Followers

Tuesday, July 29, 2014

Love Is... 4

AUTHOR’S NOTE: Thank you po sa mga sumusubaybay! :D Thank you din kila Kuya Ponse and Kuya Mike. :D May bagong character?! Haha! Sino kaya siya? Here’s the medyo mahabang update ng “LOVE IS…” Chapter 4! Enjoy!

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


LOVE IS…
Rye Evangelista
theryeevangelista@gmail.com

 
CHAPTER IV


“Salamat ulit sa pagliligtas sakin…” Pagsisimula niya. Natigil siya ng kaunti para mag-isip.

“About sa napag-usapan natin…” Dagdag niya.


Naguguluhan ba siya? May epekto na ba ako sa kanya?

I hope so!

“Pag-iisipan ko. It’s not like it’s easy to forgive, but I’ll try to consider.” Pagtatapos nito.

Tuluyan na rin siyang umalis sa kwarto yun.

“Yes!” Naisigaw ko!

Nagtataka naman si Mom na napatingin sa akin.

I’ll stop that plan! It’s time for a new one!

-----

Riel’s POV

Nakauwi ako ng bahay nang maraming iniisip.

Bakit mo binigyan ng pagkakataon na magkaroon ng epekto sayo ang taong yun? Tanong ng demonyong konsensya ko.

Bakit nga ba?

Well, I’m not that evil para hindi magpatawad di ba?

Baka there’s something that you want to see about him? Saad ng malanding konsensya ko.

Tumigil ka nga! Bulyaw ko rito.

Napailing na lang ako.

Talking to myself? Am I insane?

Saka anong something that I want to see about him?’

Ugh!

Tunay na pagkatao?

Ay ewan!

Magluluto na lang ako ng hapunan.

Pumasok ako sa bahay na wala pa ring katao-tao.

They’re dating, as usual. Napailing na lang ako.

The usual thing they do kahit gabing-gabi na at oras na ng pag-uwi.

Pasalamat na rin ako kay Kuya Terrence, kasi mayroong nasasandalan si Ate. They’re almost 3 years now. College sweethearts, if we’ll have to categorize it. At lalong tumibay ang relasyon nila noong maulila kaming dalawa ni Ate.

Ako kaya? When will I have that person I can lean on when things gets rough?

Wala na naman akong pag-asa kay Brett. After graduation kasi, matatali na sila sa isa’t-isa ni Iris.

Maraming babaeng umaaligid. Pero hindi talaga ako attracted sa kanila. Alam naman nilang Bisexual ako. Or should I say gay? Pero, lalaki pa naman ang itsura ko. Preference lang siguro?

Ugh!

Whatever!

Tanggap ko naman kung ano talaga ako.

Pero, mayroon kayang taong aako sa kung ano talaga ako, whole-heartedly?

Si Red! Si Red! Di ba bumabalik na ulit yung something na nawala? Aniya ng malanding konsensiya ko.

Napailing na lang ako.

Ayoko munang isipin sabi eh! Nakakainis talaga ang konsensiya! Hayst!

Nagluto na ako ng makakain. Alam ko na kahit may date ang magaling kong kapatid, kakain pa rin yun dito sa bahay.

Naghanda ako ng pagkain para sa tatlong tao.

Medyo nagagaya na rin nga ang Kuya Terrence sa kapatid ko.

Well, masarap daw kasi akong magluto.

Patapos na rin akong maghanda ng dumating silang dalawa.

“Hmmm! Ang bango ng niluluto mo bunso ah! At mukhang napakasarap na naman.” Sabi ko na nga ba.

Kapag lagi mo palang kasama ang isang taong opposite mo, minsan makukuha mo yung ibang characteristics niya. Ganun kasi sila Ate at Kuya Terrence, somewhat and ideally almost opposite in every way. Pero sabi nga nila, opposite things attracts most.

Kinilig kaya ako dun. Who would’ve thought na may mga taong ganun pa rin kung mag-isip sa panahon ngayon. Ang alam ko, ang ganung ideals ay namayani pa noong dekada setenta. Well, we can never tell that there’s none in the billions of people’s heart around the globe having that idealism.

“Oo na Kuya, tama na ang pambobola. Talagang dinamihan ko para makakain din kayo.” Pambabara ko sa pambobola niya.

Alam ko na namang masarap ang luto ko eh. Wahahahahahahahaha.

Yabang ko eh no?

Totoo naman kasi.

“Talaga?” Excited niyang tanong. Lumapit siya sa akin.

“Ang bait talaga ng bunso namin!” Dagdag niya’t sabay gulo sa buhok ko.

“Eh… Kuya itigil mo yan!” Pagpupumiglas ko. Landi ko no?

Hindi maikakaila na nain-love si Ate sa kanya. He’s almost perfect. Mayaman. Matalino. Mabait. Halos kabaliktaran naman ni Ate. Haha. Joke lang. Pero somewhat, or mostly true. Ngek! Haha.

“Hoy! Hoy! Naghaharutan! Riel! Wag mong aagawin sa akin si Terrence huh?” Heto na naman tong balugang to!

Agawan agad? Hahaha.

“Ewan ko sayo Ate! Kaw talaga, kung gusto ko, magagawa ko no.” Napailing na lang ako. Selosa masyado.

“Hey! Wag kayong mag-away.” Mahinahong tugon ni Kuya Terrence.

Katahimikan.

“Hehe. Oo na, I know na hindi imposibleng magkagusto kay Kuya Terrence. He’s almost perfect nga di ba? That’s what you’ve told me. Pero, Ate, mahal kita. You think I can do that to you? Hell, no! Never! Tayo na nga lang, tapos mag-aagawan pa tayo? Parang kapatid ko na rin kaya si Kuya Terrence.” Paliwanag ko.

Napangiti naman si Kuya sa akin.

Honesty.

“Hahahahaha. Biro lang no. Ikaw talaga, alam ko naman yun no. I don’t have to doubt you. Kapatid kita, kaya I trust you.” Bulalas niya.

Napabuntong-hininga na lang kami ni Kuya.

“Aish! Ewan ko talaga sayo Ate! Bakit kasi nag-o-open ka ng mga bagay na ganyan! Di ba napag-usapan na nating wala nang iiyak. Yan tuloy, naiiyak na ako. Baluga ka talaga.” Natawa na lang ako’t pinunas ang isang butil ng luha na tumakas sa aking mata. I thought we’ll have fight.

Niyakap niya na lang ako.

“Mahal na mahal kita, Riel. I’m always by your side, no matter what… May good news kami sayo ni Terrence.” Binitawan niya naman ako sa pagkakayakap.

Inilahad niya ang kanang kamay at naaninag ko doon ang isang singsing na may maliit na diamante sa gitna.

Nanlaki ang mga mata ko.

Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa.

Tanging ngiti at tango lamang ang kanilang isinusukli sa aking mapagtanong na mata.

“OMG! I’m so happy for both of you!” Masaya kong tugon sa kanila sabay yakap sa kapatid ko.

Natapos ng masaya ang aming hapunan.

Masaya ako para sa Ate ko. Para sa kanilang dalawa.

Natulog akong hindi na nagambala pa ng mga bagay tungkol kay Red.

Maybe, I should think about it some other time.

-----

Maaga akong nagising kinabukasan, bakas pa rin sa aking mga labi ang kasiyahan mula sa balitang aking natanggap mula sa aking kapatid.

Napagdesisyunan nilang sa October magaganap ang kasal. During Sembreak, para raw hindi makaabala sa pag-aaral ko.

Usual routine ko tuwing may pasok ang ginawa ko.

May nakakalimutan ata ako?

Napailing na lang ako.

Ano na naman ba ang bumabagabag sa isipan ko.

Oh well, scratch that. I still have too many things to attend to, kaya saka na lang.

Mabilis akong nagtungo sa school para sa second day of classes. Medyo aasikasuhin na rin kasi namin ang mga activities sa mga susunod na buwan.

1st main activity namin ay ang School Fest. August din yun at kahit pa kababalik pa lang namin sa school, agaran ang paghahanda nito dahil sa maraming papasok sa paaralan namin na tiga-ibang school din.

But before that, ang prelims muna ang pagkakaabalahan namin during class periods. Every 5 PM naman yung meeting namin sa SC kaya, aral muna. That’s our priority.

Pumasok ako sa classroom namin na may nakapintang ngiti sa labi. I’m really fired-up! Yosh!

Akala ko di na yun maaalis sa sistema ko.

I was wrong.

Bumalik lahat sa isipan ko lahat ng problema na pinilit kong tabunan ng masayang balita kagabi.

Now I know what was bothering me this morning.

Nakita ko siyang nakatitig sa akin.

Wearing a smile.

Sincerity can be seen on it.

Naestatwa lang ako sa kinatatayuan ko.

Kita ko rin ang benda sa braso nito dulot ng nangyari kahapon.

Because of that, or should I say, because of him, buhay pa ako.

“Hey! Riel! Spacing-out? Again?” Sambit ng isang pamilyar na boses. Tinapik pa ako nito sa balikat.

Bumalik naman ako sa reyalidad.

Napailing pa ito sa reaksyon ko.

I was dumb-founded.

Seeing him like that, makes me stunned?

What the hell?

Kahapon lang kami nagkaroon ng ganun kahabang pag-uusap. Pero, bakit ganito na lang ang epekto niya sa akin.

Kasi, originally, in-love ka sa kanya! Umeksena na naman.

Epal mo eh no!

Napailing na lang ako’t umupo sa aking upuan.

“Grabe to! Kay aga-aga eh, tulala na naman.” Sumunod pala sa akin si Brett.

Napailing ako sa tugon niya.

“Nah. Me-Me-Me-Medyo malalim lang kasi yung iniisip ko. Sorry.” Pagsisinungaling ko. Nautal tuloy ako.

Why am I so bothered about what happened yesterday?

“Tsk. Tsk. Tsk.” Anito.

Pinagmasdan ko na lang ang likod nito papunta sa kanyang upuan.

Santillan’s chair is too far from Dela Rama’s. Halos nasa huling row na siya.

23 students kami sa loob ng klase ng Section A. Alphabetical ang sitting arrangement namin. Nasa ika-limang upuan si Red sa first row na malapit sa pinto, at nasa opposite naman ako nito ngunit nasa Second row naman ako na malapit sa bintana. Tag-iisang desk table kasi bawat estudyante.

Kaya kahit di ko sinasadya, makikita ko siya.

It is a bit awkward for me kasi kapag titingin ako sa unahan, it is like he’s staring the whole time.

Nag-aasume lang siguro ako. That’s a view from my peripheral vision anyway. That’s what I could see in the first place!

Luckily, malapit ako sa may bintana. Iniwas ko na lang ang aking sarili patungo sa view sa labas. Awkward kaya.

Wala pa akong naiisip tungkol sa paghingi niya ng tawad.

It is as if, to forgive is an easy thing to do. Ang dami niya kayang kasalanan. Pero nang dahil sa isang heroic deed na ginawa niya para sa akin. Ayun, I think nalulusaw sila isa, isa. The walls I have created were crushing down. Eventually, nagtanim lang pala ako ng galit na wala naman palang kwenta.

Ewan ko nga ba.

Dumating na ang unang subject teacher namin. Si Ms. Salveda.

Dahil daw sa Senior High na kami, we don’t need to be briefed by things about school, kaya ikalawang araw palang mayroon ng quiz. Since, parehong subject lang naman ang tinuturo ni Ms. Salveda nung Junior High kami hanggang ngayon, somewhat a recall daw sa last na napag-aralan namin.

Hayst! Math ang subject na tinuturo niya.  Buti na lang mabilis naman akong matuto. Dagdag pa na magaling siyang guro.

Brett. Red. Me. And 8 of my classmates got the quiz perfect.

“Congrats sa mga naka-perfect. My treat kayo next meeting! Yay!” Masayang pahayag nito. May pagpalakpak pa itong ginawa.

Naghiyawan naman ang lahat ng mga kaklase ko.

“Ano kaya ang treat natin next meeting.” Excited na tanong ni Lea sa katabing si Josh.

“Hmm. No idea. Sana nakakain? Hahaha.” Sagot naman nito sa katabi.

Napailing na lang ako.

Ito talagang si Josh, lagi na lang pagkain ang nasa isip. Halata sa katawan.

Napatingin ako sa pwesto ni Brett.

Napailing na rin lamang siya.

Haha.

Sana’y na kami sa reward system ni Ms. Salveda. Pero minsan kasi, medyo weird ang mga binibigay niyang treat. Minsan din, makukuha mo lang ito kapag matagumpay mong natapos ang isang task na ibibigay niya.

Ganun lagi sa SC, member na rin kasi kami ni Brett since Grade 10. Kaya alam na alam na namin lahat ng pakulo ni Ms. Salveda. May mapupulot ka pang lesson along the way. Na kapag may gusto ka, you should try your hardest to get it. Sa team building namin yun mostly ginagawa.

“Mr. Dela Rama.” Pagkuha nito sa aking pansin. Napatingin naman ako sa kanya. “Tara sa labas. I need to talk to you for some minutes. Wala pa naman si Mr. David.” Pagtatapos nito. Agad nitong niligpit ang kanyang mga gamit at nagtungo sa labas ng classroom.

Agad naman akong tumayo at tinungo ang pinto.

Pero bago pa man ako makalabas, nasagi ko sa braso si Red. Buti na lang yung walang sugat ang nasagi ko.

Natigilan ulit ako.

Hayst!

Naalala ko yung bumabagabag sa akin.

Napailing na lang ako.

Tumingin ako sa kanya.

He’s also statued.

Nagkatinginan kami sa isa’t-isa.

“Ah… Eh… So-So-So-Sorry.” Malumanay kong tugon saka tumakbo palabas ng room para sundan si Ms. Salveda. Why am I stuttering anyway? Ugh!

Akala ko naman kung anong sasabihin sa akin ni Ms. Salveda. Yun pala kukumustahin lang yung tungkol sa preparation sa School Fest. Pero pinaalalahanan niya ako na importante rin ang prelims sa susunuod na buwan.

Tango lang lagi ang naitugon ko sa mga sinabi niya.

Dumating na rin kasi agad si Mr. David, ang Science Subject Teacher namin.

Usual na routine niya kapag subject niya.

Boring. Medyo matanda na rin kasi si Mr. David. Isa sa maituturing na Pillars ng Faculty sa paaralang ito. Pero magaling siya. Hindi mo lang talaga mapigilan na antukin. Nyehehehe.

Okay lang naman ang grades ko sa kanya.

I’m not an academic-type of person pero nakakaapak pa rin ako sa pwesto ng top 10, Kailangan eh, minsan 3rd, minsan naman 2nd. Hindi naman ako bothered sa standings. As long as pumapasa ako, okay na yun. Kailangan ko lang talaga para sa pagmaintain ng scholarship ko.

Brett’s the top of our class.

Si Red naman yung kapalitan ko sa standings. 2nd or 3rd. Wala naman akong pakialam. Basta enjoy na enjoy ako sa pagiging high school student!

Uyy! Si Red nabanggit! Saad ng malanding konsensya ko.

Puuutek!

Epal mo masyado! Tumahimik ka nga! Nakakarami ka na ah! Why are you always dominating my thoughts? Haha! Joke lang! Sambit ko rito. Napailing na lang ako sa sarili.

Naalala ko tuloy yung kanina.

Pilit kong iniwasan muna si Red sa lahat ng pagkakataon. I really need to think about it thoroughly.

Nagdaan pa ang araw na nakikinig lang ako sa lahat ng subject teachers namin. Pilit kong iwinaksi ang mga isipin tungkol kay Red. Makakapaghintay naman siguro siya di ba?

The day turned-out just fine.

Tagumpay kong naialis ang mga bumabagabag sa isipan ko.

Palapit na sana ako sa SC room noon na katabi ng Principal’s Office.

Nakuha ng atensyon ko ang isang kasing tangkad ko. Hula ko eh magkasing-gulang lang kami nito.

Lumabas kasi ito mula sa Principal’s Office kasabay ng matandang lalaki at matandang babae. Mga magulang siguro.

Nakatalikod pa ito nung una dahil sa pakikipagkamay kay Principal.

Nang magpaalam na sila’y agad ko namang nakita ang maamong mukha ng taong yun.

Wow! Ang gwapo. Lols!

Natulala lamang ako habang pinagmamasdan silang tinatahak ang corridor papuntang labasan ata.

Am I drooling?

At sa lalaking yun?

Ugh!

Napailing na lang ako’t pumasok sa SC room.

Ano kayang ginagawa nun dito?

Probably a transferee.

Di ko naman siya nakikita dito sa school kung magtatransfer din siya sa ibang school.

Ah ewan.

“Tsk. Tsk. Tsk.” Si Brett naman.

Hay naku. Alam ko na. Oo na Brett. I’m spacing-out again. Nag-iisip lang naman ako huh?

Tiningnan ko ito ng masama.

“Chill!” Aniya. Sabay tawa ng malakas.

Napatingin naman lahat sa kanya ang mga kasama namin.

“Ano namang pinagtatawanan mo riyan Brett.” Tanong ni Ate Xynthia sa katabi niya.

Si Ate Xynthia ang Secretary ng SC. A year older than us, at nasa Section B. Siya ang Ate ng SC. Medyo late na raw kasi nung magsimula siyang mag-aral kasi tinatamad siya. Haha.

“Ah… Eh… Wala naman Ate Xynth. Ang isa kasi diyan, ayun, spacing-out na naman.” Tugon niya rito, sabay halakhak pa rin.

Napailing na lang si Ate Xynth sa kanya.

“Hay naku, Ate, wag mo na lang pansinin iyang baliw na yan. Let’s focus on this.” Baling ko dito. Iniwagayway ko rin yung project proposal namin para sa School Fest.

Meron na rin kasi kaming manuscript before grumadweyt yung previous SC Officers. We just need to consider things before we pass the proposal sa board.

Makalipas ang isang oras, napagpasyahan naming tumigil muna sa kung saan kami natapos. Bukas na lang ulit. Tutal kailangan pa rin naming mag-aral muna para sa prelims sa susunod na buwan.

Nagpaalamanan na kami sa isa’t-isa.

Ako. Heto ulit at maglalakad. Si Brett? As usual. Ayun, sinundo ulit ng kanyang asawa.

Di ba sila nagkakasawaan sa bawat isa? Lagi na lang kasing magkasama.

Selos ka lang! Sambit ng malanding konsensya ko.

Psh! Epal talaga masyado! Haha.

Naisipan ko na lang na pumunta muna sa plaza. Kakain muna ako ng street food dun. Miss ko na rin kasi ang isaw at saka chicken nuggets eh. Lols.

Kaya ayun, binusog ko muna ang sarili ko.

“Hay! Nabusog ako dun ah!” Sambit ko sa hangin. May dala rin akong Buko juice. Habang naglalakad.

Tuloy lang ako sa paglalakad nang mapansin kong mayroong piso sa may paanan ko.

Nakow! Sayang naman nito. Agad ko itong pinulot.

Nang papatayo na ako, hindi ko sinasadyang masagi sa isang tao.

Shoot!

Naibuhos ko rin sa kanya yung buko juice na iniinom ko.

Putek! Nakakahiya.

Sino ba ang may kasalanan? Ako ba o siya?

Sa sobrang shocked ko sa nangyari di ako makagalaw at di ko pa rin naaaninag ang taong nasagi ko.

Babae ba o lalaki?

“What the hell!” Bulyaw nito.

Base sa nagsalita. Nakompirma ko na lalaki ang aking nasagi.

Lupa! Lamunin mo na ako please! Now na! Nakayuko pa rin ako sa sobrang kahihiyan. Marami na ring nakikiusisa sa nangyari.

“Sorry! Sorry! Hindi ko sinasadya.” Agaran ko ritong paghingi ng tawad. Ako na lang ang aako sa nangyari. Tutal, naibuhos ko naman yung juice sa kanya. Haha.

“Sorry? Look at me now! May pupuntahan ako pero, now that I’m all wet, makakapunta pa kaya ako?” Sambit nito sa galit na tono.

Napag-isip-isip ko rin, makakapunta pa kaya siya? Napailing na lang ako sa hangin. Bakit ko ba yun pinatulan. Aish!

“Fuck! Are you stupid or something?” Dagdag niya.

Wow ha. Ang gara ng sinabi niya. Eh tang-ina, hindi ko naman sinasadya ah!

Unti-unti kong iniangat ang aking paningin sa kanya.

Galit na rin ako.

Apakan ng ego ha? Game ako diyan!

Ibubuka ko na sana ang bibig ko nang mapagtanto ko na si Mr. Gwapo pala to. Yung kanina sa Principals Office.

Literal napa-O ang bibig ko.

Napailing ito.

“What? Are you gonna just stare or apologize instead?” Iritado nitong tugon sa pagmumukha ko. “Stupid.” Bulong nito. Pinapagpag niya na rin ang damit.

Nag-igting ang tenga ko sa sinabi niya.

Stupid? Top 2 or 3 kaya ako sa buong Senior High ng school! Sinong tinatawag mong stupid? Bastard! Fuck you ka! Hindi ko kaya sinasadya! Nasaan ang hustisya dito!

Akala ko mabait. Asus, sa likod pala ng maamo niyang mukha ay isang demonyong nagkukubli lamang.

The face huh? Aanhin mo yun kung wala ka namang modo? Or courtesy man lang? Aksidente kaya ang nangyari!

“Okay, I’ve heard enough from you Mister. Look, what just happened was an accident. Malay ko bang dadaan ka sa may tao rin palang dumadaan. In that case, you’re not looking also, right? And then, it means, aksidente yun. AK-SI-DEN-TE! So, please, don’t you ever accuse me of some things that aren’t me! You don’t know me in the first place.” Mabilis kong pahayag sa kanya.

Kinuha ko naman yung panyo ko sa bulsa ng pantalon ko at iniabot sa kanya.

“Sorry for what happened. Hindi ko sinasadya.” Mas mahinahon kong tugon. Hindi ito ang tamang lugar para gumawa ng iskandalo.

Nanlumo lang ako sa pag-asang kukunin niya ang panyo.

Tinitigan niya lang ito nang mabilis saka matalim na tumingin sa akin.

Suplado!

Hayst!

Bakit ang daming suplado sa mundo!

Aish!

Nainis ulit ako sa kanya.

Ayun lang siya, matalas ang matang nakatingin sa akin. Kung sibat siguro yun, patay na ako.

Napansin kong may natira pala dun sa buko juice ko. Himalang nakatayo ito nung nabitawan ko.

Kinuha ko ito at ibinuhos ko iyon sa damit ko para quits kami di ba?

“Happy now?” Sarkastikong tanong ko sa kanya. Nagulat din yung mga taong napatigil dahil sa eksena namin.

Itinapon ko na lang sa kanya ang panyo. Lalampas na sana ako sa kinatatayuan niya ng may maalala ako. “Oh! I forgot to tell you!” Sarkastikong pagkuha ko sa atensyon niya. “I’m not stupid. No one is. Makitid lang talaga ang utak mo. At maraming tulad mo.” Huling salita ko bago ako mabilis na naglakad pauwi.



Itutuloy…



AUTHOR’S NOTE: Feel free to add my facebook account – https://www.facebook.com/theryeevangelista – and drop messages or whatsoever. It’s my pleasure adding you up.

You can also join the group – https://www.facebook.com/groups/ryeevangelistasstories/ – for teasers, updates, and activities. It will be more fun having you there.


Thanks for all the support guys!

30 comments:

  1. ooohhhhh who's the masunget slash mapoging slash transferee?? ahaha
    getting more interesting kuya hahaa

    jihi ng pampanga

    ReplyDelete
  2. Hala sino kaya ang bagong character na yun? Mukhang makikigulo siya Kay Riel ah? Excited for the next update Author keep it up lalong gumaganda flow nung story.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Magpapakilala na siya Angel sa next chapter. Haha.

      Delete
    2. This comment has been removed by the author.

      Delete
  3. Waahhh taray ni riel ha oww parang alam ko na kung san papunta ang story na ito xD medyo bitin nga lang pero ok na un :) thanks rye
    -Green ^_^

    ReplyDelete
  4. Salamat sa update. Lalong gumaganda habang tumatagal.

    ReplyDelete
  5. Wow wow wow... update agad!!

    ReplyDelete
  6. Nice one

    Eppy,2667

    ReplyDelete
  7. Hala! Sino kaya yung bagong character? at mukhang Makakagulo siya kay Riel pero solid team Red pa rin! Really excited for the next update Author keep it up maganda ang transition ng bawat eksena.

    ReplyDelete
    Replies
    1. That's true! Kaso may isa pang darating. Hahaha.

      Delete
  8. Update agad please my karibal na si red hehehe baka nga kaklase rin nila :)

    Franz
    Franz

    ReplyDelete
  9. This is nice. :D

    ReplyDelete
  10. Ang sungit naman nung bagong character. Well it all starts there. Haha So out of the pic na ba si Brett? Mr.sungit-Riel-Red na hehe Marvs :-)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi siya mawawala Marvs. Kaso may darating pang isa eh. Hoho!

      Delete
  11. AUTHOR UPDATE NA PLEASE please please

    KRVT61

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wow! Andito ka rin pala KRVT61? Thanks! Nakaschedule na yung update. Hindi ko na mababago yun. :)

      Delete
  12. Bilang si Red, bubugbugin ko yung sira-ulong kalilitaw pa lamang sa eksena!!

    Haha nice chapter :))

    Salamat sa pagbanggit sa akin sa Chapter 3!!

    - Prince Justin

    ReplyDelete
  13. Woww.. new character. Dagdag isipin nnmn pra kay riel ehe.excited for more.


    Az

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails