkarating
nila sa pwesto ni Lola Fe ay agad na nagmano si Joen dito.
"Saan
ka pumunta, Joen?" Usisa ng lola niya.
"Sa
restaurant `la," bibong sagot nito. "By the way po pala, kasama ko
ang daddy ko ngayon. Gusto ka po niyang makilala."
"Ganoon
ba. Gusto ko rin siyang makilala. Saan na ba siya?"
"Tumitingin
sa pagkain na pwedeng kainin," pabirong sagot ni Joen na naging dahilan
para kurutin ito ni Lola Fe.
Natawa
na lang siya.
"`Yan
kasi. Seryosong nag-uusap tapos magbibiro," pang-aasar niya dito.
"Pinagtutulungan
n'yo na naman akong dalawa. Tumahimik ka dyan, Vin kung ayaw mong may gawin
akong bagay na hindi mo magugustuhan." Ang banta nito. Nakikita niya ang
kapilyuhan sa mukha nito.
"Umayos
ka nga. Alam ko kung ano ang nasa isip mo. `Wag kang eskandoloso. Kapag ginawa
mo ang iniisip mo ay iiwan kita dito. Magtabi kayo ni tito at kami ang
magtatabi ng lola."
"Pupunta
muna ako ng banyo," paalam ni Lola Fe.
"Samahan
ko na kayo, `la," prisinta niya.
"`Wag
na. I can manage." Pag-e-english nito. "Mag-usap na lang kayong
dalawa."
"Okay.
Kayo po ang bahala." Sinundan na lamang nila ito ng tingin.
"Lagot
ka sa `kin mamaya sa bahay. May parusa ka mula sa akin, Vinnezer Ilagan."
"As
if natatakot ako." Hindi uurong na sagot niya.
"Hinahamon
mo talaga ako, Vinnie baby."
"Vinnie
baby?"
"`Yon
na ang itatawag `ko sa `yo."
"Ang
panget. Hindi na natin kailangan pa ng endearment, Joen. Tama na ang first name
basis tuwing maglalambingan tayo."
"Kinokontra
mo na naman ako, babe." Nakangising sabi nito.
"Babe?
Yucks! Anong akala mo sa `kin, baboy?"
"Hindi
ka baboy, dear."
"Ngayon
usa naman," palatak niya. "Umayos ka nga."
"Hindi
`yon usa. Gusto mong i-spell ko sa `yo ang dear?"
"No
thanks. Joen, wala na ngang endearment. Tama na na sa unang pangalan kita
tinatawag."
"Sabi
nila kapag may tawagan daw ang dalawang tao na tanging sila lang ang nakakaalam
ay pagpapakita daw ng pagmamahal at pagpapahalaga iyon."
"Alam
ko `yon."
"Alam
mo pala. `Wag ka ng maarte."
Sinimangutan
niya ito.
"Hindi
ako maarte."
"Nagpapa-cute
lang?"
"Hindi
rin ako nagpapa-cute."
"I
love you na nga lang."
Napangiti
siya sabay ang kilig. "I love you din."
Inilapit
ni Joen ang mukha nito sa kanya. At sa mabilis na pagkilos ay hinalikan siya
nito sa pisngi.
"Ituloy
mo lang ang pagpapa-cute sa akin. Natutuwa ako, Lei."
"Kanino
mo nalaman ang totoo kong pangalan?"
"I
have my sources."
"May
sasabihin pala ako sa `yo, Christian."
Ngumiti
ito. "Ano ang sasabihin mo? Ayoko ng 'Christian'. Tawagin mo akong
Johanson o Enrique. Ang mga iyon na ang pangalan ko."
"Alam
mo ba na alam din ni Nick ang totoong pagkatao ko. Sinabi sa kanya ni Kuya Lee.
Tinanong ko siya kung bakit kay Nick sinabi tapos ang sabi niya, kasi daw ay
gusto niya si Nick para sa akin."
Nawala
ang ngiti sa labi nito. "Ayaw sa akin ni Arkin? Dahil ba `yon sa ginawa ng
biological mom ko?"
"Oy,
`wag kang malungkot. Kung hindi ka gusto ni kuya para sa akin ay ipaglalaban
kita. I'll defy him. Pero hindi iyon mangyayari kasi hindi siya tutol sa `yo
para sa akin. Hindi daw siya ang kontrabida sa istorya natin."
"I'm
glad." Huminga ito ng malalim. "Akala ko pa naman ay tutol siya. Mabuti
na lang at hindi. Back to the main topic. Okay lang ba na tawagin kita ng Lei?"
"Hindi.
Vinnezer na ang pangalan ko, remember?"
"Dapat
unique ang tawagan natin."
"Joen!"
Saway niya dito. Hindi talaga ito tumitigil sa pag-iisip ng endearment nila sa
isa't-isa. "Ang kulit mo talaga!"
Tumawa
lang ito. "Buko, mako, babe, dear, bebe, tart, sweetie, sweetheart, mahal
ko, pangga, love, labidabs, bie, pare, pards. Ang dami na palang tawagan ngayon
ng magkakasintahan. Nakakapagod mag-isip ng itatawag ko sa `yo? Joen and Vin."
Pumitik ito sa ere. "Tawagin mo akong Vin at tatawagin kitang En."
"Ang
corny at baduy mo. Tama na sa akin ang tawagin ka sa pangalan mo. Hindi na
mahalaga ang endearment. Ang mahalaga ay ang nararamdaman ko sa `yo."
"Okay,
you win. First name basis na nga lang, Vinnezer ko."
Napailing
na lang siya. "Makulit ka talaga, Joen ko."
Natigil
sila sa pag-uusap ng sabay na bumalik ang lola niya at daddy ni Joen. Nag-uusap
na ang mga ito.
"Close
na kayo?" Usisa ni Joen na ikinatawa niya.
"Hindi
pa ba?" Ganting sabi ng daddy nito. Inilapag nito ang hawak na tray na may
lamang pagkain sa mesa at inalalayan ang lola niya na makaupo.
"Kumain
na muna tayo. Pero bago iyon ay ipakilala n'yo muna kami sa isa't-isa. Wala na
naman kayong mga manners." Ang sabi ni Tito Ric.
Natawa
naman ang lola niya. "Magkakasundo tayo sa panenermon sa mga `yan,
Enrico."
"Wow!
First name basis na agad kayo," pagbibiro ni Joen.
Kinurot
niya ito. "Umayos ka nga. Binibiro mo na lang silang palagi. Lola, si Tito
Ric po ang katabi n'yo, siya ang daddy ni Joen."
"Dad,
si Lola Fe po, lola ni Vin."
Nagkamay
ang mga ito na tila hindi pa nga magkakilala.
Napailing
na lang silang dalawa ni Joen. Ang weird na ng mga tao ngayon.
MASAYANG
natapos ang family date nila. Hindi na sumabay si Joen sa pag-uwi kay Tito Ric.
Sa kanila na ito ni Lola Fe sumabay. Siyempre ay nag-commute lang sila. Bago
umalis si Tito Ric ay nagpaalam si Joen na sa kanila matutulog. Agad namang
sumang-ayon ang una.
Nang makarating sila sa bahay nila
ay agad na dumiretso si Lola Fe sa kwarto nito para magpahinga. Napagod kasi
ito sa mahabang paglalakad at paglilibot sa loob ng mall. Naiwan silang dalawa
ni Joen sa living room.
"Mag-isa
ka na lang dito bukas ng hapon. Anong plano mo, Vin ko?"
"Wala.
Dito ako matutulog mag-isa. Tutal hindi pa naman luluwas sina papa. Ang sabi ko
sa `yo dati, matutulog at titira ako sa bahay n'yo kapag dumating sila. Mahirap
nang iwan ang bahay ngayon, Joen. Marami ang masasamang tao ang nagkalat."
Hindi
ito tumugon. "Bakit ka nakasimangot?"
"Saan
na `yong 'ko' na dapat kasunod ng pangalan ko, Vin ko? Dapat hindi mo `yon kinakalimutan."
"Ang
arte naman nito," ang sabi niya na lalo nitong ikinasimangot. "Wala
ka talagang pakikisama. Sundin mo na lang ako."
"Sige na nga Joen ko." Ngumiti ito. "Kung gusto
mo dito ka na lang matulog palagi. Habang wala pa ang mga kapatid ko. Magpaalam
ka kay Tito Ric."
"That's
a brilliant idea, Vin ko. Malaya
tayong gawin ang gusto natin. Parang titira na tayo bilang mag-asawa."
"Writer
ka ba, Joen ko?"
Kumunot
ang noo nito. "Bakit?"
"Ang lawak kasi ng imagination
mo, eh"
"Ewan
ko sa `yo," sabi nito saka siya kinabig palapit dito at hinalikan nang may
diin pero masuyo sa labi.
As
usual ay gumanti siya sa parehong intensidad. Nang matapos ang halik ay pareho
silang naghahabol ng hininga.
"Kailan
tayo pwedeng mag-make love, Vin ko?"
Hindi siya tumugon. Kunyari ay wala siyang
narinig.
"Oy," untag nito sa kanya. "Oy,
Vin ko, sumagot ka nga. Kailan ba
pwede? Kailan ka magiging handa?"
Pumikit siya at hindi pa rin sumagot.
"Talagang hindi ka sasagot, ah," ani
Joen.
Naramdaman na lang niya ang pag-angat niya.
Iyon pala ay binuhat siya ni Joen. Minulat niya ang mata.
"Anong ginagawa mo?"
"Pupunta tayo sa kwarto mo. Doon ko
gagawin sa `yo ang matagal ko nang gustong gawin." Pilyong sagot
nito.
Natawa na lang siya saka nagpumiglas.
"Hindi pa ako handa. Meron ako ngayon," pagbibiro niya na ikinatawa
nito ng sobra.
"Baliw ka rin. Umayos ka nga. Sobrang
gulo mo."
"Ikaw ang umayos. Masyadong malakas ang
libido mo. Malalang masyado."
"Anong
magagawa ko? Ganoon ang epekto mo sa `kin. Hindi ka na naawa sa `kin palaging
all by myself na lang ako habang ini-imagine na ginagawa na natin `yon."
Natawa
siya. Pinisil niya ang ilong nito saka pinanggigilan. "Ang adik mo talaga.
Nilalapastangan mo ang pagkatao ko sa utak mo."
"Hoy! Hindi kaya. Sinasamba nga kita sa
imagination ko."
"Ibaba mo na ako. Gusto mo tulungan na lang
kita para makaraos ka." Pilyong sabi niya saka itinaas pa ang mga kilay.
"Talaga? Gagawin mo `yon?"
"Oo. Nakakaawa ka na kasi, eh. Ibaba mo
na ako."
Imbes na ibaba siya ay mabilis itong naglakad
papunta sa kwarto nila. Pinabuksan
nito sa kanya ang pinto. Nang mabuksan ay agad itong pumasok at dahan-dahan
siyang inilapag sa kama. Pagkatapos ay bumalik ito sa harapan ng pintuan at
isinara iyon. Para makasigurado ay ini-lock pa nito iyon.
"Game. Let's do it, Vin ko," ang sabi nito saka isa-isang hinubad
ang kasuotan.
Nang matira na lang ang panloob nito ay
dahan-dahan nitong hinubad iyon. Tumambad sa kanya ang pagkalalaki nito na
nagmamalaki. Tila nagsasabing sunggaban mo na ako. Handa na ako para sa `yo.
Napalunok
siya.
"Maghubad ka na rin. Ako na lang ang
maghuhubad sa `yo." Lumapit ito sa kanya.
"Ako na lang," ang sabi niya.
Nang makapaghubad na siya ay agad siyang
niyakap ni Joen at mapusok na hinalikan sa labi. Gumanti siya. Damang-dama niya
ang init ng katawan nito. Tila nakikipag-kompetensya sa init ng katawan niya.
Sa masuyong paraan ay gumalaw ang mga kamay nito. Nauwi iyon sa pang-upo niya...
(***********censored na ang mga
susunod na eksena**********)
KAHIT
napagod
sa ginawa nila ni Joen ay maaga pa rin siyang nagising. Humarap siya kay Joen
na mahimbing pa rin ang pagtulog. Gamit ang hintuturo niya ay pinagapang niya
iyon sa gwapong mukha ng lalaking mahal niya. He trace his face. Nagtagal ang
hintuturo niya sa matangos nitong ilong. Maya-maya ay napangiti siya nang
maalala ang nangyari kagabi. It was the best night ever. Joen was a giving
partner. Hindi ito nagkasya na nagpalabas na ito dahil ginawa nito na paligayahin
din siya. Hindi siya nagsisisi na may namagitan na sa kanila dahil sila naman
na. Nag-aalala lang siya dahil hindi pa niya masabi dito ang totoong dahilan
kung bakit natatakot siya na may mangyari sa kanila noong una.
Gumalaw
si Joen saka iminulat ang mata nito.
"Goodmorning,
Vin ko."
"`Morning
din."
"Maganda pala talaga ang umaga kapag kasama
mo ang taong mahal mo," ang nakangiting sabi nito.
Lumayo
siya dito saka tumayo. Bago niya iyon gawin ay kinuha niya muna ang kumot para
takpan ang kahubdan niya. Bagay na nagbigay kay Joen ng malakas na tawa.
"Bakit
kailangan mo pang gawin `yan? Nakita ko na ang lahat kagabi, Vin ko. Para ka namang babae."
Natigilan
naman siya saka napatingin dito. Inalis naman
nito ang unan na nakatakip sa kaselanan nito.
Napalunok
siya nang muling makita iyon. Ang malandi niyang pagkatao ay nagnanais na naman
na muling maulit ang nangyari sa kanila kagabi. Lihim siyang napailing. Ang
aga-aga ay nadedemonyo ang utak niya dahil sa lalaking ito.
Nang
hilahin ni Joen ang kumot sa kanya ay hinyaan na lang niya ito. Nagmamadali
niyang pinulot ang damit niya na nagkalat sa sahig. Nagmamadali niyang sinuot
ang mga iyon. Pagkatapos ay lumabas siya ng kwarto niya at nagtungo sa kanilang
banyo para maligo.
Iniwanan
niya si Joen na nakahiga habang nakangiting nakatingin lang sa kanya.
Mga
ilang minuto pagkatapos niyang maligo ay bumalik siya sa kwarto nila. Naabutan
niya si Joen na inaayos ang bed cover na nagusot kagabi. Nakasuot na ito ng
boxer shorts.
"Ikaw
naman ang maligo," aniya dito habang pinupunasan ang basa pa niyang buhok.
"Wala
akong damit. Pahihiramin mo ba ako, Vin ko?"
"Siyempre
naman." Ang agad niyang sagot. "Hindi pwedeng hindi kita pahiramin
dahil ma-e-eskandalo ang mga makakakita sa `yo. Akin ka lang kaya."
Nakangisi niyang sabi.
"Ang
possessive. Ipagpatuloy mo lang `yan, magkakasundo tayo."
"Ayoko
nga. Ayokong maging possessive masyado, Joen.." tiningnan siya nito ng
matiim. "..ko."
Napangiti
ito. Napailing naman siya sa inakto nito. Ang akala kasi nito ay hindi niya
sasabihin ang salitang 'ko' na dapat ay lagi daw nilang sasabihin pagkatapos
palagi ng pangalan nila. Iyon na kasi ang tinuturing na endearment nilang
dalawa. Ang pagsasabi ng 'ko' palagi.
"Baka
masakal kita kapag naging possessive ako," ulit niya sa sinabi.
"Kahit na tayo na ay hindi dapat natin limitahan ang isa't-isa sa mga
bagay na gusto nating gawin."
"Hindi
ako masasakal, Vin ko. Pabor nga sa
`kin ang maging possessive ka dahil nakakasigurado ako na ako lang ang sa puso
mo."
"Ewan
ko sa `yo, Joen ko. Basta hindi ako
magiging ganoon sa `yo. Basta lagi mong tatandaan na mahal kita."
"Okay."
Ang sang-ayon nito na maluwang ang pagkakangiti. "By the way, Vin ko. Magtatrabaho na ako ulit sa
restaurant."
"Talaga.
Bakit?"
"Oo.
May bibilhin kasi ako at kailangan kong pag-ipunan."
"Ganoon
ba? That's good. Ano naman ang bibilhin mo?"
"Secret.
Akin lang muna `yon. Sa pagdating ng panahon ay sasabihin ko sa `yo kung ano
`yon."
"Ako
rin may pag-iipunan," ang sabi niya.
"Ano?"
takang tanong nito.
"Secret.
Katulad mo, sasabihin ko sa `yo pagdating ng panahon."
"Gaya-gaya
ka."
"Maligo
ka na. Habang naliligo ka ay magluluto na rin ako ng agahan natin."
"Sige,
sige. Kiss mo muna ako."
"Mamaya
na. Pagkatapos mong maligo."
Sumimangot
ito.
Dahan-dahan
siyang lumapit dito at binigyan ito ng mabilis na halik sa labi.
"Okay
na ba?"
"Gusto
ko `yong torrid."
"Adik.
Maligo ka na."
Nakangiting
sumunod naman ito.
HINDI
maiwasan
ni Vin ang malungkot habang nasa terminal sila ng bus. Isang oras na lang at
aalis na ang bus na sinasakyan ni Lola Fe. Dapat ay hindi na siya makdama ng
ganitong pakiramdam dahil sinanay na niya ang sarili ngunit wala pa rin palang
silbi ang pagsanay na iyon lalo na at sa ganoon ka ng sitwasyon. Parang ang
bigat ng puso niya. Parang konti na lang at bibigay na ang pinipigilan niyang
luha.
Mukhang
napansin naman iyon ni Lola Fe. Nagsalita ito.
"Umayos
ka nga Vin, apo. `Wag kang maarte. Ang hitsura mo parang iiyak ka na sa anumang
oras."
"`La,
hindi ko mapigilan, eh," ang sgaot niya sabay pamumuo ng luha sa sulok ng
mata niya.
"Sus,
ikaw talaga. Masanay ka na na wala ako sa tabi mo kasi pagdating ng panahon ay
talagang mawawala naman na ako. Lahat tayo ay mawawala."
Bahagya
siyang kinilabutan sa sinabi ng lola niya. "Ano ka po ba `la? Kung magsalita
naman kayo parang mawawala kayo sa `kin ng matagal."
"Ikaw
nga ang maka-arte ng ganoon, tapos ako ang sasabihan mo. Isang buwan lang ako
sa probinsya. Kung wala ka ngang trabaho ay pwede kang sumama sa `kin. Mag-iingat
ka na lang dito, ah. Kumain ka ng mabuti. Nasaan na ba si Joen? Kakausapin ko
rin ang batang `yon. Kapag may ginawa sa `yo na hindi maganda si Joen ay
sabihin mo sa `kin."
Napangiti
siya kahit nalulungkot. "Opo. Isusumbong ko siya sa inyo. Ikumusta na lang
po ninyo ako kina mama at sa mga kapatid ko."
"Oo.
Hayaan mo at gagawin ko `yon."
Nang
bumalik si Joen ay nagpaalam siya sa mga ito na tutungo siya sa banyo. Agad
siyang pumasok sa isang cubicle. Eksakto naman na tumulo ang luha niya. Hindi
niya mapigilan ang malungkot at maiyak sa pag-alis ng lola niya. Hindi na siya
sanay na malayo dito. Hinayaan niya ang sarili na mag-senti. Iiyak muna siya.
"BAKIT
ganoon
po ang mukha ni Vin, Lola Fe?"
Ang
usisa ni Joen kay Lola Fe nang mapansin niya na parang iiyak si Vin anumang
oras. Eksaktong pagkarating niya kasi ay saka naman ito nagpaalam na pupunta ng
banyo. Umalis kasi siya para bumili ng pagkain ni Lola Fe. Hindi naman nito
iyon ni-request pero gusto niya na bigyan ito. Isa si Lola Fe sa malaking
bahagi ng pag-iibigan nila ni Vin. Kahit na sa bahay kasi siya nito ay hindi siya
nito pinagbawalan na gawin ang mga bagay sa pagitan nila ni Vin. Nagsilbi pa nga
itong tulay para makapag-usap sila ni Vin nang panahon na hindi sila
magpansinan nito dahil sa paghalik niya sa mahal niya.
"Nagda-drama
ang apo ko. Tiyak ko na iiyak `yon sa banyo." Kampanteng sabi nito.
"Kailangan
ko po siyang puntahan. Dapat sa tabi niya ako." Aalis na sana siya nang
pigilan siya ni Lola Fe. "Bakit `la?"
"Hayaan
mo na muna siya. Ganoon talaga `yon kapag may umaalis sa kapamilya, laging
nalulungkot na parang hindi na makikita. Sanay na ako kay Vin."
"Gusto
ko siyang puntahan."
"`Wag
kang makulit. Kakausapin kita kaya dito ka lang."
Muli
siyang naupo.
"Katulad
ng sinabi ko sa `yo ay alagaan mo ang apo ko, Joen. `Wag mo siyang pababayaan.
Oras na malaman ko na sinaktan mo si Vin ay malalagot ka sa akin."
"Alam
n'yo naman po na hindi ko siya sasaktan."
"Naninigurado
lang ako. Mahirap na at baka saktan mo siya. `Yong sinabi ko naman sa `yo na
sikreto ay gusto kong manatiling sikreto. `Wag mong sasabihin sa kanya."
Gusto
niya sanang sabihin dito na alam na ni Vin ang totoo ngunit nagpigil siya. Hindi
niya dapat pangunahan si Vin at Lola Fe.
"Lola,
makakaasa po kayo."
"Salamat
naman kung ganoon. Sige, puntahan mo na si Vin. Ang drama talaga ng batang
`yon."
Nagpaalam
siya dito at sinundan nga si Vin sa comfort room. Naabutan niya ito na
nakaharap sa salamin at naghihilamos. Pilit man nitong itinatago iyon sa
paghihilamos ay hindi naman nawawala. Halatang-halata na umiyak nga ito dahil
sa pula ng ilong nito at mata.
"Tama
nga si Lola Fe, nag-drama ka."
"Joen,"
gulat na sabi nito.
"Hindi
ko maiwasan, eh," ang sabi nito sabay kuha ng panyo sa bulsa nito.
"Hindi na ako sanay na malayo sa akin si lola," pagpapaliwanag nito.
"`Wag
kang mag-alala. Nandito ako, hindi ka mag-iisa."
Ngumiti
ito. "Alam ko `yon. Alam ko na hindi mo ako iiwan."
Lumapit
siya dito at niyakap ito. Tamang-tama na walang ibang tao doon.
"Kapag
nalulungkot ka, lagi mong tatandaan na nasa tabi mo ako."
Kumalas
siya sa pagkakayakap dito ng may pumasok. Nagkatinginan sila ni Vin sa salamin saka
nginitian ang isa't-isa. Pagkatapos ay sabay silang lumabas ng comfort room.
NANG
umalis
na ang bus na sinasakyan ni Lola Fe ay hindi pa rin maiwasan ni Vin ang maiyak.
Hindi pa man nagtatagal ang pag-alis ng lola niya ay na-mi-miss na niya ito
kaagad. Hinayaan niyang tumulo ang luha niya. Nang mapansin na nakatingin sa
kanya si Joen ay agad niya iyong pinunas.
"Iyakin
ka pala. Ang dami pa pala ng bagay na dapat kong alamin sa `yo, Vin ko. `Wag ka ng umiyak. Katulad nga ng
sinabi ko sa CR ay nandito ako. Hindi ka nag-iisa. Tara, alis na tayo."
Ang sabi nito saka hinawakan ang kamay niya.
Nagtungo
sila sa nakaparada nitong kotse. Sumakay sila doon.
"Ma-mi-miss
ko si lola, Joen ko. Hindi talaga ako
sanay na wala na siya sa tabi ko," aniya saka umiyak.
"Hay
naku!" Tila nakukunsuming sabi nito. "Lumapit ka nga dito sa `kin."
Ginawa
niya ang sinabi nito. Umisod siya palapit dito. Nang makalapit na siya ay
niyakap siya nito ng mahigpit. "Ang iyakin mo talaga. `Wag ka ng umiyak.
Ano ba ang gusto mo? Bibilhin ko para matigil ka sa pag-iyak." Ang sabi
nito. Tila tinuturing siya na isang bata.
Kumalas
siya sa pagkakayakap nito.
"Tinatrato
mo naman akong bata, eh," nayayamot na sabi niya sabay punas sa luha niya
na naglandas sa kanyang pisngi.
Ngumiti
ito. "Hindi ko alam kung paano ka kasi mapapatahan."
"Bigyan
mo lang ako ng moment. Mga kalahating oras para matigil ako sa pag-iyak."
"Ikaw
ang bahala. Ang weird mo."
"Nahiya
naman ako sa `yo."
Nagulat
na lang siya ng tumawa ito.
"Bakit
ka tumatawa?"
"Dahil
nakakatawa ka. `Wag ka na mag-emote kasi nawawala ang cuteness mo."
"Baliw
ka. Ang pagiging cute ko, hindi `yon mawawala."
"Ganoon
ba. Katulad ba ng kagwapuhan ko `yon?" Ang tanong nito saka itinaas-taas
pa ang kilay.
Natawa
na lang siya sa pinagagawa nito. Ang bigat ng pakiramdam na nararamdaman niya
kanina ay naglahong bula dahil sa effort ni Joen. Inilapit niya ang mukha dito
saka ito hinalikan sa pisngi.
"Salamat
Joen ko. Okay na ako dahil sa
`yo."
Lumuwang
ang pagkakangiti nito. "Natutuwa ako na marinig `yan. Saan mo gusto
pumunta? Uuwi na ba tayo o mag-de-date pa?" Tanong nito saka pinaandar ang
kotse.
"Ikaw
ang bahala. Ikaw naman ang manlilibre. Kahit saan ay okay lang sa akin, basta
ikaw ang kasama ko."
"Uwi
na lang tayo sa inyo saka magpa-deliver. O kaya naman ay mag-drive thru. Okay
lang ba `yon sa `yo?"
"Okay
lang. Ikaw ang boss dahil ikaw ang may pera." Pagbibiro niya.
"Pa-deliver
na lang tayo. Uwi na tayo kasi gusto kitang masolo." Bumaling ito sa kanya
saka pilyong ngumiti. "If you know what I mean."
"Tingnan
mo ang dinaraanan natin. Baka sa pagiging manyak mo tayo madisgrasya. Umayos
ka." Natatawa niyang sabi.
Sinunod
naman nito ang sinabi niya. Nag-focus si Joen sa pagmamaneho. Nagsawa naman
siyang tingnan ang side view profile nito. Ang tangos pala talaga ng ilong ng
lalaking ito. Ang haba din ng pilik-mata.
"Naiilang
ako sa ginagawa mo. Kinikilabutan ako sa kilig, Vin ko."
"Akalain
mo `yon, naiilang ka pala kapag tinitingnan."
"Sa
`yo lang naman," parang batang sabi nito.
Nagkulitan
lang sila ng nagkulitan habang pauwi sa bahay niya. Nang makarating sila doon
ay agad na tinawagan nito ang malapit na fastfood chain para magpa-deliver ng
pagkain.
Habang
naghihintay sila sa pagdating ng pagkain ay nanood lang sila ng pelikula sa
telebisyon. Walang nangyari. Nagkasya lang sila ni Joen na magkatabi. Nakaakbay
ito sa kanya at nakahilig naman ang kanyang ulo sa dibdib nito.
Wala
na siyang masasabi pa.
Nang
dumating ang pina-deliver nilang pagkain ay si Joen lang ang gumalaw.
Tutulungan niya sana ito pero nagmatigas ito na ito ang gagawa ng lahat. Hinayaan
na lamang niya si Joen.
Pagkatapos
nilang kumain ay ito rin ang gumawa ng lahat. Inasikaso niya ang sarili habang
abala si Joen sa pagliligpit ng pinagkainan nila. Nang magsawa sila sa pinapanood
ay dumiretso na sila sa kwarto niya. At doon naulit ang isang mainit na tagpo
sa pagitan nila.
HINDI
na
ginising ni Joen si Vin. Maaga siyang nagising para umuwi sa kanilang bahay.
Hindi na siya nag-abalang istorbohin ang mahimbing na pagtulog ng partner niya
dahil alam niya na napagod ito sa ginawa nila kagabi. Nagkasya siya na
pagmasdan ang mukha nito. Maya-maya ay napangiti siya at binigyan ito ng isang
masuyong halik sa noo saka sa labi. Pagkatapos niyon ay tumayo na siya mula sa
kanilang higaan at nagbihis para maghanda sa kanyang pag-alis. Ngunit bago niya
iyon gawin ay ipagluluto niya muna si Vin. Bagay na hindi niya alam gawin
ngunit nang makilala niya ito ay natuto siyang alamin. Katulad nito ay hanggang
pagpi-prito at paglalaga lang ang alam niyang luto. Para dito ay mag-aaral siya
na magluto. Kung kinakailangan ay magpapaturo siya kay Nick ngunit alam niya na
malabo iyon dahil abala ang pinsan niya sa ginagawa nito.
Nang
makapagluto siya ay agad niyang inayos iyon at tinakpan sa mesa. Kumuha siya ng
isang papel at doon nagsulat para mag-iwan ng mensahe kay Vin. Para
makasigurado ay nag-text na rin siya dito para magpaalam. Sinigurado niyang
naisarado niya ang pintuan ng gate bago siya sumakay sa kanyang kotse.
Pinaandar
niya ang kanyang sasakyan at may ngiti sa labi habang inaalala ang nangyari sa
kanila kagabi. Wala na siyang hahanapin pa kay Vin. Iyon ang sigurado niya.
Alam niya na pareho sila nitong baguhan sa ganitong relasyon. Wala silang
problema at hindi kailanman na magkakaroon. Nakakatiyak siya doon.
Sa
kanilang relasyon ay pareho silang nagbibigay. Open sila sa isa't-isa maliban
sa isang bagay, isang sikreto na hindi pa magawang sabihin sa kanya ng partner
niya. Ano man iyon ay tatanggapin niya. Lagi siyang handa na makinig dito
katulad ng ginagawa nito sa kanya.
Nang
makarating siya sa kanilang bahay ay agad niyang pinuntahan ang daddy niya. Sa
natanggap niyang text message dito kagabi ay gusto siya nitong makausap. Kung
para saan ay hind niya alam. Kukunin na rin niyang pagkakataon iyon para
makapag-usap sila ng mabuti sa pabor na hinihingi niya dito at iyon nga ay ang
muli niyang pagtatrabaho sa restaurant kasama si Vin.
"Dad,"
ang sabi niya para makuha ang atensyon nito mula sa binabasa nito.
Nag-angat
naman ito ng tingin.
"Mabuti
at nandito ka na. Kailangan kitang makausap."
"Para
saan po?"
"Tungkol
sa muli mong pagtatrabaho sa restaurant natin."
"Ano
po ang tungkol doon? Tamang-tama at iyon din po ang gusto kong sabihin sa inyo.
Aprub na po ba ang muli kong pagtatrabaho sa restaurant?" Excited niyang tanong.
"Aprub
na nga iyon," ang sabi nito.
Napangiti
siya nang malawak ngunit agad din iyong nabura sa sunod nitong sinabi.
"Oo.
Magtatrabaho ka sa restaurant natin pero hindi sa branch kung saan nagtatrabaho
si Vin. Wala ng space doon kaya nag-decide ako na sa ibang branch ka na lang
magtrabaho."
"Ayoko."
"Anong
ayaw mo? Hindi ba sabi mo kailangan mo ng trabaho para mabili mo `yong bracelet
na ibibigay mo para kay Vin."
"`Yong
allowance ko na lang ang ibibili ko. Alam n'yo naman po na bukod sa pagtatrabaho
ko para mabili iyon ay gusto ko rin na makasama si Vin. Kaya kung ganoon lang
ang mangyayari ay hindi na lang ako magtatrabaho. Mawawalan ako ng oras kay Vin
kung sa ibang branch ako magtatrabaho."
Umiling-iling
ito.
"Hindi
na kita bibigyan ng allowance. Na-realize ko na kailangan mo ng kumilos sa
sarili mong paa, Joen. Kung gusto mo si Vin na makasama hanggang sa tumanda
kayo ay dapat lang naman na buhayin mo ang sarili mo at siya sa paraan mo.
Hindi ka na bumabata. Kukunin ko na rin na pagkakataon ang pagtatrabaho mo sa restaurant
para ma-train kita." Magsasalita sana siya ng muli itong magsalita. "Sa
ayaw at sa gusto mo ay magtatrabaho ka doon."
Bumuntung-hininga
siya. Kahit na tumanggi siya ay wala naman siyang magagawa kaya papayag na lang
siya.
"Kahit ayoko, wala naman na
akong magagawa. Kailangan kong sundin ang gusto niyo dahil alam ko na sa
ikabubuti ko rin iyon. Isa pa, dapat mabili ko ang bracelet na iyon para sa
monthsary namin ni Vin. Kakausapin ko na lang siya. Nangangamba ako na baka sa
pagtatrabaho ko sa ibang branch ng restaurant ay mawalan kami ng oras sa
isa't-isa."
"Bakit
kailangan mong isipin na mawawalan kayo ng oras sa isa't-isa sa pagtatrabaho
mo? Habang nagmamahalan kayo ay hindi kayo mawawalan ng oras sa isa't-isa. Love
will always find a way to each other." Makahulugan na sabi nito.
Tumango
na lang siya. Pagkatapos nilang mag-usap ay dumiretso na siya sa kwarto niya.
Naligo siya at naghanda para magtungo ulit sa bahay ni Vin. Kailangan niyang
kausapin ito. Susulitin na rin niya ang araw na ito para makasama niya si Vin
ng matagal. Dahil alam niya na simula bukas ay magiging abala na siya sa
trabaho niya pati ito.
ISANG
maluwang
na ngiti ang pinakawalan ni Vin ng mabasa ang text message na galing kay Joen.
Mas lalo pang lumuwang iyon ng makita niya ang nakahandang pagkain sa mesa na
alam niyang ginawa ni Joen para sa kanya. Alam niya na hindi na siya nito
inabala pang gisingin dahil alam nitong napuyat siya kagabi sa ginawa nila. Kagabi,
ay muling may nangyari sa kanila ngunit katulad ng naunang nangyari ay walang
pasukan ang nangyari sa pagitan nila. Nagpapasalamat siya dahil hindi
nagpumilit si Joen na gawin iyon. Ganunpaman, alam niya na naibigay nila sa
isa't-isa ang satisfaction na nais nilang mangyari.
Umupo
siya sa upuan at nagsimulang kainin ang breakfast na hinanda ni Joen. Habang
kumakain siya ay hindi mawala-wala ang ngiti sa kanyang labi. Ang swerte niya
na nagkaroon siya ng isang karelasyon na katulad ni Joen. Wala na siyang
hahanapin pa dito.
Ang
pangamba lang niya ay baka sa halos na perpektong relasyon nila ay baka isang
araw ay mawala na lang iyon. Natatakot siya na mangyari iyon.
Nawala
ang ngiti sa labi niya. Napabuntung-hininga siya.
Umaandar
na naman ang pagiging negative niya. Dapat ay hindi sya mag-isip ng ganoon
dahil magkakaproblema sila nito. Kailangan niyang maging positibo sa mga
bagay-bagay. Kailangan niyang magtiwala kay Joen. Kailangan niyang magtiwala sa
pagmamahalan nilang dalawa.
Nang
matapos siya sa pagkain ay hinugasan na niya iyon. Tutal ay wala naman siyang
gagawin sa raw na iyon dahil wala naman siyang pasok ay nagkasya na lang siya
sa pag-aayos at paglilinis ng bahay nila. Nasa kalagitnaan na siya ng
paglilinis ng kanilang sala nang marinig niya ang ugong ng motorsiklo na
huminto sa tapat ng bahay nila. Kahit hindi siya lumabas ay alam niya na si Joen
iyon. Hindi na siya nag-abala pa na lumabas. Narinig niya ang pagbukas ng front
door nila at mga yabag. Inihanda niya ang isang matamis na ngiti ng pumasok si
Joen sa living room nila.
"Kumusta?
Bakit ang aga mong bumalik?"
"Na-miss
kasi kita kaagad," ang nakangiting sabi nito.
"Bolero.
Wala ka lang sigurong magawa sa bahay niyo kaya ganoon."
"May
tama ka doon pero na-miss talaga kita. Gusto rin kitang makausap."
"Huh?
Para saan?"
"`Di
ba sinabi ko sa `yo na papasok na ulit ako sa restaurant."
Tumango
siya. "Ano ang tungkol dun ngayon?"
"Magtatrabaho
nga ako ulit doon kaso sa ibang branch."
Bigla
siyang nalungkot sa sinabi nito pero hindi na iyon ipinahalata.
"Ganoon ba. Oo, hindi ka na
pwede dun sa branch namin dahil wala ng bakante. Noong isang araw lang dumating
`yung bago."
"Okay
lang ba sa `yo `yon?"
"Oo
naman," mabilis na sagot niya saka nag-iwas ng tingin. "Walang kaso
`yon sa `kin. Ano pala ang bibilhin mo ng sweldo mo?" Pag-iiba niya sa
usapan.
"Isang
sekreto `yon," paiwas nitong sabi.
"Mukhang
malalim na sekreto talaga `yan, ah. Malalaman ko rin kung ano ang pag-iipunan
mo." Ang pabirong sabi niya.
Gusto
niya na gumaan ang pakiramdam niya sa paraan ng pagbibiro. Alam niya kasi na
kahit hindi si Joen mag-usisa ay alam nito na hindi okay sa kanya ang
pagkakalayo nila dahil sa tarabaho kahit na nasa vicinity lang iyon ng siyudad.
Hindi na kasi siya sanay na hindi ito kasama. Sobra na siyang nasanay na
palaging kasama ito. Pero ano ba ang magagawa niya? Bilang may-ari ng
restaurant ay si Tito Ric ang nagdedesisyon.
"`Wag
kang mag-alala Vin ko, kahit na sa
ibang branch ako ay lagi pa rin tayong magkikita. Susunduin at ihahatid kita
palagi."
"Hindi
mo na kailangan pang gawin `yon," agad niyang sabi.
Nagulat
naman ito sa pagtanggi niya.
"Bakit?"
"Mahihirapan
ka lang Joen, ma-le-late ka kung palagi mong gagawin `yon. Tandaan mo na
magkaiba tayo ng way. Gagahulin ka ng oras kung susunduin mo ko tuwing umaga.
Imbes na didiretso ka na ay aatras ka pa, kaya huwag na."
"Ikaw
ang bahala," agad na sang-ayon nito. Nakita niya ang pagtutol sa mukha
nito pero sumang-ayon na lang.
"Ikaw
lang naman ang iniisip ko, Joen ko.
May pinag-iipunan ka kaya dapat ay palagi kang maaga at `wag ma-late dahil
kaltas pa `yon sa sweldo."
"I'll
understand. Habang naglilinis ka ay magluluto na rin ako ng pagkain
natin."
"Marunong
ka ng magluto?"
"Nagpaturo
ako kay Aling Mercy bago umalis. Para makasigurado ay hiningi ko na rin `yong
recipe," anito sabay pakita sa kanya ng kodigo nito.
Napangiti
na lang siya. Lumapit ito sa kanya at niyakap siya. "`Wag kang malungkot
na hindi tayo magkakasama palagi. You'll be in my heart."
Hindi
siya tumugon. Kumalas ito sa pagyakap sa kanya saka siya iniwanan.
Nang
hindi na niya ito makita ay napaupo siya sa sofa. Bukod sa lungkot na nadarama
niya ay may pangamba rin sa puso niya. Kung para saan ang pangambang iyon, iyon
ang hindi niya alam.
MAGKAHARAP
si
Vin at Joen habang magana silang kumakain ng pagkain na niluto ni Joen. Sarap
na sarap siya sa putaheng niluto nito. Hindi na nga niya ito kinakausap dahil
sa sunod-sunod niyang pagsubo.
"Vin
ko, hinay-hinay lang. Alam kong na-appreciate
mo ang niluto ko pero `wag naman halata." Ang nang-aasar na saway ni Joen
sa kanya.
Nilunok
niya muna ang kinakain bago magsalita. "Ang sarap kasi. Idagdag pa na
paborito ko `tong niluto mo. Sigurado ka bang first time mong magluto?"
Tumango
ito. "Oo. First time. Katulad mo ay pagsasaing, paglalaga at pagpiprito
lang alam ko. Pero ngayon na makakasama, kita kailangan matuto na akong
magluto."
Napangiti
siya. "Hayaano mo, Joen ko.
Sabay tayong matutong magluto. Magpapaturo rin ako kay Aling Mercy o kaya kay lola
`pag nakabalik siya. Ano ba ang gusto mong ulam? Pag-aaralan ko `yon."
"Chicken curry, caldereta,
menudo."
"Ang
dami naman. pero okay lang, para sa `yo ay pag-aaralan ko `yon."
"Ang
sweet mo."
"Sweet
ka rin kasi kaya ganoon."
Hinawakan
nito ang kamay niya na nakapatong sa mesa. Mahina nitong pinisil iyon. "Saan
mo gustong pumunta pagkatapos nating kumain?"
"Lalabas
tayo? `Wag na lang. Dito na lang tayo sa bahay. Sayang ang pera mo. `Wag ka
nang gagastos. Tandaan mo na may pinag-iipunan ka."
"May
pinag-iipunan nga ako, para sa `yo `yon."
Nagulat
siya sa sinabi nito."Para sa akin?"
"Yeah.
Pero sikreto at surprise `yon. Ibibigay ko `yon sa `yo sa monthsary
natin."
"May
pinag-iipunan rin ako," aniya, sabay ngisi. "Ibibigay ko rin sa
monthsary natin."
"Talaga?"
"Oo."
Pagkatapos
nilang kumain ni Joen ay magkatulong nilang hinugasan ang kinainan nila. Siya
sana ang gagawa niyon na mag-isa, ang kaso ay mapilit ang lalaki kaya para
huwag na itong mamilit pa ay sila na lang ang gumawa.
Ngayon
ay nakaupo siya sa sofa habang nakahiga si Joen doon at nakaunan sa hita niya
ang ulo nito. Pinagsawa niya ang sarili na pagmasdan ang mukha nito. Nang hindi
magkasya sa pagtingin ay ibinaba niya ang mukha at binigyan ito ng halik sa
labi na ikinangiti nito kahit na nakapikit.
"Isa
pa nga," ang sabi nito.
Ginawa
naman niya ang sinabi nito. Muli niya itong hinalikan sa labi. Sa pagkakataong
iyon ay mas matagal. Pinalalim niya ang halik na ginantihan naman ni Joen nang
buong pagsuyo. Naglayo lamang sila nang pareho na silang kapusin sa hangin.
Umupo
si Joen at nakangiting nakatingin sa kanya. Niyakap siya nito.
"Sulitin
na natin ang araw na ito, Vin ko, labas
tayo." Akmang tututol siya nang unahan siya nito magsalita. "`Wag
kang mag-alala. HIndi ako gagastos ng masyado. Gusto ko lang talaga na makasama
ka sa paglabas ngayon. Ayaw mo naman na sunduon kita palagi kaya dito na ako
babawi." May lungkot na sabi nito.
Nawalan
siya ng sasabihin. "Joen.."
"Vin,
pwede bang pagbigyan mo ako ngayon. Alam mo naman na mami-miss kita. Alam kong
nagiging OA ako. Pareho lang tayong nasa malapit pero pakiramdam ko parang
magkakalayo tayo ng matagal."
Natumbok
nito ang nararamdaman niya kanina. Natukoy ang pangamba na bumangon sa dibdib
niya. Kung ganoon ay pareho lang sila nito ng nararamdaman. Ang pakiramdam na
kahit nasa malapit lang ay parang magkakalayo sila ng matagal. Masyado silang
nasanay sa presensiya ng isa't-isa simula ng maging sila. Ang pagiging inseperable
nila ay parang ayaw nilang matapos.
Bumuntung-hininga
siya. "Pareho lang tayo ng nararamdaman, Joen. Kahit ako pakiramdam ko na
lalayo tayo sa isa't-isa ng matagal. Ayoko rin na mangyari `yon. Pero kailangan
nating sanayin ang isa't-isa at magkasya sa text at tawag kahit na nasa malapit
lang tayo. Hindi natin dapat idepende ang buhay natin na palagi tayong
magkasama. Paano kung may mangyari sa isa sa `tin na hindi maganda. Ano ang
mangyayari sa `tin?"
Hindi
ito nakapagsalita.
Dumaan
ang sandaling katahimikan.
"Joen.."
"Bakit
ganyan ka mag-isip Vin? Bakit kailangan mong pangunahan ang mga bagay na
mangyayari. Walang mangyayari sa isa sa `tin. Kung meron man ay hindi ngayon
dahil tatanda tayo na magkasama. Iyon na ang nakatanim sa puso at utak ko.
Tatanda ako na kasama ka." Ang sabi nito na pinagdiinan ang limang huling
salita.
"Joen,
ganoon din naman ako. Gusto kong tumanda na kasama ka pero.."
"May
pag-aalinlangan ka na ako ang makakasama mo pagdating ng panahon?" Ang
sabi nito, patanong. Nakita niya ang hinanakit sa mukha nito.
Tumayo
ito.
"Saan
ka pupunta?" tanong niya sabay hawak sa kamay nito. Napatayo na rin siya.
"Sisimulan
ko na na masanay na wala ka sa tabi ko," anito sabay alis sa kamay niyang
nakahawak sa kamay nito.
"Joen
naman.."
"Iyon
naman ang gusto mo, hindi ba? Kailangan nating sanayin ang isa't-isa na hindi
magkita kahit na tayong dalawa. Kahit na ayoko ay gagawin ko `yon. Tama ka
naman na baka may mangyari sa `tin. Hind natin alam."
Niyakap
niya ito. HIndi niya mapigilan ang maluha sa nakikitang sakit sa mukha nito. SInisisi
niya ang sarili. ANg saya na nila kanina. Bakit ba kasi sinabi pa niya ang mga
iyon?
"Sorry."
"Let's
do it now, Vin. Sanayin natin na wala tayo sa tabi ng isa't-isa. I'm just doing
what you want. Magkita na lang tayo pagkatapos ng isang linggo. O kaya naman ay
sa monthsary na lang natin."
Marahas
siyang umiling. Humigpit ang pagkakayakap niya dito.
"Joen
naman. `Wag naman ganito. Ayaw kong nag-aaway tayo. Gusto ko lang naman na
maging open tayo sa mga possibilities. Pero ayokong malayo sa `yo nang matagal."
"Ayaw
mo pala pero bakit kailangan mo pang sabihin iyon? Pagbigyan mo naman ako. Ayokong
kinokontra kasi ayokong mag-away tayong dalawa pero may pagkakataon na gusto
kong ako naman ang masunod. Give and take ang relasyon natin, hindi ba? Kung
may mga bagay ako na gustong gawin na kasama ka at alam kong sa ikabubuti natin
na dalawa ay gagawin ko kahit na tututol ka pa. Simula bukas ay susunduin kita.
Okay lang na mahirapan ako o ma-late man. Basta alam ko safe ka."
"I'm
sorry," tanging nasabi niya saka mas hinigpitan ang pagkakayakap dito.
"`Wag
ka nang umiyak, Vin ko. Alisin mo ang
takot sa puso mo. Hindi mangyayari ang mga `yan. Pinapangako ko sa `yo."
Hinawakan
nito ang magkabila niyang pisngi gamit ang kamay nito. Pinunasan ang luha na
naglandas sa kanyang pisngi gamit ang hinlalaki nito.
"I'm
sorry din. Dahil sa `kin umiiyak ka."
"Sige,
Joen ko, labas na tayo. Papayag na
rin ako na ihatid at sunduin mo ako. Pero kapag nahihirapan ka na, magsabi ka
lang sa `kin. Mauunawaan kita."
Niyakap
siya nito. Muling inilayo saka hinalikan sa labi.
"Hinding-hindi
mangyayari iyon," anito saka siya niyakap.
Hindi
siya sumagot. Ginantihan niya ang yakap nito.
Kaw talaga author lagi ka na Lang nag- papamiss. Mukhang start na ito ng magandang pagsasamahan ng dalawa pero ang sitwasyon ba ang makakaapekto sa kanilang dalawa? Umpisa na rin ng mga pagsubok sa kanilang relasyon. Sino ba kasi yung madadagdag? Hay affected much na naman at sa tingin ko maraming tanong pa ang kinakailangang masagot.
ReplyDeleteHahahaa.. na-miss mo ako, Angel? Na-miss ko din comment mo.. hehe..
DeleteStart na nga at ito ay fourth to the last na update ko.. tatlo na lang at matatapos na ito.
Pagsubok ba? Mukhang wala naman eh.. kaunti lang yata.. haha!
Yong mga tanong? Hmmmm...
Kairita! Kainggit c vin! Haaaayyy.
ReplyDelete-hardname-
Hello hardname! Tnx sa comment!!
DeleteAng cute.. cool talaga. Ang mature at ang pure magmahal ni joen kaso nakakatakot baka si joen ang unang matempt sa tukso baka may makilala sya sa restaurant na makapaglikha ng away sa kanila. Good luck na lang kay vin. Wag ka mag alala vin andyan pa naman si nick. Pogi na madiskarte pa. Hehe thanks sa update mr. Author.
ReplyDelete-tyler
Tyler,
DeleteHindi na po eeksena si nick.. gumagawa na siya ng sarili niyang kwento..
Salamat sa comment!
ayan, muntik ng magaway. pinaghiwalay pa talaga ng branch. panira talaga si daddy ric. haha.
ReplyDeletebharu
Wala ng LQ pagkatapos nito.. hehe
DeleteGood job Mr. Author! =]
ReplyDeleteSalamat po!
Deleteang sarap basahin nakakainlove na miss ko na mahal ko :)
ReplyDeleteboholano blogger
Ang cute naman ng LQ nila. Pero baka there's a calm before the storm yan...Huwag sana.Thanks for the update...God Bless You.
ReplyDeleteHows sweet nmn nila joen at vin..... nakakaingit nmn, excited sa next part author
ReplyDelete
ReplyDeleteSundan n kaagad pls author....
Nakaka excite tlga
Jay_05
Sana sundan toh kaagad..at sana pahabain pa hang gang chapter 30..he he
ReplyDeleteKaya ayoko nagbabasa ng magagandang story kc namimisko yung mga characters.. Hehehe
Author.. Anu email add mo?
(Rold Ivan Santiago)
Hays salamt at me update na kahit bc sa work me taym pa rn nman ako mag basa Mr. V heheh
ReplyDeleteTnx sa update naiimagine ko tuloy ung scene nilang dalawa ^_^
Nga plan sa ligao,albay ako tabi medyo harayuon sa muya an place mu noy hehe add mu na lng ko sa fb para dun n lng kita e message if mag papa add ka hehe
WAITING FOR THE UP COMING LAST 3 CHAPTERS
-JAPS-
kuya!! malapit ka lang sa amin!! taga.guinobatan po ako..
DeleteVienne! Hahay! Time Check: It's 1:35 AM na. Haha. Nagpakareader mode ako kasi mamaya, magsusulat ko. Haha. Nice chap. Kaso sana naman di mo pinutol yung BS. Haha. I'm just kidding. Haha. I'll wait for that. Kahit kailan pa yun. :)
ReplyDeletesino author nito? anu fb account nya? pwede ko ba malaman?
ReplyDeletegaling ng author noh?? hehe
تكبير القضيب https://best-enlargement-ar.eu/ تكبير القضيب
ReplyDelete