Followers

Monday, August 18, 2014

Love Is... Chapter 09




AUTHOR’S NOTE: Hello! Humihingi ako ng paumanhin sa naging delay ng pagpost sa Chapter 9 Part 2. Ito'y dahil sa nag-expect ako na all the way na ang internet connection ko sa bahay, but it turned out na nadisappoint lamang ako. Argh! I really hate it!

Anyways! Balik tayo sa update! Alam ko na naghintay kayo para sa posting ng Part 2. Heto na yon. This is the complete Chapter 9. Full content at mahaba!


I'm really sorry guys! Nangangapa rin lang kasi ako sa gagamitin kong PC dahil hindi akin ang laptop na ginagamit ko ngayon. I really need one for myself. Yung madadala ko sa workplace ako. :(


I miss you, Babe! How are you?


Maraming salamat din kila Kuya Ponse at Sir Mike sa patuloy na pagbigay ng access sa sakin dito sa blog. Maraming salamat po!


Maraming salamat din sa mga nagsipagcomment sa last chapter na sina VIENNE CHASE (Salamat sa suporta! Haha! Makakaasa ka na ganun din ako sayo), JAY05 (Wag po kayong masyadong excited. Hehe. Andito na yun so, patience is a virtue! Haha!), PRINCE JUSTIN DIZON, -HARDNAME-, BHARU (Dami ko tawa dun sa joke mo, mga 1000. Haha!), JOHNNY QUEST, MARVS, DAVE, ANGEL, YELSNA REYES, JIM XD (Walang anuman. It's your choice naman e. So do what you really want to do!), GEOLOGY STUD (Okay na. No worries :D), at sa tatlong mga Kuya ANONYMOUS!


Andito na guys. Dito niyo makoconfirm kung sino ang gusto ni Riel. Argh! Gusto ko sana na sa Chapter 10 pa yun ilabas, pero, yun na ang hinihingi ninyo. Medyo matatagalan din ang next update. If that happen, I'm so sorry :D Please bear with me na lang ulit. :3


Naconfirm ko na. My inspiration why I am here, writing this story. Ito kasing story na to yung nagpadama sa akin na kahit ano pa man yung pinagdaanan mo sa past, mayroong tatanggap, at magmamahal pa rin sayo. I really admire MR. JOEMAR ANCHETA, for writing such story like EVERYTHING I HAVE. Lahat ng emosyon naibuhos ko ng nabasa ko yun. Hayst! Sa dami ng nabasa ko na, ito yung bumago sa pananaw ko sa buhay. Kung di niyo pa nababasa, please do make time. I'm sure magugustuhan niyo siya. :D


Please do support these stories too guys. They're the best writer I've ever known.


Jace Page's THE TREE, THE LEAF, and THE WIND

Vienne Chase's FATED ENCOUNTER
Prince Justin Dizon's CAN'T WE TRY?
Bluerose Claveria's GEO - MR. ASSUMING
Gio Yu's FINAL REQUIREMENT

So this is guys! The FULL CONTENT of the Chapter 9! Enjoy!

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


LOVE IS…
Rye Evangelista
theryeevangelista@gmail.com


-- Previous Chapters --


1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 ]

CHAPTER IX


“Oh! Kayo pala! Kanina ko pa kayo inaantay.” Pagkuha ko sa atensyon nila. Lumapit na rin ako sa kanila.

Napakamot lamang ng ulo si Eli, samantalang si Eri naman ay panay ang siko sa kapatid at pangiti-ngiti.

“Riel. Ba’t sila andito?” Biglang sulpot ni Brett sa tabi ko.

“Eli, Eri. Bakit nga kayo andito?” Tanong ko sa dalawa. Tumango na lang ako bilang sign na sila na ang magsabi.

“Ah… Eh… Hehe... Andito kami para sana magvolunteer. Hehe.” Saad ni Eri. Tumango naman si Eli matapos ang pagsabi nun ni Eri. Nagpapacute pa sa best friend ko itong babaeng to.

Nakow! Alam ko na kung bakit nag-iba yung mood niya noong nasabi ko na may fiancée na si Brett. Haha! Ang gwapo talaga ng best friend ko! Kainis! Hala! Erase! Erase! Crossed-out na si Brett! Move-on na po tayo! Tsk! Sarcasm!

“Andrei!” Pagtawag ko sa mag-iinterview sa kanilang dalawa. “Ikaw na ang bahala sa dalawang ito.” Pagnguso ko sa dalawa. “Isama mo na rin sila Yukino, Gino at Reema para sa panel.” Tango naman ang naisagot ni Andrei sa akin.

“Let’s go?” Pag-alok ni Andrei sa kanila.

Napatango na lang yung dalawa sa naturan sa kanila ni Andrei.

“Teka! Ah Riel. Matanong ko lang, magbo-volunteer ba sila for School Fest lang o sa Student Council mismo?” Oo nga no? Sabgay, dadalawa pa lang yun volunteer namin dito sa SC.

Napabaling tuloy ako doon sa dalawa.

“Eli, Eri. Kung sakali ba, willing kayong magvolunteer for the Student Council? Kapagka kasi sa School Fest lang, makakasama namin kayo the whole month of August, while kung sa Student Council, eh, the whole year.” Paliwanag ko. “So what do you think?”

Nagkatinginan naman yung dalawa. “Sa Student Council!” Sabay na namutawi sa kanilang mga bibig.

Napapalakpak naman ako sa tuwa! Yey! It will be more fun in the Student Council. Haha!

“So, wala ka na bang ibang tanong Brett?” Pagpansin ko kay Brett, may kung anong ginagawa ito sa kanyang cell phone. “Brett?”

“Ah… Eh… Ano ngang tanong mo?” Weird! Something’s off with my best friend!

“May problema ba?” Unang bungad ko sa kanya. “Weird kasi, you’re spacing-out, akala ko ba ako lang yung ‘spacing-out’, ‘daydreamer’, whatsoever dito? Ang sabi ko, kung meron ka pang tanong. Masyado na kasing late, so kailangan na nilang mainterview.”

“Ah! Wala na! Haha! Sige sige!” Tanging naisagot nito sabay talikod. Napailing na lang ako sa best friend ko. What is his problem?

“So Andrei, pwede na kayong magsimula.” Baling ko kay Andrei. Napatango na lang itong muli sa akin.

“Please be gentle guys.” Huling saad ko kay Andrei at sa mga makakasama niya sa panel sabay kindat. Natawa naman yung tatlo. Nakita ko naman na pangiti-ngiti lang yung dalawa sa kanila.

“Tara?” Untag sa kanila ni Yukino.

Magsisimula na sana silang maglakad papuntang conference room ng SC nang may biglang nagbukas ng pinto.

Nagulat naman ako sa pumasok.

“Red?!” Naibulalas ko.

Napakamot naman ito sa ulo. Halatang pagod na pagod din ito.

“Hi! Magbo-volunteer sana ako.” Kahit pagod, buo niya pa rin itong nasabi.

-----

Red’s POV

Nasa soccer team room kami ngayon dahil nagpatawag ng pagtitipon ang aming coach. Babalik na raw kasi kami sa training dahil sa pagkakaroon ng tournament na sponsored ng isang shampoo brand na panglalaki. Gaganapin yun sa October, at kinakailangan namin ang puspusan na pag-iensayo.

Nagsasalita na noon ang aming coach nang makatanggap ako ng text mula sa aking pinsan.

Punta ka sa SC room. Dali! Magvolunteer ka rin. Eli is here.

Kabuuan ng text na natanggap ko. Agad akong napatayo dahil doon.

“Coach! Emergency lang po.” Hindi ko na hinintay pa ang pagpayag niya.

Narinig ko na lamang ang pagsisigaw niya ng aking apelyido. “Ariola! ARIOOOOOOLA!”

Sorry coach! Magpapaliwanag ako mamaya! Kailangang nandun din ako!

Agad kong tinakbo ang daan papuntang SC room. Nasa administrative building yun kaya malayu-layo ang aking tatakbuhin.

Hindi ko man makumpirma, pero nakikita ko na interesado rin si Martinez kay Riel. Ayokong isipin na ganun ngunit yun yung napapansin ko sa kanya.

Simula kasi nung nagkausap sila last week, napapasama na sa amin si Martinez. At sa kilos niya’t mga ginagawa ay tama ang aking hinala.

Karibal? Argh! Iniisip ko pa lang ay naiinis na ako. Wala pa akong nagiging hakbang simula nung naging magkaibigan kami ni Riel. I want to confess, pero nauunahan ako ng takot na baka… na baka hindi niya naman yun tanggapin. I still don’t know what to do. Hindi rin ako sigurado sa nararamdaman niya saakin. Although, nakikita ko na iba ang epekto ko sa kanya, sa tuwing magkakasama kami.

Nasaan ka na? They’ll gonna start! Yung pagbo-volunteer mo, sabihin mo sa Student Council. Sunod na text sa akin ni Brett.

I’m so desperate to confess! Argh! Ayokong maunahan!

Agad kong inakyat ang building kung saan naroroon ang SC room, na nasa 3rd floor na katabi lamang ng Principal’s Office.

Hingal na hingal akong nakarating sa pinto ng SC room dahil sa pagmamadali. Kailangan kong makahabol! Argh!

Matapos kong magpahinga ng konti ay agad kong hinawakan ang door knob at ito’y aking binuksan. Hindi ko muna inabala ang sarili ko sa pagkatok.

Tumambad sa akin ang gulat na mukha ni Riel dahil sa pagpasok ko.

“Red?!” Bulalas nito.

Yes! It’s me, Baby! Napangiti na lang ako.

“Hi! Magbo-volunteer sana ako.” Saad ko na hindi mababakas ang pagod. Napabuntong hininga na lamang ako matapos kong sabihin yun. Great! Just great!

Napatingin ako kay Brett, at marahan akong tumango sa kanya para sa aking pagpapasalamat. Magpinsan kami. At syempre kami ang magkakampi.

Nasabi niya kasi sa akin na nahalata niya sa mga kilos ko na gusto ko ang matalik niyang kaibigan. There’s no reason to deny it, kaya agad kong inamin yun sa kanya. Lahat lahat ng hakbang na ginawa ko noon, just for his best friend to notice me. Naintindihan niya naman ako.

Mahal ko ang best friend ko. Kung ikaw ang makakapaglagay muli ng ngiti sa kanya, susuportahan kita sa abot ng aking makakaya.

Sabi niya noon sa akin. I never thought, Brett will be fine with that.

Dahil hindi na kami pwede, mas gugustuhin ko pa na sa kakilala ko siya mapunta. Bonus na lang siguro dahil pinsan kita.

Nagulat ako sa sinabi niyang yun. Akala ko pa naman ay hindi siya kailanman nahulog sa kaibigan. I admire him for that. He’s really into Irishane Lim talaga. I’m lucky, I guess. Mas matimbang siguro ang pagmamahal niya sa fiancée, kaysa sa kaibigan.

Bumalik ako sa aking huwisyo dahil sa pagsasalita ni Brett.

“Okay! Mabuti pang sabay-sabay na kayong tatlo na magpainterview. Andrei?” Saad niya.

Napatango na lamang yung Andrei. Napatingin naman sa aking sina Eli at Eri. Ngiti lamang ang isinukli ko sa kanila. Ha! Hindi ako magpapatalo sayo, Martinez!


Riel’s POV

Hindi-hinding ko makakalimutan ang epic na entrance ni Red sa SC room kanina. What? As in what? Magbo-volunteer din siya? Argh! Hindi ko ata magagawa ang trabaho ko kapag andito siya! Haha!

Ewan!

Inaantay na lamang naming lumabas yung tatlo sa conference room. Panel interview na ang nangyari dahil gumagabi na rin. Alam ko na kailangan naming matapos ang preparation patungkol sa School Fest, pero mahalaga pa rin ang kaligtasan namin. Kaya, pagkatapos na pagkatapos din ng interview ay uuwi na kami.

Napalingon na lamang ako nang magbukas ang pinto ng Conference room. Nagtatawanan silang lumabas doon at nakuha kaagad ng atensyon ko ang nakangiti at napapakamot sa ulo na si Red.

Tumatawa namang nakasunod sina Andrei at Gino na kausap naman si Eri. Napansin ko ang nakabusangot na mukha ni Eli na huling lumabas doon.

“Anong problema mo, Eli? For formality lang naman yung interview ah. Imposibleng di ka natanggap?” Pagkuha ko sa atensyon nila. Pabalik balik naman ang mata ko sa mga nag-interview sa kanila. Tanging iling lamang ang nakuha kong sagot. Nagsasagian pa ng mga siko sila Yuki at Reema.

Napatingin tuloy sa akin si Eli nang dahil sa tanong kong yun. Pero, agad niya itong inilingon sa iba. Wala naman itong naisagot. I’m really bothered! Hindi ba siya masaya sa pagkakatanggap niya bilang volunteer? Imposible! Masaya niya kayang tinanggap yung alok ko sa kanya, nung nag-usap kami. Kainis!

“Ako! Alam ko kung— Hmm… Hmm…” Sagot sana ni Eri, kaso agad na tinakpan ng kanyang kapatid ang bibig nito.

“Wag niyo na lang tong pansinin kapatid ko. Hehe.” Saad ni Eli habang nakatakip pa rin yung isang kamay niya sa kapatid. Mariin niyang kinakausap ang kapatid sa pamamagitan ng titig. Argh! Anong problema mo?

“Okay sige! Bukas na lang tayo magkakaroon ng welcome celebration para sa mga bagong members. We need to go home guys. Masyado nang gabi.” Biglang saad ni Brett.

Agad namang sumang-ayon ang mga kasama namin. Argh! Gusto kong malaman! Hayst! Sige na nga!

“Sige na guys. Ayusin niyo na lang lahat ng gamit, then you can go.” Huling bilin ko.

Bumalik na lamang ako sa aking upuan para ayusin ang aking gamit. Bakit siya ganun? I’ll ask him. Baka bukas na siguro. Kailangan kong malaman! Argh! Kami ang nagplano noong band. So I need to know his side.

Isa isa kaming nagsilabasan sa SC room. Medyo madilim na nga kaya magko-commute na lamang ako. Hindi naman siguro masakit sa bulsa ang sampung pisong pamasahe.

“Riel!” Pagkuha sa akin ng atensyon ni Brett.

Napalingon naman ako sa kanya. “Ano yun Brett? Ah! Kung sasabihin mo sa akin na sumabay na, ay tatanggi ulit ako. Magko-commute na lang ako. Tsaka—.”

Pinutol niya ako sa aking sinasabi. “This time, totoo na. Nasa bahay na nila si Iris, kaya pwede kang sumabay sa akin.” Tugon niya. May ngiti rin sa kanyang mukha. What’s happening?

Napatingin naman ako sa tumabi sa best friend ko. Tumango ito.

“Sabay ka na kay Brett.” Saad niya. Argh! Ba’t ako tatanggi! My gahd! Haha!

Napatango na lamang ako ng marahan sa kanya. Bwesit! You made my day! Alam mo ba yun? Does it mean, araw-araw ko na siyang makakasama? Pero paano yung trainings niya sa soccer? Hayst!

Bigla namang nagring yung cell phone niya. Agad niya naman itong sinagot.

“Hello, Coach?” Sagot niya sa kabilang linya. Lumayo siya ng bahagya. Hala! Tumakas ba siya? Iniisip ko pa lang, napapangiti na ako.

Agad naman itong bumalik para magpaalam. “Sige Riel. Alis na ako. Kailangan ko nang bumalik. Coach must be fuming. Haha. Tumakas lang kasi ako.” Saad nito at napakamot sa batok.

Hay! That smile captured me again.

Bumalik ako sa aking wisyo nang magsalita muli siya.

“Brett. Ikaw na ang bahala sa kanya.” Baling nito kay Brett, sabay tapik sa balikat ng pinsan. Napatango lang ito sa kanya. Huli niyang ginawa ang pagtingin sa akin nang nakangiti at tumango. At tuluyan na nga siyang umalis. Napatango na rin lang ako. Argh!

I’m captured… Kanta ko sa aking isipan.

Nasa pagtanaw ako ng likod ni Red na papaalis nang may magsalita sa likod ko.

“Riel. Looks like, Brett’s gonna drive you home. We’ll offer din sana, but Brett asked you first. So… We’ll go?” Saad ni Eri.

Binalingan ko naman siya ng aking atensyon. “Oo, eh.” Sagot ko. “Thanks for the offer, though.” Dagdag ko.

Napatango naman ito. Si Eli, ayun, nakatalikod lamang. Kailangan ko talagang malaman kung ano ang problema nito! Hayst!

“Eli!” Pagkuha ko sa atensyon niya. Humarap naman ito sa akin. Bumaling muna ako kay Brett, para magpaalam. “Brett, sandali lang ha? I’ll talk to Eli. Mabilis lang ‘to.” Saad ko. Napatango naman ito.

Agad akong pumunta sa kinatatayuan ni Eli. Nagulat naman ito sa ginawa ko. Napaatras siya ng kaunti.

“Mag-usap tayo bukas. Sa gazebo ulit. Lunch?” Sabi ko. Napatango na lamang ito sa aking sinabi. “Sige, Eli, Eri. Uwi na kami. Kayo rin. Ingat!” Pagpapaalam ko sa kanila. Kumaway na lang ako, at pumunta sa pinaghihintayan ni Brett.

Nakauwi ako ng bahay dahil sa paghatid sa akin ni Brett. This is the 3rd. Ang ikatlong nakasabay ako sa kotse ng best friend ko. The third pero alam mo yung wala na sa akin kung makakasabay man ako sa kanya?

Dati kasi, yung una at pangalawa kong pagsabay sa kanya ay para akong lumulutang sa saya. Alam mo yun! Yung feeling ng in-love? But now, it’s all gone. And I felt it again the first time, when Red fetched me, with his motorcycle. Ugh! Bumalik na nga! And I can’t help but smile, everytime na mapapadaan yun muli sa isipan ko.

Pero… may gumugulo pa sa isip ko ngayon. It’s Eli. Ayokong isipin na gusto ko siya. But my heart tells me that it’s true. I like him. I need to know at to what extent ang pagkagusto ko sa kanya. Is it in a romantic way or as a friend?

Pero gusto ko rin si Red! Argh! Posible ba na magkagusto ako nang sabay sa dalawang tao? Although, matagal ko ng gusto si Red. Tapos si Eli, recently lang naman. Hindi ko alam! My gahd! Sumasakit ang ulo ko!

Looks lang ba Riel? Come to think of it. Pareho silang gwapo. Mas matangkad sa’yo. Maputi. Matalino. Kung sa attitude naman, may bad boy image sila dati towards you. Pero ngayon, kaibigan mo na sila pareho. Pareho na silang thoughtful towards you. They’re comparable, noon at ngayon. Saad ng aking isipan.

Hayst! Ang sign ko na lang siguro ay kung sino mauna, siya ang pagtutuunan ko ng pansin. I assumed already. Ayoko na ako ang mauna sa confession. I want to know them more, and it’s better not to tell them how I feel.

Siguro? Ewan!

Paano kung yung mauna, eh hindi mo naman talaga gusto. The heart feels things that eyes cannot see, and knows what the mind cannot understand. Puso ang masusunod sa aspetong ito. Masyadong fragile ang puso, once na mali ka pala sa desisyon mo, dahil utak ang pinairal mo, mahirap nang bumangon. Dagdag nito.

Napatigil ako sa pag-iisip dahil sa pagkalam ng aking sikmura.

Nagulo ko na lang ang buhok ko. Argh! Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko!


Red’s POV

“Brett. Ikaw na ang bahala sa kanya.” Huli kong sambit sa pinsan ko. I’m counting on you, Brett.

Nakabalik ako sa Office nang umuusok ang ilong ni Coach sa init ng ulo sa akin. I’m the the new team captain, yet, I have abandoned this important meeting. Kanina lang sinabi sa amin ang balitang ito. At masaya ako. Pero kailangan kong makapasok sa buhay ni Riel sa anumang paraan. That’s what love can do to me. Haha.

Nakinig lang ako sa mga pangangaral niya. I know na mali ako. Imbes na makipagpalita ako ng argumento kay Coach ay, sasang-ayunan ko na lamang siya. I am responsible to my actions. At kailangan kong umakto ng tama sa posisyon ko ngayon dito.

Hindi ko nga alam kung bakit napapasabak ako sa ganitong sitwasyon. All I know is, mas importanteng maramdaman ni Riel na gusto ko siya. Or should I say mahal ko siya. Ugh! Hindi ko pa kasi alam kung kailan ang tamang panahon para sabihin yon.

I want to know him more. Lahat lahat ng tungkol sa kanya.

Pinauwi na lamang kami ni Coach ng mapansin niyang alas otso na. Yung tungkol nga sa tournament yung pinag-usapan namin, at napagkasunduan naming bukas na bukas rin ay magi-ensayo na kami.

Ugh! Paano na ang Student Council Membership ko? Argh! After class din kasi agad ang practice namin sa hapon.

Mabuti na lamang ay dala ko ang motor ko. Araw-araw na sa aking pinapadala to nina mommy, para raw kapag may pagkakataon eh, masundo at maihatid ko si Riel. Suportado talaga ako ng mga magulang ko.

I’ve tried fetching him everyday, ang kaso ay, lagi na lang siyang maaga kung umalis. Maaabutan ko na lamang siya na malapit na sa gate. Naglalakad lamang siya. Usual na sa kanya ang paglalakad.

Nakarating ako sa bahay na exhausted. I really want to rest. Kumain lamang ako ng hapunan nun dahil maagang naunang kumain na sina Mom, Dad, at Andrei. Nagpaalam naman ako na may meeting kasi sa varsity.

Kakatapos ko lang nun maligo nang makatanggap ako ng mensahe mula sa aking pinsan.

Eli and Riel will talk over lunch. Sa gazebo. I don’t know what they’re gonna talk about, but it sounds so important. Nakasulat sa mensaheng yun.

Argh!

Silang dalawa lang? Reply ko sa kanya.

Agad naman itong nakapagpadala ng sagot.

I guess. Eri’s not around when they’ve talked about it. Sagot niya.

Hindi na ako nakapagreply pa. Pabalik-balik na lamang akong naglalakad sa loob ng kwarto ko thinking about what to do. It’s 11 PM already, at wala pa rin akong maisip.

Ayoko sanang mag-eavesdrop, pero yun na lang ata ang magagawa ko bukas.

Kinabukasan, wala akong ganang bumangon mula sa pagkakahiga ko. Napuyat ako kakaisip kung ano na ba talaga ang gagawin ko tungkol sa naibalita sa akin ni Brett.

Sa buhay, hinding-hindi mo talaga maaangkin ang isang tao. Yung pwede mong sabihing: ‘Hoy, akin lang siya. ‘Wag ka nang umepal pa.’ Yung parang ganun.

Ewan ko nga ba! Napaparanoid lang ba ako? Kahit hindi ko naman dapat isipin yun? Pero hindi ako maaaring magkamali sa kilos ni Martinez.

Pansin ko kahapon noong nasa gitna kami ng interview para sa pagvolunteer sa Student Council ay tahimik na siya. Alam ko kung ano ang iniisip niya.

Na iepal din ako sa plano niya. Ha! Malakas ata ang kapit ko no! Best friend niya pa yung kasangga ko.

Nararamdaman kong totoo ang kutob ko. Kaya paninindigan ko to. Ayoko na ako ang talo sa huli kaya’t hanggang hindi ko pa nasasabi kay Riel ang nararamdaman ko, better to play this fair with my rival.

Pagkatapos kong mag-ayos para sa pagpasok sa paaralan ay agad na akong bumaba patungong dining. Kanina pa nila ako inaantay. Mom, always make sure na sabay-sabay kaming kakain sa umaga.

“How’s Riel, Anak.” Bungad sa akin ni Mom nang makaupo ako sa aking pwesto sa hapag-kainan.

“He’s fine, Mom.” Masaya kong tugon sa kanya.

“Then, great. But what I mean is, nasabi mo na ba? Gusto ko na siyang makilala nang tuluyan. Ipasyal mo nga siya minsan dito.” Parang kilig na kilig na saad muli ni Mom. Naalala ko tuloy yung mangyayari ngayon.

“Oh! Bakit nakabusangot ang mukha mo? May nauna na ba sa’yo? Nako! Nagpakatorpe ka ba? Mana ka talaga sa Daddy mo!” Nanghihinayang na dagdag nito.

“O bakit nasali ako riyan. Nanahimik ako eh.” Seryosong baling ni Daddy kay Mom. Nagbabasa kasi ito ng newspaper.

“Ehehehehe. Joke lang Dad. Ito kasing panganay natin eh! Sayang!” Tugon nito kay Dad.

“Mom! Hindi po. Wala pa po. May naalala lang ako na mangyayari ngayon. I don’t know if I’m just assuming things that may happen, pero masama ang kutob ko.” Sagot ko sa kanya.

“What is it? Is it about Riel? Hay nako son, you should be more attentive. Kung in love ka kay Riel, hindi mo hahayaang maagaw siya ng iba. Sabi mo nga, you think, he’s into you too. So why wait? You should say it right away, before it’s too late.” Pangaral niya.

Napatango na lamang ako. “Makikinig nga po ako sa usapan nila ngayon.” Nasabi ko na lang.

“Oh no no no no no! Yan ang wag mong gagawin. Let them. Lalabas lang na threatened ka doon sa lalaki. Alam ko na may posibilidad na magconfess na sa kanya yun. But, Riel will be the one who will decide.” Itinigil muna ni Mom ang pagkain. “Hindi naman agad sasagot ng ‘gusto rin kita’ o ‘mahal din kita’ ang isang tao once na may magtapat sa kanya. But, in case it happened, never accept defeat, kapag alam mong may laban ka pa, sabi nga nila, PUSH mo lang yan! But! If nothing happens after all that you’ve done, better call it quits.” Dagdag niya.

“Pero, Mom. Mahal ko siya. Siya lang ang naririto.” Seryoso kong tugon. Itinuro ko rin ang puso ko.

“Yiiiiiiie!” Nagtitili na si Mom sa sobrang kilig. “Aba! Edi ipaglaban mo! Mauna ka! Wag kang maging kuneho. Kahit alam mo na mananalo ka, wag ka dapat kampante palagi.” Napatango na lamang ako sa kanyang sinabi.

Sabay sabay na kaming umalis ng bahay. Inihatid lang ni Dad sina Mom sa school, kasabay kasabay naman nila ako, but I’m riding my motorcycle.

Tama si Mom. I know, nararamdaman ko na gusto ko rin ako ni Riel. I must make it fast. I’ll find the fastest lane all the way to his heart.

“Good luck, anak! Aja!” Napailing ngunit napangiti ako doon sa sinabi ni Mom. Torpe? Hindi no. Timing, tamang timing lang yung hinihintay ko.


Eli’s POV

Maaga akong nakarating dito sa gazebo. Excited? Haha! Hindi. Nauna kasi akong lumabas kanina para ibili ng lunch si Riel. Tinext ko na siya na papunta na ako ng gazebo para sa pag-uusap namin.

Buti na lang na bad mood ako kahapon, kung hindi, hindi sana kami magkakaroon ng ganitiong pagkakataon. Take note! Siya pa talaga ang nag-aya. O di ba?  Haha.

Nakakawala naman talagang mood ang pagdating ni Ariola sa SC kahapon. May advantage kasi siya dahil gusto siya ni Riel. Ugh!

The way Riel look at him confirms it. Gusto ko rin na pagtuunan din ako ng ganung titig ni Riel. I want him!

Natapos ang malalim na pag-iisip ko nang maaninag ng aking paningin ang papalapit na si Riel. Ganun pa rin. He’s into music, so most likely his earpods were plugged on. Musika rin kaya ang makakatulong sa akin para makuha siya?

Nang makita niya ako ay agad itong kumaway at mabilis na tumakbo patungong gazebo. Napakaamo talaga ng kanyang mukha. Well, his pretty face is the reason why I don’t know what’s happening in my system.

“Kanina ka pa rito? Pasensya na ha? May dinaanan pa kasi ako.” Pambungad niyang tanong. Itinago niya kaagad yung iPod niya sa kanyang bag.

“Oo…” Bigla kong naisagot. “Ah… Eh…” Napakamot tuloy ako sa ulo. Argh! Bigla-bigla lang kasi akong nagsasalita. Aish! “Hindi naman masyado. Tara, kain na tayo?” Saad ko nang makabawi ako.

“Sige. May dala rin ako. Buti na lang hindi mo masyadong dinamihan yung binili mo.” Tugon niya sa akin sabay pakita ng dala niyang lunch box.

Woah! Lunch box! Haha! Ibig sabihin siya yung nagluto! Makakatikim na rin ako ng luto niya! Thank you, Lord!

“O ba’t pangiti-ngiti ka riyan? May nakakatawa ba sa sinabi ko?” May ngiti sa kanyang labi na untag sa akin.

“Ah! Wala wala. Masaya lang ako.”

Pinamulahan naman siya ng pisngi. Argh! Pwede ko bang i-confirm? Do you like me? Pero hindi naman yun lumabas sa bibig ko. Argh!

Napangiti na lang ulit ako. “Kain na muna tayo?” Pag-alok ko sa kanya. Tumango na lang ito sa akin bilang tugon at binuksan ang dala niyang lunch box.

Tiningnan ko naman kung anong laman nung lunch box at nagulat ako nang yung paborito ko pala yung ulam. Argh! This is it! Tikman ng mapadalas ang pagrequest! Haha!

“Wow! Adobo! Paborito ko yan! Pano mo nalaman?” Segue ko.

“Huh? Wala akong alam na paborito mo yan. Haha. Salamat naman kung ganun. Iniisip ko nga kagabi kung ano kaya ang magugustuhan mo, pero wala akong maisip. Until I decided to cook the easiest and most favorite, kaya adobo ang nailuto ko.” Tugon niya.

Napangiti naman ako. Inisip niya kung ano ang magugustuhan ko? Nakakataba ng puso. Haha.

“Mauubos ko ‘to! Haha!” Masayang sambit ko. Kumuha ako ng piraso ng adobong manok at inilagay ko doon sa partition ng lunch box na may lamang kanin. Bali ang dala niya ay isang lunch box na may tatlong partition. Kaya yun, maiitsapwera ata yung binili ko.

“Mukha nga.” Saad niya.

“Ang sarap!” Naisigaw ko. Natawa na lamang siya sa reaksyon ko. “Pwede bang makikain na lang sa bahay niyo lagi? Busog siguro ako lagi dahil sa sarap ng luto mo.” Dagdag ko.

“Mambobola! Haha! Sige ba. Basta magdadala ka ng mga rekado, wala akong masyadong budget eh.” Saad niya sabay subo ng pagkain. “Kailangan ko pa nga palang makahanap ng part-time job.” Dagdag niya na nakatingin na sa malayo.

Natigilan naman ako. Oo nga pala. He’s living alone now, and probably experiencing difficulties pagdating sa financial. I pity him because of that. Pero sabi niya nga, ayaw niyang kinakaawaan siya. Kaya niyang maghanap ng solusyon sa problema niya.

Paano ko kaya siya matutulungan nang hindi niya malalaman?

“Sige ba. Kahit ano, ipagluluto mo ako ha?” Pagbuhay kong muli sa masayang ambiance.

Napabaling siyang muli sa akin. Nginitian ko na lang siya. Napangiti na rin lang din siya dahil sa ginawa ko. At muli kaming kumain.

“Masyado kang pacute, alam mo ba yun? Hindi ka naman aso. Haha.” Napakamot naman ako sa ulo.

Edi magpapagwapo na lang ako, para kapag tumingin ka, mahuhulog ka agad. Argh! Hindi ko pa rin masabi! Putek!

Napangiti na lang ako bilang tugon sa kanya. Napailing naman siya kasabay ng mahinang pagtawa.

“Teka! Maalala ko lang. Bakit ka ba nakabusangot kahapon? Did you regret getting in? I mean, napilitan ka lang ba dahil sa banda?” Bigla niyang tanong. Argh!

Sasabihin ko ba ang dahilan? Magko-confess na ba ako? Argh! Bahala na nga. Gusto ko rin namang malaman kung ano ang masasabi niya tungkol sa nararamdaman ko para sa kanya.

“Eli?” Untag niya sa akin.

“Ah… Eh…” Sagot ko. Nabigla kasi ako sa paghawak niya sa balikat ko. “Andun kasi si Red.” Dagdag ko.

“Huh? Si Red? Anong kinalaman ni Red? Do you have grudges with him? Nag-away ba kayo?” Sunod sunod niyang tanong.

Napailing na lamang ako bilang tugon. I can do this!

“Nagseselos ako.” Sagot ko.

“Huh? I don’t get it. Sino? Kanino?” Clueless niyang tanong.

“Sainyo. Kapag tinititigan mo siya. The way you look at him, makes me jealous.” Diretsahan kong sagot.

Napatigil naman siya. Hindi siya mapakali. Argh! Sabi ko na nga ba! Bakit ba kasi makakasama pa namin yun sa SC! Argh!

Hindi naman sinasadyang nahagip ng paningin ko ang dumaan na si Red sabay tago sa malaking puno na malapit sa gazebo. I think it’s enough to hear conversations from here. Eavesdropping eh? Let’s see how you will react.

“I like you, Riel.”

Napatingin naman siya sa akin.

Makikita mo sa mga mata niya na gusto niyang makasigurado sa mga sinabi ko. Napatango na lamang ako bilang tugon.

Pinamulahan siya ng pisngi. Napangiti naman ako. I don’t know if he’ll gonna say it back, but, to think that I have confessed what I feel towards him, somewhat makes me happy. Parang may kung anong nakawala sa sistema ko.

It will make me even happier if he’ll like me back. Kahit yun na muna. Magiging sobrang saya ko na.

“Ah… Eh… Sa-salamat.” Panimula niya. Napatingin siya sa akin ngunit nag-iwas kaagad ng tingin. “I like you too, Eli…” Saad niya. Napatingin ako sa kanya. What? He like me too? I’m so happy!

Nahagip naman nang peripheral vision ko si Red na umalis. Mabuti na lang at hindi yun makikita ni Riel, dahil medyo nakatagilid ito kung nasaan man lumabas si Ariola.

Narinig niya kaya? Malamang. I’m sorry, Ariola. He likes me too.

“Pero…” Agad niyang baling sa akin. Our eyes met, and I’m just stunned. “Hindi ko alam kung as a friend ba or in a romantic way. I don’t know yet. Will you let me think about it? I mean, bigyan mo ako ng panahon?” Dagdag niya.

“Okay! But does it mean I can court you?” Masaya kong tanong sa kanya.

“Huh? Di ba yun awkward para sayo? I mean, buti ako alam nila. Ikaw, paano ka?” Tanong niya. He cares for me. Haha.

“I don’t mind showing the world how much I like you.” Masaya kong sagot sa kanya.

Tumango naman siya para sa sagot. Napangiti siya pagkatapos nun.

“Thank you, Eli. This is the first. At gusto ko na magdahan-dahan. I don’t know things about this yet. Ayoko na sa huli masasaktan lang ako. Sana naiintindihan mo ako.”

Napatango na lamang ako para sa aking sagot.

Tinapos na namin ang aming kinakain. Tulad nga ng sinabi ko, hindi man lang nagalaw yung binili kong pagkain. Para hindi masayang, naisip ni Riel na ibigay na lang doon sa magkapatid daw na palaging nanglilimos sa labas ng gate.

“Bata!” Pagtawag niya dun sa nakakatanda. Agad namang lumapit saamin yung magkapatid.

“Ano po yun?” Tanong nito.

“Kumain na ba kayo?” Saad niya.

“Hindi pa nga po eh. Kulang pa po yung nalilimos naming pangkain.” Sagot naman muli nito sa kanya.

Napangiti si Riel. “Heto oh! Kain muna kayo. Masarap yan.” Agad niyang ibinigay sa magkapatid yung binili ko sa Canteen.

“Maraming salamat po, Kuya!” Masayang tugon nito kay Riel.

“Walang anuman, pero hindi sa akin yan galing. Sa kanya.” Sabay turo saakin. Nagulat naman ako sa pagturo niya. “Sa kanya kayo magpasalamat.” Dagdag niya sabay ngiti sa akin. Napatango naman yung nakakatanda at agad na humarap sa akin.

“Maraming salamat po, Kuya! Ang bait bait niyo po!” Masayang saad nito sa akin.

Napangiti naman ako sa sinabi niya.

“Sige na kumain na kayo, masyado na kayong nalipasan. Ah! Teka!” Kinuha ko ang wallet ko sa aking bulsa at kumuha ng dalawang daan. Iniabot ko ito doon sa nakakatanda. “O ayan, bumili kayo ng makakain niyo mamayang gabi. ‘Wag kung anu-ano ha?” Dagdag ko sabay gulo sa buhok nito.

“Opo, Kuya! Maraming maraming salamat po talaga!” Huling tugon nito sa akin. Inakay niyang muli ang kapatid at naglakad na papuntang waiting shed para kumain.

Nakangiti namang nakamasid sa akin si Riel.

“Mabait ka naman pala talaga eh. Suplado nga lang! Haha!” Natatawa nitong compliment saakin. “Thank you, Eli. For giving them hope, at least for today. Kasi alam mo, ang tao kapag mayroong tumulong sa kanya, that little hope, will make them say, life is worth living.”

Napatango naman ako.

“So tara? Malilate na tayo eh.” Pag-alok niya sa akin. Nakatingin lang kasi ako doon sa magkapatid na masayang kumakain.

Masaya ako na, hindi ko hinayaang maging magkaaway lamang kami ni Riel. He’s one big inspiration.

Pumasok na lamang kami nun sa classroom na may ngiti sa aking labi.


Red’s POV

“I like you, Riel.” Rinig kong saad ni Martinez kay Riel. Napabalikwas naman ako sa salitang yun. Ugh! Nauna pa siyang magconfess kesa sa akin.

Nang makatayo agad kong tiningnan ang reaksyon ni Riel. Namumula ang pisngi nito. I know! Sino ba naman ang hindi pamumulahan ng pisngi kapag mayroong magconfess sayo suddenly.

Ibinaling niyang muli ang tingin sa katabi. “Ah… Eh… Sa-salamat.” Saad niya. Bakit siya nauutal? Does it mean, Martinez has a chance? Sa akin lang naman siya ganun ah? Kainis! Ang dami kong naiisip ngayon. What if…

“I like you too, Eli…” Pinanlakihan lamang ako ng mata sa narinig. He likes Martinez too. What the! Anong laban ko?

Pinanghinaan na ako ng loob, dahil sa narinig ko. I bet, they’ll gonna go out after this. Sasabihin ko pa ba sa kanya?

Wala sa loob akong naglakad palayo doon sa gazebo. Kainis! Kung kelan ko napagdesisyunan na sabihin na tong nararamdaman ko, saka naman may nagsabi na gusto siya nito.

Walang gana akong naupo sa upuan ko sa classroom. Si Brett, Josh, Xynthia at Eri lang ang naroroon ngayon. Nagkukwentuhan yung tatlo. Si Brett naman ay abala sa kung anumang bagay.

“Anong nangyari? Have you seen them?” Palihim na bulong sa akin ni Brett. Medyo nasa likod na kasi nakapwesto yung tatlo sa pag-uusap.

Napailing lang ako sa pinsan ko.

“Elijah confessed already.” Walang gana kong sagot.

“What?!” Tanong niyang muli. Pero pabulong pa rin ito.

“Anong sabi niya kay Riel?” Muli niyang tanong. Nagmamasid-masid siya, dahil baka may makarinig sa amin.

“That he likes Riel.” Walang gana ko pa ring sagot. I don’t know what’s going on with me, all I know is that, I am the loser.

“O tapos? Ano namang sabi ni Riel?” Tanong niyang muli.

“He likes Eli, too.” Kainis! Nadudurog ang puso ko! OA na kung OA! Baka nga ngayon sila na. Argh! Ayokong isipin, pero yun yung dumadaan sa isip ko.

“Wala ka na bang ibang narinig?” Pang-uusisa niya.

“Umalis na ako, pagkatapos kong marinig yun mula mismo kay Riel.” Ang sakit! Ang sakit pala na may gustong iba ang gusto mo. Argh!

“Eh yun naman kasi ang mali mo! Umalis ka agad. Malay mo naman kay Riel di ba? He’s full of thoughts. Maaaring, sinabi niya na he likes Eli, but he already has that one whom he loves. Okaya nama’y sinabi niya na he likes Eli, but as a friend. Di ba? Ang dali mo naman kasi sumuko! Ngayon pa na malapit na kayo sa isa’t-isa.” Pangaral niya.

Argh! Hindi ko nga yun naisip! Tss. Matalino nga sa klase. Bopols naman pagdating sa pag-ibig. Argh talaga!

“Di ba sabi mo, gusto pa lang naman yung sinabi ni Eli sa kanya?” Napatango na lamang ako. “O, edi may laban ka pa. ‘Gusto’ rin lang naman yung sinabi ni Riel sa kanya eh. So why confess this afternoon. I’ll help you.” Pagkukumbinsi niya sa akin.

Napaangat yung tingin ko sa pinsan ko na nakaupo sa nasa tabi kong desk. Napangiti ako sa lahat ng kanyang pagsuporta.

“Paano yan? Simula na ng training namin after class.” Naalala ko kasi na may tournament pala kami na dapat paghandaan.

Attention! Senior High… A to J Sections… Please be informed that there will be a scheduled meeting, for your Batch Field Trip this coming July 23 to 27. Attendance is a must. Please proceed to the Gymnasium after your classes. Details will be discussed during the meeting.

Repeat Announcement.

Attention! Senior High… A to J Sections… Please be informed that there will be a scheduled meeting, for your Batch Field Trip next week July 23 to 27. Attendance is a must. Please proceed to the Gymnasium after your classes. Details will be discussed during the meeting. Thank you.

“TIMING!” Naisigaw ko! Napatingin tuloy saakin ang mga papasok na mga kaklase ko kasama na doon si Eli na naunang pumasok, nasa likod naman nito si Riel na malalim ang iniisip. Si Brett naman ay napatango sa sinabi ko.

“Required daw. Good thing that it suddenly answers what you’re worrying. Mas magandang magpaalam ka na sa Coach niyo. Balita ko napagalitan ka raw kahapon dahil sa pagtakas mo. Haha!” Napailing na lang ito sabay tapik sa balikat ko. “Inaasahan kita rito Red. Please get my best friend’s heart for me, I mean for yourself. Ikaw lang ang mapagkakatiwalaan ko.” Napatango na lang ako.

He wants me to be Riel’s special someone. Haha!

“Salamat, Brett!” Tumango na rin lang siya habang nakatalikod na naglalakad patungo sa kanyang desk.

Nabuhayan ako sa mga narealize ko. Buti na lang kinausap ako ni Brett. Kung hindi, si Mom siguro ang makakatulong nito sa akin, pero mamayang gabi pa yun. I can’t let this day end, na hindi nalalaman ni Riel na gusto ko siya. Hindi lang pala gusto. Mahal ko siya. Mahal na mahal!


Riel’s POV

Nagulat ako sa announcement nung malapit na kami sa aming room. Batch Field Trip? Ang aga naman ata? Argh! Pero hindi yun ang pinoproblema ko. Saan ako kukuha ng panggastos? Hindi pa kasi dumarating yung pera na galing dun sa mga benefits dahil sa pinagtrabahuhan ni Ate.

Nagfile na ako para maclaim yun lahat, pero wala pa rin. Hayst! Mamaya ko na nga yun poproblemahin sa bahay. Makikinig na muna ako kung anong meron para sa Batch Field Trip. Kung hindi ko man magustuhan kung saang lugar pupunta, hindi na lang ako sasama.

“Good Afternoon, Seniors!” Masayang panimula ni Mrs. Almonte. Umalingawngaw ang pagbati niyang yung sa loob ng Gym kung saan ginaganap ang meeting.

Habang nagsisi-Good afternoon naman ang lahat ay nakatanggap ako ng text mula kay Red.

Can we talk? After this? Sa field. Hatid na lang kita sainyo pagkatapos nating mag-usap. Laman ng kanyang mensahe.

Napatingin naman ako sa unahan. Doon kasi siya nakaupo. As usual, sitting arrangement. Pinairal kasi ng school ang sistemang yun. Kaya hindi man lang kami magkakatabi-tabi.

Dala niya pala yung motor niya. Haha! Namiss kong sumakay dun. Haha.

Hindi siya tumingin sa likod. Aba malay niya bang tinutunaw ko na pala siya sa tingin. Haha.

Ano bang isasagot ko? Haha! Pakipot effect?

Mabilis akong nagreply sa kanyang text.

Okay. See you. Tanging naitype ko’t agad na pinadala sa kanya.

Agad naman siyang nagreply.

Nice! See you, as well. :) Aba! May smiley pang nalalaman.

Sumulyap akong muli sa kinauupuan niya. Panay ang suntok niya sa hangin. Halata na masaya siya. Argh! Iniisip ko pa lang na gusto niya akong makausap ay kinikilig na ako. Haha. Ano kayang pag-uusapan namin? Haha.

Nakatanggap muli ako ng panibagong mensahe. Akala ko si Red. Unknown number pala. Agad koi tong binuksan at binasa.

Hi Riel! Si Eli to. Got your number from Eri. Pwede ba kitang ihatid mamaya pag-uwian? Laman nung text.

Argh! Naalala ko yung pagconfess niya. Haha! I’m overwhelmed of course! It’s Elijah Martinez. Who would have thought that he likes me?

Napangiti na lang ako.

Aww. Sorry Eli. Mag-uusap kasi kami ni Red after this. He’ll drive me home too. Maybe next time? Sagot ko sa kanya. Napatingin naman ako sa likuran ko. Nagkatitigan kami.

“Sorry!” Paulit ulit kong utter. I can’t make noise here. Oh no, not here! Naintindihan naman niya. Napatango na lang ito bilang tugon sa akin.

Agad akong bumaling muli sa unahan para hindi makagawa ng eskandalo. Medyo hindi na kasi ako nakikinig sa sinasabi ni Mrs. Almonte sa unahan.

Agad akong nagtype ng message para kay Eli. I felt bad tungkol doon sa pagtanggi ko.

I’m sorry, Eli! Babawi ako next time, okay? Smile! :)

At tinago ko na yung cell phone ko sa aking bulsa.

“Seniors! Alam niyo bang sa Palawan ang ating Field Trip? Kaya 5 days because this Field Trip will be your last this year. Naniniwal kami na ang mga graduating students ay lpitin ng aksidente. And we can’t just shrug it off. It’s almost stereotypical everytime na may bumabyahe o nag-a-outing na mga graduating students.” Pagsisimula ni Mrs. Almonte.

Maririnig mo ang excited na pag-uusap ng mga kabatch ko. Ako makikinig lang ako. I’m excited, yes, I am! Sinong hindi. Not until sabihin nila kung magkano ang bayarin. Argh!

“Dahil ayaw naming may mawala sainyo, we will be holding your Batch Field Trip earlier than you expect it. So! Next Wednesday na yun guys! Excited na ba kayo?” Dagdag niya.

Sabay sabay namang nagtilian ang mga kabatch ko. Tinakpan ko na lamang yung tenga ko. Oo na! Kayo na ang excited! Haha!

“Seniors! Kalma lang! Awat muna! Haha! Alam ko excited na kayo! Kaya habang maaga pa, pack your things you will be bringing on our Field Trip. May meeting pa naman next week before tayo umalis. So you better get your things ready.” Dagdag muli ni Mrs. Almonte.

Argh! Nakakaexcite naman! Kaso please! Yung gastos! Pakisabi na? Haha.

Mayroong kabatch namin galing sa D Section ang tumaas ng kamay. Agad naman itong napansin ni Mrs. Almonte at pinapunta ito sa mic na nakapwesto sa unahan.

“Hi po, Mrs. Almonte. Itatanong ko lamang po kung anong gagawin natin sa Palawan? I’m just wondering kung bakasyon lang lahat? Hehe.”

“Good question, Mr. Salvador! Syempre… Hindi! Haha! Well, kasama na yun doon. But apart from that, we will immerse ourselves to the place itself, sa mga tao doon, at sa buhay na kanilang nararanasan araw-araw. Meaning, each sections will be deployed into communities residing there, tapos every household will have 2 or 3 students and will become a part of their family for 5 days.” Sagot ni Mrs. Almonte.

What?! Ang saya siguro nun! Magkakaroon ulit ako ng maituturing kong pamilya. Kahit 5 days lang yun, magiging masaya na ako nun. Hayst! Sana naman affordable!

Tumayo agad ako at tinahak ang kinaroroonan ng mic.

“Good Afternoon po, Mrs. Almonte. Kating-kati na po kasi ako na malaman kong magkano lahat yung gagastusin sa Field Trip. Hehe. Gusto ko pong sumama, pero hindi ko alam kung maaabot ko ba yung presyo.” Saad ko.

Lumapit naman sa kanya si Mrs. Ariola at may ibinulong sa kanya. Andito pala yung mga board members?

Napatango naman siya sa kung anong ibinulong sa kanya ni Mrs. Ariola.

“About that Mr. Dela Rama, hindi na kayo mamomroblema sa gastusin, it will be charged in your accounts. And those scholars like you, need not to worry about this. Sagot na siya ng mga benefactor niyo. Kaya, wala talagang pwedeng maiwan sa Batch niyo. This will be one of your Batch Projects too, malaki ang magiging papel nito sa pagtatapos niyo. Kaya, para sainyo talaga to.” Saad niya.

Napatango na lang ako. I’m happy! Yes!

Natapos ang meeting na yon ng maaga. Nagpaalam na lang sa akin sila Eli at Eri. Pati na rin si Brett dahil sinundo siya ni Iris. Kailangan pa akong maghintay kay Red. Hindi ko kasi siya napansing lumabas ng Gym kanina. Pupunta na lang siguro ako doon mag-isa. Baka nag-aantay na siya run eh.

Nakarating ako sa field na napakadilim. Scary! Haha!

Pagkaapak na pagkaapak ko sa damuhan na part ay biglang bumukas ang ilaw doon sa stage. May stage kasi doon sa field. For intramurals, purposes. Doon kasi lagi ginaganap ang mga ibang activities na may kinalaman sa sports. Ang Gym ay para lamang sa Basketball at meetings katulad kanina.

Nakita ko na lang na nakatayo doon si Red sa gitna. Napansin ko rin ang paisa-isang bukas ng maliliit na ilaw na parang nagsilbing aisle patungo sa kanya.

Kasal na ba to? Haha! Hindi masamang mangarap! Gising naman ako! Haha!

Nang makarating ako doon sa stage ay makikita sa kanya ang saya. Ganun din naman ako. Pero, nasa highest hopes ako ngayon. Feel na feel ko lang? Ang sagot ay… Oo! Haha.

“Hi!” Bati niya sa akin.

“Hello! Anong pakulo to, Red? May ganun ka pang nalalaman eh. Haha!” Sabay turo ko sa aisle ng ilaw.

Napakamot naman siya ng ulo.

“Baduy ba?” Tanong niya.

Naibalik ko tuloy yung atensyon ko sa kanya. Bakit ba napakaattentive ko sa magiging reaksyon niya? Ay ewan!

“Hindi no! Cute nga eh.” Nagkatitigan kami. He’s happy. “Pwede maupo? Nangangalay na ako.” Napatango naman siya. Agad lang akong nag-indian sit sa sahig ng stage. Ganun din ang ginawa niya. “Ano palang pag-uusapan natin?” Tanong ko sa kanya ng makaupo na siya. Tumingin lang ako sa malayo.

Ayokong maghuramentado na naman ako kakatitig sa kanya.

“Matagal ko na tong gustong sabihin sayo, Riel. Simula pa noong binubully pa kita, hanggang ngayon na kaibigan na kita…” Napatingin muli ako sa kanya. Nakayuko na siya ngayon. Huminga siya ng malalim. Argh! Kinakabahan ako.

“I like you... Or should I say... I’m in love with you.” Napatulala ako sa sinabi niya. My heart skipped a beat. Argh!

“I think I’m in love with you too…” Biglang lumabas sa bibig ko. Napaangat siya ng tingin at napangiti sa sinabi ko. Argh!

“Talaga?” Muling tanong niya. Napatango naman ako bilang sagot.

Nabigla na lang ako sa paglapit ng kanyang mukha sa akin. Napaatras ako ngunit nanlaki na lamang ang aking mga mata dahil sa paglapat ng aming mga labi.

Pwede na akong mamatay!





Itutuloy…

21 comments:

  1. Hmm kulang ah Author update na agad!

    ReplyDelete
  2. Ang cute talaga ng story na toh.
    Di ko talaga binabasa kaso 2 nlang ung binabasa ko talga dto but after kp basahin toh at ung isa pa ee really worth it. Kudos author. Bsta keep it up and looking forward na mas maging interesting ang kwento... :-) :-) :-) goodluck. :-) :-)

    ReplyDelete
  3. thanks for the update kuya rye :))

    gooo!! team REDDDDD !!:)
    -yelsna

    ReplyDelete
  4. Nice. Next chap agad.

    ReplyDelete
  5. Sa tingin ko maigsi ang update ngayon, ( sa tingin lang ha?) exciting naman parang page turner, ika nga.

    ReplyDelete
  6. Sir rye nakakabitin nmn ito sundan mo agad pls..... sinu mkakakuha ng puso ni riel si red o eli hmmmm si excited what happen sa huli nito

    Jay_05😘

    ReplyDelete
  7. Ang haba ng hair ni Riel. Di malaman kung sino sa 2. Pero kay red ranger ka nalang, tutal tanggap ka ng parents ni red. Haisst, nakakainlove naman.

    bharu

    ReplyDelete
  8. Ang haba ng hair ni riel. 3 lalake ang nagkakandarapa sa kanya. Pahingi nga ng gunting at nang maputol yan. Hahahaha.

    Go #TeamRed

    -hardname-

    ReplyDelete
  9. I can'T wait... Kinikilig ako #teamrRed isa sa lAgi kong inaabang bago matulog :) _ dave

    ReplyDelete
  10. I'm proud of your work babe .... Your the best you make me cry

    ReplyDelete
  11. I love your work babe I'm proud of you

    ReplyDelete
  12. My!!! First kiss na! First base si Red kahit na nauna pang mag-confess si Eli.. I so like this! Kuya Rye!!!!!

    ReplyDelete
  13. ayiiehh. first kiss nya si red .. love it talaga..!!
    YELSNA

    ReplyDelete
  14. Napasigaw po ako sa kilig.. Nagtaka yung mga katabi ko.. Hahaha.. Update agad plssS.. I love it. #teamRed - dave

    ReplyDelete
  15. Enebeyen kenekeleg ako ahaha excited na ko sa next update.

    ReplyDelete
  16. Waaawwww... peding makahingi kahit ilang hibla sa buhok no riel?? Hahaha. Nice one Mr.Author

    -Geology Stud.

    ReplyDelete
  17. Nice work babe keep it up I'm proud of you

    ReplyDelete
  18. Wahhh first kiss!! Haha kahit di siya first confessiom ayos lang.haha buti nalang binalikan ko tong chapte inupdate pala sya.

    Go Red!!!

    #REDIEL? Haha

    Marvs

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails