Followers

Monday, August 18, 2014

Fated Encounter 22

AUTHOR'S NOTE

Pasensya na po sa uber-delay ng update ko..
May reason ako.. hehe.. Pero hindi ko na sasabihin..

BTW, nagpapasalamat po ako ng marami kay Sir Mike at Kuya Ponse (again for this privilige.) 

I-se-share ko lang, Ang istoryang ito ay pangalawa na nagawa kong nabasa in public. The other one never mind..

Salamat din sa mga komento at sa nag-comment sa CHAPTER 21. Salamat sa mga sumusunod,
Kay Alfred of T.O na walang sawa na nag-iiwan ng comment niya.
Kay Angel na isa sa reader at commentor na lagi kong hinihintayang comment.. hehe.. Nakasanayan ko na yata na basahin palagi ang comment mo. :)
Kay Bharu na parang naasar yata sa paulit-ulit na pagbanggit ng 'madilim na nakaraan'. lol
Sa mga anonymous din.. Salamat.
At panghuli kay Japs Lane o Japs na bigla akong na-excite sa pag-bi-Bicol! Whaaahhh.. Kababayan ba kita? Taga-Albay po ako to be exact..hehe Taga-saan ka sa Bicol?

At salamat din nang marami sa aking mga RA's.
Kay Kuya Rye Evangelista na lagi ko nang ka-chat tuwing nakabukas ang aking FB..Huwag kang mag-alala, kuya, maaasahan mo ako sa gusto mong mangyari. Kaso matagal pa iyon.. Hintay lang tayo.
Kay Kuya  Carlosblue Rose, salamat sa pagdinig sa aking mga demands. Pasensya na rin at medyo naging demanding ako.. Excited na po ako sa gagawin natin! Haha..
At kay Jace Page..  aabangan ko ang update ng story mo.. tsk.. the who ba yon?

At last but not the least..
Thank you kay Faustino Bayonas... ooopsss..bawal pala buuin ang pangalan dahil maarte siya..(joke. peace yow!) hahaha.Nagbibigay siya ng comment niya sa message sa facebook. Salamat sa oras at sa pakikipag-chat sa akin.
Kay Mama Lalie, ang aking ina-inahan through MSOB. Maraming salamat sa magandang feedback.. hehe..

Tapos na. Masyadong mahaba ang A/N ko.. 

Pahabol, pasensya na ulit sa late update..
Mahirap pala mag-cut ng BS.. Sobra.. Ayoko sanang tanggalin kaso.. *censored*

Heto na po ang Chapter 22



CHAPTER TWENTY-TWO


"HINDI ba parang ang bilis?"
            Mula sa kanyang ginagawa ay napatingin si Vin kay Lola Fe. Nasa kwarto sila nito at kasalukuyang inaayos ang mga damit na dadalhin nito para sa pag-alis bukas ng hapon. Hindi pa man sila sa sitwasyon na pag-alis nito ay nalulungkot na siya.
            Nakwento niya kay Lola Fe ang plano ni Tito Ric para sa kanilang dalawa ni Joen, at iyon nga ang kagustuhan nito na ipakasal silang dalawa. Bagay na gusto niyang mangyari kahit alam niya na marami ang magtataas ng kilay sa gagawin nila. Well, ganoon naman talaga. You can't please anybody.
            Sa usapin naman na katotohanan tungkol sa kanyang pagkatao ay hindi pa niya iyon na-o-open up sa mahal niyang abuela. Kagaya nga ng sinabi niya kay Joen ay ayaw niyang gawin iyon. Sapat na sa kanya na alam na niya ang katotohanan, noon pa. Hindi nga lang sa mabuting paraan niya nalaman.
            "Nabibilisan nga rin po ako, lola," ang pag-amin niya.
            Sa loob ng isang buwan at kalahati ay maraming bagay ang nabago sa kanya. Masyadong maiksi iyon para mahulog siya nang husto kay Joen pati sina Nick at Mack. Maraming nangyari na nagpagulo sa kanyang sistema subalit nagbigay naman sa kanya ng labis na kasiyahan. At ang kasiyahan na iyon si Joen.
            Tama si Lola Fe. Masyadong mabilis. Bago pa lang sila ni Joen. Kung susumahin ay wala pa iyong buwan. Mag-iisang linggo pa lang sila ngunit kasal na agad napupunta ang usapan. Given na noon pang mga bata pa sila ay magkasama na sila ni Joen. Na parang sila na ang nakatadhana para sa isa't-isa ngunit marami ang pwedeng mangyari. Nangangamba tuloy siya sa mga posible pang mangyari. His life with Joen seem so perfect. Tila walang makikitang dumi sa kanilang pagsasama. Ang relasyon nila ni Joen ay give and take. Open din sila sa isa't-isa. Maliban lamang sa isang bagay na hindi pa niya masabi dito.
            "Pero apo, alam mo, wala naman `yan sa bilis ng pangyayari. Kung saan kayo masaya ay doon na kayo. Napapansin ko rin na kahit isang linggo pa lang noon ay may koneksyon na kayo sa isa't-isa. Ngayon ko lang ito sa `yo sasabihin pero komportable ako sa batang iyon. Boto ako sa kanya para sa `yo kaya nga nasabi ko sa kanya ang isang sikreto."
            Natigilan siya sa sinabi nito. Napatingin sa kanya si Lola Fe. Nagkunwari siya na walang alam. Sorry, Lola Fe kung nagsisinungaling at naglilihim ako sa `yo. Gusto kong sabihin sa inyo ang totoo na alam ko na ang lahat ng katotohanan sa pagkatao ko. Pero alam ko kasi na kapag sinabi ko iyon sa inyo ni mama ay mabubuksan rin ang ginawa sa akin ni papa.
            "Ano po ang sikreto na `yon, lola?"
            Nag-iwas ito ng tingin. "Sasabihin ko `yon kapag kasama na natin ang mama mo. Basta apo kapag may malaman ka man ay `wag kang magagalit sa amin ng mama mo."
            Hindi ako magagalit, lola. Mauunawaan ko po kayo. Mahal ko kayo at hindi n'yo ko trinato na iba. I felt so much belongingness in the family. Hindi n'yo sa akin ipinadama ni mama na hindi n'yo ako tunay na kadugo.
            "Sige, `la, kayo ang bahala. Bakit naman po ako magagalit sa inyo? Pinalaki n'yo kaya ako na maunawain. Malaki na ako at kahit hindi halata sa akin ay mature na ako."
            Ngumiti si Lola Fe. "Salamat naman. Mag-iingat ka kapag umalis na ako dito, Vinnezer. Bago ko makalimutan ay hindi muna matutuloy ang mga kapatid mo at papa mo sa pagluwas nila. Nakalimutan namin na may mahalagang okasyon pala kaming dadaluhan."
            Of course, alam niya ang mahalagang okasyon na iyon. Iyon ang death anniversary ng totoong apo nito. Noon pa ay alam na niya iyon. Ang Kuya Lee pa nga niya ang kasama niya nang puntahan nila ang puntod ng totoong apo nito.
            "Mag-iingat po ako Lola Fe, saka ibinilin n'yo na po ako kay Joen. Huwag kayong mag-alala, aalagaan at babantayan ako n'un. Hindi niya ako iiwan."
            "Alam ko `yon. Sinabi rin niya sa akin na hindi ka niya iiwan, na poprotektahan ka niya."
            "Siyanga pala, nasaan ba ngayon ang nobyo mo?"
            "Sa bahay na po `ata nila." Maiksi niyang sagot. Hindi siya sigurado.
            "Himala at hindi siya pumunta dito ngayon."
            "May gagawin daw po siya," aniya.
            Kaninang umaga ay nagpaalam sa kanya si Joen na may pupuntahan ito kasama si Tito Ric. Hindi lang niya alam kung saan iyon dahil hindi naman nito sinabi sa kanya. Pinapasama sana siya nito ngunit hindi siya pumayag dahil gusto niyang masulit ang pagkakataon na makasama ang Lola Fe niya.
            "Bakit hindi ka sumama? Alam ko na niyaya ka n'un."
            "Niyaya niya nga po ako pero hindi ako pumayag. Gusto ko pong makasama kayo, lola. Mahigit isang buwan din kayong mawawala sa tabi ko. Siyempre, gusto kong sulitin ang pagkakataon lalo na at abala rin ako sa trabaho ko."
            "Ang bait mo talaga, apo. Isa ka talagang biyaya sa amin. Mabait ka na may hitsura pa, kaya naman nagkagusto sa `yo si Joen."
            Natawa na lang siya sa sinabi nito "Masyado niyo pong pinalalaki ang ulo ko. Baka sumabog na ito. Saan n'yo gustong pumunta, `la?" Pag-iiba niya sa usapan. "Pupuntahan natin basta afford ng budget ko. Iyong iba, ipapadala ko sa inyo para kay mama."
            "Ikaw ang bahala kung saan mo akong gusto dalhin. Ikaw naman ang manlilibre."
            Iyon nga ang ginawa nila. Inilibre niya ang lola niya. Nanood sila ng sine at ibinili niya ito ng damit na napili nito pagkatapos. Nang matapos sa pamimili ng damit ay nagtungo sila sa isang jewelry store. Ayaw sana niyang magpunta doon dahil wala naman siyang hilig sa mga alahas pero hindi nagpapigil ang lola niya. Sinamahan na lang niya ito. Para hindi siya maburyong ay tumingin-tingin na rin siya. Naagaw ang pansin niya ng isang gold na bracelet na may disenyong angkla. Habang tinitingnan niya ang bracelet na iyon ay agad na pumasok sa isipan niya ang mukha ni Joen. Sabay din siyang napatingin sa suot niyang singsing na nanggaling sa lalaki. Nabasa niya na ang simbolo ng angkla sa bracelet ay taong tapat. It represents Joen love to him. Siya kasi ay may bagay na hindi pa nasasabi kay Joen pero loyal, faithful at grounded siya dito.
            Lumapit siya sa lola niya. "`La, sa tingin n'yo po babagay `yon na bracelet kay Joen?" Tanong niya dito sabay pagturo sa tinutukoy.
            "Alin doon?" Tanong nito saka pumunta.
            Sinundan niya ito at muling itinuro ang bracelet.
            "Babagay `yan sa kanya," anito. "May pera ka pa ba para mabili `yan?" Usisa nito.
            Bigla siyang nalungkot. May pera pa siya ngunit nakalaan na iyon para sa mama niya. Hindi naman niya pwedeng gastusin iyon.
            Ngumiti siya. "Wala na po, eh. May pera pa sana ako pero `yong ipapadala ko na sa inyo. Pag-iipunan ko na lang ito. Bibilhin ko sa susunod na sweldo."
            "Ako na lang ang bibili," prisinta nito.
            "`Wag na lola. Ako po ang bibili niyan gamit ang pera ko."
            "Ikaw ang bahala," anito.
            Pagkatapos nilang tumingin-tingin sa jewelry store ay lumabas na sila. Bago umalis sa harapan niyon ay tiningnan pa niya ang bracelet. Mabibili rin kita.


HUMIKAB si Joen. Pangatlong beses na iyon mula pa kanina. Nasa loob siya ng kotse ng daddy niya at hinihintay ang pagbalik nito. Nasa loob ito ng restaurant na pag-aari nila at ginaganap ang pagbisita nito doon buwan-buwan. Isinama siya nito para daw ma-train na siya pero wala pa iyon sa loob niya. Kaya ang kinalabasan ay sa loob lang siya ng kotse. Wala siya sa mood na lumabas ng kotse at makipagpalitan ng ngiti sa mga staff at crew nito.
            Niyaya niya si Vin na sumama sa kanila ng daddy niya kaso ay hindi ito sumama dahil gusto nito masulit ang panahon na kasama si Lola Fe. Bukas ng hapon ang alis nito at sila ni Vin ang maghahatid sa matanda sa terminal.
            Pupunta sana siya kanina sa bahay nito nang harangin nga siya ng daddy niya at isama dito. He found it very boring. Ilang oras ng nasa loob ang daddy niya. Sa pagkakaalam niya ay bukod sa paglilibot sa restaurant na nasa malapit lang na area  para sa monthly inspection nito ay may pupuntahan pa silang iba. Pangalawang restaurant na ang napuntahan nila.
            Kinuha niya ang cellphone niya at naglaro ng games doon. Pampalipas oras. Ayaw niyang istorbohin si Vin sa bonding nito kay Lola Fe. Dapat lang na magkaroon ng moment ang mga ito dahil naging abala si Vin sa trabaho nito sa restaurant. Maliban pa doon ay isang buwan rin na hindi nito makikita ang lola nito.
            Habang naglalaro ay napangiti siya ng may maalala. Kung iisipin ay masyadong madali na naging sila. Their feelings to each other developed so easily. Sa loob ng mahigit isang buwan ay marami ang nangyari. HIndi siya makapaniwala na ganoon lang kaiksi para magkagusto sila sa isa't-isa. Well, he don't mind it. It's just the continuity of their love story. Matagal na silang magkakilala at kahit na wala pa silang muwang noon ay may kung anong bagay ang nakagapos na sa kanilang puso para sa isa't-isa. Sa kanila ng pagpapasya kung paano nila pahahabain ang relasyon nila. Relasyon na wala siyang balak na tapusin.
            Ang relasyon niya kay Vin ay halos perpekto na. Isang linggo pa lang mula ng maging sila at hindi pa sila nagkakaroon ng malubhang away. They were open to each other except for the one thing that Vin couldn't tell to him. Alam niya na naghihintay lang ng tamang tiyempo at pagkakataon si Vin para masabi iyon sa kanya. Katulad nga ng sinabi niya dito ay hindi niya ito iiwan kahit na ano man ang sekreto nito na hindi masabi-sabi sa kanya.
            Mula sa kanyang cellphone ay nagtaas siya ng tingin nang bumukas ang pintuan ng kotse.
            "Ang tagal n'yo naman," bungad niya sa daddy niya. "Kanina pa ako naghihintay sa inyo."
            Sinimangutan siya nito. "Kasalanan ko ba kung bakit ka naghintay? Imbes na sumama ka sa `kin para makita mo ang ginagawa ko ay hindi mo ginawa." Umiling-iling ito saka umupo sa driver seat. "Umayos ka Joen. Lalagay ka na sa tahimik hindi ka pa nagma-mature. Maawa ka kay Vin kapag naging mag-asawa na kayo."
            Napangisi na lang siya sa sinabi nito. "Alam ko na si Vin ang para sa `kin, dad, pero matagal pa bago kami lumagay sa tahimik. Mga bata pa kami at bago pa lang ang relasyon namin. `Wag tayong masyadong nagmamadali. Let's take things slowly."
            Hindi makapaniwalang tiningnan siya nito. "Ikaw ba `yan Joen? N'ung sinabi ko sa `yo na gusto kong ipakasal ko kayo ni Vin hindi ka man lang tumutol. Sumang-ayon ka pa nga at mukhang excited tapos heto ka ngayon. Sinasabi ang mga ganoon na bagay. Sign of maturity na ba `yan, anak?"
            "Siguro, dad," sagot niya, sabay ngisi. "Ayokong may makita si Vin na dahilan para layuan niya `ko. I know that I'm not that mature enough. Nakasandal pa ako sa inyo. In due time I know that I'll be more responsible. `Yong mga pinapagawa n'yo sa `kin ay magagawa ko rin in the future. Isa lang ang tinitiyak ko sa inyo: gagawin ko ang mga `yon. Takot ko lang na iwan ako ni Vin. Hindi ko `yon makakaya."
            "Ikaw na ang dakilang nagmamahal," pagbibiro nito. "Kung gagawin mo rin pala, bakit hindi pa ngayon? Gawin mo na para makarami ka."
            "Sabi ko nga po, in due time."
            "Ikaw nga ang bahala," sumusukong sabi nito.
            "Saan pa po ba tayo pupunta?"
            "Sa mall. May bibilhin ako," sagot nito saka pinaandar ang kotse.
            Pagkarating nila sa mall ay nakasunod lang si Joen sa daddy niya. Huminto sila sa tapat ng isang jewelry store. Pumasok doon ang daddy niya. Sinundan niya ito. Dumiretso ito sa saleslady na nandodoon at may itinanong. Dahil hindi naman siya kasama sa pag-uusap ay inabala niya ang sarili sa pagtingin ng mga alahas na naka-display.
            Naagaw ang kanyang atensyon ng isang bracelet. Nilapitan niya iyon at tiningnan. Nagustuhan niya ang disenyo niyon na angkla. Lumapit siya sa daddy niya na nagkataon naman na tapos nang makipag-usap sa babae.
            "Dad, may ipapakita ako sa inyo," ani dito at niyaya sa tapat ng naka-display na bracelet. "Sa tingin n'yo po babagay `yan kay Vin?"
            "Ikaw, ano ba sa tingin mo?" balik-tanong nito.
            "Hindi naman si Vin mahilig magsuot ng mga ganyan," ang sagot niya sa sariling tanong at sa tanong nito. "Tinatanong kita, dad, tapos sinagot mo rin ako ng tanong," aniya.
            "Hindi naman pala siya sanay niyan magsuot. Bakit ka bibili?"
            "Para sa monthsary namin."
            "Agad-agad? Isang linggo pa nga lang kayo tapos `yan na agad ang naiisip mo."
            "Ganoon talaga. Kailangan kong isipin ang mga darating na araw."
            "Kailangang isipin. Kaya pala tamad na tamad ka na sundin ako na sumama sa `kin para ma-train kita."
           Sinimangutan niya ito. "Darating din po ako d'un. Hindi lang ngayon. Ano na dad? Babagay po ba `yan kay Vin?"
            "Ikaw ang sumagot sa tanong mo."
            Napabunot na lang siya ng isang malalim na paghinga. Daig rin siya ng kakulitan nito. "Babagay `yan sa kanya."
            Lumapit siya sa saleslady at nagtanong kung magkano iyon.
            "Bibilhin mo na ba ang bracelet?"
            "Hindi pa po."
            "Bakit? May pera ka naman. Sobra-sobra nga ang allowance na ibinibigay ko sa `yo kahit hindi naman dapat."
            Tama ang daddy niya. Sobra ang allowance niya para mabili niya iyon. "Hindi ko na muna bibilhin `yan," aniya. "Pag-iipunan ko po."
            "Pag-iipunan? Bakit may trabaho ka ba?"
            "Kaya nga po ibabalik n'yo ko sa restaurant para magkaroon ako ng trabaho. Alam ko na sasapat ang sweldo ko sa isang buwan na pagtatrabaho para mabili ko ang bracelet na `yan."
            "Sus, ako pa ang paaandaran mo, Joen. Alam ko na may iba kang motibo para mabalik ka sa restaurant. gusto mo lang makasama si Vin."
            "Natumpak n'yo," nakangising sagot niya. "Gusto ko na mabili `yan sa pamamagitan ng paghihirap. Gusto kong sabihin kay Vin na pinagtrabahuan ko `yan para sa kanya. My labor of love."
            Hindi nagkomento ang daddy niya. Umiling lang ito.
            Nagpaalam siya dito para kausapin ulit ang saleslady. Ipapa-reserve niya ang bracelet. Mahirap na baka may magka-interes pa doon at maunahan siya. Para makasigurado ay dalawa pa ang ipina-reserve niya. Maraming pwedeng mangyari sa loob ng isang buwan.
            "Pagkatapos dito, saan naman tayo?"
            "Wala na. Pwede mo nang puntahan si Vin."
            Napangiti siya. Kinuha niya ang cellphone niya sa kanyang bulsa at tinawagan si Vin. Ayaw niyang maka-istorbo sa bonding ng mag-lola pero gusto niyang makasigurado kung saan na ito. Pupuntahan niya.
            Agad namang sinagot ni Vin ang tawag niya.
            "Saan ka?"
            "Sa mall."
            "Saan na mall?"
            Sinabi nito ang pangalan ng mall at kung saan ito.
            Napangiti siya ng malawak.
            "Pupuntahan kita. Nandito rin ako kasama si daddy. Diyan lang kayo ni Lola Fe. Date tayo kasama si lola."
            "Ikaw ang bahala," sabi ni Vin. Alam niya na nakangiti ito kahit hindi niya nakikita. "Sige, Vin, see you in a while, `love you."
            "`Love you din," anito saka nawala sa kabilang linya.
            Bumaling siya sa daddy niya sabay balik sa cellphone niya sa bulsa.
            "Uuwi na po ba kayo, dad?"
            "Hindi sasamahan kita. Gusto kong makilala ang lola ni Vin," anito.
            "Okay," agad na sang-ayon niya.
            Sabay silang naglakad patungo sa kinaroroonan ni Vin at Lola Fe.


AGAD na nakita ni Vin ang paparating nasi Joen kasama si Tito Ric. Palinga-linga ang nobyo niya sa paligid ganundin si Tito Ric. Mula sa kinauupuan niya sa isang upuan sa food court ng mall ay lumapit siya sa mga ito. Bago niya iyon ginawa ay nagpaalam muna siya kay Lola Fe.
            Napangiti siya ng makalapit sa mga ito. Ginantihan naman iyon ng isang ngiti ni Joen.
            "Tito Ric" he address. Magmamano siya dito bilang tanda ng paggalang ngunit iniwas nito ang kamay. Bagay na pinagtakhan niya.
            "`Wag kang magmano sa `kin, nakakatanda," rason nito.
            "Matanda na kaya kayo dad," ani Joen.
            "Bata pa ako. Bahala na kayo dyan at o-order muna ako ng makakain natin," paalam nito.
            Sinundan na lamang nila ito ng tingin.
            "Ang weird ng daddy ko ano?" Sabi ni Joen sabay akbay sa kanya. Mabilis naman niyang inalis ang braso nitong nakaakbay sa kanya. "Bakit mo tinanggal? Don't tell me nahihiya ka sa ibang tao akbay lang naman, ah."
            "Hindi ako nahihiya," aniya. "Naiilang lang ako at hindi sanay na inaakbayan."
            Tumango-tango ito. "`Buti naman. Akala ko kinakahiya mo `ko." Ang sabi nito saka hinawakan siya sa kamay. Sa ginawa nitong iyon ay hindi siya nakadama ng pagkailang kahit na nasa loob sila ng isang pampublikong lugar na maraming tao. Wala siyang pakialam at sanay siya na hawak nito ang kamay niya tuwing lumalabas sila.
            Pagkarating nila sa pwesto ni Lola Fe ay agad na nagmano si Joen dito.
            "Saan ka pumunta, Joen?" Usisa ng lola niya.
            "Sa restaurant `la," bibong sagot nito. "By the way po pala, kasama ko ang daddy ko ngayon. Gusto ka po niyang makilala."
            "Ganoon ba. Gusto ko rin siyang makilala. Saan na ba siya?"
            "Tumitingin sa pagkain na pwedeng kainin," pabirong sagot ni Joen na naging dahilan para kurutin ito ni Lola Fe.
            Natawa na lang siya.  
            "`Yan kasi. Seryosong nag-uusap tapos magbibiro," pang-aasar niya dito.
            "Pinagtutulungan n'yo na naman akong dalawa. Tumahimik ka dyan, Vin kung ayaw mong may gawin akong bagay na hindi mo magugustuhan." Ang banta nito. Nakikita niya ang kapilyuhan sa mukha nito.
            "Umayos ka nga. Alam ko kung ano ang nasa isip mo. `Wag kang eskandoloso. Kapag ginawa mo ang iniisip mo ay iiwan kita dito. Magtabi kayo ni tito at kami ang magtatabi ng lola."
            "Pupunta muna ako ng banyo," paalam ni Lola Fe.
            "Samahan ko na kayo, `la," prisinta niya.
            "`Wag na. I can manage." Pag-e-english nito. "Mag-usap na lang kayong dalawa."
            "Okay. Kayo po ang bahala." Sinundan na lamang nila ito ng tingin.
            "Lagot ka sa `kin mamaya sa bahay. May parusa ka mula sa akin, Vinnezer Ilagan."
            "As if natatakot ako." Hindi uurong na sagot niya.
            "Hinahamon mo talaga ako, Vinnie baby."
            "Vinnie baby?"
            "`Yon na ang itatawag `ko sa `yo."
            "Ang panget. Hindi na natin kailangan pa ng endearment, Joen. Tama na ang first name basis tuwing maglalambingan tayo."
            "Kinokontra mo na naman ako, babe." Nakangising sabi nito.
            "Babe? Yucks! Anong akala mo sa `kin, baboy?"
            "Hindi ka baboy, dear."
            "Ngayon usa naman," palatak niya. "Umayos ka nga."
            "Hindi `yon usa. Gusto mong i-spell ko sa `yo ang dear?"
            "No thanks. Joen, wala na ngang endearment. Tama na na sa unang pangalan kita tinatawag."
            "Sabi nila kapag may tawagan daw ang dalawang tao na tanging sila lang ang nakakaalam ay pagpapakita daw ng pagmamahal at pagpapahalaga iyon."
            "Alam ko `yon."
            "Alam mo pala. `Wag ka ng maarte."
            Sinimangutan niya ito.
            "Hindi ako maarte."
            "Nagpapa-cute lang?"
            "Hindi rin ako nagpapa-cute."
            "I love you na nga lang."
            Napangiti siya sabay ang kilig. "I love you din."
            Inilapit ni Joen ang mukha nito sa kanya. At sa mabilis na pagkilos ay hinalikan siya nito sa pisngi.
            "Ituloy mo lang ang pagpapa-cute sa akin. Natutuwa ako, Lei."
            "Kanino mo nalaman ang totoo kong pangalan?"
            "I have my sources."
            "May sasabihin pala ako sa `yo, Christian."
            Ngumiti ito. "Ano ang sasabihin mo? Ayoko ng 'Christian'. Tawagin mo akong Johanson o Enrique. Ang mga iyon na ang pangalan ko."
            "Alam mo ba na alam din ni Nick ang totoong pagkatao ko. Sinabi sa kanya ni Kuya Lee. Tinanong ko siya kung bakit kay Nick sinabi tapos ang sabi niya, kasi daw ay gusto niya si Nick para sa akin."
            Nawala ang ngiti sa labi nito. "Ayaw sa akin ni Arkin? Dahil ba `yon sa ginawa ng biological mom ko?"
            "Oy, `wag kang malungkot. Kung hindi ka gusto ni kuya para sa akin ay ipaglalaban kita. I'll defy him. Pero hindi iyon mangyayari kasi hindi siya tutol sa `yo para sa akin. Hindi daw siya ang kontrabida sa istorya natin."
            "I'm glad." Huminga ito ng malalim. "Akala ko pa naman ay tutol siya. Mabuti na lang at hindi. Back to the main topic. Okay lang ba na tawagin kita ng Lei?"
            "Hindi. Vinnezer na ang pangalan ko, remember?"
            "Dapat unique ang tawagan natin."
            "Joen!" Saway niya dito. Hindi talaga ito tumitigil sa pag-iisip ng endearment nila sa isa't-isa. "Ang kulit mo talaga!"
            Tumawa lang ito. "Buko, mako, babe, dear, bebe, tart, sweetie, sweetheart, mahal ko, pangga, love, labidabs, bie, pare, pards. Ang dami na palang tawagan ngayon ng magkakasintahan. Nakakapagod mag-isip ng itatawag ko sa `yo? Joen and Vin." Pumitik ito sa ere. "Tawagin mo akong Vin at tatawagin kitang En."
            "Ang corny at baduy mo. Tama na sa akin ang tawagin ka sa pangalan mo. Hindi na mahalaga ang endearment. Ang mahalaga ay ang nararamdaman ko sa `yo."
            "Okay, you win. First name basis na nga lang, Vinnezer ko."
            Napailing na lang siya. "Makulit ka talaga, Joen ko."
            Natigil sila sa pag-uusap ng sabay na bumalik ang lola niya at daddy ni Joen. Nag-uusap na ang mga ito.
            "Close na kayo?" Usisa ni Joen na ikinatawa niya.
            "Hindi pa ba?" Ganting sabi ng daddy nito. Inilapag nito ang hawak na tray na may lamang pagkain sa mesa at inalalayan ang lola niya na makaupo.
            "Kumain na muna tayo. Pero bago iyon ay ipakilala n'yo muna kami sa isa't-isa. Wala na naman kayong mga manners." Ang sabi ni Tito Ric.
            Natawa naman ang lola niya. "Magkakasundo tayo sa panenermon sa mga `yan, Enrico."
            "Wow! First name basis na agad kayo," pagbibiro ni Joen.
            Kinurot niya ito. "Umayos ka nga. Binibiro mo na lang silang palagi. Lola, si Tito Ric po ang katabi n'yo, siya ang daddy ni Joen."
            "Dad, si Lola Fe po, lola ni Vin."
            Nagkamay ang mga ito na tila hindi pa nga magkakilala.
            Napailing na lang silang dalawa ni Joen. Ang weird na ng mga tao ngayon.

MASAYANG natapos ang family date nila. Hindi na sumabay si Joen sa pag-uwi kay Tito Ric. Sa kanila na ito ni Lola Fe sumabay. Siyempre ay nag-commute lang sila. Bago umalis si Tito Ric ay nagpaalam si Joen na sa kanila matutulog. Agad namang sumang-ayon ang una.
            Nang makarating sila sa bahay nila ay agad na dumiretso si Lola Fe sa kwarto nito para magpahinga. Napagod kasi ito sa mahabang paglalakad at paglilibot sa loob ng mall. Naiwan silang dalawa ni Joen sa living room.
            "Mag-isa ka na lang dito bukas ng hapon. Anong plano mo, Vin ko?"
            "Wala. Dito ako matutulog mag-isa. Tutal hindi pa naman luluwas sina papa. Ang sabi ko sa `yo dati, matutulog at titira ako sa bahay n'yo kapag dumating sila. Mahirap nang iwan ang bahay ngayon, Joen. Marami ang masasamang tao ang nagkalat."
            Hindi ito tumugon. "Bakit ka nakasimangot?"
            "Saan na `yong 'ko' na dapat kasunod ng pangalan ko, Vin ko? Dapat hindi mo `yon kinakalimutan."
            "Ang arte naman nito," ang sabi niya na lalo nitong ikinasimangot. "Wala ka talagang pakikisama. Sundin mo na lang ako."
            "Sige na nga Joen ko." Ngumiti ito. "Kung gusto mo dito ka na lang matulog palagi. Habang wala pa ang mga kapatid ko. Magpaalam ka kay Tito Ric."
            "That's a brilliant idea, Vin ko. Malaya tayong gawin ang gusto natin. Parang titira na tayo bilang mag-asawa."
            "Writer ka ba, Joen ko?"
            Kumunot ang noo nito. "Bakit?"
            "Ang lawak kasi ng imagination mo, eh"
            "Ewan ko sa `yo," sabi nito saka siya kinabig palapit dito at hinalikan nang may diin pero masuyo sa labi.
            As usual ay gumanti siya sa parehong intensidad. Nang matapos ang halik ay pareho silang naghahabol ng hininga.    
            "Kailan tayo pwedeng mag-make love, Vin ko?"
             Hindi siya tumugon. Kunyari ay wala siyang narinig.
             "Oy," untag nito sa kanya. "Oy, Vin ko, sumagot ka nga. Kailan ba pwede? Kailan ka magiging handa?"
             Pumikit siya at hindi pa rin sumagot.
             "Talagang hindi ka sasagot, ah," ani Joen.
             Naramdaman na lang niya ang pag-angat niya. Iyon pala ay binuhat siya ni Joen. Minulat niya ang mata.
             "Anong ginagawa mo?"
             "Pupunta tayo sa kwarto mo. Doon ko gagawin sa `yo ang matagal ko nang gustong gawin." Pilyong sagot nito.   
             Natawa na lang siya saka nagpumiglas. "Hindi pa ako handa. Meron ako ngayon," pagbibiro niya na ikinatawa nito ng sobra.
             "Baliw ka rin. Umayos ka nga. Sobrang gulo mo."
             "Ikaw ang umayos. Masyadong malakas ang libido mo. Malalang masyado."
            "Anong magagawa ko? Ganoon ang epekto mo sa `kin. Hindi ka na naawa sa `kin palaging all by myself na lang ako habang ini-imagine na ginagawa na natin `yon."
            Natawa siya. Pinisil niya ang ilong nito saka pinanggigilan. "Ang adik mo talaga. Nilalapastangan mo ang pagkatao ko sa utak mo."
             "Hoy! Hindi kaya. Sinasamba nga kita sa imagination ko."
             "Ibaba mo na ako. Gusto mo tulungan na lang kita para makaraos ka." Pilyong sabi niya saka itinaas pa ang mga kilay.
             "Talaga? Gagawin mo `yon?"
             "Oo. Nakakaawa ka na kasi, eh. Ibaba mo na ako."
             Imbes na ibaba siya ay mabilis itong naglakad papunta sa kwarto nila.         Pinabuksan nito sa kanya ang pinto. Nang mabuksan ay agad itong pumasok at dahan-dahan siyang inilapag sa kama. Pagkatapos ay bumalik ito sa harapan ng pintuan at isinara iyon. Para makasigurado ay ini-lock pa nito iyon.
             "Game. Let's do it, Vin ko," ang sabi nito saka isa-isang hinubad ang kasuotan.
             Nang matira na lang ang panloob nito ay dahan-dahan nitong hinubad iyon. Tumambad sa kanya ang pagkalalaki nito na nagmamalaki. Tila nagsasabing sunggaban mo na ako. Handa na ako para sa `yo.
            Napalunok siya.
             "Maghubad ka na rin. Ako na lang ang maghuhubad sa `yo." Lumapit ito sa kanya.
             "Ako na lang," ang sabi niya.
             Nang makapaghubad na siya ay agad siyang niyakap ni Joen at mapusok na hinalikan sa labi. Gumanti siya. Damang-dama niya ang init ng katawan nito. Tila nakikipag-kompetensya sa init ng katawan niya. Sa masuyong paraan ay gumalaw ang mga kamay nito. Nauwi iyon sa pang-upo niya...

 (***********censored na ang mga susunod na eksena**********)


KAHIT napagod sa ginawa nila ni Joen ay maaga pa rin siyang nagising. Humarap siya kay Joen na mahimbing pa rin ang pagtulog. Gamit ang hintuturo niya ay pinagapang niya iyon sa gwapong mukha ng lalaking mahal niya. He trace his face. Nagtagal ang hintuturo niya sa matangos nitong ilong. Maya-maya ay napangiti siya nang maalala ang nangyari kagabi. It was the best night ever. Joen was a giving partner. Hindi ito nagkasya na nagpalabas na ito dahil ginawa nito na paligayahin din siya. Hindi siya nagsisisi na may namagitan na sa kanila dahil sila naman na. Nag-aalala lang siya dahil hindi pa niya masabi dito ang totoong dahilan kung bakit natatakot siya na may mangyari sa kanila noong una.
            Gumalaw si Joen saka iminulat ang mata nito.
            "Goodmorning, Vin ko."          
            "`Morning din."
            "Maganda pala talaga ang umaga kapag kasama mo ang taong mahal mo," ang nakangiting sabi nito.
            Lumayo siya dito saka tumayo. Bago niya iyon gawin ay kinuha niya muna ang kumot para takpan ang kahubdan niya. Bagay na nagbigay kay Joen ng malakas na tawa.
            "Bakit kailangan mo pang gawin `yan? Nakita ko na ang lahat kagabi, Vin ko. Para ka namang babae."
            Natigilan naman siya saka napatingin dito. Inalis  naman nito ang unan na nakatakip sa kaselanan nito.
            Napalunok siya nang muling makita iyon. Ang malandi niyang pagkatao ay nagnanais na naman na muling maulit ang nangyari sa kanila kagabi. Lihim siyang napailing. Ang aga-aga ay nadedemonyo ang utak niya dahil sa lalaking ito.
            Nang hilahin ni Joen ang kumot sa kanya ay hinyaan na lang niya ito. Nagmamadali niyang pinulot ang damit niya na nagkalat sa sahig. Nagmamadali niyang sinuot ang mga iyon. Pagkatapos ay lumabas siya ng kwarto niya at nagtungo sa kanilang banyo para maligo.
            Iniwanan niya si Joen na nakahiga habang nakangiting nakatingin lang sa kanya.
            Mga ilang minuto pagkatapos niyang maligo ay bumalik siya sa kwarto nila. Naabutan niya si Joen na inaayos ang bed cover na nagusot kagabi. Nakasuot na ito ng boxer shorts.
            "Ikaw naman ang maligo," aniya dito habang pinupunasan ang basa pa niyang buhok.
            "Wala akong damit. Pahihiramin mo ba ako, Vin ko?"
            "Siyempre naman." Ang agad niyang sagot. "Hindi pwedeng hindi kita pahiramin dahil ma-e-eskandalo ang mga makakakita sa `yo. Akin ka lang kaya." Nakangisi niyang sabi.
            "Ang possessive. Ipagpatuloy mo lang `yan, magkakasundo tayo."
            "Ayoko nga. Ayokong maging possessive masyado, Joen.." tiningnan siya nito ng matiim. "..ko."
            Napangiti ito. Napailing naman siya sa inakto nito. Ang akala kasi nito ay hindi niya sasabihin ang salitang 'ko' na dapat ay lagi daw nilang sasabihin pagkatapos palagi ng pangalan nila. Iyon na kasi ang tinuturing na endearment nilang dalawa. Ang pagsasabi ng 'ko' palagi.  
            "Baka masakal kita kapag naging possessive ako," ulit niya sa sinabi. "Kahit na tayo na ay hindi dapat natin limitahan ang isa't-isa sa mga bagay na gusto nating gawin."
            "Hindi ako masasakal, Vin ko. Pabor nga sa `kin ang maging possessive ka dahil nakakasigurado ako na ako lang ang sa puso mo."
            "Ewan ko sa `yo, Joen ko. Basta hindi ako magiging ganoon sa `yo. Basta lagi mong tatandaan na mahal kita."
            "Okay." Ang sang-ayon nito na maluwang ang pagkakangiti. "By the way, Vin ko. Magtatrabaho na ako ulit sa restaurant."
            "Talaga. Bakit?"
            "Oo. May bibilhin kasi ako at kailangan kong pag-ipunan."
            "Ganoon ba? That's good. Ano naman ang bibilhin mo?"
            "Secret. Akin lang muna `yon. Sa pagdating ng panahon ay sasabihin ko sa `yo kung ano `yon."
            "Ako rin may pag-iipunan," ang sabi niya.
            "Ano?" takang tanong nito.
            "Secret. Katulad mo, sasabihin ko sa `yo pagdating ng panahon."
            "Gaya-gaya ka."
            "Maligo ka na. Habang naliligo ka ay magluluto na rin ako ng agahan natin."
            "Sige, sige. Kiss mo muna ako."
            "Mamaya na. Pagkatapos mong maligo."
            Sumimangot ito.
            Dahan-dahan siyang lumapit dito at binigyan ito ng mabilis na halik sa labi.
            "Okay na ba?"
            "Gusto ko `yong torrid."
            "Adik. Maligo ka na."
            Nakangiting sumunod naman ito.


HINDI maiwasan ni Vin ang malungkot habang nasa terminal sila ng bus. Isang oras na lang at aalis na ang bus na sinasakyan ni Lola Fe. Dapat ay hindi na siya makdama ng ganitong pakiramdam dahil sinanay na niya ang sarili ngunit wala pa rin palang silbi ang pagsanay na iyon lalo na at sa ganoon ka ng sitwasyon. Parang ang bigat ng puso niya. Parang konti na lang at bibigay na ang pinipigilan niyang luha.   
            Mukhang napansin naman iyon ni Lola Fe. Nagsalita ito.
            "Umayos ka nga Vin, apo. `Wag kang maarte. Ang hitsura mo parang iiyak ka na sa anumang oras."
            "`La, hindi ko mapigilan, eh," ang sgaot niya sabay pamumuo ng luha sa sulok ng mata niya.
            "Sus, ikaw talaga. Masanay ka na na wala ako sa tabi mo kasi pagdating ng panahon ay talagang mawawala naman na ako. Lahat tayo ay mawawala."
            Bahagya siyang kinilabutan sa sinabi ng lola niya. "Ano ka po ba `la? Kung magsalita naman kayo parang mawawala kayo sa `kin ng matagal."
            "Ikaw nga ang maka-arte ng ganoon, tapos ako ang sasabihan mo. Isang buwan lang ako sa probinsya. Kung wala ka ngang trabaho ay pwede kang sumama sa `kin. Mag-iingat ka na lang dito, ah. Kumain ka ng mabuti. Nasaan na ba si Joen? Kakausapin ko rin ang batang `yon. Kapag may ginawa sa `yo na hindi maganda si Joen ay sabihin mo sa `kin."
            Napangiti siya kahit nalulungkot. "Opo. Isusumbong ko siya sa inyo. Ikumusta na lang po ninyo ako kina mama at sa mga kapatid ko."
            "Oo. Hayaan mo at gagawin ko `yon."
            Nang bumalik si Joen ay nagpaalam siya sa mga ito na tutungo siya sa banyo. Agad siyang pumasok sa isang cubicle. Eksakto naman na tumulo ang luha niya. Hindi niya mapigilan ang malungkot at maiyak sa pag-alis ng lola niya. Hindi na siya sanay na malayo dito. Hinayaan niya ang sarili na mag-senti. Iiyak muna siya.

"BAKIT ganoon po ang mukha ni Vin, Lola Fe?"
            Ang usisa ni Joen kay Lola Fe nang mapansin niya na parang iiyak si Vin anumang oras. Eksaktong pagkarating niya kasi ay saka naman ito nagpaalam na pupunta ng banyo. Umalis kasi siya para bumili ng pagkain ni Lola Fe. Hindi naman nito iyon ni-request pero gusto niya na bigyan ito. Isa si Lola Fe sa malaking bahagi ng pag-iibigan nila ni Vin. Kahit na sa bahay kasi siya nito ay hindi siya nito pinagbawalan na gawin ang mga bagay sa pagitan nila ni Vin. Nagsilbi pa nga itong tulay para makapag-usap sila ni Vin nang panahon na hindi sila magpansinan nito dahil sa paghalik niya sa mahal niya.
            "Nagda-drama ang apo ko. Tiyak ko na iiyak `yon sa banyo." Kampanteng sabi nito.
            "Kailangan ko po siyang puntahan. Dapat sa tabi niya ako." Aalis na sana siya nang pigilan siya ni Lola Fe. "Bakit `la?"
            "Hayaan mo na muna siya. Ganoon talaga `yon kapag may umaalis sa kapamilya, laging nalulungkot na parang hindi na makikita. Sanay na ako kay Vin."
            "Gusto ko siyang puntahan."
            "`Wag kang makulit. Kakausapin kita kaya dito ka lang."
            Muli siyang naupo.
            "Katulad ng sinabi ko sa `yo ay alagaan mo ang apo ko, Joen. `Wag mo siyang pababayaan. Oras na malaman ko na sinaktan mo si Vin ay malalagot ka sa akin."
            "Alam n'yo naman po na hindi ko siya sasaktan."
            "Naninigurado lang ako. Mahirap na at baka saktan mo siya. `Yong sinabi ko naman sa `yo na sikreto ay gusto kong manatiling sikreto. `Wag mong sasabihin sa kanya."
            Gusto niya sanang sabihin dito na alam na ni Vin ang totoo ngunit nagpigil siya. Hindi niya dapat pangunahan si Vin at Lola Fe.
            "Lola, makakaasa po kayo."
            "Salamat naman kung ganoon. Sige, puntahan mo na si Vin. Ang drama talaga ng batang `yon."
            Nagpaalam siya dito at sinundan nga si Vin sa comfort room. Naabutan niya ito na nakaharap sa salamin at naghihilamos. Pilit man nitong itinatago iyon sa paghihilamos ay hindi naman nawawala. Halatang-halata na umiyak nga ito dahil sa pula ng ilong nito at mata.
            "Tama nga si Lola Fe, nag-drama ka."
            "Joen," gulat na sabi nito.
            "Hindi ko maiwasan, eh," ang sabi nito sabay kuha ng panyo sa bulsa nito. "Hindi na ako sanay na malayo sa akin si lola," pagpapaliwanag nito.
            "`Wag kang mag-alala. Nandito ako, hindi ka mag-iisa."
            Ngumiti ito. "Alam ko `yon. Alam ko na hindi mo ako iiwan."
            Lumapit siya dito at niyakap ito. Tamang-tama na walang ibang tao doon.
            "Kapag nalulungkot ka, lagi mong tatandaan na nasa tabi mo ako."
            Kumalas siya sa pagkakayakap dito ng may pumasok. Nagkatinginan sila ni Vin sa salamin saka nginitian ang isa't-isa. Pagkatapos ay sabay silang lumabas ng comfort room.


NANG umalis na ang bus na sinasakyan ni Lola Fe ay hindi pa rin maiwasan ni Vin ang maiyak. Hindi pa man nagtatagal ang pag-alis ng lola niya ay na-mi-miss na niya ito kaagad. Hinayaan niyang tumulo ang luha niya. Nang mapansin na nakatingin sa kanya si Joen ay agad niya iyong pinunas.
            "Iyakin ka pala. Ang dami pa pala ng bagay na dapat kong alamin sa `yo, Vin ko. `Wag ka ng umiyak. Katulad nga ng sinabi ko sa CR ay nandito ako. Hindi ka nag-iisa. Tara, alis na tayo." Ang sabi nito saka hinawakan ang kamay niya.
            Nagtungo sila sa nakaparada nitong kotse. Sumakay sila doon.
            "Ma-mi-miss ko si lola, Joen ko. Hindi talaga ako sanay na wala na siya sa tabi ko," aniya saka umiyak.
            "Hay naku!" Tila nakukunsuming sabi nito. "Lumapit ka nga dito sa `kin."
            Ginawa niya ang sinabi nito. Umisod siya palapit dito. Nang makalapit na siya ay niyakap siya nito ng mahigpit. "Ang iyakin mo talaga. `Wag ka ng umiyak. Ano ba ang gusto mo? Bibilhin ko para matigil ka sa pag-iyak." Ang sabi nito. Tila tinuturing siya na isang bata.
            Kumalas siya sa pagkakayakap nito.
            "Tinatrato mo naman akong bata, eh," nayayamot na sabi niya sabay punas sa luha niya na naglandas sa kanyang pisngi.
            Ngumiti ito. "Hindi ko alam kung paano ka kasi mapapatahan."
            "Bigyan mo lang ako ng moment. Mga kalahating oras para matigil ako sa pag-iyak."
            "Ikaw ang bahala. Ang weird mo."
            "Nahiya naman ako sa `yo."
            Nagulat na lang siya ng tumawa ito.
            "Bakit ka tumatawa?"
            "Dahil nakakatawa ka. `Wag ka na mag-emote kasi nawawala ang cuteness mo."
            "Baliw ka. Ang pagiging cute ko, hindi `yon mawawala."
            "Ganoon ba. Katulad ba ng kagwapuhan ko `yon?" Ang tanong nito saka itinaas-taas pa ang kilay.
            Natawa na lang siya sa pinagagawa nito. Ang bigat ng pakiramdam na nararamdaman niya kanina ay naglahong bula dahil sa effort ni Joen. Inilapit niya ang mukha dito saka ito hinalikan sa pisngi.
            "Salamat Joen ko. Okay na ako dahil sa `yo."
            Lumuwang ang pagkakangiti nito. "Natutuwa ako na marinig `yan. Saan mo gusto pumunta? Uuwi na ba tayo o mag-de-date pa?" Tanong nito saka pinaandar ang kotse.
            "Ikaw ang bahala. Ikaw naman ang manlilibre. Kahit saan ay okay lang sa akin, basta ikaw ang kasama ko."
            "Uwi na lang tayo sa inyo saka magpa-deliver. O kaya naman ay mag-drive thru. Okay lang ba `yon sa `yo?"
            "Okay lang. Ikaw ang boss dahil ikaw ang may pera." Pagbibiro niya.
            "Pa-deliver na lang tayo. Uwi na tayo kasi gusto kitang masolo." Bumaling ito sa kanya saka pilyong ngumiti. "If you know what I mean."
            "Tingnan mo ang dinaraanan natin. Baka sa pagiging manyak mo tayo madisgrasya. Umayos ka." Natatawa niyang sabi.
            Sinunod naman nito ang sinabi niya. Nag-focus si Joen sa pagmamaneho. Nagsawa naman siyang tingnan ang side view profile nito. Ang tangos pala talaga ng ilong ng lalaking ito. Ang haba din ng pilik-mata.
            "Naiilang ako sa ginagawa mo. Kinikilabutan ako sa kilig, Vin ko."
            "Akalain mo `yon, naiilang ka pala kapag tinitingnan."
            "Sa `yo lang naman," parang batang sabi nito.
            Nagkulitan lang sila ng nagkulitan habang pauwi sa bahay niya. Nang makarating sila doon ay agad na tinawagan nito ang malapit na fastfood chain para magpa-deliver ng pagkain.
            Habang naghihintay sila sa pagdating ng pagkain ay nanood lang sila ng pelikula sa telebisyon. Walang nangyari. Nagkasya lang sila ni Joen na magkatabi. Nakaakbay ito sa kanya at nakahilig naman ang kanyang ulo sa dibdib nito.
            Wala na siyang masasabi pa.
            Nang dumating ang pina-deliver nilang pagkain ay si Joen lang ang gumalaw. Tutulungan niya sana ito pero nagmatigas ito na ito ang gagawa ng lahat. Hinayaan na lamang niya si Joen.
            Pagkatapos nilang kumain ay ito rin ang gumawa ng lahat. Inasikaso niya ang sarili habang abala si Joen sa pagliligpit ng pinagkainan nila. Nang magsawa sila sa pinapanood ay dumiretso na sila sa kwarto niya. At doon naulit ang isang mainit na tagpo sa pagitan nila.


HINDI na ginising ni Joen si Vin. Maaga siyang nagising para umuwi sa kanilang bahay. Hindi na siya nag-abalang istorbohin ang mahimbing na pagtulog ng partner niya dahil alam niya na napagod ito sa ginawa nila kagabi. Nagkasya siya na pagmasdan ang mukha nito. Maya-maya ay napangiti siya at binigyan ito ng isang masuyong halik sa noo saka sa labi. Pagkatapos niyon ay tumayo na siya mula sa kanilang higaan at nagbihis para maghanda sa kanyang pag-alis. Ngunit bago niya iyon gawin ay ipagluluto niya muna si Vin. Bagay na hindi niya alam gawin ngunit nang makilala niya ito ay natuto siyang alamin. Katulad nito ay hanggang pagpi-prito at paglalaga lang ang alam niyang luto. Para dito ay mag-aaral siya na magluto. Kung kinakailangan ay magpapaturo siya kay Nick ngunit alam niya na malabo iyon dahil abala ang pinsan niya sa ginagawa nito.
            Nang makapagluto siya ay agad niyang inayos iyon at tinakpan sa mesa. Kumuha siya ng isang papel at doon nagsulat para mag-iwan ng mensahe kay Vin. Para makasigurado ay nag-text na rin siya dito para magpaalam. Sinigurado niyang naisarado niya ang pintuan ng gate bago siya sumakay sa kanyang kotse.
            Pinaandar niya ang kanyang sasakyan at may ngiti sa labi habang inaalala ang nangyari sa kanila kagabi. Wala na siyang hahanapin pa kay Vin. Iyon ang sigurado niya. Alam niya na pareho sila nitong baguhan sa ganitong relasyon. Wala silang problema at hindi kailanman na magkakaroon. Nakakatiyak siya doon.
            Sa kanilang relasyon ay pareho silang nagbibigay. Open sila sa isa't-isa maliban sa isang bagay, isang sikreto na hindi pa magawang sabihin sa kanya ng partner niya. Ano man iyon ay tatanggapin niya. Lagi siyang handa na makinig dito katulad ng ginagawa nito sa kanya.
            Nang makarating siya sa kanilang bahay ay agad niyang pinuntahan ang daddy niya. Sa natanggap niyang text message dito kagabi ay gusto siya nitong makausap. Kung para saan ay hind niya alam. Kukunin na rin niyang pagkakataon iyon para makapag-usap sila ng mabuti sa pabor na hinihingi niya dito at iyon nga ay ang muli niyang pagtatrabaho sa restaurant kasama si Vin.
            "Dad," ang sabi niya para makuha ang atensyon nito mula sa binabasa nito.
            Nag-angat naman ito ng tingin.
            "Mabuti at nandito ka na. Kailangan kitang makausap."
            "Para saan po?"
            "Tungkol sa muli mong pagtatrabaho sa restaurant natin."
            "Ano po ang tungkol doon? Tamang-tama at iyon din po ang gusto kong sabihin sa inyo. Aprub na po ba ang muli kong pagtatrabaho sa restaurant?" Excited niyang tanong.
            "Aprub na nga iyon," ang sabi nito.
            Napangiti siya nang malawak ngunit agad din iyong nabura sa sunod nitong sinabi.
            "Oo. Magtatrabaho ka sa restaurant natin pero hindi sa branch kung saan nagtatrabaho si Vin. Wala ng space doon kaya nag-decide ako na sa ibang branch ka na lang magtrabaho."
            "Ayoko."
            "Anong ayaw mo? Hindi ba sabi mo kailangan mo ng trabaho para mabili mo `yong bracelet na ibibigay mo para kay Vin."
            "`Yong allowance ko na lang ang ibibili ko. Alam n'yo naman po na bukod sa pagtatrabaho ko para mabili iyon ay gusto ko rin na makasama si Vin. Kaya kung ganoon lang ang mangyayari ay hindi na lang ako magtatrabaho. Mawawalan ako ng oras kay Vin kung sa ibang branch ako magtatrabaho."
   Umiling-iling ito.
            "Hindi na kita bibigyan ng allowance. Na-realize ko na kailangan mo ng kumilos sa sarili mong paa, Joen. Kung gusto mo si Vin na makasama hanggang sa tumanda kayo ay dapat lang naman na buhayin mo ang sarili mo at siya sa paraan mo. Hindi ka na bumabata. Kukunin ko na rin na pagkakataon ang pagtatrabaho mo sa restaurant para ma-train kita." Magsasalita sana siya ng muli itong magsalita. "Sa ayaw at sa gusto mo ay magtatrabaho ka doon."
           Bumuntung-hininga siya. Kahit na tumanggi siya ay wala naman siyang magagawa kaya papayag na lang siya.
            "Kahit ayoko, wala naman na akong magagawa. Kailangan kong sundin ang gusto niyo dahil alam ko na sa ikabubuti ko rin iyon. Isa pa, dapat mabili ko ang bracelet na iyon para sa monthsary namin ni Vin. Kakausapin ko na lang siya. Nangangamba ako na baka sa pagtatrabaho ko sa ibang branch ng restaurant ay mawalan kami ng oras sa isa't-isa."
            "Bakit kailangan mong isipin na mawawalan kayo ng oras sa isa't-isa sa pagtatrabaho mo? Habang nagmamahalan kayo ay hindi kayo mawawalan ng oras sa isa't-isa. Love will always find a way to each other." Makahulugan na sabi nito.
            Tumango na lang siya. Pagkatapos nilang mag-usap ay dumiretso na siya sa kwarto niya. Naligo siya at naghanda para magtungo ulit sa bahay ni Vin. Kailangan niyang kausapin ito. Susulitin na rin niya ang araw na ito para makasama niya si Vin ng matagal. Dahil alam niya na simula bukas ay magiging abala na siya sa trabaho niya pati ito.


ISANG maluwang na ngiti ang pinakawalan ni Vin ng mabasa ang text message na galing kay Joen. Mas lalo pang lumuwang iyon ng makita niya ang nakahandang pagkain sa mesa na alam niyang ginawa ni Joen para sa kanya. Alam niya na hindi na siya nito inabala pang gisingin dahil alam nitong napuyat siya kagabi sa ginawa nila. Kagabi, ay muling may nangyari sa kanila ngunit katulad ng naunang nangyari ay walang pasukan ang nangyari sa pagitan nila. Nagpapasalamat siya dahil hindi nagpumilit si Joen na gawin iyon. Ganunpaman, alam niya na naibigay nila sa isa't-isa ang satisfaction na nais nilang mangyari.
            Umupo siya sa upuan at nagsimulang kainin ang breakfast na hinanda ni Joen. Habang kumakain siya ay hindi mawala-wala ang ngiti sa kanyang labi. Ang swerte niya na nagkaroon siya ng isang karelasyon na katulad ni Joen. Wala na siyang hahanapin pa dito.
            Ang pangamba lang niya ay baka sa halos na perpektong relasyon nila ay baka isang araw ay mawala na lang iyon. Natatakot siya na mangyari iyon.
            Nawala ang ngiti sa labi niya. Napabuntung-hininga siya.
            Umaandar na naman ang pagiging negative niya. Dapat ay hindi sya mag-isip ng ganoon dahil magkakaproblema sila nito. Kailangan niyang maging positibo sa mga bagay-bagay. Kailangan niyang magtiwala kay Joen. Kailangan niyang magtiwala sa pagmamahalan nilang dalawa.
            Nang matapos siya sa pagkain ay hinugasan na niya iyon. Tutal ay wala naman siyang gagawin sa raw na iyon dahil wala naman siyang pasok ay nagkasya na lang siya sa pag-aayos at paglilinis ng bahay nila. Nasa kalagitnaan na siya ng paglilinis ng kanilang sala nang marinig niya ang ugong ng motorsiklo na huminto sa tapat ng bahay nila. Kahit hindi siya lumabas ay alam niya na si Joen iyon. Hindi na siya nag-abala pa na lumabas. Narinig niya ang pagbukas ng front door nila at mga yabag. Inihanda niya ang isang matamis na ngiti ng pumasok si Joen sa living room nila.
            "Kumusta? Bakit ang aga mong bumalik?"  
            "Na-miss kasi kita kaagad," ang nakangiting sabi nito.
            "Bolero. Wala ka lang sigurong magawa sa bahay niyo kaya ganoon."
            "May tama ka doon pero na-miss talaga kita. Gusto rin kitang makausap."
            "Huh? Para saan?"
            "`Di ba sinabi ko sa `yo na papasok na ulit ako sa restaurant."
            Tumango siya. "Ano ang tungkol dun ngayon?"
            "Magtatrabaho nga ako ulit doon kaso sa ibang branch."
            Bigla siyang nalungkot sa sinabi nito pero hindi na iyon ipinahalata.
            "Ganoon ba. Oo, hindi ka na pwede dun sa branch namin dahil wala ng bakante. Noong isang araw lang dumating `yung bago."
            "Okay lang ba sa `yo `yon?"
            "Oo naman," mabilis na sagot niya saka nag-iwas ng tingin. "Walang kaso `yon sa `kin. Ano pala ang bibilhin mo ng sweldo mo?" Pag-iiba niya sa usapan.
            "Isang sekreto `yon," paiwas nitong sabi.
            "Mukhang malalim na sekreto talaga `yan, ah. Malalaman ko rin kung ano ang pag-iipunan mo." Ang pabirong sabi niya.
            Gusto niya na gumaan ang pakiramdam niya sa paraan ng pagbibiro. Alam niya kasi na kahit hindi si Joen mag-usisa ay alam nito na hindi okay sa kanya ang pagkakalayo nila dahil sa tarabaho kahit na nasa vicinity lang iyon ng siyudad. Hindi na kasi siya sanay na hindi ito kasama. Sobra na siyang nasanay na palaging kasama ito. Pero ano ba ang magagawa niya? Bilang may-ari ng restaurant ay si Tito Ric ang nagdedesisyon.
            "`Wag kang mag-alala Vin ko, kahit na sa ibang branch ako ay lagi pa rin tayong magkikita. Susunduin at ihahatid kita palagi."
            "Hindi mo na kailangan pang gawin `yon," agad niyang sabi.
            Nagulat naman ito sa pagtanggi niya.
            "Bakit?"
            "Mahihirapan ka lang Joen, ma-le-late ka kung palagi mong gagawin `yon. Tandaan mo na magkaiba tayo ng way. Gagahulin ka ng oras kung susunduin mo ko tuwing umaga. Imbes na didiretso ka na ay aatras ka pa, kaya huwag na."
            "Ikaw ang bahala," agad na sang-ayon nito. Nakita niya ang pagtutol sa mukha nito pero sumang-ayon na lang.
            "Ikaw lang naman ang iniisip ko, Joen ko. May pinag-iipunan ka kaya dapat ay palagi kang maaga at `wag ma-late dahil kaltas pa `yon sa sweldo."
            "I'll understand. Habang naglilinis ka ay magluluto na rin ako ng pagkain natin."
            "Marunong ka ng magluto?"   
            "Nagpaturo ako kay Aling Mercy bago umalis. Para makasigurado ay hiningi ko na rin `yong recipe," anito sabay pakita sa kanya ng kodigo nito.
            Napangiti na lang siya. Lumapit ito sa kanya at niyakap siya. "`Wag kang malungkot na hindi tayo magkakasama palagi. You'll be in my heart."
            Hindi siya tumugon. Kumalas ito sa pagyakap sa kanya saka siya iniwanan.
            Nang hindi na niya ito makita ay napaupo siya sa sofa. Bukod sa lungkot na nadarama niya ay may pangamba rin sa puso niya. Kung para saan ang pangambang iyon, iyon ang hindi niya alam.


MAGKAHARAP si Vin at Joen habang magana silang kumakain ng pagkain na niluto ni Joen. Sarap na sarap siya sa putaheng niluto nito. Hindi na nga niya ito kinakausap dahil sa sunod-sunod niyang pagsubo.
            "Vin ko, hinay-hinay lang. Alam kong na-appreciate mo ang niluto ko pero `wag naman halata." Ang nang-aasar na saway ni Joen sa kanya.
            Nilunok niya muna ang kinakain bago magsalita. "Ang sarap kasi. Idagdag pa na paborito ko `tong niluto mo. Sigurado ka bang first time mong magluto?"
            Tumango ito. "Oo. First time. Katulad mo ay pagsasaing, paglalaga at pagpiprito lang alam ko. Pero ngayon na makakasama, kita kailangan matuto na akong magluto."
            Napangiti siya. "Hayaano mo, Joen ko. Sabay tayong matutong magluto. Magpapaturo rin ako kay Aling Mercy o kaya kay lola `pag nakabalik siya. Ano ba ang gusto mong ulam? Pag-aaralan ko `yon."
            "Chicken curry, caldereta, menudo."
            "Ang dami naman. pero okay lang, para sa `yo ay pag-aaralan ko `yon."
            "Ang sweet mo."
            "Sweet ka rin kasi kaya ganoon."
            Hinawakan nito ang kamay niya na nakapatong sa mesa. Mahina nitong pinisil iyon. "Saan mo gustong pumunta pagkatapos nating kumain?"
            "Lalabas tayo? `Wag na lang. Dito na lang tayo sa bahay. Sayang ang pera mo. `Wag ka nang gagastos. Tandaan mo na may pinag-iipunan ka."
            "May pinag-iipunan nga ako, para sa `yo `yon."
            Nagulat siya sa sinabi nito."Para sa akin?"
            "Yeah. Pero sikreto at surprise `yon. Ibibigay ko `yon sa `yo sa monthsary natin."
            "May pinag-iipunan rin ako," aniya, sabay ngisi. "Ibibigay ko rin sa monthsary natin."
            "Talaga?"
            "Oo."
            Pagkatapos nilang kumain ni Joen ay magkatulong nilang hinugasan ang kinainan nila. Siya sana ang gagawa niyon na mag-isa, ang kaso ay mapilit ang lalaki kaya para huwag na itong mamilit pa ay sila na lang ang gumawa.
            Ngayon ay nakaupo siya sa sofa habang nakahiga si Joen doon at nakaunan sa hita niya ang ulo nito. Pinagsawa niya ang sarili na pagmasdan ang mukha nito. Nang hindi magkasya sa pagtingin ay ibinaba niya ang mukha at binigyan ito ng halik sa labi na ikinangiti nito kahit na nakapikit.
            "Isa pa nga," ang sabi nito.
            Ginawa naman niya ang sinabi nito. Muli niya itong hinalikan sa labi. Sa pagkakataong iyon ay mas matagal. Pinalalim niya ang halik na ginantihan naman ni Joen nang buong pagsuyo. Naglayo lamang sila nang pareho na silang kapusin sa hangin.
            Umupo si Joen at nakangiting nakatingin sa kanya. Niyakap siya nito.
            "Sulitin na natin ang araw na ito, Vin ko, labas tayo." Akmang tututol siya nang unahan siya nito magsalita. "`Wag kang mag-alala. HIndi ako gagastos ng masyado. Gusto ko lang talaga na makasama ka sa paglabas ngayon. Ayaw mo naman na sunduon kita palagi kaya dito na ako babawi." May lungkot na sabi nito.
            Nawalan siya ng sasabihin. "Joen.."
            "Vin, pwede bang pagbigyan mo ako ngayon. Alam mo naman na mami-miss kita. Alam kong nagiging OA ako. Pareho lang tayong nasa malapit pero pakiramdam ko parang magkakalayo tayo ng matagal."
            Natumbok nito ang nararamdaman niya kanina. Natukoy ang pangamba na bumangon sa dibdib niya. Kung ganoon ay pareho lang sila nito ng nararamdaman. Ang pakiramdam na kahit nasa malapit lang ay parang magkakalayo sila ng matagal. Masyado silang nasanay sa presensiya ng isa't-isa simula ng maging sila. Ang pagiging inseperable nila ay parang ayaw nilang matapos.
            Bumuntung-hininga siya. "Pareho lang tayo ng nararamdaman, Joen. Kahit ako pakiramdam ko na lalayo tayo sa isa't-isa ng matagal. Ayoko rin na mangyari `yon. Pero kailangan nating sanayin ang isa't-isa at magkasya sa text at tawag kahit na nasa malapit lang tayo. Hindi natin dapat idepende ang buhay natin na palagi tayong magkasama. Paano kung may mangyari sa isa sa `tin na hindi maganda. Ano ang mangyayari sa `tin?"
            Hindi ito nakapagsalita.   
            Dumaan ang sandaling katahimikan.
            "Joen.."
            "Bakit ganyan ka mag-isip Vin? Bakit kailangan mong pangunahan ang mga bagay na mangyayari. Walang mangyayari sa isa sa `tin. Kung meron man ay hindi ngayon dahil tatanda tayo na magkasama. Iyon na ang nakatanim sa puso at utak ko. Tatanda ako na kasama ka." Ang sabi nito na pinagdiinan ang limang huling salita.
            "Joen, ganoon din naman ako. Gusto kong tumanda na kasama ka pero.."
            "May pag-aalinlangan ka na ako ang makakasama mo pagdating ng panahon?" Ang sabi nito, patanong. Nakita niya ang hinanakit sa mukha nito.
            Tumayo ito.
            "Saan ka pupunta?" tanong niya sabay hawak sa kamay nito. Napatayo na rin siya.
            "Sisimulan ko na na masanay na wala ka sa tabi ko," anito sabay alis sa kamay niyang nakahawak sa kamay nito.
            "Joen naman.."
            "Iyon naman ang gusto mo, hindi ba? Kailangan nating sanayin ang isa't-isa na hindi magkita kahit na tayong dalawa. Kahit na ayoko ay gagawin ko `yon. Tama ka naman na baka may mangyari sa `tin. Hind natin alam."
            Niyakap niya ito. HIndi niya mapigilan ang maluha sa nakikitang sakit sa mukha nito. SInisisi niya ang sarili. ANg saya na nila kanina. Bakit ba kasi sinabi pa niya ang mga iyon?
            "Sorry."
            "Let's do it now, Vin. Sanayin natin na wala tayo sa tabi ng isa't-isa. I'm just doing what you want. Magkita na lang tayo pagkatapos ng isang linggo. O kaya naman ay sa monthsary na lang natin."
            Marahas siyang umiling. Humigpit ang pagkakayakap niya dito.  
            "Joen naman. `Wag naman ganito. Ayaw kong nag-aaway tayo. Gusto ko lang naman na maging open tayo sa mga possibilities. Pero ayokong malayo sa `yo nang matagal."
            "Ayaw mo pala pero bakit kailangan mo pang sabihin iyon? Pagbigyan mo naman ako. Ayokong kinokontra kasi ayokong mag-away tayong dalawa pero may pagkakataon na gusto kong ako naman ang masunod. Give and take ang relasyon natin, hindi ba? Kung may mga bagay ako na gustong gawin na kasama ka at alam kong sa ikabubuti natin na dalawa ay gagawin ko kahit na tututol ka pa. Simula bukas ay susunduin kita. Okay lang na mahirapan ako o ma-late man. Basta alam ko safe ka."
            "I'm sorry," tanging nasabi niya saka mas hinigpitan ang pagkakayakap dito.
            "`Wag ka nang umiyak, Vin ko. Alisin mo ang takot sa puso mo. Hindi mangyayari ang mga `yan. Pinapangako ko sa `yo."
            Hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi gamit ang kamay nito. Pinunasan ang luha na naglandas sa kanyang pisngi gamit ang hinlalaki nito.
            "I'm sorry din. Dahil sa `kin umiiyak ka."
            "Sige, Joen ko, labas na tayo. Papayag na rin ako na ihatid at sunduin mo ako. Pero kapag nahihirapan ka na, magsabi ka lang sa `kin. Mauunawaan kita."
            Niyakap siya nito. Muling inilayo saka hinalikan sa labi.
            "Hinding-hindi mangyayari iyon," anito saka siya niyakap.
            Hindi siya sumagot. Ginantihan niya ang yakap nito.






  

19 comments:

  1. Kaw talaga author lagi ka na Lang nag- papamiss. Mukhang start na ito ng magandang pagsasamahan ng dalawa pero ang sitwasyon ba ang makakaapekto sa kanilang dalawa? Umpisa na rin ng mga pagsubok sa kanilang relasyon. Sino ba kasi yung madadagdag? Hay affected much na naman at sa tingin ko maraming tanong pa ang kinakailangang masagot.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahahaa.. na-miss mo ako, Angel? Na-miss ko din comment mo.. hehe..
      Start na nga at ito ay fourth to the last na update ko.. tatlo na lang at matatapos na ito.

      Pagsubok ba? Mukhang wala naman eh.. kaunti lang yata.. haha!

      Yong mga tanong? Hmmmm...

      Delete
  2. Kairita! Kainggit c vin! Haaaayyy.

    -hardname-

    ReplyDelete
  3. Ang cute.. cool talaga. Ang mature at ang pure magmahal ni joen kaso nakakatakot baka si joen ang unang matempt sa tukso baka may makilala sya sa restaurant na makapaglikha ng away sa kanila. Good luck na lang kay vin. Wag ka mag alala vin andyan pa naman si nick. Pogi na madiskarte pa. Hehe thanks sa update mr. Author.

    -tyler

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tyler,

      Hindi na po eeksena si nick.. gumagawa na siya ng sarili niyang kwento..

      Salamat sa comment!

      Delete
  4. ayan, muntik ng magaway. pinaghiwalay pa talaga ng branch. panira talaga si daddy ric. haha.

    bharu

    ReplyDelete
  5. Good job Mr. Author! =]

    ReplyDelete
  6. ang sarap basahin nakakainlove na miss ko na mahal ko :)

    boholano blogger

    ReplyDelete
  7. Ang cute naman ng LQ nila. Pero baka there's a calm before the storm yan...Huwag sana.Thanks for the update...God Bless You.

    ReplyDelete
  8. Hows sweet nmn nila joen at vin..... nakakaingit nmn, excited sa next part author

    ReplyDelete

  9. Sundan n kaagad pls author....

    Nakaka excite tlga



    Jay_05

    ReplyDelete
  10. Sana sundan toh kaagad..at sana pahabain pa hang gang chapter 30..he he


    Kaya ayoko nagbabasa ng magagandang story kc namimisko yung mga characters.. Hehehe

    Author.. Anu email add mo?

    (Rold Ivan Santiago)

    ReplyDelete
  11. Hays salamt at me update na kahit bc sa work me taym pa rn nman ako mag basa Mr. V heheh

    Tnx sa update naiimagine ko tuloy ung scene nilang dalawa ^_^

    Nga plan sa ligao,albay ako tabi medyo harayuon sa muya an place mu noy hehe add mu na lng ko sa fb para dun n lng kita e message if mag papa add ka hehe

    WAITING FOR THE UP COMING LAST 3 CHAPTERS

    -JAPS-

    ReplyDelete
    Replies
    1. kuya!! malapit ka lang sa amin!! taga.guinobatan po ako..

      Delete
  12. Vienne! Hahay! Time Check: It's 1:35 AM na. Haha. Nagpakareader mode ako kasi mamaya, magsusulat ko. Haha. Nice chap. Kaso sana naman di mo pinutol yung BS. Haha. I'm just kidding. Haha. I'll wait for that. Kahit kailan pa yun. :)

    ReplyDelete
  13. sino author nito? anu fb account nya? pwede ko ba malaman?
    galing ng author noh?? hehe

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails